#Article 1: Wikipedia (970 words)


Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa kadahilanang ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.

Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyektong nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.

Ang proyektong Wikipedia ay mayroong tatlong pangunahing karakter na nagbibigay ng mga katangiang ito sa World Wide Web:

Lahat ng software para sa Wikipedia ay malayang software (MediaWiki, GNU/Linux, MySQL, at Apache).


Ang mga kalahok sa Wikipedia ay may sinusunod na pinagtibay na patakaran.

Una, dahil sa iba't ibang ideolohiya ng mga lumalahok sa Wikipedia, gagawin ng nito ang lahat ng makakaya upang manatili na walang pinapanigan ang nilalaman nito. Ang layunin ay para ipakita ang lahat ng pananaw sa mga usapin o isyu ng artikulo.

Ikalawa, maraming pamantayan sa pagngangalan ng mga artikulo; halimbawa, kung maraming ngalan ang maaaring ibigay sa isang artikulo, ang pinakakaraniwang ngalang ginagamit sa wika ang gagamitin.

Ikatlo, gumagamit ng pahinang talk o magsalita ang mga lumalahok sa Wikipedia upang mapag-usapan ang pagbabago ng mga artikulo, at upang maiwasan na mismo sa artikulo isulat ang pag-uusap. Kung patungkol sa maraming artikulo ang gustong pag-usapan, mas nararapat itong ilagay sa Meta-Wikipedia o sa mailing list.

Ikaapat, ang mga artikulong hindi nababagay ay hindi dapat gawing artikulo sa nasabing ensiklopedya. Ilang halimbawa’y ang mga pangtalasalitaang kahulugan at mga tekstong patungkol sa batas o mga talumpati.

Ikalima, maraming tuntunin ang iminumungkahi at nagtatamo ng suporta mula sa iba't ibang kalahok ng Wikipedia. Ang pinakasinusuportahang tuntunin ay kung ang isang minungkahing tuntunin ay nakawawala ng loob na lumahok sa Wikipedia, ito'y pabayaan at huwag na lamang pansinin. Kung ang isang minungkahing tuntunin ay nilabag, ito'y pinag-uusapan ng mga kalahok ng Wikipedia kung nararapat ba itong mas striktong ipatupad o hindi.

Ang nilalaman ng Wikipedia ay binabago ng libu-libong tao. Ang mga taong lumalahok sa Wikipedia ay tinatawag na mga Wikipedian sa Ingles. Ang mga Wikipedian ay ang mga taong nagpapatuloy sa pagpapalago ng malayang ensiklopedyang ito. Tinatawag na mga  (sa halip na Wikipediyano, Wikipediyano, o Wikipediano) ang mga patuloy na bumubuo sa ensiklopedyang Tagalog Wikipedia.




#Article 2: Wiki (2173 words)


Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt.

Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang mabilis o magmadali.

Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki.

Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan.

Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang Wiki Wiki ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository.

Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa What I know is (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman.

Sa pamamagitan ng WikiWikiWeb, maaring samasamang ibuo ng maraming tao ang isang dokumento sa pamamagitan ng paggamit ng isang simpleng wikang markup, gamit ang kanilang web browser. Sa kadahilanang hindi lahat ng wiki ay nakabatay sa web, ang salitang wiki ang inam na gamitin pangtukoy sa ganitong klaseng dokumento. Ang isang pahina sa wiki ay tinatawag na pahinang wiki o wiki page. Ang isang buong koleksiyon ng mga pahinang wiki na nakakawi sa isa't isa ay tinatawag na ang wiki o the wiki.

Ang ibig-sabihin ng wiki wiki ay mabilis sa wikang Hawayano, at ang bilis sa pagbuo at pagbago ng mga pahina ang naging isang kinikilalang aspeto ng teknolohiyang wiki. Karaniwan sa mga wiki ang hindi sinusuri ang mga pagbabago at karamihan sa mga ito ay bukas sa publiko o kaya sa mga taong pinapayagan na makapasok sa server. Sa katunayan, kadalasang hindi kinakailangan ang mag-rehistro at mag-bukas ng user account upang sumama sa isang wiki.

Sa tradisyonal na wiki, may dalawang porma ang mga pahina: ang pormang ipinakikita (kadalasang nasa web browser sa pamamagitan ng HTML) at ang porma kapag binabago (isang simpleng wikang markup, kung saan ang istilo at palaugnayan ay iba sa bawat wiki).

Ang dahilan sa likod nitong disenyo ay sa komplikadong at mabagal na paraan ng pagsusulat sa HTML. At nakikitang benepisyal na sa pamamagitan ng wiki, maaring hindi payagan ang paggamit ng JavaScript at Cascading Style Sheets, at maipagtitibay din ang pagkapareho ng ayos at porma ng mga dokumento.

(Mga pagbanggit sa aklat na Foundation ni Isaac Asimov na isinalin sa Tagalog)

Ang isang pahinang wiki ay may dalawang porma, ang palaugnayan ng wiki na ginagamit ng wiki engine at ang HTML-rendered na porma nito na ipinakikita sa web browser ng user.

Ang ibang kalalabas na wiki engine ay nagbibigay ng WYSIWYG na pagbabago, at nangangailangan ng ActiveX control o plugin na may kakayahang isalin ang mga graphical na instruksiyon tulad ng bold at italics bilang mga HTML tags na kayang patagong isusumite sa server. Sa lagay na ito, ang mga user na walang plugin ay may kakayahan lamang na palitan ang pahina sa pamamagitan ng HTML source ng pahina.

Ang mga instruksiyong sa porma na ginagamit ng isang wiki ay depende sa wiki engine na ginagamit nito. Ang mga simpleng wiki ay gumagamit lamang ng mga simpleng porma para sa mga teksto. Ang mga mas kumplikadong wiki ay sumusuporta sa mga talaan, larawan, pormula, at mga elementong interaktibo tulad ng pa-boto at mga laro. Dahil dito, may mga sumisikap na gumawa ng .

Ang mga wiki ay tunay na paraan sa paggawa ng hypertext na hindi linyar ang istruktura ng nabigasyon. Ang bawat pahina ay kadalasang naglalaman ng maraming mga kawi patungo sa ibang pahina; ang nabigasayong hierarchial ay kadalasang ginagamit sa malalaking mga wiki, ngunit ang paggamit ng mga ito ay hindi kinakailangan. Ang mga kawi ay ginagawa sa pamamagitan ng isang palaugnayan na tinatawag na link pattern.

Sa simula, karamihan ng mga wiki ay gumagamit ng CamelCase bilang link pattern. Ang CamelCase ay ang paggamit ng malalaking titik sa mga salita at pagtanggal ng espasyo sa pagitan ng bawat salita (ang salitang CamelCase ay isang halimbawa ng CamelCase). Pinadadali nga ng CamelCase ang paggawa ng mga links pero ang porma nito ay hindi sumusunod sa tanggap na pagbaybay. Makikilala ang mga CamelCase na wiki dahil sa mga links tulad ng TableOfContents at BeginnerQuestions.

Maraming kritiko ang CamelCase, at ang paglipat ng Wikipedia na wiki sa libreng mga kawi—kung saan ang mga salita an pinagigitna sa dobleng kuadradong braket—ang nagpaenganyo sa mga bumubuo ng wiki na maghanap ng ibang alternatibong solusyon. Maraming wiki engines ang gumagamit ng isang bracket, curly brackets, underscore, slashes at iba pang titik bilang link pattern. Ang mga links na mula sa isang wiki patungo sa ibang wiki ay nagagawa sa pamamagitan ng isang espesyal na link pattern na kung tawagin ay InterWiki.

Ang paggawa ng bagong pahina sa isang wiki a karaniwang nagagawa lamang sa pamamagitan ng pagkawi dito. Kung ang isang kawi ay walang pinatutunguhan, ito ay tinatawag bilang broken link o putol na kawi. Ang pagsunod sa kawi na putol ay magbubukas ng editor window, na kung saan mabubuo ng tagagamit ang bagong pahina. Ang mekanismong ito ay ang nagsisigurado na ang mga orphan pages o mga pahinang hindi dinudutungan ng ibang pahina ay bihirang mabubuo, at masisiguradong malaking pursiyento ng mga pahina ang mananatiling nakadugtong sa isa't isa.

Pangkaraniwan na paniniwala sa wiki ang pagpapadali ng pag-ayos ng mga pagkakamali kumpara sa pagpapahirap na hindi makagawa ng pagkakamali. Kahit na bukas sa kahit sino man ang wiki, nagbibigay ito ng proseso kung saan masusuri ang katamaan ng mga kadadagdag na pagbabago sa nilalaman ng mga pahina.

Ang pinakasikat sa mga wiki ay ang tinatawag na Recent changes o Mga huling pagbabago na pahina. Ito'y listahan ng mga pahinang kababago lamang sa loob ng ilang oras o araw. Ang ibang wiki ay may kakayahang isalang ang tala upang huwag isama ang mga pagbabagong minarka bilang minor o maliit na pagbabago o ginawa ng mga automatic importing scripts (bots).

Mula sa change log ng karamihan ng mga wiki, may dalawang tungkulin na maaring gamitin: ang revision history, na kung saan makikita ang lumang bersyon ng pahina, at ang diff, kung saan ipapakita ang mga naging pagbabago sa bawat bersyon ng pahina. Maaring bukas ang lumang bersyon ng pahina at itala upang maibalik sa naunang bersyon ang pahina. Ang diff ay magagamit upang makatulong sa pagpasya kung kinakailangan ibalik ang pahina sa isang mas naunang bersyon: Ang isang regular na tagagamit ng wiki ay may kakayahang tingnan ang mga pagbabago sa pahina at, kung ang pagbabago ay hindi katanggaptanggap, ibalik ang pahina sa naunang bersyon. Ang prosesong ito ay maaring pinadali, depende sa wiki software na ginagamit.

Kung hindi napansin ang isang pagbabago na hindi katanggaptanggap sa pahinang Mga huling binago, ang ibang wiki ay nagbibigay ng kakayahan sa mga tagagamit ng karagdagang na kuntrol sa mga nilalaman ng wiki. Ang Wikipedia ang kaunaunahang wiki na nagpakilala sa watchlists o mga babantayan, isang klaseng pangloob na pag-bookmark na ginagamit upang bumuo ng listahang na tulad ng recent changes ng mga partikular na pahinang ipinili ng user bantayan.

Kung kinakailangan, karamihan ng wiki ay makakayahang protektahan ng mga pahina upang hindi ito mapalitan. Ang mga pahinang protektado sa Wikipedia ay maari lamang baguhin ng mga administrador, na may kakayahang din tanggalin ang proteksiyon. Ang mag proprotekta ng mga pahina ay tinuturing na labag sa konsepto at pilosopiya ng WikiWiki kung kaya ito'y iniiwasan.

Habang ang karamihan ng mga wiki ay iniiwasan na gawing kailangan ang proseso ng pagrehistro, halos lahat ng wiki engine ay nagbibigay ng paraan upang bawalin ang mga tagagamit na parating lumalabag sa patakaran ng kumunidad na wiki. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-bawal sa isang tagagamit na magbago ng pahina. Ito'y nagagawa sa pamamagitan ng pagharang sa kanilang IP address. Ngunit karamihan ng mga Internet Service Provider ay nagbibigay ng panibagong IP address sa bawat log-in, kung kaya't ang paraang ng pagbawal sa IP address ay madaling malusutan.

Para sa mga maliliit na wiki ang pangkaraniwang depensa laban sa mga paulit-ulit na paninira ay ang pagpabaya na sirain ang mga pahina at mabilisang ayusin ito. Itong paraan na ito ay kadalasang hindi maaring magawa sa malalaking wiki na kung saan kinakailangan ang mabilis na aksiyon.

Bilang paglutas sa panahon ng mahigpit na pangangailangan, ang ibang wiki ay may kakayahang ilagay ang kanilang database sa read-only mode o gawing pagbabasa lamang, o ang mga user na naka rehistro lamang ang maaring magbago ng mga pahina.

Nagbibigay ang karamihan sa mga wiki ng paghahanap ng titulo, kung hindi man paghahanap ng buong teksto. Depende ang pagtaas ng antas ng paghahanap sa kung gumagamit ang wiki engine ng talaan o hindi; kinakailangan ang naka-ayos na talaan sa mabilisang paghahanap ng mga malalaking wiki. Sa Wikipedia, pinapahintulot ng tinatawag na buton na Go o Puntahan ang mga tagapagbasa na diretsong tingnan ang isang pahina na tugma sa ipinasok na tekstong hinanap. Upang mahanap ang mga ilang wiki sa isang hanapan, nilikha ang MetaWiki search engine para dito.

Dahil simple ang konsepto ng isang wiki, maraming wiki ang nabuo, mula sa isang napaka-simpleng hack na naglalaman ng mga simple at pundamental na katungkulan hanggang sa mga komplikadong sistema ng pangangasiwa ng nilalaman. Ang karamihan ng mga wiki ay malayang software, ang mga malalaking proyekto na tulad ng TWiki at ang Wikipedia na software ay binuo sa tulong ng maraming tao. Maraming mga wiki ang tinatawag din na modular at gumagamit ng mga API upang magamit ang mga programmer at developer ang tungkulin nito na hindi kinakailangan malaman ang buong codebase ng wiki.

Hindi madaling masabi kung alin ang pinakatanyag ng wiki, pero ang nangunguna siguro ay ang mga wiki na payak tulad ng UseMod wiki, TWiki, MoinMoin at ang Wikipedia na software. Tingnan ang Wiki software para sa listahan ng mga wiki engines.

Ang wiki software ay nagmula sa design pattern sa pagsusulat ng mga pattern language. Ang Portland Pattern Repository ay ang pinakaunang wiki, na binuo ni Ward Cunningham sa taong 1995 . Si Cunningham ang nag-imbento at nagbigay ng ngalang sa konseptong wiki, at ang unang bumuo ng isang wiki engine. May mga taong nagsasabi na ang orihinal na wiki lamang ang nararapat na tawaging Wiki (malaking letrang W) o ang WikiWikiWeb. Ang wiki ni Ward ay nananatiling isa sa mga pinakakilalang na Wiki na sayt.

Sa huling taon ng ika-20 siglo, dumarami ang kumikilala sa potensiyal ng wiki bilang isang teknolohiya na magagamit sa pag-buo ng mga knowledge base (pinagkukunang kaalaman) na pribado at pang-publiko. Ang potensiyal na ito ay ang dahilan kung kaya't ang mga nagtatag ng ensiklopediyang Nupedia, Jimbo Wales at Larry Singer, na gamitin ang teknolohiyang ito upang bumuo ng isang ensiklopediyang elektroniko—Ang Wikipedia ay inilunsad noong Enero 2001. Ito ay binatay sa UseMod na software, at pinalitan ng sariling codebase na malayang software na ngayon ay ginagamit ng iba't ibang mga wiki.

Sa kasalukuyan, ang Ingles na Wikipedia ay ang pinakamalaking wiki sa daigdig, at ang mga Wikipedia na nasa ibang wika ay ang bumubuo ng ibang bahagi nito. Ang ikalawang pinakamalaking wiki ay ang Susning.nu, isang knowledge base na nasa wiking Swedish, at gumagamit ng UseMod na software. Ang desisyon ng Wikipedia na hindi paggamit ng CamelCase ay ang bagay na tinitingnan bilang katunayan sa paglaki ng Wikipedia.

Mayroong mga birtwal na mga paglibot ng bus (bus tours) na magdadala sa mga bisita sa iba't ibang wiki na websites. Ito'y magdadala sa isa sa mga pahina ng mga kalahok na wiki na tinatawag na TourBusStop, na nagbibigay ng kawi patungo sa susunod na hintuan ng bus. Ito ay parang isang web ring. Ang bawat hintuan ng bus ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa wiki at maaring libutin ang wiki na iyon (getting of the bus o pagbaba sa bus), o maari din na tumungo sa susunod na wiki.

Sa kasalukuyan ang pinakamalaking wiki sa wikang Ingles ay ang Wikipedia.

Tingnan din , PHP Wiki, software na panlipunan, Bliki

Listahan ng mga sanggunian na nasa wikang Ingles o ibang wika (walang Tagalog).




#Article 3: Pilipinas (7905 words)


Ang Pilipinas, (ingles: Republic of The Philippines) opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nababahagi sa tatlong kumpol ng mga pulo na ang: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Ang punong lungsod nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila. 

Nasa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesia habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Sa silangan naman ay naroroon ang bansang Palau at sa hilaga ay naroroon naman ang bansang Taiwan.

Ang kinaroroonan ng Pilipinas sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko at malapit sa ekwador ang dahilan kaya madalas tamaan ng bagyo at lindol, ngunit nagtataglay ito ng masaganang likas na yaman at ilan sa mga pinakamagandang sari-saring nilalang na nabubuhay. Ang lawak ng Pilipinas ay 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at tinatayang may 103 milyong bilang ng tao. Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labindalawang pinakamataong bansa sa daigdig. Magmula noong 2013, tinatayang 10 milyong Pilipino naman ang naninirahan sa ibayong-dagat, na bumubuo sa isa sa pinakamalaking diaspora sa daigdig. Iba't ibang mga pangkat etniko at kalinangan ang matatagpuan sa saan mang sulok ng bansa. Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Maraming mga magkakakompetensiyang bansa o bayan tulad ng Tondo, Maynila (bayan), Ma-i, Madyaas at Kasultanan ng Sulu na naitatag sa ilalim ng pamumunò ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan.

Ang pagdating ni Fernando de Magallanes sa Homonhon, Silangang Samar noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila, ngunit naudlot ito nang mamatay siya sa Labanan sa Mactan kay Lapu-Lapu, ang Datu ng Mactan. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila.

Nang magbigay daan ang ika-19 na dantaon sa ika-20, sumunod ang pagsiklab at tagumpay ng Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral lamang ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-marahas na himagsikan.

Malaking impluwensiya o pagbabago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiya na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.

Tanyag ang bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring panluwas at sa kanyang mga Pilipinong Manggagawa sa Ibayong-Dagat o OFW. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remitans na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pangkaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call center na naglipana sa bansa.

Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor.

Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ng kapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay, labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat ng terorismo tulad ng Abu Sayyaf at BIFF sa Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.

Ang Pilipinas ay ipinangalan sa karangalan ni Haring Felipe II ng Espanya. Pinangalanan ng Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, ang mga pulo ng Leyte at Samar bilang Felipinas ayon sa pangalan ng Prinsipe ng Asturias. Sa huli, ang pangalang Las Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng Islas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Magallanes para sa mga pulo na San Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.

Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng Himagsikang Pilipino, inihayag ng Kongreso ng Malolos ang pagtatag ng República Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng Digmaang Espanyol–Amerikano (1898) at Digmaang Pilipino–Amerikano (1899 hanggang 1902) hanggang sa panahon ng Komonwelt (1935 hanggang 1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang Philippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa Kasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na Pilipinas at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay Republika ng Pilipinas.

Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa Rizal, Kalinga ay patunay na may mga sinaunang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan. Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan.

Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang Pinagmulang Kapuluan naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang Paglawak ng mga Austronesyo na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.

Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang Mula sa Taiwan, kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang kalinangan ng batong-luntian ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.

Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality.

Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.

Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at maagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na ika-21 ng Abril, taong 900, na siyang katumbas sa Kalendaryong Gregoryano ng araw na nakalagay sa Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, na siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang yugto ng pag-usbong ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na yugto ng mga Barangay ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, na nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.

Batay rin sa kasulatan, ang sinaunang Tondo ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na Lakan. Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo sa Karahanan ng Maynila sa mga produktong kalakal ng Dinastiyang Ming sa buong kapuluan.

Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang bansa ng Ma-i. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na inaakalang nasa Bay, Laguna ito, habang ang iba naman ay nag-aakalang nasa pulo ng Mindoro ito.

Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song ang Karahanan ng Butuan, isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong ika-17 ng Marso, taong 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isang Budistang namumuno sa isang bansang Hindu. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa.

Ayon sa alamat, itinatag naman ang Kadatuan ng Madyaas kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ng Dinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubong Ati na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas sa Panay (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na nasa Sumatra). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina.

Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugang Borneo na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal.

Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ng Ilog Pasig mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ng Majapahit, na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. Nabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na Luzon. Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na ang Luçon at Maynila ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga nakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ng Luçon ang lahat ng mga bayan ng mga Tagalog at Kapampangan na umusbong sa mga baybayin ng look ng Maynila. Gayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka na Luções o Lusong/Lusung, at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominenteng Luções ay si Regimo de Raja, na isang magnate sa mga pampalasa at isang Temenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng kipot ng Malaka, dagat Luzon, at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.

Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasa Pangasinan) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito sa Hapon.

Sa ika-14 na dantaon dumating at nagsimulang lumaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas. Noong 1380, sina Karim ul' Makdum at Shari'ful Hashem Syed Abu Bakr, isang Arabong mangangalakal na isinilang sa Johor, dumating sa Sulu mula Melaka at itinatag ang Kasultanan ng Sulu sa pagkumberto sa Raha ng Sulu na si Raha Baguinda Ali at pinakasalan ang kaniyang anak. Sa katapusan ng ika-15 dantaon, pinalaganap ni Shariff Kabungsuwan ng Johor ang Islam sa Mindanao at itinatag naman ang Kasultanan ng Maguindanao. Ang kasultanang uri ng pamahalaan ay lumawak pa patungong Lanao.

Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na ang Kaharian ng Maynila. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mga Bisaya. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate ang Kadatuan ng Dapitan sa Bohol. Nadali rin ang mga karahanan ng Butuan at Cebu ng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni Datu Lapu-Lapu ng Mactan laban kay Raha Humabon ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na si Raha Matanda, ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei.

Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at pagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ng Imperyong Kastila at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sinakop at inangkin ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel López de Legazpi, ang mga pulo noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong Las Islas Filipinas ayon sa ngalan ni Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula sa Bireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan sa Galyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.

Itinatag ng punong panlalawigan José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya.

Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag-aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw para sa kalayaan. Dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.

Noong taon ding iyon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupan na ang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala noong dalawang bansa.

Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng mga Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.

Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong Hulyo 4, 1946 ay ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.

Noong ika-11 ng Oktubre, 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa ika-4 ng Hulyo, 1946, kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo ni Manuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistang Hukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit nasupil ito ng sumunod kay Pangulong Elpidio Quirino na si Ramon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na si Carlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang Pilipino Muna na itinuloy ni Diosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 at ginawang Hunyo 12, na siyang araw na inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi sa Sabah.

Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kay Ferdinand Marcos. Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Noong malapit na matapos ang termino ni Marcos ay nagpahayag siya ng batas militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Ang panahong ito ng kaniyang pamumuno ay inilalarawan bilang panunupil sa pulitika, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao ngunit ang Estados Unidos ay matatag pa rin ang kanilang pagsuporta.

Noong ika-21 ng Agosto, 1983, ang kalaban ni Marcos at pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila. Sa huli, nagpatawag si Marcos ng dagliang halalan sa 1986. Si Marcos ang inihayag na nanalo, ngunit ang mga resulta ay itinuring na may daya, na humantong sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan. Si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado ay lumipad patungong Hawaii, at ang maybahay ni Benigno Aquino na si Corazon Aquino ay kinilala naman bilang pangulo.

Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan, hinarap ng administrasyong Cory Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, mga kudeta, mga sakuna at mga komunista. Umalis ang mga amerikano sa Clark Air Base at Subic Bay noong Nobyembre taong 1991.

Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete.

Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.

Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan.

Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ng Kataas-taasang Hukuman, ang Punong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.

Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin ay pagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Punong Mahistrado na si Renato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice

Ang Pilipinas ay isang prominenteng kasapi at isa sa tagapagtaguyod ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay isang aktibong tagalahok sa Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, isang kasapi ng Pangkat ng 24 at isa sa 51 mga bansang nagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 24 Oktubre 1945.

Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika sa Digmaang Malamig at ang Digmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot sa mga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ay mabuti, na nakikita ito sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa mahigit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon.
 
Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansang Taiwan, Tsina, Vietnam at Malaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng Kapuluang Spratly na masagana ng langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usaping Sabah. Sinasabing ibinigay ng Sultan ng Brunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ng Sulu pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa upa sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.

Silipin din:

Ang Pilipinas ay nababahagi sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mga lalawigan ang pangunahin na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 85 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nababahagi pa sa mga lungsod at bayan, na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 23 mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban sa Bangsamoro at Kordilyera, na mga nagsasariling rehiyon.

Tumungo sa mga lathala ng mga rehiyon at mga lalawigan upang makita ang mas malaking larawan ng mga kinalalagyan ng mga bahagi at lalawigan.

Ang Pilipinas ay isang kapuluan ng 7,641 mga pulo na ang kabuoan ng sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa . Ang baybayin nito na ang sukat ay  ang dahilan kung bakit ika-5 bansa ang Pilipinas sa pinakamalawak ang baybayin sa buong daigdig. Nasa pagitan ito ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at humahangga sa Dagat Pilipinas sa silangan, sa Dagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyang Dagat Celebes). Ang pulo ng Borneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay nasa hilaga.

Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay ang Bundok Apo. Ang sukat nito ay 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat. Nasa pulo ng Mindanao ang Bundok Apo.

Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan).

Karamihan sa mga pulong mabundok ay dating natatakpan ng tropikal na kagubatan at itong mga pulong ito ay nagmula sa bulkan. Ang pinakamataas na tuktok ay ang sa Bundok Apo sa Mindanao na 2,954 m ang taas. Maraming bulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ng Bulkang Pinatubo at Bulkang Mayon. Ang bansa rin ay nasa tinatawag na typhoon belt ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 na bagyo taon-taon.

Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag na Singsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibong fault areas sa buong daigdig.

Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay  (lower middle income). Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia . Ang GDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon. Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.

Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang. Kinabibilangan ng mga kalakal na iniluluwas ang mga semiconductors at mga kalakal na eletroniko, mga kagamitang pang-transportasyon, damit, mga produkto mula sa tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at mga prutas. Pangunahing kinakalakal ito sa mga bansang Estados Unidos, Japon, China, Singapur, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemania, Taiwan, at Tailandia.

Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon, 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ng agrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.

Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalong agrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ng krisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kondisyon ng lagay ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa sa Silangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.

Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti sa impraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax o buwis upang paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon at pagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, ang Estados Unidos at Hapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumunò ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa BBB- with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuoang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang nang 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Ang imprastrakturang pantransportasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong maunlad. Ito ay dahil sa bulubunduking lupain at kalat-kalat na heograpiya ng kapuluan, ngunit bunga rin ito ng mababang pamumuhunan ng mga nakalipas na pamahalaan sa imprastraktura. Noong 2013, humigit-kumulang 3% ng pambansang GDP ay napunta sa pagpapa-unlad ng imprastraktura – higit na mas-mababa kung ihahambing sa karamihan sa mga karatig-bansa nito. May 216,387 kilometro (134,457 milya) ng mga daan sa Pilipinas; sa habang ito, tanging 61,093 kilometro (37,961 milya) lamang ng mga daan ay nailatag.

Madalas makakakuha ng mga bus, dyipni, taksi, at de-motor na traysikel sa mga pangunahing lungsod at bayan. Noong 2007, may humigit-kumulang 5.53 milyong mga nakarehistrong sasakyang de-motor. Dumarami nang 4.55% sa bawat taon ang mga pagpaparehistro ng mga sasakyan.

Nangangasiwa ang Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas sa mga paliparan at sa pagpapatupad ng mga polisiyang may kinalaman sa ligtas na paglalakbay sa himpapawid na may 85 gumaganang pampublikong paliparan magmula noong 2014. Naglilingkod ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) sa Malawakang Maynila kasama ang Paliparang Pandaigdig ng Clark. Ang Philippine Airlines, ang pinakamatandang kompanyang panghimpapawid sa Asya na umiiral pa rin sa ilalim ng orihinal na pangalan nito, at ang Cebu Pacific, ang pangunahing pang-mababang presyo na kompanyang panghimpapawid, ay mga pangunahing kompanyang panghimpapawid na naglilingkod sa karamihang mga panloob at pandaigdigang destinasyon.

Karamihang matatagpuan sa Luzon ang mga mabilisang daanan at lansangan kasama ang Pan-Philippine Highway na nag-uugnay ng mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao, ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, at ang Subic–Clark–Tarlac Expressway.

May papel lamang ang transportasyong daambakal sa Pilipinas sa paglululan ng mga pasahero sa loob ng Kalakhang Maynila. Ang rehiyon ay pinaglilingkuran ng tatlong mga linya ng mabilis na lulan: Linya 1, Linya 2 at Linya 3. Noong nakaraan, nagsilbi ang mga daambakal sa mga pangunahing bahagi ng Luzon, at magagamit ang mga serbisyong daambakal sa mga pulo ng Cebu at Negros. Ginamit din ang mga daambakal para sa mga layong pang-agrikuktura, lalo na sa paggawa ng tabako at tubo. Halos wala nang transportasyong pangkargamento sa riles magmula noong 2014. Ilang nga sistemang transportasyon ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad: nagpapatupad ang DOST-MIRDC at UP ng mga unang pag-aaral ukol sa Automated Guideway Transit. Magmula noong 2015 sinusubok din ang kung-tawaging Hybrid Electric Road Train na isang mahabang bi-articulated bus.

Bilang isang kapuluan, kadalasang kinakailangan ang paglalakbay sa mga pulo-pulo gamit ang sasakyang pandagat. Ang mga pinaka-abalang pantalang pandagat ay Maynila, Batangas, Subic, Cebu, Iloilo, Dabaw, Cagayan de Oro, at Zamboanga. Naglilingkod ang 2GO Travel at Sulpicio Lines sa Maynila, na may mga ugnay sa iba't-ibang mga lungsod at bayan sa pamamagitan ng mga pampasaherong bapor. Ang 919-kilometro (571 milyang) Strong Republic Nautical Highway (SRNH), isang pinagsamang set ng mga bahagi ng lansangan at ruta ng ferry na sumasaklaw sa 17 mga lungsod, ay itinatag noong 2003. Naglilingkod ang Pasig River Ferry Service sa mga pangunahing ilog sa Kalakhang Maynila, kasama ang Ilog Pasig at Ilog Marikina na may mga estasyon sa Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Marikina.

Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon. Sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685. Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na ang populasyon ay humihigit sa 94 milyon.

Tinatayang ang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu. 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang. Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki.

May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ng Estados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo ng ikalawang pinakamalaking pangkat sunod sa Mehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya. May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasa Arabyang Saudi.

Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat, na kinabibilangan ng mga Moro, Kapampangan, Pangasinense, mga Ibanag at mga Ibatan. Mayroon ding mga katutubong mga pangkat gaya ng mga Igorot, mga Lumad, Mangyan, Badjao, at mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mga Negrito, gaya ng mga Aeta, at ang mga Ati, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan. Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang mga Aeta o Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kapalaran nila ay katulad din ng sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ng mga katutubong Australyano at ang mga Katutubong Amerikano. Marami sa kanila na napasanib at napahalo sa mga etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng sistematikong pag-aalis noon.

Ayon sa tala ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila, Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones, Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliit ngunit makapangyarihan na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano, Italyano, Portuges, Hapon, Silangang Indiyan, at Arabo, at mga katutubong Negrito na nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan.

Kabilang sa mga wikang banyaga sa Pilipinas ang Ingles; (Mandarin, Hokyen at Kantones); Ang Ingles; Hapones; Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang, Munting Indiya o LittleIndia pook ng korea o Koreatown, pook ng mga Amerikano o Americantown at mga Munting Amerika o LittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English; Arabe sa mga kasapi ng pamayanang Muslim o Moro; at Espanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayun pa man, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, na ang Tsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika na ang Filipino na de facto na batay sa Tagalog. Itinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bilang pangalawang wika. Ang Ingles naman ay ginagamit bilang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan.

Ayon sa pinakabagong saliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mayroong 131 wikang buhay sa Pilipinas. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang Austronesyo.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas na ibinatay sa Tagalog ngunit patuloy na nililinang at pinapagyayaman batay sa mga iba pang wika ng Pilipinas. Pangunahin itong sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ng Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang Wikang Kastila at Arabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal.

Ang Pilipinas ay bansang sekular na may saligang batas na naghihiwalay sa simbahan at estado. Subalit, ang mahigit sa 80% ng populasyon ay Kristiyano: ang karamihan ay mga Katoliko samantalang ang 10% ng mga Pilipino ay kasapi sa ibang denominasyong Kristiyano, gaya ng Iglesia ni Cristo, ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios o Dating Daan, ang Iglesia Filipina Independiente, Ang Nagkaisang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, Sabadista, Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehova. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos. Bunga ng impluwensiya ng kulturang Kastila, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa Asya na may pinakamaraming Katoliko, na sinundan ng Silangang Timor, isang dating kolonya ng Portugal.

Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ang naniniwala sa Islam Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki. Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010 samantalang itinala ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, ang 607 dito ay pampubliko at ang 1,573 ay mga pribado.

May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nakasasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian na nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.

Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na isinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang (hindi-relihiyoso) na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay ginanap sa mga wikang pang-kabahagian para sa mga (di nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahin na wika at kumalat.

Sa karagdagan, ang panitikan o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit, Constitución Política de Malolos), ay nasa sa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.

Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing si Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. Si Jose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ng Calamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, 22 wika ang alam: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Pilipino ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ng Mga nagkakaisang Bansa (UN) – si Carlos Peña Romulo.

Itinuturing na Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ng Vigan. Kabilang sana rito ang Intramuros ngunit nawasak ito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdan-hagdang Palayan o Pay-yo ng Kordilyera, na kinikilala ring ikawalong nakakahangang-yaman ng daigdig.

Ang pangunahing wika na ginagamit sa midya sa Pilipinas ay ang Filipino at Ingles. Ginagamit din naman ang ibang mga wika sa Pilipinas, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong pook na maaaring hindi kayang maabot ng ibang uri ng midya. Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas ay ang ABS-CBN, GMA at TV5 na may malawak din na serbisyong panradyo.

Ang industriya ng aliwan o tinatawag na showbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mga pahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mga artista. Tinatangkilik din ang mga teleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mga anime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mga game shows, variety shows, at mga talk shows gaya ng Eat Bulaga at It's Showtime. Tanyag din ang mga Pelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabilang sa mga pinagpipitagang direktor si Lino Brocka para sa pelikulang Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba.




#Article 4: Maynila (5992 words)


Ang Lungsod ng Maynila  (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas. Ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 na ipinasa noong ika-13 ng Hulyo, 1901 at naging awtonomo nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang Revised Charter of the City of Manila noong ika-18 ng Hunyo, 1949.

Ayon sa , ito ay may populasyon na  sa may  na kabahayan. 

Ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao.

Ang Maynila, na sumasakop ng 42.88 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon na dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.

Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog silangan, ay ginawa at dinisenyohan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham.

Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog.

Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tanggapan tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na ibinigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, Maynila, unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay mula sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit sa paggawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may nila, na may unlaping ma- na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang bagay na malago(ang nila ay maaaring Sanskrit na nila punong indigo). (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.) Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Nanatiling punong lungsod ng Pilipinas ang Maynila sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nag-aaklas laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko patungong Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Nagkakaisang mga Estado ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Varsovia, Polonya. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang Beta+ ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.

Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming dulot ng pakikipagkalakalan sa Tsina. Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang diyos ng kahariang pinamumunuan.

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo. Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo. Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, na ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Namuno sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda sa mga komunidad ng Muslim sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian sa timog ng ilog. Pinagsanib yaong dalawang komunidad ng Muslim at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita ng wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at sa mga sultanate ng Sulu at Ternate.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng  kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Joseph Estrada.

Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang Beta+ ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.

Bago at noong koloniyalisasyon ng Espanya sa Pilipinas, ang Maynila na ang kabisera ng lalawigang ito na sumasakop sa halos kabuuan ng Luzon, at kinabibilangan ng mga modernong subdibisyong pang-teritoryal ng Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Masbate at Marinduque. Kalaunan, ang mga subdibisyong ito ay ginawang mga malalayang lalawigan, at ang Maynila ay naging kasing lawak na lamang ng Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay nasa hangganan ng ilang lalawigan pero limiit pa lalo nang ginawang mga munisipalidad ang ilang parte nito at ang Maynila ay kasing lawak na lamang ng kasalukuyang Maynila (maliban na lamang sa Intramuros, ang lokasyon ng tunay na kabisera). Ayon sa kasaysayan ng lalawigang ito, pinangalanan itong Lalawigan ng Tondo na kilala noong kapanahunan ng mga Hispano.

Noong 1853, apat na pueblo o bayan sa lalawigan ng Tondo ay nakipag-isa sa lalawigan ng Laguna at itinaguyod ang pambansang distrito na pinangalanang Distrito de los Montes de San Mateo (Distritong kabundukan ng lalawigan ng San Mateo). Ang lalawigan ng Tondo ay pinag-salo sa mga lalawigan ng Cainta, Taytay, Antipolo at Boso-boso, habang ang Laguna ay isinalo sa mga lalawigan ng Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Morong, Tanay, Pililla at Jalajala. Dahil pinangalanan ang distritong ito bilang Distrito de los Montes de San Mateo, na sinasabi ng mga katutubo na masyadong mahaba, hindi bumabagay at nalilito ang karamihan na ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Tondo ay ang kabisera ng distritong kabundukan ng San Mateo at ng Morong, ay pinalitan ang pangalan nito ng Lalawigan ng Maynila noong 1859.

Noong ipinagbenta ng mga Hispano ang Pilipinas sa mga Amerikano, itinaguyod ang pamahalaang pang-sibil. Kalaunan, ang lalawigan ng Maynila ay isinawalang bisa ng komisyon ng Pilipinas, naging mga munisipalidad ang mga kasapi nito kabilang ang Moring, at dito naitaguyod ang lalawigan ng Rizal. Ilang linggo ang nakalipas at ang bagong anyo ng Maynila ay nakilala na ng buong kapuluan ng Pilipinas at isinalo ang ilang bayan ng lalawigan ng Rizal sa lungsod bilang mga distrito. Ang mga hangganan ng Maynila isinaayos noong 29 Enero 1902. Ang mga pook na kalapit-bayan ng Gagalangin ay naging kasapi ng distrito ng Tondo, kabilang ang Santa Ana na ngayon ay isang malayang distrito. Noong ika-30 ng Hulyo ng 1902, ang bayan ng Pandacan ay naging kasapi na ng lungsod bilang distrito. Sa kasalukuyan, mayroong 16 na distritong pang-heograpiya ang lungsod.

Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang Maynila ay ginawang Open City at ang mga administratibong hangganan nito ay pinalawak hanggang sa mga kalapit na lungsod at bayan. Pinangalanan itong Malawakang Maynila at naging kasapi nito ang mga distrito ng Bagumbayan (Katimugang Maynila), Bagumpanahon (Sampaloc, Quiapo, San Miguel at Santa Cruz), Bagumbuhay (Tondo), Bagong Diwa (Binondo at San Nicholas), at ang bagong kakataguyod na Lungsod Quezon na hinati sa dalawang distrito at ang mga munisipalidad ng Kalookan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Navotas, Parañaque, Pasay at San Juan ay naging distrito ng Maynila.

Noong 1948, ang Lungsod Quezon ang naging kabisera ng Pilipinas. Kalaunan, noong 29 Mayo 1976, ibinalik ni pangulong Ferdinand E. Marcos ang titulong kabisera ng Pilipinas sa Maynila na hango sa kautusang Presidential Decree No. 940 na nagpapahayag na ang pook na inireseta para sa Kalakhang Maynila sa kautusang Presidential Decree 824 ay ang dapat kalugaran ng ng pambansang pamahalaan.

Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang Maynila ay mayroon tropikong tag-init at tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko kasama ng buong Pilipinas. Ang lapit nito sa ekwador ay nangangahulugan na ang temperatura ay mababa, kung minsan ay mas mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa 38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas mainit ang panahon.

Sa populasyong 1,660,714 sa lawak na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na nahihigitan ang lahat ng pangunahing lungsod ng mundo na may 43,079 katao/km². Ang ika-6 na distrito ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na may 68,266 katao/km² at sumunod ang una at ikalawang distrito (kabuuan ng Tondo) na may 64,936 (una) at 64,710 (ikalawa) katao/km². Ang ikalimang distrito ang may pinakamaliit na kapal ng populasyon na may 19,235 katao/km².

Ang kapal ng populasyon ng Maynila ay nahihigitan ang mga lungsod na Paris (20,164 katao/km²), Shanghai (16,364 katao/km², sa distritong Nashi ang may densidad na 56,785 katao/km²), lungsod ng Buenos Aires (2,179 katao/km², na ang pinakamaliking densidad ay ang Lanus na may 10,444 katao/km²), Tokyo (10,087 katao/km²) lungsod ng Mehiko (11,700 katao/km²), at Istanbul (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad ay ang distritong Fatih na may 48,173 katao/km²).

Pagdating naman sa kabuuang kalakhan, ang Kalakhang Maynila ay ika-85 ang pwesto na may 12,550 katao/km² at may lawak ng lupain na 1,334 km², na nahihigitan pa ng Lungsod ng Cebu na pumasok ika-80 ang pwesto.

Ang opisyal na wika ay Filipino na kilala bilang Tagalog, habang ang Ingles ay malawakang ginagamit sa edukasyon at trabaho sa buong Kalakhang Maynila na itinuro ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Ang Hokkieng Intsik ay malawakang ginagamit sa mga komunidad ng Tsinong-Pinoy. May mga matatandang naninirahan na gumagamit ng pangunahing Hispano, na isang sapilitang paksa sa kurikulum ng mga unibersidad at pamantasan sa Pilipinas hanggang 1987. Maraming mga batang Europiyano, Arabo, Indiyan, Latinong Amerikano at iba pa na ang pangunahing wika ay ang sariling wika ng kanilang magulang o ang wika ng kinalakihang bansa o estado.

Ang ekonomiya ng Maynila ay maraming pinanggagalingan. Dahil sa mga puerto nitong napapangalagaan, ang Maynila ang naging National Chief Port ng bansa. Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas.

Ang mga produkto na maaring mabili dito ay mga kemikal, tela, damit, mga elektronikong kagamitan, relo, bakal, gamit na gawa sa katad, mga ibat ibang klase ng mga pagkain, at mga sapatos. Ang pagtitinda ng mga pagkaing tinge at inumin kabilang ang produktong tabako ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay nangangalakal din sa mga dayuhan. Ang mga kagamitan na ipinangkakalakal nila kapalit ng pera ay mga tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog.

Maunlad na industriya ang turismo. Ang Maynila ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong dayuhan dahil ito ang pangunahing pook panturismo ng bansa. Madalas puntahan ng mga dayuhan ang distrito ng Binondo, Ermita, Intramuros at Malate.

Lahat ng distrito ng lungsod maliban na lang sa Puerto ng Maynila ay may sariling pamilihang bayan o palengke. Ang pamilihang bayan ay nahahati sa dalawa, ang mga seksiyong tuyong pagkain at gulay. Masagana ang mga pamilihang bayang ito lalo na kapag umaga. Dahil sa programang urbanisasyon ng pamahalaang Maynila, naisaayos ang karamihan ng pamilihang bayan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pamilihang pambayan ng Santa Ana at pamilihang pambayan ng Pritil. Kung ang isang tao ay naghahanap ng mumurahing kagamitan, maaaring siyang makahanap sa Divisoria at Quiapo.

Ang mga modernong liwasan ay nakakalat sa lungsod at ang karamihan ay nasa distrito ng Malate at Ermita. Ang SM City Manila, na isa sa mga pinakamalaking liwasan ng bansa, ay nakatayo katabi ng Bahay-Pamahalaang panlungsod ng Maynila at ang orihinal na liwasan ng SM ay umiiral pa rin sa Carriedo sa Santa Cruz. Ang isa sa mga popular na liwasan sa Maynila ay ang Robinson's Place Ermita. Sa katimugan naman ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang Harrison Plaza, isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na magastos tirahan.

Ang arkitektura ng Maynila ay isa sa tanyag at kilala, kahit na ang lungsod ng Makati ang may mas maraming gusali. Kilala ang Maynila sa pagiging lugar na kinaroroonan ng Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging gotikang simbahan sa Asya, pati ang Simbahan ng San Agustin at Simbahan ng Quiapo.

Noong sinakop ng mga Hispano ang kapuluan ng Pilipinas, karamihan sa mga istraturang itinayo sa lungsod ay mga simbahan at paaralan na kahugis ng mga gusali sa Espanya. Noong kapanahunan naman ng Amerikano, sinikap ni Daniel Burnham na palaguin at ibahin ang hitsura ng Maynila; hindi natuloy ang plano dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa panahon ding ito ginawa ang Bulebar Seaside, na tinagurian ding Bulebar Dewey at ngayon ay Bulebar Roxas. Ang isa sa mga napalaganap ng Amerikano ay ang pagkilala sa Pilipinas ng Tram, na unang ipinatakbo dito sa Maynila. Nang inihalal bilang alkalde si Lacson, ipinawasak niya lahat ng pook ng mga mahihirap at ipinatayo ang Lacson Underpass, na ang kauna-unahang daanang pailalim sa Pilipinas. Ginawa niyang pook pangnegosyo ang mga pook kung saan dating nandoon ang mga iskwater. Noong naging alkalde si Atienza, lumaganap sa Maynila ang mga gusaling tukudlangit at mga liwasan, kabilang dito ang Manila Ocean Park. Pununa ng ilang mananalaysay ang ginawang pagsira ni Atienza sa natitirang gusali ng mga Amerikano para mabigyan-puwang ang bagong gusali ng Kagawatan ng Katarungan. Maraming gusali ang ipinapatayo sa kasalukuyan na uukit sa Maynila at pati na ng kondehan nito.

Ang pagiging kosmopolitano ng lungsod at pagkakaroon ng iba't ibang kultura ang sumasalamin sa Maynila dahil sa dami ng mga pook-pananampalataya na nakakalat sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas na umiiral pa simula noong maitaguyod ang bansa ang dahilan para magkaroon ng iba't ibang pananampalataya. Ang mga tao na may iba't ibang sekta ang kumakatawan ng may gabay ng mga simbahan ng Kristyano, mga templo ng Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga Islamiko.

Ang Maynila ang kabisera ng Arkidiyosesis ng Pilipinas, ang pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa. Ang tanggapan ng arkidiyosesis ay matatagpuan sa katedral ng Maynila (Basilica Minore de la Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion) sa Intramuros. Ang lungsod ay nasa pamamahala ng Patronahe ng San Andres.

Dahil ito ang kinalagyan ng pamahalaang kolonyal sa mga nakalipas na siglo, ang Maynila ang nagsilbing base ng mga misyonaryong Katolisismo ng bansa. Kabilang sa mga orden na nasa Pilipinas ay ang mga Dominikano, Heswita, Pransiskano, Agustino (kasapi na rin ang Augustinian Recollects), Benediktino, madre ng San Pablo ng Chartes, padre ng Vinsentino, ang kongregasyon ng mga Immaculati Cordis Mariae, at ang De La Salle Christian Brothers.

Ilang kilalang mga simbahan at katedral sa lungsod ay ang mga simbahan ng San Agustin sa Intramuros, ang dambana ng kinorunahang imahe ng Nuestra Señora de Consolación y Correa, isang UNESCO World Heritage Site na isang paboritong pook pangkasalan ng mga kilalang tao at isa sa dalawang de-erkon na simbahan sa lungsod; Simbahan ng Quiapo, kilala rin bilang Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ginaganap ang taunang prosesyon ng itim na Nazareno, Simbahan ng Binondo na kilala rin bilang Minore de San Lorenzo Ruiz, Simbahan ng Malate na dambana ng Nuestra Señora de Remedios, Simbahan ng Ermita na tahanan ng pinakalumang imaheng Marian sa Pilipinas na si uestra Señora de Guia, Simbahan ng Tondo na tahanan ng daang taong kulay-garing na imahe ng Sto. Niño (Batang Hesus), Simbahan ng Sta. Ana na dambana ng kinoronahang imahe ng Nuestra Senora de los Desamparados at ang San Sebastian o Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging simbahan na may estilong gotika sa Asya.

Ang Maynila ang tahanan ng ilang kilalalang mga simbahan ng mga Protestante sa Pilipinas na itinaguyod ng mga misyonaryong Amerikano. Bilang lamang ang pook pananampalataya na naitayo sa lungsod. Ang karamihan naman ay matagpuan sa mga kalapit na lungsod at mga lalawigan.

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga grupo ng mga iba't ibang pananapalataya tulad ng mga misyonaryong Protestante ay pumunta sa Pilipinas kasama ang mga Babtis, mga Nasarin, mga Pentakostal, mga Kristiyano at itinaguyod ang kanikanilang paaralan at simbahan.

Ang pinakakilalang panampalataya sa Pilipinas.  Ang Iglesia ay may mga kapilya at simbahan sa lungsod na kilala sa mga makitid at nakaumang mga taluktok. Ang punong himpilan ng mga Iglesia ay matatagpuan sa abenida Komonwelt sa Lungsod Quezon.

Maraming itinaguyod na templong mga Budismo at Taoist ang mga Tsino sa Maynila. Ang distritong Quiapo ay ang tahanan ng malaking populasyon ng Muslim sa Maynila at ang Masjid Al-Dahab ay matatagpuan dito. May malaking templo ng Hindu para sa mga Indiyano ang matatagpuan sa Ermita at sa abenidang U.N. matatagpuan ang templo ng Sikh at ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Sa abenidang Quirino sa Malate matatagpuan ang sinanog para sa maliit na komunidad ng mga Hudyo sa Pilipinas. Kalaunan, lumipat ang mga ito sa Makati sa kalye Tordesillas.

Sa katimugang bahagi ng Intramuros matatagpuan ang Liwasang Rizal, ang pinakatanyag na liwasan ng bansa. Kilala rin ang Liwasang Rizal bilang Luneta (gasuklay ang hugis sa salita ng mga Hispano) at dati bilang Bagumbayan. Ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay nasa lugar kung saan si José Rizal, ang pambansang bayani ng bansa, ay pinaslang ng mga Hispano sa kasong pag-aalsa. Itinayo ang monumento para sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng watawat sa kanluran ng monumento ni Rizal ay ang ginagamit pansukat para sa mga masukat ang layo ng bawat lungsod, kalye, pulo at mga bayan sa bansa dahil dito nagmumula ang kilometrong sero.

Ang iba pang magagandang pook sa liwasang Rizal ay ang mga hardin ng Tsino at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas, Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, ang Planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion na parehong mga oditoryum, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang pook na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang pook na may magagandang maihahandog na presentasyon, at ang Quirino Grandstand.

Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang pook pang-masa. Kinabibilangan ito ng liwasang Rajah Sulayman, Manila Boardwalk, liwasang Bonifacio, Plasa Miranda, Mehan Garden, liwasang Paco, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plasa Balagtas at ang Malakanyang Garden. Noong 2005, binuksan sa masa ni alkaldeng Lito Atienza ang Pandacan Linear Park, na isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisang Pandacan at mga pangkomersyong tahanan na nasa baybayin ng ilog Pasig. Sa hilagang parte ng lungsod nandodoon ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng kalakhang Maynila. Ang Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga hayop-dagat.

Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Ang karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay nangasa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.

Ang mga tanyag na distrito ng Ermita at Malate ay may mga pook pang-aliwan tulad ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, pangsining at pangkulturang gusali at mga antigong tindahan. Maunlad dito ang negosyong pang-industriya at turismo at sa gabi hanggang sa madaling araw tanyag ang mga kasino, klub, bar, pook-pamkapihan at mga disko dahil buhay ang diwa ng buhay Bohemyan. Sa kalagitnaan ng lungsod nandodoon ang Intramuros, at ang mga pook ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na tahanan, at mga kalesa. Nakakalat sa buong lungsod ang ibang pang mga makasaysayang pook at pook-palatandaan, mga liwasan, mga museo, at mga pook-pampalakasan.

Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng hotel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay matatagpuan sa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.

Katulad ng mga lungsod sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamamahalaan ng isang alkalde na namumuno ng mga eksklusibong kagawaran ng lungsod. Ang kasalukuyang alkalde para sa terminong 2007-2010 ay si Alfredo Lim, na gumawa ng pagbabalik sa bahay-pamahalaang panlungsod ng Maynila na pagkatapos ng pagsisilbi ng 3 taong termino bilang senador. Ang alkalde ng lungsod ay may tatlong termino (siyam na taon ang kabuuan), at pwedeng ihalal muli kung lalaktaw ng isang termino.

Si Isko Moreno ay ang kasalukuyang bise-alkalde ng lungsod ang namumuno sa mga pambatasang kawil ng lungsod na binubuo ng mga nahalal na mga konsehal na namumuno sa anim na distritong pambatas ng Maynila.

Ang lungsod ay nahahati sa 897 na mga barangay, ang pinakamaliit na lokal na yunit na pamahalaan ng Pilipinas. Ang bawat barangay ay may sariling kagawad at konsehal. Para sa mas maayos na sistema ayon sa mga administratibo, ang lahat ng barangay sa Maynila ay igrinupo sa 100 mga sona at muling igrinupo para buuin ang 16 na distritong pang-heograpiya. Ang mga distrito at sonang ito ay walang anumang uri ng lokal na pamahalaan.

Ang lungsod ay may anim na mga kinatawan na ihinahalal para sa kapulungan ng mga kinatatawan ng Pilipinas, ang mas mababang uri ng pambatasan na isa sa mga kawil ng administrasyon ng Pilipinas. Ang bawat kinatawan ay rumereprisinta sa isa sa bawat anim na tagapagbatas na distrito ng Maynila.

Ang sagisag ng lungsod ay naglalaman ng mga salitang Lungsod ng Maynila at Pilipinas na paikot sa isang kalasag sa loob ng isang bilog. Ang pabilog ay naglalaman ng anim na dilaw na bituwin na sumisimbolo sa anim na distritong pambatas ng Maynila. Ang kalasag, na kinuha ang inspirasyon noong kapanahunan ng Hispano, ang lumalarawan sa palayaw na Pearl of the Orient at nakapwesto sa hilagang-gitna; dagatleon sa gitna, na naimpluwensiyahan ng Hispano; at ang agos ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila sa katimugang parte. Ang mga kulay ng selyo ay sumasalamin sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang dagatleon sa selyo ng Maynila ay hiniram ng Singapore para sa kanilang merlion.

Ang lungsod ay nababahagi sa labing-anim na distrito. Isa lang ang distritong hindi isang bayan, na ang Pier ng Maynila. Walong (8) distrito ay  nasa hilaga ng Ilog Pasig at walo (8) sa timog. Ang San Andres Bukid ay dating bahagi ng Santa Ana, habang ang Santa Mesa ay dating bahagi ng Sampaloc. Ang mga distritong ito ay di dapat ikalito sa anim na pangkinatawang distrito ng Maynila.

Lahat ng distritong ito, na hindi kinabibilangan ng Puerto ng Maynila, ay may sariling mga simbahan, at ang ilan sa mga distritong ito ay nakamit ang pagkakilanlan sa sariling paninindigan. Ang Intramuros bilang pinakamatanda at naging orihinal na Maynila ay naging makasaysayang pook. Ang distrito ng Binondo ay ang Chinatown ng lungsod. Ang Tondo ay ang may pinakamalaking kapal ng populasyon, pinakamalawak na nasasakupan at nangunguna pagdating sa kahirapan. Ang pambansang bayani na si Jose Rizal ay tinatangkilik sa Liwasang Paco at iba pang pook sa Maynila. Ang mga distrito ng Ermita at Malate ay kilala at sikat sa mga turista, dahil marami ditong bar, kainan, limang-bituing otel, at liwasan. Ang mga distrito ng San Miguel at Pandacan ay tumatayong tahanan ng opisyal na residente ng Pangulo ng bansa, ang Palasyo ng Malakanyang.

Ang lungsod ng Maynila ang kabisera ng Pilipinas at ang tahanan ng mga politika sa bansa. Noong kapanahunan ng pamahalaang kolonyal ng Amerikano, nagpahayag sila ng magiging hitsura ng lungsod sa labas ng pader ng Intramuros. Sa kalapit na Bagumbayan o sa kasalukuyan ay ang Liwasang Rizal, ang piniling sentro ng pamahalaan at ang komisyon ng pagdidisenyo ay ipinaubaya kay Daniel Burnham para gumawa ng plano para sa lungsod na hango sa Washington D.C.. Napabayaan yaong plano at natigil ang konstruksiyon dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Dahil sa pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon, ang bagong sentro ng pamahalaan ay inilipat sa mga bundok sa hilagang silangan ng Maynila, na ngayon ay Lungsod Quezon. Lumikha ng base ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa Lungsod Quezon. May mga importanteng opisina na nanatili sa Maynila tulad ng Opisina ng Pangulo, ang Korte Suprema, Hukuman ng Apela, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kagawaran ng Badyet, Pananalapi, Kalusugan, Katarungan, Paggawa at Empleyo, at Turismo. Ang Maynila din ang tahanan ng iba't ibang importanteng institusyong pambansa tulad ng Pambansang Aklatan, Pambansang Arkibos, Pambansang Museo at Pambansang Ospital ng Pilipinas.

Ang Maynila ang tahanan ng mga unibersidad, dalubhasaan at pamantasan sa Kalakhang Maynila. Ang tinaguriang Sinturon ng mga pamantasan na kilala ng bansa na may magandang edukasyong maihahandog ay matatagpuan sa distrito ng Malate, Ermita, Intramuros, Paco, San Miguel, Quiapo at Sampaloc. Ilan sa kanila ay ang mga pamantasang pang-estado katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila sa Ermita at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas, Pamantasan ng Kababaihan ng Pilipinas, Pamantasang De La Salle-Maynila at De La Salle-College of Saint Benilde sa abenidang Taft; mga katolisismong pamantasan katulad ng Kolehiyo ng San Beda sa San Miguel, Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc at ang Pamantasan ng San Pablo sa Ermita; mga pribadong pamantasan tulad ng Pamantasan ng Silangan, Pamantasan ng Dulong Silangan at Pamantasang Centro Escolar sa Recto; at ang mga katolisismong pamantasan na Colegio de San Juan de Letran, Mapúa Institute of Technology at ang Lyceum of the Philippines University; at ang pamantasang pag-aari ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, dalubhasahang lungsod ng maynila o @Universidad de Manila sa may tabi ng Estasyong Central Terminal ng LRT-1.

Ang dibisyon ng mga pamantasan ng lungsod-Maynila na isang sangay ng kagawaran ng edukasyon ay tumutukoy sa tatlong pampublikong sistema ng edukasyon ng lungsod. Namamahala ito ng 71 elementaryang pampublikong paaralan, 32 pampublikong mataas na paaralan, at 2 pampublikong unibersidad.

Ang lungsod din ang namamahala sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang pilotong pang-agham na iswkelahan ng Pilipinas; ang Pambansang Museo ng Pilipinas, kung saan ang matatagpuan ang Spoliarium ni Juan Luna, ang Kalakhang Museo, ang pangunahing museong moderno at dalubhasa sa mga biswal na sining; ang Museong Pambata, pook na pabor sa mga kabataang Pinoy para sila ay matuto at ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matatagpuan sa liwasang Rizal.

Ang gusali ng Post Office na tahanan ng korporasyong pamkoreo ng Pilipinas ay matatagpuan sa talampakan ng Tulay ng Jones. Ito rin ang tahanan ng Philippine Postal Bank, ang pangunahing kompanya na nagpapatakbo ng tagahatid ng mga koreo sa bansa.

Ang Maynila ang tahanan ng mga pangunahing kompanyang tagalathala sa Pilipinas. Sa pook daungan matatagpuan ang karamihan ng punong himpilan ng mga ito. Ang industriyang tagalathala ng mga kasalukuyang pangyayari ay isa sa mga legasiya ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, na gumawa ng daan para kalayaan ng mga tagapaglathala. Ilan sa mga pangunahing publikasyon sa Maynila ay ang Manila Times, ang Manila Bulletin, ang Philippine Star, ang Manila Standard Today, The Daily Tribune at marami pang iba.

Ang Maynila ang tahanan ng ilang pambalita at opisinang tagapaghatid ng pahayagan, ahensiya o serbisyo na kinabibilangan ng Office of the Press Secretary at Radio-TV Malacañang o RTVM (ang tagapagbalita ng Mga Pangulo ng Pilipinas) na matatagpuan sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang lungsod din ang tahanan ng prestihiyoso at eksklusibong organisasyon ng mga manunulat na tinawag na Samahang Plaridel. Ang mga miyembro ay kinabibilangan ng ilang kilalang tagapaglathala, patnugot, at taga-pagbalita ng bansa.

Ang punong himpilan ng mga pangunahing estasyon ng TV ay matatagpuan sa Lungsod Quezon at hindi lahat ng studyo ng Kamaynilaang Pinalawig ay matatagpuan sa Maynila.

Ang Maynila bilang pangunahing lungsod, ay mayroong iba't ibang uri ng mga transportasyon. Ang pinakilala sa lahat ng uri nito ay ang mga dyipni na sinimulang gamitin pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. May mga kilala rin transportasyon bukod sa dyipni tulad ng mga bus, taksi at Tamaraw FX. Ang mga motorsiklo at pedicab ay ginagamit sa mga bumabiyahe ng maiikling distansiya. Sa ilang pook, lalo na sa Divisoria, ang mga motor pangtinda ay pinagkakasya sa pedicab para mahatid ang mga paninda. May pook na pinagpapaliban ang modernong kapanahunan tulad ng Binondo at Intramuros na gumagamit pa rin ng Kalesa.

Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng SMRP ng Maynila (ang uring ito ng transportasyon ay bukod pa sa MRTS o Metro Rail Transit System). Isa sa mga prioridad ng proyektong pambayan ay nakatoon sa pagpapaluwag ng masikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Ang pagpapaunlad ng sistema ng riles ay nagsimula noong itinaguyod ito noong dekada 70 sa pamamahala ng administrasyon ni Marcos at ito ang kauna-unahang transportasyon ng riles sa Timog-silangang Asya. Kamakailan lang, ang sistema ng riles ay nakaranas ng malawigang pagpapalawak dahil sa paglaki ng populasyon ng lungsod. Ito ay nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar. Ang layunin ng proyektong ito ay magkaroon ng alternatibong uri ng transportasyon para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga sasakyan. Dalawang linya nito ang nagsisilbi sa mga naninirahan sa lungsod, ang linyang berde na dumadaan sa abenidang Taft (R-2) at abenidang Rizal (R-9), at ang linyang bughaw na dumadaan sa bulebard ng Ramon Magsaysay (R-6) simula Santa Cruz, patungong Lungsod Quezon hanggang sa Santolan sa Pasig.

Ang lungsod ang kabisera ng pamahalaan ng riles sa Luzon. Ang pangunahing terminal ng Pambansang Daanan ng mga riles ng Pilipinas ay matatagpuan sa Tondo. Ang mga daanan ng riles na pinalawig at sa kasalukuyan ay dumadaan sa San Fernando, Pampanga at sa Legazpi, Albay.

Ito ang mga pangunahing sistema ng riles. Ang mga estasyon na nasa talaan na ito ay matatagpuan sa Maynila:

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (PPNA) ang nagsisilbi sa Maynila, kalakhang Maynila at sa mga kalapit lalawigan. Ang Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong 1999 ng Oktubre. Ang Philippine Airlines na nagbibigay karangalan sa ating bansa ang gumagamit sa terminal na ito para sa lokal at pandaigdigang lipad. Ang ilang pandaigdigang lipad ang gumagamit sa orihinal na terminal ng PPNA. Binuksan sa publiko ang PPNA-3 noong Agosto ng 2008. Ito ang tahanan ng Cebu Pacific, Air Philippines at PAL Express na nakatuon sa mga pandaigdigan na lipad. Ilang kilometro lang ang layo ng PPNA sa Maynila kaya naman ang mga dayuhan ay madaling makakapasok at makakaalis ng lungsod.

Ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila ay igrinupo bilang mga daang radyal at daang palibot (radial roads and circumferential roads). Ang Bulebar Roxas, ang pinakakilalang lansangan sa Maynila, ay matatagpuan sa dalampasigan ng Look ng Maynila. Ang naturing na bulebar ay kabilang sa Daang Radyal Blg. 1 (o R-1) na patungong Kabite. Ang Bulebar Espanya na kabilang sa Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ay nag-uumpisa sa Quiapo at nagtatapos sa Welcome Rotonda na nasa hangganan ng Lungsod Quezon. Ang lansangang Pres. Sergio Osmeña Sr. na kabilang sa South Luzon Expressway o Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ay ang pinaka-importanteng lansangan na dumudugtong sa Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Dalawa sa mga anim na daang palibot ay matatagpuan sa loob ng lungsod: ang C-1 at C-2.

May walong pangunahin na tulay sa Maynila. Ang karamihan sa mga ito ay idinudugtong ang katimugang parte ng Maynila sa hilagang parte nito. Dahil hinahati ng ilog Pasig ang kalakhang Maynila sa dalawa, karamihan ng tulay sa kalakhang Maynila ay pinagdudugtong ang hilaga at katimugang parte nito. Mayroong dalawang tulay na riles na tumatawid sa ilog, ang Light Rail Transit 1 at ang daanan ng Philippine National Railways. Ang mga tulay na nakatala sa ibaba ay nakasaayos simula kanluran hanggang silangan. Ang Del Pan, na pinakamalapit sa bukana ng ilog Pasig at look ng Maynila ay ang nauuna sa talaan kung pagbabasihan ang pagsasaayos mula kanlurang hanggang silangan.

Ang daungan ng Maynila na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila, ay kinilala bilang Pambansang Punong pandaungan ng Pilipinas dahil ito ang pangunahing daungan ng bansa. Pinagsisilbihan nito ang pangunahing pangangailangan ng lungsod tulad ng ekonomiya at pinauunlad ang turismong panindustriyal. Ang hilaga at katimugang daungan ay nakakaranas ng pagka-abala twing bakasyon o mga araw na may selebrasyon tulad ng Mahal na Araw, Araw ng Kalululuwa at Kapaskohan.

Ang bukana ng Ilog Pasig ay matatagpuan sa lungsod. Ang Pasig River Ferry Service na nagpapatakbo ng 17 estasyon na matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig simula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang sa lungsod ng Pasig ang nagsisilbing pantawid at transportasyong pandagat ng kalakhang Maynila.

Pitong estasyon ang matatagpuan dito sa Maynila. Nakatala sa ibaba ang mga estasyon at nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod:

Ang Maynila ang tahanan ng punong himpilan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan sa Pilipinas, ang pangunahing opisina ng Kagawaran ng Kalusugan, at ilang opsital at medikal na pasilidad. Ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila na may kakayahang magplano at magpatupad ng mga programmang pangkalusugan sa  lungsod, ay nagpapatakbo ng 44 na medikal na pasilidad at mga pasilidad na matatagpuan sa mga imprastraktura na nakakalat sa buong lungsod. Ilan sa mga tanyag ospital ng lungsod ay ang Manila Doctors' Hospital at Philippine General Hospital sa Abenidang Taft; Chinese General Hospital and Medical Center, Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at San Lazaro Hospital sa distrito ng Santa Cruz; University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc; at ang Ospital ng Maynila Medical Center na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Malate.

Ang Maynila ay may 33 mga kapatid na lungsod (lokal at pandaigdigan) at tatlong kaalyadong lungsod.




#Article 5: Ensiklopedya (703 words)


Ang isang ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (wikang Espanyol: enciclopedia, wikang Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.

Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia (sa loob ng sirkulo ng pagturo). Mula sa salitang εγκύκλιος, na may ibig sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang κύκλος o sirkito at παιδεία, o instruksiyon.

Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang Encyclopædia Britannica ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet Encyclopedia.

Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong ensiklopedya ay ginamit lamang noong ika-16 daantaon.

Maraming naunang manunulat (tulad ni Aristotle) ang sumubok na isulat ang buong kaalman ng tao. Ngunit si John Harris ay ang madalas na kinikilala sa pagbu noong 1704 ng format na ginagamit ng mga ensiklopedya ngayon sa pamamagitan ng kanyang Lexicon technicum. Ang doktor na si Sir Thomas Browne ay gumamit ng salitang ensiklopedya upang tawagin ang pinagsamsang refuted Vulgar Errors na tinatawag din bilang Pseudodoxia Epidemica noong 1646 (ika-6 na edisiyon 1676). Ang kinikilalang Encyclopædia Britannica ay mayroong mapakumbabang pinagmulaanan: mula 1768 hangang 1771 tatlong tomo ang naipalimbag. Maari na ang pinakakinikilalang sa mga naunang ensiklopedya ay ang French Encyclopédie ni Jean Baptiste le Rond d'Alembert at ni Denis Diderot na nabuo noong 1772 (28 tomo, 71,818 na artikulo, 2,885 na larawan o ilustrasyon).

Ang hirarkiyal na kaayusan at ang paglaki ng mga ensiklopedya ay bagay na bagay sa disk-based o on-line na pormang pangkompyuter, at ang karamihan ng mga nakasulat na ensiklopedya ay lumipat na sa ganitong paraan ng paglimbag sa katapusan ng Ika-20 siglo. Disk-based (kadalasang sa pormang CD-ROM) ay murang murang magagawa at napakadaling dalahin kung saan saan. At maari din magsama ng mga impormasyong hindi magagawa sa nakasulat sa papel na porma tulad ng mga animation, audio, at video. Hyperlinking mula sa mga iba't ibang bagay ay malaki din ang naitutulong, dahil makakatipid sa oras sa pagbuklat ng mararaming tomo ng kasulatan. Ang on-line na ensiklopedya ay nagbibigay naman ng impormasyong dynamic - ang mga makabagong impormasyon ay maaring agad-agad na maidadagdag sa dokumento na hindi kaya ng pormang statiko tulad ng galing sa CD-ROM o libro.

Ang mga impormasyon sa nakalimbag na ensiklopedya a nangangailangan ng isang hirarkiyal na kaayusan, at kadalasan ang ginagamit na paraan ay ang pagaayos ng mga impormasyon base sa alphabeto ng mga titulo. Sa pamamagitan ng dynamic na porma, ang ganitong klaseng kaayusan ay hindi na kinakailangan. Ngunit, karamihan ng mga elektronik na ensiklopedya ay nagbibigay pa rin ng kaayusan sa mga artikulo nito tulad ng pagaayos ayon sa paksa o ang pangkaraniwang ayos base sa alphabeto.

Ang artikulong ito ay parte ng Wikipedia, na isang ensiklopedya.

Hindi mali ang mga baybay na encyclopedia, encyclopaedia, o encyclopædia. Gayon man sa kasaysayan, kumakatawan sa isang napakalumang pagkakamali ang dalawang nahuli. Ayon sa Oxford English Dictionary, isang psuedo-Greek ang baybay na may ae o æ at isang anyo na lubusang mali (sinasabing maling pagbasa) na nangyayari sa MSS. ni Quintilian, Pliny, at Galen. Sinusulat ng Oxford English Dictionary na di matagpuan ang æ sa orihinal na Griyego enkyklios paideia para sa edukasyong encyclical, isinisalarawan bilang ang sirkulo ng sining at agham na inaayunan ng mga Griyego bilang kailangan sa isang liberal na edukasyon. 
 
Pinapahayag ng Oxford English Dictionary na ang baybay na may æ ay pinangalagaan na maging lipas na sa pamamagitan ng katotohanan na may pamagat na Latin bilang Encyclopædia Britannica ang karamihan ng mga tinatawag na mga gawa. Kinabibilangan ng gayong ensiklopedya ang pinagbigkis na anyo na æ sa kanyang opisyal na pangalan.

Di bababa sa kalahati ang pagkabanggit sa Oxford English Dictionary sa mga tinatawag na maling baybay. Di naghahayag ng pagpili ang Oxford English Dictionary o ang Webster's Third New International Dictionary, bagaman nilalagay ng Britanikong Oxford English Dictionary ang anyong æ sa una, at nilalagay naman Amerikanong Webster sa ikalawa.

Tingnan ang listahan ng mga ensiklopedya para sa mga link sa isang partikular na ensiklopedya.




#Article 6: Kalakhang Maynila (2820 words)


Ang Kalakhang Maynila (), tinatawag din bilang Pambansang Punong Rehiyon (), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod Quezon, Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na  at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers,  ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon.

Isang makasaysayang kaharian na kilala bilang Maynila ang sumaklaw sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ng Maynila at Tondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ng Tambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ng Cainta. Naging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at ang Intramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ng Manila at 23 iba pang mga bayan. Ang Mariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ng Rizal.

Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal na lungsod pandaigdig. 

Ang galeon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran sa Karagatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.

Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.

Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.

Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.

Ayon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.

Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang mga lungsod na mataas na urbanisado, at isang malayang bayan: Pateros.

Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan.  Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.

Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal. Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.

Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).

Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang Trinoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4.

Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga.

Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping E (nangangahulugang expressway o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatao ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV).

May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) at Linya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ng Linya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan sa EDSA.

Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo. Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya. 

Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Bulacan. Bukod pa riyan, isang common station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ng burukrasya sa Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito.

Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ng Kabite. Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor sa Dasmarinas sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Rizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at ang Pantalan ng Maynila.

Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag na PNR Metro South Commuter. Ang pangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban sa Tondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalang estasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center.

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa. Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan sa Angeles, Pampanga.

Ang Pasig River Ferry Service na pinapatakbo ng MMDA ay ang sistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan sa Pasig. Bagamat itinuturi itong ferry, mas-kahawig nito ang isang taksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana.

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na , ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungong Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na . Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.

Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509).

Noong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mga slum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan.




#Article 7: Astronomiya (166 words)


Ang astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago, at mga katangiang pisikal at kimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.

Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mga amateur, lalu na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiang kababalaghan (transient phenomena). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya sa astrolohiya, na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo ang makaagham na pamamaraan, habang hindi ito sinusunod ng mga astrologo.

Ang salitang astronomiya ay nagmula sa Wikang Griyegong αστρονομία = άστρον + νόμος, astronomia = astron + nomos, na mayroong literal na kahulugang batas ng mga bituin. 




#Article 8: Kapuluan (129 words)


Ang kapuluan (Ingles: archipelago), ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo.

Ang Pilipinas, Hapon, Indonesia, Taiwan,  Bagong Silandiya, Maldives at ang Kapuluang Britaniko ay mga tanyag na halimbawa ng mga kapuluan.

Ang mga kapuluan ay maaring matagpuang nagiisa sa malawak na bahagi ng karagatan o kaya'y kalapit lamang ng mga malalaking anyong lupa. Halimbawa, ang  Eskosya ay may humigit kumulang 700 na pulong pumapalibot dito na bumubuo ng mga kapuluan.

Ang mga kapuluan ay madalas nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng dagat ngunit maari ring mabuo dulot ng erosyon, deposisyon, at pagbabago sa elebasyon ng lupa. Naaayon sa pinagmulan nito, ang mga isla ay inuuri bilang mga oceanic islands, continental fragments, o continental islands.




#Article 9: Telebisyon (436 words)


Ang telebisyon (TV) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.

Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon.  Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok.

Iminungkahi at ipinatente ni Paul Gottlieb Nipkow ang unang sistema ng telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton sa Nature noong 18 Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa telebisyong elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karl Ferdinand Braun. Nagbigay siya ng panayam tungkol dito noong 1911 at nagpakita ng mga diyagrama ng sirkito.

Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawidng signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, mga sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng taong 2000, ang mga ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, pero ang mga bansa ay sinimulang gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang makumpleto para sa buong mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama na rito ang apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon.

Ang pagdating ng telebisyong digital ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng  mga Smart TV. Ang Smart TV, kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid TV, ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2.0, at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohika sa pagitan ng mga kompyuter at mga set ng telebisyon. Bukod sa mga tradisyunal na nagagawa ng mga set ng telebisyon na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid pangmasa, ang mga aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet sa TV, interactive na paghahatid online, mas maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid impormasyon na kinakailangan, at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon.




#Article 10: Pebrero (120 words)


Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregorian at ng Kalendaryong Julian. May 28 o 29 na araw ito depende kung ang taon ay leap year ba o hindi. Kung ang taon ay leap year, 29 ang araw ng Pebrero. Tatlong beses lamang sa kasaysayan nagkaroon ng ika-30 ng Pebrero. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan.

Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay galing sa Kastilang salita na Febrero.  Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Valentine's Day.




#Article 11: Realidad na telebisyon (261 words)


Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang totoong buhay ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista.

May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga plot na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera, kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap.

Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksiyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatwang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao.

Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na reality game show, kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang reality game show ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaring kasangkot ang mga manonood (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon) sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal (disapproval voting), ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-based game show ay ang Survivor.

Sa isang banda, nako-control pa rin ng mga producer ang format ng palabas at maari nilang imanipula ang kalalabasan ng ilan sa mga ito, kaya napapisip ang ilang kung gaano ba katotoo ang reality television.




#Article 12: Pulo (150 words)


Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.

Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika.

Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo. 




#Article 13: Rizal (757 words)


Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa timog.  Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal.

Isa sa mga patunay ng sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kuweba sa Angono na tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC, ang mga petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka, at butiki.

Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito, gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni Lakandula, ang pinuno ng Tondo.

Matapos gapiin ng unang Kastilang gobernador-heneral na si Miguel López de Legazpi ang mga raha, inatas niya sa kanyang pamangkin na si Juan de Salcedo na lupigin ang mga bayan sa katimugan ng Luzon. Noong 1571, sunod-sunod na nakuha ni Salcedo ang mga bayan sa pamamagitan ng diplomasiya at pakikipagkasundo sa mga mamamayan.

Inorganisa ang mga bayan sa mga munisipyo ng gobyernong Kastila sa Maynila. Matapos nito, ipinadala ang mga misyonero tulad ng mga Pransiskano at Heswita upang magtayo ng mga simbahan sa mga bayan at ipalaganap ang Kristiyanismo. Isa sa mga unang simbahan ay ipinatayo ng Heswitang si Padre Pedro Chirino, Kastilang iskolar na sumulat ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bago pa man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan ng Pasig, Parañaque, Taytay at Cainta ay binubuo na ng mga pamayanang Tagalog na nakikipag-ugnayan na sa mga Tsino at iba pang mga Asyano.

Noong 1853, ang mga bayan ng Morong, Pililla, Tanay, Baras, Binangonan, Jalajala, Angono, Antipolo, Boso-Boso, Cainta at Taytay ay inalis sa lalawigan ng Tondo at inilipat sa bagong tatag na Distrito Politico-Militar de los Montes de San Mateo. Makalipas ang apat na taon, ito ay pinangalanang Distrito-Militar de Morong upang bigyang-diin na Morong ang kabisera ng distrito.

Noong 1860, ang lalawigan ng Tondo ay naging lalawigan ng Maynila at ang lahat ng bayan nito ay isinailalim sa pangagasiwa ng gobernador ng Maynila.

Sa kalagitnaan ng hidwaang Pilipino-Amerika noong 1900, sinimulan ang diskusyon ukol sa pagsasanib ng mga lalawigan ng Maynila at Morong. Noong ika-5 ng Hunyo 1901, 221 delegado ang dumalo sa pagpupulong sa Simbahan ng Pasig. Sa pagpupulong na ito, iminungkahi ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na pagsamahin ang Maynila at Morong sa isang lalawigan ng tatawaging Rizal bilang paggunita sa bayaning si Dr. José Rizal.

Noong ika-11 ng Hunyo, 1901, sa pamamagitan ng Batas Blg. 137, nilikha ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas ang lalawigan ng Rizal na binubuo ng 19 na bayan mula sa Maynila at 14 na bayan mula sa Morong sa kabuuang 33 bayan.

Sa loob ng maraming taon, nagbago ang kinasasakupan ng lalawigan ng Rizal hanggang sa ito ay buuin ng 26 na bayan (maliban sa mga lungsod ng Kalookan, at Quezon): Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Navotas, San Juan, San Mateo at Montalban (mula sa dating lalawigan ng Maynila), at Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Tanay, Taytay at Teresa (mula sa Distrito-Militar de Morong).

Noong ika-7 ng Nobyembre 1975, sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 824, ang 12 sa pinakamaunlad na mga bayan ng Rizal—Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig at Marikina—ay inilipat sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Kabilang din sa bagong rehiyon ang bayan ng Valenzuela na dating sa Bulacan, at ang mga lungsod ng Quezon, at Kalookan.

Sa ngayon, ang lalawigan ng Rizal ay binubuo na lamang ng 14 na bayan—San Mateo, Montalban, Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Tanay, Pililla, Baras at Jalajala. 

Noong ika-13 ng Pebrero 1998, nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Pambansa Blg. 8505 na nagtatag sa bayan ng Antipolo bilang isang lungsod. Ito ay niratipika matapos ang plebisitong ginawa noong ika-4 ng Abril 1998.

Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang lalawigan ng Rizal. Matatagpuan ito 20 kilometro silangan ng Lungsod ng Maynila. Pangkahalatang mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan ng mga bayan sa katimugang bahagi ay naghahanggan sa Lawa ng Laguna.

Pampolitika na nahahati ang Rizal sa 13 bayan at 1 lungsod.




#Article 14: Quezon (212 words)


Ang Quezon, dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa pulo ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lucena.

Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas. 

Ang Quezon ang nangungunang tagagawa ng bansa ng mga produkto ng niyog tulad ng langis ng niyog at kopra. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. 
Iba pang mga pangunahing pananim ay palay, mais, saging, at kape. Isa ring pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.

Binubuo ang Quezon ng 39 na mga bayan at isang bahaging lungsod, Tayabas. Lahat ay nakaayos sa apat na mga distritong pambatas, at nahahati sa 1,209 na mga barangay.

Ang kabiserang lungsod, Lucena, ay malaya mula sa pamamahalang pampangasiwaan at pampiskal ng lalawigan, ngunit maaari silang bumoto ng mga opisyal ng lalawigan.




#Article 15: Lupang Hinirang (418 words)


Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899.

Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas noong Agosto 1899.

Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law. Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang Philippine Hymn na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.

Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.

Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga nito ang pambansang awit na Lupang Hinirang na unang inawit noong Mayo 26, 1956. May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag noong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga sumusunod ay mga bersyon ng pambansang awit sa Filipino, Kastila, Ingles, Tagalog, Ilokano, Sebwano, Hiligaynon, Bikol, at Pangasinan.

Nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; ang pinakahuling salinwika ng 1962

ni José Palma 
                                     

ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane

Literal na salin ng Lupang Hinirang sa Ingles. Hindi opisyal.

Ang unang salinwikang Tagalog, ginamit sa Panahon ng Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Bersyon ni Balmaceda, Santos at Caballo na ginamit mula 1948 (dalawang taon pagkaraan ng pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas ng Estados Unidos noong 1946) hanggang 1956.  Napalitan ito ng salinwika ng 1956, na nagkaroon din ng pagbabago sa kalaunan.

Orihinal na bersyon nina Dr. Mary Lou Campo at Prof. Romeo Sevilleja

bersyon ni Eugene Carmelo C. Pedro

ni Jess Vestil




#Article 16: Malaysia (784 words)


Ang Malaysia  /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia,  o ) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329 847 kilometro kuwadrado. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang  ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay nahahati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia. Kahangganan ng Malaysia ang mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at Pilipinas. Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro. Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.

Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas. Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito. Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.

Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.

Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.

Ang pangalang Malaysia ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapura, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado. Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay. Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang Malaysia, subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas. Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis,  Sarawak, Sabah, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65% ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau). Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay Orang Asli.

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8% . Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%). Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia. Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa. Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang  pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.




#Article 17: Hapon (3987 words)


Ang Hapon o Hapón  (Hapones: 日本, Nihon o Nippon; tinatawag na   o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kabisera nitong Tokyo ay ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo.

Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.

May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.

Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.

Ang isang kulturang Paleolitiko noong mga 30,000 BCE ang bumubuo ng unang alam na pagtira ng tao sa kapuluang Hapones. Ito ay sinundan noong mga 14,000 BCE na pasimula ng panahong Jōmon ng isang kulturang Mesolitiko hanggang Neolitiko na semi-sedentaryong mangangaso-tagpagtipon na kultura na kinabibilangan ng mga ninuno ng parehong mga kontemporaryong taong Ainu at taong Yamato na inilalarawan ng mga tirahang hukay at isang rudimentaryong agrikultura. Ang mga pinalamutiang putik na tapayan ang ilan sa mga pinakamatandang umiiral na halimbawa ng palayukan sa mundo. Noong mga 300 BCE, ang isang uri ng mga bagong tao na mga Yayoi na marahil ay galing sa kontinenteng Asya ay nagsimulang pumasok sa kapuluang Hapon. Sila ang nagmarka ng mga bagong kasanayan tulad ng pagtatanim ng bigas, mga sinaunang uri ng pananahi, pagpapaamo sa mga kabayo at baka, at paggamit ng mga bakal at tanso bilang kagamitan. Ang kanilang kultura ay humalo sa unang kultura ng Jomon. Ang Hapon ay unang lumitaw sa isinulat na kasaysayan sa isang Aklat na Tsino na Aklat ng Han. Ayon sa Talaan ng Tatlong Kaharian, ang pinakamakapangyarihang kaharian sa kapulugang Hapones ay noong ikatlong siglo na tinatawag Yamataikoku. Ang pinakaunang naisulat na kasaysayan patungkol sa Hapon ang Kojiki at Nihon shoki na nagsasalaysay ng mito ng paglikhang Hapones hinggil sa pinagmulan ng langit at mundo gayundin sa pinagmulan ng kapuluang Hapon, kung paano nabuo ang pundasyon ng estado at ang unang emperador ng Hapon na si Emperador Jimmu noong 660 BCE. Si Emperador Jimmu ay apo sa tuhod ni Ninigi-no-Mikoto na bumabang mula sa langit na apo naman ng Diyosa ng araw na si Amaterasu. Sa mga Hapones, ang kanilang mga Diyos ay mababait, matatalino at marangal. Ang panahong Nara (710–794 CE) ay nagmarka ng pag-ahon ng isang malakas na estadong Hapones na nakasentro sa isang korteng imperyal sa Heijō-kyō (modernong Nara). Ito ay inilalarawan ng paglitaw ng umaahong panitikan gayundin ang pag-unlad ng mga sining at arkitekturang Budista. Noong 784, nilipat ni Emperador Kammu ang kabisera mula Nara tungo sa Nagaoka-kyō bago muling ilipat sa Heian-kyō (modernong Kyoto) noong 794. ito ang pasimula ng panahong Heian (794–1185 CE) kung saan ang isang natatanging katutubong kulturang Hapones ay lumitaw na kilala sa sining, tula at prosa. Ang Ang Kuwento ni Genji at titik ng pambansang awitin ng Hapon na Kimi ga Yo ay isinulat. Ang Budismo ay kumalat sa panahong Heian na pangunahing sa pamamagitan ng dalawang mga sektang Tendai ni Saichō at Shingon ni Kūkai. Ang Budismong Dalisay na Lupain (Jōdo-shū, Jōdo Shinshū) ay sumikat sa huling kalahati ng ika-11 siglo. Ang Panahong Yamato, mula sa ika-6 siglo hanggang ika-9 siglo, ay nakitaan ng pagbuo ng isang dominanteng politika na nakasentro sa kapatagang Yamato sa katimugang bahagi ng pangunahing pulo ng Hapon ng Honshu. Sinasabi nila na ang kanilang mga ninuno ay ang mga diyos ng araw at natamo ang kaisahang pampolitika,mga nasa kalagitnaan ng ika-apat na siglo. Pinag-igi naman ang reporma ng Taika ng 645, kung saan ang lahat ng lupain ay kinukuha ng hari at ang pagsisimula ng mas pinagbuting pagbubuwis. Ang panahong ito ay nakitaan din ng unang paggamit sa salitang Mihon (日本) bilang pangalan ng pabuo ng estado.

Ang panahong pyudal ng Hapon ay inilalarawan ng paglitaw at pananaig ng klase ng mga mandirigma na samurai. Noong 1185 kasunod ng pagkatalo ng liping Taira sa digmaang Genpei noong, ang samurai na si Minamoto no Yoritomo ay hinirang na shogun at nagtatag ng base ng kapangyarihan sa Kamakura. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang liping Hōjō ay umakyat sa kapangyarihan bilang mga regent ng mga shogun. Ang Budismong Zen ay ipinakilala mula sa Tsina sa panahong Kamakura at sumikat sa klaseng samurai. Pinaurong ng shogunatong Kamakura ang mga pananakop ng Mongol noong 1274 at 1281 ngunit kalaunang pinabagsak ni Emperador Go-Daigo. Si Go-Daigo ay natalo ni Ashikaga Takauji noong 1336. Itinatag ni Ashikaga Takauji ang shogunato sa Muromachi, Kyoto na nagpasimula na panahong Muromachi (1336–1573). Ang shogunatong Ashikaga ay nagkamit ng kaluwalhatian sa panahon ni Ashikaga Yoshimitsu at ang kulturang batay sa Budismong Zen ay umunlad. Sa kabilang dako, ang humaliling shogunatong Ashikaga ay nabigong kumontrol sa mga pyudal na daimyo o panginoon ng digmaan at ang isang digmaang sibil na Digmaang Ōnin na nagbubukas ng tumagal ng isang daan taong panahong Sengoku. Noong ika-16 siglo, ang mga mangangalakal at misyonaryong Heswita mula sa Portugal ay dumating sa Hapon sa unang pagkakataon na nagpasimula ng isang tuwirang palitang pang-kalakalan at pang-kultura sa pagitan ng Hapon at Kanluran. Sinakop ni Oda Nobunaga ang maraming ibang mga daimyo gamit ang mga baril at teknolohiyang Europeo. Pagkatapos niyang paslangin noong 1582, pinag-isa ng kanyang kahaliling si Toyotomi Hideyoshi ang bansang Hapon noong 1590. Dalawang beses na sinakop ni Hideyoshi ang Korea ngunit pagkatapos ng mga pagkatalo sa mga pwersang Korean at Tsinong Ming gayundin pagkatapos ng kamatayan ni Hideyoshi, ang mga hukbong Hapones ay umatras noong 1598. Ang panahong ito ay tinatawag na panahong Azuchi-Momoyama (1573–1603). Si Tokugawa Ieyasu ang regent para sa anak ni Hideyoshi at ginamit ang kanyang posisyon upang magkamit ng suportang militar at pampolitika. Si Ieyasu ay hinirang na shogun noong 1603 at itinatag ang shogunatong Tokugawa sa Edo sa modernong Tokyo. Ang shogunatong ito ay nagpatupad ng mga hakbang kabilang ang buke shohatto na isang kodigo ng pag-aasal upang kontrolin ang autonomosong daimyo. Noong 1639 ay ipinatpuad ang patakarang pakikipaghiwalay na sakoku o saradong bansa na tumagal ng 250 taon ng pagkakaisang pampolitika na kilala bilang panahong Edo (1603–1868). Ang pag-aaral ng mga agham na Kanluranin na kilala bilang rangaku ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Dutch enclave sa Dejima sa Nagasaki. Ang panahong ito ay nagpalitaw rin ng kokugaku  o mga pambansang pag-aaral na pag-aaral ng Hapon ng mga Hapones. 

Noong 31 Marso 1854, pwersahang binuksan ni Commodore Matthew Perry at ng Black Ships ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos ang Hapon sa panlabas na daigdig sa Kumbensiyon ng Kanagawa. Ang mga kalaunang kasunduan sa mga bansang Kanluranin sa panahong Bakumatsu ay nagdulot ng mga krisis ekonomiko at pampolitika. Ang pagbibitiw ng shogun ay humantong sa pagtatatag ng isang sentralisdong estado na pinagkakaisa ng Emperador o restorasyong Meiji. Sa pag-ampon ng Hapon ng mga institusyong pampolitika, hudisyal at militar ng Kanluranin, ang Gabinete ng Hapon ay pinangasiwaan ng Konsehong Privy na ipinakilala ng Saligang Batas na Meiji at nagtipon ng Imperyal na Diet. Ang pagpapanumbalik na Meiji ay nagpabago sa Imperyo ng Hapon tungo sa isang industriyalisadong pandaigdigang kapangyarihan na nagpursigi ng mga alitang militar upang palawakin ang impluwensiya nito. Pagkatapos ng Unang Digmaang Sino-Hapones (1894–1895) at Digmaang Ruso-Hapones (1904–1905), nakontrol ng Hapon ang Taiwan, Korea at katimugang kalahati ng Sakhalin. Ang maagang ika-20 siglo ay nakakita ng maikling panahon ng demokrasyang Taishō na napanaigan ng papalaking pagpapalawig at militarisasyon ng Hapon. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pumayag sa Hapon sa panig ng mga nagwaging Alyado na palawakin ang teritoryo nito. Ito ay nagpatuloy sa pananakop ng Manchuria noong 1931. Dahil sa pagkundena ng ibang bansa sa pananakop ng Hapon, ang Hapon ay nagbitiw sa Liga ng mga Bansa pagkatapos ng dalawang taon. Noong 1936, ang Hapon ay lumagda sa Kasunduang Anti-Comintern sa Alemanyang Nazi. Ang Kasunduang Tripartite noong 1940 ay gumawa sa Hapon na isa sa Kapangyarihang Aksis. Noong 1941, ang Hapon ay nakipagkasundo sa Kasunduang Neutralidad na Sobyet-Hapones. Sinakop ng Imperyo ng Hapon ang ibang mga bahagi ng Tsina noong 1935 na nagtulak sa Ikalawang Digmaang Sino-Hapones (1937–1945). Mabilis na nabihag ng Hukbong Imperyal na Hapones ang kabiserang Nanjing at isinagawa ang Masaker sa Nanking. Noong 1940, sinakop ng Imperyo ng Hapon ang Pranses na Indotsina na nagtulak sa Estados Unidos na maglagay ng embargo ng langis sa Hapon. Noong 7 Disyembre 1941, sinalakay ng Hapon ang baseng pandagat ng hukbo ng Estados Unidos sa Pearl Harbor at nagdeklara ng digmaan dito na nagtulak sa Estados Unidos upang pumasok sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Pilipinas ay surpresang sinalakay ng mga Hapones noong 8 Disyembre 1941 mga 10 oras pagkatapos ng pag-atake sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ang mga tagapagtanggol na Amerikano at Pilipino sa Bataan laban sa mga Hapones ay sumuko noong 9 Abril 1942 at napilitang magtiis sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan kung saan ang mga 2,000 hanggang 10,000 Pilipino at mga 100 hanggang 650 Amerikano ay namatay o pinatay. Ang mga 13,000 nakaligtas ay sumuko sa Corregidor noong 5 Mayo 1942. Agad na binuwag ng mga autoridad na Hapones ang nakaraang pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos at itinatag ang isang bagong puppet na pamahalaan noong 1943 sa ilalim ni Pangulong Jose Laurel. Ang Hong Kong ay sumuko sa mga Hapones noong 25 Disyembre 1941. Sa Malaya, napaatras ng mga Hapones ang hukbong alyado na binubuo ng mga pwersang British, Indian, Australian at Malay sa Singapore. Noong 15 Pebrero 1942, ang Singapore ay bumagsak sa mga pwersang Hapones na nagdulot ng pinakamalaking pagsuko ng pinamunuan ng British na militar na personnel sa kasaysayan. Ang tinatayang mga 80,000 Indian, Australyano at British ay binihag. Pagkatapos ng pananakop ng Sobyet sa Manchuria at mga pagbagsak ng Estados Unidos ng mga bombang atomiko sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945, ang Hapon ay umayon sa isang walang kondisyong pagsuko noong 15 Agosto 1945. Ang digmaan ay nagdulot ng maraming mga kamatayan sa Hapon at pagkasira ng industriya at imprastruktura nito. Ibinalik ng Mga Alyado ng Digmaan na pinamunuan ng Estados Unidos ang mga katutubong Hapones mula sa kolonya at mga kampong militar sa buong Asya. Ito ay malaking nag-alis ng Imperyo ng Hapon at nagbalik ng kalayaan sa mga sinakop nitong teritoryo. Nagtipon rin ang Mga Alyado ng isang Internasyonal na Tribunal na Miltaryo para sa Malayong Silangan noong 3 Mayo 1946 upang litisin ang ilang mga pinunong Hapones para sa mga krimeng pandigmaan. Gayunpaman, ang mga unit ng pananaliksik na hinggil sa bakterya gayundin ang mga kasapi ng Hukbong Imperyal ng Hapon na nasangkot sa digmaan ay napalaya mula sa paglilitis na kriminal ng Supreme Allied Commander sa kabila ng mga pagtawag sa paglilitis ng parehong pangkat. Noong 1947, ang isang bagong Saligang Batas ay nilikha sa Hapon na nagbibigay diin sa mga kasanayang liberal demokratiko. Ang pananakop ng Mga Alyado sa Hapon ay nagtapos sa Kasunduan sa San Francisco noong 1952 at ang Hapon ay pinagkalooban ng pagsapi sa United Nations noong 1956. Kalaunan ay nagkamit ang Hapon ng isang mabilis na paglago at naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo hanggang sa malampasan ng Tsina noong 2010.

Ang Hapon ay isang monarkiyang konstitusyonal, kung saan ang kapangyarihan ng Emperador ay kakaunti o limitado lamang. Siya ay itinakda ng saligang batas bilang simbolo ng estado at ng pagkakaisa ng pamayanan. Pangunahing hawak ng Punong Ministro ng Hapon at ng mga halal na kasapi ng Diet ang kapangyarihan sa pamamahala, samantalang nasa mga Hapones ang karapatan sa soberenya.

Ang hari ang gumaganap na pinuno ng estado sa mga okasyong diplomatiko. Si Naruhito ang kasalukuyang Emperador ng Hapon. 

Ang lehislatibong sangay ng pamahalaan ng Hapon ay ang Pambansang Diet, isang parliyamentong bikameral. Ang Diet ay binubuo ng isang Kapulungan ng mga Kinatawan, na may 480 na puwesto, hinahalal bawat apat na taon o kung ito ay buwagin at ng Kapulungan ng mga Konseho na may 242 puwesto at hinahal bawat anim na taon. Ang pangkalahatang karapatang bumoto ay itinakda sa 20 taong gulang.

Ang Punong Ministro ng Hapon ang pinuno ng pamahalaan. Ang posisyon ay itinatalaga ng Emperador ng Hapon pagkatapos hirangin ng Diet mula sa mga kasapi nito at dapat makuha ang pagtitiwala ng Kapulungan ng mga Kinatawan upang manatili sa puwesto. Ang Punong Ministro din ang pinuno ng Gabinete at nagtatalaga at nag-aalis ng mga Ministro ng Estado, at ang karamihan nito ay dapat kasapi ng Diet.

Pinapanatili ng Hapon ang malapit na ugnayang pang-ekonomiya at pansandatahan sa kanyang pangunahing kaalyado, ang Estados Unidos, na ang Alyansang katiwasayan ng Estados Unidos-Hapon ang nagsisilbing haligi ng kanilang patakarang panlabas. Isang bansang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa simula pa noong 1956, at nanilbihang bilang isang hindi-permanenteng kasapi ng  Kapulungang Panseguridad na may kabuuang labing siyam na taon, na ang pinakahuli ay noong 2009 at 2010. Isa rin ito sa mga kasapi ng Pangkat ng Apat na naglalayong makakuha ng permanenteng pagkakasapi sa Kapulungang Panseguridad.

Bilang kasapi ng G8, APEC, ASEAN Plus Three, at bilang kalahok ng East Asia Summit, Ang Hapon ay aktibong nakikilahok sa mga pandaigdigang kapakanan at sa pagpapabuti ng mga diplomatikong relasyon sa mga mahahalagang bansa buong mundo. Lumagda ang Hapon nang isang kasunduang panseguridad sa Australia noong Marso 2007 at sa Indiya noong Oktubre 2008. Ang Hapon din ang ikatlong pinakamalaking tagapagbigay ng tulong pagpapaunlad pagkatapos ng Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian, na nagbigay ng EU$8.86 bilyon noong 2004.

Ang Hapon ay kasama rin sa ilang mga alitang teritoryal sa mga kalapit bansa nito: sa Rusya dahil sa mga Pulo ng Timog Kuril, sa Timog Korea dahil sa mga batong Liancourt, at sa Republikang Popular ng Tsina at Taiwan dahil sa Mga pulo ng Senkaku

Binubuo ang Hapon ng apatnapu't pitong mga prepektura, na pinamamahalaan  ng isang gubernador na tagapagbatas at administratibong burokrasya. Ang bawat  ay nahahati pa sa mga lungsod, bayan at mga nayon.

Ang Hapon ay isang bansang may mahigit sa tatlong libong mga pulo na matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko. Ang panguning mga pulo nito, mula timog hanggang timog, ay ang Hokkaidō, Honshū (ang pangunahing pulo), Shikoku at Kyūshū. Ang Kapuluan ng Ryukyu, kasama ang Okinawa, ay tanikala ng mga pulo sa timog ng Kyushū. Sa kabuuan tinatawag silang Kapuluang Hapones.

Nasa 70% hanggang 80% ng bansa ay kagubatan, mabundok, at hindi angkop sa pagsasaka, industriya, o paninirahan. Ito ay dahil sa pangkahalatang katarikan ng lupa, klima at ang banta ng pagguho ng lupa dahil sa lindol, malambot na lupa at malalakas na ulan. Ito ay nagdulot ng napakataas na densidad ng populasyon sa mga sonang maaaring tirahan na pangunahing matatagpuan sa mga baybayin lokasyon. Isa ang Hapon sa mga bansang may pinakamataas ang densidad ng populasyon sa buong mundo.

Ang lokasyon nito sa Pacific Ring of Fire, sa sugpungan ng tatlong platong tektoniko, ang nagbibigay sa Hapon ng madalas na mahihinang pagyanig at okasyunal na aktibidad ng mga bulkan. Ang mga malalakas ng lindol, na kadalasang nagdudulot ng tsunami, ay nagaganap ng ilang ulit bawat isang dantaon. 

Ang klima ng Hapon ay pangkalahatang katamtaman, subalit labis na nag-iiba mula hilaga patimog. Ang katangiang heograpikal ng Hapon ay nahahati sa anim na pangunahing sonang pangklima:

Ang ilang mga katangiang pangistruktura ng paglago ng ekonomiya ng Hapon ay umunlad noong panahong Edo gaya ng network ng mga ruta ng paghahatid sa kalye at tubig at mga kontrata sa future, pagbabangko at insurance sa mga broker ng kanin sa Osaka. Noong panahong panahong Meji mula 1868, ang ekonomiya ng Hapon ay lumawig sa pagyakap nito ng ekonomiyang pamilihan. Ang karamihan ng mga negosyo ay itinatag sa panahong ito at ang Hapon ang umahon na pinaka-maunlad na bansa sa Asya. Ang panahon ng kabuuang paglagong real sa ekonomiya mula 1960 hanggang 1980 ay tinatawag na milagrong Hapones pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa isang bahagi, ito ay natulungan ng tulong pananalapi ng Estados Unidos ngunit pangunahing sinanhi ng mga isinagawang patakaran ng pamahalaan ng Hapon. Ang natatanging mga katangian ng ekonomiya ng Hapon sa panahong ito ng milagro ay kinabibilangan ng pakikipagtulungan ng mga tagapagmanupaktura, mga tagapagsuplay, mga distributor, at mga bangko sa isang malapit na magkakaugnay na mga pangkat na tinatawag na keiretsu; ang mabuting mga unyon ng negosyo at shuntō; mabuting mga ugnayan sa mga byurokrata ng pamahalaan at katiyakan ng habang buhay na trabaho (Shūshin koyō) sa mga malalaking korporasyon at napaka unyonisadong mga manwal na manggagawa. Ang milagrong ito ay pangunahing itinulak ng mga patakaran ng pamahalaan sa ekonomiya ng Hapon partikular na sa Kagawaran ng Internasyonal na Kalakalan at Industriya. Noong 2012, ang ekonomiya ng Hapon ang ikatlong pinakamalaking ekomomiya sa buong mundo pagkatapos ng Estados Unidos at Tsina hinggil sa nominal na GDP. Ito ang ikaapat na pinakamalaking ekonomiya hinggil sa purchasing power parity.

Ang Hapon ay may malaking kapasidad na industriyal. Ito ang tahanan ng ilan sa mga pinakamalalaki at pinakamaunlad sa teknolohiyang prodyuser ng mga sasakyang motor, elektronika, mga kasangkapan ng makina , mga bakal at mga hindi ferrous na metal, mga barko, mga sustansiyang kemikal, mga textile, at mga prinosesong pagkain.

Ang pangunahing mga inaangkat ng Hapon ang makinarya at mga kasangkapan, mga fossil fuel at mga pagkain sa partikular ang karne ng baka, mga kimikal, mga textile, at mga hilaw na materyal para sa mga industriya nito. 

Ang Hapon ay isa sa mga bansang nangunguna sa pananaliksik pang-agham lalo na sa teknolohiya, makinarya, at biomedikal. Ang halos 700,000 mananaliksik na Hapones ay pinagkakalooban ng 130 bilyong US dolyar na budget ng pamahalaan ng Hapon na ikatlong pinakamalaki sa mundo. Ang Hapon ay isang pinuno ng daigdig sa pundamental na pagsasaliksik sa agham. Ang Hapon ay nakalikha ng 16 Nobel laureate sa pisika, kimika o medisina, 3 medalya sa gantimpalang Fields at isang gantimpala sa Gantimpalang Gauss. Ang mga kilalang ambag ng Hapon sa teknolohiya ay sa larangan ng elektronika, sasakyan, makinarya, inhenyeriya ng lindol, industriyal na robotiko, optika, kimikal, semikonduktor at metal. Ang Hapon ay nangunguna sa paglikha at paggamit ng mga robot na nag-aangkin ng higit sa kalahati ng pandaigdigang mga industriyal na robot.

Noong 2008, ang 46.4 porsiyento ng enerhiya sa Hapon ay nalilikha mula sa petrolyo, 21.4 porsiyento mula sa coal, 16.7 mula sa natural gas, 9.7 porsiyento mula sa nuclear power, 2.9 porsiyento mula sa hydropower. Gayunpaman, ang lahat ng mga plantang nukleyar sa Hapon ay pinatigil noong Mayo 2012, dahil sa nangyaring sakuna sa Fukushumia Daiichi noong 2011.

Ang paggastos ng Hapon sa mga kalye ay ekstensibo. Ang 1.2 milyong km nitong nilatagang kalye ang mga pangunahing paraan ng paghahatid. Ang isang network ng napakabilis at limitadong paggamit na mga kalyeng may toll ay naguugnay ng ma pangunahing lungsod.

Ang populasyon ng Hapon ay tinatayang nasa 127.3 milyon. Ang lipunang Hapones ay magkakatulad sa pananalita at kultura na may maliit na bilang ng mga banyagang manggagawa. Ang mga Koreano, Tsino, Pilipino, mga Brasilyanong Hapones, Perubyanong Hapones ay ang ilan lamang sa mga maliliit na minorya sa Hapon. Noong 2003, mayroong tinatayang 136,000 kanluraning taga-ibang bansa ang nasa Hapon. Ang pinakanangingibabaw na katutubong pangkat etniko ay ang mga Taong Yamato; ang pangunahing pangkat minorya ay kinabibilangan ng katutubong mga Ainu at mga Ryukyuano, pati rin ang pangkat minoryang panlipunan gaya ng mga burakumin.

Ang Hapon ay isa sa mga bansang may mataas na antas ng inaasahang haba ng buhay sa buong daigdig, sa gulang na 81.25 na taon noong 2006. Ang populasyong Hapones ay mabilis na tumatanda, epekto ng baby boom pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig na sinundan ng pagbaba ng ipinapanganak noong huling bahagi ng ika-20 dantaon. Noong 2004, nasa 19.5% ng populasyon ang may gulang na higit sa 65.

Ang pagbabago sa istrukturang demograpiko ay nagdulot ng ilang mga isyung panlipunan, lalo na ang posibleng pagbaba ng populasyon ng mga manggagawa at ang pagtaas ng gastos ng mga benepisyong panlipunang paseguruhan gaya ng pampublikong planong pensiyon. Maraming mga kabataang Hapones ang tumataas ang pagnanais na hindi mag-asawa o magkapamilya pagtumanda.  Ang populasyon ng Hapon ay inaaasahang bababa sa 100 milyon pagdating ng 2050 at aabot sa 64 milyon pagdating ng 2100. Ang mga Demograpo at ang taga-plano sa pamahalaan ng Hapon ay kasalukuyang nasa mainit na debate kung paano masusulusyunan ang suliranin. Ang  Imigrasyon at pagkakaroon ng insentibo sa mga bagong panganak ay minsang iminungkahing solusyon upang makapagbigay ng mga batang manggagawa upang matugunan ang tumatandang populasyon ng bansa.

Dumaranas ang bansang Hapon sa mataas na antas ng pagpapakamatay. Noong 2009, ang bilang ng nagpapakamatay ay lumagpas sa 30,000 sa ika-12 sunod sunod na taon. Ang pagpapakamatay ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga taong nasa gulang na 30.

Higit sa 99 porsiyento ng populasyon ng Hapon ay nagsasalita ng wikang Hapones bilang unang wika. Ang wikang Hapones ay isang wikang agglutinative. Ang pagsulat ng wikang Hapones ay gumagamit ng kanji at dalawang hanay ng kana. Bukod sa Hapones, ang mga wikang Ryuukan na bahagi ng pamilya ng wikang Haponiko ay sinasalita rin sa Okinawa.

Ang pinakamataas na tantiya ng bilang ng Budismo at Shintoismo sa Hapon ay nasa 84-96%, na kumakatawan sa malaking bilang ng mga naniniwala sa sinkretismo ng parehong relihiyon. Subalit, ang mga tantiyang ito ay nakabatay sa mga taong may kaugnayan sa mga templo, hindi sa mga bilang ng taong talagang nananalig sa relihiyon. Ipinahiwatig ni Dalubhasa Robert Kisala (Pamantasan ng Nanzan) na 30 bahagdan lang ng populasyon ang nagsasabi na sila ay kasapi ng isang relihiyon.

Ang Taoismo, Confucianismo at Budismo na nagmula sa Tsina ay nakaimpluwensiya din sa paniniwala at kaugalian ng mga Hapones. Ang relihiyon sa Hapon ay likas na naghahalo, at ito ay nagdudulot ng iba't ibang uri ng nakasanayan, gaya ng ang mga magulang at anak nito na nagdiriwang ng mga ritwal na shinto, mga mag-aaral na nagdarasal bago kumuha ng pagsususulit, mga mag-asawang ikinakasal sa isang Kristiyanong simbahan at ang paglilibing na ginaganap sa isang templong Budhismo. May minoridad (2,595,397, o 2.04%) ang nagpahayag na sila ay mga Kristiyano. Dagdag pa dito, simula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon, may mga bilang ng sektang (Shinshūkyō) ang sumulpot sa Hapon, gaya ng Tenrikyo at Aum Shinrikyo (o Aleph).

Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile, lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng bunraku, kabuki, noh, pagsasayaw at rakugo; gayundin ang seremonya ng tsaa, ikebama, martial arts, kaligrapiya, origami, onsen, Geisha at mga laro.

Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga kronikang Kojiki at Nihon Shoiki at antolohiyang tulang Man'yōshū na mula ika-8 siglo at isinulat sa karakter na Tsino. Sa maagang panahong Heian, ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang kana (Hiragana at Katakana) ay binuo. Ang Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan ay itinuturing na pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay sa Makura no Sōshi ni Sei Shōnagon samantalang ang Ang Kuwento ni Genji ni Murasaki Shikibu ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong panahong Edo, ang chōnin o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni Saikaku halimbawa ay naghahayag ng pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni Bashō ang tradisyong tula ng Kokinshū sa kanyang  haikai (haiku). Ang panahong Meiji ay nakakita ng pagbagsak ng mga anyong panitikang tradisyonal. Sina Natsume Sōseki at Mori Ōgai ang mga unang modernong nobelista ng Hapon na sinundan nina Ryūnosuke Akutagawa, Jun'ichirō Tanizaki, Yukio Mishima at Haruki Murakami. Ang mga manunulat na sina Yasunari Kawabata at Kenzaburō Ōe ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1968 at 1994.




#Article 18: Indonesia (3202 words)


Ang Indonesia (pagbigkas: in•do•nis•ya), opisyal na pangalan Republika ng Indonesia (), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua New Guinea, East Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang Singapore, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong pampulitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap ang Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahin ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.

May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at pananampalataya ang mga iba't-ibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit ang Habanes ang pinakamalaki – at pinakadominanteng – pangkat etniko.  Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko, pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang Bhinneka tunggal ika (Pagkakakaisa sa Pagkakaiba, na literal na marami, subalit isa), na nagsasabi na ang pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang nito.  Biniyayaan ang bansa ng likas na yaman, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa kasalukuyan.

Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na nangangahulugang India, at salitang Griyego na nesos, na nangangahululgang pulo, kaparehas ng pangalan ng India. Ang pangalan ay halaw pa noong ika-18 dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya ang Indonesia. Noong 1850, Si George Earl, isang Ingles na etnologo, ay iminungkahi ang salitang Indunesians — dahil sa paggamit ng Malayunesians — para sa mga taong nakatira sa Kapuluang Indiyan o Kapuluang Malay. sa publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si James Richardson Logan, ay ginamit ang Indonesia bilang kasingkahulugan ng Kapuluan ng Indiya. Subalit ang mga sulat akademiko ng mga Olandes sa mga nilimbag sa Silangang Indies ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay ginamit nila ang salitang Kapuluang Malay (Maleische Archipel); ang Netherlands East Indies (Nederlandsch Oost Indië), ang tanyag Indië; ang silangang (de Oost); at pati na ang Insulinde. na

Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng Indonesia bilang pantukoy sa bansa ng akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga nasyonalistang Indones para sa kanilang mga pampolitikang pamamahayag. Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des Malayischen Archipels, 1884–1894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may pangalang Indonesisch Pers-bureau noong 1913.

Ang mga labing posil o kusilba ng Homo erectus, na mas tanyag bilang ang mga Taong Haba, ay nagmumungkahi na ang kapuluang Indonesia ay tinirhan na noong dalawang mlyong hanggang 500,000 taon na ang nakalilipas. Ang mga Austronesyo, na bumuo sa karamihan ng mga makabagong tao, ay nagtungo sa Timog Silangang Asya mula Taiwan. Sila ay dumating sa Indonesia noong tinatayang 2000  BCE, at inilayo ang mga katutubong Melanesyo sa malayong silangang rehiyon habang sila ay dumadami. Sa tamang kondisyong agrikultural, at ang pagkabihasa sa pagtatanim sa mga palayan  ay nagbigay daan sa mga barangay, bayan at maliliit na mga kaharian na umusbong sa unang dantaon CE. Ang magandang baybaying posisyon ng Indonesia ay nagbigay daan sa kalakalang sa mga kalapit pulo at sa iba pang mga lugar. Halimbawa ng mga kalakalang nabuo ay parehong sa mga Kahariang Indiyano at sa Tsina na nabuo mga ilang dantaon BCE. Mula noon, ang pangangalakal ay napakahalaga sa paghuhugis ng kasaysayan ng Indonesia.

Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang pandagat ng Srivijaya ay umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na nakuha ng Kaharian mula roon. Sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang dinastiyang agrikultural na Budhistang Sailendra at ang  dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad at bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga monumentong relihiyoso gaya ng Borobudur ng Sailendra at ang Prambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu na Madyapahit ay nabuo sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah Mada, na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay kadalasang tinatawag na Gintong Panahon sa kasaysayan ng Indonesia.

Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa Timog-silangang Asya noong unang bahagi ng panahong Islamiko, ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng populasyon ay noong ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra. Naglaon ang ibang mga lugar sa Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at humalo sa mga nabuong mga kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito ang pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java. Ang unang Europeo na dumating sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na Portuges, na pinamunuan ni Francisco Serrão, ay ninais na monopolahin ang mga mapagkukunan ng moskada (nutmeg), clove, at mga paminta sa Maluku. Sumunod sa kanila ang mga Olandes at mga Ingles. Itinayo ng mga Olandes noong 1602 ang Kompanyang Olandes ng Silangang India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong mabangkarote, ang VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang Indiya ng Olanda bilang isang pambansang kolonya.

Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang pamamahala ng mga Olandes sa mga teritoryo nito ay mahina; noon lamang unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga Olandes sa kung ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon. Ang pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na mga pananakop ang nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes, at muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang pangkalayaan ng mga Indones. Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto 1945, si Sukarno, isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at itinalagang pangulo. sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang pamamahala, at dahil sa panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang kaguluhan sandatahan at diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949.(maliban lang sa teritoryong Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa New York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang Bansa na Act of Free Choice).

Si Sukarno ang nagsimula sa demokrasya patungong awtoritaryanismo, at pinanatili ang kanyang kapangyarihan sa pagbalanse sa mga lumalabang puwersang militar, at ang mga Partido Komunista ng Indonesia (PKI). Isang pagtatangkang coup noong 30 Setyembre 1965 ang napiligan ng mga sundalo, na nagdulot sa isang marahas na pagpapa-alis sa mga anti-komunista, kung saan pinagbintangan ang PKI sa tangkang coup. Nasa pagitan ng 500,000 at isang milyon ang namatay. Ang pinuno ng militar, si Heneral Suharto, ay minaubra ang pahinang pamumuno ni Sukarno, at pormal na itinalaga bilang pangulo noong Marso 1968. Ang kanyang Administrasyong Bagong Kaayusan ay sinuportahan ng pamahalaang Estados Unidos, at pinag-igi ang mga pamumuhunan ng mga dayuhan sa Indonesia, na naging mahalagang dahilan sa katamtamang pag-unlad ng ekonomiya noong sumunod na tatlong dekada. Subalit ang awtoritaryang Bagong Kaayusan ay malakawang inakusahan ng korupsiyon at supresyon ng mga taga-oposisyon.

Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis Pananalapi sa Asya. Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa Bagong Kaayusan. at nagdulot ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto noong 21 Mayo 1998. Noong 1999, ang Silangang Timor ay bumotong humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong pananakop militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga taga-Silangang Timor. Ang panahon ng Repormasyon, pagkatapos ng pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na mga prosesong demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong 2004. Ang mga instabilidad sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad. Datapwat ang relasyon sa iba't ibang mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa kabuuan, may mangilan ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa. Isang pagsasaayos pampolitika sa mga separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.

Ang Indonesia ay isang republika na may sistemang pangpanguluhan. Bilang isang estadong unitaryo, ang kapangyarihan ay nasa pambansang pamahalaan lamang. Pagkatapos ng pagbibitiw ni Pangulong Suharto noong 1998. Ang istrukturang pangpamahalaan at pampolitika ng Indonesia ay sumailalim sa isang malawakang reporma. Apat na pagbabago sa Saligang Batas ng Indonesia ang nagbago sa sangay tagapagpaganap, tagapaghukom at tagapagbatas. Ang pangulo ng Indonesia ay ang pinuno ng estado, punong kumander ng Sandatahan ng Indonesia at ang direktor ng mga pamahalaang lokal, paggawa ng mga batas at ng ugnayang panlabas. Ang pangulo ay nagtatalaga ng isang konseho ng mga ministro, na hindi kailangang halal na kasapi ng lehislatura. Ang halalang pangpanguluan noong 2004 ay ang unang pagkakataon na makahalal ng direkta ang mga tao ng kanilang pangulo at pangalawang pangulo. Ang pangulo ay maaaring maglingkod ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na limang taong termino.

Ang pinakamataas na katawang pangkinatawan sa pambansang antas ay ang People's Consultative Assembly (MPR). Ang pangunahing layunin nito ay suportahan at amendiyahan ang saligang batas, inagurahan ang pangulo, at pagsasaayos ng malawak na balangkas ng patakarang pang-estado. Ito ay may kapangyarihang litisin ang pangulo. Ang MPR ay binubuo ng dalawang kapulungan; ang Konseho ng mga Kinatawang Pambayan (DPR), na may 550 kasapi, at ang Konseho ng mga Kinatawang Panrehiyon (DPD), na may 128 kasapi. Ang DPR ang napapasa ng mga batas at ang nagbabantay sa sangay tagapagpaganap; ang mga kasapi ay inihahalal para sa limang taong termino sa pamamagitan ng representasyong proporsyunal. Ang mga repormang nagsimula noong 1998 ay nagmarka sa pagtaas ng katayuan ng DPR sa pambansang pamamahala. Ang DPD ay isang bagong kapulungan para sa mga usaping pamamahalang rehiyonal.

Karamihan sa mga sigalot sibil ay inihaharap sa Hukuman ng Estado; ang apela ay dinidinig sa harap ng Mataas na Hukuman; Ang Kataastaasang Hukuman ay ang pinakamataas na Hukuman sa bansa, at dinidinig ang huling pagbasa, at nagsasagawa ng pagsusuri sa mga kaso. Ang ibang hukuman ay kinabibilangan ng Hukumang Pangkalakalan (commercial), na humahawak sa mga kasong pagkabangkarote at pagkalugi; isang Hukumang Administratibo ng Estado upang dinggin ang mga kasong administratibo laban sa pamahalaan; isang Hukumang Pangsaligang batas upang dinggin ang mga sigalot na may kinalaman sa legalidad ng abtas, pangkahalatang halalan, at pagsasawalang bisa ng mga partidong pampolitika, at ang saklaw ng otoridad ng institusyon ng estado; at ang Hukumang Panrelihiyon na umaayos sa mga kasong may kinalaman sa mga kasong panrelihiyon.

Binubuo ang Indonesia ng 34 lalawigan, kung saan lima rito ay may natatanging katayuan. Ang bawat lalawigan ay may sariling tagapagbatas at gobernador. Ang lalawigan ay hinahati naman sa mga bayan (kabupaten) at mga lungsod (kota), na hinahati pa sa mga maliliit na distrito (kecamatan), at pati na rin sa mga barangay (desa o kelurahan). Pagkatapos ipatupad noong 2001 ang rehiyonal na pagsasarili (autonomiya), ang mga bayan at lungsod ay ang naging pinakamahalagang sangay pampangasiwaan, na responsable sa pagbibigay ng paglilingkod-bayan. Ang pamahalaang barangay naman ang pinakamakaimpluwensiya sa pang-araw-araw na buhay ng mga nasasakupan nito, na humahawak sa mga usaping pambarangay na pinamumunuan ng halal na punong barangay na tinatawag na lurah o kepala desa.

Ang mga lalawigan ng Aceh, Jakarta, Yogyakarta, Papua, at Kanlurang Papua ay may mas maraming pribilehiyo at mas mataas na antas ng pagsasarili mula sa pambansang pamahalaan kaysa sa ibang mga lalawigan.  Halimbawa, may karapatang bumuo ang pamahalaan ng Aceh ng isang malayang sistemang pambatas; noong 2003, ipinatupad nito ang paggamit ng Sharia (batas Islam) bilang bahagi ng hurisprudensiya nito. Ang Yogyakarta naman ay binigyan ng katayuang Natatanging Rehiyon bilang pagkilala sa ginampanan nito sa pag-suporta sa mga rebolusyonaryong Indones noong panahon ng himagsikan nito sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigsig. Ang Papua, na dating tinatawag na Irian Jaya, ay binigyan ng katayuan ng natatanging pagsasarili noong 2001, at ang Jakarta naman ay isang natatanging punong rehiyon bilang kabisera ng bansa.

(Nasa loob ng panaklong ang mga pangalan sa Indones kapag magkaiba ito sa Tagalog)Ipinapakita ng † ang mga lalawigang may natatanging katayuan

Munting Kapuluang Sunda

Kalimantan (Borneo)

Selebes (Sulawesi)

Kapuluang Maluku

Kanlurang Papua

Ang Indonesia ay binubuo ng 17,508 pulo, na tinatayang nasa 6,000 ang tinitirhan. Ang mga ito ay nakakalat sa parehong bahagi ng ekwador.  Ang limang pinakamalaking pulo ay ang Haba (Java), Sumatra, Kalimantan (ang bahaging Indones ng Borneo), Bagong Ginea (na kahati ang Papua Bagong Ginea), at Selebes. Ang Indonesia ay nakikihati ng hangganan sa Malaysia sa pulo ng Borneo at Sebatik, sa Papua Bagong Ginea sa pulo ng Bagong Ginea, at sa Silangang Timor sa pulo ng Timor. Nakikihati rin ito ng hangganan sa Singapore, Malaysia, Pilipinas sa hilaga, at sa Australya sa mga katimugang bahagi ng mga dagat nito. Ang kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Haba at ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na sinundan ng Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.

Sa 1,919,440 kilometro parisukat (741,050 mi parisukat), Ang Indonesia ay naging ika-16 na pinakamalaking bansa, ayon sa laki ng lupang sakop. Ang average na kapal ng populasyon ng tao ay 134 tao bawat kilometrong parisukat (347 bawat milyang parisukat), ang ika-79 sa daigdig, kahit na ang Java ang pinakamataong pulo sa buong mundo, na may densidad ng populasyon na 940 tao bawat km parisukat (2,435 bawat mi parisukat). Sa taas 4,884 metro (16,024 talampakan), ang Puncak Jaya sa Papua ay ang pinakamataas na tuktok sa Indonesia, at ang Lawa ng Toba sa Sumatra ay ang pinakamalaking lawa, na may sukat na 1,145 km parisukat (442 mi parisukat). Ang pinakamalaking ilog ay nasa Kalimantan, kasama rito ang Mahakam at Barito; Ang mga ilog na ito ang nagiging pandugtong transportasyon sa pagitan ng mga bayan sa paligid nito.

Dahil matatagpuan ito sa ekwador, ang Indonesia ay may klimang tropikal, na may dalawang panahon na tag-ulan at tag-init. Ang karaniwang antas na pag-ulan sa mga mababang lugar ay nasa 1,780-3,175 milimetro (70–125 pulgada), at hanggang 6,100 milimetro (240 pulgada) sa mga rehiyong mabubundok, o sa mga lugar na mabundok—lalo na sa kanlurang bahagi ng Sumatra, Kanlurang Haba, Kalimantan, Selebes at Papua—ang nakakaranas ng mataas na pag-ulan. Ang alinsangan ay pangkalahatang mataas, na karaniwa'y nasa 80%, at unti lang ang pagkakaiba ng galaw ng temperatura sa buong taon; ang karaniwang temperatura araw-araw sa Jakarta ay nasa 26-30 °C (79–86 °F).

Ang pambansang populasyon mula sa 2000 pambansang sensus ay nasa 206 milyon, at ang Kawanihang Sentral Pang-Estadistika ng Indonesia at Statistics Indonesia ay tinaya ang populasyon na nasa 222 milyon noong 2006. 130 milyon katao ang nakatira sa Java, ang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Kahit na  medyo epektibo ang programang pagpaplano ng pamilya na ginawa pa noong dekada '60, ang populasyon ay inaaasahang lalago sa humigit kumulang 315 milyong sa taong 2035, batay sa kasalukuyang taya ng taunang pagtaas na 1.25%.

Karamihan sa mga Indones ay mula sa mga Austronesyo mga tao na mula sa Taiwan. Ang iba pang pangunahing pangkat ay ang mga Melanesiano, na naninirahan sa silangang Indonesia. Mayroong 300 na natatanging mga katutubong lahi sa Indonesia, at 742 na iba't ibang wika at diyalekto. Ang pinakamalaki ay ang mga Habanes, na bumubuo sa 42% ng populasyon, at pampolitika at kultural na dominante sa bansa. Ang mga Sundanes, mga etnikong Malay, at mga Madures naman ay ang ibang malalaking pangkat na sunod sa mga Habanes. A sense of Indonesian nationhood exists alongside strongly maintained regional identities. Pangkalahatang maayos ang lipunan, subalit ang mga tensiyong panlipunan, panrelihiyon at etniko ay nagpapasimula ng matinding kaguluhan. Ang mga Tsinong Indones ay isang etnik maynoriting may-impluwensiya sa Indonesia. Mas konti sa 5% sila ng populasyon. Ang mga Tsinong Indones ay nag-aari ng maraming pribadong kayamanan at kanegosyohan, kaya may hinanakit sa kanila; nangyaring nagkaroon ng karahasan laban sa mga Tsinong Indones.

Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa lahat ng mga paaralan, at sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang wika ng kalakalan, politika, pambansang medya, edukasyon, at akademya. Ito ay binuo mula sa lingua franca na malawak na ginagamit sa rehiyon, at may malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at Singapore. Ang wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa noong dekada '20, at inihayag bilang opisyal na wika noong pagpapahayag ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay nakakapagsalita ng isa o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang pinamalawak na sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko. Sa kabilang banda, ang Papua ay may mahigit 270 katutubong wika at wikang Austronesyo,

Ang sukat, klimang tropikal, at heograpiyang kapuluan ng Indonesia, ang naging dahilan para maging ikalawang pinaka biodiverse na bansa ito sa buong mundo, pangalawa sa Brazil, at flora at fauna nito ay maghalong mga specie na Asyano at Australyano. Minsan naging bahagi ng kalupaang Asyano, ang mga pulo ng Sunda Shelf (Sumatra, Java, Borneo, at Bali) ay may mga yaman ng fauna ng Asya. Ang mga malalaking species gaya ng Tigreng Sumatra, rhinoceros, orangutan, Elepanteng Asyano, at leopard, ay minsang naging laganap hanggang sa dulong silangan sa Bali, subalit ang bilang nito ay mabilis ding bumaba. Ang sakop ng mga kagubatan ay umaabot sa tinatayang 60% ng bansa. Sa Sumatra at Kalimantan, ay katatagpuan halos ng mga species na Asyano. Subalit, ang mga kagubatan ng mga maliliit, at mas mataong pulo ng Java, ay malawakang inalis para sa paninirahan ng mga tao at pansakahan. Ang Sulawesi, Nusa Tenggara, at Maluku—na matagal nang nakahiwalay sa kontinenteng Asya—ay nakabuo ng sariling bukod tanging flora at fauna.




#Article 19: Pilosopiya (3458 words)


Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na Philia at Sophia. Ang Philo ay nangangahulugang Pagmamahal at ang Sophia naman ay Karunungan. Kung pagsasamahin, ito ay Pagmamahal sa Karunungan. Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.
Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto.

Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:

Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.

Marahil, ang paraan na ginagamit nito upang talakayin ang mga katanungan ng mga pilosopo ang pinakamatingkad na pagkakakilanlan sa pilosopiya. Madalas na ikinukuwadro ng mga pilosopo ang kanilang mga tanong sa isang lohikal na anyo, at saka pinagsisikapang sagutin ito na gamit ang lohikal na mga proseso at pangangatwiran, batay sa mapagkilatis na pang-unawa at mga kaugnay na sagot sa mga nauna nang pag-aaral. Ang pagkakasunod-sunod na ito ng mga sagot at kapwa-sagot ang dialektikong proseso.

Isang malaking debate sa pilosopiya kung ang paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pilosopiya ay tulad din sa paraan ng pagsagot sa tanong ng mga agham-pangkalikasan: kung maaari ba o hindi, bilang halimbawa, na tiyak at hindi na maaaring baguhin pa ang mga pampilosopiyang kasagutan, at kung may sinasabi din itong kaalaman tungkol sa balangkas ng katotohanan ng lahat ng mga bagay, o kung binibigyang-linaw lamang nito ang paraan ng pag-iisip na nakaugat sa ating wika.

May malapit na kaugnayan sa debateng ito ng paraang pampilosopiya ang debate tungkol sa kaugnayan ng pilosopiya at agham-pangkalikasan, at ang mga pagtatalo kung nakakapagbunga (o maaaaring makapagbunga) ng pag-unlad ang pilosopiya gaya ng pag-unlad na hatid ng mga agham-pangkalikasan.

May buong larangan ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan ng mga katanungang pampilosopiya, at ang angkop na paraan upang magamit ang isang bahagi upang makarating sa iba pang mga bahagi: ito ang meta-pilosopiya, o (tulad ng tinutukoy na natin) ang pilosopiya ng pilosopiya.

Hindi nangangahulugan na hindi gaanong mahalaga ang mga debateng ito kung ihahahambing sa kabuuan ng pilosopiya dahil lamang sa may taglay silang mga pansariling larangan: mula pa sa mga sinaunang Griyego at sumunod pang mga panahon, isang mahalagang bahagi ng anumang proyekto ng pilosopiya ang mismong kalikasan at gampanin ng pilosopiya.

Ngunit, hindi nangangahulugan na isang napakahabang debate ito na hindi sakop ng ating sulatin; kaya naman tinatalakay ito sa iba pang mga sulatin na matatagpuan sa iba pang bahagi ng Wikipedia.

Ang madalas na pagkakaintindi ng karaniwang tao sa salitang pilosopiya ay tumutukoy ito sa anumang anyo ng karunungan, o pananaw ng tao hinggil sa buhay (tulad sa pilosopiya sa buhay) o mga pinag-uugatang prinsipyo o paraan upang makamit ang isang bagay (tulad sa ang aking pilosopiya sa pagmamaneho sa malalaking lansangan). Karaniwang tinutukoy nito ang pananaw sa buhay.

Bilang halimbawa, maaaring ang pampilosopiyang pagtugon sa isang malungkot na pangyayari ay bigyang-kahulugan na isang sinasadyang pagkontrol ng isip na hindi nagpapatangay sa bugso ng damdamin.

Mula sa halimbawa ni Sokrates (Socrates) ang tinutukoy nating pakahulugan. Buong-tapang na ipinaliwanag niya sa kanyang mga mag-aaral ang kalikasan ng kaluluwa habang hinahatulan siya ng kamatayan. Itinuring ng mga Istoiko (Stoics) at iba pang mga paaralan ng pilosopiya noong sinaunang panahon ang kanilang mga sarili na mala-sokrates sa ganitong paraan. Ngunit malayo sa pampaaralang kahulugan sa ngayon ang paggamit ng pampilosopiya sa pang-abay nitong kahulugan. Binibigyang-diin sa sulating ito ang pilosopiya bilang isang larangan ng pag-aaral kaysa sa ganitong mga pakahulugan.

Merong mga magkakaparehong tanong na pinagsikapang sagutin ng napakaraming tao sa iba't ibang lipunan sa daigdig, at nalikha ang mga tradisyong pampilosopiya batay sa mga akda ng isa't isa. Maaaring di-mahigpit na hatiin ang Pilosopiya sa iba't ibang bahagi batay sa heograpiya. Tumutukoy sa mga tradisyon ng pilosopiya sa Kanluraning kabihasnan ang pampaaralang gamit ng salitang pilosopiya sa Europa at Amerika, minsang tinatawag na Pilosopiya sa Kanluran. Sa Kanluran, basta na lamang pinagsasama-sama ang mga tradisyon ng pilosopiya ng Asya at ng Silangan sa salitang Pilosopiya sa Silangan.

Nagsimula sa Griyego ang tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran at nagpapatuloy hanggang sa ngayon.

Kabilang sina Platon (Plato), Aristoteles (Aristotle), Tomas de Aquino (Thomas Aquinas), Cartesio (Rene Descartes), John Locke, David Hume, Immanuel Kant, G.W.F. Hegel, Friedrich Nietzsche, Gottlob Frege, Bertrand Russell, Edmund Husserl, Martin Heidegger, Ludwig Wittgenstein, at  W. v. O. Quine sa mga tanyag na mga pilosopo sa Kanluran.

Kabilang sina Gautama Buddha, Bodhidharma, Lao Zi (Lao Tzu), Confucius, at Zhuang Zi (Chuang Tzu) sa mga tanyag na pilosopo sa Silangan.

Mas nakatuon ang pagtalakay ng sulating ito sa tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran.

Ang pilosopiya ay mula sa salitang Latin na philosophia (bigkas /pi lo so pi ya/) na nagmula naman sa wikang Griyego na filosofía (sulat Griyego: φιλοσοφία). Literal na nangangahulugang “pag-ibig sa karunungan” (filein = ‘ibigin’ + sofía = ‘karunungan’, sa pakahulugan na malalim at malawak na pagkaunawa sa antas na pangkaisipan) ang salitang pilosopiya. Hindi kailangang tungkol sa kahulugan ang Etimolohiya, ngunit tila napag-isipan ng mga sinaunang Griyego na gawin itong isang pangunahing gawain na maraming sinasakop, o isang paraan upang harapin ang buhay, kaysa mga tiniyak na kalipunan ng mga katanungang pinag-aaralan.

Ipinalalagay na mula sa Griyegong palaisip na si Pitágoras (Pythagoras) (basahin ang Diogenes Laertius: De vita et moribus philosophorum, I, 12; Cicero: Tusculanae disputationes, V, 8-9) ang paggamit ng mga salitang pilosopo at pilosopiya. Nakabatay ang palagay na ito sa bahagi ng isang nawawalang akda ni Herakleides Pontikos, isang mag-aaral ni Aristoteles. Ipinapalagay itong isang bahagi ng mga laganap na alamat ni Pitagora nang panahong iyon.

Madalas na ginagamit sa mga usapan/diyalogo ni Platon ang dalawang salita upang ipakita ang pagkakaiba ng mga taong inialay ang sarili sa karunungan (mga pilosopo) sa mga taong mayabang na ipinapakilala ang sarili nila bilang mga taong may angking talino, (mga sopista). Inilarawan ni Sokrates (ayon sa paglalahad ni Platon) na walang kakayanan at mapagpanggap ang mga sopista, na gustong itago ang kanilang kabobohan sa likod ng pambobola at paglalaro sa salita, kung kaya napapapaniwala nila ang ibang tao sa mga bagay na walang basehan at hindi totoo. Ang nakakasirang-puri na gamit sa salitang sopista ay sa pakahulugang tumutukoy sa isang tao na nanghihikayat lamang kaysa nagbibigay-katwiran.

Ayon sa sinaunang pang-unawa at mga akda ng (ilan sa) mga sinaunang pilosopo, saklaw ng pilosopiya ang lahat ng pinagsisikapan ng pag-iisip. Kabilang dito ang mga suliranin ng pilosopiya ayon sa pagkakaintindi natin sa ngayon; ngunit kabilang dito ang marami pang pag-aaral, tulad ng purong matematika at mga agham-pangkalikasan tulad ng pisika, astronomiya at biyolohiya.

(Bilang halimbawa, merong mga akdang isinulat si Aristoteles tungkol sa lahat ng mga paksang ito; hanggang sa ika-17 daantaon/siglo, itinuturing na mga sanga ng pilosopiya ng kalikasan ang pisika, astronomiya at biyolohiya). Sa pagdaan ng panahon, nahinog ang mga natatanging larangan sa mga agham na ito at nahiwalay sa pilosopiya bunga ng pagpapalalim ng kaaalaman at ang pagbilis ng teknikal na pag-unlad sa mga mas piling larangan ng pag-aaral: naging espesyal na agham ang matematika sa sinaunang panahon, at naging iba't ibang sangay ng agham-pangkalikasan ang pilosopiya ng kalikasan sa pagdating ng Rebolusyon sa Agham.

Sa ngayon, kadalasang nadadalian tayong paghiwalayin ang mga tanong na pampilosopiya sa mga tanong na pang-agham, at dahil ito sa kakayanan nating tukuyin na (hindi tulad sa mga agham) pangsaligan at pambuod ang uri ng mga tanong dito, at dahil alam din natin na hindi ito maaaring maapektuhan/mabago ng iba't ibang mga eksperimentong sinusubukan.

Madalas na nahahati ang pagsasaliksik sa pilosopiya sa maraming pangunahing sangay batay sa mga tanong na ipinapahayag ng mga tao sa kanilang mga gawain sa iba't iba nitong larangan.

Noong sinaunang panahon, pinakatanyag na pagkakahati ng paksa ang paghahati ng pilosopiya sa Lohika, Etika, at Pisika (itinuturing na pag-aaral sa kalikasan ng daigdig, at kabilang dito ang agham-pangkalikasan at metapisika) ng mga Istoiko.

Sa pangkasalukuyang pilosopiya, karaniwang nahahati ang mga piling bahagi ng larangan sa metapisika, epistemolohiya, etika at estetika (na sama-samang bumubuo sa aksiolohiya). Minsan ibinibilang ang Lohika na isa pang mahalagang sangay ng pilosopiya, at minsan din bilang isang hiwalay na agham na madalas na pinag-aaralan ng mga pilosopo, at minsan naman bilang isang natatanging pamamaraang pampilosopiya na maaaring gamitin sa lahat ng sangay ng pilosopiya.

Sa loob ng mga pangunahing sangay na ito, maraming nakakababang sangay na lumalaki at lumiliit sa paglipas ng panahon; minsan nagiging mga maiinit na paksa ang mga nakakababang sangay na ito at pinupunuan nito ang maraming bahagi sa literatura na para bang naging pangunahing sangay na rin.

(Sa nakaraang 40 taon o kalapit nito, ang pilosopiya ng pag-iisip —  na kung mahigpit na susuriin,  pangunahin ito ngunit isa lamang sa mga nakakababang sangay ng metapisika — nakamit na nito ang ganitong posisyon sa loob ng  Pilosopiya ng Analitika. Napakalaking atensiyon na ang nakuha nito kaya may ilang nagmumungkahi na ang pilosopiya ng pag-iisip ang pangkaisipang-modelo para sa gawain ng mga kasalukuyang pilosopo ng Analitika.)

Ang ilan sa napakaraming nakakababang sangay sa loob ng pilosopiya ay:

Maraming praktikal na gamit ang pilosopiya. Pinaka-kapansin-pansin ang mga praktikal na gamit nito sa etika--praktikal na etika—at sa pampolitikang pilosopiya. Ang mga pampolitikang pilosopiya nina John Locke, Jean-Jacques Rousseau, Karl Marx, John Stuart Mill, at John Rawls ang nagbigay-hugis sa maraming pamahalaan at ginamit upang ipagtanggol ang mga plataporma nito. Dapat ding espesyal na banggitin ang pilosopiya ng edukasyon na itinampok ni John Dewey dahil sa naging malaking epekto nito sa mga paraan ng edukasyon sa Estados Unidos sa ika-20 daantaon.

Ang iba pang mahalaga, ngunit walang dagliang paglalapatan ang matatagpuan sa epistemolohiya, na maaaring makatulong sa isang tao na ayusin ang kanyang pagkakaunawa tungkol sa ano ang kaalaman, ang patunay at ang pinangatwiranang paniniwala.

Tinatalakay ng pilosopiya ng agham ang mga batayan ng pamamaraang pang-agham, kasama ang iba pang mga paksa sa nakakatulong minsan sa mga siyentipiko. Nakakatulong ang estetika upang maintindihan ang mga usapan sa sining. Kahit pa sa ontolohiya, tiyak na isa sa pinaka-abstrakto at tila hindi-gaanong mapapakinabangang sangay ng pilosopiya, merong mga mahalagang dulot ito para sa lohika at agham pangkompyuter.

Sa pangkalahatan, ang iba't ibang pilosopiya ng - (piling pag-aaral) tulad ng pilosopiya ng batas, ay makakatulong upang bigyan ng malalim na pang-unawa ang mga dalubhasa tungkol sa mga kaisipang-ugat ng kanilang napiling larangan ng pag-aaral. Higit sa lahat, kailan lamang, nagkaroon ng pag-unlad sa paglaki ng propesyon na itinalaga para sa praktikal na gamit ng pilosopiya para sa mga tanong ng karaniwang buhay: pagpapayong pampilosopiya.

Noong pasimula, inilalapat ang salitang pilosopiya sa lahat ng pinagsisikapan ng pag-iisip. Pinag-aralan ni Aristoteles ang tinatawag natin ngayong biyolohiya, meteorolohiya, pisika at kosmolohiya, kasama ng kanyang metapisika at etika. Kahit noong ika-18 daantaon, ibinibilang ang pisika at kimika sa pilosopiya ng kalikasan, kung saan pinag-aaralan sa pilosopiya ang kalikasan. Ibinibilang ngayon ang mga paksang ito sa agham.

Dating nasa poder ng mga pilosopo ang sikolohiya, ekonomiya at linguistika dahil sila lamang ang nag-aaral ng mga ito noon, ngunit mahina na ngayon ang kanilang koneksiyon sa mga larangang ito. Sa huling bahagi ng ika-20 daantaon, makikitang binubuo ang agham na pangkognitibo (cognitive science) at artipisyal na karunungan (artificial intelligence) mula sa pilosopiya ng pag-iisip.

Isinasagawa ang pilosopiya sa paraang a priori. Hindi ito maaaring paunlarin sa pamamagitan ng mga eksperimento. Ngunit, may mga bagay din na nag-uugnay sa pilosopiya at agham lalo na sa katangian at pamamaraan nito; may ilang pilosopo ng Pilosopiya ng Analitika na nagsasabing ang paraan ng pag-aanalisa (kung saan hinahati ang kabuuan sa maraming bahagi at isa-isang pinag-aaralan ng malaliman ang bawat bahagi nito) ang nakakatulong sa mga pilosopo na gayahin ang mga pamamaraan ng agham-pangkalikasan; ipinapalagay ni Quine na bahagi ng agham-pangkalikasan ang pilosopiya, mas abstrakto nga lamang ito. Ang pananaw na ito, na tinatanggap ng nakararami ngayon, ay tinatawag na pilosopiya ng naturalismo.

Kadalasang may inilalaang panahon ang mga pilosopo sa pag-aaral ng iba't ibang sangay at pamamaraan ng agham, at dahil dito, di-tuwirang napag-aaralan ang paksa ng mga agham na ito. Isang malaking debate kung may bukod-tanging paksa ang pilosopiya. Matagal na panahong itinuring na mga paksa ng pilosopiya ang etika, estetika at metapisika, ngunit maraming pilosopo, lalo na sa ika-20 daantaon, ang nagtatakwil sa itinuturing nilang mga walang-halagang tanong na ito, (ang Sirkulo ng Vienna, na nagsusulong ng logical positivism).

Sinisikap ng pilosopiya na ipaliwanag ang pangkalahatang saligan at kaurian ng kaalaman (sa agham at kasaysayan), at sa ganitong paraan nagiging isang uri ito ng agham ng agham, ngunit may iba namang nagsasabi na nililinaw lamang nito ang mga sinasabi at isinusulong ng iba pang mga agham. Ipinapahiwatig nito na pilosopiya siguro ang pangkalahatang pag-aaral ng kahulugan at pangangatwiran; ngunit may iba namang nagsasabi na hindi ito agham, o kasalungat naman, na agham nga ito kaya hindi dapat pag-aralan ng mga pilosopo.

May mga bagay na pareho sa lahat ng mga pananaw na ito: na anuman ang pinakapuso ng pilosopiya, o anuman ang tinatalakay nito, mas abstrakto kaysa karamihan ng (iba pang) mga agham-pangkalikasan ang pangkalahatang pamamaraan ng pilosopiya.
Hindi ito ganong umaasa sa karanasan at experimentasyon, at wala itong direktang pakinabang na maibibigay sa teknolohiya. Isang pagkakamali ang paghanay ng pilosopiya sa kahit na anumang agham-pangkalikasan; isang hindi pa nasasagot na tanong kung maaaring ituring na magkapareho ang pilosopiya at ang mas pinalawak pang pagpapakahulugan sa agham.

Isang masiglang pag-aaral ito para sa mga pilosopo at mga siyentipiko. Madalas na binabanggit at binibigyang-kahulugan ng mga pilosopo ang iba't ibang uri ng eksperimento (tulad sa pilosopiya ng pisika at pilosopiya ng sikolohiya). Ngunit hindi ito nakapagtataka: layunin ng mga sangay na ito ng pilosopiya na unawain sa pampilosopiyang antas ang mga eksperimentong ito. Sa mga pag-aaral na ito, hindi nagsasagawa ng eksperimento at nagbubuo ng mga teorya ng agham ang mga pilosopo sa kanilang kakayanan bilang mga pilosopo. Hindi dapat ituring ng kapareho ng sinusuri nitong agham ang pilosopiya ng agham, gaya na rin na hindi halaman o hayop ang biyolohiya.

Tulad ng pilosopiya, hindi kailangan ang mga eksperimento sa pag-aaral ng relihiyon. May mga bahagi ang teolohiya, kabilang ang mga tanong kung meron at ano ang kalikasan ng diyos, na tinatalakay din sa pilosopiya ng relihiyon.

Itinuring ni Aristoteles na ang teolohiya ay isang sangay ng metapisika, ang pinakasentro ng pilosopiya, at bago sumapit ang ika-20 daantaon, malaking bahagi  ang inilaan ng mga pilosopo sa pagsagot ng mga tanong sa teolohiya. Kaya may kaugnayan ang mga pag-aaral na ito. Ngunit may bahagi ng mga pag-aaral sa relihiyon, tulad ng paghahambing sa mga pangunahing relihiyon sa daigdig, na malinaw na hiwalay sa pilosopiya tulad ng pagkakaiba ng iba pang mga agham na panglipunan sa pilosopiya. Mas may pagkakalapit ang mga ito sa kasaysayan at sosyolohiya, at may kaugnay na pagsasagawa ng espesyal na pagmamasid sa iba't ibang gawain sa relihiyon.

Hindi na pangunahin ang gampanin ng relihiyon sa pilosopiya. Sa tradisyon ng mga Empirisista sa makabagong pilosopiya, madalas na itinuturing na lampas sa saklaw ng kaalaman ng tao ang mga tanong sa relihiyon, at marami naman ang nagsasabi na walang literal na kahulugan ang wikang panrelihiyon: kaya hindi ito ang mga tanong na dapat sagutin.

May ibang mga pilosopo na naniniwalang hindi mahalagang talakayin ang kahirapan sa pagkalap ng mga patunay, kaya meron sa kanilang sumasang-ayon, sumasalungat o tungkol lamang sa mga paniniwalang panrelihiyon sa dahilang pangmoral o iba pa ang tinatalakay.

Ngunit para sa mas nakararami sa pilosopiya ng ika-20 daantaon, konti lamang ang mga pilosopo na seryosong tumatalakay sa mga tanong na panrelihiyon.

Ginagamit ng matematika ang pinaka-eksakto at pinakamahigpit na mga paraan ng pagpapatunay na minsan (ngunit napakadalang) lamang tinutularan ng mga pilosopo. Karamihan sa mga pilosopiya ang isinulat sa paraang tuluyan (prosa), at bagaman nilalayon nitong maging malinaw at tukoy, hindi nito mapapantayan ang uri ng linaw na matatagpuan sa matematika. Kaya naman bihirang pagtalunan ng mga matematiko kung ano ang kahuli-hulihang sagot, habang hindi naman magkasundo ang mga pilosopo sa kanilang iba-ibang sagot at pamamaraang pampilosopiya.

Ang Pilosopiya ng Matematika ay sangay ng pilosopiya ng agham; ngunit sa maraming paraan, may espesyal na kaugnayan ang matematika sa pilosopiya. Dahil ito sa pag-aaral ng lohika na pinakasentrong sangay ng pilosopiya, at matematika ang modelong-pangkaisipan ng lohika. Sa huling bahagi ng ika-19 at ika-20 daantaon, malaki ang naging pag-unlad ng lohika, at napatunayan na maaaring isalin sa lohika ang matematika. Bagaman hindi madalas, nahahawig sa paggamit ng matematika sa agham ang paggamit ng pormal at pang-matematikang lohika sa pilosopiya.

Kaya para bang isang pag-aaral na humahango ng kaalaman mula sa mga karaniwang may-pinag-aralan ang pilosopiya, at hindi ito nangangailangan ng eksperimentasyon at maingat na pagmamasid, bagaman binibigyang-kahulugan nito ang mga aspektong pampilosopisya ng mga eksperimento at napagmasiran.

Maaari nating sabihin nang may pagmamalaki na pilosopiya ang pag-aaaral na sinusuri ang kahulugan at katwiran ng ating mga pinakamahalagang paniniwala, gamit ang mga pamamaraang pampilosopiya.

Ngunit paano ba natin dapat unawain ang salitang mga pinakamahalagang paniniwala?

Mahalaga ang paniniwala kung tungkol ito sa aspekto ng daigdig na karaniwang matatagpuan, at maituturing na aspektong bumabalot sa lahat kahit saan. Bilang halimbawa, pinag-aaralan ng pilosopiya ang mismong pag-iral, pagmemeron. Pinag-aaralan din nito ang pagpapahalaga --kabutihan ng bagay—sa malawak na paraan.

Sa buhay ng tao, tiyak na nakikita natin kahit saan ang kahalagahan ng kabutihan at pagpapahalaga, at hindi lang kabutihang pangmoral ang tinutukoy natin, kundi ang mas malawak na kabutihan na nagugustuhan natin, halimbawa, sa isang mansanas, sa isang obra maestra ng isang pintor, o sa isang mabuting tao (kung meron nga kayang isang katangian na nag-uugnay sa lahat ng mga ito na matatawag nating mabuti). [Hindi lamang masarap ang mansanas, mabuti rin itong kainin. Hindi lamang maganda ang isang obra maestra, may buti rin itong hatid sa damdamin ng nakakakita. Hindi lamang may dangal ang bawat tao, may kabutihan din ang bawat isa na dapat makilala.]

Pinag-aaralan din naman ng pisika at iba pang mga agham ang pinakamalawak na mga aspekto ng mga bagay; ngunit sa pamamaraang gumagamit ng mga eksperimento. Hindi naman gumagamit ng eksperimento ang pilosopiya sa mga pag-aaral nito. Napakalawak nga ang mga aspektong ito ng mga bagay; bilang halimabawa, itinatanong ng mga pilosopo kung ano ang mga pisikal na bagay sa mismong pag-iral nito, na kakaiba sa mga katangian ng mga bagay at ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay, at kung ano ang kaibahan nito sa pag-iisip o sa kaluluwa.

Ipinagpapatuloy ng mga pisiko ang kanilang pag-aaral na para bang malinaw at tuwiran ang pagiging pisikal ng katawan—at siguro, ganito nga ito matutuklasan—ngunit, ganito ipinapalagay ito ng pisika, at saka lamang nagtatanong kung paanong kumikilos ang mga pisikal na katawan, at mula dito, saka naman nagsasagawa ng mga eksperimento upang hanapin ang mga sagot.

Isang pambobola (ng ilang manunulat para sa pambungad na seksiyon sa mga aklat ng pilosopiya) ang sabihin na may pilosopiya ang bawat tao, lalo na at hindi nila malalim na napag-iisipan ito o hindi nila mapapatunayan ito. Ngunit ganon din naman, hindi ginagamit ng mga pilosopo ang salitang pilosopiya tulad sa sinasabi ng karaniwang tao na ito ang aking pilosopiya sa buhay... Ganito ang hidwaan ng pangkaraniwang pagtuturo at seryosong pagpapakadalubhasa.

Kung gusto mong mag-aral ng pilosopiya, siguro para ito sa ikagaganda ng iyong pananaw sa buhay, o siguro naiisip mong magandang maintindihan ang pinakasinaunang pinag-aralang mga tanong sa buhay. Sa kabilang dako, kung hindi mo naiintindihan ang pinag-uusapan dito, dapat mo sigurong basahin ang kahalagahan ng pamimilosopiya, kung saan ipinapaliwanag kung bakit namimilosopiya ang tao, at basahin din ang paraang pampilosopiya na makakatulong upang maunawaan kung paanong nag-iisip ang mga pilosopo. Makakatulong din ang alamin ang mga sinasabi tungkol sa kung ano ang pilosopiya.

Pinapayuhan ang mga bago pa lamang na nag-aaral ng pilosopiya na magbasa tungkol sa lohika, metapisika, pilosopiya ng pag-iisip, pilosopiya ng wika, epistemolohiya, pilosopiya ng agham, etika at pampolitikang pilosopiya na mga itinuturing – bagaman maaaring tutulan - na mga pinakamahalagang paksa ng pag-aaral.

Isa sa mga mahalagang pambungad na aklat dito ang Think ni Simon Blackburn.

Doon sa mas gustong mag-aral ng pilosopiya na may kasama, maaaring makipag-ugnayan sa mga pribadong samahan tulad ng Society for Philosophical Inquiry.

Matatagpuan sa seksiyong ito ang iba pang sulatin tungkol sa Pilosopiya sa Tagalog na edisyon ng Wikipedia. (Patuloy na madaragdagan)




#Article 20: Metapisika (1333 words)


Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika, at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal. Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala—tulad ng pagmemeron, pag-iral, pangsanlahat, kakanyahan, kaugnayan, kasanhian, kalunanan, kapanahunan, pangyayari at maraming iba pa.

Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni Aristoteles ang sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya, tulad ng pilosopiya ng relihiyon, pilosopiya ng pag-iisip, pilosopiya ng pagdama, pilosopiya ng wika at pilosopiya ng agham. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.

Ang maaari nating tawagin na pinakasentrong mga problema sa metapisika ay ang mga problemang lagi nang itinuturing na pangmetapisika at di-kailanman itinuring na di-pangmetapisika. May pagkakahawig ang mga problemang pangmetapisika sa mga ibinibilang na mga problema ng ontolohiya, ang agham ng pag-iral sa katalagahan ng pag-iral (basahin ang ontolohiya).

Iba naman ang pakiwari ng ibang mga tradisyon ng pilosopiya tungkol sa mga problemang pangmetapisika kumpara sa tradisyon ng pilosopiya sa Kanluran; tulad ng Taoismo at iba pang Pilosopiya sa Silangan na hindi sumasang-ayon sa mga pangunahing simulain ng metapisika ni Aristoteles, na naging bahagi na at di-tinututulan sa pilosopiya sa Kanluran, bagaman merong ilan sa Kanluran na may ibang pananaw sa metapisika tulad ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel sa kanyang Agham ng Lohika.

Nagsulat ng maraming aklat ang sinaunang pilosopong Griego na si Aristoteles na tinipon at pinangalanang Pisika. Sa nauna nitong edisyon, iniayos ang mga sinulat ni Aristoteles ayon sa paksa; at may pangkat ng aklat na inilagay kasunod ng pisika. Tinatalakay ng mga aklat na ito ang pangunahin at pangsaligang bahagi ng pagsasaliksik ng pilosopiya na hindi pa noon napapangalanan. Kaya tinawag ng mga sinaunang dalubhasa na maka-Aristoteles ang mga aklat na ito na τὰ μετὰ τὰ φυσικά, ta meta ta physika, na nangangahulugang ang (mga aklat na inilagay) kasunod ng (mga aklat sa) pisika. Kaya, ito ang pinagmulan ng salitang 'metapisika' (sa Griego, μεταφυσικά).

Kaya sa pagsusuri ng salitang-ugat, metapisika ang paksa ng mga aklat ni Aristoteles, na sama-samang pinangalanan na metapisika. 'Paksa ng metapisika ni Aristoteles' ang pang-etimolohiyang kahulugan ng metapisika.

Nahahati ang metapisika sa tatlong bahagi, na itinuturing ngayon na mga tradisyunal na sangay ng Kanluraning metapisika; ito ang (1) ontolohiya, (2) teolohiya ni Aristoteles at (3) agham na pangsanlahat. Meron ding mas maigsing mga sulatin na iba ang tinatalakay, tulad ng talasalitaang pampilosopiya, na sinisikap ipaliwanag ang pilosopiya sa mas malawak nitong kahulugan, at mga sipi mula sa pisika na tuwirang kinopya ang mga salita.

Minsan, napakahirap unawain maging ang mismong paksa ng metapisika. Maaari sigurong makatulong ang pagbibigay ng maituturing natin na mga payak na halimbawa bilang pambungad sa mga problema ng metapisika.

Ilarawan natin sa ating isipan na nasa loob tayo ng isang silid, at merong hapag sa gitna ng silid, at sa gitna ng hapag, merong malaki, sariwa, masarap at hinog na santol. Maaari tayong magbigay ng maraming tanong na pangmetapisika tungkol sa santol. Sana, makatulong ito upang maunawaan natin kung ano ang metapisika.

Magandang halimbawa ng isang pisikal na bagay ang isang santol: puwede itong damputin, ihagis, kainin at iba pa. Meron itong pook (kalunanan) at oras (kapanahunan) na kinalalagyan at may mga taglay itong katangian (kulay, timbang, hugis, at iba pa). Kung itatanong natin, ano ba ang mga pisikal na bagay? Parang hindi masasagot ang ganitong uri ng tanong. Paano at ano ang gagamitin natin upang ipaliwanag kung ano ang mga pisikal na bagay? Ngunit pinagsisikapan ng mga pilosopo na masagot ang ganitong uri ng mga tanong sa malawakang pamamaraan. Itinatanong nila: kung pinagsama-samang katangian ba ang mga pisikal na bagay? O mga kaibuturan ba ito na merong mga ganoong katangian? Na maaari nating tawagin na problema ng kaibuturan o pagkabagay.

Narito ang isa pang uri ng tanong. Sinasabi natin na may katangian ang santol, tulad ng pagiging malaki, pagiging sariwa, pagiging masarap at pagiging hinog. Paano ba ang pagkakaiba ng katangian sa iba't ibang mga bagay? 
Pansinin na sinasabi nating may katangian ang mga bagay tulad ng santol. Ngunit magkaiba ang pagkasantol at ang pagkahinog. Maaari nating kunin ang santol, ngunit hindi nating maaaaring makuha ang pagkahinog. Maaari lamang tayong makakuha ng pagkahinog kapag nakalapat ang katangiang ito sa isang prutas. Ngunit pansinin na iba pa rin ang pagkahinog ng mangga sa pagkahinog ng isang santol o pagkahinog ng isang pinya. Kaya, paano na ba natin uunawain kung ano ang katangian? Ito ang problema ng pangsanlahat.

Narito ang isa pang tanong tungkol sa kung ano ang mga pisikal na bagay: kailan natin masasabi sa pangkalahatan na pumasok na papunta sa pag-iral ang mga pisikal na bagay at kailan natatapos ang pag-iral nito? 
Tiyak natin na maaaaring magbago ang isang santol pero nandito pa rin ito; hindi ito nawawala. Maaari itong mangitim at mabulok, ngunit santol pa rin ito. Hindi maaaring maging bayabas ang isang santol. Ngunit kapag kinain ang santol, hindi lamang ito nagbago, tuluyan na rin itong nawala. Ang mismong pagkasantol nito ang natapos. Kaya bahagi ng pag-aaral ng metapisika ang mga tanong tungkol sa kakanyahan (identity), ang pananatili ng isang bagay sa kanyang pag-iral sa loob ng kanyang kapanahunan, hanggang sa sumailalim ito sa pagbabago, at kalaunan, ang mismong pagkawala (nothingness) nito.

Umiiral ang isang santol sa isang kalunanan (nakalagay ito sa isang hapag sa gitna ng isang silid) at sa isang kapanahunan (nakalagay ito ngayon; hindi ito nakalagay noong isang linggo at wala na ito sa susunod na sanglinggo). Ngunit paano nga ba uunawain ang kalunanan (space) at kapanahunan (time)? Bilang halimbawa, maaari ba nating sabihin na isang di-nakikitang koneksiyon ng mga linya sa tatlong kasukatan (dimensiyon) ang kalunanan, na kinalalagyan ng santol at iba pang mga pisikal na bagay? Kung halimbawang alisin natin ang santol at iba pang mga pisikal na bagay sa pag-iral: mananatili ba sa pag-iral ang kalunanan? May ibang nagsasabi na hindi, na sa kawalan ng mga pisikal na bagay, naglalaho rin ang kalunanan, dahil balangkas lamang ito kung paano natin inuunawa ang kaugnayan ng mga pisikal na bagay. Marami pang ibang tanong na pangmetapisika na maiuugnay sa kalunanan at kapanahunan.

Meron pang kakaibang mga tanong sa metapisika. Isang uri ng bagay ang santol; kung nasa silid din si Maria, at sinasabi nating may isip si Maria, tiyak na sasabihin nating iba ang pag-iral ng isip ni Maria sa pag-iral ng santol. Maaari nating sabihin na di-materyal ang isip ni Maria, samantalang materyal na bagay naman ang santol. Hindi rin yata tama na sabihing nasa isa lamang pook ang isip ni Maria, dahil hindi natin maaaring ikulong sa isang silid ang kanyang isip. Ngunit may tiyak at tukoy na kinalalagyan ang santol (sa ibabaw ng hapag na nasa gitna ng silid). Ngayon, paano naman nating ipapakita ang kaugnayan ng isang kalagayang-pangkaisipan, tulad ng pagpapasyang kumain, sa isang pisikal na pangyayari, ang mismong pagkain ng santol? Paano ang ugnayan ng kasanhian sa pagitan ng isip at katawan kung talagang magkaiba ang mga ito? Ito ang suliranin ng isip-katawan na nakaugalian na ngayong ilipat sa nakakababang sangay ng pilosopiya, na tinatawag na pilosopiya ng pag-iisip. Ngunit may ibang pilosopo na nagtuturing na bahagi ng metapisika ang suliranin ng isip-katawan.

Ang nabanggit sa itaas ang mga halimbawa ng mga problemang pangmetapisika. Marami pang ibang mga problema na tinatalakay sa metapisika.

May mga sangay na ibinibilang ngayon o tradisyunal na ibinibilang na mga sangay ng metapisika:

Matatagpuan sa seksiyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. (Patuloy na madaragdagan)




#Article 21: Epistemolohiya (2013 words)


Ang Epistemolohiya ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman.

Ang sinulat na Theaetetus ni Platon (Plato) ang pinakamahalagang pagsisikap na bigyang-kahulugan ang kaalaman.

Kaalaman ang totoo (tama) at matuwid na paniniwala.

Ipinapahiwatig ng kahulugang ito na hindi natin maaaring sabihin na may alam ang isang tao kung basta lamang siya naniniwala at saka lamang ito mapapatunayang totoo. Maaaring magsaya at maniwala ang isang maysakit, na walang alam sa medisina, na gagaling siya kaagad sa kanyang sakit. Sa bandang huli, maaaring tama nga siya at magkaroon ng kaugnayan ang katotohanan at paniniwala, lalo na at para na ring pagpapatunay ang kagalingang idinulot ng kanyang lakas-ng-loob. Ganun pa man, maraming pilosopo ang magsasabi na hindi alam ng maysakit na gagaling siya dahil walang sapat na katwiran para panghawakan niya ang kanyang paniniwala.

Alinsunod sa gamit ng epistemolohiya, hindi tinutukoy ang paniniwala bilang pagtitiwala o pagsampalataya sa isang bagay. Ginagamit ang salitang paniniwala sa diwa na sinasang-ayunan ang katotohanan ng isang pahayag. Ayon sa ganitong gamit ng salita, maaari nating timbangin kung tama o mali ang paniniwala. Kung naniniwala si Jenny na totoo ang x, at talagang totoo ang x, samakatuwid tama ang paniniwala ni Jenny. Ngunit ayon sa Theaetetus, upang ituring na kaalaman ang paniniwala, dapat meron itong sapat at angkop na katwiran. Makikita ang kaibahan ng kaalaman sa isang tunay na paniniwala sa pamamagitan ng pangangatwiran; at malaking bahagi ng epistemolohiya ang tumatalakay kung paanong bibigyang-katwiran ang mga tunay na paniniwala. Minsan ding tinatawag ito na teoriya ng pangangatwiran.

Sumasang-ayon ang kahulugan ng Theaetetus sa alam nating lahat, na kaya nating paniwalaan ang mga bagay kahit hindi natin ito lubusang alam. Bagaman kinakailangan (lohikal na kondisyon) na totoo ang 'p' kapag sinasabing may alam tayo sa 'p', hindi ito kakailanganin kung sasabihing may paniniwala tayo sa 'p', dahil maaari tayong magkaroon ng maling paniniwala. Ipinapahiwatig din nito na pinaniniwalaan natin ang anumang alam na natin. Ibig sabihin, isang maliit na bahagi (subset) ng pinaniniwalaan natin ang mga bagay na alam natin.

Bagaman ang tatlong kondisyon na ito ang kailangan para sa kahulugan ng kaalaman, patuloy pa rin ang debate kung ito'y sapat na. May binabanggit si Edmund L. Gettier na mga pagkakataon kung saan naroon ang tatlong kondisyon, ngunit lumalabas na hindi pa rin nararating ang kinakailangang kaalaman.

Hindi pa napapagkaisahan kung ano ang mga paniniwalang epistemolohikal na magbibigay sa tao ng pinakaeksaktong pagkakaunawa sa kaalaman, o ang mga kaisipang bumubuo dito, ang katotohanan – o bilang pagpapakumbaba, ang pagkakakaisa kung isa lamang ang katotohanan. May paniniwalang epistemolohikal ang lahat ng tao, kahit na di namamalayan, dahil kahit pa tayo nakakapag-isip, hindi natin mauunawaan at magagawang himayin ang mga kaisipan hangga't hindi muna tayo nagkakaroon ng sistema para tanggapin at ihanda ang mga kaisipang ito. Nagtataglay ng panimula at hindi pa napapaunlad na kakayanang epistemolohikal ang lahat ng tao - kahit pa ang mga bata, ayon kay Piaget. Ngunit, maaaring magsimula ang mga nag-aaral ng pilosopiya sa pagsusuri kung paanong gumagana ang kania-kanilang epistemolohiya, at paunlarin ang kanilang epistemolohiya sa pamamagitan ng bago nilang mga natuklasan.

Kung pumapayag tayo na maaari nating makita ang kaibahan ng kaalaman sa tamang paniniwala batay sa katwiran nito, masasabi natin na ang pinakasentrong tanong sa epistemolohiya ay ano ang pinakamabisang paraan upang bigyang-katwiran ang isang tamang paniniwala?

Merong mga paraan ng pagbibigay-katwiran sa kaalaman na hindi bunga ng katinuan ng pag-iisip (di rasyunal). Iyon bang, hindi nito tinatanggap na dapat maging lohikal at may tamang kadahilanan ang pagbibigay-katwiran. Nagmula ang Nihilismo sa isang materyalistiko at pampolitika na pilosopiya, ngunit minsan din itong itinuturing na isang maling aral na nagsasabing walang katwiran ang kaalaman—mali dahil sinasalungat nito ang mismong paniniwala nito na di maaaring magkaroon ng kaalaman, ngunit siguro para sa isang nihilista, walang masama kahit pa salungatin ng isang tao ang kanyang sarili.

Binibigyang-katwiran ng Mistisismo ang mga pahayag nito sa pag-angkin ng isang direktang ugnayan sa isang karanasang banal. Para sa mga taong pinalad na magkaroon ng ganitong karanasan, hindi na mahalaga para kanila kung parang hindi nagkakatugma ang kanilang mga sinasabi, dahil hindi yata maaaring unawain ng isip ng tao ang karanasang banal sa isang paraang may malinaw na balangkas.

Kung hindi natin itatanggi na merong rasyunalidad (kung tinatanggap natin ang kahalagahan ng katinuan), ngunit nais nating panghawakan na hindi maaari at hindi nabibigyang-katwiran ang anumang kaalaman, matatawag tayong mga Iskeptiko (sceptic). May mas malalim na pagkakaugat ito sa pilosopiya, dahil sa pagtanggap ng mga iskeptiko na may bisa ang katwiran, maaari nilang ilahad ang kanilang mga pagpapatunay para dito.

Halimbawa, sinasabi sa patunay sa paraang panunumbalik (regress argument) na maaaring bigyang-katwiran ang isang pahayag. Kung may kasunod na pahayag na ibubunga ang pagbibigay-katwiran, dapat din itong bigyang-katwiran, ganun din ang mga kasunod pa nito. Kaya naman para itong isang walang katapusang panunumbalik, na kung saan binibigyang-katwiran ng iba pang mga pahayag ang bawat pahayag. Napakahirap at di maaaring tiyakin kung sapat ang bawat pagbibigay-katwiran, kaya humahantong sa iskeptisismo ang paggamit sa ganitong sunod-sunod na pangangatwiran.

Sa kabilang banda, maaari nating sabihin na may mga pahayag tungkol sa kaaalaman na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Malaking bahagi ng kasaysayan ng epistemolohiya ang kuwento ng magkakasalungat na aral pampilosopiya na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag tungkol sa kaaalaman. Ito ang pananaw na tinatawag na Pundasyunalismo (Foundationalism).

Maaari din na iwasan ang patunay sa paraang panunumbalik kung ipapalagay na isang pagkakamali ang ibatay ang katotohanan ng isang pahayag sa tulong na ibinibigay ng iba pang mga pahayag. Pinanghahawakan ng Koherentismo (Coherentism) na hindi nabibigyang-katwiran ang pahayag tungkol sa kaaalaman sa pamamagitan ng maliit na sangbahagi (subset) ng iba pang pahayag, tanging ang kabuuan ng mga pahayag na ito ang makakapagbigay-katwiran. Ibig sabihin, makatwiran ang isang pahayag kung sanggawi (coheres), isang direksiyon ang tinatahak nito na umaayon, sa iba pang mga pahayag na kasama sa sistema. Sa ganitong paraan, naiiwasan nito ang problema ng walang katapusang panunumbalik (infinite regress), kahit pa hindi nito itinuturing na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag. Maaari din naman na sanggawi lamanag ang sistema ngunit mali pa rin ito; ipinapakita nito ang kahirapang tiyakin na may katotohanan, na nagiging kapwa-tugon (corresponds), na tumutugma, sa buong sistema.

Merong mga pahayag na mukhang hindi na kailangang bigyang-katwiran upang maunawaan ang kahulugan. Halimbawa, pag-isipan natin ang pahayag na ang kapatid ng tatay ko ay aking tiyuhin. Kung tama ang pahayag na ito batay sa kahulugan ng mga terminong nakapaloob dito, mukhang hindi na kailangan na hingian pa ito ng pangangatwiran upang mapatunayang totoo. Tinatawag ng mga pilosopo ang ganitong mga pahayag na analitiko. Sa mas teknikal nitong kahulugan, analitiko ang isang pahayag kapag kalakip/tinataglay ng kaisipan ng pasimuno (subject) ang kaisipan ng panaguri (predicate). Sa ibinigay na halimbawa, taglay ng kaisipan na kapatid ng tatay ko (pasimuno) ang kaisipan na tiyuhin (panaguri). Di ganitong kapayak ang lahat ng pahayag na analitiko. Itinuturing na analitiko ang mga pahayag sa matematika.

May magkaiba namang mga pasimuno at mga panaguri ang mga pahayag na sintetiko. Halimbawa, ang kapatid ng tatay ko ay sobra ang bigat. Maraming bagay ang maaaring sumobra sa timbang, hindi lang ang matabang kapatid ng tatay ko.

Bagamat nakita na ni David Hume ang ganitong uri ng kaisipan, mas naging malinaw ang pagkilala dito ni Kant, at binigyan ng pormal na anyo ni Frege. Isinulat ni Wittgenstein sa Tractatus na walang kaisipang ipinapahayag ang mga pahayag na analitiko. Ibig sabihin, wala itong bagong kaalaman na ibinibigay sa atin. Kaya, totoo man na hindi na kailangang bigyang-katwiran ang mga pahayag na analitiko, balewala din dahil wala tayong matututunan mula dito.

Karaniwan para sa mga taong walng kwenta at walang ari 
na pang-epistemolohiya na iwasan ang iskeptisismo sa paggamit ng paraan ng Pundasyunalismo. Kaya, ipinapalagay nila na may mga pahayag na taglay ang kakaibang kahalagahang pang-epistemolohiya—mga pahayag na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Maaari nating pagbukud-bukurin ang mga teoriya na pang-epistemolohiya ayon sa uri ng mga pahayag na pilit binibigyan ng kakaibang kahalagahan.

Naniniwala ang mga Rasyunalista na may mga kaisipan na sa ganang sarili ay di matatagpuan sa karanasan. Nabibigyang-katwiran ang mga kaisipang ito na kahiwalay sa mga karanasan ng iba't ibang tao. May mga kaisipang hinahango sa mismong balangkas ng isipan ng tao o umiiral na kahiwalay ng ating isip. Kung may hiwalay itong pag-iral, mauunawaan lamang ito ng ating isip kung may taglay na tayong sapat na katalinuhan.

Si Cartesio (Descartes) ang pinakamahalagang halimbawa ng pananaw na rasyunalista, na nagsabing Nag-iisip ako kaya umiiral ako; isa itong paanyaya sa iskeptiko na tanggapin ang katotohanan na sa ginagawa niyang pag-aalinlangan, nangangahulugan na merong nag-aalinlangan. Hinango ni Spinoza mula sa sistema ng rasyunalista na meron lamang isang pinag-uugatang batayang-likas (substance), ang Diyos. Para naman sa sistema ni Leibniz di mabibilang sa dami ang mga pinag-uugatang batayang-likas, ang tinatawag niyang mga monad.

Para sa Empirisista, bunga ng karanasan ng tao ang kaaalaman. May mahalagang papel sa teoriya ng empirisismo ang mga pahayag ng pagmamasid. Pinanghahawakan ng Payak na Emperisismo (Naive empiricism) na kailangang suriin sa panukat ng realidad ang ating mga kaisipan at teoriya; at tanggapin o tanggihan ang mga pahayag batay sa pagkakatugma (pagiging kapwa-tugon) nito sa mga patunay.

Maiuugnay natin sa agham ang empirisismo. Bagaman hindi natin maaaring pagdudahan ang pagkaepektibo ng agham, hindi pa rin natatapos ang debate sa pilosopiya tungkol sa paano at bakit nagtatagumpay ang agham. Minsan na sinang-ayunan ang paniniwala na dahil sa pamamaraang pang-agham kaya natagumpay ang agham, ngunit ang mga nagsusulputang mga tanong sa pilosopiya ng agham ang nagpapalakas sa koherentismo.

ang isang bagay na umiiral ang sanhi para makita natin ito. Kaya, maaari nating sundan ang ating pahayag, na nananatili ang daigdig sa kinalalagyan nito kapag nararamdaman natin ito – ibig sabihin, naroon pa rin ang silid kahit na umalis na tayo sa loob nito. Kabaligtaran naman ang solipsismo (na nagsasabing hindi maaaring umiral ang isang bagay kung walang nakakaramdaman dito). Marami ang nagsasabing may kahinaan ang pananaw na ito dahil sa napakaraming paraan kung paano nararamdaman ang isang bagay – sa pagpunta sa iba't ibang sulok ng isang silid, iba-iba rin ang makikitang hugis ng isang hapag.

Hindi tulad ng Payak na Realismo, pinapahalagahan ng May-Sagisag na Realismo ang mga isinasaad ng ating pandamdam (ang paraan kung paanong binibigyang-sagisag ang mga bagay, hindi lamang ang di nagbabagong bagay sa matematika). - ito ang nagpapagana sa talukbong ng pagdamdam, kung saan hindi natin matiyak kung talagang umiiral ang hapag na tinitingnan natin dahil walang obhetibong patunay sa pag-iral nito.

Pinaghahawakan ng Idealismo na ang tinutukoy natin at nararamdaman natin na panlabas na daigdig ay walang iba kundi ang ating bungang-isip. Halimbawa, walang kaugnayan sa panlabas na daigdig ang mga pahayag na analitiko tulad sa matematika, at itinuturing ang mga ito na magandang halimbawa ng mga pahayag sa kaalaman. Iba-iba ang naging mga pananaw na idealista nina George Berkeley, Immanuel Kant at Hegel.

Nagmula ang Penomenalismo sa pahayag ni George Berkeley na ang pag-iral ay ang kakayanang maramdaman. Ayon sa penomenalismo, kapag nakakakita tayo ng isang punong-kahoy, ang nakikita natin ay ang nararamdamang kulay at hugis. Sa ganitong pananaw, hindi dapat ituring ang mga bagay na umiiral ayon sa kanilang kakaibang kakanyahan na nakikipagdaupang-palad sa ating pakiramdam; sa halip, masasabi nating ang talagang umiiral ay ang pagdamdam.

Batay sa dalawang uri, na pundasyunalismo at koherentismo, ang karamihan sa mga pag-aaral ngayon sa epistemolohiya.

Kailan lamang, sinikap ni Susan Haack na pagsamahin ang dalawang pamamaraang ito sa tinatawag niyang  pundaherentalismo (foundherentalism), na binibigyan ng iba't ibang antas ng kaugnay na tiwala ang mga pahayag batay sa pagtatalaban ng dalawang pamamaraan. Matatagpuan ito sa kanyang aklat na Evidence and Inquiry: Towards Reconstruction in Epistemology.

Tungkol sa paghula ng madalas mangyari ang reliabilismo. 
Halimbawa, ang pagsasabi na kayang umingles ng isang tao ay maaaring patunayan ng isang nagsasalita ng Ingles. 
Dalawa ang paraan upang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang pangagatwiran: 
Panlabas- (Mapagkakatiwalaan, hal. isang duktor na nagsusuri sa akin) at 
Panloob- (Di Mapagkakatiwalaan, hal. umaasa sa pakiramdam ng aking mga kasu-kasuan)
Ngunit paano natin malalaman na tama ang isang mapagkakatiwalaan? 
Kapag may mali sa programa ng isang kompyuter, mapagkakatiwalaang hindi ito tama.

Matatagpuan sa seksiyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. (Patuloy na madaragdagan)




#Article 22: Etika (2433 words)


Etika o palaasalan ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na agham ng moralidad. Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang kabutihan. Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.

'Ang layunin ng teoriya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong lipunan. Iba-iba ang paninindigan ng mga pilosopo sa kanilang pagbibigay-kahulugan sa kung ano ang kabutihan, sa kung paano tatalakayin ang nagsasalungatang pampersonal na prayoridad laban sa panlahat, sa mga pangsanglahat na prinsipyong pang-etika laban sa etikang pangsitwasyon na nagsasabing batay sa sitwasyon ang pagiging mabuti at hindi dahil sa isang pangkalahatang batas, at kung batay sa bunga ng isang kilos ang kabutihan o batay sa uri ng pamamaraan kung paanong narating ang isang resulta.' (Jennifer P. Tanabe, Contemplating Unification Thought)

Nagsimula sa mga sinaunang Griego, at ng mga sumunod na mga Romano, ang pormal na pag-aaral ng etika sa isang seryoso at analitikong pamamaraan. Kabilang sa mga mahahalagang etisistang Griego ang mga Sopista (Sophists), sina Sokrates (Socrates), Platon (Plato) at Aristoteles (Aristotle), na may-akda ng naturalismong pang-etika (ethical naturalism). Pinalalim pa ang pag-aaral ng etika sa ilalim ni Epicurus at ng kilusang Epicureanismo, at ni Zeno at mga Istoiko.

Bagaman hindi tinalakay sa isang pormal at analitikong pamamaraan, may malalim na interes sa paksa ng etika ang mga sumulat ng Bibliang Hebreo, at sa paglipas ng daantaon, ang Bagong Tipan at ang Apokripa. Sa mga gustong magsiyasat ng etika sa mga paksang ito, basahin ang sulating Etika sa Biblia; may kaugnay din itong sulatin, Etika sa relihiyon na may mas malawak na paksang tumatalakay sa pagkakabuo ng etika sa mga pangunahing relihiyon.

Bumagal ang pormal na pag-aaral ng pilosopiya noong gitnang panahon sa Europa, at muli lamang itong sumigla sa mga panulat ni Maimonides, Santo Tomas de Aquino (Thomas Aquinas) at iba pa. Nang panahong ito, naging mahalaga ang debate tungkol sa pagkakabatay ng etika sa batas ng kalikasan at batas ng Diyos.

Pinasimulan ang makabagong kanluraning pilosopiya sa mga akda nina Thomas Hobbes, David Hume at Immanuel Kant. Sinundan ito ng mga utilitariano, na sina Jeremy Bentham at John Stuart Mill. Walang tiyaga si Friedrich Nietzsche sa mga makalumang pananaw ng etika at kinalaban ang mga sistemang ito. Umunlad ang pag-aaral ng analitikong etika sa ilalim nina G. E. Moore at W. D. Ross, na sinundan ng mga emotibista, na sina C. L. Stevenson at A. J. Ayer. Nagmula naman sa manunulat na si Jean Paul Sartre ang existentialismo. Merong mga makabagong pilosopo na may seryosong akda sa etika tulad nina John Rawls, Elliot N. Dorff, Christine Korsgaard at Charles Hartshorne.

Sa pilosopiya ng analitika, tradisyunal na hinahati ang etika sa tatlong sangay: Meta-etika, Normatibong etika at Praktikal na etika.

Meta-etika ang pagsasaliksik sa kalikasan ng mga pahayag sa etika. Kabilang sa mga tanong nito ang: Nababagay ba sa katotohanan ang mga pahayag sa etika, ibig sabihin, may kakayanan ba itong maging tama o mali, o ang mga ito ba, bilang halimbawa, ay pahayag lamang ng damdamin? Kung nababagay sa katotohanan ang mga pahayag sa etika, may pagkakataon bang tuluyan na itong nagiging totoo? Tinatawag na nihilismong pangmoral ang posisyon na mali ang lahat ng mga pahayag sa etika. Kung may pagkakataon na nagiging tama ito, ano ang kalikasan ng mga katotohanang ipinapahayag nito? At sukdulan ba ang pagiging tama nito, o lagi ba itong may kaugnayan sa isang tiyak na tao, lipunan o kultura? (Basahin ang relatibismong pangmoral, relatibismong pangkultura.) Isa sa mga pinakamahalagang sangay ng pilosopiya ang meta-etika.

Pinag-aaralan sa meta-etika ang kalikasan ng mga pahayag at kaugalian sa etika. Kabilang dito ang mga tanong kung ano ang mabuti at tama, kung meron at paano natin nalalaman kung ano ang mabuti at tama, kung may di nababagong batayan ang mga pagpapahalagang moral. at kung paano nakakaepekto sa ating mga pagkilos ang ating mga kaugalian sa etika. Madalas na batay ito sa isang listahan ng pangsukdulang moral, tulad ng isang panrelihiyong kodigong moral, malinaw man ito o hindi. May ibang nagsasabi na isang anyo ng meta-etika ang estetika.

Nagsisilbing tulay ng meta-etika at praktikal na etika ang normatibong etika. Pinagsisikapan nitong marating ang mga pamantayang moral na maaaring isabuhay, na makakatulong sa malinaw na pagkilatis ng tama at mali, at kung paanong magkaroon ng isang moral na pamumuhay.

Inilalapat ng Praktikal na etika (Applied ethics) ang normatibong etika sa ilang kontrobersiyal na usapin. Halimbawa, ang sumusunod ang mga tanong sa praktikal na etika: moral ba ang aborsyon?; moral ba ang euthanasia; ano ba ang mas malalim na kahulugan ng patakaran ng apirmatibong aksiyon?; may karapatan ba ang mga hayop?

Mas pangunahin ang kakayanang magbuo ng tanong kaysa pagtimbang ng mga karapatan.

Hindi nangangahulugan na tungkol sa mga pampublikong patakaran ang lahat ng tanong na pinag-aaralan sa praktikal na etika. Halimbawa: Lagi bang mali ang pagsisinungaling? Kung hindi, kailan ito pinapayagan? Ang kakayanang makagawa ng mga etikal na pagpapasya ang mas nauuna kaysa anumang seremonya ng paggalang.

Kabilang sa mga halimbawa ng praktikal na etika ang sumusunod:

Nailapat na ang etika sa ekonomiya, politika at agham pampolitika, 
na nagbibigay-daan sa ilang hiwalay at di-kaugnay na mga larangan ng praktikal na etika, kabilang ang Etika sa Kalakalan at Marxismo.

Nailapat na rin ang etika sa balangkas ng pamilya, sa seksuwalidad at sa mga pananaw ng lipunan sa gampananin ng bawat isa, pati na rin sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan, ang peminismo.

Pati sa digmaan, nailapat ang etika upang talakayin ang pasipismo (pagpapatahimik) at pagkontra sa paggamit ng karahasan.

Sinusuri din sa etika ang paggamit ng tao sa mga limitadong likas na kayamanan ng daigdig. Pinag-aaralan ito sa etika na pangkapaligiran at ekolohiyang panlipunan. Pinapaburan ngayon na pagsamahin ang ekolohiya at ekonomiya upang pag-aralan kung paanong magkakaroon ng mapangalagang pagpapasya para sa paggamit ng kapaligiran. Nagbigay-daan ito sa mga teoriya ng bakas-paa ng ekolohiya at pagsasariling biyorehiyonal. Kabilang sa mga kilusang panlipunan at pampolitika na nakabatay sa mga kaisipang ito ang eko-peminismo, eko-anarkismo, malalimang ekolohiya, ang green movement, at mga kaisipan na maaaring ipasok sa pilosopiyang Gaia.

Inilapat ang etika sa kriminolohiya na nagbigay-daan sa pag-aaral ng katarungang kontra-krimen.

Maraming nakakababang sangay sa praktikal na etika na sinusuri ang mga problemang pang-etika ng iba't ibang mga propesyon, kabilang ang etika sa kalakalan, etika sa medisina, etika sa inhinyeria at etika sa batas, habang pinag-aaralan sa pagsusuri ng teknolohiya at pagsusuri ng kapaligiran ang mga bunga at mga kaakibat ng mga bagong teknolohiya at mga proyekto para sa kalikasan at lipunan. Inilalarawan ng bawat sangay ang mga karaniwang paksa at problema na lumilitaw, at tinutukoy ang mga karaniwang tungkulin sa publiko, o ang sundin ang mga inaasahan ng lipunan para sa matapat na pakikitungo at pag-uulat.

Nagsulong ang mga pilosopo ng mga nagtutunggaliang sistema para ipaliwanag kung paanong pipiliin ang pinakamabuti para sa bawat isa at para sa lipunan. Walang sistema na sinasang-ayunan ng lahat. Kabilang sa mga pangunahing aral sa etika ang sumusunod:

May ilang pilosopong gainagawang batayan ang etikang mapaglarawan at ang mga pagpapasyang ginagawa at hindi tinututulan ng lipunan o kultura upang pagkunan ng mga pangkat na kadalasang ayon sa pagkakagamit. Binbigyang daan nito ang etikang pangsitwasyon (situational ethics) at etikang nasa-sitwasyon (situated ethics). Itinuturing ng mga pilosopong ito na mas pangunahin ang estetika, kagandahang-asal at arbitrasyon, na parang isang matinding pagkulo at pagsingaw 'mula ilalim papunta sa itaas' na nagpapahiwatig, sa halip na tuwirang tumutukoy, sa teoriya ng pagpapahalaga at teoriya ng pag-uugali. Sa mga pananaw na ito, hindi nanggaling mula sa itaas patungong pababa ang etika, na isang uri ng pilosopiyang (itinatanggi nila ang salitang ito) a priori; sa halip, mga pagsusuri ng mga talagang naging pasya sa karanasan ang mahigpit na pinagbabatayan:

Ang mga pagsasanay sa arbitrasyon at batas, halimbawa sa isinasaad ni Rushworth Kidder na etika mismo ang pagtitimbang sa pagitan ng tama at kapwa tama, ang pagpapasya kung alin ang dapat unahin sa dalawang bagay na kapwa mabuti, ngunit kailangang maingat na ipagpalit batay sa sitwasyon. Para sa iba, may kakayanan ang pananaw na ito na baguhin ang etika bilang kasanayan, ngunit hindi kasing laganap ng kaisipan ng mga pananaw 'estetika' at 'mga karaniwang alam' na binanggit sa itaas.

Madalas na tahasan ang hindi pagsang-ayon sa normatibong etika ng mga pumapanig sa mga paraang mapaglarawan, maliban sa kilusan para sa mas moral na pagbibili.

Makabago at mas batay sa karanasan ang mapaglarawang pananaw sa etika. Dahil mas malalim na tinatalakay ang mga nasabing paksa sa sarili nitong mga sulatin, mas bibigyang-pansin ng mga paliwanag sa ibaba ng sulating ito ang mga pormal na pampaaralang kategoriya mula sa sinaunang pilosopiya ng mga Griego, lalo na ang kay Aristoteles.

Una sa lahat, kailangang alamin natin ang kahulugan ng pangungusap na pang-etika, na tinatawag ding normatibong pangungusap. Pangungusap na pang-etika ang ginagamit upang makapagbigay ng isang positibo o negatibong (moral) na pagtitimbang tungkol sa isang bagay. Gumagamit ng salita ang mga pangungusap na pang-etika, tulad ng mabuti, masama, tama, mali, imoral at iba pa. Narito ang ilang halimbawa:

Ihambing naman natin ang mga pangungusap na hindi pang-etika na walang ibinibigay na moral na pagtimbang sa anumang bagay. Maibibigay nating halimbawa ang sumusunod:

Ang pagtutok sa iba't ibang mga kaso ang madalas gamiting paraan sa praktikal na etika. Hindi nagkataon lamang na ganito din ang pamamaraan sa pagtuturo ng pagnenegosyo at batas. Kasuwistriya (casuistry) ang isang pinaglalapatan ng pangangatwiran na batay sa kaso dito sa praktikal na etika.

Nagbigay ng isang pananaw na mas nakatutok sa lipunan si Bernard Crick noong 1982, na politika lamang ang praktikal na etika, na ganito ang paraan kung paano dapat tutukan ang mga kaso, at ang mga birtud na pampolitika ang kinakailangan kapag nagkakabanggaan ang moralidad at pangangailangan. Ito at ang iba pang makabagong pangsanglahat ang tinatalakay sa seksiyon ng Etikang Pandaigdig (Global Ethics).

Ipinapalagay ng buong larangan ng etika na may di pabagu-bago at laging nagsasang-ayunang mga paglalarawan, pagpapasya at pantay-pantay na paglalapat ng otoridad. Ngunit mas maraming gawaing kaugnay sa paghatol ang kinakailangan ng mga pananaw na higit ang pagsang-ayon sa pagtutok sa iba't ibang mga kaso. Bilang halimbawa, hindi maaaring turuan ang isang robot na gumawa ng pagpapasyang etika, dahil mangangailangan ito ng kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan. Ngunit kung may kompyuter na may kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan, maaaring itong turuan ng etika.

Wala bang katulad ang bawat kaso? Maaari. Mahirap iugnay ang pananaw na likas ang etika at nakaugat sa pampersonal na buod pangmoral o estetika sa nabanggit na mga pormal na kategoriya kaysa sa mismong meta-etika.

Itinuturing ng ilang etisista na katulad din ito ng mistisimo o narsisismo, na pinapayagan ang sinuman, na kumikilalang 'mas mataas kaysa etika' ang mga estetikang pagpili, na bigyang-katwiran ang lahat.

Mapapansin na nagmula ang terminong etika sa sinaunang Griego na ethos na nangangahulugang karakter na moral. Samantala, nangangahulugang mga alituntuning panlipunan o kagandahang-asal o pagbabawal ng lipunan ang salitang mores na pinanggalingan ng moralidad. Sa makabagong panahon, tila nagkakapalit ang mga kahulugang ito, nagiging isang panlabas na agham ang etika habang tumutukoy naman sa panloob na karakter o pagpili ang moral. Ngunit ang mas mahalaga ay makita ang hidwaan sa pagitan ng panloob at panlabas na tagapagtulak ng mga pagpapasyang moral.

Merong mga sulatin sa Etika sa relihiyon at Etika sa Biblia.

Sa pagsapit ng dekada 60, umunlad ang interes sa pangangatwirang moral. 
Nagsimula ang mga sikolohistang sina Abraham Maslow, Carl Rogers, Lawrence Kohlberg, Carol Gilligan at iba pa, na ilagay sa panulat ang etikang rasyunal, at sinikap na ipahayag ang mga pangsanglahat na antas ng kakayanan at kamulatang moral. Merong mga nagsasabi na mas mataas kaysa pakikipagrelasyon ang mga prinsipyong rasyunal, ngunit hindi sang-ayon ang lahat.

Madalas na may anyo sa batas at politika ang mga pagsisikap na ito bago maging bahagi ng normatibong etika. Ang UN Declaration of Universal Human Rights ng 1948 at ang Global Green Charter ng 2001 ang dalawang halimbawa. Ngunit sa pagpapatuloy ng digmaaan at pagsulong ng teknolohiya ng mga sandata para sa malawakang pamumuksa, malinaw na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng karahasan bilang paraan para marating ang pagkakasundo.

Ang pangangailangan na muling suriin at ilayo ang politika mula sa ideolohiya at ilapit sa pagkakasundo ang nagbunsod kay Bernard Crick para isulat ang listahan ng mga birtud na pampolitika.

Ipinapalagay ng buong larangan ng etika na may di pabagu-bago at laging nagsasang-ayunang mga paglalarawan, pagpapasya at pantay-pantay na paglalapat ng otoridad. Ngunit mas maraming gawaing kaugnay sa paghatol ang kinakailangan ng mga pananaw na higit ang pagsang-ayon sa pagtutok sa iba't ibang mga kaso. Bilang halimbawa, hindi maaaring turuan ang isang robot na gumawa ng pagpapasyang etika, dahil mangangailangan ito ng kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan. Ngunit kung may kompyuter na may kakayanang makipagkapwa at tunay na karunungan, maaaring itong turuan ng etika.

Wala bang katulad ang bawat kaso? Maaari. Mahirap iugnay ang pananaw na likas ang etika at nakaugat sa pampersonal na buod pangmoral o estetika sa nabanggit na mga pormal na kategoriya kaysa sa mismong meta-etika.

Itinuturing ng ilang etisista na katulad din ito ng mistisimo o narsisismo, na pinapayagan ang sinuman, na kumikilalang 'mas mataas kaysa etika' ang mga estetikang pagpili, na bigyang-katwiran ang lahat.

Mapapansin na nagmula ang terminong etika sa sinaunang Griego na ethos na nangangahulugang karakter na moral. Samantala, nangangahulugang mga alituntuning panlipunan o kagandahang-asal o pagbabawal ng lipunan ang salitang mores na pinanggalingan ng moralidad. Sa makabagong panahon, tila nagkakapalit ang mga kahulugang ito, nagiging isang panlabas na agham ang etika habang tumutukoy naman sa panloob na karakter o pagpili ang moral. Ngunit ang mas mahalaga ay makita ang hidwaan sa pagitan ng panloob at panlabas na tagapagtulak ng mga pagpapasyang moral.

Merong mga sulatin sa Etika sa relihiyon at Etika sa Biblia.

Sa pagsapit ng dekada 60, umunlad ang interes sa pangangatwirang moral. 
Nagsimula ang mga sikolohistang sina Abraham Maslow, Carl Rogers, Lawrence Kohlberg, Carol Gilligan at iba pa, na ilagay sa panulat ang etikang rasyunal, at sinikap na ipahayag ang mga pangsanglahat na antas ng kakayanan at kamulatang moral. Merong mga nagsasabi na mas mataas kaysa pakikipagrelasyon ang mga prinsipyong rasyunal, ngunit hindi sang-ayon ang lahat.

Madalas na may anyo sa batas at politika ang mga pagsisikap na ito bago maging bahagi ng normatibong etika. Ang UN Declaration of Universal Human Rights ng 1948 at ang Global Green Charter ng 2001 ang dalawang halimbawa. Ngunit sa pagpapatuloy ng digmaaan at pagsulong ng teknolohiya ng mga sandata para sa malawakang pamumuksa, malinaw na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng karahasan bilang paraan para marating ang pagkakasundo.

Ang pangangailangan na muling suriin at ilayo ang politika mula sa ideolohiya at ilapit sa pagkakasundo ang nagbunsod kay Bernard Crick para isulat ang listahan ng mga birtud na pampolitika.




#Article 23: Pagluluto (357 words)


Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan, kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta. Kabilang sa pagpipigil ng pagkatagumpay ang pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran, kagamitan at ang kasanayan ng taong nagluluto.  

Sinsangkot ng madalas ng pagluluto, bagaman hindi palagi. May mga katibayan sa arkeolohiya ng mga nilutong pagkain (parehong karne at gulay) sa mga tirahan ng mga tao mula pa noong sa pinakamaagang kilala ng paggamit ng apoy. 

Kung ginamit ang pagiinit, maaari na mamatay ang mga mikrobyo (depende sa temperatura, ang oras ng pagluluto, at ang paraan na ginamit) at palambutin ang pagkain. Mapanganib ang temperaturang 4 hanggang 60 °C (45 hanggang 140 °F) na napapanis ang karamihan sa mga pagkain dahil sa nabubuhay ang bakterya at kailangang maiwasan para sa kaligtasan ng mga produkto ng karne, manukan, at gatasan. Di namamatay ang mga bakterya sa paglalamig o paglapat ng yelo ngunit bumabagal ang kanilang pagdami.

Pinapayuhan ng mga taga-taguyod ng pag-diyeta sa mga hilaw na pagkain laban sa paggamit ng init sa paghahanda ng pagkain: pinaniniwalaan nila na sinisira ng temperatura na higit sa 41 °C (106 °F) ang mga kailangang ensima sa pagkain, na sa paniwala nila ang kailangan sa nararapat na patunaw ng pagkain at nutrisyon (tandaan: habang sa pagtutunaw, mabilis na masira ang mga protina, kabilang ang mga ensima, ng mga pepsin sa tiyan.

Ilan sa mga pangunahing pamamaraan sa mainit na pagluluto:

May mga partikular na pamamaraan at sangkap na kadalasan sa isang rehiyon lamang matatagpuan. Tignan ang mga tradisyonal na pagluluto (Cuisine) para sa karagdagan impormasyon tungkol sa maraming rehiyonal at etnikong tradisyon na pagkain. Tignan din ang kasulatan sa pagluluto para sa mga ilang may-akda ng mga aklat sa pagluluto, pagkain at ang kasaysayan sa pagkain.

Para sa listahan ng mga resipe, tignan ang listahan ng mga resipe at ang listahan ng mga kakteil. Tignan din ang pagkaing staple.




#Article 24: Biyolohiya (2150 words)


Ang biyolohiya o haynayan ay isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang istruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya. Ang biyolohiya ay may maraming mga subdisiplina na pinagkakaisa ng limang mga tinatawag na aksiyoma ng modernong biyolohiya:

Ang mga subdisiplina ng biyolohiya ay inilalarawan ayon sa iskala na pinag-aaralang mga organismo at mga pamamaraang ginagamit upang pag-aralan ang mga ito: Ang biyokimika ay nagsisiyasat ng rudimentaryong kimika ng buhay, ang biyolohiyang molekular ay nag-aaral ang mga masalimuot na mga interaksiyon sa pagitan ng mga biolohikal na molekula, ang biolohiyang sihayr ay nagsisiyast ng basikong pantayong bloke ng lahat ng buhay na sihay, ang pisyolohiya ay nagsisiyasat ng mga tungkuling pisikal at kimikal ng mga tisyu, organo at mga sistemang organo ng isang organismo, ang biyolohiyang ebolusyonaryo ay nagsisiyasat ng mga pagbabago na lumilikha ng dibersidad ng buhay, ang ekolohiya ay nagsisiyasat kung paanong ang mga organismo ay nakikipag-ugnayan sa kanilang kapaligiran.

Isang makabagong katawagan ang salitang biyolohiya.  Ipinakilala ito ni Gottfried Reinhold Treviranus, isang propesor ng panggagamot at matematika sa liseo ng Bremen.  Ginamit ni Treviranus ang salita sa loob ng kanyang tratasong Biologie; oder die Philosphie der lebenden Natur noong 1802.  Inampon ni Jean-Baptiste Lamarck ang termino.  Sa ngayon, ginagamit na ito sa buong mundo.

Ang salitang haynayan ay galing sa mga salitang buhay at kasanayan. Ito ay salitang binuo ng mga purista noong panahon ng Lumang Tagalog na kalauna'y hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon sa panahon ng Wikang Filipino, ngunit may iba rin namang gumagamit nito.

Ang modernong biyolohiya ay pinagkakaisa ng limang mga prinsipyo: ang teoriya ng sihay, ebolusyon, henetika, homeostasis at enerhiya

Ang teoriya ng sihay ay nagsasaad na ang sihay ang pundamental na unit ng buhay at ang lahat ng mga nabubuhay na organismo ay binubuo ng isa o higit pang mga sihay o mga produkto ng mga sihayng ito(e.g. mga shell). Ang lahat ng mga sihay ay lumilitaw mula sa ibang mga sihay sa pamamagitan ng paghahati ng sihay. Sa mga organismong multisihayr, ang bawat sihay sa katawan ng organismo ay nagmumula sa isang sihay sa isang pertilisadong itlog. Ang sihay ay ang basikong unit ng maraming mga patolohikal na proseso. Ang phenomenon ng pagdaloy ng enerhiya ay nangyayari sa mga sihay sa mga prosesong bahagi ng tungkuling tinatawag na metabolismo. Ang mga sihay ay naglalaman ng impormasyong namamana na DNA na ipinapasa mula sihay sa ibang sihay habang nangyayari ang paghahati ng sihay.

Ang isang sentral na konsepto sa biyolohiya ay ang buhay ay nagbabago at umuunlad sa pamamagitan ng ebolusyon at ang lahat ng mga anyo ng buhay ay may isang karaniwang pinagmulan. Itinuturing ng mga biologo ang pagiging pangkalahatan at pag-iral saanman ng kodigong henetiko bilang depinitibong ebidensiya na pumapabor sa teoriya ng pangkalahatang karaniwang pinagmulan ng ebolusyon para sa lahat ng mga bakterya, archaea at mga eukaryote Ang ebolusyon na sinusuportahan ng malaking ebidensiya ang paliwanag na tinatanggap sa agham sa malaking mga pagkakaiba ng mga anyo ng buhay sa mundo. Ang mga species at mga breed ay umuunlad sa pamamagitan ng mga proseso ng natural na seleksiyon at artipisyal na seleksiyon o selektibong pagpaparami ng organismo. Bukod dito, ang Genetic drift ay isa pang karagdagang mekanismo sa pag-unlad na ebolusyonaryo sa modernong sintesis ng ebolusyon. Ang kasaysayang ebolusyonaryo ng species na naglalarawan ng mga katangian ng mga iba't ibang species na pinagmulan nito kasama ng mga relasyong henealohikal nito sa bawat ibang mga species ay kilala bilang piloheniya. Ang mga iba't ibang pamamaraan sa biyolohiya ay lumilikha ng impormasyon tungkol sa piloheniya. Kabilang dito ang paghahambing ng mga sekwensiya ng DNA na isinasagawa sa loob ng biyolohiyang molekular o henomika at paghahambing ng mga fossil o iba pang mga rekord ng mga sinaunang organismo sa paleontolohiya. Isinasaayos at sinisiyasat ng mga biologo ang mga relasyong ebolusyonaryo ng mga species sa pamamagitan ng mga pamamaraang kinabibilangan ng  phylogenetics, phenetics, at cladistics.

Ang maraming mga pangyayaring speciation ay lumilikha ng isang puno may istrukturang sistema ng mga relasyon sa pagitan ng mga species. Ang papel ng systematics ay pag-aralan ang mga ugnayang ito at mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga species at mga pangkat ng species.

Ang klasipikasyon na taksonomiya at nomenklatura ng mga organismo ay pinanganagsiwaan ng International Code of Zoological Nomenclature, International Code of Botanical Nomenclature, at International Code of Nomenclature of Bacteria para sa mga respektibong mga hayop, mga halaman at bakterya. Ang klasipikasyon ng mga virus, mga viroid, mga prion at lahat ng iba pang mga sub-viral na ahente na nagpapakita ng mga katangiang biolohikal ay isinasagawa ng International Code of Virus classification and nomenclature. Gayunpmana, ang ilang mga sistema ng klasipikasyon ng virus ay umiiral din. Tradisyonal na ang mga nabubuhay na organismo ay hinahati sa limang mga kaharian: ang mga Monera; Protista; Fungi; Plantae; at  Animalia.

Gayunpaman, ang klasipikasyong ito ng limang kaharian ay wala na sa panahon. Ang modernong alternatibong mga sistema ng klasipikasyon ay nagsisimula sa sistemang tatlong dominyo: ang Archaea (orihinal Archaebacteria); Bacteria (orihinal na Eubacteria); Eukaryota (kabilang ang mga protist, fungi, halaman, at mga hayop) Ang mga sakop na ito ay sumasalamin kung ang mga sihay ay may nukleyo o wala gayundin sa mga pagkakaiba sa komposisyong kimikal ng mga panlabas ng sihay. Sa karagdagan, ang bawat kaharian ay nahahati pang paulit ulit hanggang ang bawat species ay hiwalay na nauuri. Ang pagkakasunod ay: dominyo(domain), kaharian(kingdom), phylum, klase, orden(order), pamilya(family), henus(genus) at species.

Ang pangalang siyentipiko ng isang organismo ay nalilikha mula sa henus at species nito. Halimbawa, ang mga tao ay itinatala bilang mga Homo sapiens. Ang Homo ang henus at ang sapiens ang species.

Ang nananaig na sistema ng klasipikasyon ay tinatawag na Linnaean taxonomy. Ito ay kinabibilangan ng mga ranggo at nomenklaturang binomial. Kung paanong pinapangalanan ang mga organismo ay pinangangasiwaan ng mga kasunduang internasyonal gaya ng International Code of Botanical Nomenclature (ICBN),  International Code of Zoological Nomenclature (ICZN), at International Code of Nomenclature of Bacteria (ICNB). Ang isang nagsasanib na drapktong BioCode ay inilimbag noong 1997 bilang pagtatangka na gawing pamantayan ang nomenklatura sa mga tatlong saklaw na ito ngunit hindi pa pormal na kinukuha. Ang draptong BioCode ay nakatanggap ng kaunting pansin simula 1997. Ang orihinal na pinlanong pagpapatupad nito noong 1 Enero 2000 ay lumipas ng hindi napansin. Ang isang binagong BioCode na iminungkahi noong 2011 na sa halip ay magpapalit ng mga  umiiral na kodigo ay magbibigay ng isang nagkakaisang konteksto para dito. Tinanggihang isaalang-alang ng International Botanical Congress ang mungkahing BioCode noong 2011. Ang International Code of Virus Classification and Nomenclature (ICVCN) ay nananatiling nasa labas ng BioCode.

Ang mga gene ang mga pangunahing unit ng pagmamana sa lahat ng mga organismo. Ito ay tumutugma sa isang rehiyon ng DNA na nag-iimpluwensiya ng anyo o tungkulin ng isang organismo sa mga spesipikong paraan. Ang lahat ng mga organismo mula bakterya hanggang sa mga hayop ay nagsasalo ng parehong makinarya na kumokopya at nagsasalin ng DNA sa mga protina. Ang mga sihay ay nagtatranskriba ng isang DNA gene tungo sa isang bersiyong RNA ng gene at pagkatapos ang isang ribosome ay nagsasalin ng RNA sa protina na isang sekwensiya ng mga asidong amino. Ang nagsasaling kodigo mula sa RNA codon tungo sa asidong amino ay pareho para sa karamihan ng mga organismo ngunit kaunting iba para sa iba. Halimbawa, ang isang sekwensiay ng DNA na nagkokodigo para sa insulin sa mga tao ay nagkokodigo ng insulin kapag ipinasok sa ibang mga organismo gaya ng mga halaman. Ang mga DNA ay karaniwang nangyayari bilang mga linyar na kromosoma sa mga eukaryote at ang mga sirkular na kromosoma sa mga prokaryote. Ang isang kromosoma ay isang organisadong istruktura na binubuo ng DNA at mga histone. Ang hanay ng mga kromosoma sa isang sihay o ibang mga lokasyon ay sama samang tinatawag na genome. Sa mga eukaryote, ang genomic DNA ay matatagpuan sa nukleyo ng sihay kasama ng maliliit na mga halaga sa mga mitochondria at mga chloroplast. Sa mga prokaryote, ang DNA ay matatagpuan sa loob ng isang hindi regular na hugis na katawan sa cytoplasm na tinatawag na nucleoid. Ang impormasyong henetiko sa isang genome ay nasa loob ng mga gene at ang kumpletong pagbuo ng impormasyong ito sa isang organismo ay tinatawag na genotype nito. Ang lahat ng nabubuhay na organismo ay nagpapakita ng bariasyon o pagkakaiba sa loob ng isang populasyon at sa pagitan ng mga populasyon. Ang bariasyong henetiko ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng materyal na henetiko para sa natural na seleksiyon. Ang mga pagkakaibang henetiko sa loob ng populasyon ay sanhi ng mga sumusunod: ang mutasyon na mga pagbabago sa DNA, ang pagdaloy ng gene na anumang pagkilos ng mga gene mula sa isang populasyon sa isa pang populasyon at ang reproduksiyong seksuwal na makakalikha ng bagong kombinasyon ng gene mula sa mga magulang sa isang populasyon. Ang mga mutasyon ay nagbabago ng genotype ng isang organismo. Ito ay minsang nagsasanhi para ang mga iba't ibang mga phenotype ay lumitaw. Ang karamihan ng mga mutasyon ay may kaunting epekto sa phenotype, kalusugan o kaangkupang pagpaparami ng organismo. Ang mga mutaysong may epekto ay karaniwang nakakapinsala ngunit minsang mapapakinabangan. Ang mga pag-aaral sa langaw na  Drosophila melanogaster ay nagmumungkahing kung ang mutasyon ay nagbabago ng isang protinang nilikha ng isang gene, ang mga 70 porsiyento ng mga mutasyong ito ay mapanganib na ang mga natirira ay neutral o mapapakinabangan. Ang henetikang pangpopulasyon ay nag-aaral ng distribusyon ng mga pagkakaibang henetiko sa loob ng mga populasyon at kung paanong ang mga distribusyong ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang mga pagbabago sa prekwensiya ng allele sa isang populasyon ay pangunahing naiimpluwensiyahan ng natural na seleksiyon kung saan ang isang allele ay nagbibigay ng kapakinabangang pagpili o pagpaparami sa organismo gayundin ang ibang mga paktor gaya ng mutasyon, genetic drift, genetic draft, artipisyal na seleksiyon, at migrasyon. Sa paglipas ng maraming mga henerasyon, ang mga genome ng mga organismo ay malaking nagbabago na nagreresulta sa phenomenon ng ebolusyon. Ang pagpili ng mga mapapakinabangang mutasyon ay nagsasanhi sa isang species na mag-ebolb sa mga anyong mas mahusay na makakaangkop sa kanilang kapaligiran na isang prosesong tinatawag na pag-aangkop(adaptation). Ang mga bagong species ay nabubuo sa pamamagitan ng proseso ng speciation na kadalasang sanhi ng mga paghihiwalay sa heograpiya na nagpipigil sa mga populasyon na magpalit ng mga gene sa bawat isa.

Ang Homeostasis ang kakayahan ng mga bukas na sistema na magregula ng panloob na kapaligiran nito upang panatilihin ang matatag na mga kondisyon sa pamamagitan ng mga maraming dinamikang ekwilibriyum na mga pagsasaayos na kinokontrol ng mga magkakaugnay na mga mekanismo ng regulasyon. Ang lahat ng mga organismo kahit pa unisihayr o multisihayr ay nagpapakita ng homeostasis. Upang panatilihin ang dinamikang ekwilibriyum at epektibong isagawa ang ilang mga tungkulin, ang isang sistema ay dapat makadetekta at tumugon sa mga pertubasyon. Pagkatapos ng deteksiyon ng isang perturbasyon, ang sistemang biolohikal ay normal na tumutugon sa pamamagitan ng negatibong feedback. Ito ay nangangahuluan ng pagpapatatag ng mga kondisyon sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtataas ng aktibidad ng organo o sistema. Ang isang halimbawa nito ang paglalabas ng glucagon kapag ang mga lebel ng asukal ay labis na mababa. 

Ang pagpapatuloy na mabuhay ng organismong buhay ay nakasalalay sa patuloy na pagpasok o pagkuha nito ng enerhiya. Ang mga reaksiyong kimikal na responsable para sa istruktura nito at tungkulin ay isinasaayos upang kumukha ng enerhiya mula sa mga substansiya na nagsisilbi nitong pagkain at binabago ang mga ito upang makatulong na bumuo ng mga bagong sihay at tustusan ang mga ito. Sa prosesong ito, ang mga molekula ng mga substansiyang kimikal na bumubuo ng pagkain ay gumagampan ng dalawang mga papel: una ay naglalaman ito ng enerhiya na mababago para sa mga biyolohikal na reaksiyong kimikal, ikalawa, ang mga ito ay bumubuo ng mga bagong istrukturang molekular na binubuo ng mga biyomolekula. Ang mga organismong responsable para sa pagpapakilala ng enerhiya sa isang ekosistema ay kilala bilang mga prodyuser o mga autotroph. Ang halos lahat ng mga organismong ito ay orihinal na kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Ang mga halaman at ibang mga phototroph ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw sa pamamagitan ng prosesong kilala bilang photosynthesis upang ikomberte ang mga hilaw na materyal tungo sa mga organikong molekula gaya ng ATP na ang mga kawing ay masisira upang maglabas ng enerhiya. Gayunpaman, ang ilang mga ekosistema ay buong nakasalalay sa enerhiyang hinahango ng mga  chemotroph mula sa mga methane, mga sulfides o iba pang mga pinagkukunang enerhiyang luminal. Ang ilang mga nabibihag na enerhiya ay ginagamit upang lumikha ng biyomasa upang tustusan ang buhay at magbigay ng enerhiya para sa paglago at pag-unlad. Ang karamihan ng natitira ng enerhiyang ito ay nawawala bilang mga init at mga itinatapong molekula. Ang pinakamahalgang mga proseso sa pagkokomberte ng enerhiya na nabihag sa mga substansiyang kimikal tungo sa enerhiayng magagamit upang tustusan ang buhay ang metabolismo. at respirasyong pangsihay.




#Article 25: Wikang Ingles (1825 words)


Ang Ingles;   , ay isang Kanlurang Hermanikong wika na unang sinasalita sa maagang edad medyang Inglatera at kalaunang naging pandaigdigang lingua franca. Pinangalanan ito sa mga Anglo, isa sa mga Hermanikong tribo na naglipat sa pook ng Gran Britanya, bilang Inglatera. Nagmula ang dalawang pangalan mula sa Anglia, isang tangway sa Dagat Baltiko. Malapit ang wika sa Prisyo at Mababang Sakson, at naimpluwensyahan nang todo ang kanyang talasalitaan ng mga ibang wikang Hermaniko, lalo na sa Nordiko (isang Hilagang wikang Hermaniko), at higit na sa Latin at Pranses.

Nalinang ang wikang Ingles sa nakalipas na higit sa 1,400 taon. Ang mga unang anyo ng Ingles, isang pangkat ng mga diyalektong Kanlurang Hermaniko (Ingaeboniko) na dinala sa Gran Britanya ng mga Anglo-Sakson noong ika-5 siglo, sa kabuuan ay tinatawag na Lumang Ingles. Nagsimula ang Gitnang Ingles sa huling bahagi ng ika-11 siglo noong pananakop ng Normando ng Inglatera; naging panahon ito kung kailan naimpluwensyahan ang wika ng Pranses. Nagsimula ang Maagang Makabagong Ingles sa huling bahagi ng ika-15 siglo noong pagpapakilala ng  palimbagan sa Londres, paglilimbag ng Bibliyang Haring Jacobo at simula ng Dakilang Pagbago ng Patinig.

Kumakalat ang Makabagong Ingles sa buong mundo mula noong ika-17 siglo sa pamamagitan ng pandaigdigang impluwensya ng Imperyong Britaniko at ng Estados Unidos. Sa pamamagitan ng mga nalimag at elektronikong midya ng dalawang bansa, ang Ingles ay naging pangunahing wika ng pandaigdigang diskurso at ang lingua franca sa maramihang rehiyon at kontekstong propesyonal tulad ng agham, paglalayag at batas.

Ang wikang Ingles ay ang pinakamalaking wika ayon sa bilang ng nananalita, at ang pangatlong pinakasinasalitang katutubong wika sa buong mundo, pagkatapos ng wikang Mandarin at Kastila. Ito rin ang pinakapinag-aaralan na pangalawang wika at wikang opisyal o isa sa mga wikang opisyal sa halos 60 soberanong estado. Mas marami ang taong nag-aaral nito bilang pangalawang wika kaysa sa mga katutubong salita. Tinatanya na may higit sa 2 bilyong nananalita ng Ingles. Ang Ingles ay katutubong wika ng karamihan sa Estados Unidos, Reyno Unido, Canada, Australya, Bagong Silandya at sa Republika ng Irlanda, at malawakan ang pananalita nito sa mga iilang bahagi ng Karibe, Aprika at Timog Asya. Ito rin ay wikang ko-opisyal ng mga Nagkakaisang Bansa, Unyong Europeo at sa marami pang pandaigdigan at rehiyonal na organisasyong internasyonal. Ito ang pinakanananalitang wikang Hermaniko na nananagot sa hindi bababa sa 70% ng nananalita nitong Indo-Europeong sangay. Napakalawak ang talasalitaan ang Ingles, ngunit imposibleng bilangin kung iilan talaga ang salita sa anumang wika. Anglopono ang tawag sa mga nananalita ng Ingles.

Ang bararila ng Makabagong Ingles ay resulta ng unti-unting pagbabago mula sa tipikal na Indo-Europeong huwaran ng disarilining pagmamarka na sabaylong palaturingan at medyo malayang pagkakasunud-sunod ng mga salita, patungo sa halos suriing huwaran na halos walang sabaylo, medyo nakaayos na pagkakasunud-sunod ng paksa–pandiwa–layon at kumplikadong saugnay. Mas nananalig ang Makabagong Ingles sa mga pandiwang pantulong at pagkakaayos ng salita para sa pagpapahayag ng kumplikadong panahunan, aspeto at panagano, pati na rin sa mga balintiyak na konstruksyon, pananong at iilang pananggi. Ang baryasyon sa mga punto at diyalekto ng Ingles na ginagamit sa mga iba't ibang bansa at rehiyon—sa palatinigan at ponolohiya, at minsan sa talasalitaan, bararila, at pagbaybay—ay kadalasang naiintindihan ng mga nananalita ng mga ibang diyalekto, ngunit sa mga sukdulang kaso ay maaaring humantong sa pagkakalito o walang pagkakaunawa sa isa't isa sa mga nananalita ng Ingles.

Ang unang anyo ng Ingles ay tinatawag na Lumang Ingles o Anglo-Sakson (s. 550–1066 PK). Nalinang ang Lumang Ingles mula sa mga iba't ibang diyalektong Ingaeboniko na orihinal na sinalita sa mga baybayin ng  Prisya, Mababang Saksonya, Jutland, at Timog Suwesya sa pamamagitan ng mga Hermanikong tribo na kilala bilang mga Anglo, Sakson, at Yute. Mula noong ika-5 siglo PK, ang mga Anglo-Sakson ay tumira sa Britanya habang bumagsak ang Romanong ekonomiya at administrasyon. Noong pagsapit ng ika-7 siglo, ang wikang Hermaniko ng mga Anglo-Sakson ang nangibabaw sa Britanya at pumalit sa mga wika ng Romanong Britanya (43–409 PK): Karaniwang Britaniko, isang wikang Seltiko, at Latin na dinala ng Roman occupation sa Britanya. Pinangalanan ang Inglatera () at Ingles () (dating  at ) sa mga Anglo.

Nakahiwalay ang Lumang Ingles sa apat na diyalekto: mga diyalektong Anglo (Mersyano at Nortumbrio) at mga diyalektong Sakson, Kentiko at Kanlurang Sakson. Sa pamamagitan ng mga reporma sa edukasyon ni Haring Alfredo at ng impluwensya ng kaharian ng Wessex, naging pamantayang uri sa pagsusulat ang diyalektong Kanlurang Sakson. Nakasulat sa Kanlurang Sakson ang panulaang epiko ng Beowulf, at ang unang tula sa Ingles, Himno ni Cædmon, ay nakasulat sa Nortumbrio. Nalinang ang makabagong Ingles sa Mersyano, ngunit nalinang ang wikang Eskoses sa Nortumbio. Nakasulat ang iilang maikling inskripsyon mula sa unang bahagi ng Lumang Ingles sa sulat-runiko. Noong ika-6 na siglo, ginamit ang alpabetong Latin na sinulat na may kalahating-unsyal na hugis ng titik. Isinama rito ang mga runikong titik wynn  at thorn , at ang binagong titik mula sa Latin eth , at ash .

Napakaiba ang Lumang Ingles kumpara sa Makabagong Ingles, at mahihirapan sa pag-iintindi nito ang mga nanalita ng Ingles sa ika-21 siglo. Magkahawig ang kanyang bararila sa makabagong Aleman, at ang kanyang pinakamalapit na kamag-anak ay Lumang Prisyano. Mas marami ang sabaylong pangwakas at anyo ng mga pangngalan, pang-uri, panghalip, at pandiwa, at mas malaya ang pagkakayos ng mga salita kaysa sa Makabagong Ingles. May mga anyo ng kaukulan ang Makabagong Ingles sa panghalip () at may mga kaunting sabaylo sa pandiwa (), ngunit may sabaylong pangwakas din sa mga pangngalan ang Lumang Ingles, at mas maraming pangwakas pantao at pambilang ang mga pandiwa.

Nagpapakita ng halimbawa ang pagsasalinwika ng Mateo 8:20 mula noong 1000 PK ng sabaylong pangwakas (palagyong pangmaramihan, akusatibong pangmaramihan, paaring isahan) at pangwakas ng pandiwa (kasalukuyang pangmaramihan):

Mula ika-8 hanggang ika-12 siglo, unti-unting nagbago ang Lumang Ingles sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa wika patungo sa Gitnang Ingles. Kadalasang pinepetsahan ang simula ng Gitnang Ingles sa pananakop ng Inglatera ni Guillermo ang Mananakop noong 1066, ngunit pinasulong pa ito sa panahon mula 1200–1450. 

Una, dahil sa mga bugso ng pananakop ng mga Nordiko ng hilagang bahagi ng Kapuluang Britaniko noong ika-8 at ika-9 na siglo, nagkaroon ng matinding pakikipag-ugnayan ang Lumang Ingles sa Lumang Nordiko, isang wikang Hilagang Hermaniko. Pinakamalakas ang impluwensyang Nordiko sa mga hilaga-silangang uri ng Lumang Ingles na sinalita sa pook ng Danelaw sa paligid ng York, ang naging sentro ng pananakop ng Nordiko; sa kasalukuyan makikita pa rin ang mga katangian nito sa Skots at Hilagang Ingles. Gayunman, ang naging sentro ng norsipikadong Ingles ay sa mga Gitnang Lupa sa paligid ng Lindsey, at pagkatapos ng 920 PK kung kailan isinama muli ang Lindsey sa estadong Anglo-Sakson, kumalat ang mga katangiang Nordiko mula roon sa mga uri ng Ingles na hindi nakapag-ugnayan nang direkta sa mga nananalita ng Nordiko. Isang elemento ng impluwensyang Nordiko na nanatili sa lahat ng uri ng Ingles ngayon ang pangkat ng mga panghalip na nagsisimula sa th- () na pumalit sa mga Anglo-Saksong panghalip na may  ().

Noong Normandong pananakop ng Inglatera sa 1066, napasailalim ang norsipikadong wika, Lumang Ingles, sa pakikipag-ugnayan sa wikang Lumang Normando, isang wikang Romanse na malapit na kamag-anak sa Makabagong Pranses. Sa kalaunan, ang wikang Normando sa Inglatera ay naging Anglo-Normando. Sapagkat pangunahing sinasalita ang Normando ng mga kapilitan at maharlika, habang nagpatuloy ang pagsasalita ng Anglo-Sakson sa mga mas nakabababang uri, ang pangunahing impluwensya ng Normando ay ang pagbibigay ng mararaming salitang hiram ukol sa pulitika, batas, at mga prestihiyosong larangan ng lipunan. Pinayak din ng Gitnang Ingles ang sistemang sabaylo, marahil para pagtugmain ang Lumang Nordiko at Lumang Ingles na iiba sa sabaylo ngunit pareho sa palaturingan. Nawala ang pagkakaiba ng kaukulang palagyo at akusatibo maliban sa mga panghalip panao, inalis ang kaukulang makasangkapan, at naging limitado ang paggamit ng kaukulang paari sa pagtukoy ng pag-aari. Ginawang regular ng sistemang sabaylo ang mararaming iregular na anyong sabaylo, at unti-unting pinayak ang sistema ng pagkakasundo, at tumatag ang pagkakaayos ng mga salita. Sa Bibliyang Wycliffe ng dekada 1380, isinulat ang taludtd Mateo 8:20 bilang:

Dito nananatili pa rin ang pangmaramihang hulapi  sa pandiwang have, pero walang makikitang kaukulang pangwakas sa mga pangngalan. Noong pagsapit ng ika-12 siglo, ganap na nalinang ang Gitnang Ingles na nakapagsama ng mga katangiang Nordiko at Normando; patuloy na sinalita ito hanggang sa pagdating ng maagang Makabagong Ingles noong 1500. Kabilang sa panitikan ng Gitnang Ingles ang The Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer, at Le Morte d'Arthur ni Malory. Noong panahon ng Gitnang Ingles, lumaganap ang mga diyalektong rehiyonal sa pagsulat, at ginamit ang mga katangian ng mga diyalekto para sa epekto ng mga may-akda tulad ni Chaucer.

Ang susunod na panahon sa kasaysayan ng Ingles ay Maagang Makabagong Ingles (1500–1700). Kakikitaan ang Maagang Makabagong Ingles ng Dakilang Pagbabago ng Patinig (1350–1700), pagpapayak ng sabaylo, at lingguwistikong sapamantayan. 

Inapekto ng Dakilang Pagbabago ng Patinig ang mga diniin na mahabang patinig ng Gitnang Ingles. Ito ay naging kawingang pagbabago, at ibig sabihi'y nag-udyok ang bawat pagbabago ng kasunod na pagbabago sa sistema ng patinig. Itinaas ang mga gitna at bukas na patinig, at binali ang mga saradong patinig para maging diptonggo. Halimbawa ang salitang bite (kagat) ay dating binibigkas parang ang salitang beet (rimulatsa) ngayon, at ang ikalawang patinig sa salitang about (tungkol) ay binigkas tulad ng salitang boot (bota) ngayon. Ipinapaliwanag ng Dakilang Pagbabago ng Patinig ang maraming iregularidad sa pagbaybay dahil pinanatili ng Ingles ang mararaming baybay mula sa Gitnang Ingles, at ipinapaliwanag din nito kung bakit napakaiba ang pagbigkas ng mga patinig sa Ingles kumpara sa mga parehas na titik sa mga ibang wika.

Nagsimulang tumaas sa prestihiyo ng Ingles, kaugnay sa Normandong Pranses, noong paghahari ni Enrique V. Noong mga 1430, nagsimulang gumamit ang Korte ng Kansilyerya sa Westminster ng Ingles sa kanyang opisyal na dokumento, at ang isang bagong anyo ng Gitnang Ingles, kilala bilang Pamantayang Kansilyeriya, ay nilinang mula sa mga diyalekto ng Londres at Silangang Midlands. Noong 1476, ipinakilala ni William Caxton ang palimbagan sa Inglatera at nagsimulang maglathala ng mga unang nalimbag na aklat sa Londres, na nagpalago ng impluwensya ng ganitong anyo ng Ingles. Kabilang sa mga panitikan sa Maagang Makabagong panahon ang mga gawa ni William Shakespeare at ang salinwika ng Bibliya na inatasan ni Haring Jacobo I. Kahit matapos ang pagbabago ng patinig, magkaiba pa rin ang wika mula sa Makabagong Ingles: halimbawa, binigkas pa rin ang mga kumpol-katinig  sa knight (kabalyero), gnat (niknik), at sword (espada). Kumakatawan sa mga natatanging katangian ng Maagang Makabagong Ingles ang karamihan ng mga tampok-bararila na maaaring ipalagay ng makabagong mambabasa ng Shakespeare bilang kakatwa o makaluma.

Sa 1611 King James Version ng Bibliya, na nakasulat sa Maagang Makabagong Ingles, sinasabi ng Matthew 8:20 ang:

Ipinapakita nito ang pagkawala ng kaukulan at ang kanyang epekto sa pag-aayos ng pangungusap (pagpapalit sa Paksa-Pandiwa-Layon na pag-ayos ng salita), at ang paggamit ng of sa halip ng di-paukol na paari), at ang pagpapakilala ng salitang hiram mula sa Pranses (ayre) at salitang kapalit (pinalit ng bird ibon na dating nangahulugang inakay had ang OE fugol).




#Article 26: Heograpiya (159 words)


Ang heograpiya (mula sa  Griyego , geographia, literal na kahulugan: paglalarawan sa daigdig) ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.  Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194 BC). Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito.  Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.

Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal. May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.  Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera.




#Article 27: Kabisera (107 words)


Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisipyo o kapital), o kabesera, ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas. Ang ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa Latin na caput na nangangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganapan ng mga operasyong kaugnay o kinababahagian ng pamahalaan.

Mayroong ibang bansa na higit sa isa ang kabisera, tulad ng:

Mayroon ding iba pa na walang opisyal na kabisera, tulad ng UK.




#Article 28: Populasyon (125 words)


Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.

Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na densidad ng populasyon. Mayroong mababang densidad ng populasyon naman kung maliit ang populasyon.

Ang laki ng populasyon ay ang dami ng mga taong naninirahan sa isang pook sa isang tanging panahon.




#Article 29: Kimika (1334 words)


Ang kimika o kapnayan, (pang-uri: kemikal o sangkap) ang tawag sa agham tungkol sa mga elemento at kompuwesto (compound) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan.  Tinatawag na kimiko o kemist ang taong nagpakadalubhasa sa kemika, bagaman tumuturing din ang sa kimiko mga sustansiyang kemikal.

Bilang isang agham, nagsimula ang makaagham na pag-aaral ng kimika noong ika-16 na siglo. Ito ay noong natuklasan ng mga kimiko ang mga simpleng sabstans na bumuo sa iba pang sabstans. Tinawag nilang mga elemento ang mga simpleng sabstans na ito.

Ang kompuwesto naman ay isang substance na binubuo ng dalawa o higit pang mga elemento.

Ang kasaysayan ng kemika ay sinasabing nagsimula ng ito'y ihiniwalay sa alkimiya ni Robert Boyle sa kanyang kathang The Skeptical Chymist (1661).  Ngunit ito'y sinasabing tunay na sumilang nang matuklasan ni Antoine Lavoisier ang batas ng pagpapanatili ng bigat (law of conservation of mass) at gayun din sa kanyang hinuang phlogiston ng kombustyon noong 1783

Nang mapagkasunduan ang likas ng kombustyon, isa na namang alitan ang lumitaw tungkol sa bitalismo (doktrina na lahat ng buhay ay may lakas ng buhay (kaluluwa) na nagpapakilos rito) at ang malinaw na pagkakaiba ng mga sustansiyang organika at inorganika na iminungkahi ni Friedrich Wöhler mula nang aksidenteng siyang makagawa ng urea mula sa mga sustansiyang inorganika noong 1828.  Noong panahong iyon, ang isang kompuestong organiko ay di kailanman malalalang mula sa inorganikong materyal.  Ito ay nagbukas ng bagong larangan ng pananaliksik sa kimika at nang bago matapos ang ika-19 na siglo, ang mga siyentipiko ay nakagawa ng daang-daang kompuesto kimika.  Isa sa pinakamahalaga rito ay ang mauve, magenta at iba pang tinang sintetiko gayun din ang gamot na aspirin.  Ang pagkakatuklas nito ang lubhang nakapagbigay sa hinua ng isomerismo.

Sa buong ika-19 na siglo, ang kimika ay hinahati sa mga sumusunod sa hinuang atomiko ni John Dalton at di sumusonod dito tulad nina Wilhelm Ostwald at Ernst Mach.  Kahit man ang mga siyentipikong ayon dito tulad nina Amedeo Avogadro at Ludwig Boltzmann na nakagawa ng malalaking unlad sa pagpapaliwanag sa ugali ng gas, ang alitang ito ay di nalutas haggang sa maipaliwanag ni Jean Perrin sa kanyang imbestigasyong eksperimental tungkol sa kilos Brownian na iminungkahi ni Einstein noong unang dekada ng ika-20 siglo.

Bago man malutas ang alitan, si Svante Arrhenius ay nagsimulang saliksikin ang loob ng estruktura ng atomo sa pamamagitan ng kanyang hinua sa ionisasyon.   Ito ay ganap na pinalawig ni Ernest Rutherford, na nagtatag ng pag-aaral ng subestruktura ng atomo na naging larangan ng pisika.  Siya ay tumanggap ng Premyong Nobel sa kimika, hindi pisika, sa pananaliksik na ito.

Sa maraming dekada, ang listahan ng mga elementong kimikal na natutuklasan ay patuloy na dumarami.  Ang mahalagang pagkakatuklas ng katuturan ng humahabang listahan ng mga elemento ay nasumpungan ni Dmitri Mendeleev at Lothar Meyer sa pagsasaayos ng peryodikong talaan (kasama rito ang kalaunang pagkaunawa sa estruktura sa loob ng atomo).   Ginamit ito ni Mendeleev upang hulaan na mayroong germanium, gallium at scandium sa kalikasan ni tinawag niyang ekasilikon, ekaaluminium at ekaboron sa bawat nabanggit.  Kanya ring hinulaan ang mga katangian nito noong 1870.  Ang gallium ay natuklasan noong 1875 at ang tunay na mga katangian nito ay halos katulad ng hula ni Mendeleev.

Sa dakong huli ng ika-19 na siglo nakita ang pagmimina ng petrokimika mula sa lupa matapos maubos ang langis mula sa panghuhuli ng mga balyena nang mga nakaraang siglo.   Ang sistamatikong produksiyon ng mga dinalisay na materyales mula rito ay nagdulot ng mga produkto upang matugunan ang pangangailangan sa enerhiya gayun din ang sintetikong materyales na kailangan sa paggawa ng damit, gamot, at mga kailangan sa pangaraw-araw ng ika-20 siglo.

Ang pag-aaral ni Rutherford ng loob na estruktura ng mga atomo, sistematikong pagpapaliwag ni Moseley sa kalakaran ng peryodikong talaan ng mga elemento at ang bagong hinua sa mekanika kwantika ay nagsanib upang makabuo ng lagom ng hinua sa pagitan ng pisika atomika at pisikal na subatomika sa isang dako, at ng kemika sa kabilang dako (ito ay hiwalay magpahaggang ngayon).  Isang batang kemikong Amerikano na nagngangalang Linus Pauling ang nangimbang bayan sa Europa upang mag-aral noong 1920s.  Ambisyon niyang ipaliwanag ang kawing molekular (molecular bonds) sa pagitan ng mga atomo sa loob ng mekanika kwantika.  Noong 1939, nagampan ito ni Pauling nang ilathala niya ang kanyang seminal na aklat-aralin na pinamagatang The Nature of the Molecular Bond(Ang Likas ng Kawing Molekular).  Sa kanyang pagkakabantog sa gawang ito, si Pauling ay ginawaran ng una sa dalawa niyang Premyong Nobel.

Sa ilalim ng pikisang atomika at gayun din sa pisikang subatomika, sina Marie at Pierre Currie naman ay nanaliksik sa hanggahan ng kimika at pisika sa paggamit ng teknikang kimika upang dalisayin ang elementong radium at mapag-aralan ang kanyang kakaibang katangiang pisikal.  Ang pananaliksik na ito ng mag-asawang Curie sa pagpapalit ng siglo at kasabay nang naunang gawa ni Max Planck sa fotón at unang lathala ni Albert Einstein ay nagdulot sa kalaunang unlad sa bagong pisikang subatomika katulad ng nangyari sa gawa ni Rutherford.

Sa pagdatal ng ika-20 siglo,  ang pagsasama ng pisika at kimika ay naging ganap sa pagpapaliwanag ng katangiang kemikal bunga ng estrukturang elektroniko; sa paggamit ng simulain ng mekanika kwatika upang malaman ang mga anggulo ng kawing (bond angles);  sa mga masasalimuot na molekula ay humantong sa paggawa ng modelo ng molekula ng DNA, na sinasabing diwa o lihim ng buhay ayon sa mga salita ni Francis Crick.  Si James Watson na kasamang tumuklas sa estruktura ng DNA ay binigyan ni Crick ng isang regalo na pagyayamanin niya na walang iba kundi ang aklat na isinulat ni Pauling.  Hinuling nina Watson at Crick ang estruktura ng DNA sa pamamagitan ng paggawa ng modelo nito.  Ang estrukturang helika ay kasabay na kinumpirma ni Rosalind Franklin sa pamamagitan ng kristalograpiyang x-ray sa laboratoryo ni William Bragg sa Cambridge.   Muntik nang matuklasan ni Pauling ang estruktura ng DNA.  Helikang triple ang kanyang palagay na estruktura nito at hindi ang tamang helikang doble ni Watson at Crick.  Sa taon ding iyon, ipinakita ni Miller-Urey sa kanyang eksperimento ang batayang sangkap ng proteina, ang mga asido amino (amino acids), ay mabubuo mula sa payak ng molekula sa paggaya sa mga sinaunang proseso sa paglalang nito sa Lupa.

Sa kaligitnaan ng ika-20 siglo, ang tamang paggawa ng sirkwito ng isahang kristal (single-crystal circuits) ay nagampan dahil sa pagsupil ng estrukturang elektroniko ng mga materyales na semikonduktor.  Ang mga unlad sa teknolohiya ng pagproseso tulad nang mga ginagamit sa ibang industriya ng materyales kasama ang mga unlad sa mga simulain ng optiks at x-ray ay nagbunga sa pagpapaliit ng sirkwito ng koryente at sa paglalang sa sirkwitong pinagsama (integrated circuits) ng ika-20 siglo.   Kundi rito ang lohikang programa ng kompyuter ay di maisasakatuparan at magagamit sa pagtutuos and pagsupil ng mga modernong aparatong gumagamit nito.

Ang batas ng pagpapanatili ng bigat (conservation of mass)   ay ang pinakapundamental na konsepto sa kimika. Sinasaad rito na walang mapapansing pagbabago sa kabuuang bigat sa mga karaniwang kimikang pagsasanib.  Sa makabagong pisika, iyong makikita na ang enerhiya ang talagang pinananatili (at hindi ang bigat) at ang enerhiya at bigat ay napagpapalit-palit.  Ang konseptong ito ay mahalaga sa kimikang nukleyar.  Ang pagpapanatili ng enerhiya naman ay nagdudulot sa mga mahahalagang konsepto tulad ng ekilibriyo, termodaynamiks at kinetiks.

Marami pang mga batas ang nagpapalawig sa batas ng pagpapanatili ng bigat.  Ang batas ng takdang komposisyon (definite composition) ni Joseph Proust ay nagsasabi ng ang dalisay na kimika ay binubuo ng mga elemento nang may itinakdang pormulasyon.  Alam natin na ang kaayusang estruktura ng mga elemento ay mahalaga rin.

Ang batas ng maramihang proporsyon (multiple proportion) ni Dalton ay nagpapakita na ang mga kimika na may proporsyon ay gumagamit ng maliit na buong bilang  (tulad ng  1:2 O:H sa tubig).  Sa mga biyomolekula at kimikang mineral ang mga ratio ay malimit  na gumagamit ng malalaking bilang.

Ang mga higit na modernong batas ng kimika ay nagtatakda sa relasyon sa pagitan ng enerhiya at ng transpormasyon.




#Article 30: José Rizal (4227 words)


Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda   (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na susuportahan lamang ang karahasan bilang huling opsyon.  Naniniwala si Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at winika niya Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap? Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) at Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang Realonda), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Ikapito sa labing-isang magkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (1850–1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).

Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, na isang Sangley ng Luzon.

Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo na ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na inanak ng isang Hapones.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon ay ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging Jose Protasio Rizal. Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang hindi lehitimong anak. Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang Rizal sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na pinasukan niya noong ikadalawampu ng Enero 1872. Sa pananatili niya sa paaralang ito ay natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa Santo Tomas pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata.  Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang sobresaliente (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa siya ng isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19 siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya. Halos bawat detalye sa kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at ang karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng mga likha niya dahil sa ugali ni Rizal na pagpapalit ng wika.

Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa, Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.

Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa Tondo, Maynila. Isinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, na isang 14-taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay Manuel Luz.

Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar, Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon hanggang 6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere.

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara sa Noli me Tangere at El FIlibusterismo. Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.

Nananatiling nakatuon si Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884, binanggit si Rivera bilang katipan ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa insomnia.

Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya sa Dagupan, Pangasinan. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang filibustero o mapanghimagsik dahil sa kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera. Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.

Itinabi ng mga kaibigan ni Rizal ang halos lahat ng mga bagay na binigay niya, kabilang ang mga guhit sa mga piraso ng papel. Ang ilan sa mga bagay na ito ay mga ohales at panyo na may guhit at sulatin na binigay sa mga Blumentritt, na kinalaunan ay binigay din sa pamilyang Rizal.

Kabilang sa mga namangha kay Rizal ay ang anak ng isang liberal na Kastila na si Pedro Ortiga y Perez; at maging si Dr. Reinhold Rost ng Museong Britanya kung saan siya naging regular na panauhin sa kaniyang tahanan habang siya'y nagsasaliksik sa mga sulat ni Morga sa Londres, kung saan binansagan siya bilang hiyas ng isang tao.

Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensiya at pag-ibig kay Josephine Bracken.

Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken kina Magdalene, Mata Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.

Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.

Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong 29 Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong 27 Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephine Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sa daungan papuntang Maynila.

Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahanga-hangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.

Noong Pebrero 1895 nagkita si Rizal kay Josephine Bracken isang babaeng Irlandes mula Hong Kong, noong sinamahan niya ang kaniyang bulag na amang si George Taufer upang ipasuri ang kaniyang mga mata kay Rizal. Matapos ang ilang mga pagbisita, nakipag-ibigan si Rizal at Bracken sa isa't isa. Nais nilang magpakasal, ngunit dahil sa reputasyon ni Rizal dahil sa kaniyang mga sinulat at pananaw pampulitika, tumanggi ang lokal na kura na si Padre Obach na ikasal sila liban na lang kung makakakuha si Rizal ng pahintulot mula sa Arsobispo ng Cebu. Hindi sila makapagkasal sa simbahan dahil tumangging bumalik si Rizal sa Katolisismo.

Matapos samahan ang kaniyang ama sa Maynila upang bumalik sa Hong Kong, at bago siya bumalik sa Dapitan upang tumira kay Rizal, pinakilala ni Josephine ang kaniyang sarili sa pamilya ni Rizal sa Maynila. Minungkahi ng ina ni Rizal na magdaos sila ng kasalang sibil, upang hindi mabagabag ang konsensya ni Rizal ukol sa kaniyang politikal na pananaw upang makakuha ng pahintulot mula sa isang Obispo. Naikasal si Rizal at Josephine sa pamamagitan ng kasalang sibil sa Talisay sa Dapitan. Sinasabing nagkaroon sila ng isang anak na nagngangalang Francisco, na namatay din agad pagkasilang.

Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang naghahanda sa paglilimbag ng kaniyang mga anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Nanirahan siya sa isang pangupahang bahay ng magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na mayroong pamangking nagngangalang Suzanna (Thil) na may edad 16. Ayon sa historyador na si Gregorio F. Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit naniniwala ang Belgang si Pros Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong gulang na pamangking si Suzanna Thil. Nakita niya ang mga talang nagbibigay linaw sa kanilang mga pangalan at edad.

Saglit lang nanirahan si Rizal sa Bruselas; pagkatapos noon ay lumuwas siya patungong Madrid. Binigyan niya si Suzanna ng isang kahon ng tsokolate. Lumiham si Suzanna kay Rizal sa wikang Pranses, na sinasabing hindi siya kumuha ng ni isang piraso ng tsokolate, at halos mapudpod na ang kaniyang sapatos sa pagbabalik-panaog sa hulugan ng sulat upang tignan kung may liham galing sa kaniya, at hinihintay ang kaniyang muling pagbabalik. Noong 2007, nilalakad na ng pangkat ni Slachmuylder na lagyan ng makasaysayang tanda upang magbigay-pugay sa pananatili ni Rizal sa nasabing tahanan.

Nagbago ang mga nilalaman ng mga sinulat ni Rizal sa kaniyang dalawang obra, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin noong 1887, at El Filibusterismo, na nilimbag sa Ghent noong 1891. Para magkaroon ng pondo upang mailimbag ang huli ay nangutang si Rizal sa kaniyang mga kaibigan. Maraming mga Kastila at mga edukadong Pilipino ang nagalit sa kaniyang mga sinulat dahil sa mga simbolismong pinapakita dito. Kritikal ang mga nobelang ito sa mga prayleng Kastila at sa kapangyarihan ng simbahan. Ayon sa sulat ng kaibigan ni Rizal na si Ferdinand Blumentritt, na isang propesor at historyador, ang mga karakter sa mga nobelang ito ay hango sa totoong buhay at ang bawat mga pangyayari dito ay maaaring mangyari sa anumang araw sa Pilipinas.

Bagaman si Blumentritt ay apo ng Ingat-yaman ng Imperyo sa Vienna at matibay na tagapagtanggol ng pananampalatayang Katoliko, sinulat pa rin niya ang panimulang salita ng El Filibusterismo matapos niyang isalin ang Noli Me Tangere sa wikang Aleman. Gaya ng binabala ni Blumentritt, naging dahilan ang mga nobelang ito upang usigin si Rizal bilang tagapanimula ng himagsikan. Kinalaunan ay nilitis si Rizal ng militar at tuluyang binitay. Ngunit ang kaniyang mga nobela ang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang maglunsad ng Himagsikang Pilipino noong 1896.

Bilang pinuno ng kilusang propaganda ng mga Pilipino sa Espanya, nagsulat si Rizal ng mga sanaysay, tula at editoryal sa pahayagang La Solidaridad sa Barcelona, kung saan ginamit niya ang sagisag-panulat na Dimasalang. Ang karaniwang tema ng kaniyang mga likha ay sumesentro sa liberal at progresibong kaisipan ng karapatang pang-indibidwal at kalayaan, lalu na para sa mga mamamayang Pilipino. Pareho ang kaniyang pananaw sa ibang mga kasapi ng kilusan, na ang Pilipinas ay humaharap sa, ayon sa mismong salita ni Rizal, na Goliath na may dalawang mukha—mga tiwaling prayle at masamang pamahalaan. Paulit-ulit na kaniyang binabanggit sa kaniyang komentaryo ang mga adyenda gaya ng mga sumusunod:

Tumutol ang mga mananakop sa Pilipinas sa mga repormang ito. Hindi rin ito inendorso ng ilang mga intelektwal na Kastila tulad nina Morayta, Umamuno, Pi y Margall at iba pa.

GUmanti si Wenceslao Retana, isang politikal na komentador sa Espanya, sa pamamagitan ng pagsulat ng artikulo sa La Epoca, isang pahayagan sa Madrid, na umiinsulot kay Rizal. Kinuwento niya ang ukol sa pagpapalayas ng pamilya ni Rizal mula sa kanilang lupa sa Calamba dahil sa hindi pagbabayad ng upa. Nag-ugat ang insidenteng ito mula sa pagkakakulong sa ina ni Rizal na si Teodora noong bata pa si Rizal, dahil sa bintang na pagtangkang paglason sa kaniyang hipag. Dahil sa pakikisabwatan ng mga prayle ay kinulong siya ng wala man lang paglilitis. Pinaglakad din siya ng sampung milya (16 km) mula Calamba. Pinalaya din siya matapos ang dalawa at kalahating taong pakikipag-apela sa Kataas-taasang Hukuman. Noong 1887, sumulat ng petisyon si Rizal sa ngalan ng mga nangungupahan sa Calamba, at noong taon ding iyon ay hinimok sila na magsalita laban sa tangka ng mga prayle na taasan ang upa. Humantong ito sa paglilitis na nauwi sa pagpapalayas ng mga Dominiko sa mga nangungupahan mula sa kanilang mga tahanan, kabilang dito ang pamilya ni Rizal. Pinamunuan ni Heneral Valeriano Weyler ang paggiba sa mga gusali ng sakahan.

Pagkabasa ng artikulo, nagpadala si Rizal ng kinatawan upang hamunin si Retana sa duwelo. Humingi ng tawad si Retana sa publiko at kinalauna'y naging isa sa mga pinakamalaking tagahanga ni Rizal, na sumulat din ng isa sa pinakamahalagang talambuhay ni Rizal, ang Vida y Escritos del Jose Rizal (Mga buhay at kasulatan ni Jose Rizal).

Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga Filipina. Isinusulong ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit ito'y binuwag ng gobernador. Sa mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng pamahalaang Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.

Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay pinatapon siya sa Dapitan sa probinsya ng Zamboanga. Habang nasa Dapitan ay nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at isang sistema ng suplay ng tubig, at nagturo din ng pagsasaka.

Nagtayo si Rizal ng paaralan para sa mga batang lalaki. Sa paaralang ito, wikang Kastila ang ginagamit sa pagtuturo, at nagtuturo din ito ng Ingles bilang wikang banyaga. Ang layunin ng paaralang ito ay upang turuan ang mga mag-aaral ng pagiging maparaan sa buhay.  Ang ilan sa mga mag-aaral ay naging matagumpay bilang mga magsasaka at tapat na opisyal ng pamahalaan. Isang Muslim ang naging datu, at isa pa, si Jose Aseniero, ay naging gobernador ng Zamboanga.

Nagkaroon ng misyon ang mga Heswita na pabalikin si Rizal mula sa Dapitan sa pamumuno ni Padre Sanchez, na dati niyang guro, ngunit nauwi ito sa kabiguan. Muli itong tinangka ni Padre Pastelles, na kilalang bahagi ng Orden.

Naging tagapamagitan ang kaniyang matalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt sa kaniyang mga kaibigan sa Europa, at patuloy ang kaniyang pakikipagtalastasan sa kanila na siyang patuloy na nagpapadala ng mga liham na nakasulat sa mga wikang Olandes, Pranses, Aleman at Ingles na lumito sa mga sensura, kaya naantala ang kanilang mga pagpapadala. Sa pananatili ni Rizal sa Dapitan sa loob ng apat na taon ay umti-unti ding umusbong ang Rebolusyong Pilipino na kinalaunan ay nagpahamak sa kaniya. Bagaman tutol siya sa himagsikan, ginawa siyang pandangal na pangulo ng mga kasapi ng Katipunan at ginamit din ang kaniyang pangalan bilang sigaw sa digmaan, pakikipag-isa at kalayaan. Kinunan ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito'y normal. Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang sumigaw ng Viva at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: Consummatum est—natapos na.

Lihim siyang nilibing sa Libingang Paco sa Maynila ng wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniwala na maaaring ito nga ang pinaglibingan, at wala pang ibang mga nilibing, nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na RPJ - mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.

Nakatago naman sa lampara ang kaniyang tulang Mi ultimo adios na pinaniniwalaang sinulat ilang araw bago ang kaniyang pagbitay, at binigay ito sa kaniyang pamilya kasama ang ilan niyang mga natirang pag-aari, kabilang na ang kaniyang mga huling liham at huling habilin. Sa kanilang pagbisita, pinaalalahanan ni Rizal ang kaniyang mga kapatid sa wikang Ingles na mayroong isang bagay sa loob ng lamparang binigay ni Pardo de Taveras na ibabalik din pagkabitay, upang bigyang diin ang kalahagahan ng tula. Ang sumunod na habilin ay. Tingnan din ang aking sapatos, kung saan isa pang bagay ang nakasuksok. Noong hinukay ang kaniyang labi noong Agosto 1898, sa panahon na ng pananakop ng mga Amerikano, nalaman na hindi siya isinilid sa ataul, at nilibing siya hindi sa 'lupa ng mga banal', at anuman ang nakasiksik sa kaniyang sapatos ay nalusaw.

Sa kaniyang liham sa kaniyang pamilya ay kaniyang isinulat: Turingan ang may-edad nating magulang kagaya ng gusto niyong maturingan... Mahalin silang lubos sa aking alaala... 30 Disyembre, 1896. Nagbigay siya ng habilin sa kaniyang pamilya ukol sa kaniyang libing: Ilibing ninyo ako sa lupa. Maglagay ng bato at krus sa ibabaw. Pangalan ko, petsa ng kapanganakan ko at kamatayan ko. Wala nang iba. Kung nais niyong bakuran ang aking libingan maaari niyong gawin. Walang paggunita.

Sa kaniyang huling sulat kay Blumentritt: Bukas, sa ganap na 7, ay babarilin ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng paghihimagsik. Mamamatay ako ng may tahimik na konsiyensiya. Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya. Nagbigay din siya ng isang aklat sa isang matalik at minamahal na kaibigan. Noong natanggap ito ni Blumentritt sa Leimeritz siya ay umiyak.

Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo.  Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon.  Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

Si Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya  ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.

Ang kanilang mga mithiin: 

Hindi matanggap  ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.




#Article 31: Andrés Bonifacio (1816 words)


Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Binansagan siyang Ama ng Katipunan. Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.

Si Andrés Bonifacio y de Castro ay anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa limang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio, Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kaniyang ama na naglingkod bílang teniente mayor ng Tondo, Maynila, samantalang ang kaniyang ina ay isang mestisang ipinanganak mula sa isang Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino, bílang kaugalian, isinunod ang pangalan niya sa kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang kapanganakan, si San Andres.

Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bílang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasáma ni Apolinario Mabini.

Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kaniyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kaniyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892, matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilalá rin bílang Kataastaasan,Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na 'di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).

Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bílang Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kaniyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.

Sa Katipunan, Supremo ang kaniyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang . Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong 23 Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isaisa'y pinunit ang kanilang mga sedula.

Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lámang. Nanalo sa  pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mabábang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).

Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lámang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bílang pangulo ng Katipunan, na walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kaniyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasáma ang kaniyang kapatid na laláking si Procopio Bonifacio noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis).

Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés Bonifacio sa Maragondon.  Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dáting rebelde at isang laláking nagpakilala bílang dáting kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawáyan noong 17 Marso 1918.  Inilagay ang mga labí sa hulíng pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila ng 1945.

Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.

Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na naglingkod bílang kaniyang tagapayo at katiwala, at bílang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon. Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto bílang opisyal na panturo sa samahan bílang kapalit ng kaniyang dekalogo, na ayon sa kaniya ay mabábà kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.

Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang nagbigay ng hinala sa mga Kastila. Noong unang bahagi ng 1896, ang mga intelehensiyang Kastila ay alam na pagkakatatag ng lihim na samahán, at ang mga pinaghihinalaang mga kasapi ay minatyagan at pinag-aaresto. Noong ika-3 ng Mayo, nagsagawa ng pangkahatalang asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa Pasig, kung saan pinagdebatehan nila kung kailan magsisimula ang paghihimagsik. Habang nais ni Bonifacio na magsimula ang pag-aalsa sa lalong madaling panahon, nagpahayag ng pagpapasubali si Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa kawalan ng mga armas. Ang napagkasunduan ay sumangguni muna kay José Rizal sa Dapitan bago pasimulan ang kanilang mga kilos, kayâ pinadala ni Bonifacio si Pio Valenzuela kay Rizal, na salungat sa hindi pa handang pag-aaklas at nagpayong magdagdag pa ng paghahanda.

Natiyak ng pamahalaang Kastila ang pagkakaroon ng Katipunan noong 19 Agosto 1896. Daan-daang mga pinaghihinalaang Pilipino, ang dinakip at ikinulong sa salang pagtataksil. Paalis na noon si José Rizal patungong Cuba upang maglingkod bílang manggagamot sa sandatahan ng kolonya ng Espanya bílang kapalit ng pagpapalaya sa kaniya sa Dapitan. Nang kumalat ang balita, unang sinubukan ni Bonifacio na kumbinsihin si Rizal, na nakakulong sa barkong patungo sa Look ng Maynila, na tumakas at sumali sa napipintong pag-aaklas. Nagpanggap sina Bonifacio, Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay bílang mga marino at nagtungo sa daungan kung saan dadaong ang barkong sinasakyan ni Rizal. Personal na nakita ni Jacinto si Rizal, na tumanggi sa kanilang mungkahing pagpapatakas. Rizal himself was later arrested, tried and executed.

Upang maiwasan ang matinding paghahanap, ipinatawag ni Bonifacio ang libu-libong kasapi ng Katipunan sa Kalookan, kung saan pinasimulan nila ang pag-aaklas. Ang kaganapan, na minarkahan ng pagpunit ng mga sedula ay lumaong tinawag na Sigaw ng Pugad Lawin; ang tiyak na pook at petsa ng pinagdausan ng pangyayari ay pinagtataluhan. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng malawakang himagsikang laban sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsugod sa kabiserang Maynila noong ika-29 ng Agosto.

Ang kasaysayan ni Bonifacio ay kinapapalooban ng maraming mga kontrobersiya. Ang kaniyang pagkamatay ay salitang tinitignan bílang isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan at isang legal na pagpaslang na bunga ng politika. Marami ang naniniwalang ang kanyang pagkamatay ay naayon na rin sa kagustuhan ng Pangulong Emilio Aguinaldo upang mapanatiling ang pagkakaisa ng pamahalaan at ito rin ay ayon na rin sa assesment ng kanyang mga taga payo.

Kinondena ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na Bonifacio bílang hindi makatarungan. Binubuo ang hukom ng halos mga kaanib ni Aguinaldo; Ang abogado ni Bonifacio ay tila naging tagausig niya rin dahil inihayag din niya ang pagiging may salà ni Bonifacio kaysa sa umapela para sa higit na mabábang parusa; hindi rin pinayagan si Bonifacio na harapin ang mga púnong saksi para sa mga kasong pakikipagsabwatan sa kadahilanang napaslang na ang mga ito sa mga labanán, subalit lumaon ay nakita ang mga saksi kasáma ang mga tagausig. Isinulat ni Teodoro Agoncillo na isang malaking hadlang si Bonifacio sa pagpapahayag ng kapangyarihang sumasalungat kay Aguinaldo sa himagsikan, dahil hinahati nito ang lakas ng mga rebelde na maaaring magdulot ng tiyak na pagkatalo sa kanilang kalabang mga Kastila.

Sa kabaligtaran, isinulat ni Renato Constantino na hindi hadlang si Bonifacio sa himagsikan sa pangkalahatan dahil nais pa rin niyang labánan ang mga Kastila, at hindi rin hadlang sa himagsikan sa Kabite dahil siya ay aalis na; subalit tiyak na hadlang si Bonifacio sa mga pinuno sa Kabite na nais makuha ang pamamahala ng himagsikan, kaya siya pinatay.

May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnación, at Ramón Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang unang Pangulo ng Pilipinas kaysa kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon nitong Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay diin na si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan bago pa nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros. Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang Pilipinas na tinawag na Haring Bayang Katagalugan, na pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong Filipinas.

Pangkahalatang tinuturing si José Rizal bílang Pambansang bayani, subalit iminumungkahi si Bonifacio bílang higit na karapat-dapat na kandidato bílang pambansang bayani dahil siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Napansin ni Teodoro Agoncillo na ang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi gaya ng sa ibang bansa, ay hindi ang pinúnò ng puwersa ng liberasyon. Isinulat ni Renato Constantino na si Rizal ay bayaning itinaguyod ng Estados Unidos na itinaguyod bílang pinakadakilang bayaning Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas - pagkatapos matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Itinaguyod ng Estados Unidos si Rizal, na piniling ang mapayapang pamamaraan, kaysa sa mga radikal na tao na ang mga ideya ay maaaring pumukaw na lumaban sa pamumunong Amerikano.

Noong 1918, ang pamahalaang ginawa ng Amerika sa Pilipinas ay nagpasimula ng paghahanap sa mga labi ni Bonifacio sa Maragondon. Isang pangkat ng mga pinúnò ng pamahalaan, mga dating rebelde, at isang kinilalang tagapaglingkod ni Bonifacio ang nakahanap ng mga buto na sinasabi nilang mula kay Bonifacio sa isang tubuhan noong ika-17 ng Marso. Inilagay nila ang mga buto sa isang urna at ibinigay sa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ng mga Hapón ang Pilipinas. Ang mga buto ay nawala dahil sa malawakang pagkasira at nakawan noong Digmaan ng Maynila noong Pebrero 1945.




#Article 32: Emilio Aguinaldo (1869 words)


Si Emilió Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869 – 6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Pilipinas sa Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899 – 1 Abril 1901) na makikita sa limampisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kaniyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal.

Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.

Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.

Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.

Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kaniyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal

Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.

Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kaniyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.

Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.

Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.

Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong 19 Mayo 1898.

Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang pinúnò ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.

Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binása ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay-Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumása.

Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kaniyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bílang pangulo.

Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong 21 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikano noong 1 Marso 1901.

Nagkaroon ng dalawang gabinete si Pangulong Aguinaldo na siyang dahilan ng kaniyang pamumuno sa pamamagitan ng mga dekrito.

Nagpagpatuloy ang mga sesyon ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi.  Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang pambansang pautang.

Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng Pampublikong Instruksiyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersiya, pati rin ang kursong A.B. ang unibersidad.

Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaquín Gonzales. Sinundan siya ni León María Guererro.

Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsiya at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan.

Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito.

Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at ang Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.

Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng suspensiyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon.

Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo.

Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong sa pamamagitan ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa Pilipinas.

Noong 4 Pebrero 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos.

Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong 2 Hunyo 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.

Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar.

Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.




#Article 33: Pangulo ng Pilipinas (311 words)


Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Púnong Komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sang-ayon sa kasalukuyang saligang-batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatirá sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan. Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may pinakamalaking bílang ng boto. Magsisilbi ang pangulo ng isang termino sa loob ng anim na taon at hindi na makakatakbo muli para sa reeleksiyon, maliban kung siya ay naging pangulo sa pamamagitan ng konstitusyon succession at nagsilbi nang hindi hihigit sa apat na taon bílang pangulo.

Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksiyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-anim na mga pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Rodrigo Duterte, ay itinuturing na panglabing-anim na pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan, hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

Ang mga kulay ay nagpapahiwatig ng kanilang partidong pulitikal o apilyasiyon.




#Article 34: Sergio Osmeña (1744 words)


Si Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo 1946) na makikita sa limampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmeña, dating Gobernador Lito Osmeña ng Cebu at Mayor Tomas Osmeña.

Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan.  Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.

Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.

Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.

Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907.  Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon.  Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang Senate President Protempore noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas.  Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas MacArthur at mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmeña sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmeña ay namatay noong 19 Oktubre 1961.

Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay isang mayamang negosyante na si Don Pedro Lee Gotiaoco at ang kanyang ina ay si Juana Osmeña y Suico na iniulat na 14 taong gulang lamang ng ipanganak si Sergio Osmeña. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Colegio de San Carlos noong 1892. Siya ay nag-aral sa Maynila sa San Juan de Letran College kung saan niya unang nakilala sina Manuel L. Quezon na kanyang kaklase at sina Juan Sumulong at Emilio Jacinto. Kumuha siya ng kursong batasa sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging ikalawa sa eksaminasyon ng batas noong 1903. Siya ay naglingkod na katulong sa digmaan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang courier at mamamahayag. Noong 1900 ay itinatag niya ang pahayagan El Nuevo Día sa Cebu na tumagal ng 3 taon. Noong 1904, ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos ay humirang sa kanya bilang gobernador ng Cebu. Pinakasalan niya si Estefania Chiong Veloso noong 10 Abril 1901 at nagkaroon sila ng 10 anak.

Habang nagsisilbing gobernador, tumakbo siya sa halalan ng unang Asembleang Pilipino noong 1907 at nahalal na speaker nito. Siya ay naglingkod sa mababang kapulungan hanggang 1922. Itinatag niya kasama ni Manuel L. Quezon ang Partidong Nacionalista upang hadlangan ang Partido Federalista ng mga politikong taga Maynila. 

Noong 1922 ay nahalal si Osmeña sa Senado. Siya ay tumungo sa Estados Unidos bilang bahagi ng Misyong OsRox noong 1933 upang makuha ang pagpasa ng panukalang batas ng kalayaang Hare–Hawes–Cutting na pinalitan ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934.

Si Osmeña kasama ni Manuel Roxas ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.

Noong 1924, sina Quezon at Osmeña ay nagkasundo at nagsanib sa Partido Nacionalista Consolidado laban sa oposisyong Partido Democrata ngunit ang Partido Nacionalista ay nagkawatak watak noong 1934. Muling nagkasundo sina Quezon at Osmeña at tumakbo at nanalo sa 1935 halalan ng pagkapangulo. Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling pagtakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong. Si Osmeña ay muling nahalal na pangalawang pangulo.

Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni MacArthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa Washington, D.C.. Si Osmeña ay nanatiling pangalawang pangulo sa pagkakatapon ng Komonwelt ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Pamahalaang Komonwelt ni Quezon at itinatag ang  Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jose B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tojo noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino Sr. bilang unang speaker nito ngunit walang kinikilalang pangalawang pangulo.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmeña at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.

Si Osmeña ang naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na nasa Estados Unidos pagkatapos mamatay ni Quezon noong 1 Agosto 1944.

Si Osmeña ay bumalik sa Pilipinas kasama ni Heneral Douglas MacArthur at ng mga puwersang Amerikano noong 20 Oktubre 1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Maynila mula sa mga Hapones, ibinigay ni Heneral MacArthur ang pamahalaan ng Pilipinas kay Osmeña bilang Pangulo noong 27 Pebrero 1945 sa Malacañang.

Pagkatapos ibalik ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong 1945, tumawag ang mga senador na sina Manuel Roxas, Elpidio Quirino at mga kaalyado nila para sa isang halalan ng pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas. Pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang halalan para sa 23 Abril 1946.

Ang tatlong pangkat ay lumahok sa halalan: Ang pangkat konserbatibo nina Osmeña at Eulogio Rodriguez ng partido Nacionalista, ang partido Liberal nina Roxas at Quirino na galing sa partidong Nacionalista at ang Partido Modernista ni Hilario Moncado.

Natalo si Osmeña kay Manuel Roxas sa halalan ng pagkapangulo.

Pagkatapos matalo sa halalan, si Osmeña ay bumalik sa kanyang tahanan sa Cebu. Siya ay namatay noong 19 Oktubre 1961 sa edad na 83 sa Veteran's Memorial Hospital sa Quezon City. Siya ay inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila.




#Article 35: Manuel L. Quezon (2039 words)


Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944) na makikita sa dalawampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878.
Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro.  Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila.  Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo.  Naipakulong siya dahil sa gawaing ito.  Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.
 
Naging manananggol si Quezon sa Baler.  Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya.  Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas.  Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino.  Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas.  Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay.  Muli siyang nahalal noong 1941.
 
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos.  Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.  Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon. Siya rin ay tinawag bilang Ama ng Wikang Pambansa.

Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.

Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.

Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan bilang hinirang na piskal ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya ay naging konsehal at nahalal na gobernador ng Tayabas noong 1906.

Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918. Sila ay may apat na anak.

Si Quezon ay nahalal sa unang Asembleyang Pilipino noong 1907 na kalaunang naging Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Siya ay naglingkod na majority floor leader at chairman of the committee sa mga apropriasyon. Mula 1909–1916, siya ay nagsilbing isa sa dalawang mga komisyoner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados. Siya ay naglobby para sa pagpasa ng mga kinatawan ng Estados Unidos ng Philippine Autonomy Act o Jones Law.

Si Quezon ay bumalik sa Maynila noong 1916 at tumakbo at nahalal sa Senado ng Pilipinas. Siya ay kalauanng naging Pangulo ng Senado sa 19 taon hanggang 1935. Pinamunuan niya ang unang Indendiyenteng Misyon sa Kongreso ng Estados Unidos noong 1919 na nagpasa ng Batas Tydings-McDuffie noong 1934. Noong 1922, siya ay naging pinuno ng Partido Nacionalista.

Noong 1935, Si Quezon ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas. Nakamit niya ang 68% laban kina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ni Aguinaldo.

Ang kondisyon sa ekonomiya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Estados Unidos ay matatag. Ang kalakalang pandayuhan ay umabot sa kasagsagang 400 milyong piso. Ang pagluluwas ng mga pananim ay maganda maliban sa tabako. Ang halaga ng mga inululuwas ng Pilipinas ay umabot ng 320,896,000 piso na pinakamataas simula 1929. Ang mga kinita ng pamahalaan ay umabot ng 76,675,000 piso noong 1936 mula 65,000,000 piso ng nakaraang taon. Ang produksiyon ng ginto ay tumaas ng mga 37% at ang bakal sa halos 100% samantalang ang produksiyon ng semento ay lumaki ng 14%. Ang National Economic Council ay nilikha ng batas. Ito ay nagpapayo sa pamahalaan sa mga tanong na pang-ekonomiya at pangsalapi kabilang ang pagtataguyod ng mga industriya, dibersipikasyon ng mga pananim, mga taripa, pagbubuwis at pagbuo ng programang pang-ekonomiya.

Ang isang probisyon sa konstitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomenda na ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.

Sinimulan ni Quezon ang karapatang pagboto ng mga kababaihan. Ang 1935 konstitusyon ay nag-aatas na ang karapatan ay maipagkakaloob kapag ang hindi kaunti sa 300,000 ay aayon sa plebisito. Ang pamahalaan ni Quezon ay nag-utos ng isang plebisito noong 3 Abril 1937. Ang kinalabasan ng plebisito ay pag-ayon ng 447,725 laban sa pagtutol na 44,307

Kasabay ng mga lokal na halalan noong 1940, ang isa pang plebisito ay idinaos upang pagtibayin ang iminungkahing mga susog sa Konstitusyon hinggil sa pagpapanumbalik ng lehislaturang bikameral, ang termino ng pangulo na itatakda sa apat na taon na may isang muling paghalal at ang pagtatatag ng independiyenteng Komisyon sa Halalan. Ang mga susog ay pinagtibay at sina Speaker Jose Yulo at Assemblyman Dominador Tan ay tumungo sa Estados Unidos upang kunin ang pagpapatibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na ibinigay nito noong 2 Disyembre 1940. Pagkatapos ng dalawang araw, ito ay prinoklama ni Quezon. 

Si Quezon ay ipinagbawal ng konstitusyon na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Gayunpaman, ang mga susog noong 1940 ay pinagtibay na pumapayag sa kanyang muling pagtakbo. Siya ay tumakbo at nahalal sa halalan ng pagkapangulo noong 1941 na may halos 82 porsiyento laban kay Juan Sumulong.

Pagkatapos ng pasimula ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas noong 8 Disyembre 1941, sina Heneral Douglas MacArthur at Quezon ay lumikas sa Bataan noong 24 Disyembre 1941. Si Quezon ay pinayuhan ni Macarthur na lumikas sa Corregidor kung saan isinagawa ang kanyang inaugurasyon bilang Pangulo ng Pilipinas noong 30 Disyembre 1941. Ang mga Hapones ay pumasok sa siyudad ng Maynila noong 2 Enero 1942 at itinatag ito bilang kabisera. Buong nasakop ng Hapon ang Pilipinas noong 6 Mayo 1942 pagkatapos ng Labanan ng Corregidor. Pagkatapos ay lumikas si Quezon sa Bisayas at Mindanao at sa pag-anyaya ng pamahalaan ng Estados Unidos ay lumikas siya sa Australia at pagkatapos ay sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos ay itinatag niya ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nasa pagkakatapon na may mga headquarter sa Washington, D.C.. Doon ay nagsilbi siyang kasapi ng Pacific War Council at lumagda sa deklarasyon ng United Nations laban sa mga kapangyarihang Aksis. Kanya ring isinulat ang kanyang sariling talambuhay.

Binuwag ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas at itinatag ang  Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas bilang nangangalagang pamahalaan na si Jorge B. Vargas ang unang chairman noong Enero 1942. Ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ay binuo ng Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap noong 8 Disyembre 1942 na nagbabawal sa lahat ng mga umiiral na partidong pampolitika at paglikha ng mga bagong alyansang pamahalaan. Bago ang pagbuo ng komisyon, ang Pilipinas ay binigyan ng Hapon ng opsiyon na isailalim ang Pilipinas sa diktadurya ni Artemio Ricarte na ibinalik ng mga Hapones mula sa Yokohama. Ito ay hindi tinanggap ng Komisyon na nagpasyang gawing republika ang Pilipinas. Sa unang pagdalaw sa Pilipinas ni Punong Ministro Hideki Tōjō noong 6 Mayo 1943 ay nangako siyang ibabalik ang kalayaan ng Pilipinas bilang bahagi ng Pan-Asyanismo nito o Asya para sa Asyano. Ito ay nagtulak sa KALIBAPI na lumikha ng komiteng paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas noong 19 Hunyo 1943. Ang isang draptong konstitusyon ay binuo ng komisyon na binubuo ng 20 kasapi mula sa KALIBAPI. Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel na nagtanghal ng draptong konstitusyon noong Setyemre 4,1943 at pagkatapos ng 3 araw ay pinagtibay ng pangakalahatang asemblea ng KALIBAPI. Noong 20 Setyembre 1943, hinalal ng mga pangkat na kinatawan ng KALIBAPI sa mga probinsiya at siyudad mula sa kanilang sarili ang 54 kasapi ng Pambansang Asemblea ng Pilipinas na may 54 gobernador at mga alkalde ng lungsod bilang mga kasaping ex-oficio. Pagkatapos ng 3 araw, ang sesyon ng Pambansang Asemblea ay humalal kina Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Benigno S. Aquino bilang unang speaker nito. Itinaas nina Aguinaldo at Ricarte ang watawat ng Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935, ang termino ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ay magwawakas noong 30 Disyembre 1943 at ang pangalawang Pangulo na si Sergio Osmeña ang automatikong halili sa kanya. Ito ay ipinaalam ni Osmeña kay Quezon ngunit naniwala si Quezon na hindi matalinong ipatupad ang tadhanang ito ng Saligang Batas dahil sa mga kasalukuyang sirkunstansiya ng pamahalaan ng Pilipinas. Hindi ito tinanggap ni Osmena at hiniling ang opinyon ni U.S. Attorney General Homer Cummings na umayon kay Osmeña. Gayunpaman, ito ay hindi tinanggap ni Quezon at hiniling niya kay Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos na magbigay ng desisyon ngunit ito'y tumangging manghimasok at sa halip ay ipinayong ito ay lutasin ng mga opisyal ng pamahalaang Komonwelt ni Quezon. Pagkatapos ng pagpupulong, hiniling ni Osmena sa Kongreso ng Estados Unidos na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tadhana ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas sa paghalili ng pangulo hanggang pagkatapos mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones. Ito ay inayunan ni Quezon at ng kanyang Gabinete. Ang panukala ay pinagtibay ng Senado ng Estados Unidos at mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 10 Nobyembre 1943.

Si Quezon ay nagkasakit ng tuberkolosis at gumugol ng kanyang huling taon sa cottage sa Saranac Lake sa New York kung saan siya namatay noong 1 Agosto 1944. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos. Ang kanyang katawan ay kalaunang muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong 17 Hulyo 1946 bago inilipat sa Quezon Memorial Circle noong 19 Agosto 1979.

Si Quezon ay nahirang na residenteng komisyoner ng Pilipinas sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1909-1916. Kanyang masiglang ipinaglaban ang pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Estados Unidos at nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Jones noong 1916 na nagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Sinambit ni Quezon na:




#Article 36: Timog-silangang Asya (1560 words)


 
Ang Timog-silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.

Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-Burmano, mga Thai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan ng Kristiyanismo.

Ang paghahati sa Timog-silangang Asya ay nag-iiba-iba, subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga bansang ito:

Ang lahat ng nasa itaass ay kasapi ng ASEAN, maliban na lamang sa Silangang Timor (na kilala rin bilang Timor Leste), na isang kandidatong estado para sa ASEAN. Ang bahagi, na kasama ang ilang bahagi ng Timog Asya, ay kilala bilang Silangang Indies o sa payak na Indies hanggang noong ika-20 dantaon. Ang Pulo ng Christmas at ang mga pulo ng Cocos (Keeling) ay kasama bilang bahagi ng Timog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya ngunit sila ay pinamamahalaan ng Australya. Ang Taiwan kinokonsidera na bahagi ng TImog Silangang Asya pati na ng Silangang Asya subalit hindi ito kasapi ng ASEAN. Ang mga usaping pangsoberenya ay buhay sa mga pulo sa Dagat Timog Tsina. Ang Papua ay pampolitika na bahagi ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng Indonesia, ngunit heograpikal itong kinokonsidera bilang bahagi ng Oceania.

Ang Timog Silangang Asya ay heograpikal na nahahati sa dalawang rehiyon, na tinatawag na Kalupaang Timog Silangang Asya (o ang Indotsina) at ang Karagatang Timog Silangang Asya (o ang Kapuluang Malay) (o sa wikang Indones ay Nusantara).

Ang Kalupaang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:

Ang Karagatang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:

Ang Silangang bahagi ng Indonesia at Silangang Timor (silangan ng Linyang Wallace) ay kinokonsidera bilang heograpikal na bahagi ng Oceania.

Ang mga pulo ng Andaman at Nicobar ng India ay heograpikal na kinokonsidera bilang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang Hilagang Silangang India ay kultural na Timog Silangang Asya at minsang kinokonsidera bilang Timog Asyano at Timog Silangang Asyano. Ang Pulo ng Hainan at ang ilang mga rehiyong Tsino gaya ng Yunnan, Guizhou at Guangxi ay kinokonsidera bilang Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang Taiwan, na tapat sa Tropiko ng Kanser ay nasa hangganan ng Dagat Timog Tsina, kaya kadalasang sinasama sa Timog silangang Asya at pati rin sa Silangang Asya. 

Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan Nusantao (Nusantara) sa karagatan  na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE hanggang 1 CE. Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo.

Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.

Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay sinundan ng Theravada Budismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.

Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand  ang paniniwalang Theravada ng Budismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng kulturang Khmer.

Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago mag-13 dantaon, ang Budismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.

Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at Sumatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budismo at Hinduismo ay maayos na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong kapuluan.

Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.

Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693 hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa emperyo

Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.

Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga Tsino.

Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa, si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay nanirahan.

Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15 dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.

Ang rehiyon ay isa sa pinakaproduktibo sa paggawa ng mga microprocessor. Ang mga imbak ng langis ay mayroon din sa rehiyon.

Labingpitong kompanyang pangtelekomunikasyon ang kumontrata upang buuin ang bagon kableng submarino upang ikonekta ang Timog Silangang Asya sa Estados Unidos. Ito ay upang maiwasan ang pagkaabala na tulad ng nangyaring pagkaputol ng kable mula Taiwan patungong E.U. sa isang lindol.

.

Ang Timog Silangang Asya ay may sukat na umaabot sa 4,000,000 km² (1.6 milyon milya parisukat). Noong 2004, mahigit sa 593 milyong katao ang nakatira sa rehiyon, Isa sa lima nito (125 milyon) ay nakatira sa pulo ng Java sa Indonesia, ang pinakamataong malaking pulo sa buong mundo.

Ang pagkakahati ng mga relihiyon at tao ay malawak sa Timog Silangang Asya at nag-iiba bawat bansa.
Ang ilang 30 milyong mga migranteng Tsino ay nakatira din sa Timog Silangang Asya, na madami sa Pulo ng Christmas, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Indonesia at Thailand, at bilang mga Hoa, sa Vietnam.

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.

Ang subrehiyon ay may 11 mga bansa at ito ay mahahati sa mga bansa sa pangunahing-lupain at mga kapuluan. Kabilang sa mga bansa sa pangunahing-lupain ang:

Ang bansang Malaysia ay may dalawang parte na nahahati ng Dagat ng Timog Tsina. Peninsular Malaysia ay nasa pangunahing-lupain samantalang ang Silangang Malaysia ay nasa Borneo, isa sa pinaka-malaking isla sa rehiyon. Ang bansang Malaysia ay kinikilalang bansang kapuluan.

Ang Timog-silangang Asya ay may sukat na 1.6 milyon milya kwadrado (4,000,000 km²). Noong 2004, higit sa 550 milyong tao ang nakatira sa rehiyon, 110 milyon nito sa isla ng Java ng Indonesia.




#Article 37: Lunes (497 words)


Ang Lunes ay unang araw ng linggo sa pagitan ng Linggo at Martes. Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo. Galing sa wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang Lunae dies o araw ng buwan. Ang salin ng Lunes sa wikang Inggles ay Monday na galing naman sa Mona, ang diyos ng buwan ng mga Saxones.

Ang salitang Lunes ay hango sa salitang Latin na Luna na ang ibig sabihin ay buwan. Ang latinong salitang Luna rin ang pinagmulan ng ilang mga salitang nag-ugat sa Latin tulad ng Italyano (Lunedi), Pranses (Lundi), Espanyol (Lunes) at Romanong (Luni) mga pangalan.

Sa ibat ibang kultura at bahagi ng mundo, ang Lunes ay itinuturing na unang araw ng Linggo. Ito ang kaso sa maraming Europeong bansa, sa ilang bahagi ng Africa, Timog America at sa Australia. Sa ilang bahagi ng Asya, ang Lunes rin ang tinuturing na araw ng panimula. Sa Tsina, ang Lunes ay binabaybay bilang xingqi yi (星期一) na nangangahulugang, unang araw ng linggo. Ito rin ang unang araw ng linggo kung ang pagbabatayan ay ang paggamit ng International Standard, ISO 8601.

Gayumpaman, sa mga Hudyo-Kristiyanong kultura at paniniwala, ang Lunes ang pangalawang araw, kasunod ng Linggo. Ito ang sinusunod na format sa Canada, Estados Unidos at Pilipinas. Ang salin sa wikang Arabo, Portuges, Hebreo, Persa (Persian), at Syriac ay nangangahulugan ng pangalawang araw

Ang Lunes rin ang tinutukoy na unang araw ng pagtatrabaho, pagpasok sa paaralan, at sa negosyo.

Ang araw ng Lunes ay tinuturing na mabuting panimula ng pagtitika. Taliwas ito sa inabiso sa sulating Didache kung saan ang mga Kristiyano ay pinayuhan na magsimula ng pagtitika sa araw ng Miyerkules, imbes na Lunes upang maiwasan ang pagiging makahudyo.

Tuwing Lunes rin isinasagawa ang pampublikong pagbabasa ng tora at ang mga espesyal na panalangin ng pagsisisi. Gayumpaman, ang gawaing ito ay nakakansela kung mayroong espesyal na okasyong pangkasihayan.

Sa Silanganing Orthodoksong mga simbahan, ang Lunes ay ang araw kung saan ang mga anghel ay kinikilala o ginugunita. Ang Octoechos ay nagtataglay ng mga himno na may ganitong layunin, at nasasaayos sa walong-linggong siklo. Ang mga himnong ito ay inuusal tuwing mga Lunes ng buong taon. Sa katapusan ng Banal na Serbisyo tuwing Lunes, ang pagwawakas ay inihuhudyat ng pangwakas na pagbating: Nawang si Kristong Iisang Diyos, sa pamamagitan ng pananalangin ng Kaniyang Inang walang Bahid Kasalanan, ng mga kagalang galang, at ng mga Anghel sa Langit ...

Sa ilang silanganing monasteryo, ang Lunes ay siyang araw ng pagtitika, dahil ito ay inaalay sa mga anghel. Sa araw na ito ang mga monghe ay namumuhay wangis ng mga anghel. Sa mga monasteryo ring ito, maliban na lamang kung mayroong espesyal na kapistahan, ang pagkain o pagkonsumo ng karne, isda, alak at langis ay ipinagbabawal.

Ilang mga kaganapan sa Kanluraning bansa, ang isinunod sa Ingles na salin ng Lunes. Ang ilan sa mga ito ay hindi bahagi ng kulturang Pilipino.

Ang mga sumusunod ay mga kaganapan na inoobserbahan sa Pilipinas.




#Article 38: Setyembre 11 (164 words)


Ang Setyembre 11 ay ang ika-254 araw ng taon (ika-255 sa mga paglukso ng taon) sa Kalendaryong Gregorian. Ang 111 araw ay nananatili hanggang sa katapusan ng taon.

Sa pagitan ng mga taon AD 1900 at 2099, Setyembre 11 ng kalendaryo Gregorian ay ang paglukso ng mga kalendaryo ng Coptic at Ethiopian. Ang mga araw na ito ng paglukso ay nangyayari sa mga taon kaagad bago lumipas ang mga taon sa kalendaryo ng Julian at Gregorian. Sa lahat ng mga karaniwang taong kalendaryo ng Coptic at Ethiopian, ang Setyembre 11 ay Araw ng Bagong Taon.

Mula noong 2001, ang petsa ay malawak na kilala para sa mga pag-atake ng mga terorista na naganap sa Estados Unidos at pinangalanan ito. Ang petsa ay mas maliit na kilala para sa petsa ng isang putok sa Chile, na ibagsak ang hinirang na demokratikong nahalal na pamahalaan ng Salvador Allende at mai-lock ang Chile sa isang 17-taong diktadurya, na umalis sa halos 3000 katao na namatay o nawawala.




#Article 39: Manuel Roxas (1398 words)


Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimang  Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948) na makikita sa sandaang pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong  Elpidio Quirino.

Si Roxas ay iniluwal noong 1 Enero 1891 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario Acuña. Ang kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipanganak si Manuel. Siya ay nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na Paaralan ng Araullo) noong 1909. Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang itinatag ni George A. Malcolm na unang dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng pinakamataas na markang 92% sa bar examination noong 1913.

Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng konsehong pangmunisipyo ng Capiz (ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay nahalal na Gobernador ng Capiz mula 1919 hanggang 1921.

Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at nanungkulan bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay naging kasapi ng Philippine Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng senado na si Manuel L. Quezon ay nagbitiw sa Council of State nang simulang i-veto ni Gobernador-Heneral Leonard Wood ang mga panukalang batas na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.

Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.

Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay hindi natipon hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si hinalal ng Kongreso na nahalal noong 1941 bilang pangulo ng Senado.

Siya ay kasapi ng Kombensiyong Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935 na lumikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act. Siya ay naglingkod na kalihim ng Pananalapi mula 1938–1940, Tagapangasiwa ng National Economic Council, Tagapangsiwa ng National Development Company, Brigadier General ng USAFFE, at iba pa.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan ng Ikalawang Republika ng Pilipinas ni Jose P. Laurel sa ilalim ng Hapon bilang Direktor ng Ahensiya ng Paglilikom ng mga suplay ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya ay naging kasapi ng komiteng gumawa ng drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika sa ilalim ng Hapon.

Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa mga gerilyang laban sa Hapon at nagsagawa ng lihim na paniniktik kay Roxas sa kabila ng kautusan  ni Heneral Homma na malapit kay Roxas na itigil ang paniniktik nila kay Roxas.

Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika ay dinakip ni Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng Hukbong Amerikano sa Seksiyong Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina Jose Yulo, Antonio delas Alas, Quintin Paredes at Teofilo Sison ay ibinilanggo upang litisin dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Hapones. Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon. Noong 1948, pinatawad ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga Hapones.

Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones at malapit na nauugnay sa mga mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan si Sergio Osmeña. Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang parehong PKM at Hukbalahap na mga ilegal na organisasyon at inutos ang pagdakip ng mga kasapi nito dahil sa pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas at pagtatatag ng kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot.

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945 kung saan Pangulo si Sergio Osmeña.

Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54 porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido Nacionalista at Hilario Moncada ng Partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.

Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: ang Batas Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.

Sa araw na inilunsad ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng bagong Ikatlong Republika sa Luneta, Maynila. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000 dignitaryo kabilang ang Commissioner to the Philippines at kauna-unahang Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas Paul McNutt, Heneral Douglas MacArthur galing sa Tokyo, United States Postmaster General Robert E. Hannegan, isang delegasyon mula sa Kongreso ng Estados Unidos na pinangunahan ni Senador Millard Tydings (may akda ng Batas Tydings–McDuffie) at Kinatawan C. Jasper Bell (may akda ng Bell Trade Act) at dating Civil Governor-General Francis Burton Harrison. Ito ay dinaluhan ng mga 300,000 katao na nakasaksi sa pagbaba ng pambansang watawat ng Estados Unidos at pagtataas ng pambansang watawat ng Pilipinas.

Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril 1948. hi

Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Angeles City, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino. 




#Article 40: Croatia (547 words)


Ang Kroasya (pagbigkas: kro•wey•s'ya; ), opisyal na tinutukoy na Republika ng Kroasya (), ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Zagreb ang kabiserang lungsod nito, na bumubuo rin sa isa sa mga pangunahing subdibisyon ng bansa, kabilang ang 20 pang county. May lawak na 56,594 km2 ang Kroasya na may samot saring klima ngunit ang karaniwan ay klimang kontinental at Mediterranean. May higit sa isang libo ang mga pulo ng Kroasya sa baybáyin nito sa Dagat Adriatic. Umaabot sa 4.28 milyon ang populasyon ng bansa, na ang karamihan ay mga Croat, na ang karamihan naman ay mananampalataya ng Simbahang Katolika.

Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.  

Pangunahing artikulo: Politika ng Kroasya

Naging isang demokrasyang parlamentaryo ang Kroasya simula ng pagtibay ng Saligang Batas ng 1990.

Ang Pangulo ng republika (Predsjednik) ang pinuno ng estado at hinahalal sa mandato ng 5 taon. Dagdag pa sa pagiging commander-in-chief ng sandatahang lakas, may tungkuling pamprosedimyento din ang pangulo sa pagtakda ng punong ministro na may pahintulot ng parlamento, at may kaunti ring impluwensiya sa foreign policy.

Ang Hrvatski Sabor (Parlamentong Kroatyano) ay isang unikameral na katawang lehislatibo na may hanggang 160 kinatawan, lahat hinahalal sa pamamagitan ng botong popular upang manungkulan ng 4 taon. Nangyayari ang plenary sessions ng Sabor mula Enero 15 hanggang Hulyo 15, at mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 15.

Ang Hrvatska Vlada (Gobyernong Kroatyano) ay pinamumunuan ng Punong ministro na may 2 diputado at 14 ministrong namamahala sa iba’t ibang sektor ng gawain. Responsable ang sangay ehekutibo sa pagmungkahi ng lehislasyon at ng bajet, sa pagpapatupad ng mga batas, at sa paggabay sa mga patakarang panlabas at panloob ng republika.

May three-tiered na sistemang hudisyal ang Kroasya na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman, mga hukumang pang-županija, at mga hukumang munisipal. Nasusunod ang Hukumang Konstitusyonal sa mga bagay na may kinalaman sa saligang batas.
arlou de los reyes

Pangunahing artikulo: Županije ng Kroasya

Nahahati ang Kroasya sa 20 županija (pammaramihan županije) at ang distritong lungsod ng kapital, Zagreb:




#Article 41: Bože pravde (604 words)


Ang Bože pravde (Siriliko: Боже правде, Dyos makatarungan) ang pambansang awit ng Serbia at ng Republika Srpska (Republikang Serbyo). Isinulat noong 1872 ni Jovan Đorđević ang liriks nito at isinamusika ni Davorin Jenko.

Dahil ito ang pambansang awit ng Kaharian ng Serbia, pinupuri ng orihinal na liriks ang hari ng Serbia. Pinapanatili hanggang ngayon ng Republika Srpska ang lumang liriks, habang gumagamit naman ang Serbia ng liriks na binago ng kaunti sa pagpapahayag na hindi na ito isang monarkiya—apat na berso, tanda ng *, ang magkaiba. Sa tatlo, pinalitan ang “hari ng Serbia” ng “lupaing Serbia”, at sa isa, pinalitan ang O Dyos iligtas mo ang hari ng O Dyos iligtas mo, O Dyos ipagtanggol mo.




#Article 42: Jose P. Laurel (998 words)


Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 – Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
 
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotera Laurel at Jacob Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. 

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang collaborator pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istroke.

Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong Marso 9, 1891 sa bayan ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang kanyang ina ay si  Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala.  Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa  Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas. 

Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.

Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong, palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni Wood.

Si Jose P. Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong Pebrero 29, 1936.

Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Commonwealth ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon, siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas. 

Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. 

Noong Setyembre 21, 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Noong Hulyo 26, 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa Hapon upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw, ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong Laurel kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno Aquino, Sr., Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong Agosto 17,1944 mula sa kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang Ehekutibong Proklamasyong na nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.

Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino  ngunit natalo. 

Si Laurel ay namatay noong Nobyembre 6, 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake sa puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.




#Article 43: Awit ng Pederasyong Ruso (102 words)


Ang Awit ng Pederasyong Ruso (Ruso: Государственный гимн Российской Федерации, Gosudarstvennyj gimn Rossijskoj Federacii) ang pambansang awit ng Rusya. Isinulat ito ni Sergej Mihalkov at isinamusika ni Aleksandr Aleksandrov. Ginawa itong opisyal noong 2001 nang palitan nito ang naunang Makabayang Awit na naging pambansang awit ng Rusya pagkabagsak ng Unyong Sobyet. Ginagamit ng kasalukuyang pambansang awit ang musika ng dating pambansang awit ng Kaisahang Sovyet at ang bagong liriks ni Mihalkov, na siya ring sumulat ng dating liriks noong panahon ni Stalin. Sangguni sa Kabanata 4 ng Batas ng Pambansang Awit ng Rusya, kinakailangang ibrodkast ang pambansang awit dalawang beses bawat araw.




#Article 44: Ussurijsk (112 words)


Nakatayo ang lungsod ng Ussurijsk (Уссурийск sa Siriliko) sa gitna ng isang masaganang lambak sa tagpuan ng tatlong ilog sa Primorskij kraj, Rusya, 43.81° sa hilaga, 131.97° sa silangan (The World Gazetteer). Itinatag ang lungsod noong 1866 bilang Nikoľskoe sa karangalan ni Nikolaj I pero ibinago ito sa Vorošilov noong 1935 bilang karangalan kay Kliment Vorošilov, ang malupit na kakampi ni Stalin sa kanyang Purges at sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkamatay ni Stalin noong 1960, ipinabisa ng bagong Nangungunang si Hruščëv ang pagretiro ni Vorošilov at ibinago ang pangalan ng lungsod sa Ussurijsk, kapangalan ng ilog na malapit nito.

Populasyon: 155 800 (2003)
Layo mula sa Vladivostok gamit ang highway: 111 km




#Article 45: Muntinlupa (624 words)


Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila, Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga lungsod ng Taguig, Parañaque at Las Piñas sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng Bacoor, Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang Lawa ng Bay sa silangan. Hinahati ng South Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan. 

Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.

Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng Datu Tunasan 1601. nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng talaan o kasulatan tungkol dito.  May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa manipis na luwad na matatagpuan sa pook. Mayroon namang iba na nanatiling may kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang Hunasan, bundok sa wikang Kastila, ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din nagsasabing nagsimula ang pangalan Tunasan  dahil sa mga  Lupang nasasakupan neto. at malakas na empluwensya sa mga taga roon, ang  mga sagot ng mga naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.

Naitala ni Datu tunasan, isang dating namamahala, ang pangalan ng pook bilang La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na dantaon. Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna ngunit upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila rito ang mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.

Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang naging bahagi ng bayan ng Biñan, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Taguig noong 1905.  Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.  

Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila.  Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng Marso, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7926. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang ika-1 ng Marso Muntinlupa City Charter Day.

Bureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo noong 1941 at nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa 'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang  pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga brigada.

Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.

Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung saan matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Dito rin sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan noong 1937 hanggang 1949 na si Eriberto Misa.

Director's Quarters (Tahanan ng Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong 1941.  Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura' ng panahong bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking gusaling ito.

Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa halamanan na ito nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging tanyag noong pananakop ng mga Hapon sa bansa.




#Article 46: Zoran Ðinđić (730 words)


Si Zoran Ðinđić (Зоран Ђинђић sa Siriliko; 1 Agosto 1952–12 Marso 2003) ay isang pilosopo at politiko na nanungkulan bilang Punong Ministro ng Serbiya.

Ipinanganak si Ðinđić sa Bosanski Šamac, isang bayan sa Ilog Sava sa hilagang bahagi ng ngayong Bosnia at Herzegovina.  Nagkainteres siya sa politika habang siya ay nag-aaral sa Pamantasan ng Belgrade.

Bilang isang sosyalistang repormista, nakulong si Ðinđić ng mga ilang buwan dahil sa kaniyang intensiyon, kasama ng mga ilan pang estudyante mula sa Croatia at Eslobenya, na magtatag ng isang 'di-komunistang organisasyon ng mga mag-aaral. Nang ipinalaya siya mula sa bilangguan, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Frankfurt, Alemanya, sa ilalim ng pilosopong si Jürgen Habermas. Taong 1979 nang matanggap niya ang kaniyang doktorado ng pilosopiya (Ph.D.) sa pilosopiya mula sa Pamantasan ng Constanza. Nakakapagsalita siya ng Aleman at Inggles.

Bumalik si Ðinđić sa Yugoslabya noong 1989 para kunin ang isang pwesto ng propesor sa Pamantasan ng Novi Sad at, kasama ng iba pang disidenteng Serbiyo, itinatag niya ang Partido Demokratiko. Naging pinuno si Ðinđić ng lupong tagapagpaganap ng partido noong 1990 at nahalal din siya sa Parlamento ng Serbia noong taong iyon. Nang bumigay ang koalisyong Zajedno (Sama-Sama), kung saan nakasama niya sina Vuk Drašković at Vesna Pešić, nagparehistro si Ðinđić bilang isang malayang politiko. Pagkaraan ng mga sunod-sunod na protesta nang dahil sa dinayang eleksiyon, naging alkalde ng Belgrade naman si Ðinđić, ang unang di-komunistang nahalal sa posisyong iyon mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa taong 1996.

Nang bombahin ng NATO ang Serbiya, nag-eksilyo si Ðinđić patungong Montenegro para sa kaniyang kaligtasan dahil sa impormasyong ipinagkaloob sa kaniya na una siya sa tala ng mga ipinapapatay ni Pangulong Slobodan Milošević. Hindi rin nagtagal at nagtungo na rin siya sa mga bansang Kanluranin, kung saan niya dinalaw sina Gerhard Schröder at Bill Clinton. Sa Yugoslabya, ginamit ni Milošević ang mga retrato ng pagkakamay ni Ðinđić kay Clinton bilang propaganda na isang traydor si Ðinđić. Pagkabalik niya sa bansa ay lihim siyang nilitis. Binansagan siya ng magasing TIME sa pan-Septyembre 1999 na isyu nito bilang isa sa mga pinakamakabuluhang politiko ng ika-21 dantaon.

Malaki ang papel na ginampanan ni Ðinđić sa eleksiyong pampangulo ng Republikang Pederal ng Yugoslabya noong Setyembre 2000 at sa himagsikan noong 5 Oktubre na nagpabagsak sa rehimen ni Milošević. Isinulong niya rin ang malawakang koalisyon ng 18 na partido na Oposisyong Demokratiko ng Serbia sa malaking pagkapanalo nito sa eleksiyon sa Serbia noong Disyembre 2000. Naging punong ministro siya ng Serbia noong 25 Enero 2001. Susi ang kaniyang papel sa pagpapadala sa diktador na si Milošević sa Pandaigdigang Pang-krimeng Tribunal para sa Dating Yugoslabya (International Criminal Tribunal for the Former Yugoslavia) sa Gravenhage. Nadesilusyon gayunman si Ðinđić sa kabagalan ng paglilitis na kinondena niya rin bilang isang kamahal-mahal na “sirko”. Sinabi ni Ðinđić na pinapayagan ng Tribunal sa Gravenhage si Milošević na “kumilos bilang isang demagogo at kontrolin ang proseso.”

Malugod ang pagtanggap ng Kanluran kay Ðinđić. Ipinakita ng kaniyang mitings kina George W. Bush, Jacques Chirac, Tony Blair, at sa iba pa ang pagsoporta ng Kanluran sa kaniyang politiko ng integrasyon. Mayroon siyang mga di-pagkaunawang pagdating sa ideolohiya sa Pangulo ng Federasyon na si Vojislav Kostunica. Subalit, malapit siya sa Pangulo ng Montenegrong si Milo Đukanović.

Napaslang si Ðinđić noong 12 Marso 2003, 12:23 n.t., habang pababa sa pangunahing hagdan ng gusali ng pamahalaan ng Serbia. Kaagad siyang namatay nang matamaan ang kaniyang puso ng isang high-powered na bala. Labis din ang pagkasugat na natamo ng kaniyang tagapagbantay na si Milan Veruović dulot ng isa pang putok. Iniwan niya ang kaniyang asawa, si Ružica, at ang kanilang dalawang anak, sina Jovana at Luka.

Dinalaw ng daanlibong ordinaryong mamamayan at gayundin ng mga delegasyon ng mga dayuhan ang kayang solemneng prosesyon at funeral ng estado noong 15 Marso 2003. Nagrepresenta ang pagkamatay ni Ðinđić ng isang trahedyang politiko at moral sa milyon-milyong Serbo na nakakita sa kaniya ng isang estadistang makakaseguro ng mapayapang pakikipanirahan kasama ng kanilang mga karatig-bansa, kasaganaan at integrasyon sa Europa at sa buong mundo, pagbawi ng ekonomiya, at isang mas makinang na kinabukasan.

Kung inaakala ng isa sa Serbia na sa pag-aalis sa akin ay na maaaring mapigil ang batas at mga reporma, pwes, labis niyang niloloko ang kaniyang sarili. Tuloy lang ang pagkabuhay ng Serbia at tuloy lang din nitong susundan ang nakatakda nitong landas, kasama man ako o hindi, sapagkat hindi ako mismo ang Pamunuan.




#Article 47: Wikang Serbiyo (308 words)


Ang Serbiyo ang isa sa mga pamantayang bersyon ng diyasistemang Gitnang-Timog Eslabo, na dating (at malimit pa ring) tinatawag na Serbo-Kroato (Serbo-Croatian). Pangunahing ginagamit ang Serbiyo sa Serbiya, Montenegro, ang Republika Srpska sa Bosnia at Herzegovina, at ng mga Serbiyo sa ibayong dagat.

Base sa dyalektong Štokavski ang Serbyo, may anyo itong Kanluran at Silangan, at pareho itong nasusulat sa Alpabetong Latin at Alpabetong Siriliko. Naiiba rin ang bersyong Serbyo sa ponetikong pagtranskribi nito ng mga pangalang banyaga.

Nagsimulang lumitaw ang literaturang Serbyo noong Gitnang Panahon, kung kailan nalikha ang ilang mga akda tulad ng Miroslavljevo jevandjelje (Ang Ebanghelyo ni Miroslav) na isinulat noong 1192 at ang Dušanov zakonik (Ang Kodigo ni Dušan). Habang kaunti lang ang napreserbang sekular na akda, akma naman sa panahon ang mga yon na napreserba. Halimbawa ang Serbian Alexandride, isang akda tungkol kay Dakilang Alejandro, at isang salin sa Serbiyo ng Tristán at Isolda.

Sa kahulihang dulo ng ika-14 dantaon, nalupig ng Imperyong Otomano ang Serbya at nawalan ng oportunidad ang paglikha ng sekular na literatura. Gayunman likha ng panahong ito ang ilan sa mga pinakadakilang akdang panliteratura sa Serbyo at ito ay nasa anyo ng literaturang oral, kung saan ang pinakatanyag ay ang mga epikong Serbiyo. Isang katotohanan na inaral ni Goethe ang wikang Serbiyo upang makapagbasa ng poesiyang epikong Serbyo sa orihinal. Nalikha lamang ang literatura sa anyong nakasulat sa mga monasteryo at simbahan para sa gamit pangrelihyon, at nasa Sinaunang Eslabong Pansimbahan (Old Church Slavonic) ang mga ito. Pagkarating ng kahulihang dulo ng ika-18 dantaon alyenado na ang literaturang nakasulat mula sa wikang sinasalita. Noong simula ng ika-19 dantaon sinundan ni Vuk Karadžić ang mga naunang gawa ni Sava Mrkalj ukol sa pagrereporma ng alpabetong Siriliko gamit ang prinsipyong ponetiko, at ginawa niya ring isulong ang paggamit ng wikang sinasalita bilang pamantayang pangliteratura.

Estadistika ng mga tagapagsalita alinsunod sa bansa:




#Article 48: Wika (325 words)


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa wika, o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.  Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.  Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.  Tinatawag ding salita ang wika.  Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang dila, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika).  Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika.  Wika ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

Ito ang pitong kagamitan ng wika:

Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.

Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika.  Ginagamit ito sa mga usapang pormal.  Narito ang mga uri nito:

Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap.  Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan.  Narito ang mga uri nito:

Halimbawa: 




#Article 49: Elpidio Quirino (1018 words)


Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953).

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng Constitutional Convention. Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948.
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 65.

Si Elpidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos Sur at Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa Bureau of Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar exams.

Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925. 

Siya ay nahalal na Senador mula 1925 hanggang 1931 bilang kinatawan ng Unang Distritong Senatoryal. Siya ay naglingkod bilang kalihim ng pananalapi at ng Interyor ng Komonwelt ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Quirino ay muling nahalal sa Senado ngunit hindi nakapaglingkod hanggang 1945. Pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig, si Quirino ay inilagay na Senate President pro tempore.

Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington, D.C., na pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie. 

Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik laban sa mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay nahirang na Secretary of Foreign Affairs.

Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17, 1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.

Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng  Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.

Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.

Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. 
Sa ilalim ni Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.

Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.

Pagkaraang matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa puso. Siya ay inilibing sa  Manila South Cemetery sa Makati.




#Article 50: Ramon Magsaysay (1223 words)


Si Ramón Monching del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.

Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan.  Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945.  Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na Tagapagligtas ng Demokrasya.

Siya ay tinawag na Kampeon ng mga Masa at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.

Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel Magsaysay at gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jose Rizal College (1928–1932) at nakapagtapos ng kursong Komersiyo.  Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31 Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.

Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman of the Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense Committee.

Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas, ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.

Noong mga 1953, naniwala si Quirino na ang banta ng Hukbalahap ay nakontrol na at si Magsaysay ay nagiging labis na makapangyarihan sa politika. Nakatagpo si Magsaysay ng panghihimasok at panghaharang ng Pangulong Quirino at mga tagapayo nito sa takot na baka matalo sila sa susunod na halalan ng pagkapangulo. Sa panahong ito ay wala pang intensiyon si Magsaysay na tumakbo bilang pangulo ngunit hinikayat mula sa ibat ibang panig ng lipunan. Kalaunan siyang nahikayat na ang pagtakbo sa pagkapangulo ang paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa komunismo. Naniwala si Magsaysay  na ang tiwaling administrasyon ni Quirino ang nagsasanhi ng pagsiklab ng mga gerilyang komunista. Nagbitiw si Magsaysay bilang kalihim ng pagtatanggol ni Quirino noong Pebrero 28, 1953 at naging kandidato para sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.

Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.

Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.

Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.

Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.

Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.

Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na Mt. Pinatubo na isang  C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.

Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso 22, 1957.

Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.




#Article 51: Quirino (119 words)


Ang Quirino ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan sa Luzon. Cabarroguis ang kabisera nito at ipinangalan kay Elpidio Quirino, ang ika-anim na Pangulo ng Pilipinas. Napapalibutan ang lalawigan ng Aurora sa timog-kanluran, Nueva Vizcaya sa kanluran, at Isabela sa hilaga. Dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang Quirino, hanggang hiniwalay ito noong 1966.

Pangunahing industriya ang pagsasaka at ang bigas at mais bilang mga pangunahing mga ani nito. Ito ang bumubuo sa pangangailangan ng mga kalapit na lalawigan at sa kalungsuran. Ang mga saging at mga banana chips ay mga pangunahing mga produkto na ipinagbibili sa Kalakhang Maynila at sa Pampanga.

Ang lalawigan ng Quirino ay nahahati sa 6 na bayan.




#Article 52: Carlos P. Garcia (770 words)


Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 – 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (18 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang Pilipino Muna (Filipino First).

Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico.  Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.

Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.

Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932.

Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia sa Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.

Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang Amerikano sa buong Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) Conference noong 1954 na nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang paglawak ng komunismo.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano. 

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo. 

Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang Pilipino Muna upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.

Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 74.




#Article 53: Diosdado Macapagal (601 words)


Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 – 21 Abril 1997) ay ang ika-9 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965) na makikita sa dalawandaang piso na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong Agosto 8, 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4, 1946.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang Batang Mahirap mula sa Lubao dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga.  Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas.  Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya.  Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano.  Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953.  Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law).  Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty).  Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961.  Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa.  Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa.  Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong 22 Hunyo 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal.  Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal.  Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965.  Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.

Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86.  Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.




#Article 54: Ferdinand Marcos (8706 words)


Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas  mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan. Kanyang hinirang ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.

Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya. Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%. Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa.

Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan ni Marcos.

Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.

Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditong si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema at napawalang sala.  
 

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marcos na sumapi siya sa United States Army Forces in the Far East bilang Intelligence Adviser Officer o Meydor ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. ni Marcos na siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa biktima ngHapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan sa Bataan.  niyang siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Kanyang siya ay nakatakas at  nagtatag ng kilusang gerilya sa Hilagang Luzon na tinatawag na Maharlika.  Kanya ring na siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban sa Hapon. Gayunpaman, sa paulit-ulit na imbestigasyon ng United States Army, walang natagpuang basehan ang mga imbestigador sa pag-aangkin ni Marcos ng kanyang inaangking kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga pwersang Hapones mula 1942 hanggang 1944. Ang mahusay na nadokumentong paglalantad ni Col. Bonifacio Gillego ng mga pekeng medalya ni Marcos ay nagresulta sa pagpapasara ni Marcos ng pahayagang naglimbag nito at pagkakabilango ng tagapaglimbag nito.
 Kanyang pinaikli ang kasunduan ng mga baseng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas mula 99 taon hanggang 25 taon. Noong Oktubre 1966, sa Pilipinas idinaos ang isang summit ng mga pitong bansa upang talakayin ang papalalang problema sa Vietnam. Hiniling ni Marcos sa Kongreso na magpadala ng mga sundalo sa Timog Vietnam. Nang imungkahi ng pangulong Diosdado Macapagal noong 1964–1965 na magpadala ng mga sundalo sa Vietnam, si Marcos ang nanguna sa pagsalungat sa planong pagpapadala ng mga sundalo sa Vietnam sa parehong mga kadahilanang legal at moral. Sa kabila ng mga pagsalungat laban sa plano ni Marcos, nagawa niyang makamit ang pagpayag ng Kongreso at ang pamahalaan ay nagpadala ng higit sa 10,000 mga sundalong Pilipino sa Vietnam sa ilalim ng PHILCAG (Philippine Civic Action Group). Kanyang nilagdaan ang  Investment Incentives Act of 1967 at responsable sa pagsasabatas ng  Decentralization Act na nagbibigay kapangyarihan sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na humirang ng mga pinuno ng opisyal na binayaran ng mga pondong lokal. Sa panahong ito na nabuo ang organisasyong pangrehiyon na ASEAN na lalaban sa bantang komunista sa rehiyon.

Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng malaking karahasan, pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos at ginamit ni Marcos ang 50 milyong dolyar ng kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang kanyang kampanya. Ang ikalawang termino ni Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya na dulot ng mga parehong panloob at panlabas na mga paktor. Noong 1969, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang mas mataas na rate ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa karagdagan, ang pagbabawas ng mga bansang Arabo ng produksiyon ng langis bilang tugon sa tulong sa Israel ng mga hukbong Kanluranin sa alitang Arabo-Israel ay nagresulta sa mataas na mga presyo ng langis sa buong mundo. Sa panahong ito nang ang mga imprastruktura ng Pilipinas gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay nasalanta ng mga kadalasang natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na pwersang ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga pangunahing komoditad.

Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa mga pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa 404 katao. Ang karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng mga bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao. Ang karahasan ay nakapagbigay pansin sa atensiyong internasyonal at simpatiya mula sa Organization of Islamic Conference (OIC) gayundin ang ibang mga bansang Mulsim tulad ng Libya na nagbigay ng pagsasanay militar at lohistika sa mga rebeldeng Moro. Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa mga dahilan sa pagdedeklara ni Marcos ng martial law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang pangingikil ng mga pulis at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep.  Noong Marso 23–24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus.

Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi naglaon ay humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw ng pagbubukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensiyong Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa mga kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa tinaguriang Labanan sa Mendiola o First Quarter Storm o Sigaw ng Unang Sikapat ay nagdaos ng panibagong demonstrasyon ang mga aktibistang estudyante kung saan nasawi ang apat na demonstrador at maraming nasugatan. Ang mga estudyante ay nagtungo sa Malacanang pagkatapos magtungo sa Kongreso at pinagpilitang makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila ng mga pillbox at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga aktibistang estudyante at bantay ng seguridad ng Malacanag na tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi. Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.

Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng 4,000 katao upang ipakilala ang mga kandidato ng Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi, ang dalawang granada ay inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog. Malubhang nasugatan sina Jovito Salonga, Sergio Osmeña, Jr., John Henry Osmeña, Senador Gerardo Roxas, Kinatawan Ramon Mitra, Ramon Bagatsing, Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde, Martin Isidro at iba pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na katao ang nasugatan. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilang taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang may utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni Sison. Sinisi rin ni Marcos ang mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang pamahalaan at ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng Pangulong Marcos ang  Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus. Noong 7 Enero 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus. Inamin rin ng isang kasapi ng Klaseng '40 ng PMA na ang kanyang malapit na kamag-anak na isa sa mga diputado ni Heneral Fabian Ver sa Presidential Security Unit ay nag-organisa sa ilang mga pambobomba sa bansa upang hikayatin ang mga tao na may krisis ng kaguluhan at ang demokrasya ay hindi gumagana. Ang opiser na ito ay itinaas ni Marcos bilang Heneral mga ilang araw bago ang pagdedeklara ng Batas Militar.

Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Marcos ang pagdakip at pagpapabilanggo sa mga sumusunod na politiko at mamamahayag na bumabatikos kay Marcos: ito ay kinabibilangan nina kinatawan  Roque Ablan, Jr. at Rafael Aquino, mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra, Jr., mga Gobernador na sina Rolando Puzon at Lino Bocalan, dating Senador Francisco Rodrigo, mga delagado sa Kumbensiyon Konstitusyonal na sina  Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez, mga mamamahayag na sina Joaquin Chino Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Pinatalsik rin ni Marcos ang ilang mga kawani ng tanggapan ng pamahalaan sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang Integrated Reorganization Plan. Tanging ang pahayagang Daily Express at mga estasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyong pamamahayag. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahayagang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng Hans Menzi na malapit kay Marcos), mga estasyon ng Radio Philippine Network at Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng crony ni Marcos na si Roberto Benedicto, at ang estasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos. Binuwag rin ni Marcos ang Kongreso ng Pilipinas at naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon si Marcos bilang Pangulo ng bansa ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin.

Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong 19 Mayo 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat upang impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa muling pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo bilang pangulo. Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12 delegado mula sa Samar-Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep. Artemio Mate ng Leyte.

Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre 1972. Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa pampanguluhan  (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang Punong Ministro ng Pilipinas na inihalal ng Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang may kapangyarihan sa paggawa ng batas.

Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15, 1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang Batas noong 17 Enero 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may botong pabor na 14,976,561 at botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang mga komisyoner ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at walang malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-4.

Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang Interim Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang ito ay dapat namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1973 Saligang Batas sa kadahilanang may panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang ipagpatuloy ang Batas Militar. Sa halip, si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay noong 1976 na kinabibilangan ng mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa Interim Pambansang Asemblea, na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar.

Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa kung saan nakuha ng partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na gumawa kay Ferdinand Marcos na Punong Ministro ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si Marcos ng pandaraya sa pagbilang ng mga balota. Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng mga pamilyang Marcos at Romualdez. Sinasabing ang PAL o Philippine Airlines ay ginawang pribadong sasakyan para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa kanilang mga pagshoshopping sa New York at Europa. Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang PLEDGES na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan). Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree No. 27) si Marcos kung saan ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines na magbabayad ng kaukulang halaga sa may-ari ng lupa at sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka. Ang isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupain ang pagpapadala sa kanila sa mga pook gaya ng  Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat na kanilang sasakahin at ang bawat magsasaka ay bibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pahihiramin sila ng salapi para sa kanilang sinasakang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya lamang ng lupain ang naipamahagi sa mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng pribadong lupain at mula sa 17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.

Si Ferdinand Marcos at ang kanyang asawang si Imelda Marcos at mga crony ay inakusahan ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng Pilipinas. Kanilang binanggit ang paglalantad noong Hulyo 1985 ng San Jose Mercury News ng multimilyong dolyar na mga pamumuhunan at pag-aari ng pamilya Marcos sa Estados Unidos. Kabilang sa mga ari-ariang sinasabing nalikom ng pamilyang Marcos ang Crown Building, Lindenmere Estate, at isang bilang mga matitirhang mga aparment sa New Jersey at New York, isang shopping center sa New York, mga mansion sa London, Rome at Honolulu, ang   Helen Knudsen Estate sa Hawaii at tatlong mga condominium sa  San Francisco, California. pagkomberte ng 27 milyong dolyar mula sa PNB para sa sariling paggamit, at pagbili ng higit sa 52 milyong pisong halaga ng mga bagay sa mga Duty Free Shop sa Pilipinas upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis. Ninakawan rin ni Marcos ang mga pondong tulong pananalapi ng Estados Unidos at mga kabayarang reparasyon para sa digmaan ng mga Hapones.

Si Marcos ay inakusahan ng pagtanggap ng mga kickback mula sa kontrata ng Bataan nuclear power plant. Ang crony ni Marcos na si Herminio Disini ay kinasuhan ng Sandiganbayan noong 2004 dahil sa umano'y pagkuha ng mga suhol na 18 milyong dolyar kapalit ng paggamit ng kanyang impluwensiya upang ibigay ang kontrata ng pagtatayo ng Bataan nuclear power plant para sa mga kompanyang Amerikano na Burns and Roe at Westinghouse Electrical 
Corp. Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod. Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. 

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si Galman.

Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa. Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang balo ni Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos. Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang  National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser  na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.

Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na nakakabagabag. Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.

Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong mga nanalo sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.

Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.

Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang itigil ang kaestupiduhang ito. Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.

Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.

Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid. Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.

Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.  Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN na may nabuong L sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao. Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao. Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.  Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na nangyari. Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo. Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame. Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan. Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga tao ay naghihintay.

Samantala, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay nabahala na baka atakihin at patayin ni Marcos ang mga nagpoprotesta na masasaksihan sa telebisyon ng buong mundo. Naglabas ng pahayag ang administrasyon ni Reagan na kung gagamit si Marcos ng dahas ay magsasanhi ito ng hindi masabing pinsala sa ugnayan sa pagitan ng ating dalawang pamahalaan.

Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4, na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon. Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao. Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon. Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.

Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.

Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng Marcos! Marcos! Marcos pa rin! Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7. Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na Dakpin ang mga Ahas!. Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.

Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.

Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay Marcos na magbitiw na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng dahas ay walang kabuluhan. Ang lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan.. Binasa ni Marcos ang mensahe ni Reagan noong alas 3 ng madaling araw (oras ng Maynila) at agad na tinawagan ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula kay Reagan. Iminungkahi ni Marcos kay Laxalt ang pagsasalo ng kapangyarihan kay Aquino o manunungkulan bilang nakakatandang tagapayo ni Aquino. Tumawag si Laxalt kay Marcos ng alas singko. Tinanong ni Marcos kay Laxalt na Senador, ano sa tingin mo? Dapat na ba akong magbitiw?. Sumagot si Laxalt na I think you should cut and cut cleanly. I think the time has come. (Sa tingin ko dapat mo nang putulin at putulin ng malinis. Sa tingin ko dumating na ang panahon) na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong  US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.

Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world. (Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.)

Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang Marcos sa Malacanang Palace nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol, 508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos. Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.

Ang isang ulat noong 2007 ng United Nations Office on Drugs and Crime at World Bank ay nagtantiya na may halagang $US 5 bilyon hanggang $US 10 bilyon ang mga aria-ariang kinuha ni Ferdinand Marcos mula sa bansang Pilipinas.

Ang mga kinatawan ng Akbayan ay naghain ng resolusyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na mandatoryong ituro sa mga estudyante ang mga atrosidad ng Batas Militar ni Marcos sa lahat ng mga antas ng edukasyon upang bigyan ang mga tao ng lahat ng mga kasangkapan upang matukoy ang katotohanan mula sa mga kasinungalingan. Hiniling ng Akbayan sa Pangulong Noynoy Aquino na suportahan ang kanilang resolusyon upang salungatin ang agresibong kampanya [ng mga loyalista ni Marcos] na baguhin ang kasaysayan at itransporma ang brutal na diktador sa isang mabuting pinuno. Ang resolusyon ng Akbayan ay sinusuportahan ng Commission on Human Rights (CHR), National Youth Commission (NYC), mga iba't ibang pangkat ng kabataan at mga propesor ng kasaysayan.

Isa sa pag-aangkin ng mga loyalista ni Marcos ay ang Pilipinas ay isang mayaman o napakaunlad na bansa noong panahon ni Marcos. Gayunpaman, ito ay sinasalungat ng mga ebidensiya. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang halaga ng piso ay bumagsak ng higit sa 400 porsiyento, ang Pilipinas ay nabaon sa 28 bilyong dolyar na utang sa dayuhan, may tumaas na implasyon at ang kahirapan at korupsiyon ay laganap.

Ayon kay Lee Kuan Yew, dahil walang nang nagpapautang na dayuhan kay Marcos pagkatapos ng pagpatay kay Ninoy at dahil sa hindi magawang mabayaran ni Marcos ang mga interest sa $25 bilyon dolyar utang sa dayuhan ng Pilipinas, ipinadala ni Marcos ang kanyang kalihim na si Bobby Ongpin kay Lee upang umutang ng $300-500 milyong upang mabayaran ang mga interes ng utang ng Pilipinas. Ayon kay Lee, tumingin siya ng diretso sa mata ni Marcos at sinabing Hindi namin kailanman makikitang maibabalik ang salapi...Ang kailangan ay isang matatag at malusog na pinuno at hindi mas maraming mga utang. Ayon din kay Lee, sa $25 bilyong dolyar na utang ni Marcos sa dayuhan, ang 8 bilyong dolyar ay ipinautang ng mga bangko ng Singapore.

Bago maluklok si Marcos bilang Pangulo noong mga 1965–1986,  ang Penn World Tables ay nag-ulat ng real na paglago sa GDP kada kapita na may aberaheng 3.5%. Sa ilalim ng rehimeng Marcos (1965–1986), ang taunang aberaheng paglago sa GDP ay 1.4% lamang. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 ay 1.8% lamang. Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 bago ang pagluklok ni Marcos bilang Pangulo, na ikalawa sa Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon. Sa ilalim ni Ferdinand Marcos nang ang ekonomiya ng Pilipinas ay kauna-unahang nakaranas ng negatibong pag-unlad mula 1984. Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar ngunit bumagsak sa 19.030 piso kada dolyar noong 1985.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasadlak sa krisis pang-ekonomiya noong mga 1970 dahil sa sinasabing paggastos ni Marcos ng mga pondong pampamahalaan sa kanyang muling pagtakbo bilang Pangulo.

Noong mga 1970, ang pangkalahatang pagtaas sa mundo ng mga presyo ng hilaw na materyal ay nakatulong sa ekonomiya. Napanatili ng pagmamanupaktura ang 6 porsiyentong rate ng paglago noong mga huling 1960 ngunit mababa sa ekonomiya sa kabuuan. Ang pagluluwas ng mga produkto ay lumago rin.  Sa ilalim ni Marcos ang mga pagluluwas ng produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa. Ang kaunting pansin ay binigay sa mga epektong pangkapaligiran ng pagkakalbo ng mga kagubatan. Noong mga maagang 1980, ang industriya ay gumuho dahil ang karamihan sa mga kagubatan ay naubos na. 
Sa tulong ng mga Pundasyogn Rockefeller at Ford ay dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas. Itinatag ng mga pundasyong Rockeller at Ford ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna kung saan direktor ang Amerikanong si Dr. Robert Chandler at pangunahing rice breeder ang Amerikanong si Dr. Henry Beachell. Ang isang nalikhang uri ng bigas o kanin ni Dr. Beachell ang IR8 na gumawa sa Pilipinas at ibang bansa sa Asya na sapat sa kanin sa mga panahong ito. Gayunpaman, upang mapataas ang produksiyon ng kaning ito, kailangang lapatan ng mga input na pataba at pesticide na sobrang mahal para sa mga mahihirap na magsasaka. Ang Rebolusyong Berde ay binatikos ng ilan dahil sa nakikitang matataas na mga tubo para sa mga transnasyonal korporasyon na nagbebenta ng mga input ngunit pangkalahatang mapanganib sa mga maliit na magsasaka na kadalasang natutulak sa mga pagkakautang at kahirapan. Dahil dito, iniulat na ang bilang ng mga magsasakang-nangungutang na may mabuting katayuan sa ilalim ng Masagana 99 ay bumagsak sa 80,000 noong mga 1977–1978 mula 800,000 noong 1973.

Ang mga kapital na dayuhan ay inanyayahan ni Marcos na mamuhunan sa ilang mga proyektong industriyal. Ang mga dayuhan ay inalukhan ng mga pabuyang eksempsiyon sa buwis at pribilehiyo ng paglalabas ng kanilang mga kinita sa kanilang salaping dayuhan. Ang isa sa mga pinakamahalagang programa pang ekonomiya ni Marcos ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran na naglalayong itaguyod ang pag-unlad sa ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na magsagawa ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan.

Ang pampublikong sektor ay gumampan ng mas malaking papel sa ekonomiya noong mga 1970 dahil sa paggastos ng pamahalaan sa GNP ng mga 40 porsiyento. Upang suportahan ang ekonomiya, si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan. Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025. Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.

Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng pamahalaan ni Marcos, ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa rate ng paglago ng GDP kada capita. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol ni Marcos sa pagtatayo at pagpapabuti ng imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang turismo ay tumaas na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang Pilipino na bumalik sa ilalim ng Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang pangunahing pinagkunan ng paglago ng ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa (OFW) na naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang Silangan, Singapore at Hong Kong dahil hindi makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay. 

Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng oligarkiyang Tsino at Espanyol ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan na gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa korupsiyon. Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony kung saan malaking nakinabang ang kanyang mga crony ni Marcos na naging bagong oligarkiya. 
Ang mga monopolyo sa ilang mga mahahalagang industriya ay nilikha ni Marcos at inilagay sa kontrol ng kanyang mga crony gaya ng industriyang buko sa ilalim nina Eduardo Cojuangco, Jr. at Juan Ponce Enrile, industriya ng tobacco sa ilalim ni Lucio Tan, Ang pagtatag ni Marcos ng mga monopolyo ang malalang nagpalumpo sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong pandaigdigan. Ang mga opiser ng militar ay inilagay ni Marcos sa lupon ng mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.

Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972, siya ay nangakong magpapatupad mga repormang agrarian. Gayunpaman, ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking nagsilbi upang pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa mga lugar rural. 

Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30% noong 1972 hanggang 12.55% noong 1985. Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago dahil ang pinakamahirap na 60 porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.5 porsiyento ng sahod ng bansa noong 1980 na mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41.7 porsiyento noong 1980 na tumaas mula 37.1 porsiyento noong 1970. Ang mga trend na ito ay kasabay ng mga akusasyon ng cronyismo sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap sa mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos. Kabilang sa mga nanalo ang mga pamilya ng mga biktimang sina Liliosa Hilao na ginahasa at pinahirapan at pinatay ng militar dahil sa pagbatikos sa administrasyong Marcos at ng estudyanteng si Archimedes Trajano na pinahirapan at pinatay ng militar sa ilalim ni Fabian Ver dahil lang sa pagtatanong kay Imee Marcos sa isang bukas na forum noong 1977. Kalaunang pumasok ang mga biktima ni Marcos sa isang kasunduang kompromiso sa pamilya Marcos para sa 150 milyong dolyar na settlement. Noong 1995, sina PCGG chairman Gunigundo at abogado ng SELDA (Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensiyon at Aresto) na si Robert Swift ay lumagda sa isang memorandum of agreement para sa isang kompromiso sa administrasyong Fidel Ramos na tatanggap ng 100 milyong dolyar kapalit ng pagbawi ng class action na posibleng nagkakaloob sa pamilya Marcos ng imunidad mula sa mga hinaharap na demanda laban sa kanila. Ang kasunduang ito ay kinundena ng SELDA bilang ilegal at imoral na nagtulak kay Ramos na huwag nang lagdaan ang kasunduan. Noong Marso 1997, pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ang desisyon ng Court of Appeals laban kay Marcos at pabor sa mga biktima ni Marcos.

Inilalagay ng mga grupong Human rights ang bilang ng mga biktima ng ekstrahudisyal na pagpatay sa ilalim ng martial law ni Marcos sa 1500 katao. Ayon as Karapatan, ang mga rekord ay nagpapakitang ang 759 katao ay hindi boluntaryong naglaho (ang kanilang mga katawan ay hindi kailanman natagpuan). Ayon sa historyan ng militar na si Alfred McCoy may 3,257 ekstrahudisyal na pagpatay, 35,000 biktima ng mga pagpapahirap at 70,000 mga nabilanggo noong mga panahon ng pamumuno ni Marcos.

Noong 2003, idineklara ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang anumang kayamanan ni Ferdinand Marcos na labis sa kanyang kabuuang legal na kinita na $304,000 bilang Pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986 ay ipagpapalagay na kayamanang nakuha mula sa masama.

Nagawang mabawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na itinatag noong 1986 ang 164 bilyong piso ($US 4 bilyong dolyar) na kinuha ni Marcos kabilang ang mga alahas gaya ng isang  150-carat ruby at isang diamanteng tiara, mga daang milyong mga dolyar na itinago sa mga Swiss bank account at mga prime real estate.

Noong 2003, ibinalik ng pamahalaan ng Switzerland sa pamahalaan ng Pilipinas ang US$684 milyon (o 8 bilyong piso) ng kayamanan ni Marcos na nakatago sa mga Swiss account. Pinaniniwalaan ng ilan na inimbento lang ni Marcos ang kuwento na nakamit nito ang ginto ni Yamashita upang itago ang  pagnanakaw nito sa mga reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa pamahalaan ng Pilipinas, ang 800,000 troy ounce ng reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ninakaw o nilihis ni Marcos para sa pansariling paggamit. Noong 2006, inangkin naman ni Imelda na ang kayamanan ng kanyang asawa ay mula sa pagiging gold trader nito at inangking nagkamit ito ng 7,500 tonelada ng ginto noong mga 1950.




#Article 55: Corazon Aquino (3976 words)


Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Ninoy Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Si María Corazón Cory Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr.. Sila ay nagkaroon ng limang anak: María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong 27 Disyembre 1957), Benigno Simeon III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).

Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy. Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod. Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. 

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa. Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong Estados Unidos, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang biyuda ni Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos. Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang  National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser  na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.
Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na nakakabagabag. Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.

Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong mga nanalo sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.

Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.

Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang itigil ang kaestupiduhang ito. Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.

Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.

Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid. Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.

Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.  Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN na may nabuong L sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao. Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao. Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.  Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na nangyari. Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo. Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame. Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan. Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga tao ay naghihintay.

Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4, na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon. Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao. Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon. Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.

Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.

Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng Marcos! Marcos! Marcos pa rin! Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7. Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na Dakpin ang mga Ahas!. Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.

Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.

Noong alas-tres ng hapon ng Lunes (EST), kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula sa White House.  Pinayuhan siya ni Laxalt ng cut and cut cleanly, na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong  US Air Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.

Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world. (Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.)

Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento. Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain. Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain. Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang 4,435-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1988 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya. Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan. Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.

Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit sa bituka, ang dating pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76.




#Article 56: Fidel V. Ramos (854 words)


Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.

Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.

Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga  Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos. Si Ramos ang namuno sa Philippine Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang ipataw ni Marcos  ang Martial Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa. Sinasabing si Ramos bilang chief ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay responsable sa pagdakip ng mga kalabang pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga nagpoprotesta, mga komunista at mediang bumabatikos kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga nabilanggo sa ilalim ng Martial Law.

Si Ramos ay naging kandidato bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si Ramos ay hinirang na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982.  Si Ramos ay naging acting chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit si Ver ay muling ibinalik bilang chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng pagpatay kay Ninoy Aquino.

Noong Pebrero 22 1986, si Ramos ay kasama ni Enrile na nagprotesta laban sa sinasabing pandaraya ni Ferdinand Marcos sa snap election laban kay Corazon Aquino. Inurong nila ang kanilang pagsuporta kay Marcos at sumuporta kay Corazon Aquino. Ang pamilya Marcos ay napilitang lumikas sa Hawaii, Estados Unidos dahil sa 1986 people power at si Aquino ang naging pangulo ng bansa.

Sa ilalim ni Aquino, si Ramos ay hinirang na Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Siya ay kalaunang hinirang ni Aquino na Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol. Sa panahong ito, hinawakan ni Ramos ang mga operasyong militar na sumugpo sa 9 na pagtatangkang coup laban sa pamahalaan ni Aquino.

Si Ramos ay tumakbo at nagwagi sa 1992 halalan ng pagkapangulo.

Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na Philippines 2000 na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1 porsiyento.Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at ang GDP at 5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula  P29.47 kada dolyar.




#Article 57: Planeta (2729 words)


Itinatakda ng International Astronomical Union (IAU), ang opisyal na siyentipikong sanggunian sa pagngangalan ng katawang pangkalawakan, na ang planeta ay isang katawan sa kalangitan na:

Sa ilalim ng pagtatakdang ito, ang ating sangkaarawan o sistemang solar ay binubuo ng walong planeta: Merkuryo, Benus,  Mundo (Lupa), Marte, Húpiter, Saturno, Urano, at Neptuno.  Ang tatlong katawang sa kalangitan na umaayon sa naunang tatlong kondisyon ngunit labag sa ikaapat na kondisyon ay tinatawag ngayong mga unanong planeta: Ceres, Plutón at 2003 UB 313 .
Bago pinagtibay ang resolusyon kamakailan, walang siyentipikong pagtatakda kung ano talaga ang “planeta,” datapuwat maraming bantog na mga astronomo ang nagmungkahi bahagi ng kasalukyang debate.  Kung walang pagtatakda, ang ating kalawakang araw ay tradisyonal na binubuo ng iba’t-ibang bilang ng mga planeta sa loob ng maraming panahon.  Di pa natitiyak kung ang pagtatakda kamakailan ay matatanggap ng marami sa loob ng astronomiya na kung saan marami ang laban gayundin sa mata ng publiko.

Ang katagang “planeta” ay galing sa salitang Griyego πλανήτης, planētēs, na ang ibig sabihin ay “manlalakbay” o “bagabundo” na kung saan nasumpungan ng mga unang astronomo ang ilang liwanag sa kalangitan na naglalakbay kung ihahambing sa ibang bituin.  Ang mga katawang ito ay pinaniniwalaang lumilibot sa paligid ng mundo, na isang paniwalang di natitinag noon.
Noong unang panahon, mayroong pitong planeta: Buwan, Merkuryo, Benus, Araw, Marte, Húpiter at Saturno, ayon sa kalawakang Ptolomaico at papalayo mula sa Lupa.

Ilang Romano ang naniniwala na ang pitong diyos, kung saan kinuha ang pangalan ng mga planeta, ay palitang nagbabantay sa mga gawain ng mundo, ayon sa papalapit sa Lupang kaayusan sa Ptolemaicong kaisipan.    Ang bunga ay isang talaan kung saan ang isang diyos ay nakabantay sa unang oras ng bawat araw una ang Araw at sinundan ng Buwan, Marte, Merkuryo, Húpiter, Benus, at Saturno.  Kaya ang araw ng buong linggo ay ayon dito: Domingo (Linggo), Lunes, Martes, Miyerkules (Miercoles), Huwebes (Jueves), Biyernes (Viernes), at Sabado. [3] 
Ipinakita ng nineplanets.org ang mga araw ng buong linggo: Ang sistema ng pitong araw na ginagamit natin ayon sa matandang astrolohikong paniniwala na ang pitong katawan ng kalangitan ay umiipluwensiya sa mga pangyayari sa Lupa at ang bawat isa sa kanila ay kumokontrol sa unang oras na nakapangalan sa kanila.  Ang sistemang ito ay dinala sa Helenistikong Ehipto mula Mesopotamia.

Sa pag-unlad ng astronomiya, lalo na sa pagtanggap ng heliosentrikong modelo (kung saan ang Araw ang pusod nito), inalis ang Araw at Buwan at nang lumaon tinanggap ang kasalukuyang mga kasaping planeta ng kalawakang araw.  Datapuwat, ang isang ‘planeta’ ay karaniwang nangangahulugan ng isang malaking katawan na lumilibot sa Araw (at nang lumaon sa iba pang bituin),  walang pagtatakda kung ano talaga ang ‘planeta’.  Kaya ang kalawakang araw ay karaniwang binubuo ng mga tinanggap ng planeta sa paglakad ng panahon ayon sa kultura and siyentipikong konsensus:

Sa loob ng ika-20 siglo nang matuklasan ang mas maliliit na katawan sa sangkaarawan, nagsimulang gumuho ang konsensus.  May mga bangayan sa tamang laki/bigat ng isang katawan upang tawaging isang ‘planeta’.  May isang partikular na bangayan kung ang mga bilog ng katawan sa kalawakang araw na umiinog sa sinturon nito ay dapat daw tanggaping planeta.  Noong 2006, bumoto ng isang resolusyon ang pangkalahatang kapulungan ng International Astronomical Union na nagtatakdang muli ng planeta sa ating kalawakang araw bilang:

Isang katawan sa kalangitan na (a)  umiikot sa paligid ng Araw, (b) na may sapat natimbang sa kanyang sariling balani upang matugunan ang di natitinag na lakas upang makabuo ito ng isang hugis na may hidrostatikong ekilibrio (halos bilog or espero) , at (c) at pinalis na nito ang karatig kapaligiran ng kanyang libutan.

Sa ilalim ng pagtatakdang ito, ang sangkaarawan ay may walong planeta.  Ang mga katawan na umaayon sa unang dalawang kondisyon at hindi sa ikatlo (tulad ng Plutón at 2003 UB313) ay tinatawag na mga unanong planeta kung hindi sila na likas na buntalâ (satellites) ng ibang planeta.

Ang pagtatakdang ito ay naayon sa makabagong hinua sa pagbuo ng planeta kung saan sa simula ng malaplanetang bilig kung saan pinalis kanilang paligid ng libutan ng mga maliliit na katawan.
Sa lathala ni Steven Soter ipinaliwanag niya ito nang ganito:
Ang bunga ng sekundaryong paglaki ng isang disko (disc) ay isang kalipunan ng malalaking katawan (mga planeta) na hindi nagtatagpo o magkalihis ng libutan na nag-iiwas sa banggaan nila.  Kakaiba ang mga asteroids at kometa, kasama ang mga KBO, sa mga planeta dahil maari silang magbanggaan sa isa’t-isa o sa ibang planeta.  [4]

Malinaw na itinatakda sa lathala ang mga kriterya ng planeta ang walong tinanggap na planeta ng IAU sa ibang maliliit na katawan sa kalawakang araw.

Noong una, nagmungkahi ang isang komite ng IAU na magsasama sa mas maraming bilang ng mga planeta dahil hindi kasama ang (c) bilang isang kriterya nito.  Nagbunga ang mga negosasyon na nagtatakda na mga unanong planeta lamang ang mga katawang sumasangayon sa mga kriteryang (a) at (b).

Ang resolusyong ito ay nagdagdag sa mga planetang nasa labas ng kalawakang araw na ipinalabas noon 2003 at mula noon ay ginagamit na pagtatakda ng  IAU. [2]

Mga planeta (kahit papaano sila hinubog) ang mga katawan na may tunay na bigat na mababa sa sukdulang bigat(limiting mass) ng pagsasanib termonukleyar ng deuteryo (na kasalukuyan ay tinatayang 13 beses na kasingbigat ng Júpiter para sa mga katawang may ka-metal ng araw) na lumilibot sa bituin o tira ng mga bituin. Ang kinakailangang minimong bigat/laki upang matanggap ang isang katawan sa labas ng kalawakang araw bilang isang planeta ay kailangang pareho sa gamit ng ating Kalawakang araw.  Ang mga sub-estrelyang katawan na may tunay na bigat na higit sa sukdulang bigat para sa pagsasanib termonukleyar ng deuteryo ay mga “unanong kayumanggi”,  kahit papaano sila nabuo o kahit saan sila nakatahan.

Ang malayang lumulutang na mga katawan sa kulumpon ng mga batang bituin na mababa sa sukdulang bigat para sa pagsasanib termonukleyar ng deuteryo ay hindi “planeta” bagkus mga “sub-unanong kayumanggi”(o anumang nararapat na pangalan nila).

Matapos ang botohan noong 2006 ng IAU, may ilang kristisismo sa bagong pagtatakda mula sa mga astronomo.  Ang bangayan ay nakatuon sa paniniwala na ang kriteyang (c) (ang paglilinis ng libutan nito) ay hindi sana isinama, at ang mga katawan na ngayon ay tinatawag na mga unanong planeta ay nararapat na bahagi ng malawak na pagtatakda ng planeta.  Ang susunod na pulong ng IAU ay sa 2009 kung kailan ang pagbabago ay magagawa sa pagtatakda gayundin maaring makasama ang mga planeta sa labas ng kalawakang araw.

Sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko, may matibay na kahulugang pangkultura sa tao ang Plutón lalo na’t kilala ito bilang ika-siyam na planeta ng ating kalawakang araw sa loob ng nakaraang pitumpong taon.  Kamakailan, ang pagkakatuklas ng 2003 UB313 (na sinasabing ika-sampung planeta), at ang posibleng pagrereklasipikasyon ng Ceres at Charon bilang mga planeta ay napansin ng publiko.

 
 

Mga planeta sa loob ng sangkaarawan
Ayon sa pagtatakda ng IAU, may walong planeta sa ating sangkaarawan.  Papalayo mula sa Araw (na kasama ang simbolong astronomiko sa panaklong):

 
 

Ang proseso ng pagngangalan at kanilang katangian ay tinatawag na nomenklatura ng mga planeta.  Sa halos nakaugalian sa kanluran at gayundin sa Europa, ang mga pangalan ng planeta sa kalawakang araw ay ayon sa mga bathalang Griyego sa dahilang ang mga Griyego ang unang nagpangalan sa kanila.  Tinanggap ng mga Romano ang maraming bathalang Griyego ngunit binigyan ng karampatang pangalan sa Latin.  Ngayong marami sa kanila ay kilala sa katumbas nilang pangalang Romano (Latin):  Merkuryo (tinawag na Hermes ng mga Griyego), Benus (Aphrodite), Marte (Ares), Húpiter (Zeus), Saturno (Kronos), Urano (Ouranos) at Neptuno (Poseidon).    Magpahanggang ngayon ginagamit ng mga Griyego ang orihinal nilang pangalan.
Ang pangalan ng mga planeta ng ating kalawakang araw ay mula sa mitolohiyang Griyego at Romano na ayon sa sumusunod:

Liban sa panuntunang ito ang Mundo (Lupa).  Marami sa mga wikang Romanse (kasama rito ang Pranses, Italyano, Espanyol at Portuges), na nagmula sa Latin, ang nagpanatili sa matandang Romanong pangalan nitong Terra o kawahig nito.  Gayundin, pinanatili ng mga Griyego ang kanyang orihinal na pangalan , Γή (Ge o Yi; halaw sa Gaia).  Gayunpaman, sa mga di-Romanseng wika, ginagamit ang kanilang katutubong pangalan.    Sa mga wikang mula sa Aleman kasama rito ang Ingles ay gumagamit ng matandang Alemang salitang ertho, “lupa”, na alam nating Earth sa Ingles, Erde sa Aleman, Aarde sa Olandes, Jorden sa Esconde (Scandinavian).  Sa taal na Tagalog, Lupa ang tawag natin sa ating mundo.

Sa ilang kulturang di Europeo, gumagamit sila ng kanilang sistema ng pagngangalan ng mga planeta.  Sa Tsina at mga bansang naimpluwensiyahan ng kulturang Tsino tulad ng Hapon, Korea at Biyetnam, gumagamit sila ng sistemang naaayon sa limang elementong Tsino.  [3]

Sa mga astronomo magkakaiba ang planeta, unanong planeta at maliliit na katawan sa kalawakang araw.

Ang mga malalaking katawan sa kalawakan ng ating araw ay nahahati sa kategorya ayon sa nilalaman nila:

Noong masumpunga ang Ceres, Pallas, Juno at Vesta  na lumilibot sa pagitan ng Marte at Júpiter noong bungad ng mga 1800, idenaklara at tinanggap silang mga planeta sa loob ng maraming taon.  Subalit nang marami pang mga katawan ang unti-unting nasumpungan sa rehiyong ito ng kalawakang araw, tinawag silang mga asteroids kasama ang mga katulad nila sa libutang ito.

Ang relatibong kalakihan at kabilugan ng Ceres na ipinalagay ng ilan na dapat daw tawaging planetang muli.  Ngunit noong 2006, inilagay ito ng International Astronomical Union sa bagong kategorya ng mga unanong planeta.

Ganito rin ang nangyari sa Plutón.  Unang nadiskubre ito sa labas ng libutan ng Neptuno noong 1930 at tinanggap itong planeta ng  International Astronomical Union sa paniwalang mas malaki ito sa Lupa.  Matapos ng masusing pagmamatyag napatunayang mas maliit at hindi kasing siksik ng ating Buwan.

Noong marami pang mga bagong katawan ang nasumpungan sa nabanggit na rehiyon noong mga 1990 at bungad ng 2000, nagdesisyon ang IAU na ireklasipika ang Plutón kasama ang ipa bang mga katawan sa sinturon nito bilang mga unanong planeta.  Ginawa ang desisyong ito noong 24 Agosto 2006.

Halos kapareho o malaki sa Húpiter ang karamihan sa 202 mga nadiskubreng planeta sa labas ng kalawakang araw.

Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na nadiskubreng lumiligid sa naupos na bituin na tinatawag na pulsar tulad ng PSR B1257+12,[6] na mga planetang lumiligid sa mga bituing  Mu Arae, 55 Cancri and GJ 436 na halos kalaki ng Neptuno, [7]  at ng isang planetang lumiligid sa Gliese 876 na tinatayang halos 6 hanggang 8 beses na kabigat ng Lupa at posibleng mabatong komposisyon.

Hindi maliwanag kung ang mga bagong tuklas na malalaking planeta ay kawangki ng mga higanteng planetang puno ng gas sa ating kalawakang araw o kung sila ay tunay na kakaiba na hindi pa nakikita tulad ng mga higanteng planeta ng amoniaco o ng carbon.  Partikular dito ang mga hot Júpiters, tawag sa mga ilang bagong tuklas na planeta, na lubhang malapit sa kanilang magulang na bituin sa halos bilog na libutan.  Kung magkagayon tumatanggap sila ng mas matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng planetang gas ng kalawakang araw dahil dito maaring hindi sila magkatulad na uri ng planeta.   Mayroon ding klase ng mga hot Júpiter na lumilibot ng napakalapit sa kanilang bituin kung kaya’t ang kanilang himpapawid ay hinihipan palayo na parang buntot ng kometa na tinatawag ng mga Chthonian planets.

Maraming mga proyekto ang iminumungkahi upang makagawa ng isang hilera ng teleskopyong pangkalawakan upang maghanap ng planeta sa labas ng ating kalawakang araw na may bigat na katulad ng Lupa.  Isa rito ang NASA Terrestrial Planet Finder, ngunit sa kasalukuyan ay naka- indefinite hold.  Nag-iisip ang ESA ng kaparehong misyon na tinatawag na Darwin.  Ang tsansang lumitaw ang isang katulad na planeta ay isang baryabol sa Darwin equation na nagtataya ng bilang ng sibilisasyong marunong at nakikipagtalastasan ay umiinog sa ating galaxy. 
Noong 2005, natiktikan ng mga astronomo ang isang planeta sa kalawakan ng tripleng bituin na isang tuklas na nakikipagtunggali sa kasalukuyang hinua ng pagbuo ng planeta.  Ang higanteng planetang gas na ito na malaki ng kaunti sa Júpiter ay lumilibot sa pangunihing bituin ng kalawakang HD 188753 sa konstelasyong Cygnus at kaya kilalang HD 188753 Ab.  Ang planetang ito na malaki ng 14% kaysa Júpiter ay lumilibot sa pangunahing bituin (HD 188753 A) bawat 80 oras (3.3 araw), sa layong halos 8 Gm, ika-dalawanpung layo sa pagitan ng Lupa at Araw.  Ang dalawang bituin ay mag-iikutan ng malapit sa isa’t-isa sa loob ng 156 na araw, at umiikot sa pangunahing bituin bawat 25.7 taon sa layong mula sa pangunahing bituin na maglalakay sa kanila sa pagitan ng Júpiter at Urano sa ating kalawakang araw.   Dahil rito nagpapawalang-bisa ang dalawang bituin sa hinua ng pagbuo ng hot Júpiter na kung saan ang mga planetang ito ay bumubuo ng “normal” na layo at pagkatapos ay lumilipat papasok na mekanismo na kasalukuyang pinagdedebatahan.  Hindi dapat mangyari ito;  ang pares na bituin ay makasisira sa pagbuo ng planetan sa labas ng kalawakang araw.

Ang inter-estrelyang planeta ay mga lagalag ng kalawakang inter-estrelyar na hindi nakatali sa isang kalawakang araw.  Isang maikling panahon noong 2006, naniwala ang mga astronomo na nasumpungan nila ang isang dalwahing kalawakan ng mga inter-estrelyang planeta na kanilang tinawag na Oph 162225-240515. Subalit nang kanilang suriin ang mga katawang ito kanilang natanto na ang bigat ng bawat isa ay higit na 13 bigat ng Júpiter na naglalagay sa kanila bilang mga unanong kayumanggi at hindi mga planemos.  Ang pag-inog ng mga inter-estrelyang planeta ay posible ayon sa mga computer simulations ng pinagmulan at ebolusyon ng mga sistemang planetaryo na kaniwang nagsasama sa pagpapalabas ng mga katawang may sapat na bigat.
Ang katagang ito ay isang mainit na talakayin.  Isang bantog na pangkat ng mga astronomo kasama rito ang IAU na mga katawan lamang na lumilibot sa mga bituin ang dapat tawaging planeta at ang mga inter-estrelyang planeta.  Ang mga nakatuklas sa mga nasabing katawan ay umiiwas sa debate kung ano ang planeta at kanilang tinawag ang mga katawang ito bilang mga planemos.

Walang katiyakan kung papaano nabubuo ang mga planeta.  Ang kasalukuyang hinuha ay nagmula ang mga planeta mula sa mga tira ng isang nébula na hindi lumapot sa ilalim ng grabedad upang makabuo ng isang protostar (mala-bituin).    Sa halip, ang mga tirang ito ay naging isang manipis na protoplanetang (mala-planeta) disk na binubuo ng mga alikabok at gas ang lumilibot sa protostar  ang nagsimulang lumapot sa lokal na konsentrasyon ng bigat sa loob ng disk na tinatawag na planetesimal.   Ang konsentrasyong ito ay lalong nasisiksik haggang magsalikop ito paloob sa ilalim ng grabedad upang makabuo ng protoplaneta.  [9]  Matapos lumaki ito nang halos kasinglaki ng buwan natin, nagsimula itong bumuo ng kanyang papawirin.  Nagsisilbi ito sa mataas na paghuli nang halos sampung beses sa mga planetesimal.  [10]

Kapag lumaki na ang isang protostar upang makabuo ng isang naglalablab na bituin, nahihipan ng kanyang solar wind ang halos lahat ng natitirang diskong materyal.  Sa kalaunan, maaring marami pang mga protoplaneta ang lumilibot sa bituin o sa isa’t-isa ngunit sa paglakad ng panahon magbabanggaan sila upang makabuo ng isang planeta o magpalabas ng materyal para sa ibang mas malaking protoplaneta o makalap ng planeta.  [11][12]   Ang mga katawang bumigat na ay kakalap sa halos lahat ng materyal sa kanyang paligid na libutan upang maging planeta.  Ang mga protoplanetang nakaiwas sa banggaan ay masisilbing likas na buntala ng planeta sa pamamagitan ng proseso ng mala-balaning pangangalap o kaya’y mananatili sila sa sinturon ng ibang katawan upang maging unanong planeta o maliit na katawan ng kalawakang araw.

Ang mga maiigting na salpukan ng mga maliliit na planetisimal ay magpapainit sa lumalaking planeta na magdudulot na kaunting pagkatunaw nito.  Ang loob ng isang planeta magsisimulang magkaroon ng angking katangian dahilan ng bigat upang makabuo ng isang siksik na ubod.  Dahil sa paglaki nila, ang maliliit na katihing planeta ay mawawalan ng kanilang papawirin ngunit mapapalitan ito ng mga nawalang gas mula sa pasingaw sa mantel nito at sa mga sumunod na pagsalpok ng mga kometa rito.  [13]  (Tandaan na mawawalan ng natamong papawirin ang mga maliliit na planeta sa pamamagitan ng iba’t-ibang mekanismo ng pagkawala nito.)

Sa pagkakatuklas at pagmamatyag ng mga planeta sa paligid ng mga bituin sa labas ng ating kalawakang araw, posible na ngayong talakayin, baguhin o palitan man ang salaysay na ito.  Ang nibel ng metalidad ay pinaniniwalaang nagpapakita kung ang isang bituin ay may mga planeta.  [14]  Dahil rito, tinatayang ang isang bituing salat sa metal na tinatawag na population II star ay may kaunting sistemang planetaryo kaysa sa bituing mayaman sa metal na tinatawag namang population I star.




#Article 58: Estadistika (2544 words)


Ang estadistika o statistics ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos (o data).  Kabilang dito ang pagpaplano ng pagkuha o koleksiyon ng datos ayon sa disenyo o paraan ng mga estadistikal na survey at  disenyong eksperimental. Ang isang estadistiko (statistician) ay maalam sa mga paraan na kailangan para sa matagumpay na aplikasyon ng analisis na estadistikal. Ang gayong mga tao ay kadalasang nagkakamit ng karanasan sa pamamagitan ng paggawa sa anuman sa mga malawak na larangan. Mayroon ding isang disiplinang tinatawag na estadistikang matematikal na nag-aaral ng estadistika ng matematikal. Ang salitang statistics kapag tumutukoy sa disiplinang pang-agham ay pang-isahan o singular gaya ng sa Statistics is an art. Ito ay hindi katulad ng salitang statistic na tumutukoy sa  kantidad gaya ng mean at median na kinukuwenta mula sa mga datos, na ang plural ay statistics.

Sa paggamit ng estadistika sa isang problemang pang-siyentipiko, industriyal, o panlipunan, kailangang magsimula sa isang populasyong estadistikal. Ang populasyon ay maaaring iba ibang paksa gaya ng lahat ng mga taong nabubuhay sa isang bansa o ang bawat atomo na bumubuo sa isang kristal. Ang isang populasyon ay maaaring binubuo ng mga obserbasyon ng isang proseso sa iba't ibang mga panahon na ang datos sa bawat obserbasyon ay nagsisilbi bilang isang ibang pangkat ng pangkalahatang pangkat. Ang datos o data na nakolekta tungkol sa uring ito ng populasyon ay bumubuo ng tinatawag na serye ng panahon. Para sa mga dahilang praktikal, ang isang napiling pang-ilalim na hanay ng populasyon na tinatawag na sampol(sample) ay pinag-aaralan — kabaligtran ng pagtitipon ng datos tungkol sa buong pangkat(isang operasyon na tinawag na censo). Kapag ang sampol na kumakatawan sa populasyon ay natukoy, ang datos ay titipunin para sa mga pangkat ng sampol sa isang obserbasyonal o eksperimental na pagtatakda. Ang datos na ito ay isasailalim naman sa pagsisiyasat na estadistikal na nagsisilbi sa dalawang magkaugnay na mga layunin: deskripsiyon(paglalarawan) at imperensiya(paghihinuha). 

Ang konsepto ng korelasyon ay partikular na kapansin pansin para sa potensiyal na kalituhang maaaring sanhiin nito. Ang analisis na estadistikal ng datos ng isang hanay ng datos ay kadalasang naghahayag na ang dalawang mga variable(katangian) ng populasyon sa ilalim ng konsiderasyon ay may kagawiang magbago ng sabay na parang ang mga ito ay magkaugnay. Halimbawa, sa isang pag-aaral ng taunang sahod na tumitingin rin sa edad ng kamatayan, maaaring matagpuan na ang mahihirap na tao ay may kagawiang magkaroon ng mas maikling buhay kesa sa mga mayamang tao. Ang dalawang mga variable ay sinasabing korelado. Gayunpaman, ang mga ito ay maaari o hindi maaaring sanhi ng isa pa. Ang penomenang korelasyon ay maaaring sinanhi ng isang ikatlo na nakaraang hindi isinaalang alang na phenomenon na tinatawag na nagkukubling variable o nakalilitong variable. Dahil dito, walang paraan na agarang mahinuha ang pag-iral ng isang ugnayang nagsasanhi sa pagitan ng dalawang mga variable. Para sa isang sampol na gamitin bilang isang gabay sa isang buong populasyon, mahalagang ito ay tunay na representatibo ng kabuuang populasyon. Ang pagsasampol na representatibo ay sumisiguro na ang mga inperensiya at mga konklusyon ay ligtas na mapapalawig mula sa sampol tungo sa populasyon bilang kabuuan. Ang isang pangunahing problema ay nasa pagtukoy ng sakop kung saan ang napiling sampol ay talagang representatibo. Ang estadistika ay nagaalok ng mga paraan upang tantiyahin at ituwid ang anumang randomang pagggawi sa loob ng sampol at mga pamamaraan ng pagtitipon ng datos. Mayroon ding mga pamamaraan ng disenyong eksperimental para sa mga eksperimento na magpapabawas ng mga isyung ito sa simula ng pag-aaral na nagpapalakas ng kakayahan nito sa pagtukoy ng katotohanan tungkol sa populasyon. Ang pagiging randoma ay pinag-aaralan gamit ang disiplinang matematikal ng teoriya ng probabilidad. Ang probabilidad ay ginagamit sa estadistikang matematikal(alternatibong teoriyang estadistikal upang pag-aralan ang mga distribusyong ng pagsasampol ng estadistikang sampol at sa mas pangkalahatan ang mga katangian ng mga pamamaraang estadistikal. Ang paggamit ng anumang pamamaaraang estadistikal ay balido kapag ang sistema o populasyon na nasa ilalim ng pagsasaalang alang ay sumasapat sa mga asumpsiyon ng paraan. Ang hindi tamang paggamit ng estadistika ay maaaring lumikha ng hindi madaling matukoy ngunit mga seryosong pagkakamali sa deskripsiyon at interpretasyon. Halimbawa, ang patakarang panlipunan, pagsasanay medikal, at pagiging maaasahan ng mga tulay ay lahat umaasa sa angkop na paggamit ng estadistika. Kahit pa ang mga pamamaraang estadistikal ay tamang inilapat, ang mga resulta ay maaaring mahirap na bigyan ng pakahulugan para sa mga walang kadalubhasaan. Ang kahalagahang estadistikal ng isang kagawian sa datos na sumusukat sa sakop kung saan ang isang kagawian ay maaaring sanhi ng isang randomang bariasyon sa sampol ay maaari o hindi maaaring umayon sa intuitibong kahulugan ng kahalagahan nito. Ang hanay ng mga basikong kasanayang estadistikal at skeptisisismo na kailangang pakitunguhan ng mga tao sa impormasyon sa bawat araw ng kanilang buhay ng angkop ay tinutukoy na literasiyang estadistikal.

Ang isang karaniwang layunin pasa dalawang mga uri ay nasa kung paanong ang pag-aaral ay aktuwal na isinagawa. Ang bawat isa ay maaaring napaka epektibo. Ang isang pag-aaral eksperimental ay maaaring kasangkutan ng pagkuha ng mga sukat ng sistemang pinag-aaralan na nagmamanipula sa sistema at pagkatapos ay kumukuha ng karagdagang mga pagsukat gamit ang parehong pamamaraan upang tukuyin kung ang manipulasyon ay nagpabago sa mga halaga ng mga sukat. Bilang salungat dito, ang isang pag-aaral obserbasyonal ay hindi sumasangkot sa eksperimental na manipulasyon. Bagkus, ang datos ay tinitipon at ang mga korelasyon sa pagitan ng mga prediktor at tugon ay iniimbestigahan. 

Ang mga basikong hakbang ng isang eksperimentong estadistikal ang sumusunod:

Ang mga eksperimento sa pag-aasal ng tao ay may espesyal na mga pagkabahala. Ang sikat na pag-aaral Hawthorne ay sumuri ng mga pagbabago sa gumagawang kapaligiran sa plantang Hawthorne ng Western Electric Company. Ang mga mananaliksik ay interesado sa pagtukoy kung ang tumaaas na iluminasyon(liwanag) ay magdadagdag ng produktibididad ng mga trabahador ng linyang pagaasembleo. Unang sinukat ng mga mananaliksik ang produktibidad sa planta at pagkatapos ay binago ang liwanag sa area ng planta at tiningnan kung ang mga pagbabago sa liwanag ay umapekto sa produktibidad. Lumabas na ang produktibidad ay talagang nagpabago(sa ilalim ng mga kondisyong eksperimental). Gayunpaman, ang pag-aaral ay labis na binatikos ngayon dahil sa mga pagkakamali sa mga pamamaraang eksperimental, spesipiko na ang kawalan ng pangkat na kontrol at pagiging bulag. Ang epektong Hawthorne ay tumutukoy sa pagkakatuklas na ang kinalabasan(sa kasong ito ang produktibidad ng trabahador) ay nagbago sanhi ng mismong obserbasyon. Ang mga nasa pag-aaral Hawthorne ay naging mas produktibo hind dahil sa ang liwanag ay binago kundi ang mga ito ay pinagmasdan.

Ang isang halimbawa ng pag-aaral oberbasyonal ang isa na gumagalugad sa korelasyon sa pagitan ng pagsisigarilyo at kanser sa baga. Ang uri ng pag-aaral na ito ay karaniwang gumagamit ng mga survery upang magtipon ng mga oberbasyon tungkol sa sakop ng interes at pagkatapos ay magsasagawa ng mga analisis na estadistikal. Sa kasong ito, ang mga mananaliksik ay magtitipon ng mga oberbasyon ng parehong mga nagsisigarilyo at hindi nagsisigarilyo, marahil sa pamamagitan ng isang pag-aaral ng kasong kontrol at pagkatapos ay titingin para sa bilang ng mga kaso ng kanser sa bago sa bawat pangkat. 

Mayroong apat na pangunahing mga level ng sukat na ginagamit sa estadistika: nominal, ordinal, interbal at rasyo. Ang bawat isa sa mga ito ay may iba't ibang mga digri ng paggamit sa pagsasaliksik estadistikal. Ang mga pagsukat na rasyo ay parehong mayroong makahulugang halagang sero at ang distansiya sa pagitan ng mga pagkakaibang sukat ay inilarawan. Ang mga ito ay nagbibigay ng pinakadakilang pleksibilidad sa mga pamamaraang estadistikal na maaaring gamit sa pagsusuri ng datos. Ang mga pagsukat interbal ay may mga makahulugang mga distansiya sa pagitan ng mga sukat na inilarawan ngunit ang halagang sero ay arbitraryo(gaya ng sa kaso ng longhitud at mga sukat ng temperatura sa Celsius o Fahrenheit). Ang mga pagsukat ordinal ay may hindi tiyak na pagkakaiba sa pagitan ng mga sunod sunod na halaga ngunit may makahulugang kaayusan sa mga halagang ito. Ang mga sukat nominal ay walang makahulugang ranggong kaayusan sa mga halaga. Dahil sa ang mga variable na umaayon lamang nominal o ordinal na pagsukat ay hindi makatwirang masusukat ng numerikal, minsan ang mga ito ay pinapangkat ng sabay sabay bilang mga kategorikal na variable samantalang ang mga sukat rasyo at interbal ay pinapangkat ng sabay sabay bilang mga kwantitatibong variable na maaaring diskreto o tuloy tuloy sanhi ng kalikasan numerikal ng mga ito. 

Ang interpretasyon ng impormasyong estadistikal ay kadalasang sumasangkot sa pagpapaunlad ng isang hipotesis na null(null hypothesis) dahil sa ang asumpsiyon ay kung ano ang minumungkahing sanhi ay walang epekto sa variable na sinusukat. Ang mahusay na ilustrasyon para sa isang baguhan ang predikamentong naeenkwentro sa isang paglilitis ng hurado. Ang hipotesis na null na H0 ay nagsasaad na ang isinasakdal ay inosente samantalang ang altenatibong hipotesis na H1 ay nagsasaad na ang sinasakdal ay may sala. Ang pagkakaso ay dumarating dahil sa pagsusupetsa ng pagkakaroon ng sala. Ang  H0 (status quo) ay nakatayong sumasalungat sa H1 at pinapanatili malibang ang H1 ay sinusuportahan ng ebidensiya ng lagpas sa makatwirang pagdududa. Gayunpaman, ang pagkabigo na itakwil ang H0 sa kasong ito ay hindi nagpapahiwatig ng pagiging inosente ngunit tanging ang ebidensiya ay hindi sapat upang hatulan ang isinasakdal. Kaya ang hurado ay hindi kinakailangang tumangap ng H0 ngunit nabibigong tumawkil sa H0. Bagaman hindi mapapatunayan ang isang hipotesis na null, ang isa ay maaaring sumubok kung paanong kalapit ito sa pagiging totoo sa isang kapangyarihang estadistikal na sumusubok para sa uring II mga pagkakamali.  

Sa paggawa mula sa isang hipotesis na null, ang dalawang mga basikong anyo ng pagkakamali ay kinikilala:

Ang pagkakamali ay tumutukoy rin sa sakop kung saan ang mga indibidwal na oberbasyon sa isang sampol ay iba mula sa isang sentral na halaga gaya ng sa sampol o mean ng populasyon. Maraming mga pamamaraang estadistikal ay naghahangad na paliitin ang pagkakamaling kinwadradong mean at ang mga ito ay tinatawag na maliit na mga kwadrado. Ang mga prosesong pagsukat na lumilikha ng datos estadistikal ay sumasailalim rin sa pagkakamali. Marami sa mga pagkakamaling ito ay inuuri bilang randomang pagkakamali(ingay) o sistematikong pagkakamali(pagkiling) ngunit maraming pang mga ibang uri ng mga pagkakamali ay maaari ring mahalaga.

Ang karamihan ng mga pag-aaral ay nagsasampol lamang ng isang bahagi ng isang populasyon at kaya ang resulta ay hindi buong representatibo ng buong populasyon. Ang anumang mga pagtatantiyang nakamit mula sa sampol ay tanging nagtatantiya ng halaga ng populasyon. Ang mga interbal ng kompiyansa(confidence interval) ay pumapayag sa mga estadistiko na maghayag kung gaanong kalapit ang pagtatantiya ng sampol ay tumutugma sa tunay na halaga ng buong populasyon. Kadalasan, ang mga ito ay naghahayag bilang 95% na mga interbal ng kompiyansa. Sa pormal na paglalarawan, ang isang 95% interbal ng kompiyansa para sa isang halaga ay isang saklaw kung saan, kung ang pagsasampol at analisis ay inulit sa ilalim ng parehong mga kondisyon(na nagbibigay ng isang ibang hanay ng datos), ang interbal ay kabibilangan ng tunay(populasyon) na halagang 95% ng panahon. Ito ay hindi nagpapahiwatig na ang probabibilidad na ang tunay na halaga ay nasa interbal ng kompiyansa ay 95%. Mula sa perspektibong prekwentista, ang gayong pag-aangkin ay walang saysay dahil ang tunay na halaga ay hindi isang random variable. Ang tunay na halaga ay nasa loob o wala sa loob ng isang ibinigay na interbal. Gayunpaman, totoo na bago ang anumang datos ay sinampol at sa ibinigay na isang plano para sa kung paanong ang kompiyansang interbal ay itatayo, ang probabilidad ay 95% na ang hindi pa nakukwentang interbal ay sasakop sa tunay na halaga. Sa puntong ito, ang mga hangganan sa interbal ay ang mga hindi pa napagmamasdang mga random variable. Ang isang pakikitungo na nagbibigay ng interbal na mapapakahulugang mayroong isang ibinigay na probabilidad ng paglalaman ng tunay na halaga ay ang paggamit ng isang kapaniwa-paniwalang interbal mula sa estadistikang Bayesian. Ang pakikitungong ito ay nakasalalay sa isang ibang paraan ng pagpapakahulugan kung ano ang ibig sabihin ng probabilidad ie bilang isang probabilidad na Bayesian.

Ang estadistika ay bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo/hindi sagot sa tanong na tinatanong dito. Ang interpretasyon ay kadalasang dumarating sa lebel ng kahalagahang estadistikal(statistical significance) na nilalapat sa mga bilang at kadalasang tumutukoy sa probabilidad ng isang halagang tiyak na tumatakwil sa hipotesis na null(minsang tinatawag na halagang-p). Ang pagtukoy sa kahalagahang estadistikal ay hindi kinakailangang mangahulugang ang kabuuang resulta ay mahalaga sa mga termino ng tunay na daigdig. Halimbawa, sa isang malaking pag-aaral ng droga, maaaring ipakita na ang droga ay may mahalagang estadistikal ngunit napaka liit na epektong benepisyal sa paraang ang droga ay hindi malamang na makatulong sa isang pasyente sa isang mapapansing paraan. Ang mga kritisismo ay lumilitaw dahil ang pakikitungong pagsubok ng hipotesis ay pumupwersa sa isang hipotesis(ang hipotesis na null) na paboran at tila rin magpasidhi ng kahalagahan ng maliit na mga pagkakaiba sa malaking mga pag-aaral. Ang isang pagkakaiba na mataas na mahalagang estadistikal ay wala pa ring praktikal na kahalagahan ngunit posibleng angkop na magpormula ng mga pagsubok para dito. Ang isang tugon ay sumasangkot sa paglagpas sa paguulat lamang sa lebel ng kahalagahan upang isama ang halagang-p kapag nag-uulat kung ang isang hipoteiss ay itinakwil o tinanggap. Gayunpaman, ang halagang-p ay hindi nagpapakita ng sukat ng epekto. Ang isang mas mabuti at tumataas na karaniwang pakikitungo ay iulat ang mga interbal ng kompiyansa. Bagaman ang mga ito ay nililikha mula sa parehong mga kalkulasyon gaya ng sa mga pagsubok ng hipotesis o mga halagang p, ang mga ito ay naglalarawan ng parehong sukat ng epekto at kawalang katiyakan na pumapalibot dito.

Ang ilang mga mahusay na kilalang mga mga pagsubok at pamamaraan ang sumusunod:

Ang mabilis at natustusang pagtaas sa kapangyarihang pagkukuwenta simula ikalawang kalahati ng ika-20 siglo ay nagkaroon ng mahalagang epekto sa pagsasanay ng agham estadistikal. Ang mga sinaunang modelong estadistikal ay halos kadalasang mula sa klase ng mga modelong linyar ngunit ang mga makapangyarihang kompyuter na sinamahan ng mga angkop na algoritmong numerikal ay nagsanhi ng isang tumaas na interes sa mga modelong hindi linyar gaya ng mga network na neural gayundin ang paglikha ng mga bagong uri gaya ng mga nilahat na modelong linyar at mga modelong multilebel. Ang tumaas na kapangyarihang pagkukwenta ay tumungo rin sa lumalagong kasikatan ng komputasyonal na intensibong mga pamamaraan batay sa muling pagsasampol gaya ng mga pagsubok na permutasyon at ang pagbobootsrap samantalang ang mga pamamaraan gaya ng pagsasampol na Gibbs ay gumawa sa mga modelong Bayesian na mas magagawa. Ang rebolusyong kompyuter ay may mga implikasyon para sa hinaharap ng estadistika na may bagong pagbibigay diin sa estadistikang eksperimental at empirikal. Ang isang malaking bilang ng parehong pangkalahatan at espesyal na tungkuling mga sopwer estadistikal ay magagamit na sa kasalukuyan.

Ang mga kaparaanan pang-estadistika ay tinatayang nagsimula noong ika-5 siglo BC.

May mga dalubhasa ang nagtuturo sa pinagmulan ng estadistika sa 1663, sa lathala ng Natural and Political Observations upon the Bills of Mortality ni John Graunt.  Ang mga naunang paglalapat ng kaisipang pang-estadistika ay umiinog sa mga pangangailangan ng estado sa pagbatay sa mga patakaran sa demograpiko at datos pang-ekonomiko, kaya nagmula ang etimolohiya nitong stat-.  Ang nasasakop ng disiplina ng estadistika ay napalawak noong unang bahagi ng ika-19 na siglo na sinama ang koleksyon at pagsuri ng datos sa pangkalahatan. Naglaon, nagagamit ang estadistika sa pamahalaan, negosyo at sa mga agham na likas at panlipunan.




#Article 59: Lungsod (315 words)


Ang lungsod o siyudad ay isang pook na may makapal na populasyon. Binubuo ito ng mga gusali o bahay na pantirahan, pangindustriya at pangkalakal kasama ng mga gawaing pangangasiwa na maaaring makipagugnay sa isa pang malaking lugar. Mga lansangan, kalye at bahay ang malaking bahagdan ng isang lungsod.

Ang mga lungsod at bayan ay mayroong mahabang kasaysayan, kahit na ang mga opinyon ay nagkakaiba-iba kung ituturing na lungsod ang ibang mga sinaunang mga pamayanan.

Ang mga unang lungsod ay naitatag upang magsilbing sentro ng kalakalan para sa ikabubuti ng mga mamamayan na nabibilang dito. Ang mga unang bayan ay minsa'y itinuturing na mga malalaking pamayanan kung saan ang mga nakatira dito ay hindi na mga simpleng magsasaka ng isang lugar, kundi ay nagtrabaho na ng ibang mas mataas na trabaho kaysa magsasaka.

Ang mga unang lungsod na naitatag sa daigdig ay matatagpuan sa Mesopotamya kagaya ng Eridu, Uruk at Ur, at sa Ehipto na matatagpuan sa Ilog Nile, sa Lambak ng Indus at Tsina. Sa mga unang lungsod, ang Mohenjo-daro ng Lambak ng Indus ang isa sa mga pinakamalaki, at mayroong populasyon na 41,250, at ito rin ang isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa maraming larangan.
   
Ang paglago ng populasyon, ang pagkabuo ng mga imperyo na naka-tutok sa kapangyarihang pampolitika, at ang paglago ng komersyo at produksiyon ay nag-resulta sa pagpapatayo ng mas malaking mga kabiserang lungsod at sentro ng komersyo at industriya. Ang mga halimbawa ng kabiserang lungsod na ito ay ang lungsod ng Alexandria, Antioch at Seleucia ng sibilisasyong Helenistiko, Pataliputra ng India, Chang'an sa Tsina, at Kartago sa sinaunang Roma.

Sa kasagsagan ng Gitnang Panahon sa Europa, ang isang bayan ay may pampolitika na pagkakakilanlan  bilang koleksiyon ng mga kabahayan. Ang ibang mga lungsod, kagaya ng Venezia, Genova o Lübeck, ay naging makapangyarihang mga estado. Minsan, ang mga lugar sa paligid nila ay sinakop nila at ipinailalim nila sa kanilang kapangyarihan.




#Article 60: Relihiyon (3212 words)


Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan. Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.

Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan.

Ang salitang Tagalog na relihiyon na hinango sa Espanyol na religión o Ingles na religion mula sa Lumang Pranses na religion (pamayanang reliyoso) mula sa Latin na religionem (nom. religio) paggalang sa sagrado, paggalang para sa mga diyos, obligasyon, pagbubuklod sa pagitan ng tao at mga diyos ay hinango mula sa Latin religiō na ang pinagmulan ay hindi maliwanag. Ang posibilidad ay isa itong paghango mula sa muling kinopyang *le-ligare na isang interpretasyong mula kay Cicero na nag-uugnay ng lego (basa), i.e (muli) + lego sa kahulugan ng pagpili, muling suriin o maingat na isaalang alang. Ang mga modernong skolar gaya nina Tom Harpur at Joseph Campbell ay pumapabor sa paghango mula sa ligare buklod, umugnay na malamang ay mula sa may panlaping re-ligar i.e. re (muli) + ligar (muling makipag-ugnayan) na pinasikat ni Augustine kasunod ng interpretasyon ni Lactantius. Ang paggamit mediebal ay pumapalit sa orden sa pagtatakda ng mga magkakabuklod na pamayan tulad ng mga orden na monastiko. Ayon sa pilolohistang si Max Müller, ang ugat ng salitang Ingles na religion na salitang Latin na religio ay orihinal na ginamit upang pakahulugan lamang ang paggalang sa diyos o mga diyos, maingat na pagninilay nilay ng mga bagay na pang-diyos, kabanalan na karagdagan pang hinango ni Cicero upang pakahulugang dilihensiya. Inilarawan ni Max Müller na ang maraming mga ibang kultura sa buong mundo kabilang ang Ehipto, Persia at India bilang may isang katulad na istruktura ng kapangyarihan sa puntong ito ng kasaysayan. Ang tinatawag ngayong sinaunang relihiyon ay kanila lamang tinatawag na batas.

Ang tinatayang kinabibilangang mga relihiyon ng populasyon ng daigdig ay: 33% sa Kristiyanismo, 20% sa Islam, kaunti sa 1% sa Hudaismo, 6% sa Budismo, 13% sa Hinduismo, 6% sa tradisyonal na relihiyong Tsino at 7% sa iba't ibang mga relihiyon. Ang karamihan ng mga relihiyong ito ay naniniwala sa isang diyos o mga diyos.  Ang 15% ay hindi relihiyoso. Ang isang pandaigdigang poll noong 2012 ay nag-ulat na ang 59% ng populasyon ng daigdig ay relihiyoso, ang 23% ay hindi relihiyoso at ang 13% ay mga ateista. Ayon sa isang poll, ang mga bansang may pinakamataas na populasyon ng mga ateista ang Tsina, Hapon, Czech Republic, Pransiya at Alemanya. Ang mga bansang may pinakamataas na populasyon ng mga relihiyoso ang Ghana, Nigeria, Armenia, Fiji, Macedonia, Romania at Iraq. Sa paghahambing, ang 97% ng mga Budista, 83% ng mga Protestante at 74% ng mga Muslim ay tumuturing sa kanilang mga sarili na relihiyoso. Ayon sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ay nangunguna sa daigdig sa pinakamaraming populasyon (94%) na naniniwala sa diyos.

Ang pinakamaagang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso ay mula sa ilang mga daang libong taong nakakalipas hanggang sa mga panahong Gitna at Mababang Paleolitiko. Tinutukoy ng mga arkeologo ang maliwanag na mga intensiyonal na libingan ng mga sinaunang homo sapiens (hindi modernong homo sapiens) mula sa 300,000 BCE bilang ebidensiya ng mga ideyang relihiyoso. Ang ibang mga ebidensiya ng ideyang relihiyoso ay kinabibilangan ng mga simbolikong artipakto mula sa Gitnang Panahong Bato sa mga lugar sa Aprika. Gayunpaman, ang interpretasyon ng mga artipaktong ito sa mga ideyang relihiyoso ay nananatiling kontrobersiyal. Ang mga ebidensiyang arkeolohikal sa mas kamakailang mga panahon ay hindi kontrobersiyal. Ang pinakamaagang hindi pinagtatalunang ebidensiya ng intensiyonal na libingan ay mula 130,000 BCE kung saan ang mga neanderthal ay naglibing ng kanilang mga namatay sa mga lugar gaya ng Krapina at Croatia. Ang isang bilang ng mga artipakto mula sa Itaas na Paleolitiko (50,000-13,000 BCE) ay pinaniniwalaan ng mga arkeologo bilang kumakatawan sa mga ideyang relihiyoso. Ang halimbawa ng mga artipaktong ito ay kinabibilangan ng taong leon,  mga pigurinang Venus, mga pinta sa kweba mula sa Kwebang Chauvet at ang detalyadong libingang ritwal sa Sungir. Ang pinakamaagang alam na paglibing ng isang shaman ay mula 30,000 BCE.Ang organisadong relihiyon gaya ng mga relihiyon sa kasalukuyan ay nag-ugat sa rebolusyong Neolitiko ca. 11,000 BCE sa Malapit na Silangan. Ang tinahanang lugar ng Çatalhöyük, Anatolia, Turkey sa panahong Neolitiko ay tinahanan ng mga 8,000 katao. Ito ay pinaniniwalaang ang espiritwal na sentro ng Anatolia.
Ang kapansing pansing katangian ng lugar na ito ang mga pigurinang babae nito na kumakatawan sa babaeng diyosa ng uring inang diyosa. Bagaman ang mga diyos na lalake ay umiiral rin, ang mga estatwa ng diyosang babae ay mas marami sa diyos na lalake. Ang mga pigurinang ito ay pangunahing natagpuan sa mga lugar ng Mellaart na pinaniniwalaang mga dambana. Ang isang pigurinang diyosa na nakaupo sa trono ay natagpuan sa isang lalagyan ng butil na nagmumungkahing ito ay paraan ng pagsisiguro ng pag-aani o pagpoprotekta sa suplay ng pagkain.
Noong mga 5500–4500 BCE, ang mga taong Proto-Indo-Europeo ay lumitaw sa loob ng steppe na Pontic Caspian at nagpaunlad ng relihiyon na nakapokus sa ideolohiya ng paghahandog. Ito ay nakaimpluwensiya sa mga inapo ng kulturang Indo-Europa sa buong Europa at sa subkontinenteng Indiyano. Noong mga 3750 BCE, ang mga taong Proto-Semitiko ay lumitaw na may pangkalahatang tinatanggap na urheimat sa peninsulang Arabyano. Ang mga Proto-Semitiko ay lumipat sa buong Malapit na Silangan tungo sa Mesopotamia, Ehipto, Ethiopia at silanganing Meditareneo. Ang relihiyon ng mga Proto-Semitiko ang nakaimpluwensiya sa mga inapo nitong kultura at pananampalataya kabilang ang mga kalaunang umunlad na Abrahamikong relihiyon (Hudaismo, Kristiyanismo at Islam). Noong mga 3000 BCE, ang Sumerian Cuneiform ay lumitaw mula sa proto-literadong panahong Uruk na pumayag sa kodipikasyon ng mga paniniwala at paglikha ng detalyadong mga record na relihiyoso. Ang mga organisadong relihiyon ay pinaniniwalaang lumitaw bilang paraan ng pagbibigay ng katatagang panlipunan at pang ekonomika sa malalaking populasyon sa pamamagitan ng sumusunod:

Ang mga sinaunang relihiyon ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:

Ang mga Mga Relihiyong Abrahamiko ang mga relihiyon na nag-aangkin ng karaniwang pinagmulan kay Abraham. o kumikilala sa tradisyong pang-espiritwal na nauugnay sa kanya. 

Ang Mga Relihiyong Indiyano ay sinimulan o sinasanay sa subkontinente ng Indiya.

Ang mga relihiyong Iraniano o relihiyong Irani ang mga sinaunang relihiyon na ang mga ugat ay nauna sa Islamisasyon ng Iran. Sa kasalukuyan, ang mga relihiyong ito ay sinasanay lamang ng mga minoridad. 

Ang Relihiyong katutubo ay tumutukoy sa hindi mas organisadong mga pagsasanay ng mga katutubo. Ito ay tinatawag ring paganismo, shaminismo, animismo, pagsamba ng ninuno, relihiyong pang-aina o totemismo. Ang kategoryang relihiyong katutubo ay pangkalahatang kinabibilangan ng anumang relihiyon na hindi bahagi ng isang organisasyon. Ang mga modernong neopagano ay humahango mula sa relihiyong katutubo para sa inspirasyon. 

Ang mga kilusang bagong relihiyoso ay kinabibilangan ng:

Ang mga sosyolohikal na klasipikasyon ng mga kilusang relihiyon ay nagmumungkahi na sa loob ng anumang ibinigay na pangkat relihiyoso, ang isang pamayanan ay maaaring kamukha ng iba't ibang mga uri ng istruktura kabilang ang mga simbahan, mga denominasyon, mga sekta, mga kulto at mga institusyon.

Ayon sa mga pagsasaliksik, may pangkalahatang negatibong kaugnayan sa pagitan ng pagiging relihiyoso ng mga mamamayan nito at ang kayamanan ng bansa. Sa ibang salita, ang isang mas mayamang bansa ay mas hindi relihiyoso. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga antas ng pagiging relihiyoso at kreasyonismo ay bumabagsak habang ang mga lebel ng sahod ay tumataas...

Ang iba't ibang mga pag-aaral ay nagmungkahi na ang pag-iisip batay sa intuisyon at pangangatwirang induktibo ay tumataas sa pagkakaroon ng paniniwalang relihiyon at mas konserbatibong mga paniniwala. Ang mga taong hindi relihiyoso ay gumagamit ng pag-iisip na analitikal at pangangatwirang deduktibo. Ang ideya na ang pag-iisip na analitikal ay gumawa sa isang tao na mas hindi relihiyoso ay sinusuportahan ng mga naunang pag-aaral sa isyung ito  Noong 2008, sinuri ni Helmuth Nyborg kung ang IQ ay nauugnay sa relihiyon at sahod gamit ang data mula sa National Longitudinal Study of Youth. Ang mga resulta ay nagpapakita na ang mga ateista ay nakaiskor ng aberahe na 1.95 mga punto ng IQ na mas mataas sa mga agnostiko at 5.8 mga punto ng IQ kesa sa mga dogmatiko (relihiyoso). 
Sa isang pag-aaral nina Nyborg at Richard Lynn, ang relihiyosong paniniwala at ang aberahe na pambansang IQ ng 137 mga bansa ay kinumpara. Sa mga sample ng 137 bansa, ang tanging 23 (17%) sa mga bansang ito ay may higit sa 20% mga ateista na bumubuo ng halos lahat ng mga bansa na may mataas na IQ. Ang isang pag-aaral na inilimbag sa Social Psychology Quarterly noong Marso 2010 ay nagsasaad na ang ateismo ay nuugnay sa mas mataas na katalinuhan.

Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mas mababang mga lebel ng pagiging relihiyoso sa isang lipunan ay nauugnay sa mas mababang mga rate ng krimen lalo na ang mga marahas na krimen. Ayon sa 2008 aklat ni Phil Zuckerman na Society without God, ang Denmark at Sweden na malamang na pinakahindi relihiyosong mga bansa sa mundo at posibleng sa buong kasaysayan ng mundo ay may pinakamababang mga rate ng mga marahas na krimen at ang pinakamababang mga lebel ng korupsiyon sa buong mundo. Ang 2005 pag-aaral ni Gregory Paul ay nagsaad na Sa pangkalahatan, ang mas mataas na rate ng paniniwala sa isang manlilikha ay nauugnay sa mas mataas na mga rate ng homisidyo (pagpatay), mortalidad ng bata at simulang matanda, rate ng impeksiyon ng STD, pagkabuntis ng mga tinedyer at aborsiyon sa mga masaganang demokrasiyang bansa. Isinaad rin dito na sa lahat ng mga sekular na umuunlad na bansa, ang mga tumagal na mga siglong trend ay nakakita ng mga rate ng homisidyo sa mga mababang historikal maliban sa Estados Unidos at Portugal. Noong 26 Abril 2012 ang resulta ng isang pag-aaral ay nagsasaad na ang mga hindi relihiyosong tao ay may mas mataas na mga score ng mga sentimentong pro-panlipunan na pagpapakita na ang mga ito ay mas malamang na maging mapagbigay sa mga walang pinipiling akto ng kabutihan gaya ng pagpapahiram ng mga pag-aari nito at pag-aalay ng isang upuan sa isang punong bus o tren. Ang mga taong relihiyoso ay may mas mababang mga score pagdating sa kung gaanong pagkahabag ang nagtulak sa mga ito na maging matulungin sa ibang mga paraan gaya ng pagbibigay ng salapi o pagkain sa isang walang tirahang tao o sa mga hindi mananampalataya sa diyos. Sa isang meta analisis ng mga pag-aaral sa relihiyon at krimen, isinaad na ang mga pag-aasal na relihyoso at paniniwala ay nagdudulot ng katamtamang pagpipigil na epekto sa pag-aasal na kriminal ng mga indibidwal.

Ang panatisismong relihiyoso ang panatisismong nauugnay sa debosyon at kasigasigan ng isang indibidwal o isang sekta sa kanilang relihiyon. Ang karahasang relihiyoso ay isinasagawa ng mga panatikong tagasunod ng isang relihiyon upang makamit ang mga layuning pampolitika, pwersahin ang kanilang relihiyon sa ibang mga tao, ipagtanggol ang kanilang relihiyon laban sa mga kaaway o dahil sa paniniwalang ang karahasan ay kalooban at inutos ng diyos. Kabilang sa mga karahasang ito ang mga henosidyong inutos ng diyos sa bibliya, pagpatay sa mga pinaniniwalaang manggagaway o nasasapian ng demonyo, antisemitismo ni Martin Luther, terorismong Islamiko at iba pa.

Ang mga kritisismo sa relihiyon ay may matagal na kasaysayan simula pa noongika-5 siglo BCE. Sa mga panahong klasiko, ang mga kritiko ng relihiyon sa Sinaunang Gresya ay kinabibilangan nina Diagoras ng Melos at noong unang siglo BCE ay ni Titus Lucretius Carus sa kanyang De Rerum Natura. Noong Gitnang Panahon, ang mga potensiyal na kritiko ng relihiyon ay inusig at pinwersang manahimik. Ang isang kilalang kritiko ng relihiyon na si Giordano Bruno ay ipinasunog dahil sa pagtutol sa autoridad na relihiyoso. Noong Panahon ng Kaliwanagan noong ika-17 at ika-18 siglo, ang mga kritiko ng relihiyon ay kinabibilangan nina David Hume at Voltaire. Noong ika-19 at simulang ika-20 siglo, ang kritiko ay kinabibilangan nina Thomas Huxley, Jeremy Bentham, Karl Marx, Charles Bradlaugh, Robert Ingersol, at Mark Twain. Sa ika-20 siglo, ang pagbatikos ng relihiyon ay ipinagpatuloy nina Bertrand Russell, Siegmund Freud, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, ang mga kilalang kritiko ng relihiyon ay kinabibilangan nina Sam Harris, Richard Dawkins, Victor J. Stenger at si Christopher Hitchens. Ang kritisismo ng mga relihiyon ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan at ito ay isinagawa sa internet. Ang relihiyon ay binabatikos ng mga kritiko dahil sa sumusunod: ito ay luma na at hindi na mahalaga sa modernong panahon, ito ay mapanganib sa mga tao gaya ng brainwashing ng mga bata at matanda, ito mapanganib sa lipunan gaya ng mga banal na digmaan at terorismo at pagpapatiwakal ng mga kulto, ito ay humihikayat ng diskriminasyon sa mga hindi kapananampalataya ng relihiyon, ito ay humihikayat sa pagkakaron ng mga hindi makatwiran at mga hindi siyentipikong paniniwala gaya ng paniniwala sa mga faith healer, ito ay paraan ng pagpapayaman at pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga pinuno at tagapagtatag ng relihiyon, ito ay sumusupil sa pagsulong ng agham (kung ang agham ay sumasalungat sa paniniwala ng relihiyon), at marami pang iba. Ang relihiyon ay itinuturing ng mga kritiko na: opium ng masa, delusyon, lason, sakit sa pag-iisip, virus ng isipan, pagkontrol ng isipan, batay sa takot ng misteryoso, pagkatalo at kamatayan, isang saklay para sa mga taong may mahinang pag-iisip na nangangailangan ng lakas sa mga bilang, katamaran ng pag-iisip, batay sa kamangmangan at laban sa malayang pagsisiyasat, at iba pa.

Ayon sa mga siyentipikong pagsasaliksik, ang mga ilang anyo ng tumor o epilepsiya sa temporal lobe ay nauugnay sa sukdulang pagiging relihiyoso at ang mga tagapagtatag ng mga relihiyon ay  pinaniniwalaang posibleng dumanas nito. Ang ilang mga substansiya na tinatawag na entheogen ay pumupukaw sa mga karanasang espiritwal at mistikal. Mayroon ring mga pag-aaral sa phenomenon ng mistisismo at ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga aspeto ng mga karanasan ng isang mistiko at sa mga kaugnayan sa mga karanasan pang-aabuso sa kabataan nito. Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may schizophrenia ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga diyos o mesiyas, ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa. Sa isang pag-aaral ng mga pasyenteng may schizophrenia na nakaraang ipinasok sa hospital, ang 24% ay mayroong mga delusyong relihiyoso. Naipakita ng pag-aaral na ang mga indibidwal na may schizophrenia na dumaranas ng mga delusyong relihiyoso ay mas relihiyoso kesa sa mga hindi dumaranas ng mga delusyong ito. Naipakita rin ng pag-aaral na ang mga dumaranas ng mga delusyong relihiyoso ay mas malamang na hindi magpatuloy sa pangmatagalang paggamot ng schizophrenia ng mga ito. Ang mga halimbawa mula sa isang pag-aaral (Rudaleviciene et al 2008) sa Lithuania ng 295 pasyente ay nagpapakitang ang pinaka-karaniwang anyo ng delusyong relihiyoso sa mga babae ay ang pagiging santo at sa mga lalake ay pagiging diyos. Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng temporolimbic ng utak. (Ng 2007).

Ang mga siyentipiko ay naniniwalang ang mga tao ay nag-ebolob ng pagdeteta ng ahente bilang isang stratehiya ng pagpapatuloy. Sa mga sitwasyong hindi sigurado ng isang tao ang presensiya ng ahenteng intelihente gaya ng kaaway o predator, may kahalagahang pagpapatuloy sa pagpapalagay ng presensiya nito upang ang mga pag-iingat ay makuha. Halimbawa, kung ang isang tao ay nakakita ng isang bakas sa lupa na maaring bakas ng paa ng isang leon, mas mapapakinabangan na magkamali sa panig ng pag-iingat at magpalagay na ang leon ay umiiral. Ang mga siyentipiko ay naniniwalang ang paniniwala sa mga manlilikhang diyos ay isang resulta ng deteksiyon ng ahente. Ang isang spandrel ay isang hindi-umaangkop na katangian na nabubuo bilang ikalawang epekto ng isang umaangkop na katangian. Ang katangiang sikolohikal ay kung narinig mong naputol ang sanga sa gubat, ang isang may kamalayang pwersa ay malamang na nasa likod nito. Ang katangiang sikolohikal na ito ay pumigil sa primado na mapatay o makain bilang pagkain. Gayunpamn, ang katangiang ito ay maaaring manatili sa mga modernong tao, kaya ang mga ebolusyonaryong sikologo ay nagteoriya na kahit pa ang pagkaputol ng sanga ay sinanhi ng hangin, ang mga modernong tao ay magagawi pa ring magturo ng tunog ng pagkaputol sa isang ahenteng may kamalayan; kanilang tinatawag ang ahenteng ito na isang diyos.
Iminungkahi ni Freud na ang mga malalaking utak ng mga tao na nagebolb sa ibang mga kadahilanan ay humantong sa kamalayan. Ang pasimula ng kamalayan ay pumwersa sa mga tao na makitungo sa konsepto ng kamatayang pansarili ng mga ito. Ang relihiyon ay maaaring isang solusyon sa problemang ito.

Ang ilang mga mananaliksik ay nagmungkahi ng mga spesipikong prosesong sikolohikal na maaaring inangkop para sa relihiyon. Ang gayong mga mekanismo ay maaaring kinabibilangan ng kakayahan na maghinuha ng presensiya ng mga organismo na maaaring makapinsala (deteksiyon ng ahente), ang kakayahan na makatuklas ng mga nagsasanhing salaysay para sa mga pangyayari sa kalikasayan (etiolohiya) at kakayahan na makakilala na ang ibang mga tao ay may mga sariling pag-iisip na may mga sariling paniniwala, pagnanais at mga intensiyon (teoriya ng isip). Ang tatlong mga pag-aangkop na ito bukod pa sa iba ay pumapayag sa mga tao na makaisip ng mga may layuning ahente sa likod ng maraming mga oberserbasyon na hindi maipapaliwanag kung wala nito gaya halimbawa ng sa kidlat, kulog, paggalaw ng mga planeta at iba pa.

Maraming mga teoriya ng relihiyon ay mga teoriya ng pagkakaisang panlipunan na nakakakita sa relihiyon bilang nag-ebolb upang palakasin ang pakikipagtulungan at pagkakaisa sa loob ng mga pangkat. Ang pagiging kasapi ng pangkat ay nagbibigay naman ng mga pakinabang na makakapagpalakas ng mga tsansa ng indibidwal na makapagpatuloy at makapagparami. Ang mga teoriyang ito ay maaaring makatulong na magpaliwanag ng mga masakit o mapanganib na kalikasan ng maraming mga ritwal na panrelihiyon. Ang teoriyang maggastos na paghuhudyat ay nagmumungkahing ang mga gayong ritwal ay maaaring magsilbi bilang pampubliko at mahirap na ipekeng mga hudyat na ang paglalaan ng sarili sa pangkat ay tapat. Dahil may malaking pakinabangan sa pagtatangkang dayain ang sistema o pagsasamantala sa mga pakinabang ng pamumuhay sa isang pangkat ng hindi kumukuha ng anumang mga posibleng paggugol, ang ritwal ay hindi isang simpleng bagay na hindi maseseryoso. Ang digmaan ay isang mabuting halimbawa ng isang gastos ng pamumuhay sa pangkat. Sina Richard Sosis, Howard C. Kress, at James S. Boster ay nagsagawa ng isang survey sa maraming mga kultura na nagpapakita na ang mga lalake sa mga lipunang nakikidigma ay sumasailalim sa sa mga pinakamagastos na mga ritwal.




#Article 61: Pasig (998 words)


Ang Lungsod ng Pasig () ay isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay napapaligiran sa kanluran ng Lungsod Quezon at Mandaluyong; sa hilaga ng Marikina; sa timog ng Makati, bayan ng Pateros, at Taguig; at sa silangan ng lungsod ng Antipolo, bayan ng Cainta at Taytay ng lalawigan ng Rizal.

Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong nagiging isang lumalagong pangkalakalan (commercial) na lugar. Dahil nga dating kabisera ng Rizal, ang dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo ng Shaw Boulevard.

Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas (bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).

Ang pangalan Pasig ay pinaniniwalaang galing sa salitang Sanskrit na passis o buhangin na tumutukoy sa komunidad sa mabuhangin gilid ng ilog. Ang ilang histoyardor naman ay sinasabing galing ang pangalan ng Pasig sa salitang Tagalog na 'mabagsik' na nangangahulugang marahas na pagkilos na maaaring maglarawan ng ilog na kung saan ang agos ay nagdadala nang mga kahoy mula Montalban patungong Manila

Ito ay tinatawag ding mapaksik ng mga Intsik sa Binondo, Maynila. Ang Mapaksik kalauna'y naging Pasik at pagkatapos ay Pasig. Maari ding galing ito sa pasigan na nangangahulugan tabi ng ilog.

Ayon kay Jose Villa Panganiban, dating direktor ng Institusyon ng Pambansang Wika, ang Pasig ay lumang Sanskrit na tumutukoy sa ilog na umaagos mula sa isang katawan ng tubig patungo sa iba, at sa madaling sabi ay naglalarawan sa ilog dahil sa pagdaloy mula sa Lawa ng Laguna patungong Manila Bay.

Noong 11 Hunyo 1901 ang mga lalawigan ng Rizal ay nilikha sa pamamagitan ng Batas bilang 137 ng Komisyon ng Pilipinas. Ang Pasig ay isinama sa lalawigan ng Rizal, at siya ang hinirang bilang kabisera ng bagong lalawigan.

Taong 1975, ang Pasig ay inalis sa lalawigan Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila nang ang Komisyon ng Kalakhang Maynila (ang pinagmulan ng Metro Manila Authority at sa katagala'y ang Metropolitan Manila Development Authority) ay nilikha sa ni pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential decree 824.

Hulyo 1994, ang Pasig ay na-convert sa isang mataas na urbanisadong lungsod sa pamamagitan ng Batas Republika bilang 7829. At noong Disyembre ng taong 1994, nilagdaan ito ni pangulong Fidel V. Ramos bilang isang batas, na sinang-ayunan naman ng mga tao sa ginanap na plebisito noong 21 Enero 1995.

Ang Lungsod ng Pasig ay nahahati sa 30 mga barangay. Ito ay may dalawang mga heograpikal o mga distrito ng lungsod. Ang unang distrito ay binubuo nang timog at kanluran bahagi ng lungsod, habang ang pangalawang distrito ay binubuo ng hilaga at silangang bahagi ng lungsod.

Sa kanluran hangganan ng Pasig, at pinagtatalunang mas makabuluhang silangang bahagi ng Lungsod ng Mandaluyong, ay matatagpuan ang Ortigas Center. Bilang isa sa mga pangunahing distrito ng negosyo sa kalungsuran, iba't-ibang mataas na gusali ng opisina, residential condominiums, gusaling pangkalakalan (commercial), mga paaralan at mga malls ang matatagpuan dito. Ang Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko (UA  P), ang isa sa mga pinaka-eksklusibong unibersidad sa bansa, ay matatagpuan dito, pati na rin ang punong tanggapan ng Integrated Bar ng Pilipinas. Nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Ortigas Center ang bakuran ng Meralco, tahanan at punong himpilan ng Meralco (Manila Electric Company), ang pinakamalaking kompanya  na namamahagi ng dagitab sa Pilipinas. Ang punong himpilan ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas, na tahanan ng isa sa sahig kalakalan sa bansa, ay matatagpuan din dito. Ang punong-himpilan ng San Miguel Corporation, may-ari ng pinakamalaking producer ng serbesa sa Pilipinas, ay matatagpuan din dito. Dahil sa mga negosyo at mga pamumuhunan sa Ortigas Center, ang barangay San Antonio ang may pinakamalaking kita para sa isang lokal na yunit ng pamahalaan sa bansa.

Kasama sa mga hindi malilimot sa Ortigas Avenue at E. Rodriguez Jr. Avenue (C-5) ay ang Frontera Verde, isang bagong pribadong pagpapaunlad na lugar na mayroong restoran, pet shop, mall, parke, village, gusaling tanggapan at isang maliit na zoo. Ang El-Pueblo, ang isang may temang kolonyal na pangkalakalan (commercial) na lugar sa Ortigas Center, ay nagbibigay ng mga bagong konsepto ng cafe's, mga restoran at mga bar. Metrowalk (ang dating Payanig), isang pangkalakalan (commercial) na lugar sa kahabaan ng Ortigas Avenue at Meralco Avenue, ay itinayo noong 2005 malapit sa Ortigas Center na kung saan mayroong mga tindahan, warehouses, at mga mga restoran at mga bar.

Ang Medical City, sa isang pribadong pagamutan na matatagpuan malapit sa bakuran ng Meralco sa kahabaan ng Ortigas Avenue, ay nag-aalok ng ilang taong karanasan sa pagpapatakbo at pamamahala na naglilingkod hindi lamang sa mamamayan ng Pasig kundi pati na rin sa ibang mga bayan.

Ang Rizal High School, isa sa itinuturing na pinakamalalaking sekundaryang paaralan sa buong mundo ayon sa bilang ng mag-aaral, ay matatagpuan sa Pasig. Dating itinanghal ng Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness bilang pinakamalaking paaralan na may may bilang ng mga mag-aaral, ito ay dinaig ng City of Montessori School (CMS) sa Lucknow, India.

Ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, ang isang unibersidad na pagmamay-ari ng estado ay matatagpuan sa Kapasigan, nag-aalok ng mga kurso sa antas para sa mahihirap ngunit matatalino at karapat-dapat na mga residente ng Pasig. Ito ay itinatag sa ilalim ng paninilbihan ni Vicente C. Eusebio noong 1999.

Ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Pasig (PCSHS) ay ang unang Mataas na Paaralang Pang-agham sa Pasig. Ito ay matatagpuan malapit sa Rainforest, ang isang pampublikong resort na itinatanghal ang zoo, park, swimming pool at iba pang mga pasilidad ng pagsasaya.

Ang PhilSports Complex o ang Philippine Institute of Sports Complex (dating ULTRA) ay isang bantog na pambansang sports complex ng Pilipinas. Matatagpuan sa Meralco Avenue, dito makikita ang tanggapan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ang ilang mga National Sports Associations.




#Article 62: Atomo (9789 words)


Ang atomo ay ang pinakamaliit na parte ng ordinaryong materya na mayroong mga katangian ng kemikal na elemento. Ang bawat solido, likido, gas, at plasma ay naglalaman ng mga niyutral na atomo.
Napakaliit ng mga atomo, ang kanilang mga tipikal na laki ay nasa isang daang pikometro. 
Sa sobrang liit ng mga atomo, ang pagsubok sa paghula ng ugali ng mga ito gamit ang klasikal na pisika, kagaya nang pagtrato  sa mga atomo bilang mga bola ng bilyar ay nagreresulta ng mga maling prediksyon.
Sa pamamagitan ng pagsulong ng pisika, ang mga modelong atomo ay may sangkap ng mga prinsipyo ng quantum upang mas maiging ma-ipaliwanag at mahulaan ang pag-uugali na ito.

Ang bawat atomo ay binubuo ng nukleyus at isa o higit pang elektron na naka-palibot sa nukleyus. 
Ang nukleyus ay binubuo ng isa o higit pang protons at neutron na may karaniwang parehong bilang.
Mahigit 99.94% ng bigat ng atomo ay nasa nukleyus nito. 
Ang mga protons ay mayroong positibong electric charge, ang mga elektron naman ay mayroong negatibong electric charge, at ang mga neutrons ay walang electric charge. 
Kung pareho ang bilang ng mga protons at elektrons, ang atomo ay niyutral. 
Kung ang atomo ay may higit o mas mababang bilang ng elektron kaysa sa protons, mayroon itong kabuoang negatibo o positibong charge, ayon sa pagkakabanggit, at tinatawag itong ion. 

Ang mga electron ng isang atom ay naaakit sa mga protons sa isang atomic nucleus sa pamamagitan ng ito elektromagnetismo. Ang mga protons at neutrons sa nucleus ay naaakit sa bawat isa sa pamamagitan ng isang iba 't ibang mga lakas, ang mga nuclear force, na kung saan ay karaniwang mas malakas kaysa sa electromagnetic puwersa repelling ang mga positibo sisingilin protons mula sa isa' t isa. Sa ilalim ng ilang mga pangyayari, ang repelling elektromagnetismo ay nagiging mas malakas kaysa sa nuclear force, at nucleon maaaring ipinalabas mula sa nucleus, umaalis sa likod ng isang iba ' t ibang mga elemento: nuclear pagkabulok na nagreresulta sa nuclear pagpapabagu-bago.

Ang bilang ng proton sa nukleyo ay tumutukoy sa kung ano ang kemikal na elemento ang atom ay kabilang ang: halimbawa, ang lahat ng tanso atoms naglalaman ng 29 protons. Ang bilang ng neutron tumutukoy sa mga isotopo ng mga elemento. Ang bilang ng mga electron impluwensya ang magnetic katangian ng isang atom. Mga Atoms ay maaaring maglakip sa isa o higit pang mga atomo sa pamamagitan ng kemikal bono upang bumuo ng mga compounds kemikal tulad ng molecules. Ang kakayahan ng mga atoms upang iugnay at maghiwalay ay responsable para sa karamihan ng mga pisikal na mga pagbabago na-obserbahan sa likas na katangian at ito ay ang paksa ng ang disiplina ng kimika.

Ang ideya na ang mga bagay na ito ay binubuo ng hiwalay na mga yunit ay isang napaka-lumang ideya, na lumilitaw sa maraming sinaunang kultura tulad ng Greece at Indya. Ang salitang atom ay likha sa pamamagitan ng mga sinaunang griyego philosophers na ang Nakalilipas at ang kanyang mga mag-aaral Democritus. Gayunpaman, ang mga ideya ay itinatag sa pilosopiko at teolohiko pangangatwiran sa halip na katibayan at pag-eksperimento. Bilang isang resulta, ang kanilang mga pananaw sa kung ano ang atoms hitsura at kung paano kumikilos ang mga ito ay hindi tama. Sila rin ay hindi maaaring kumbinsihin ang lahat ng tao, kaya leucipo ay ngunit ang isa sa isang bilang ng mga pagtutunggali ng mga theories sa likas na katangian ng mga bagay na ito. Ito ay hindi hanggang sa ika-19 na siglo na ang mga ideya ay niyakap at pino sa pamamagitan ng mga siyentipiko, kapag ang blossoming agham ng kimika ginawa tuklas na lamang ang konsepto ng mga atoms ay maaaring ipaliwanag.

Sa unang bahagi ng 1800s, John Dalton na ginagamit ang konsepto ng atomo upang ipaliwanag kung bakit ang mga elemento laging reaksyon sa mga ratio ng mga maliliit na mga buong numero (ang batas ng maramihang mga sukat). Halimbawa, mayroong dalawang uri ng mga lata oksido: ang isa ay 88.1% lata at 11.9% oxygen at ang iba pang ay 78.7% lata at 21.3% oxygen (tin(II) oksaid at tin dioxide ayon sa pagkakabanggit). Ito ay nangangahulugan na ang 100g ng lata ay pagsamahin ang alinman sa 13.5 g o 27g ng oxygen. 13.5 at 27 form ng isang ratio ng 1:2, isang ratio ng mga maliliit na mga buong numero. Ito ang mga karaniwang pattern sa kimika iminungkahing upang Dalton na mga elemento ng reaksyon sa multiple ng hiwalay na mga yunit #x2014; sa ibang salita, ang atomo. Sa kaso ng mga lata oxides, isang lata ng atom ay pagsamahin na may alinman sa isa o dalawang atoms oxygen.

Dalton naniniwala rin atomic teorya ay maaaring ipaliwanag kung bakit ang tubig sumisipsip ng iba 't ibang mga gas sa iba' t-ibang mga sukat. Halimbawa, siya ay natagpuan na ang tubig sumisipsip ng carbon dioxide malayo mas mahusay kaysa sa ito sumisipsip ng nitrogen. Dalton hypothesized na ito ay dahil sa ang pagkakaiba sa pagitan ng masa at mga configuration ng gas sa kani-kanilang mga particle, at mga molecules ng carbon dioxide (CO2) ay mas mabigat at mas malaki kaysa sa nitrogen molecule (N2).

Sa 1827, nerd Robert Brown gumamit ng isang mikroskopyo upang tumingin sa mga butil ng alikabok na nakalutang sa tubig at natuklasan na sila ay inilipat tungkol sa erratically, isang hindi pangkaraniwang bagay na ay naging kilala bilang Brownian motion. Ito ay naisip na sanhi ng molecule ng tubig katok ang mga butil ng tungkol sa. Sa 1905, Albert Einstein di-napatutunayang ang katotohanan ng mga molecule at ang kanilang mga galaw sa pamamagitan ng paggawa ng unang Statistical physics pagtatasa ng Brownian motion. pranses pisisista Jean Perrin ginagamit ng Einstein ' s trabaho sa pagtuklas matukoy ang masa at mga sukat ng mga atoms, at sa gayon ay conclusively pag-verify ng Dalton atomic teorya.

Ang pisisista J. J. Thomson sinusukat ang masa ng katod ray, na ipinapakita ang mga ito ay ginawa ng mga particle, ngunit ay sa paligid ng 1800 beses na mas magaan kaysa sa mga lightest atom, hydrogen. Samakatuwid, ang mga ito ay hindi mga atoms, ngunit isang bagong maliit na butil, ang unang mga subatomic particle na natuklasan, kung saan siya orihinal na tinatawag na korpuskulo ngunit sa kalaunan ay pinangalanan elektron, pagkatapos ang mga particle na postulated sa pamamagitan ng George Johnstone Stoney sa 1874. Siya rin ay nagpakita na sila ay magkakahawig na mga particle ibinigay off sa pamamagitan ng photoelectric at radioactive na materyales. Ito ay mabilis na kinikilala na ang mga ito ay ang mga particle na magdala ng mga de-kuryenteng alon sa metal wire, at dalhin ang mga negatibong elektrikong karga sa loob ng atoms. Thomson ay ibinigay ang 1906 Nobel Prize sa Physics para sa mga ito sa trabaho. Kaya siya binawi ang paniniwala na ang mga atomo ay ang mga hindi mapaghihiwalay, tunay na ang mga particle ng matter. Thomson din na hindi tama ang naghaka-haka na ang mababang mass, negatibong sisingilin electron ay ipinamamahagi sa buong atom sa isang pare-dagat ng positibong bayad. Ito ay naging kilala bilang ang plum pudding model.

Sa 1909, Hans Geiger at Ernest Marsden, sa ilalim ng direksyon ni Ernest Rutherford, bombarded isang metal foil na may alpha particle upang obserbahan kung paano ang mga ito na nakakalat sa. Sila ay inaasahan ang lahat ng mga alpha particle upang pumasa sa tuwid sa pamamagitan ng sa maliit na pagpapalihis, dahil Thomson ' s modelo sinabi na ang mga singil sa mga atom ay kaya kalat na ang kanilang mga electric mga patlang ay maaaring hindi makakaapekto sa ang alpha particle magkano. Gayunpaman, Geiger at Marsden batik-batik alpha particle pagiging pinalihis sa pamamagitan ng mga anggulo na mas malaki kaysa sa 90°, na kung saan ay dapat na maging imposible ayon sa Thomson ' s modelo. Upang ipaliwanag ito, Rutherford ipinanukalang na ang mga positibong singil ng ang atom ay puro sa isang maliit na nucleus sa gitna ng ang atom.

Habang nag-eeksperimento sa mga produkto ng radioactive pagkabulok, sa 1913 radiochemist Frederick Soddy natuklasan na may lumitaw na maging higit pa sa isang uri ng atom sa bawat posisyon sa periodic table. Ang kataga ng mga isotopo ay likha sa pamamagitan ng Margaret Todd bilang isang angkop na pangalan para sa iba ' t ibang mga atoms na nabibilang sa parehong mga elemento. J. J. Thomson lumikha ng isang diskarte para sa isotope paghihiwalay sa pamamagitan ng kanyang trabaho sa ionized gas, na kung saan sa dakong huli na humantong sa ang pagtuklas ng matatag isotopes.

Sa 1913 ang pisisista Niels Bohr iminungkahi ng isang modelo na kung saan ang mga electron ng isang atom ay ipinapalagay na nag-oorbit sa nucleus ngunit maaari lamang gawin ito sa isang tiyak na hanay ng mga orbit, at maaaring lumipat sa pagitan ng mga orbit lamang sa hiwalay na mga pagbabago ng enerhiya na naaayon sa pagsipsip o radiation ng isang poton. Ang mga quantization ay ginamit upang ipaliwanag kung bakit ang mga electron mga orbit ay matatag (ibinigay na normal na, ang mga singil sa acceleration, kabilang ang mga pabilog na galaw, mawalan ng kinetiko enerhiya na kung saan ay ipinapalabas tulad ng electromagnetic radiation, tingnan synchrotron radiation) at kung bakit ang mga elemento na maunawaan at naglalabas ng electromagnetic radiation sa hiwalay spectra.

Mamaya sa parehong taon Henry Moseley na ibinigay ng karagdagang mga pang-eksperimentong katibayan sa pabor ng Niels Bohr ' s theory. Ang mga resulta ng paghahanap pino Ernest Rutherford's at Antonius Van den Broek's modelo, na kung saan iminungkahi na ang mga atom ay naglalaman ng sa kanyang nucleus ng isang bilang ng mga positibong nuclear singil na katumbas nito (atomic) bilang sa periodic table. Hanggang sa mga eksperimento, atomic numero ay hindi kilala sa isang pisikal at pang-eksperimentong mga dami. Na ito ay katumbas ng atomic nuclear bayad ay nananatiling ang tinanggap atomic modelo ngayon.

Mga kemikal na bono sa pagitan ng mga atoms ay ngayon ipinaliwanag, sa pamamagitan ng Gilbert Newton Lewis sa 1916, pati na ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kanilang mga manghahalal mga electron. Pati na ang mga kemikal na mga katangian ng ang mga elemento ay kilala sa kalakhan ulitin ang kanilang mga sarili ayon sa mga pana-panahong mga batas, noong 1919 ang American botika Irving Langmuir iminungkahing na ito ay maaaring ipinaliwanag kung ang mga elektron sa isang atomo ay konektado o tinipong sa ilang mga paraan. Mga grupo ng mga electron ay naisip na sumasakop sa isang hanay ng mga elektron shell tungkol sa nucleus.

Ang Stern–Gerlach na eksperimento ng 1922 ibinigay sa karagdagang katibayan ng quantum likas na katangian ng atomic mga katangian. Kapag ang isang sinag ng pilak atoms ay pumasa sa pamamagitan ng isang espesyal na hugis-magnetic field, ang ngiti ay split sa isang paraan na sang-ayon sa direksyon ng isang atom ng angular momentum, o iikot. Bilang na ito iikot direksyon ay una random, ang ngiti ay inaasahan upang magpalihis sa isang random na direksyon. Sa halip, ang mga ngiti ay split sa dalawang itinuro ng mga bahagi, na naaayon sa ang atomic iikot pag-oriented up o down na may paggalang sa ang magnetic field.

Sa 1925 Werner Heisenberg na-publish ang unang pare-pareho ang matematika pagbabalangkas ng quantum mechanics (Matris Mechanics). sa Isang taon mas maaga, sa 1924, Louis de Broglie ay iminungkahi na ang lahat ng mga particle kumilos sa isang lawak tulad ng mga waves at, sa 1926, Erwin Schrödinger na ginagamit sa ideya na ito upang bumuo ng isang matematikal na modelo ng atomo (Wave Mechanics) na inilarawan ang mga electron bilang tatlong dimensiyonal na waveforms sa halip na punto ng mga particle. 

Isang kalalabasan ng paggamit ng waveforms upang ilarawan ang mga particle na ito ay na ito ay mathematically imposible upang makakuha ng tumpak na halaga para sa parehong mga posisyon at momentum ng isang maliit na butil sa isang ibinigay na punto ng oras; ito ay naging kilala bilang ang kawalan ng katiyakan prinsipyo, formulated sa pamamagitan ng Werner Heisenberg sa 1927. Sa ganitong konsepto, para sa isang naibigay na katumpakan sa pagsukat ng isang posisyon sa isa ay maaaring lamang makakuha ng isang hanay ng mga malamang na mga halaga para sa momentum, at vice versa.
Modelo na ito ay magagawang upang ipaliwanag ang mga obserbasyon ng atomic pag-uugali na sa nakaraang mga modelo ay maaaring hindi, tulad ng tiyak na istruktura at parang multo na mga pattern ng mga atoms mas malaki kaysa sa hydrogen. Kaya, ang planetary modelo ng atomo ay itinapon sa pabor ng isa na inilarawan sa atomic orbital zone sa palibot ng nucleus kung saan ang isang ibinigay na elektron ay pinaka-malamang na ma-obserbahan.

Ang pag-unlad ng mass spektrometer pinapayagan ang mga masa ng mga atoms upang ma-sinusukat sa nadagdagan katumpakan. Ang aparato ay gumagamit ng isang pang-akit upang yumuko ang tilapon ng isang sinag ng ions, at ang halaga ng pagpapalihis ay natutukoy sa pamamagitan ng ang ratio ng isang atom ng masa sa kanyang mga singil. Ang botika Francis William Aston na ginagamit ito sa mga instrumento upang ipakita na ang mga isotopo ay nagkaroon ng iba ' t ibang mga masa. Ang atomic mass ng mga isotopes iba ' t-ibang sa pamamagitan ng mga halaga ng integer, na tinatawag na mga buong numero sa patakaran. Ang mga paliwanag para sa mga iba ' t ibang mga isotopes kasabik-sabik ang pagtuklas ng neutron, isang uncharged maliit na butil na may isang masa katulad ng proton, sa pamamagitan ng pisisista James Chadwick sa 1932. Isotopes ay pagkatapos ay ipinaliwanag bilang mga elemento na may parehong bilang ng mga protons, ngunit iba ' t ibang mga numero ng neutrons sa loob ng nucleus.

Sa 1938, ang aleman botika Otto Hahn, ang isang mag-aaral ng Rutherford, nakadirekta sa neutrons papunta sa yureyniyum atoms umaasa upang makakuha ng transuranium mga elemento. Sa halip, ang kanyang mga kemikal na mga eksperimento ay nagpakita ng barium bilang isang produkto. ang Isang taon mamaya, Lise Meitner at ang kanyang pamangking lalaki Otto Frisch - verify na Hahn ' s resulta ay ang unang pang-eksperimentong mga nuclear fission. Sa 1944, Hahn natanggap ang Nobel prize sa kimika. Sa kabila ng Hahn ' s pagsisikap, ang mga kontribusyon ng Meitner at Frisch ay hindi kinikilala.

Sa 1950s, ang pag-unlad ng pinabuting maliit na butil accelerators at maliit na butil detector pinapayagan ang mga siyentipiko upang pag-aralan ang mga epekto ng mga atoms paglipat sa mataas na energies. Neutrons at protons ay nahanap upang maging mga hadron, o composites ng mas maliit na mga particle na tinatawag na quarks. Ang standard na modelo ng tipik physics ay binuo na sa ngayon ay matagumpay na ipinaliwanag ang mga katangian ng nucleus sa mga tuntunin ng mga sub-atomic particle at ang mga pwersa na pamahalaan ang kanilang mga pakikipag-ugnayan.

Kahit na ang mga salita atom orihinal na naka-denote ng isang maliit na butil na hindi maaaring i-cut sa mas maliit na particle, na sa modernong pang-agham na paggamit ng ang atom ay binubuo ng iba ' t ibang mga subatomic particle. Ang mga manghahalal mga particle ng atom ay ang elektron, proton at neutron; lahat ng tatlong ay ang mga fermion. Gayunpaman, ang hydrogen-1 atom ay walang neutrons at ang hydron ion ay walang mga electron.

Ang elektron ay sa pamamagitan ng malayo ang pinaka-napakalaking ng mga particle sa 6969911000000000000♠9.11×10-31#x20;kg, na may isang negatibong mga de-koryenteng singil at isang sukat na iyon ay masyadong maliit upang maging sinusukat gamit ang mga magagamit na mga pamamaraan. Ito ay ang lightest maliit na butil na may isang positibong natitirang bahagi ng masa sinusukat, hanggang sa ang pagtuklas ng mga neutrino masa. Sa ilalim ng mga ordinaryong mga kondisyon, ang mga electron ay nakasalalay sa mga positibo sisingilin nucleus sa pamamagitan ng ang pang-akit na nilikha mula sa tapat ng electric singil. Kung ang isang atom ay higit pa o mas kaunting mga electron kaysa sa kanyang atomic numero, pagkatapos ito ay nagiging ayon sa pagkakabanggit negatibo o positibo sisingilin bilang isang kabuuan; may kargang atom ay tinatawag na isang ion. Mga electron ay kilala dahil sa ang huli ng ika-19 na siglo, halos salamat sa J. J. Thomson; tingnan ang kasaysayan ng mga subatomic physics para sa mga detalye.

Protons magkaroon ng isang positibong singil at isang mass 1,836 beses na ng mga elektron, sa 6973167260000000000♠1.6726×10-27#x20;kg. Ang bilang ng mga protons sa isang atom ay tinatawag na nito atomic numero. Ernest Rutherford (1919) - obserbahan na ang nitrogen sa ilalim ng alpha-maliit na butil panganganyon ejects kung ano ang lumitaw na maging hydrogen nuclei. Sa pamamagitan ng 1920 siya ay tinanggap na ang hydrogen nucleus ay isang natatanging maliit na butil sa loob ng atom at pinangalanan ito proton.

Neutrons ay walang mga de-koryenteng singil at magkaroon ng isang libreng masa ng 1,839 beses sa masa ng elektron, o 6973169290000000000♠1.6929×10-27#x20;kg, ang heaviest ng tatlong mga manghahalal mga particle, ngunit ito ay maaaring nabawasan sa pamamagitan ng ang nuclear umiiral na enerhiya. Neutrons at protons (sama-sama na kilala bilang nucleon) ay maihahambing na mga sukat—sa pagkakasunud-sunod ng 6985250000000000000♠2.5×10-15#x20;m—kahit na ang mga 'ibabaw' ng mga particle ay hindi nang masakit na tinukoy. Ang neutron ay natuklasan sa 1932 sa pamamagitan ng ang ingles pisisista James Chadwick.

Sa mga Standard na mga Modelo ng pisika, ang mga electron ay tunay elementarya particle na may walang mga panloob na istraktura. Gayunman, ang parehong mga protons at neutrons ay pinaghalong mga particle na binubuo ng elementarya particle na tinatawag na quarks. Mayroong dalawang mga uri ng mga quark sa atoms, ang bawat isa sa pagkakaroon ng isang fractional electric singil. Protons ay binubuo ng dalawang up quark (bawat isa ay may bayad +2/3) at isa down na quark (na may isang singil ng −1/3). Neutrons binubuo ng isa hanggang quark at down na dalawang quarks. Pagkakaiba na ito mga account para sa mga pagkakaiba sa masa at singil sa pagitan ng dalawang mga particle.

Ang quark ay gaganapin sama-sama sa pamamagitan ng ang malakas na pakikipag-ugnayan (o malakas na puwersa), na kung saan ay mediated sa pamamagitan ng gluon. Ang mga protons at neutrons, na sa turn, ay gaganapin sa bawat isa sa nucleus sa pamamagitan ng nuclear force, na kung saan ay isang latak ng malakas na puwersa na ay medyo iba ' t ibang hanay ng mga katangian (tingnan ang artikulo sa nuclear force para sa higit pang mga). Ang gluon ay isang miyembro ng pamilya ng mga gauge boson, na kung saan ay elementarya particle na pumagitna ang pisikal na pwersa.

Ang lahat ng mga tinali protons at neutrons sa isang atom gumawa ng up ng isang maliit na atomic nucleus, at sama-sama na tinatawag na nucleon. Ang radius ng isang nucleus ay humigit-kumulang sa pantay-pantay sa 1.07#x20;3#x221A;ang Isang#x20;fm, kung saan ang Isang ay ang kabuuang bilang ng mga nucleon. Ito ay mas maliit kaysa sa ang radius ng ang atom, na kung saan ay sa pagkakasunud-sunod ng 105#x20;fm. Ang nucleon ay nakatali magkasama sa pamamagitan ng isang short-ranged kaakit-akit sa mga potensyal na tinatawag na ang mga natitirang malakas na puwersa. Sa distansya na mas maliit kaysa sa 2.5 fm puwersa na ito ay magkano ang mas malakas kaysa sa electrostatic lakas na nagiging sanhi ng positibo sisingilin protons upang maitaboy sa bawat isa.

Mga Atoms ng parehong elemento ay ang parehong bilang ng mga protons, na tinatawag na ang atomic numero. Sa loob ng isang solong elemento, ang bilang ng neutron ay maaaring mag-iba, sa pagtukoy ng mga isotopo ng na elemento. Ang kabuuang bilang ng mga protons at neutrons matukoy ang nabuo ang canao. Ang bilang ng neutron kamag-anak upang ang mga protons na tumutukoy sa katatagan ng nucleus, na may ilang mga isotopes sumasailalim sa radioactive pagkabulok.

Ang proton, ang mga elektron, at ang neutron ay naiuri bilang mga fermion. Fermion sundin ang Pauli exclusion prinsipyo na kung saan ipinagbabawal ang mga magkakahawig na mga fermion, tulad ng maramihang mga protons, na sumasakop mula sa parehong kabuuan ng estado sa parehong oras. Kaya, ang bawat proton sa nukleyo ay dapat maghawak ng isang kabuuan ng estado ng iba ' t-ibang mula sa lahat ng iba pang mga protons, at ang parehong nalalapat sa lahat ng mga neutrons ng nucleus at sa lahat ng mga electron sa ulap ng elektron.

Para sa mga atomo na may mababang atomic numero, isang nucleus na may higit pang mga neutrons kaysa protons ay may gawi na i-drop sa isang mas mababang estado ng enerhiya sa pamamagitan ng radioactive pagkabulok kaya na ang neutron–proton ratio ay mas malapit sa isa. Gayunpaman, bilang ang atomic numero ng pagtaas, ang isang mas mataas na proporsyon ng mga neutrons ay kinakailangan upang i-offset ang mga mutual na pagkasuklam ng protons. Kaya, doon ay walang matatag na nuclei na may pantay na mga proton at neutron mga numero sa itaas ng atomic numero ng Z = 20 (kaltsyum) at bilang Z ay nagdaragdag, ang mga neutron–proton ratio ng matatag isotopes ay nagdaragdag. Ang matatag isotope na may pinakamataas na proton–neutron ratio ay humantong-208 (tungkol sa 1.5).

Ang bilang ng mga protons at neutrons sa atomic nucleus ay maaaring mabago, kahit na ito ay nangangailangan ng napaka-mataas na energies dahil sa malakas na puwersa. Nuclear fusion ay nangyayari kapag ang maramihang mga atomic particle na sumali sa form ng isang mabigat na nucleus, tulad ng sa pamamagitan ng energetic banggaan ng dalawang nuclei. Halimbawa, sa core ng Araw protons nangangailangan ng mga energies ng 3-10 keV upang pagtagumpayan ang kanilang mga mutual na pagkasuklam—ng coulomb barrier—at piyus magkasama sa isang solong nucleus. Nuclear fission ay ang kabaligtaran proseso, na nagiging sanhi ng isang nucleus upang hatiin sa dalawang mas maliit na nuclei—karaniwang sa pamamagitan ng radioactive pagkabulok. Ang nucleus ay maaari ring mabago sa pamamagitan ng panganganyon sa pamamagitan ng mataas na enerhiya na mga subatomic particle o photon. Kung ito binabago ang bilang ng proton sa nukleyo ng atomo ng mga pagbabago sa isang iba ' t ibang mga kemikal na elemento.

Kung ang mga masa ng nucleus mga sumusunod na ng isang pagsasanib reaksyon ay mas mababa kaysa sa kabuuan ng mga masa ng mga hiwalay na mga particle, at pagkatapos ay ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga halaga ay maaaring maging napalabas bilang isang uri ng mga kapaki-pakinabang na enerhiya (tulad ng gamma ray, o ang kinetiko enerhiya ng isang beta maliit na butil), tulad ng inilarawan sa pamamagitan ng Albert Einstein's pagkakatumbas na masa–enerhiya na formula, ang E#x20;=#x20;mc2, kung saan m ay ang masa ng timbang at c ay ang bilis ng liwanag. Depisit na ito ay bahagi ng umiiral na enerhiya ng bagong nucleus, at ito ay ang di-makuha pagkawala ng enerhiya na nagiging sanhi ng mga fused mga particle upang manatili nang sama-sama sa isang estado na ito ay nangangailangan ng enerhiya upang paghiwalayin.

Ang pagsasanib ng dalawang nuclei na lumikha ng mas malaking mga nuclei na may mas mababang mga atomic numero kaysa sa iron at nickel—ng isang kabuuang nucleon bilang ng mga tungkol sa 60—ay karaniwang isang exothermic proseso na release ng mas maraming enerhiya kaysa ay kinakailangan upang dalhin ang mga ito sama-sama. ang mga Ito ay ang enerhiya na ilalabas ang proseso na gumagawa ng nuclear fusion sa mga bituin ng isang self-nagtutukod reaksyon. Para sa mas mabigat na nuclei, ang mga umiiral na enerhiya sa bawat nucleon sa nucleus ay nagsisimula upang bawasan. Iyon ay nangangahulugang ang pagsasanib ng mga proseso ng paggawa ng mga nuclei na magkaroon ng atomic numero ng mas mataas kaysa sa tungkol sa 26, at atomic masa na mas mataas kaysa sa tungkol sa 60, ay isang kontinental proseso. Ang mga mas malaki nuclei ay hindi maaaring sumailalim sa isang enerhiya-paggawa ng pagsasanib reaksyon na maaaring sang-ayunan ang hydrostatic punto ng balanse ng isang bituin.

Ang mga elektron sa isang atomo ay naaakit sa mga proton sa nukleyo sa pamamagitan ng elektromagnetismo. Ang puwersa na binds ang mga elektron sa loob ng isang electrostatic potensyal na rin ang mga nakapalibot na ang mga mas maliit na mga nukleyus, na kung saan ay nangangahulugan na ang isang panlabas na pinagmulan ng enerhiya ay kinakailangan para sa ang mga elektron upang makatakas. Ang mas malapit sa isang elektron ay upang ang nucleus, ang mas malaki ang kaakit-akit na puwersa. Samakatuwid electron nakatali malapit sa sentro ng ang mga potensyal na rin ang nangangailangan ng mas maraming enerhiya upang makatakas kaysa sa mga sa mas mataas na mga separations.

Mga electron, tulad ng iba pang mga particle, magkaroon ng mga katangian ng parehong isang maliit na butil at ang isang alon. Ang mga ulap ng elektron ay isang rehiyon sa loob ng mga potensyal na rin kung saan ang bawat elektron mga form ng isang uri ng tatlong-dimensional na nakatayo wave—wave form na ay hindi ilipat ang mga kamag-anak upang ang nucleus. Pag-uugali na ito ay tinukoy sa pamamagitan ng isang atomic orbital, isang mathematical function na characterizes ang posibilidad na ang isang elektron ay lilitaw upang maging sa isang partikular na lokasyon kapag ang posisyon nito ay sinusukat. Lamang ng isang hiwalay (o mga ) set ng mga bansa na umiiral sa palibot ng nucleus, bilang ng iba pang mga posibleng mga pattern ng wave mabilis na pagkabulok sa isang mas matatag na form. para sa Bansa ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang mga singsing o node kaayusan, at naiiba mula sa bawat isa sa sukat, hugis at orientation.

Ang bawat atomic orbital ay tumutugon sa isang partikular na antas ng enerhiya ng elektron. Ang elektron ay maaaring baguhin ang kanyang estado sa isang mas mataas na antas ng enerhiya sa pamamagitan ng lubhang kaganyak-ganyak ng isang poton na may sapat na enerhiya upang mapalakas ang mga ito sa bagong quantum estado. Gayon din naman, sa pamamagitan ng kusang-loob na pagpapalabas, ang isang elektron sa isang mas mataas na estado ng enerhiya ay maaaring i-drop sa isang mas mababang estado ng enerhiya habang radiate ang labis na enerhiya bilang isang poton. Ang mga katangian na enerhiya na mga halaga, na tinukoy sa pamamagitan ng ang pagkakaiba sa ang mga energies ng quantum unidos, ay responsable para sa atomic parang multo linya.

Ang halaga ng enerhiya na kinakailangan upang alisin o magdagdag ng isang elektron—ang elektron umiiral na enerhiya—ay malayo mas mababa kaysa sa umiiral na enerhiya ng nucleon. Para sa halimbawa, ito ay nangangailangan lamang ng 13.6#x20;eV upang i-strip ng lupa-estado elektron mula sa isang hydrogen atom, kumpara sa 2.23#x20;milyong eV para sa paghahati ng isang deuterium nucleus. Atoms ay electrically neutral na kung mayroon sila ng isang patas na bilang ng mga protons at electron. Atoms na magkaroon ng alinman sa isang kakulangan o kalabisan ng mga electron ay tinatawag na mga ions. Mga electron na ay pinakamalayo mula sa nucleus ay maaaring ilipat sa iba pang mga kalapit na atoms o ibinahagi sa pagitan ng mga atoms. Sa pamamagitan ng mekanismong ito, ang mga atoms ay magagawang upang bono sa molecules at iba pang mga uri ng compounds kemikal tulad ng ionic at ibang mga network ng mga kristal.

Sa pamamagitan ng kahulugan, ang anumang dalawang mga atoms sa isang magkatulad na bilang ng mga protons sa kanilang nuclei na nabibilang sa parehong mga kemikal na elemento. Atoms na may pantay na bilang ng mga protons ngunit sa isang iba 't ibang mga bilang ng neutron ay iba' t ibang mga isotopes ng parehong mga elemento. Halimbawa, ang lahat ng mga atoms ng hydrogen umamin eksaktong isang proton, ngunit isotopes umiiral sa walang neutron (hydrogen-1, sa pamamagitan ng malayo ang pinaka-karaniwang mga form, tinatawag din na protium), isang neutron (deuterium), dalawang neutrons (tritiyum) at higit sa dalawang neutrons. Ang mga elemento na kilala form ng isang hanay ng mga atomic numero, mula sa ang proton elemento ng hydrogen hanggang sa 118-proton elemento oganesson. ang Lahat ng mga kilalang mga isotopo ng mga elemento na may atomic numero ng mas malaki kaysa sa 82 ay radioactive, kahit na ang radyaktibidad ng mga elemento 83 (bismuth) ay kaya bahagyang bilang upang maging kapaki-pakinabang na paraan bale-wala.

Tungkol sa 339 nuclides mangyari nang natural sa Lupa, ng kung saan 254 (tungkol sa 75%) ay hindi nai-obserbahan sa pagkabulok, at ito ay tinutukoy bilang matatag isotopes. Gayunpaman, lamang ng 90 ng mga nuclides ay matatag sa lahat ng pagkabulok, kahit na sa teorya. Isa pang 164 (nagdadala ang kabuuang sa 254) ay hindi nai-obserbahan sa pagkabulok, kahit na sa teorya ito ay energetically ' t maaari. Ang mga ito ay pormal na ring nabansagang matatag. Isang karagdagang 34 radioactive nuclides magkaroon ng kalahati-buhay ng mas mahaba kaysa sa 80 milyong taon, at pang-nanirahan sapat upang maging kasalukuyan mula sa kapanganakan ng solar system. Ang koleksyon na ito ng 288 nuclides ay kilala bilang mula sa simula nuclides. Sa wakas, ang isang karagdagang 51 maikling-nanirahan nuclides ay kilala na mangyari sa natural na, tulad ng anak na babae ng mga produkto ng mula sa simula nabuo ang canao pagkabulok (tulad ng radyum mula sa uranium), o iba pa bilang mga produkto ng natural na masipag proseso sa Lupa, tulad ng cosmic ray na panganganyon (halimbawa, carbon-14).

Para sa 80 ng mga elemento ng kemikal, ng hindi bababa sa isang matatag isotope umiiral. Bilang isang panuntunan, doon ay lamang ng isang maliit na bilang ng mga matatag isotopes para sa bawat isa ng ang mga elemento, ang average na pagiging 3.2 matatag isotopes sa bawat elemento. Dalawampu ' t-anim na mga elemento na may lamang ng isang solong matatag isotope, habang ang pinakamalaking bilang ng mga matatag isotopes sinusunod para sa anumang elemento ay sampung, para sa ang mga elemento na gawa sa lata. Mga elemento 43, 61, at ang lahat ng mga elemento bilang 83 o mas mataas ay walang matatag isotopes.

Katatagan ng mga isotopo ay apektado sa pamamagitan ng ang ratio ng mga protons upang neutrons, at din sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ilang mga magic numero ng mga neutrons o protons na kumakatawan sa sarado at puno ng quantum shell. Ang mga quantum shell ay tumutugma sa isang hanay ng mga antas ng enerhiya sa loob ng shell modelo ng nucleus; na puno ng mga shell, tulad ng mga puno ng mga shell ng 50 protons para sa tin, isinasangguni hindi pangkaraniwang katatagan sa nabuo ang canao. Ng 254 kilala matatag nuclides, tanging ang apat na magkaroon ng parehong isang kakaiba bilang ng mga protons at kakaiba bilang ng neutron: hydrogen-2 (deuterium), lithium-6, boron-10 at nitrogen-14. Gayundin, tanging ang apat na natural na nagaganap, radioactive kakaibang–kakaiba nuclides magkaroon ng isang kalahati-buhay ng higit sa isang bilyong taon: potasa-40, vanadium-50, lanthanum-138 at tantalum-180m. Pinaka-kakaibang–kakaiba nuclei ay lubos na pabagu-bago na may paggalang sa beta pagkabulok, dahil ang mga produkto ng pagkabulok ay kahit na–kahit na, at samakatuwid ay higit na matindi ang nakasalalay, dahil sa nuclear pagpapares ng mga epekto.

Ang malaking karamihan ng isang atom masa ay mula sa mga protons at neutrons na gumawa ng up ang mga ito. Ang kabuuang bilang ng mga particle (na tinatawag na nucleon) sa isang atomo ay tinatawag na ang masa bilang. Ito ay isang positibong integer at dimensionless (sa halip ng pagkakaroon ng sukat ng masa), dahil ito ay nagpapahayag ng isang count. Isang halimbawa ng paggamit ng isang masa bilang na ito ay carbon-12, kung saan ay may 12 nucleon (anim na protons at anim na neutron).

Ang aktwal na masa ng isang atom sa natitirang bahagi ay madalas na ipinahayag sa paggamit ng pinag-isang atomic mass unit (u), tinatawag din na dalton (Da). Ang yunit na ito ay tinukoy bilang isang ikalabindalawa ng masa ng isang libreng neutral na atomo ng carbon-12, na kung saan ay humigit-kumulang 6973166000000000000♠1.66×10-27#x20;kg. Hydrogen-1 (ang lightest na isotope ng hydrogen na kung saan ay din ang nabuo ang canao na may pinakamababang mass) ay isang atomic timbang ng 1.007825#x20;u. Ang halaga ng ang bilang na ito ay tinatawag na ang atomic mass. Isang atomo ay isang atomic mass humigit-kumulang sa pantay-pantay (sa loob ng 1%) nito sa masa bilang ng mga oras atomic mass unit (halimbawa ang masa ng isang nitrogen-14 ay halos 14#x20;u). Gayunpaman, ang bilang na ito ay hindi eksakto ng isang integer maliban sa kaso ng karbon-12 (tingnan sa ibaba). Ang heaviest matatag atom ay humantong-208, sa isang masa ng mga 7002207976652100000♠207.9766521#x20;u.

Tulad ng kahit na ang pinaka-napakalaking mga atoms ay malayo masyadong liwanag upang gumana sa direkta, chemists sa halip na gamitin ang mga yunit ng mga moles. Isa taling ng mga atoms ng anumang elemento ay palaging ang parehong bilang ng mga atoms (tungkol sa 7023602200000000000♠6.022×1023). Ang bilang na ito ay pinili sa gayon kung ang isang elemento ay may isang atomic masa ng 1#x20;u, isang taling ng mga atomo ng na elemento ay may isang mass malapit sa isa gramo. Dahil sa ang kahulugan ng pinag-isang atomic mass yunit, ang bawat carbon-12 atom ay may isang atomic masa ng eksaktong 12#x20;u, at sa gayon ang isang taling ng carbon-12 atoms weighs eksakto 0.012#x20;kg.

Atoms kakulangan ng isang well-natukoy na mga panlabas na hangganan, kaya ang kanilang mga sukat ay karaniwang inilarawan sa mga tuntunin ng isang atomic radius. Ito ay isang sukatan ng ang layo out sa kung saan ang mga ulap ng elektron ay umaabot mula sa nucleus. Gayunpaman, ito ipinagpapalagay ang atom upang magpakita ng isang pabilog na hugis, na kung saan ay sinunod lamang para sa mga atoms sa vacuum o libreng espasyo. Atomic radii ay maaaring nagmula mula sa ang distansya sa pagitan ng dalawang nuclei kapag ang dalawang mga atoms ay sumali sa isang kemikal na bono. Ang radius ay nag-iiba sa ang lokasyon ng isang atom sa atomic tsart, ang uri ng mga kemikal na bono, ang bilang ng mga kalapit na atoms (koordinasyon number) at isang kwantum mekaniks ng ari-arian na kilala bilang iikot. Sa periodic table ng mga elemento, atom laki tends upang madagdagan kapag gumagalaw down na mga haligi, ngunit bumaba kapag gumagalaw sa kabuuan ng mga hilera (kaliwa pakanan). Dahil dito, ang pinakamaliit na atom ng helium ay may isang radius ng 32#x20;pm, habang ang isa ng ang pinakamalaking ay tsesiyum sa 225#x20;pm.

Kapag sumailalim sa panlabas na pwersa, tulad ng mga de-koryenteng mga patlang, ang hugis ng isang atom ay maaaring mag-iba mula sa spherical mahusay na proporsyon. Ang pagpapapangit ay depende sa ang field ng magnitude at ang orbital uri ng mga panlabas na shell electron, tulad ng ipinapakita sa pamamagitan ng mga grupo ng-panteorya pagsasaalang-alang. Aspherical deviations maaaring elicited halimbawa sa mga kristal, kung saan ang malaking kristal-mga de-koryenteng mga patlang ay maaaring mangyari sa mga mababang-mahusay na proporsyon sala-sala site. Makabuluhang ellipsoidal deformations ay nai-ipinapakita upang mangyari para sa kulay ng asupre ions at chalcogen ions sa pyrite-uri ng compounds.

Atomic sukat ay isang libong beses na mas maliit kaysa sa ang mga wavelength ng liwanag (400-700#x20;nm) kaya hindi sila maaaring matingnan gamit ang isang optical mikroskopyo. Gayunpaman, ang mga indibidwal na mga atoms ay maaaring obserbahan ang paggamit ng isang pag-scan ng tunneling mikroskopyo. Upang maisalarawan ang minuteness ng ang atom, isaalang-alang na ang isang tipikal na tao buhok ay tungkol sa 1#x20;milyong mga carbon atoms sa lapad. ang Isang solong drop ng tubig ay naglalaman ng tungkol sa 2#x20;sextillion (7021200000000000000♠2×1021) atomo ng oksiheno, at dalawang beses ang bilang ng mga atoms ng hydrogen. ang Isang solong karat diamond na may isang masa ng 6996200000000000000♠2×10-4#x20;kg naglalaman ng tungkol sa 10#x20;sextillion (1022) atomo ng carbon. Kung ang isang mansanas ay pinalaking sa laki ng Earth, pagkatapos ay ang mga atoms sa apple ay magiging humigit-kumulang ang laki ng orihinal na apple.

Ang bawat elemento ay may isa o higit pang mga isotopes na magkaroon ng mga hindi matatag na nuclei na ay napapailalim sa radioactive pagkabulok, na nagiging sanhi ng nucleus na naglalabas ng mga particle o electromagnetic radiation. Radyaktibidad ay maaaring mangyari kapag ang radius ng isang nucleus ay malaki kumpara sa ang radius ng malakas na puwersa, na kung saan gawa lamang sa paglipas ng mga distansya sa pagkakasunud-sunod ng 1#x20;fm.

Ang pinaka-karaniwang paraan ng radioactive pagkabulok ay ang mga:

Iba pang mga higit pang mga bihirang mga uri ng radioactive pagkabulok isama ang pagbuga ng neutrons o protons o kumpol ng mga nucleon mula sa nucleus, o higit sa isang beta maliit na butil. Isang analog ng gamma pagpapalabas na kung saan ay nagbibigay-daan nasasabik nuclei upang mawalan ng enerhiya sa isang iba ' t ibang paraan, ay mga panloob na mga conversion—isang proseso na gumagawa ng mataas na-bilis ng mga electron na hindi beta ray, na sinundan sa pamamagitan ng produksyon ng mga mataas na enerhiya na mga photons na hindi gamma ray. Ang ilang mga malalaking nuclei sumabog sa dalawa o higit pang mga sinisingil ng mga fragment ng iba ' t ibang mga masa plus ilang mga neutrons, sa isang pagkabulok tinatawag na kusang-loob nuclear fission.

Ang bawat radioactive isotope ay isang katangian ng pagkabulok na tagal ng panahon—ang kalahati-buhay—na ay natutukoy sa pamamagitan ng ang halaga ng oras na kinakailangan para sa kalahati ng isang sample sa pagkabulok. Ito ay isang exponential decay proseso na patuloy na bumababa ang bahagdan ng ang mga natitirang mga isotopo sa pamamagitan ng 50% sa bawat kalahating-buhay. Kaya pagkatapos ng dalawang kalahating-buhay ay lumipas lamang ng 25% ng mga isotopo ay naroroon, at iba pa.

Elementarya particle nagtataglay ng isang tunay na kwantum mekaniks ng ari-arian na kilala bilang iikot. Ito ay kahalintulad sa angular momentum ng isang bagay na ay umiikot sa paligid nito sa gitna ng masa, kahit na mahigpit na nagsasalita ang mga particle ay pinaniniwalaan na point-tulad ng at hindi maaaring sinabi na maging umiikot. Iikot ay sinusukat sa mga yunit ng nabawasan Planck pare-pareho (ħ), na may mga elektron, proton at neutron ang lahat ng pagkakaroon ng iikot ½ #x20;ħ, o spin-½. Sa isang atom, paggalaw ng mga electron sa palibot ng nucleus nagtataglay ng orbital angular momentum sa karagdagan sa kanilang mga paikutin, habang ang nucleus mismo ay nagtataglay ng angular momentum dahil sa kanyang nuclear iikot.

Ang magnetic field na ginawa sa pamamagitan ng isang atom—kanyang magnetic sandali—ay natutukoy sa pamamagitan ng mga iba ' t-ibang mga paraan ng angular momentum, lamang bilang isang umiikot na mga bagay na sisingilin classical na gumagawa ng isang magnetic field. Gayunman, ang pinaka-nangingibabaw na kontribusyon ay mula sa elektron magsulid. Dahil sa likas na katangian ng mga electron upang sundin ang Pauli exclusion prinsipyo, kung saan walang mga dalawang mga electron ay maaaring maging natagpuan sa parehong kabuuan ng estado, tinali electron pair up sa bawat isa, na may isang miyembro ng bawat pares sa isang magsulid-up ng estado at ang iba pang sa tapat, iikot down na estado. Kaya ang mga spins kanselahin ang bawat isa out, pagbabawas ng kabuuang magnetic dipole sandali sa zero sa ilang mga atoms na may kahit na bilang ng mga electron.

Sa ferromagnetic mga sangkap tulad ng bakal, kobalt at magtubog sa nikel, isang kakaiba bilang ng mga electron ay humahantong sa isang unpaired elektron at ang isang pangkalahatang net magnetic sandali. Ang orbitals ng mga kalapit na atoms overlap at ng isang mas mababang enerhiya estado ay nakakamit kapag ang spin ng unpaired mga electron ay nakahanay sa bawat iba pang mga, sa isang kusang-loob na proseso na kilala bilang isang exchange ng pakikipag-ugnayan. Kapag ang magnetic sandali ng ferromagnetic atoms ay may linya up, ang mga materyal ay maaaring makabuo ng isang masusukat na mga macroscopic patlang. Paramagnetic mga materyales na magkaroon ng mga atomo na may magnetic sandali na linya up sa random na mga direksyon kapag walang magnetic field ay kasalukuyan, ngunit ang mga magnetic na mga sandali ng mga indibidwal na mga atoms linya up sa ang presensya ng isang patlang.

Ang nucleus ng isang atom ay walang iikot kapag ito ay kahit na mga numero ng parehong mga neutrons at protons, ngunit para sa iba pang mga kaso ng kakaiba mga numero, ang nucleus ay maaaring magkaroon ng isang iikot. Normal na nuclei na may iikot ay nakahanay sa random na mga direksyon dahil sa thermal punto ng balanse. Gayunpaman, para sa tiyak na mga elemento (tulad ng sa xenon-129) ito ay posible upang kalabanin ang isang makabuluhang bahagdan ng nuclear iikot unidos sa gayon na sila ay nakahanay sa parehong direksyon—isang kondisyon na tinatawag na hyperpolarization. Ito ay may mahalagang aplikasyon sa magnetic resonance imaging.

Ang mga potensyal na enerhiya ng isang elektron sa isang atomo ay negatibo, ang pag-asa ng kanyang posisyon umabot sa minimum na (ang pinaka - absolute value) sa loob ng nucleus, at vanishes kapag ang distansya mula sa nucleus papunta sa kawalang-hanggan, humigit-kumulang sa isang kabaligtaran proporsyon sa ang distansya. Sa quantum-mekanikal mga modelo, ang isang nakatali elektron ay maaari lamang sumasakop sa isang hanay ng mga unidos nakasentro sa nucleus, at ang bawat estado ay kumakatawan sa isang tiyak na antas ng enerhiya; tingnan ang oras-independent Schrödinger equation para sa panteorya paliwanag. Ang isang antas ng enerhiya ay maaaring sinusukat sa pamamagitan ng ang halaga ng enerhiya na kinakailangan upang kalagan ang mga elektron mula sa mga atom, at ay karaniwang ibinigay sa mga yunit ng electronvolts (eV). Ang pinakamababang estado ng enerhiya ng isang nakagapos elektron ay tinatawag na ang mga lupa ng estado, ibig sabihin nakapirme estado, habang ang isang elektron paglipat sa isang mas mataas na antas na mga resulta sa isang nasasabik estado. Ang mga elektron ay enerhiya itataas kapag n ay nagdaragdag dahil ang (average) distansya sa nukleyo. Pag-asa ng enerhiya sa ℓ ay sanhi ng hindi sa pamamagitan ng electrostatic mga potensyal na ng nucleus, ngunit sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga electron.

Para sa isang elektron sa paglipat sa pagitan ng dalawang mga iba ' t-ibang mga estado, hal grawnded estado sa unang nasasabik na antas (ionization), ito ay dapat na maunawaan o naglalabas ng isang poton sa isang enerhiya ng pagtutugma ng mga pagkakaiba sa ang mga potensyal na enerhiya ng ang mga antas, ayon sa Niels Bohr modelo, kung ano ang maaaring maging tiyak kinakalkula sa pamamagitan ng ang Schrödinger equation.
Mga electron lumipat sa pagitan ng mga bansa sa isang maliit na butil-tulad ng fashion. Halimbawa, kung ang isang solong poton strike ang mga electron, lamang ng isang solong elektron pagbabago unidos bilang tugon sa poton; tingnan ang mga Elektron na mga katangian.

Ang enerhiya ng isang napalabas poton ay proporsyonal sa kanyang dalas, kaya ang mga tiyak na mga antas ng enerhiya lumitaw bilang natatanging band sa electromagnetic spectrum. ang Bawat elemento ay may isang katangian na spectrum na maaaring nakasalalay sa mga nuclear bayad, subshells napuno sa pamamagitan ng mga electron, ang electromagnetic mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga electron at iba pang mga kadahilanan.

Kapag ang isang tuloy-tuloy na spectrum ng enerhiya ay pumasa sa pamamagitan ng isang gas o plasma, ang ilang mga ng mga photons ay buyo sa pamamagitan ng mga atoms, na nagiging sanhi ng mga electron upang baguhin ang kanilang mga antas ng enerhiya. Mga nasasabik electron na mananatiling nakasalalay sa kanilang mga atom spontaneously sa naglalabas ito ng enerhiya bilang isang poton, naglalakbay sa isang random na direksyon, at kaya i-drop pabalik sa mas mababang antas ng enerhiya. Kaya ang mga atoms kumilos na tulad ng isang filter na mga form ng isang serye ng mga madilim na pagsipsip ng mga banda sa enerhiya output. (Isang tagamasid sa pagtingin ng mga atoms mula sa isang view na ay hindi isama ang tuloy-tuloy na spectrum sa background, sa halip na nakikita ng isang serye ng pagpapalabas ng mga linya mula sa mga photons na ipinapalabas sa pamamagitan ng mga atoms.) Spectroscopic sukat ng lakas at lapad ng atomic parang multo linya payagan ang komposisyon at pisikal na katangian ng isang bagay na tinutukoy.

Malapit na pagsusuri ng mga parang multo linya ay ipinapakita na ang ilang mga display ng isang masarap na istraktura ng malakas. Ito ay nangyayari dahil sa spin–orbit pagkabit, na kung saan ay isang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga spin at mga paggalaw ng ang pinakamalayo elektron. Kapag ang isang atom ay sa isang panlabas na magnetic field, parang multo ang mga linya maging hinati sa tatlong o higit pang mga bahagi; isang hindi pangkaraniwang bagay na tinatawag na ang Zeeman epekto. Ito ay sanhi ng pakikipag-ugnayan ng magnetic field gamit ang magnetic sandali ng atom at ang mga electron. Ang ilang mga atoms ay maaaring magkaroon ng maramihang mga elektron configuration na may parehong antas ng enerhiya, na kung saan sa gayon ay lumitaw bilang isang solong parang multo linya. Ang pakikipag-ugnayan ng magnetic field sa atom nagbabago ang mga elektron configuration sa bahagyang iba ' t ibang mga antas ng enerhiya, na nagreresulta sa maramihang mga parang multo linya. Ang pagkakaroon ng isang panlabas na de-kuryenteng mga patlang ay maaaring maging sanhi ng isang maihahambing na paghahati ng pang-at paglilipat ng mga parang multo linya sa pamamagitan ng pagbabago ang mga elektron na mga antas ng enerhiya, isang hindi pangkaraniwang bagay na tinatawag na ang Naninigas na epekto.

Kung ang isang nakatali elektron ay sa isang nasasabik estado, ang isang pakikipag-ugnay poton ng tamang enerhiya ay maaaring maging sanhi ng stimulated sa pagpapalabas ng isang poton na may isang pagtutugma ng mga antas ng enerhiya. Para sa mga ito upang mangyari, ang mga elektron ay dapat drop sa isang mas mababang estado ng enerhiya na ay isang enerhiya pagkakaiba ng pagtutugma ng mga enerhiya ng pakikipag-ugnay poton. Ang napalabas photon at ang mga pakikipag-ugnayan poton pagkatapos ay ilipat off sa parallel at sa pagtutugma ng phases. Iyon ay, ang mga pattern ng wave ng dalawang photons ay naka-synchronize. Ang mga pisikal na ari-arian ay ginagamit upang gumawa ng laser, na kung saan ay maaaring magbigay ng isang maliwanag na sinag ng liwanag enerhiya sa isang makitid na frequency band.

Bumubuo sa bahaging lupa ay ang pagsasama-sama ng kapangyarihan ng isang elemento. Ito ay pantay-pantay sa bilang ng mga atoms ng hydrogen atom ay maaaring pagsamahin o humalili sa bumubuo ng mga compounds. Ang pinakamalayo shell electron ng isang atom sa kanyang uncombined estado ay kilala bilang ang valence shell, at ang mga electron sa
na shell ay tinatawag na valence electron. Ang bilang ng mga valence electron ay tumutukoy sa bonding
pag-uugali sa iba pang mga atoms. Mga Atoms ay may posibilidad na chemically reaksyon sa bawat isa sa isang paraan na pumupuno (o walang lamang sasakyan) ang kanilang mga panlabas na valence shell. halimbawa, ang isang paglipat ng isang solong elektron sa pagitan ng mga atoms ay isang kapaki-pakinabang na mga pagtatantya para sa bonds na bumubuo sa pagitan ng mga atomo na may isang elektron higit pa kaysa sa isang puno ng mga shell, at iba pa na ay isa-elektron maikling ng isang buong shell, tulad ng nangyayari sa compound sosa klorido at iba pang mga kemikal ionic asing-gamot. Gayunpaman, maraming mga elemento ipakita ang maramihang mga valences, o tendencies upang ibahagi ang mga magkakaibang bilang ng mga electron sa iba ' t ibang mga compounds. Kaya, chemical bonding sa pagitan ng mga sangkap na ito ay tumatagal ng maraming mga paraan ng elektron-pagbabahagi na ay higit pa kaysa sa mga simpleng paglipat ng elektron. Mga halimbawa isama ang mga elemento ng carbon at ang mga organic compounds.

Ang mga kemikal na sangkap ay madalas na ipinapakita sa isang periodic table na ay inilatag out upang ipakita ang mga umuulit na mga katangian ng kemikal, at mga elemento na may parehong bilang ng mga valence electron bumuo ng isang pangkat na ay nakahanay sa parehong hanay ng talahanayan. (Ang mga pahalang na mga hilera na tumutugma sa ang pagpuno ng isang quantum shell ng mga electron.) Ang mga elemento sa dulong kanan ng talahanayan na may ang kanilang mga panlabas na shell ng ganap na puno ng mga electron, kung saan ang mga resulta sa chemically hindi gumagalaw na mga elemento na kilala bilang ang marangal na gas.

Dami ng mga atoms ay matatagpuan sa iba ' t-ibang mga estado ng matter na nakasalalay sa mga pisikal na mga kondisyon, tulad ng temperatura at presyon. Sa pamamagitan ng iba ' t ibang mga kundisyon, mga materyales ay maaaring paglipat sa pagitan ng mga solido, likido, mga gas at plasmas. sa Loob ng isang estado, ang isang materyal na maaaring umiiral din sa iba ' t ibang mga allotropes. Isang halimbawa ng ito ay ang solid na carbon, na kung saan ay maaaring umiiral bilang grapayt o diamond. sa mga puno ng Gas allotropes umiiral pati na rin, tulad ng dioxygen at osono.

Sa mga temperatura na malapit sa absolute zero, ang mga atoms ay maaaring bumuo ng isang Bose–Einstein condensate, at sa puntong quantum mechanical effects, na kung saan ay normal lamang sinusunod sa atomic scale, maging maliwanag sa isang macroscopic scale. Ang super-cooled koleksyon ng mga atoms
pagkatapos ay behaves bilang isang solong super atom, na kung saan ay maaaring payagan ang mga pangunahing mga tseke ng kwantum mekaniks ng pag-uugali.

Ang pag-scan ng tunneling mikroskopyo ay isang aparato para sa pagtingin sa ibabaw sa ang atomic antas. Gumagamit ito ng mga quantum tunneling hindi pangkaraniwang bagay, na kung saan ay nagbibigay-daan sa mga particle upang pumasa sa pamamagitan ng isang barrier na ay normal ay hindi malulutas. Mga electron ng lagusan sa pamamagitan ng vacuum sa pagitan ng dalawang mga planar metal electrodes, sa bawat isa sa kung saan ay isang adsorbed atom, na nagbibigay ng isang tunneling-kasalukuyang density na maaaring sinusukat. Pag-scan ng isang atomo (kinuha bilang ang mga tip) bilang ito gumagalaw nakalipas na ang iba pang mga (sample) ng mga pahintulot paglalagay ng mga tip sa pag-aalis laban sa pag-ilid paghihiwalay para sa isang pare-pareho ang kasalukuyang. Ang pagkalkula ay nagpapakita ng lawak na kung saan ang pag-scan-tunneling-mikroskopyo ng mga imahe ng isang indibidwal atom ay makikita. Ito kinukumpirma na para sa mababang bias, ang mikroskopyo ng mga imahe sa ang space-na-average na sukat ng mga elektron sa bansa sa kabuuan malapit na naka-pack na mga antas ng enerhiya—ang mga Fermi antas lokal na density ng estado.

Isang atom ay maaaring maging ionized sa pamamagitan ng pag-aalis ng isa sa kanyang mga electron. Ang electric singil nagiging sanhi ng ang tilapon ng isang atom upang yumuko kapag ito ay ipinapasa sa pamamagitan ng isang magnetic field. Ang radius sa pamamagitan ng kung saan ang tilapon ng isang paglipat ng ion ay naka-sa pamamagitan ng magnetic field ay natutukoy sa pamamagitan ng ang masa ng ang atom. Ang masa spektrometer ay gumagamit ng prinsipyo na ito upang sukatin ang masa-sa-singilin ang ratio ng mga ions. Kung ang isang sample na naglalaman ng maramihang mga isotopes, ang masa spektrometer ay maaaring matukoy ang bahagdan ng bawat isotopo sa sample sa pamamagitan ng pagsukat ng intensity ng iba ' t ibang mga beams ng mga ions. Mga diskarte upang gawing usok atoms isama inductively kaisa plasma atomic pagpapalabas spectroscopy at inductively kaisa plasma mass spectrometry, na parehong gumamit ng isang plasma upang gawing usok ang mga sample para sa pag-aaral.

Isang higit pang mga lugar-pumipili pamamaraan ay elektron enerhiya pagkawala spectroscopy, na kung saan sinusukat ang enerhiya pagkawala ng isang elektron beam sa loob ng isang transmisyon elektron mikroskopyo kapag nakikipag-ugnayan ito sa isang bahagi ng isang sample. Ang atom-probe tomograpo ay sub-nanometer resolution sa 3-D at chemically makilala ang mga indibidwal na mga atoms gamit ang time-of-flight mass spectrometry.

Spectra ng nasasabik estado ay maaaring magamit upang pag-aralan ang atomic komposisyon ng malayong mga bituin. Tiyak na liwanag wavelength na nakapaloob sa na-obserbahan ng ilaw mula sa mga bituin ay maaaring maging separated out at na may kaugnayan sa ang mga anak ng mga transition sa libreng gas atoms. Ang mga kulay ay maaaring kinokopya sa paggamit ng isang gas-discharge lampara na naglalaman ng parehong mga elemento. Helium ay natuklasan sa ganitong paraan sa ang spectrum ng Araw sa 23#x20;taon bago ito ay natagpuan sa Lupa.

Atoms form ng tungkol sa 4% ng ang kabuuang enerhiya density ng ang kapansin-pansin Uniberso, na may isang average density ng tungkol sa 0.25#x20;atoms/m3. sa Loob ng isang kalawakan tulad ng ang Milky Way, atoms ay may isang mas mataas na konsentrasyon, sa density ng mga bagay na ito sa interstellar medium (TURO) mula sa 105 sa 109 atoms/m3. Ang Araw ay pinaniniwalaan na maging sa loob ng Lokal na Bubble, isang rehiyon ng mataas na ionized gas, kaya ang density sa solar kapitbahayan ay lamang tungkol sa 103 atoms/m3. ang mga Bituin form mula sa siksik na ulap sa TURO, at ang sa gitna ng ebolusyon proseso ng mga bituin resulta sa matatag na pagpayaman ng TURO may mga elemento na mas malaki kaysa sa hydrogen at helium. Hanggang sa 95% ng ang Milky Way ay atoms ay puro sa loob ang mga bituin at ang kabuuang masa ng mga atoms na bumubuo sa tungkol sa 10% ng mass ng kalawakan. (Ang natitirang bahagi ng masa ay isang hindi kilalang madilim na bagay na ito.)

Ang mga electron ay naisip na umiiral sa Uniberso dahil ang unang bahagi ng yugto ng Big Bang. Atomic nuclei ng mga form sa kabataan reaksyon. Sa tungkol sa tatlong minuto Big Bang kabataan na ginawa ang karamihan ng helium, lithium, at deuterium sa Uniberso, at marahil na ang ilang mga ng beryllium at boron.

Ubiquitousness at katatagan ng mga atoms ay umaasa sa kanilang mga umiiral na enerhiya, na kung saan ay nangangahulugan na ang isang atom ay may isang mas mababang enerhiya kaysa sa isang walang tali sistema ng nucleus at electrons. Kung saan ang temperatura ay mas mataas kaysa sa ionization mga potensyal na, ang mga bagay na umiiral sa anyo ng plasma—isang gas ng positibo sisingilin ions (marahil, walang kalaman-laman nuclei) at mga electron. Kapag ang temperatura ng patak sa ibaba ang ionization ng mga potensyal na, atoms maging istatistika kanais-nais. Atoms (kumpleto sa mga tinali electron) ay naging upang mangibabaw sa paglipas ng sisingilin particle 380,000#x20;taon pagkatapos ng Big Bang—isang kapanahunan na tinatawag na recombination, kapag ang pagpapalawak ng Uniberso cooled sapat upang payagan ang mga electron upang maging naka-attach sa nuclei.

Dahil ang Big Bang, na ginawa walang carbon o mas mabibigat na elemento, atomic nuclei ay pinagsama sa mga bituin sa pamamagitan ng proseso ng nuclear fusion upang makabuo ng higit pang mga ng ang mga elemento ng helium, at (sa pamamagitan ng ang triple alpha proseso) ang pagkakasunud-sunod ng mga elemento mula sa carbon hanggang sa bakal; tingnan ang mga stellar mga kabataan para sa mga detalye.

Mga elemento ng mas mabibigat na kaysa sa bakal ay ginawa sa supernovae sa pamamagitan ng r-proseso at sa AGB bituin sa pamamagitan ng ang s-proseso, ang parehong na kung saan may kasangkot pagkuha ng neutrons sa pamamagitan ng atomic nuclei. ang mga Elemento tulad ng mga lead na nabuo higit sa lahat sa pamamagitan ng radioactive pagkabulok ng mga mabibigat na elemento.

Ang karamihan ng mga atoms na bumubuo sa Daigdig at ang kanyang mga naninirahan ay naroroon sa kanilang mga kasalukuyang form sa nebula na pinaliit ng isang molecular ulap sa form na ang Solar System. Ang natitira ay ang resulta ng radioactive pagkabulok, at ang kanilang mga kamag-anak na proporsyon ay maaaring gamitin upang matukoy ang edad ng Mundo sa pamamagitan ng radiometric dating. ang Karamihan ng mga elemento sa crust ng Earth (tungkol sa 99% ng helium mula sa gas wells, tulad ng ipinapakita sa pamamagitan nito mas mababang kasaganaan ng helium-3) ay isang produkto ng alpha pagkabulok.

Mayroong ilang mga bakas ng mga atoms sa Lupa na ay hindi naroroon sa umpisa (ibig sabihin, hindi mula sa simula), o mga resulta ng radioactive pagkabulok. Carbon-14 ay patuloy na binuo sa pamamagitan ng cosmic ray sa kapaligiran. ang Ilang mga atoms sa Lupa ay artipisyal na binuo sa alinman sa sadyang o bilang sa pamamagitan ng-produkto ng nuclear reactors o pagsabog. Ng transuranic mga elemento—ang mga may atomic numero ng mas malaki kaysa sa 92—lamang plutoniyum at neptunium mangyari nang natural sa Lupa. Transuranic mga elemento ng radioactive lifetimes mas maikli kaysa sa kasalukuyang edad ng Mundo at sa gayon ay makikilalang mga dami ng mga sangkap na ito ay mahaba dahil bulok, na may pagbubukod ng mga bakas ng plutoniyum-244 posibleng idineposito sa pamamagitan ng cosmic dust. Natural na deposito ng plutoniyum at neptunium ay ginawa sa pamamagitan ng neutron makuha sa yureyniyum mineral.

Ang Lupa ay naglalaman ng humigit-kumulang 7050133000000000000♠1.33×1050 atoms. Kahit na maliit na bilang ng mga independiyenteng mga atoms ng mga marangal na gas na umiiral, tulad ng argon, neon, at helium, 99% ng ang kapaligiran ay nakasalalay sa anyo ng mga molecule, kabilang ang mga carbon dioxide at populasyon ng pilipinas noong taong oxygen at nitrogen. Sa ibabaw ng Earth, ang isang napakalaki karamihan ng mga atoms pagsamahin upang bumuo ng iba ' t-ibang compounds, kabilang ang tubig, asin, silicates at oxides. Mga Atoms ay maaari ring pagsamahin upang lumikha ng mga materyales na hindi binubuo ng hiwalay na mga molecule, kabilang ang mga kristal at mga likido o solid na riles. Ang atomic bagay form sa network ng mga kaayusan na kakulangan ng mga partikular na uri ng maliit na-scale magambala sa pagkakasunud-sunod na nauugnay sa molecular mga bagay na ito.

Habang isotopes na may atomic numero ng mas mataas kaysa sa lead (82) ay kilala upang maging radioactive, isang isla ng katatagan ay iminungkahi para sa ilang mga elemento na may atomic numero sa itaas 103. Ang mga superheavy mga elemento ay maaaring magkaroon ng isang nucleus na ay relatibong matatag laban sa radioactive pagkabulok. Ang mga pinaka-malamang na kandidato para sa isang matatag na superheavy atom, unbihexium, ay 126#x20;protons at 184#x20;neutrons.

Ang bawat maliit na butil ng bagay ay may kaukulang antimatter maliit na butil sa tapat ng mga de-koryenteng singil. Kaya, ang mga positron ay isang positibo sisingilin antielectron at ang antiproton ay isang negatibong sisingilin katumbas ng isang proton. Kapag ang isang bagay at kaukulang antimatter maliit na butil matugunan, sila ay puksain ang isa ' t isa. Dahil sa mga ito, kasama ang isang kawalan ng timbang sa pagitan ng mga bilang ng mga bagay na ito at antimatter particle, ang huli ay bihirang sa uniberso. Ang unang sanhi ng kawalan ng timbang na ito ay hindi pa ganap na nauunawaan, kahit na ang mga teorya ng baryohenesis ay maaaring mag-alok ng isang paliwanag. Bilang isang resulta, walang antimatter atoms ay natuklasan sa likas na katangian. Gayunpaman, sa 1996 ang antimatter kamukhang-mukha ng hydrogen atom (antihydrogen) ay na-synthesize sa CERN laboratoryo sa Geneva.

Iba pang galing sa ibang bansa mga atoms ay nilikha sa pamamagitan ng pagpapalit ng isa ng ang protons, neutrons o mga electron sa iba pang mga particle na may parehong mga singil. Halimbawa, ang isang elektron ay maaaring mapalitan sa pamamagitan ng isang mas malaki muon, na bumubuo ng isang muonic atom. Ang mga uri ng mga atoms ay maaaring gamitin upang subukan ang mga pangunahing mga hula ng pisika.




#Article 63: Pamahalaan (262 words)


Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng  nasasakupang teritoryo.
Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.

Nag-ugat ang terminong pamahalaan mula sa salitang bahala na may kahulugang pag-aako o responsabilidad, na dinagdagan ng mga panlaping pang- at -an.

Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado.  Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino, bukas sa usapin ang kahulugan ng lehitimo, at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito.  Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang lehitimo bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring di nagtagumpay na estado.)  Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.

Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampolitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng burukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.




#Article 64: Agham (131 words)


Ang agham (mula sa  आगम [āgama]) o siyensiya (mula sa  Ciencia) ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham.

Sa isang malawak na kahulugan, ang agham ay umiiral na bago pa man ang makabagong panahon at sa maraming makasaysayang kabihasnan, subalit ang makabagong agham ay natatangi sa kanyang siyentipikong pamamaraan at naging matagumpay sa pagtukoy kung ano ang agham sa pinakatumpak na kahulugan ng salitang ito.




#Article 65: Kalinangan (759 words)


Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang kaparaanan ng mga tao sa buhay, ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. Makikita ang 164 kahulugan ng kultura sa isang talaan sa Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions (Kultura: Isang Mapanuring Pagrepaso ng mga Konsepto at Kahulugan) nina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn na nilimbag noong 1952.

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang  na may literal na kahulugang kultibasyon o paglilinang. Ang kalinangan ay isang katagang may maraming iba't ibang magkakaugnay na mga kahulugan. Subalit, ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang ginagamit sa tatlong payak na mga diwa:

Nang unang lumitaw ang konsepto o diwa noong ika-18 at ika-19 daantaon sa Europa, may pahiwatig ito bilang isang proseso ng paglilinang ng halaman o pagpapainam, katulad ng agrikultura o hortikultura. Noong ika-19 daantaon, ito ay naging tumutukoy muna sa pag-inam o pagpino o pagdalisay ng isang indibidwal, natatangi na sa pamamagitan ng edukasyon, at pagkaraan ay tumukoy na sa pagsasakatuparan ng nasyonalismo, katulad ng mga adhikain o mga mithiing pambansa. Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ilang mga siyentipiko ang gumamit sa katagang kultura upang tukuyin ang isang pandaigdigang kakayahan ng tao. Para kay Georg Simmel, isang sosyologong Aleman na hindi positibista, ang kalinangan ay tumutukoy sa ang paglilinang ng mga indibidwal sa pamamagitan ng ahensiya ng panlabas na mga anyo na dumaan sa obhetipikasyon sa loob ng kurso ng kasaysayan.

Noong ika-20 daantaon, umahon ang kalinangan bilang isang diwa na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya, na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang kultura sa antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga sagisag, at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at (2) ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang katawagan ay naging napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga disiplinang katulad ng araling pangkalinangan, sikolohiyang organisasyonal, ang sosyolohiya ng kalinangan at araling pampamamahala.

Ang etimolohiya ng makabagong katagang kultura ay may simulaing klasikal. Sa wikang Ingles, ang salitang kultura ay ibinatay sa isang katagang ginamit ni Cicero, mula sa kanyang Tusculanae Disputationes (Tuskulanong Pagmamatuwiran), kung saan siya nagsulat ng paglilinang ng kaluluwa o cultura animi, kung kaya't gumamit ng isang metapor na pang-agrikultura upang ilarawan ang pag-unlad ng isang kaluluwang makapilosopiya, na naunawaan sa teolohiya bilang isang nag-iisang likas at pinakamataas na maaaring adhikain para sa kaunlarang pantao. Ginamit ni Samuel Pufendorf ang talinghagang ito sa isang makabagong diwa, na may kahalintulad na kahulugan, ngunit hindi na hinihinala na ang pilosopiya ang likas na perpeksiyon ng tao. Ang paggamit na ito ni Pufendorf, at ng iba pang maraming mga manunulat pagkaraan niya, ay may ganitong pagpapaliwanag: na ang kalinangan ay tumutukoy sa lahat ng mga paraan na ginagamit ng tao upang mapagtagumapayan ang kanilang simulain may barbarismo, at sa pamamagitan ng katalinuhan, karunungan, at kasanayan, ay maging talagang tao.

Ayon sa paglalarawan ni Velkley: Ang katagang kalinangan, na sa simula ay nangangahulugang paglilinang ng kaluluwa o isipan, ay nagkamit ng karamihan sa makabagong mga kahulugan nito sa bandang huli magmula sa mga sulatin ng mga mapag-isip na Aleman noong ika-18 daantaon, na sa samu't saring mga antas ay nagpaunlad sa kritisimo ni Rousseau ng modernong liberalismo at Pagpapaliwanag. Kaya't may pagkakaiba sa pagitan ng kultura at kabihasnan mula sa mga may-akdang ito, kahit na ipinadarama bilang ganyan. Ang dalawang pangunahing mga kahulugan ng kalinangan ay lumitaw magmula sa kapanahunang ito: ang kalinangan bilang isang espiritu ng taumbayan na may natatanging katauhan; at ang kultura bilang paglilinang na papaloob o papunta sa loob ng sarili, o paglilinang ng indibidwalismong malaya. Ang unang kahulugan ay nangingibabaw sa pangkasalukuyang paggamit ng katagang kultura, bagaman ang pangalawa ay may ginaganapan pa rin na isang malaking gampanin sa naiisip natin bilang kung ano ang dapat makamtan ng kalinangan: ang buong pagpapadama ng pagkanatatangi ng totoo o tunay na sarili.




#Article 66: Tao (2186 words)


Ang tao (Homo sapiens) ay isang primado ng pamilyang Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus na Homo. Ang mga tao ay nagmula sa Aprika kung saan ang mga ito ay umabot sa pagiging moderno sa anatomiya nito mga 200,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong pagiging moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang nakalilipas. Ang lipi ng tao ay nag-na diberhente mula sa huling karaniwang ninuno kasama ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong kamag-anak na chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas na nag-ebolb sa Australopithecines at kalaunan ay sa henus Homo. Ang unang espesyeng Homo na lumisan sa Aprika ang Homo erectus na uring Aprikano na kasama ng  Homo heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao. Nagpatuloy na sakupin o ikolonisa ng mga Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa Eurasya noong 125,000 hanggang 60,000 taon ang nakalilipas, sa Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa Amerika mga 15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng Hawaii, Easter Island, Madagascar, atNew Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE. Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na domestikasyon ng mga halaman at hayop na pumayag para sa paglago ng kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't ibang mga anyo ng pamahalaan, relihiyon at kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng pagkaunang pang-agham at medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao na tumaas ng eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa Antarctica, ang mga tao ay isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7 bilyon. Ang mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking utak na relatibo sa sukat ng katawan nito na may isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at lobong temporal na gumagawa sa mga ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika, instrospeksiyon, paglutas ng problema at kultura sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na ito na sinamahan ng pag-aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa pagmamanipula ng mga bagay ay pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng kasangkapan kesa sa anumang mga ibang nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging nabubuhay na espesye ng hayop na alam na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga espesyeng makapagdadamit sa kanilang at lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang disiplinang pang-agham na antropolohiya. Ang mga tao ay walang katulad na labis na may kasanayan sa paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika para sa paghahayag ng sarli, ang pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng mga komplikadong mga istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at nakikipagtunggaling mga pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang mga interaksiyong panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng mga halaga, mga asal panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng lipunang pantao. Ang mga tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan ang kapaligiran nito na naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan ng agham, pilosopiya, mitolohiya at relihiyon.

 

Ang siyentipikong pag-aaral ng ebolusyon ng tao ay nag-aaral ng pag-unlad ng henus na Homo na nagsasagawa ng rekonstruksiyon ng diberhensiyang ebolusyonaryo ng lipi ng tao mula sa ibang mga hominini(na pinagsasaluhang ninuno ng mga tao at mga chimpanzee), mga hominid(dakilang mga ape) at mga primado. Ang mga modernong tao ay inilalarawan bilang kabilang sa espesyeng Homo sapiens na sa spesipiko ay sa isang umiiral sa kasalukuyang subespesyeng Homo sapiens sapiens.

 
Ang pinaka-malapit na nabubuhay na mga kamag-anak ng mga tao ang mga gorilya at mga chimpanzee. Sa pagsesekwensiyang henetiko ng parehong genome ng tao at chimpanzee, ang kasalukuyang mga pagtatantiya ng pagkakatulad ng mga sekwensiyang DNA ng mga tao at chimpanzee ay sa pagitan ng 95% at 99%. Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang tinatawag na orasang molekular na nagtatantiya ng panahong kinakailang para sa bilang diberhenteng mutasyon na matipon sa pagitan ng dalawang mga lipi, ang tinatayang petsa para sa paghihiwalay sa pagitan ng mga lipi ay makukwenta. Ang mga gibbon (hylobatidae) at mga orangutan (henus Pongo) ang mga unang pangkat na humiwalay mula sa linyang ebolusyon na tumutungo sa mga tao at pagkatapos ay mga gorilya(henus gorilla) na sinundan ng mga chimpanzee at mga bonobo(henus Pan). Ang petsang paghihiwalay sa pagitan ng mga liping tao at chimpanzee ay inilagay sa mga 4 hanggang 8 milyong taon ang nakalilipas sa epoch na Mioseno.

May kaunting ebidensiya ng fossil para sa diberhensiya ng mga liping gorilya, chimpanzee at hominin. Ang pinaka-unang mga fossil na iminungkahing mga kasapi ng liping hominin ang Sahelanthropus tchadensis na may petsang mula , ang Orrorin tugenensis na may petsang mula  at ang Ardipithecus kadabba na may petsang . Ang bawat isa sa mga ito ay ikinatwirang ninunong bipedal ng kalaunang mga hominin ngunit sa bawat mga kaso, ang mga pag-aangkin ay tinutulan. Posibleng alinman sa mga espesyeng ito ang mga ninuno ng isa pang sanga ng mga Aprikanong ape o ang mga ito ay kumakatawan sa isang pinagsaluhang ninuno sa pagitan ng mga hominin at iba pang mga ape. Ang tanong ng relasyon sa pagitan ng mga sinaunang espesyeng fossil na ito at ng mga liping hominin ay nilulutas pa rin. Mula sa mga sinaunang espesyeng ito, ang Australopithecines ay lumitaw sa fossil rekord mga  at nag-diberhente sa mga sangang matipunong austrolapithecine(na tinatawag ring Paranthropus) at matikas na austrolapithecine na ang isa(na posibleng ang  A. garhi )ay nagpatuloy na maging mga ninuno ng henus na Homo. Ang pinaka unang mga kasapi ng henus na Homo ang Homo habilis na nag-ebolb noong mga . Ang Homo habilis ang unang espesye na may mga positibong ebidensiya ng paggamnit ng mga kasangkapang bato. Ang mga utak ng mga sinaunang hominin na ito ay tulad ng sukat ng sa chimpanzee at ang pangunahing pag-aangkop ng mga ito ang bipedalismo(dalawang paa) bilang pag-aangkop sa pamumuhay pang-lupain. Sa sumunod na milyong mga taon, ang isang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula at sa pagdating fossil rekord ng Homo erectus, ang kapasidad na pang-bungo ay dumoble. Ang  Homo erectus ang unang hominina na lumisan sa Aprika at ang mga espesyeng ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng  . Ang isang populasyon ng H. erectus na minsan ring inuuri bilang isang hiwalay na espesyeng Homo ergaster ay nanatili sa Aprika at nag-ebolb sa Homo sapiens. Pinaniniwalaang ang mga espesyeng ito ang una na gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang pinaka unang mga fossil na transisyonal sa pagitan ng H. ergaster/erectus at  Archaic H. sapiens ay mula sa Aprika gaya ng Homo rhodesiensis ngunit ang mga tila anyong transisyonal ay natagpuan rin sa   Dmanisi, Georgia. Ang mga inapo ng mga Aprikanong H. erectus na ito ay kumalat sa buong Eurasya mula  ca. 500,000 taon ang nakalilipas at nag-ebolb sa H. antecessor, H. heidelbergensis atH. neanderthalensis.  Ang pinaka unang mga fossil ng anatomikong modernong mga tao ay mula sa Gitnang Paleolitiko gaya ng mga labing Omo ng Ethiopiya. Ang mga kalaunang mga fossil mula sa Skhul sa Israel at Katimugang Europa ay nagsimula noong mga 90,000 taon ang nakalilipas.

Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-asal na nangyari simula ng paghihiwalay sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinaka mahalaga sa mga pag-aangkop(adaptations) na ito ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya(hestasyon at pagiging sanggol) at nabawasang dimorpismong seksuwal. Ang relasyon sa pagitan ng lahat ng mga pagbabagong ito ay paksa ng nagpapatuloy na debate ng mga siyentipiko. Ang iba pang mahalagang mga pagbabagong morpolohikal ay kinabibilangan ng malakas at tumpak na paghawak na isang pagbabagong unang nangyari sa Homo erectus. Ang bipedalismo o paglakad gamit ang dalawang paa ang basikong pag-aangkop ng linyang Hominin at itinuturing na pangunahing sanhi sa likod ng isang hanay ng mga pagbabagong pang-kalansay na pinagsasaluhan ng lahat ng mga bipedal na hominin. Ang pinaka unang Hominin na bipedal ay itinuturing na ang Sahelanthropus o ang Orrorin. Ang Ardipithecus na isang buong bipedal ay kalaunang dumating. Ang mga naglalakad gamit ang bukod(gorilya at chimpanze) ay nag-diberhente sa mga parehong panahon at maaaring ang Sahelanthropus o ang Orrorin ang huling pinagsasaluhang ninuno ng tao sa gorilya at chimpanzee. Ang mga sinaunang bipedal ay kalaunang nag-ebolb sa Australopithecines at kalaunan ay sa henus na Homo. May ilang mga teoriya ng halagang pag-aangkop ng bipedalismo. Posibleng ang bipedalismo ay pinaboran dahil ito ay nagpalaya sa mga kamay sa pag-aabot at pagdadala ng pagkain, dahil ito ay nagtipid ng enerhiya sa lokomosyon, dahil pumayag sa mahabang distansiyang pagtakbo at pangangaso o isang stratehiya sa pag-iwas ng hipertermiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng surpasiyong nalalantad sa direktang araw. Ang espesye ng tao ay nagpaunlad ng isang mas malaking utak kesa sa ibang mga primado na tipikal ay 1,330 cc sa mga modernong tao na higit dalawang beses ng sukat ng isang chimpanzee o gorilya. Ang paterno ng ensepalisasyon ay nagsimula sa Homo habilis na sa tinatayang 600 cc ay may isang utak na katamtamang mas malaki sa utak ng chimpanzee, Ang ensepalisasyong ito ay nagpatuloy sa Homo erectus (800-1100 cc) at umabot sa pinakamataas sa mga Neandertal na may aberaheng sukat ng 1200-1900cc na mas malaki kahit sa mga Homo sapiens. Ang paterno ng pagkatapos ng kapanganakang paglago ng utak ay iba mula sa ibang mga ape(heterokroniya) at pumapayag para sa tumagal na panahong pagkatutong panlipunan at pagkakamit ng wika sa mga batang tao. Gayunpaman, ang mga pagkakaiba ng istraktura ng utak ng tao at sa ibang mga ape ay maaaring mas mahalaga kesa sa mga pagkakaiba sa sukat. Ang pagtaas sa bolyum ng utak sa paglipas ng panahon ay umapekto sa iba't ibang mga area sa utak ng hindi pantay. Ang lobong temporal na naglalaman ng mga sentro para sa pagpoproseso ng wika ay tumaas ng hindi proporsiyonal gayundin ang preprontal na korteks na nauugnay sa komplikadong pagggawa ng desisyon at nagpapagaan ng pag-aasal ng panlipunan.  Ang ensepalisasyon ay naiugnay sa tumataas na pagbibigay diin sa diyeta o sa pag-unlad ng pagluluto, at iminungkahi na ang katalinuhan ay tumaas bilang tugon sa tumaas na pangangailangan para sa paglutas ng mga problemang panlipunan habang ang lipunang pantao ay naging mas masalimuot. Ang nabawasang digri ng dimorpismong seksuwal ay pangunahing makikita sa isang pagbabawas ng ngiping kanino ng lalake relatibo sa ibang mga epesye ng ape(maliban sa mga gibbon). Ang isa pang mahalagang pagbabagong pisiolohikal na nauugnay sa seksuwalidad ng tao ang ebolusyon ng tagong estrus. Ang mga tao ang tanging mga ape kung saan ang babae nito ay mapupunlayan sa buong taon kung saan ay walang mga espesyal na hudyat ng pertilidad na nalilikha ng katawan gaya ng pamamaga ng organong seksuwal sa estadong estrus. Gayunpaman, ang mga tao ay nagpapanatili ng isang digri ng dimorpismong seksuwal sa distribusyon ng buhok ng katawan at taba sa balat at sa kabuuang sukat na ang mga lalake ay mga 25% mas malaki kesa mga lalake. Ang mga pinagsamang pagbabagong ito ay pinakahulugang resulta ng isang tumaas na pagbibigay diin sa bigkis ng magkapares bilang isang posibleng solusyon sa pangangailangan ng pamumuhunang pang-magulang sanhi ng tumagal na pagkasanggol ng supling nito.

 

Sa pagsisimula ng panahong Itaas na Paleolitiko mga 50,000 taon bago ang kasalukuyan, ang buong pagiging moderno ng pag-aasal kabilang ang wika, musika at ibang mga pangkalahatang kultural ay umunlad. Habang ang mga modernong tao ay kumakalat mula sa Aprika, ang mga ito ay naka-enkwentro ng ibang mga hominin gaya ng mga Neandertal, at mga Denisovan na maaaring nag-ebolb mula sa mga populasyon ng Homo erectus na lumnisan sa Aprika noong mga . Ang kalikasan ng interaksiyon sa pagitan ng mga sinaunang tao at mga espesyeng ito na Neandertal at Denisovan ay matagal ng pinagdedebatihan. Ang tanong ay kung ang mga tao ay pumalit sa mga mas naunang espesyeng ito o ang mga ito ay sapat na magkatulad upang magtalik, na sa kasong ito, ang mga mas naunang populasyong ito ay maaaring nag-ambag ng materyal na henetiko sa mga modernong tao.  Ang mga kamakailang pag-aral ng mga genome ng tao at Neandertal ay nagmumungkahi ng isang paglipat ng gene sa pagitan ng mga sinaunang Homo sapiens at mga Neandertal at Denisovan. Ang migrasyong ito na mula sa Aprika ay tinatayang nagsimula noong mga 70,000 taon bago ang kasalukuyan. Ang mga modernong tao ay kalaunang kumalat sa daigdig na pumalit sa mga mas naunang hominin na maaaring sa pamamagitan ng kompetisyon o hibridisasyon. Ang mga ito ay tumira sa Eurasya at Oceania noong mga 40,000 tao bago ang kasalukuyan at sa Amerika ng hindi bababa sa 14,500 taon bago ang kasulukuyan.




#Article 67: Molekula (301 words)


Sa agham, ang molekula, tipik  ay ang pinakamaliit na partikula ng isang dalisay na sustansiyang kimikal na kung saan nananatili ang kanyang komposisyon at katangiang kimikal.   Binubuo ito ng dalawa o higit pang mga atomo na pinagbigkis ng mga pinaghahatiang pares ng mga elektron sa pamamagitan ng kawing kimikal (chemical bond).  Maari rin itong binubuo ng mga atomo ng parehong elemento tulad nang sa oksiheno (O2) o magkaibang elemento tulad nang sa tubig (H2O).

Karaniwang ginagamit ang salitang molekula sa isang kalipunan ng maraming atomo na binigkis ng mga kawing kobalente (covalent bonds) sa loob nito.  Maaari rin itong tumukoy sa bawat isang atomo na hindi sumasama sa mga kawing kobalente tulad ng mga noble gas o mga ion sa isang solusyon.  Tinatawag na isang sustansiyang molekula o kompuwestong molekula ang isang sustansiya na binubuo ng mga molekulang pinag-uugnay ng mga kawing kobalente.

Karamihan sa mga molekula ay napakaliit upang makita ng mata, ngunit mayroon ding eksepsiyon.  Ang DNA, isang makromolekula, ay maaaring umabot sa laking makroskopiko.

Isang katangian ng mga molekula ay ang integer ratio ng mga elemento na bumubuo sa kompuwesto na tinatawag na pormulang empiriko. Halimbawa,  ang tubig, sa dalisay na anyo, ay binubuo ng 2:1 tagway ng idrohino sa oksiheno, ang ethyl alcohol o ethanol ay binubuo ng karbon, idrohino at oksiheno na may tagway ng 2:6:1.   Ngunit hindi nito tinitiyak ang pag-iisa ng molekulang ito - gaya halimbawa ng dimethyl ether na may kaparehong tagway sa ethanol.  Isomero ang tawag sa molekulang may parehong bilang ng mga atomo subalit magkaiba ang kaayusan.

Sa kabilang dako, ipinapakita ng ang pormulang kimikal ang hustong bilang ng mga atomong bumubuo sa isang molekula.  Tinutuos ang masa molekula (molecular mass) mula sa pormulang kimikal at ipinahahayag sa karaniwang yunit na kapantay sa 1/12 bigat ng isang isotopo ng atomong 12C.




#Article 68: Ilocos (409 words)


Ang Rehiyong Ilocos (; ; ) ay isang rehiyong administratibo ng Pilipinas (itinakda bilang Rehiyon I), na matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Luzon. Napaliligiran ito ng Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera sa silangan, ang Lambak ng Cagayan sa hilagang silangan at timog silangan, at Gitnang Luzon sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ang Dagat Timog Tsina.

Binubuo ang rehiyon ng apat na mga lalawigan: ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan. Ang sentrong panrehiyon nito ay San Fernando, La Union. Iniulat sa senso noong 2000 na ang pangunahing mga wikang ginagamit sa rehiyon ay Iloko (66.36% ng kabuuang populasyon sa panahong iyon), Pangasinan (27.05%), at Tagalog (3.21%).

Ang Rehiyong Ilocos ay matatagpuan sa isang makipot na katapatagan sa pagitan ng Kabundukan ng Cordillera, Dagat Timog Tsina, hilagang bahagi ng kapatagan ng Gitnang Luzon, at hilagang silangang bahagi ng Bulubundukin ng Zambales.

Matatagpuan dito ang Golpo ng Lingayen, ang pinakatanyag na anyong tubig sa rehiyon na naglalaman ng Hundred Islands National Park. Matatagpuan naman sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang Ilog ng Agno ay bumabagtas mula Benguet hanggang Pangasinan, na umaagos sa isang malapad na delta sa Lingayen at Dagupan bago umagos sa Golpo ng Lingayen.

Ang Rehiyong Ilocos ay binubuo ng 4 mga lalawigan, 1 malayang nakapaloob na lungsod, 8 nakapaloob na mga lungsod, 116 bayan, at 3,265 mga barangay.

Tahanan sa mga Ilokano ang mga makasaysayang lalawigan ng Ilocos. Ayon sa sensus noong taong 2000, ang rehiyon ay binubuo ng 66% ng mga Ilokano, 27% ng mga Pangasinense, at 3% ng mga Tagalog.

Tahanan naman para sa mga Pangasinense ang lalawigan ng Pangasinan. Ang populasyon ng Pangasinan ay bumubuo sa humigit kumulang 60% ng buong populasyon ng rehiyon. Nagsimula ang mga Ilocano na dayuhin ang Pangasinan noong ikalabing-siyam na siglo. Ang Pangasinan ay dating parte ng Gitnang Luzon ngunit inilipat ito sa Ilocos noong nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusan ng Pangulo Blg. 1 noong 1972. Kasama din ang mga komunidad ng mga Tingguian at Isneg sa rehiyon na nakatira sa may paanan ng mga bundok ng Cordillera. 

Karamihan sa mga mamamayan ay Katoliko ngunit may mga Protestante din katulad ng mga Apligayan sa bandang hilaga ng rehiyon. Ang iba ay mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, Mormon at iba pa.

Mayroon ding mga nakakubling paniniwalang animistiko lalo na sa mga pook na rural. Pangunahing mga Budista, Taoista at Hindu ang mga Tsino at Indiyano na namamalagi sa maliit na mga pamayanang pangkalakalan sa rehiyon.




#Article 69: Agham pandaigdig (211 words)


Ang agham pandaigdig ay tumutukoy sa lahat ng mga agham na may kaugnayan sa planetang Daigdig. Maaaring sabihin na isang natatanging kaso sa agham pangplaneta ang agham ng mundo, dahil ang Daigdig lamang ang planetang kilala na may buhay. May parehong reduksiyonista at holistiko sa pag-aaral ng mundo. Ginagamit ang ibang disiplina katulad ng pisika, matematika, kimika at biyolohiya upang makabuo ng pangunawang kantidad sa mga espera ng daigdig:

Dahil sa maramihang interaksiyon sa pagitan ng mga spheres, naging interdisiplinaryo ang pag-aaral nito:

At saka, pinagaaralan ang buong daigdig bilang isang sistema sa mga makabagong displina na kilala bilang agham ng sistema ng mundo:

Katulad ng mga ibang dalubhasa sa agham, ginagamit din ang makaagham na pamamaraan ng mga dalubhasa sa agham ng mundo. Binubuo nila ang mga ipotesis pagkatapos ng obserbasyon at pagkuha ng mga datos tungkol sa mga likas na pangyayari at saka sinusubok ang mga ipotesis. Sa agham ng mundo, kadalasan malaki ang ginagampanan ng datos sa pagsubok at pagbuo ng ipotesis. Nakakatulong sa mga dalubhasa sa agham at kakayahang maipaliwanag ang nakaraan at maaaring hinaharap na kalagayan ng sistema ng daigdig ang sistemang paraan, na sa pamamagitan ng pinagsamang paggamit ng mga kompyuter model bilang hipotesis na sinubok ng mga global na satelayt at datos sa barko.




#Article 70: Pisika (3967 words)


 
Ang pisika o liknayan (Ingles: physics) ay isang natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral ng materya at mosyon nito sa espasyo-panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng enerhiya at pwersa. Sa malawak na paglalarawan, ito ang pangkalahatang analisis o pagsisiyasat ng kalikasan na isinasagawa upang maunawaan kung paano umaasal ang uniberso.

Ang pisika ang isa sa mga pinakamatandang disiplinang akademika na marahil ang pinakamatanda sa pamamamagitan nito ng astronomiya. Sa paglipas ng mga huling milenya, ang pisika ang bahagi ng natural na pilosopiya kasama ng kemika, ilang mga sangay ng matematika, at biolohiya ngunit noong Himagsikang Siyentipiko noong ika-16 siglo, ang mga natural na agham ay lumitaw bilang walang katulad na mga programang pagsasaliksik sa kanilang sarili. Ang pisika ay bumabagtas sa maraming mga interdisiplinaryong mga area ng pagsasaliksik gaya ng biopisika at kemikang kwantum at ang mga hangganan ng pisika ay hindi mahigpit na inilalarawan. Ang mga ideya sa pisika ay kadalasang nagpapaliwanag ng mga pundamental na mekanismo ng ibang mga agham habang nagbubukas ng mga bagong pamamaraan ng pagsasaliksik sa mga sakop gaya ng matematika at pilosopiya.

Ang pisika ay gumagawa rin ng malalaking mga ambag sa pamamagitan ng pagsulong ng mga bagong teknolohiya na lumilitaw mula sa mga teoretikal na pagkakatuklas. Halimbawa, ang pagsulong sa pagkakaunawa ng elektromagnetismo o pisikang nukleyar ay direktang tumungo sa pagkakabuo ng mga bagong produkto na kahangang hangang nagbago ng modernong lipunan gaya ng telebisyon, mga kompyuter, mga kasangkapang pangbahay at mga sandatang nukleyar. Ang mga pagsulong sa termodinamika ay tumungo sa pag-unlad ng industriyalisasyon at ang mga pagsulong sa mekanika ay pumukaw sa pagkakabuo ng kalkulo.

Ang mga paraang ginagamit upang maunawaan ang pag-aasal ng mga natural na phenomena at ang kanilang mga epekto ay nag-ebolb mula sa pilosopiya, at pasulong na pinalitan ng natural pilosopiya at pagkatapos ng natural na agham upang kalaunang makarating sa modernong konsepsiyon ng pisika.

Ang natural na pilosopiya nagmula sa Gresya noong panahong Sinauna(650 BCE – 480 BCE) nang ang mga bago-ang sokratikong mga pilosopo tulad ni Thales ay tumanggi sa mga paliwanag na supernatural, relihoyoso o mga mitolohikal para sa mga natural na phenomena at naghayag na ang bawat pangyayari ay may natural na dahilan. Ang mga ito ay nagmungkahi ng mga ideya na napatunayan ng katwiran at obserbasyon at karamihan sa kanilang mga hipotesis ay napatunayang matagumpay sa mga eksperimento halimbawa ng atomismo.

Ang natural na agham ay binuo sa Tsina, India at mga kalipatang Islamiko sa pagitan ng ika-4 at ika-10 siglo BCE. Ang kwantitatibong mga paglalarawan ay naging sikat sa mga pisiko at astronomo halimbawa ni Archimedes sa mga sakop ng mekanika, statika at hydrostatika. Ang pisikang eksperimental ay nagsimula sa mga eksperimentasyon na nauukol sa statika ng mga medieval na pisikong Muslim tulad nina al-Biruni at Alhazen.

Ang klasikong pisika ay naging hiwalay na agham nang ang mga sinaunang modernong Europeo ay gumamit ng mga eksperimental at mga kwantitatibong mga paraang ito upang tuklasin ang mga itinuturing sa kasalukuyang mga batas ng pisika. Sina Kepler, Galileo at mas spesipikong si Newton ay tumuklas at nagsama ng mga iba't ibang mga batas ng mosyon. Noong himagsikang industriyal, habang ang mga pangangailangan ng enerhiya ay tumaas ay gayundin ang pagsasaliksik na tumungo sa pagkakatuklas ng mga bagong batas ng termodinamika, kemika at elektomagnetika.

Ang modernong pisika ay nagsimula sa mga akda ni Albert Einstein sa parehong relatibidad at mekanikang kwantum.

 

Sa maraming mga paraan, ang pisika ay sumangay mula sa sinaunang pilosopiyang Griyego. Mula sa unang pagtatangka ni Thales na ilarawan ang materya, hanggang sa deduksiyon ni Democritus na ang materya ay dapat lumiit sa isang hindi nababagong estado, ang astronomiyang Ptolemaiko ng kristalinong papawirin, at aklat pisika ni Aristotle, ang iba't ibang mga pilosopong Griyego ay nagsulong ng kanilang mga sariling teoriya ng kalikasan. Ang pisika ay kilala bilang natural na pilosopiya hanggang ika-18 siglo.

Noong ika-19 na siglo, ang pisika ay natantong isang disiplinang iba sa pilosopiya at iba pang mga agham. Ang pisika gaya ng ibang mga agham ay umaasa sa pilosopiya ng agham upang magbigay ng sapat na paglalarawan ng pamamaraang siyentipiko(scientific method). Ang pamamaraang siyentipiko ay naglalapat ng pangangatwirang a priori gayundin din ng pangangatwirang a posteriori at ng inperensiyang Bayesian upang sukatin ang balidad siyentipiko ng isang ibinigay ng teoriya.

Ang pagkakabuo ng pisika ay sumagot ng maraming mga tanong ng sinaunang mga pilosopo ngunit nagtaas rin ng mga bagong tanong. Ang pag-aaral ng mga pilosopikal na mga isyung pumapaligid sa pisika na pilosopiya ng pisika ay sumasangkot sa mga isyu gaya ng kalikasan ng espasyo at panahon(time), determinismo at mga pananaw metapisikal gaya ng empirisismo, naturalismo at realismo.

Maraming mga pisiko ang sumulat tungkol sa mga pilosopikal na implikasyon ng kanilang mga akda, halimbawa si Laplace na nagtaguyod ng sumasanhing determinismo, at Erwin Schrödinger na sumulat tungkol sa mekanikang kwantum. Ang matemtikal na pisikong si Roger Penrose ay tinawag na Platonista ni Stephen Hawking na isang pananaw na tinalakay ni Penrose sa kanyang aklat na The Road to Reality. Itinuturing ni Hawking ang kanyang sariling hindi nahihiyang reduksiyonista at tumututol sa mga pananaw ni Penrose.

Bagaman ay pisika ay umuukol sa malawak na uri ng mga sistema, ang ilang mga teoriya a ginagamit ng lahat ng mga pisiko. Ang bawat mga teoriyang ito ay eksperimental na nasubukan ng maraming mga beses at natagpuan tamang aproksimasyon o pagtatantiya ng kalikasan(na sa loob ng isang sakop ng balidad). Halimbawa, ang klasikong mekanika ay tiyak na naglalarawan ng mga mosyon ng bagay sa kondisyong ang mga ito ay mas malaki sa mga atomo at gumagalaw ng hindi mas mabilis sa bilis ng liwanag. Ang mga teoriyang ito ay patuloy na mga area ng aktibong pagsasaliksik at ang kahanga hangang aspeto ng klasikong mekanika na kilala bilang teoriya ng kaguluhan ay natuklasan noong ika-20 siglo mga tatlong siglo pagkatapos ng orihinal na pormulasyon ng klasikong mekanika ni Isaac Newton(1642–1727).

Ang mga sentral na teoriyang ito ang mahalagang mga kasangkapan ng pagsasaliksik sa mas espesyalisadong mga paksa at sinumang pisiko kahit pa ano ang espesyalisasyon nito ay inaasang may kaalaman ng mga ito. Ang mga ito ay kinabibilangan ng klasikong mekanika, mekanikang kwantum, termdinamika, estradistikal na mekanika, elektromagnetismo, at espesyal na relatibidad.

Bagaman ang pisika ay naglalayong tumuklas ng pangkalatan o universal na mga batas, ang mga teoriya nito ay nakasalig sa mga hayagang sakop ng paglalapat. Sa hindi mahigpit na paglalarawan, ang mga batas ng klasikong pisika ay tumpak na naglalarawan ng mga sitema na ang mahalagang skala ng haba ay mas malaki sa skalang atomiko at ang mga mosyon nito ay mas mabagal sa bilis ng liwanag. Sa labas ng sakop na ito, ang mga obserbasyon ay hindi tumutugma sa kanilang mga prediksiyon. Si Albert Einstein ay nag-aambag ng balangkas ng espesyal na relatibidad na pumalit sa absolutong panahon at espasyon ng espasyo-panahon at pumayag ng tiyak na paglalarawan ng mga sistemang ang sangkap ay may bilis na lumalapit sa bilis ng liwanag. Sina Max Planck, Erwin Schrödinger at iba pa ay nagpapakilala ng mekanikang kwantum na isang probabilistikong nosyon ng mga partikulo at mga interaksiyon na pumapayag ng tiyak na paglalarawan ng mga atomiko at subatomikong mga skla. Kalaunan, ang teoriyang kwantum field ay nagsama ng mekanikang kwantum at espesyal na relatibidad. Ang pangkalahatang relatibidad ay pumapayag pasa sa isang dinamikal, kurbadang espasyo-panahon kung saan ang mga sobrang laking mga sistema at mga malaking skalang mga istraktura ng uniberso ay maaaring maiging mailarawan. Ang pangkalahatang relatibidad ay hindi pa napag-iisa sa ibang mga pundamental na deskripsiyon at ang ilang mga kandidatong teoriya ng kwantum na grabidad ay binubuo pa rin.

Ang matematika ang wika na ginagamit para sa siksik na paglalarawan ng kaayusan ng kalikasan lalo na ng mga batas ng pisika. Ito ay pinakita at itinaguyod nina Phytagoras, Plato, Galileo at Newton.

Ang mga teoriya ng pisika ay gumagamit ng matematika upang magtamo ng kaayusan at magbigay ng mga tiyak o tinantiyang mga solusyon, mga kwantitatibong mga resulta at mga prediksiyon. Ang mga resulta ng eksperimento sa pisika ay mga pagsukat numerikal. Ang mga teknolohiyang batay sa matematika tulad ng komputasyon ay gumawa sa komputasyonal na pisika na isang aktibong area ng pagsasaliksik.

Ang ontolohiya ay isang prerekwisito sa pisika ngunit hindi para sa matematika. Ito ay nangangahulugan agn pisika ay pinakahuling umuukol sa mga deskripsiyon ng tunay na mundo samantalang ang matematika ay nauukol sa mga abstraktong paterno(patterns) kahit sa labas ng tunay na mundo. Kaya ang mga pangungusap sa pisika ay sintetiko samantalang ang mga pangungusap sa matematika ay analitiko. Ang matematika ay naglalaman ng mga hipotesis samantalang ang pisika ay naglalaman ng mga teoriya. Ang pangungusap sa matematika ay kailangan lamang lohikal na totoo, samantalang ang mga prediksiyon(hula) ng mga pangungusap sa pisika ay dapat tumugma sa mga napagmasdang at mga eksperimental na data.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng matematika at pisika ay maliwanag ngunit hindi palaging halata lalo sa sa matematikal na pisika. Halimbawa, ang matematikal na pisika ang aplikasyon ng matematika sa pisika. Ang mga problema sa larangang ito ay nagsisiuma sa isang modelong matematika ng isang pisikal na sitwasyon at isang deskripsiyon sa matematika ng isang batas pisika. Ang huling solusyong matematikal ay may mas madaling mahanap na kahulugan dahil ito ang hinahanap ng lumulutas nito.

Ang pisika ang sangay ng pundamental na agham, hindi ng praktikal na agham. Ang pisika ay tinatawag ring ang pundamental na agham dahil ang paksa ng pag-aaral ng lahat ng mga sangay ng natural na agham tulad ng kemika, astronomiya, heolohiya at biolohiya ay nakatakda sa mga batas ng pisika. Halimbawa, ang kemika ay nag-aaral ng mga katangian, istraktura at mga reaksiyon ng materya. Ang pokus ng kemika sa skalang atomika ang bumubukod dito mula sa pisika. Ang mga istraktura ay nabubuo dahil ang mga partikulo ay naglalapat ng mga elektrikal na pwersa sa bawat isa, ang mga pag-aaring katangian(properties) ay kinabibilangan ng mga pisikal na katangian(characteristics) ng isang ibingay na substansiya at ang mga reaksiyon ay itinakda ng mga batas ng pisika, tulad ng konserbasyon ng enerhiya, masa at karga.

Ang pisika ay nilalapat sa mga industriyang tulad ng inheryerya at medisina.

Ang nilalapat na pisika ang pangkalahatang termino para sa pagsasaliksik sa pisika na nilalayon para sa isang partikular na paggamit. Ang isang kurikulum ng nilalapat na pisika ay karaniwang naglalaman ng ilang mga klase sa isang nilalapat na disiplina tulad ng heolohiya at elektrikal na inhenyerya. Ito ay karaniwang iba mula sa inheryerya dahil sa ang mga pisika ay maaaring hindi nagdidisenyo ng isang partikular na bagay, kuundi bagkus ay gumagamit ng pisika o nagsasagawa ng pagsasaliksik sa pisika na ang layunin ay magpaunlad ng mga bagong teknolohiya o lumutas ng problema.

Ang pakikitungo ay katulad ng sa nilalapat na matematika. Ang mga lumalapat ng pisiko ay maaari ring interasado sa paggamit ng pisika sa pagsasaliksik siyentipiko. Halimbawa, ang mga taong nagtatrabaho sa akselador na pisika ay maaaring maghangad na lumikha ng mas mabuting mga detektor ng partikulo para sa pagsasaliksik at teoretikal na pisika.

Ang pisika ay mabigat na ginagamit sa inheryerya. Halimbawa, ang statika na isang pang-ilalim na larangan ng mekanika ay ginagamit sa pagtatayo ng mga tulay at iba pang mga istraktura. Ang pagkaunawa at paggamit ng mga resulta ng acoustika ay para sa mas mabuting bulwagang pangkonsiyerto. Gayundin, ang paggamit ng optika ay lumilikha ng mas mabuting mga kasangkapang optikal. Ang pagkaunawa ng pisika ay lumilikha ng mga simulador ng pagpapalipad, mga larong video at mga pelikula at kalimitan ay mahalaga sa mga forensikong mga imbestigasyon.

Sa pamantayang kasunduan na ang mga batas ng pisika ay unibersal at hindi nagbabago sa panahon, ang pisika ay maaaring gamitin upang pag-aral ang mga bagay na ordinaryong nakalagak sa kawalang katiyakan. Halimbawa, sa pag-aaral ng pinagmulan ng mundo, maaaring makatwirang imodelo ang masa ng mundo, temperatura at rate ng pag-ikot sa paglipas ng panahon. Ito ay pumapayag rin para sa mga simulasyon sa inheryerya na labis na nagpapabilis ng pagpapaunlad ng bagong teknolohiya. Ngunit marami ring malaking interdisiplinaridad sa mga pamamaraang ng pisika at maraming mga mahahalagang larangan ay naiiumpluwensiyahan ng pisika, e.g. ang mga larangan ng ekonopisika at sociopisika.

Ang mga pisiko ay gumagamit ng pamamaraang siyentipiko upang subukan ang balidad ng isang pisikal na teoriya gamit ang metodikal na pakikitungo upang ikumpara ang mga implikasyon ng teoriyang tinatalkay sa mga kaugnay na konklusyong nahango mula sa mga eksperimento at obserbasyong isinagawa upang subukin ito. Ang mga eksperimento at obserbasyon ay tinitipon at kinukumpara sa mga prediksiyon at hipotesis na ginawa ng teoriya at kaya ay tumutulong sa pagtukoy ng balidad o inbalidad ng teoriya.

Ang mga teoriya na maiging sinusuportahan ng data at hindi kailanman nabigo sa anumang mahusay na pagsubok empirikal ay kadalasang tinatawag na mga batas pang-agham o natural na batas. Ang lahat ng mga teoriya kabilang ang tinatawag na batas pang-agham o siyentipiko ay maaaring palaging mapalitan ng mas tiyak at mga pangkalahatanng pangungusap kung ang hindi pagkakasunduan sa teoriya sa mga napagmasdang data ay matatagpuan sa hinaharap.

Ang mga teorista ay naghahangad na bumuo ng mga matematikal na modelo na parehong umaayon sa mga umiiral na eksperimento at matagumpay na humuhula ng mga panghinaharap na resulta, samantalang ang mga eksperimentalista ay lumilikha at nagsasagawa ng mga eksperimento upang subukan ang mga teoretikal na prediksiyon at galugarin ang mga bagong phenomena. Bagaman ang teoriya at eksperimento ay magkahiwalay na binubuo, ang mga ito ay malakas na nakabatay sa bawat isa. Ang pagsulong sa pisika ay kadalasang nangyayari kapag ang mga eksperimentalista ay nakagagawa ng mga pagkakatuklas na ang mga umiiral na teoriya ay hindi maipaliwanag o kapag ang mga bagong teoriya ay lumilikha ng mga eksperimental na masusubok na mga prediksiyon na nagbibigay inspirasyon sa mga bagong eksperimento.

Ang mga pisikong gumagawa sa ugnayan ng teoriya at eksperimento ay tinatawag na mga phenomenolohista. Ang mga phenomenolohista ay tumitingin sa mga komplikadong phenomena na napagmasdan sa eksperimento at gumagawa na iugnay ang mga ito sa pundamental na teoriya.

Ang teoretikal na pisika ay historikal na kumuha ng inspirasyon mula sa pilosopiya. Ang elektromagnetismo ay napag-isa sa paraang ito. Sa labas ng alam na uniberso, ang larangan ng teoretikal na pisika ay umuukol rin sa mga isyung hipotetikal gaya ng mga paralelong uniberso, multiberso at mga mas mataas na dimensiyon. Ang teorista ay sumasamo sa mga ideyang ito sa pag-asang malutas ang mga partikular na problema sa mga umiiral na teoriya. Kanila namang ginagalugad ang mga kalalabasan ng mga ideyang ito at gumagawa tungo sa paggawa ng mga masusubok na prediksiyon.

Ang eksperimental na pisika ay nagbibigay alam at binibigyan alam ng inhinyerya at teknolohiya. Ang mga eksperimental na pisiko na sangkot sa mga basikong pananaliksik ay nagdidisenyo at nagsasagawa ng mga eksperimento gamit ang mga kasangkapang gaya ng akselador ng partikulo at mga laser samantalang ang mga pisikong sangkot sa nilalapat na pagsasaliksik ay kadalasang nagtatrabaho sa industriya nagpapaunlad ng mga teknolohiyang gaya ng magnetikong resonansiyang paglalarawan(magnetic resonance imaging o MRI) at mga transistor. Sinaad ni Richard Feynmann Feynman na ang mga eksperimentalista ay maaaring maghanap ng mga area na hindi maiging nagagalugad ng mga teorista.

Ang pisika ay sumasakop sa malawak na mga saklaw ng phenomena, mula sa mga elementaryong partikulo(gaya ng mga quark, neutrino at mga elektron) hanggang sa pinakamalaking mga sobrang pagkukumpol ng mga galaksiya. Kabilang sa mga phenomenang ito ang mga pinakabasikong mga obhekto na bumubuo ng lahat ng mga bagay. Sa gayon, ang pisika ang minsang tinatawag na pundamental na agham. Ang mga pisiko ay naglalayong ilarawan ang iba`t ibang mga phenomena na nangyayari sa kalikasan sa mga termino ng mas simpleng phenomena. Kaya ang pisika ay naglalayon na parehong i-ugnay ang mga napagmamasdang mga bagay sa mga tao hanggang sa mga ugat na dahil at pagkatapos ay iuugnay ang mga dahilang ito ng sama sama.

Halimbawa, ang mga sinaunang Tsino ay napagmasdang ang ilang mga bato(lodestone) ay naaakit sa ibang mga bato sa pamamagitan ng isang hindi nakikitang pwersa. Ang epektong ito ay kalaunang tinawag na magnetismo at unang mahigpit na pinag-aral noong ika-17 siglo. Ang kaunting mas naunawa sa mga Tsino na mga Griyego ay alam ang ibang mga bagay gaya ng amber na kung ikukuskos sa balahibo ay magsasanhi ng parehong hindi makikitang atraksiyon sa pagitan ng dalawa. ito ay una ring mahigpit na pinag-aralan noong ika-17 siglo at naging kilala bilang elektrisidad. Kaya ang pisika ay naunawa ang dalawang mga obserbasyon ng kalkasan ayon sa isang ugat na dahilan(elektrisidad at magnetismo). Gayunpaman, ang karagdagang mga akda noong ika-19 siglo ay naghayag na ang dalawang pwersang ito ay dalawang magkaibang apseto ng isang pwersa na elektromagnetismo. Ang prosesong ito ng pag-iisa ng mga pwersa ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan at ang elektromagnetismo at ang mahinang pwersang nukleyar ay ngayon itinuturing na dalawang aspeto ng interaksiyong electroweak. Ang mga pisiko ay naghahanap ng pinakahuling dahil na teoriya ng lahat para sa kung bakit ang kalikasan ay ganito.

Ang kontemporaryong pagsasaliksik sa pisika ay maaring malawak na mahati sa kondensadong materyang pisika; atomiko, molekular, at optikal na pisika; partikulong pisika; astropisika; geopisika at biopisika. Ang mga ilang mga kagawaran ng pisika ay sumusuporta rin sa pagsasalik sa edukasyong pisika.

Simula ika-20 siglo, ang mga indibidwal na larangan ng pisika ay naging papalaking espesyalisado at ngayon, ang karamihan sa mga pisiko ay gumagawa sa isang larangan para sa kanilang kabuoang karera. Ang mga unibersalistang gaya nina Albert Einstein (1879–1955) at Lev Landau (1908–1968) na gumawa sa maraming mga larangan ay napaka bihira na sa kasalukuyan.

Ang pisikang kondensadang materya ang larangan ng pisika na umuukol sa makroskopikong pisikal na mga katangian ng materya. Sa partikular, ito ay umuukol sa mga yugtong na kondensada na lumilitaw sa tuwing ang bilang ng mga konstituente sa isang sistema ay labis na malaki at ang mga interaksiyon sa pagitan ng mga konstituente ay malakas.

Ang pinakapamilya na mga halimbawa ng mga yugtong kondensada ang mga solido at likido na lumilitaw sa pagbibigkis ng pwersang elektromagnetiko sa pagitan ng mga atomo. Ang mas eksotikong mga yugtong kondensada ay kinabibilangan ng superpluido at kondesadang Bose-Einstein na matatagpuan sa ilang mga sistemang atomiko sa napakababang temperatura, ang superkonduksiyong yugto ay ipinapakita ng mga elektrong konduksiyon sa ilang mga materyal at ang mga yugtong ferromagnetiko at antiferromagnetiko ng mga ikot sa ilang mga atomikong lattice.

Ang pisikang kondesadang materya ay sa kasalukuyan ang pinakamalaking larangan ng kontemporaryong pisika. Sa historikal na paglalarawan, ang pisikang kondesadang materya ay lumago mula sa pisikang estadong-solido na itinuturing na ngayong isa sa mga pangunahing pang-ilalim na larangang nito. Ang terminong pisikang kondensadang materya ay maliwanag na inimbento ni Philip Anderson nang kanyang muling pangalang ang kanyang pangkat pagsasalik - na nakaraang teoriyang estadong-solido noong 1967.

Noong 1978, ang Division of Solid State Physics sa American Physical Society ay muling pinangalanang  Division of Condensed Matter Physics. Ang pisikang kondensadang materya ay may malaking pagsasanib sa kemika, agham ng mga materyal, nanoteknolohiya at inhinyerya. 

Ang pisikang atomiko, molekular at optikal(Atomic, molecular, and optical physics o AMO) ang pag-aaral ng materya-materya at liwanag-materyang mga interaksiyon sa skala ng isang mga atomo at molekula. Ang tatlong mga ara ay pinangkat dahil sa kanilang pagkakaugnayan, mga pagkakatulad ng mga paraang ginagamit at komonalidad(karaniwang) sa mga skalang enerhiya na may kaugnayan. Ang tatlong mga area ay parehong klasiko, semi-klasiko at mga pagtratong kwantum. Ang mga ito ay maaring magtrato ng kanilang pinag-aaral mula sa pananaw mikroskopiko na salungat sa pananaw makroskopiko.

Ang pisikang atomika ay nag-aaral ng mga shell ng elektron ng mga atomo. Ang kasalukung pagsasaliksik ay pumopokus sa mga gawain sa kontrol na kwantum, paglalami at pagbibitag ng mga atomo at ion, mababang temperaturang banggang dynamika at mga epekto ng korelasyong elektron sa istraktura at dinamika. Ang pisikang atomia ay naimpluwensiyahan ng nukleyus ngunit ang intra-nukleyar na phenomeno gaya ng fission at fusion ay tinuturing na bahagi ng pisikang mataas na enerhiya.

Ang pisikang molekular ay pumopokus sa multi-atomikong mga istraktura at mga panloob at panlabas na mga interaksiyon nito sa materya at liwanag. Ang pisikang optikal ay iba sa optika dahil ito ay may kagawiang pumokus hindi sa kontrol ng mga klasikong field ng liwanag ng mga bagay makroskopiko kundi sa mga pundamental na katangian ng mga field na optikal at ang mga interaksiyon nito sa materya sa sakop mikroskopiko. 

Ang partikulong pisika ang pag-aaral ng mga elementaryong konstituente ng materya at enerhiya at mga interaksiyon sa pagitan ng mga ito. Ito ay maaari ring tawaging pisikang mataas na enerhiya dahil marami sa mga elementaryong partikulo ay hindi umiiral ng natural ngunit nalilikha lamang sa mga mataas na enerhiyang banggan ng ibang mga partikulo gaya ng makikita sa mga akselador ng partikulo.

Sa kasalukuyan, ang mga interaksiyon ng mga elementaryong partikuoo ay inilalarawan ng Pamantayang Modelo. Ang modelong ito ay nagsasaalang ng 12 alam na mga partikulo ng materya (mga quark at lepton) na nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng malakas, mahina at mga elektromagnetikong pundamental na mga pwersa. Ang dinamika ay inilalarawan sa mga termino ng partikulong materya na nagpapalitan ng mga gauge boson(mga gluon, boson na W at Z at photon). Ang Pamantayang Modelo ay humuhula rin ng isang partikulong tinatawag na Higgs boson na ang pag-iiral ay hindi pa napapatunayan sa kasalukuyan. Ang mga paghahanap nito ay kasalukuyang isinasagawa sa Tevatron, Fermilab at sa Large Hadron Collider sa CERN.

Ang astropisika at astronomiya ang aplikasyo ng mga teoriya at pamamaraan ng pisika sa pag-aaral ng istrakturang pang-bituin(stellar), ebolusyong stellar at pinagmula ng Sistemang Solar at mga kaugnay na problema sa kosmolohiya. Dahil ang astropisika ay isang malawak na paksa, ang mga astropisiko ay karaniwang naglalapat ng maraming mga disiplina sa pisika kabilang ang mekanika, elektromagnetismo, mekanikang estadistikal, termodinamika, mekanikang kwantum, relatibidad, nukleyar na pisika, pisikang partikulo at pisikang atomiko at molekular.

Ang pagkakatuklas ni Karl Jansky noong 1931 na ang mga signal na radyo ay inilalabas ng mga katawang pangkalawakan ang nagpasimula ng agham ng astronomiyang radyo. Sa pinakamakailan lamang, ang mga frontier ng astronomiya ay pinalawig ng eksplorasyon ng kalawakan. Ang mga perturbasyon at interperensiya mula sa atmospero ng mundo ay gumagawa sa batay sa kalawakang mga obserbasyon na kailangan para sa infrared, ultraviolet, gamma-ray at X-ray astronomiya.

Ang pisikal na kosmolohiya ang pag-aaral ng pagkakabuo at ebolusyon ng uniberso sa pinakamalaking mga skala. Ang teoriyang relatibidad ni Albert Einstein ay gumagampan ng mahalagang papel sa lahat ng mga teoriyang kosmolohikal. Sa simula nang ika-20 siglo, ang pagkakatuklas ni Edwin Hubble na ang uniberso ay lumalawak(expanding) gaya ng pinakita ng diagramang Hubble ay pumukaw sa mga katunggaling paliwanag na tinatawag na nakapirmeng estado na uniberso at Malaking Pagsabog(Big Bang).

Ang Malaking Pagsabog(Big Bang) ay nakompirma ng pagtatagumpay ng Big Bang nucleosynthesis at pagkakatuklas ng Kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon noong 1964. Ang Modelong Malaking Pagsabog(Big Bang) ay nakasalig sa dalawang mga haliging teoretikal: Ang pangkahalatang relatibidad ni Einstein at ang prinsipyong kosmolohikal. Kamakailang napatunayan ng mga kosmolohista ang modelong ΛCDM ng ebolusyon ng uniberso na kinabibilangan ng inplasyong kosmiko, enerhiyang itim(dark energy) at materyang itim(dark matter).

Ang maraming mga posibilidad at pagkakatuklas ang inaasahang lumitaw sa bagong data mula sa Fermi Gamma-ray Space Telescope sa paglipas ng darating na dekada at malawak na magbabago o magkaklaro ng mga umiiral na modelo ng uniberso. Sa partikular, ang potensiyal para isang labis na pagkakatuklas na pumapaligid sa materyang itim(dark matter) ay posible sa mga susunod na ilang mga taon. Ang Fermilab ay maghahanap ng ebidensiya na ang materyang itim(dark matter) ay binubuo ng mahinang(weakly) na nakikipag-ugnayang mga malalaking partikulo na nagdadagdag sa mga katulad na eksperimenton sa Large Hadron Collider at ibang mga detektor sa ilalim ng lupa.

Ang IBEX nagbubunga na ng mga bagong pagkakatuklas astropisikal: Walang nakakaalam kung ano ang lumilikha ng ENA (energetic neutral atoms) ribbon kasama ng sindak terminasyon(termination shock) ng hanging solar(solar wind), ngunit ang lahat ay umaayon na ang paglalarawan ng mga aklat(textbook) ng helosphero - kung saan ang mga kargadang partikulo ng hanging solar ay umaararo sa papasulong na hanging galaktiko ng interstelalr na midyum sa hugis ng isang kometa — ay mali.




#Article 71: GMA Network (6563 words)


Ang GMA Network (Global Media Arts o simpleng GMA) ay isang pangunahing komersyal na broadcast ng telebisyon at network ng radyo sa Pilipinas. Ang GMA Network ay ang pangunahing katangian ng traded ng publiko ng GMA Network Inc. Ang kauna-unahang pag-broadcast sa telebisyon ay noong 29 Oktubre 1961, ang GMA Network (dating kilala bilang RBS TV Channel 7, GMA Radio-Television Arts pagkatapos ng GMA Rainbow Satellite Network) ay karaniwang kinatawan. bilang Kapuso Network na tumutukoy sa balangkas ng logo ng kumpanya. Tinawag din itong Christian Network na tumutukoy sa maliwanag na programa sa panahon ng panunungkulan ng bagong pamamahala, na pumalit noong 1975. Ito ay ang punong-tanggapan ng GMA Network Center sa Lungsod ng Quezon at ang nagpapadala nito, ang Tower of Power ay matatagpuan sa Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat din sa Quezon City. [2]

Ang orihinal na kahulugan ng akronim ng GMA ay Greater Manila Area, na tumutukoy sa paunang sakop na lugar ng istasyon. Habang pinalawak ang network ay nagbago ito sa Global Media Arts. Ngayon, ang pangunahing punong istasyon ng telebisyon ay DZBB-TV (GMA 7 Manila). Ang network ay may 3 nagmula na mga istasyon at 54 na istasyon ng relay sa buong bansa. Ang programa nito ay magagamit din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Ang pinagmulan ng GMA Network ay maaaring masubaybayan pabalik sa Loreto F. de Hemedes Inc. sa pamamagitan ng DZBB, [3] na nagsimulang ipalabas ang broadcast ng radyo nito noong 1 Marso 1950, at opisyal na inilunsad bilang isang lokal na istasyon ng radyo sa Maynila noong 14 Hunyo 1950 at pagmamay-ari ni Robert La Rue Tiyo Bob Stewart, isang tagasulat sa giyera sa Amerika. [4] Nagsimula sa telebisyon noong 1960s, sinimulan ng Stewart ang istasyon ng telebisyon nito sa pamamagitan ng RBS TV Channel 7 sa istasyon ng DZBB-TV noong 29 Oktubre 1961, ang pangatlong terestrial na istasyon ng telebisyon ng Pilipinas. Orihinal, ang programa ng RBS ay binubuo ng mga banyagang programa mula sa Estados Unidos at kalaunan ay gumawa ito ng mga lokal na programa upang magsilbi ang mga madla ng Filipino. Gumawa ito ng mga palabas tulad ng Lucky Seven Club ni Tiyo Bob, isang palabas na nakatuon sa bata na ipinalabas tuwing Sabado; Oras ng Sayaw kasama si Chito; Mapagmahal sa Iyo, Helen; Ang GMA Supershow (dating Germside at pagkatapos ay Germspesyal) at iba`t ibang mga programa sa balita tulad ng News at Seven. At noong 1963, inilunsad ng RBS ang kauna-unahang provincial television television sa Cebu, DYSS Channel 7 (ngayon ay Cebu Cebu). Sa parehong taon, mula sa Loreto F. de Hemedes Inc, ang kumpanya ay pormal na pinalitan ng pangalan sa Republic Broadcasting System, Inc. (RBS). [2]

Noong 21 Setyembre 1972, pagkatapos ay idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa bisa ng Proklamasyon 1081. [5] Si Marcos, na nagpasiya sa pamamagitan ng atas, ay nagbawas sa kalayaan sa pamamahayag at iba pang kalayaang sibil; isinara ang Kongreso at mga media establishments kabilang ang RBS. Sinakop ng mga tauhan ng militar ang compound ng GMA Network at isinailalim sa kontrol ng militar upang maiwasan ang umano’y propaganda ng komunista. Ang mga outlet ng media kabilang ang RBS na kritikal sa administrasyong Marcos ay inatasan na isara. Ngunit noong huling bahagi ng Disyembre 1972, ang RBS ay pinayagan ng gobyerno na bumalik sa himpapawid sa oras na ito sa pamamagitan ng kasunduan sa blocktime sa National Media Productions Center (NMPC), subalit may limitadong tatlong buwan na mga pahintulot. Ngunit dahil sa limitadong mga lisensya, nahihirapan sa mga obligasyong pampinansyal, at hindi pinapayagan ang mga dayuhang mamamayan at entity mula sa pagmamay-ari at pagpapatakbo ng mga kumpanya ng media sa Pilipinas, napilitan ang Stewart at ang American Broadcasting Company, na nagmamay-ari ng isang-kapat ng kumpanya, na ibigay ang kontrol sa karamihan sa isang triumvirate na binubuo ni Gilberto Duavit Sr., isang opisyal ng Malacañang; Menardo Jimenez, isang accountant; at Felipe Gozon, isang abugado ng Stewarts noong 1975 at ang istasyon ay pinalitan ang pangalan nito ng GMA Radio-Television Arts (ang GMA ay tumayo para sa Greater Manila Area, ang paunang sakop na lugar ng istasyon), kahit na ang Republic Broadcasting System, Inc. ay nanatili bilang pangalan ng korporasyon nito hanggang 1996. Ang asawa niyang si Loring ang pangulo nang maganap ang pagsakop. [6] [7] [8] Ang muling paglunsad ng GMA, bukod sa pag-sport ng isang light blue square logo na may kulay puti ang pangalan ng network, mayroon ding isang circle 7 logo na ginamit, sa mga huling taon ng ginamit na logo ng blue circle 7 ay katulad ng ginamit ng ABC sa ilang mga lungsod ng Estados Unidos.

Pagkatapos nito, si Rod Reyes, ang dating heneral na tagapamahala ng RBS ay nagrekrut ng mga old-timer mula sa ABS-CBN, kabilang ang mula sa news department at mga entertainment program. Sa pamamagitan ng acquisition, nakapag-broadcast ang kulay ng istasyon sa isang PhP8 milyong linya ng kredito sa pamamagitan ng pagbili ng mga telecine machine at nakuha ang mga dayuhang programa. Ang mga pag-rate ay pataas mula # 5 hanggang # 3 sa oras na iyon. [8]

Nang si Benigno Ninoy Aquino, Jr., isang senador na mariing kinontra ang administrasyong Marcos, ay pinaslang noong 21 Agosto 1983, maliit lamang ito sa balita sa telebisyon. Ang mahigpit na pagkakahawak na mayroon ang administrasyong Marcos sa telebisyon ay nagsimulang madulas, habang isinasahimpapawid ng GMA ang libing, ang tanging lokal na istasyon na gumawa nito. [4] Noong 1984, tinangka ni Imee Marcos, anak ni Ferdinand Marcos, na sakupin ang GMA. [4] [7] Gayunpaman, ang pag-takeover ay pinigilan ng mga executive ng GMA. Iniwan ni Stewart ang Pilipinas para sa kabutihan dahil labis siyang nabigo sa paglipat ni Marcos. Naging instrumento din ang GMA sa mga taon bago ang People Power Revolution. Ang network ang unang nagpalabas ng panayam sa telebisyon kay Corazon Aquino noong 1984, at nang kalaunan ay inihayag niya na tatakbo siya sa pagkapangulo kung tatanggap siya ng isang milyong pirma. [4] Noong Pebrero 1986, ang network din ang unang nag-ulat na si Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile ay humiwalay sa administrasyong Marcos. [4]

Nang maibalik ang demokrasya sa People Power Revolution noong 1986, nagsimulang magpalabas ang mga istasyon ng telebisyon, ang ilan sa kanilang mga orihinal na may-ari. Ang kawalang-tatag ng politika sa bansa ay nagdagdag din sa pasanin ng istasyon, nang sumugod ang mga sundalo sa mga studio sa loob ng dalawang araw sa bahagi ng pagtatangka ng coup na ibagsak ang Pangulo, si Corazon Aquino. Noong 1987, ito ang naging unang network ng telebisyon sa bansa na nagbigay ng isang bagong sukat sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-broadcast ng mga programa ng network sa buong stereo (tinawag bilang GMA StereoVision), binuksan nito ang high-end live studio, ang Broadway Centrum, na nagpapalakas sa lokal nito programa, at pinasinayaan ang 777-talampakang Tower of Power na matatagpuan sa kahabaan ng Tandang Sora, Lungsod ng Quezon, ang pinakamataas na istrukturang gawa ng tao sa bansa noong 7 Nobyembre 1988. [9]

Noong 2 Marso 1992, ipinasa ng Kongreso ang Batas Republika Blg. 7252, kung hindi kilala bilang Isang Batas na Nagbibigay ng Republic Broadcasting System, Inc. Isang Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Stations in the Philippines, pagbibigay ng GMA isang franchise ng pambatasan para sa pagpapatakbo ng mga istasyon ng pagsasahimpapawid sa radyo at telebisyon, sa partikular, upang mabuo, i-install, patakbuhin at panatilihin para sa mga layuning pang-komersyo at sa interes ng publiko, mga istasyon ng pagsasahimpapawid ng radyo at telebisyon sa Pilipinas na may kaukulang katulong, espesyal na broadcast at iba pang mga serbisyo sa programa at pamamahagi at mga istasyon ng relay, at upang mai-install ang mga pasilidad sa komunikasyon ng radyo para sa pribadong paggamit sa mga serbisyong ito sa broadcast ”sa loob ng 25 taon.

Sa ilalim nina Jimenez, Gozon at Executive Vice President Antonio C. Barreiro, ang pang-internasyonal na pag-abot ay naging target ng GMA noong 1990s, na nagsimula nang ang Rainbow Satellite ay inilunsad noong 30 Abril 1992. Sa pamamagitan ng mga istasyon ng relay nito, nakita ang mga programa ng GMA sa buong kapuluan at Timog-silangang Asya . Sinimulang ipalabas ang programa ng GMA sa 60 mga lungsod ng Amerika at bahagi ng Timog Amerika sa pamamagitan ng International Channel Network. Si GMA ang opisyal na brodkaster ng 1995 World Youth Day, na siyang huling pagbisita ni Pope John Paul II sa bansa. Sa parehong taon, dalawang tanyag na palabas sa TV, ang Eat Bulaga! at Okey Ka Fairy Ko! nagsimulang mag-broadcast sa GMA matapos tanggihan ng TAPE Inc. ang panukala ng ABS-CBN na bilhin ang airing rights ng dalawang palabas. Kasabay nito, inilunsad ng GMA ang isang subsidiary ng UHF channel, Citynet 27, maraming mga bagong palabas (kasama na rito ang Bubble Gang at Startalk, ngayon ay ilan na sa mga pinakahabang palabas sa TV), at ang programang balita, Saksi kasama si Mike Enriquez, Mel Si Tiangco at Karen Davila at mayroon din silang Asian adaptation ng seryeng The 700 Club bilang The 700 Club Asia na ang Pilipinas ay ang nag-iisang bansa sa Asya.

Noong 1995, itinatag ng GMA ang kumpanya ng paggawa ng pelikula, ang Cinemax Studios (na binago ulit sa pangalan ng GMA Films noong 1998) sa pelikulang Run Barbi Run. Ang pelikulang José Rizal na inilabas noong 1998, na noong panahong iyon ang pinakamahal na paggawa ng pelikula sa bansa (nagkakahalaga ng higit sa 80 milyong piso upang magawa), ay naging isang malaking tagumpay sa maraming mga pagkilala at nominasyon ng gantimpala.

Noong 16 Mayo 1996, pormal na binago ng GMA ang pangalan ng korporasyon nito sa GMA Network Incorporated, na ang GMA ay nakatayo sa Global Media Arts. Ang GoBingo, na unang ipinalabas noong 1996, ay isang interactive na palabas sa laro na hinanda ni Arnell Ignacio, kasama si Maricar de Mesa bilang unang GobiGirl. Noong 1998, nagpasimula ang GMA sa wikang Filipino ng gabing nag-broadcast ng balita kasama ang programang GMA Network News bilang kauna-unahang telebisyon sa telebisyon na may wikang Filipino matapos itong pasinaya anim na taon na ang nakalilipas bilang isang newscast na linggong nightcast ng wikang Ingles, tulad ng mga newscasts sa Ingles nagsimula simula nang ipakilala ang telebisyon sa bansa noong 1953. Habang lumalakas ang newscast kaysa sa mga newscasts nitong Ingles, nagsisimulang sundin ang lahat ng mga network kabilang ang ABS-CBN noong 1999, Radio Philippines Network noong 2000, National Broadcasting Network noong 2001 at Associated Broadcasting Company noong 2004.

Si GMA ang kauna-unahang brodkaster ng Pilipinas na nakatanggap ng Peabody Award para sa Investigative Reporting noong 1999. [10] Nang maglaon, ang Citynet 27 ay naging EMC, ang unang lokal na na-program na channel ng video ng musika, na naging bahagi ng franchise ng Channel [V] na tinatawag na Channel [V] Philippines. Gayunman, ang Channel [V] Philippines ay tumigil sa operasyon dahil sa hindi pagkakasundo ng mga may-ari ng GMA at PLDT (na bumili ng stake sa GMA), na nagpapatakbo ng MTV Philippines sa pamamagitan ng kanilang subsidiary, ang Nation Broadcasting Corporation. Si GMA din ang naging brodkaster ng Pilipinas para sa 2000 Ngayon, ang pinakamatagumpay na internasyonal na espesyal na telebisyon na ginugunita ang bukang-liwayway ng bagong Milenyo. Sa pagsisimula ng milenyo, ang GMA lamang ang lokal na network na nagpunta sa 24 na oras, walang tigil na pag-broadcast. Sa pagsisimula ng taon, inihayag ni Menardo Jimenez ang kanyang pagreretiro bilang pangulo at CEO at noong 31 Disyembre 2000, kinuha ni Felipe Gozon ang posisyon sa kanyang kasabay na kakayahan bilang chairman. Ang anak na lalaki ni Duavit na si Gilberto Duavit Jr. ay tumanggap ng posisyon bilang Chief Operating Officer.

Noong 27 Oktubre 2002, sa isang yugto ng tanghali ng palabas ng network na SOP, opisyal na nagsiwalat ang GMA ng isang bagong kampanya sa logo at imahen. Nagtatampok ang bagong logo ng isang logo ng hugis puso na may kulay ng bahaghari, ang Kapuso, na kinatawan ng isang bagong slogan na Kapuso ng Pamilyang Pilipino, Anumang Kulay ng Buhay (One in Heart With the Filipino family, In Kahit Na Ano ang Colors of Life), at isang Century Gothic Bold font para sa mga titik. Ang Kapuso na tema ng awit ay inaawit ni Regine Velasquez.

Noong 2003, nanalo si Saksi ng New York Television Festival Gold Medal para sa pinakamahusay na newscast, ang kauna-unahang newscast ng Pilipinas na gumawa nito. Ito, at ang Peabody Award noong 1999, ay nakakuha ng network ng komendasyon ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa paglaon ng taong iyon. Noong Setyembre 1 ng parehong taon, binawi ng GMA Network ang pagiging miyembro nito mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), [11] matapos ang mga insidente na kinasasangkutan ng host na si Rosanna Roces, na sinasabing komersyal na overloading at nakagambala nang ipalabas ng news anchor na si Mike Enriquez ang kanyang mga reklamo sa kanyang programa sa radyo, ang Saksi sa Dobol B, laban sa pagbaluktot ng pagmamay-ari ni Lopez na cable firm na SkyCable sa signal ng GMA sa system nito, at isang nawawalang videotape na naglalaman ng ebidensya na nilabag ng cable firm ang panuntunan sa paghingi ng mga ad para sa cable TV. Ang GMA ay isang opisyal na TV network ng 4th World Meeting of Families na ginanap sa Manila, Philippines.

Noong 2004, naglunsad ang GMA ng line up ng mga bagong programa at primetime show tulad ng Te Amo, Maging Sino Ka Man, Hanggang Kailan, Forever In My Heart, Marinara, pati na rin, Bahay Mo Ba 'To, Naks !, Lovely Day, StarStruck Kids, Ikaw Sa Puso Ko, Leya, Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa, 30 Days, Wag Kukurap, Pinoy Pop Superstar, SOP Gigsters, Joyride, 3R, Out, Bitni's Funniest Videos and the network's new early evening newscast 24 Oras.

Noong 2005, ang subsidiary ng kumpanya, ang Citynet Inc., ay lumagda sa isang co-production at blocktime agreement sa ZOE Broadcasting Network, na pinapayagan ang GMA Network na may isa pang platform upang maipakita ang mga programa at talento nito. Noong 11 Nobyembre 2005, ang punong punong barko ng ZOE, ang DZOE-TV Channel 11, ay nagpalabas sa hangin bilang Quality TeleVision (na kalaunan ay kilala bilang Q at muling binago upang maging GMA News TV), at mga palabas sa broadcast na pangunahing target ang mga babaeng madla. Ang mga programa ng balita ni Q ay nagbahagi ng parehong mga mapagkukunan ng GMA News at Public Affairs, habang ang ilang mga programa ay ginawa ng Citynet, Inc. Gayundin noong 2005, nanalo ang GMA ng Best Terrestrial Television Station ng Asian Television Awards, na pinagkalooban ng MBC ng Korea at MediaCorp Channel 5 ng Singapore . Plano ng network na maging publiko, ngunit dahil sa kawalan ng katatagan sa pulitika at pababang trend ng pag-broadcast ng advertising, naantala ito. [12]

Noong 2006, ang debate kay Mare at Pare, isang late-night public affairs program, ay nagwagi ng tanso na medalya sa New York Television Festival. Pinuri din ang network sa pagsakop nito sa Wowowee (isang programa ng ABS-CBN) stampede ng mga lokal na publication. Sa isang eksklusibong panayam, isang reporter na si Mike Enriquez ang nakapanayam na pinaglaban ang pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang alisin ang State of National Emergency, na pinayagan ng network na magpalabas ng ibang istasyon nang walang paunang pahintulot. Sa pagtatapos ng pakikipanayam, pinuri ng pangulo ang network para sa saklaw ng balita, na pinapahiwatig na ang iba pang mga outfits ng media na gawin ang pareho. Noong Abril, ang nagtatag ng network, si Robert Uncle Bob Stewart ay namatay sa Estados Unidos. Sa panahon ng Everest akyat sa parehong taon, suportado ng GMA ang umaakyat na si Romi Garduce, ang pangatlong Pilipino na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest sa loob lamang ng tatlong araw. Ang network ay isa sa mga unang lokal na kumpanya na gumawa ng isang pelikula ng IMAX, sa pagbubukas ng San Miguel-Coca-Cola IMAX Theatre sa SM's Mall of Asia.

Noong 2007, inihayag ng network na mag-aalok ito ng mga stock nito sa publiko. [13] [14] Matapos makakansela ng maraming beses at sa kabila ng pag-angkin ng mga Marcos sa pagbabahagi na hawak ng pamilyang Duavit, [15] ang kanilang IPO ay sa wakas ay gaganapin noong Hulyo 30 na nag-aalok ng PhP 8.50 bawat bahagi. [16] Ang Network ay nagsimulang gumawa ng mga franchise sa telebisyon mula sa ibang mga bansa nang gumawa sila ng Mga Kilalang Tao: Edisyon ng Pilipinas kasama ang FremantleMedia, isa sa pinakamalaking mga tagagawa ng mga franchise sa telebisyon sa buong mundo na nakabase sa United Kingdom. Maya-maya ay nagawa nila ang MariMar, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Kakasa Ka Ba Sa Baitang 5? at Whammy! Itulak ang Iyong swerte mula sa iba`t ibang mga bansa. Noong 16 Setyembre 2007, ipinahayag na ang franchise ng Idol, na dating ginamit ng Associated Broadcasting Company (upang makagawa ng Philippine Idol) ay ililipat sa GMA sa ilalim ng bagong pangalang Pinoy Idol. [17]

Noong 2008, gumawa ang GMA ng magkakaibang hanay ng mga palabas para sa prime time block nito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Joaquin Bordado nina Carlo J. Caparas, Dyesebel ni Mars Ravelo, Babangon Ako't Dudurugin Kita, Gagambino, Codename: Asero, Lalola, Ako si Kim Sam Soon, Survivor Philippines, Family Feud, Saan Darating Ang Umaga? at Luna Mystika. Ang GMA ay naging bagong tahanan ng franchise ng Idol, kasama ang premiering ng Pinoy Idol noong tag-init kasama ang kasamang palabas nito, ang Pinoy Idol Extra. [Kailangan ng banggit]

Sa unang kalahati ng 2009, ang GMA Network ay pumila ng mga bagong palabas para sa puntong oras nito tulad nina Carlo J. Caparas 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Carlo J. Caparas' Totoy Bato, All About Eve, Zorro, Adik Sa'Yo, All Ang Aking Buhay, Sana Ngayong Pasko. Ang prime time news program na 24 Oras ay nanalo ng dalawang mga parangal sa New York Television Festival, isang Gold Medal para sa Best Continuing Coverage at isang Silver Medal para sa Best News Program.

Naglinya rin ang network ng mga bagong prime time show para sa ikalawang kalahati ng 2009 tulad ng Rosalinda, bagong bersyon ng Darna, ikalawang panahon ng Survivor Philippines, Stairway to Heaven, Full House, bagong panahon ng StarStruck.

Noong 2010, para sa una at pangalawang quarters, naglabas ang GMA Network ng mga bagong sabon at palabas tulad ng The Last Prince, Panday Kids, First Time, Laff En Roll, Diva, Zooperstars, Claudine, Wipeout, Pepito Manaloto, Wachamakulit, Sunnyville, Comedy Bar, Love Bug, Langit Sa Piling Mo, Pilyang Kerubin, Endless Love, Danz Showdown, pati na rin ang Diz Iz It! na pumalit sa pinakamahabang morning talk show na SiS kasama ang Party Pilipinas na pumalit sa SOP.

Noong 2011, nag-alok ang GMA Network ng line-up sa hapon na nagpatuloy sa tagumpay ng Koreana, Trudis Liit, Basahang Ginto at Bantatay. Kasama rito sina Nita Negrita, Magic Palayok, Alakdana, Sisid at My Lover, My Wife. Sa primetime line-up, pinakawalan ng GMA ang I Heart You, Pare !, Dwarfina, Machete, Captain Barbell, Munting Heredera, ang kauna-unahang makasaysayang drama ng Pilipinas na pinamagatang Amaya at inalok nila ang kauna-unahang serye ng remake sa TV na Ikaw Lang ang Mamahalin.

Noong 2012, inalok ng network ang lahat ng orihinal na line-up ng mga serye sa telebisyon para sa unang quarter, sa parehong primetime at hapon block tulad ng Legacy, Biritera at My Beloved sa GMA Telebabad at Alice Bungisngis at ang kanyang Wonder Walis, Broken Vow, The Good Daughter at Hiram na Puso sa GMA Afternoon Prime. [18]

Noong 1 Pebrero 2012, inihayag ng GMA Network na nilagdaan nito ang isang tatlong taong pakikitungo sa Fox International Channels na nagpapahintulot sa lokal na ginawa na mga palabas at tampok na pelikula ng GMA na maipalabas sa mga FOX cable channel. Sakop ng nasabing deal ang isang minimum na 350 oras na halaga ng mga programa at 25 na tampok na pelikula. Kabilang sa mga programang naihatid sa FOX para sa pagpapalabas sa feed ng Pilipinas ay ang: Encantadia, Darna, Dyesebel, Super Twins, Stairway to Heaven, Kaya Kong Abutin Ang Langit, Trudis Liit at Babangon Ako't Dudurugin Kita, at mga palabas sa balita at publiko tulad ng Wish Ko Lang, Pinoy Meets World at Pinoy Abroad. Habang ang mga pelikulang sakop ng deal ay ang: My Best Friend's Girlfriend, When I Met U, Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie, Temptation Island at José Rizal. [19]

Noong 22 Pebrero 2012, inihayag ng Pangulo ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar at direktor na si Yam Laranas na ang kilig na pelikulang The Road ay komersyal na inilabas at ipinakita sa mahigit 50 sinehan sa buong North America at Canada noong 11 Mayo 2012, isang una para sa isang lokal Larawan ng mosyong Pilipino. [20]

Noong 28 Pebrero 2012, inihayag ng network ang pagretiro ni Senior Vice President para sa Entertainment Group, Wilma Galvante. Ang anunsyo ay naganap matapos na opisyal na magretiro si Galvante mula sa network, na tinapos ang kanyang 19 na taon na paglilingkod bilang entertainment head. Itinalaga ng GMA Network si Lilybeth Rasonable bilang Officer in-charge ng Entertainment Group. Si Rasonable ay kasama ng network mula pa noong 1998 at nagsilbi bilang Program Manager, Assistant Vice President, at Vice President para sa Drama para sa Entertainment Group. Ang kanyang pinakabagong posisyon bago ang appointment ay nakita ang kanyang pangangasiwa sa grupo ng hapon at primetime teledramas. [21]

Noong Abril 2012, inihayag ng Pangulo ng GMA Network at COO Gilberto Duavit, Jr. na ang network ay tumama sa pinagsama-samang kita sa 13.083 bilyong piso noong 2011. Sa kabila ng kawalan ng 2.054 bilyong pisong halaga ng mga kita mula sa mga pampulitikang ad na nabuo noong 2010 at ang pandaigdigang epekto ng krisis sa pananalapi sa Europa at mabagal na paggaling ng ekonomiya sa US noong 2011. [22] [23]

Nanalo ang network ng isa pang Peabody Award noong 2013 para sa saklaw nito ng Supertyphoon Yolanda (Haiyan). [24]

Noong 4 Oktubre 2012, inihayag ng network ang pagwawakas ng negosasyon sa MediaQuest Holdings, Inc. (isang kaakibat ng Philippine Long Distance Telephone Company) na pagmamay-ari ng negosyante at chairman ng TV5 na si Manny V. Pangilinan. [25] Mula sa pagsisimula ng taon, si G. Pangilinan ay tinig sa kanyang interes na makuha ang GMA Network, na sinasabing nakausap niya sila, ... mula pa noong 2002, at pagkatapos ay marahil limang taon na ang nakalilipas. [26] Kasunod ng pagbabalik ng ang negosasyon ng GMA Network sa PLDT Group, Manny V. Pangilinan na nagkumpirma noong 4 Marso 2014, na ang alok na bumili ng 34% na stake sa GMA Network ay nag-expire noong Pebrero ng parehong taon. [27]

Noong 5 Mayo 2014, ang chairman at CEO ng Network ng GMA na si Atty. Kinumpirma ni Felipe L. Gozon na ang network ay nagpasok ng negosasyon sa pangulo ng San Miguel Corporation at COO Ramon S. Ang. [28] Pagkalipas ng isang buwan, noong 24 Hunyo 2014, inihayag ng mga pangunahing stockholder ng GMA Network na ibebenta nila ang 30% ng kanilang mga equity share ng network kay Ang [29] sa kanyang personal na kakayahan. Ang San Miguel Corporation ay hindi kasangkot sa pagkuha ni Ang ng mga pagbabahagi. Noong Hunyo 2015, sinabi ng GMA sa isang pagsisiwalat sa komisyon ng seguridad na ang pakikipag-usap kay Ramon Ang ay lumubog. [30]

Noong Abril 2015, nagpatupad ang GMA Network ng isang serye ng pagbawas sa badyet patungo sa mga rehiyonal na istasyon ng TV, sa pamamagitan ng pagwawakas sa hindi kukulangin sa 200 mga empleyado ng rehiyon, na binabaan ang mga nagmula sa mga istasyon ng TV sa Bacolod, Naga, Cagayan de Oro, General Santos at Ilocos sa 'satellite-selling' o relay sa mga istasyon ng TV, at pagkansela ng mga palabas sa umaga sa Cebu, Davao, Iloilo at Dagupan, iniulat na upang sila ay streamline ng kanilang operasyon para sa nadagdagan ang mga rating at kita. [31] Noong Nobyembre ng parehong taon, binawasan din ng network ang pinagmulan nito istasyon sa Iloilo City sa 'relay-selling' o satellite TV station at kinansela ang Ratsada 24 Oras kasunod sa pag-retrench sa 20 empleyado mula sa news department bilang bahagi ng strategic streamlining na isinagawa ng GMA Network. [32]

Noong Pebrero 2013, inamin ng GMA Network na nagsasagawa ito ng mga pagsubok sa patlang ng Integrated Services Digital Broadcasting-Terrestrial (ISDB-T), ang pamantayang Hapon sa digital na telebisyon, ngunit nanatiling hindi kumbinsido na sinasabi ang pamantayang European, pangalawang henerasyon ng Digital Video Broadcasting-Terrestrial (DVB -T2), ay nakahihigit kaysa sa ISDB-T. [33] Gayunpaman, noong Oktubre 2013, ang National Telecommunications Commission (NTC) ay naglabas ng isang draft memorandum circular na gumagamit ng pamantayang Hapon na magiging nag-iisang pamantayan sa paghahatid ng mga serbisyong digital terrestrial TV (DTT) sa Pilipinas. [34] Noong Mayo 2015, inihayag ng GMA Network na gagasta sila ng hindi bababa sa Php 2 hanggang 3 bilyon para sa paglulunsad ng serbisyong digital TV nito at sinabi na plano ng kumpanya na gumawa ng mga dongle, sa halip na mga set-top box para sa rollout. [35] Noong Mayo 2015, nanguna ang GMA sa digital TV test na kinomisyon ng mobile phone brand na Starmobile at isinagawa ng American market research firm na International Data Corporation (IDC) sa pagkakaroon ng GMA sa 10 sa 14 na lokasyon sa Metro Manila. [36]

Ang GMA Network ay sama-sama na pagmamay-ari ng tatlong pangunahing shareholder; ang pamilyang Gozon, Duavit at Jimenez. Ang corporate shareholdering nito ay pagmamay-ari ng GMA Holdings Inc. (25.17%), Group Management  Development Inc. (23.47%), FLG Management  Development Corp. (20.01%) porsyento, MA Jimenez Enterprises (13.49%) porsyento, at Television International Corp. (9.94%).

Ang shareholder na GMA Holdings, Inc. ay sama-sama na pagmamay-ari nina Felipe L. Gozon, Gilberto Duavit, Jr at Joel Marcelo Jimenez.

Noong 29 Oktubre 1961, inilunsad ng Loreto F. de Hemedes Inc. ang kauna-unahang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas, na kilala noon bilang RBS TV Channel 7. Sinimulang markahan ng GMA Network ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga palatandaan ng tawag sa pagkakakilanlan sa network nito.

Gumamit ang GMA Network ng isang bilang ng mga logo sa buong kasaysayan nito lalo na noong nakuha ng Gozon, Jimenez at Duavit ang istasyon noong 1974. Mula sa huling bahagi ng 1970s hanggang unang bahagi ng 1990, ginamit ng network ang logo ng Circle 7, na ginugol din ng maraming mga network sa paligid ng mundo Noong 1980s, upang pinuhin ang pagkakaroon nito sa industriya ng broadcast ng Pilipinas, ginamit ng GMA Network ang slogan na Where You Belong, at tumagal ng dalawang dekada bago pasiglahin ang isa pang catchphrase. Noong 1992, tinukoy ng GMA Network ang sarili bilang Rainbow Network, na sinusundan ang mga ensign ng bahaghari. Sa buong 1990s, ang network ay bumuo ng logo bago ito pinalitan ng kasalukuyang logo nito noong 2002 at bilang Kapuso Network. [2] Matapos ang isang malaking kampanya sa marketing, at pinabuting mga rating sa telebisyon, ang bagong insignia (ang logo na may kulay na bahaghari na kilala bilang Kapuso) ay isa na ngayon sa pinakakilala sa Pilipinas.

Kapuso ng Bawat Pilipino (One in Heart with Every Filipino) [37] ang kasalukuyang katangian na catchphrase ng GMA Network. Ang slogan ay paunang ginamit kasabay ng muling pagbubuo ng GMA Network bilang Kapuso Network noong 27 Oktubre 2002. [38] Ngunit ang isa pang slogan ng network na Kapuso Mo, Anumang Kulay ng Buhay (One in Heart, in Every Colors of Life) ay ginagamit pa rin sa ibang mga layunin at ito ang opisyal na pamagat ng tema ng tema para sa network. Samantala ginagamit ng balita at departamento ng mga isyu ng publiko ng GMA Network ang slogan na Serbisyong Totoo (Tunay na Serbisyo). Isa ito sa pinakamahabang tumatakbo na mga islogan na ginamit para sa promosyon sa pag-broadcast ng balita. [39] [40] Natagpuan ng GMA Network ang kanyang sarili sa kabilang dulo ng labanan patungkol sa slogan, nang ang ABS-CBN News Channel ay gumagamit ng katulad na catchphrase, at agad na ipinagpatuloy upang maiwasan ang ligal na kalagayan mula sa GMA Network. Noong 2006, ang departamento ng balita ay gumamit din ng kasamang islogan, Just News, para sa kampanyang pang-promosyon kasama ang mga kasosyo sa news media, INQ7.Net. [41]

Ang programa sa telebisyon ng Network ng GMA ay binubuo ng mga balita, gawaing pampubliko, kathang-isip, iba`t ibang palabas, drama, musikal, soap opera, mga palabas sa bata at talk, at reality program. Karamihan sa mga programa nito ay nai-broadcast nang live at naka-tape sa kanyang GMA Network Centers at Studios na matatagpuan sa Metropolitan Manila. Kasalukuyang nagprogram ang GMA Network ng 20.5 na oras ng programa bawat araw. Nagbibigay ito ng 34.5 na oras ng programa ng prime-time bawat linggo sa mga may-ari at kaakibat na istasyon: 5: 30-10: 30 pm, Lunes hanggang Huwebes; 5: 45-12: 15 ng umaga sa Biyernes; 5: 45-12: 05 ng umaga tuwing Sabado; at 6: 00-2: 30 ng umaga tuwing Linggo. Ang programa ay ibinibigay din mula 4: 25-11: 30 a.m sa mga karaniwang araw sa anyo ng Unang Hirit; ang dalawa at kalahating oras sa araw ng tanghali noontime variety show na Eat Bulaga!; mga drama sa maagang hapon (Afternoon Prime block), maagang at huli na gabi na programa ng balita, 24 Oras at Saksi, ayon sa pagkakabanggit; prime-time na programa sa pamamagitan ng Telebabad block; huling hapon ng kasalukuyang mga gawa sa palabas na ginawa ng balita at kagawaran ng pampublikong gawain.

Nagsimula ang kumpetisyon sa programming noong 2004 nang ang produksyon ng maraming mga palabas sa GMA Network ay laban sa karibal na network na ABS-CBN. Reality program, nagsimula ang Extra Challenge upang pamunuan ang laro at sa paglulunsad ng telefantasya Mulawin. Noong 23 Setyembre 2004, sa wakas ay nakuha ng GMA Network ang pamumuno sa Mega Manila laban sa pinakamalapit na katunggali. [42] Noong 2005, sinimulan ng GMA Network ang paggawa ng Darna ni Mars Ravelo, isang klasikong karakter ng komiks ng Filipino na naging instant hit, na may isang gabing rating na 47.7 porsyento, ang pinakamataas na rating para sa isang pilot episode at ang unang telefantasya na umabot sa 52.1 porsyento na mga rating; na sinundan ng Encantadia sa 47.2 porsyento at iba pang prime-time telefantasyas, Mulawin (2004) at Sugo (2005) ay nag-ambag sa pamumuno ng GMA Network sa Mega Manila. Noong 2006, napanatili ng GMA Network ang kanyang primetime supremacy sa pamamagitan ng pag-reformat ng reality-based program na Extra Challenge at isa pang telefantasya Encantadia (na sinundan ng sequels, Etheria at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas), at ang naisalokal na subtitle na mga bersyon ng serye sa telebisyon ng Korea na Stairway to Heaven, Full House, Jewel in the Palace and My Lovely Sam Soon. [43]

Noong 2007, sinimulan ng GMA Network ang paggawa ng lokal na bersyon ng isang seryeng telebisyon sa Mexico na MariMar. Para sa pilot episode nito, nakakuha ito ng 52.6 porsyentong overnight rating, na ginagawang nag-iisa lamang na soap opera na nakamit ang pinakamataas na rating sa kasaysayan ng GMA Network. Sa isang survey noong 2006 na isinagawa ng Pulse Asia, pito sa 10 manonood na nakabase sa Metro Manila ang nakakakita sa GMA Network ng isang mas kapanipaniwalang network kaysa sa karibal na ABS-CBN. [44] Pinangunahan ng GMA Network na pamunuan ang demograpikong Mega Manila at Timog Luzon, na may pinakamataas na konsentrasyon ng pagmamay-ari ng telebisyon at 79 porsyento ng paglalagay ng ad. [45]

Opisyal na inilunsad ang National Urban Television Audience Measurement noong 16 Oktubre 2006 upang matukoy ang mga rating sa telebisyon at bahagi ng madla ng mga lokal na programa sa TV mula sa mga lunsod na lugar sa Pilipinas. Binabago nito ang tanawin ng industriya ng broadcast at ang paraan kung saan inilalaan ng mga advertiser ang kanilang mga pamumuhunan sa TV upang makamit ang kahusayan at pag-maximize ng gastos. Noong Agosto 2007, ipinakita ng datos ng rating ng madla ang pananatili ng GMA Network ng pamumuno sa Mega Manila, na nagresulta sa isang 23 porsyento na paglago ng pinagsama-samang netong kita sa PhP1.13 bilyon sa unang kalahati ng taon mula sa PhP915 milyon sa parehong panahon noong nakaraang taon. [46] Ang kita ng GMA Network ay lumago ng 23 porsyento bawat taon sa PhP1.126 bilyon sa unang anim na buwan ng taon. Ang Mega Manila ay mayroong 49 porsyento ng kabuuang mga sambahayan sa TV. Pinagsama ng mga pamilihan ng Mega Manila at Luzon ang account na 76 porsyento ng kabuuang mga sambahayan sa TV. [47] Kumita ito ng PhP2.3 bilyon noong 2007. [48] Noong 2011, pinanatili ng GMA Network ang nangunguna sa pambansang rating ng telebisyon na binabanggit ang mga numero mula sa Nielsen TV Audience Measurement para sa Enero 1 hanggang 13 Pebrero 2011. Ito ay may 33.2 porsyento na madla na ibinahagi batay sa overnight data, mas mataas kaysa sa 31.8 porsyento ng ABS-CBN at 14.9 ng TV5 porsyento Nangunguna rin ito sa Urban Luzon, na bumubuo ng 77 porsyento ng kabuuang mga sambahayan sa telebisyon sa Pilipinas. Nag-post ang GMA Network ng 9.8 point lead na may 36.5 puntos kumpara sa pinakamalapit na katunggali, 26.7 puntos ng ABS-CBN at nagpapataw ng 19.6 point lead mula sa 16.9 ng TV5. Sinuportahan din ng GMA Network na talunin ang ABS-CBN sa Mega Manila, na kung saan ay 58 porsyento ng sambahayan sa telebisyon. Nakakuha ito ng 37.7 porsyento na bahagi sa ABS-CBN 25.2 porsyento at 17.7 porsyento ng TV5, 20 puntos na mas mataas. [49]

Noong 22 Hulyo 2004, sa pagdating ng Angelo de la Cruz sa Ninoy Aquino International Airport (isang driver ng trak na naging hostage at nagbanta sa pagpugot ng ulo sa Iraq na dinukot ng mga armadong rebelde kanluran ng Baghdad habang nag-trak ng gasolina mula sa Saudi Arabia), live ang saklaw ng balita ay ipinalabas sa GMA Network at iba pang mga lokal na istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. [50] Gumamit ang GMA Network ng saklaw na audio-video sa pamamagitan ng mga pasilidad ng Reuters, kung saan nag-subscribe ang GMA Network. [51] Sa nasabing broadcast, isang live feed mula sa Reuters ang sabay na naipalabas sa sarili nitong live na broadcast. Sa unang limang-segundo ng live feed, napansin ng GMA Network na ang live feed mula sa Reuters ay nagpapalabas din sa isa pang lokal na istasyon, ang pangunahing kakumpitensya nito na ABS-CBN. Ang live na video ay pinaghigpitan lamang sa ABS-CBN at hindi sinabi ng Reuters sa GMA Network na ang saklaw ng video ay inilaan lamang para sa ABS-CBN. [52] Inalis ng lokal na Court of Appeals ang kasong isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa GMA Network Inc. dahil sa inaangkin na iligal na pagkopya ng live na video footage nito. Sa isang pasya, itinabi ng lokal na ikaapat na dibisyon ng korte ng apela ang resolusyon ng lokal na departamento ng Hustisya, na inaprubahan ang pagsasampa ng paglabag sa Republic Act 8293 (o ang Intellectual Property Code) laban sa GMA Network. Napagpasyahan na ang pagkilos ng GMA Network sa pagpapalabas ng live na saklaw ng video ay nakatuon sa mabuting pananampalataya dahil walang kahulugan na magsimula ng pinsala sa ABS-CBN Corporation. [53] Sinabi din ng lokal na korte na ang GMA Network ay kumilos nang may mabuting pananampalataya nang magpasya itong agad na ihinto ang paggamit ng live na video feed mula sa Reuters nang malaman na ang ABS-CBN ay sumasaklaw din sa nasabing news event at ang kasunod na pagsusumikap nito upang patunayan ang pag-aayos ng paghihigpit ng ABS-CBN Corporation ang serbisyo sa balita, Reuters. Binigyang diin din ng lokal na korte na bukod sa kawalan ng hangarin ng GMA Network na maapektuhan ang video mula sa ABS-CBN, ang aksyon ay hindi rin masasalamin ng pagpasok sa Seksyon 212.4 at 185.1 ng Republic Act 8293 dahil ito ay isang maikling sipi lamang kumpara sa kabuuan ng bagay na ito. [54]

Noong 20 Disyembre 2007, si Judge Charito Gonzales ng Quezon City Regional Trial Court Branch 80 ay naglabas ng pansamantalang pagpipigil sa mga survey sa rating ng TV batay sa isang kasong sibil na inihain ng ABS-CBN Broadcasting Corporation (ngayon ay ABS-CBN Corporation) kumpara sa AGB Nielsen Media Pananaliksik sa Pilipinas. Inakusahan ng ABS-CBN Broadcasting Corporation ang kakumpitensyang GMA Network Inc. ng pagpopondo sa mga operasyon sa pagbibigay ng bribing sa Lungsod ng Bacolod, upang siraan ang una. [55] [56] Ang lokal na korte sa Pilipinas ay nag-utos pa sa ABS-CBN Broadcasting Corporation na mag-file ng puna sa pagsusumamo ng AGB Nielsen Media Research Philippines para sa umano’y pagtitipon at pagpapakalat ng datos ng mga rating sa telebisyon, sa loob ng limang araw o hanggang 22 Disyembre 2007. [57] Noong 21 Disyembre 2007, isang lokal na istasyon ng radyo AM sa Pilipinas, na pag-aari ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, reporter ng DZMM na si Junrie Hidalgo ang nag-ulat ng isang balita na pinamagatang AGB Nielsen, umamin sa dayaan: GMA Network, tahasang itinurong nasa likod ng dayaan (Aminado sa AGB Nielsen sa pandaraya: agresibo na inakusahan ng GMA Network na nasa likod ng pandaraya) habang nasa programa sa radio ng Showbiz Mismo, na pinangunahan nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito. Ang kwento ng balita ay batay sa isang pakikipanayam ng pangkalahatang tagapamahala ng AGB Nielsen na si Maya Reforma hinggil sa sinasabing pandaraya. [58] [59] [60] Bilang tugon, ipinalabas ng GMA Network Inc. ang isang plug ng telebisyon na nagbabadya sa sinasabing hindi patas na pamamahayag at hindi sumang-ayon sa mga akusasyon ng ABS-CBN Broadcasting Corporation. Nang maglaon ay nagsampa ang GMA Network Inc. ng PhP15-milyong kasong libel laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation noong 3 Enero 2008. Kasama sa mga sumasagot sina Hidalgo, Fermin, Sucaldito, ang istasyon at tagapamahala ng balita ng DZMM, mga manunulat at ehekutibong tagagawa ng mga programa sa telebisyon na Bandila, Entertainment Live at The Buzz pagkatapos ng parehong kuwento ay naipalabas nang lokal. [61] Noong 7 Enero 2008, binasura ng Quezon City Regional Trial Court ang demanda ng ABS-CBN Broadcasting Corporation laban kay AGB Nielsen, na sinabing ang kaso ay maaga na isinampa sa lokal na korte. , na binanggit ang Article 1308 at 1196, New Civil Code of the Philippines. Gayundin, si Judge Samuel Gaerlan, Quezon City Regional Trial Court Branch 92 ay nagpalabas ng pag-iimbita ng korte laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation at 15 ng mga tauhan nito noong 3 Enero 2008.[63] Noong 17 Enero 2008, pinigilan ni Hukom Gaerlan ang kanyang sarili sa kaso, isinasaalang-alang na mayroon siyang pinsan na nagtatrabaho sa ligal na departamento ng ABS-CBN Broadcasting Corporation. [64] Ang kaso ay kalaunan ay binago noong 28 Enero 2008, [65] at ang kaso ay sa paglaon ay itinalaga kay Hukom Henri Inting ng Sangay 95 ng Quezon City Regional Trial Court. Noong 14 Pebrero 2008, naglabas si Judge Inting ng pansamantalang pagpipigil sa utos na nagbabawal sa lokal na istasyon ng telebisyon, ang ABS-CBN mula sa pagpapalabas ng mga mapanirang puri laban sa GMA Network Inc. [66]

Noong Disyembre 2008, ang GMA Network Inc., Citynet Television, at ZOE Broadcasting Network ay nagsampa ng demanda laban sa pamamahala ng TV5, na sinisingil ang MPB Primedia Inc. (isang subsidiary ng Media Prima Berhad, isang kumpanya sa Malaysia, na pumasok sa isang kasunduan sa block time kasama ang Associated Ang Kumpanya ng Broadcasting upang ibenta ang oras ng palabas ng TV5) ng paglabag sa Artikulo XVI, Seksyon 3, ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas. [67] Pinagtatalunan ng GMA Network Inc. ang paghihigpit ng mga banyagang entity upang mapatakbo at pagmamay-ari ng isang kumpanyang Pilipino lalo na sa broadcast media. Pinagtatalo ng GMA Network Inc. ang MPB Primedia Inc. na itinatag ito upang palakihin ang mga batas laban sa dummy at pumasok sa isang labag sa batas na deal sa block time. [68]




#Article 72: Matematika (2089 words)


Ang matematika (Aleman: Mathematik, Pranses: mathématiques, Ingles: mathematics, Kastila, Portuges: matemática) ang pag-aaral ng kantidad, espasyo, estraktura at pagbabago. Ang mga matematiko na nag-aaral ng matematika ay naghahanap ng mga paterno (patterns) at isinasa-pormula ang mga bagong konhektura. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito. Ang pagsasaliksik na kinakailangan upang lumutas ng mga problemang matematikal ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit mga siglo ng patuloy na pagsisiyasat. Gayunpaman, ang mga matematikal na pagpapatunay ay mas hindi pormal at nakakapagod kesa sa mga patunay sa matematikal na lohika. Simula ng pasimulang akda ni Guiseppe Peano, David Hilbert at iba pa sa mga aksiomatikong mga sistema sa huli ng ika-19 na siglo, naging kaugalian na tingnan ang pagsasaliksik matematikal na nagtatatag ng katotohanan sa pamamagitan ng mahigpit na deduksiyon mula sa angkop na napiling mga aksioma at depinisyon. Kapag ang mga matematikal na istrakturang ito ay mabuting mga modelo ng tunay na penomena, kung gayon ang pangangatwirang matematikal ay kalimitang makapagbibigay ng kabatiran o mga prediksiyon.

Sa pamamagitan ng paggamit ng abstraksiyon at lohikal na pangangatwiran, ang matematika ay nabuo mula sa pagbibilang, pagkukwenta, pagsukat at sa sistematikong pag-aaral ng mga hugis at mosyon ng mga pisikal na obhekto. Ang praktikal na matematika ay naging gawain ng tao mula pa sa pag-iral ng isinusulat na rekord. Ang mga mahigpit na argumento ay unang lumitaw sa Griyegong matematika na ang pinakilala dito ang Mga Elemento ni Euclid. Ang matematika ay nabuo sa relatibong mabagal na hakbang hanggang sa Renasimiyento nang ang mga matematikal na inobasyon na nakikipag-ugnayan sa mga bagong siyentipikong pagkakatuklas ay nagdulot ng mabilis na pagtaas sa bilis ng mga pagkakatuklas matematikal na nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon.

Sinabi ni Galileo Galilei na ang uniberso ay hindi mababasa hanggang sa matutunan natin ang wika at maging pamilyar sa mga karakter na isinulat dito. Ito ay isinulat sa wikang matematikal at ang mga letra ang tatsulok, bilog at iba pang mga heometrikal na pigura na kung wala ang mga ito ay hindi posible sa tao na maunawaan ang isang salita. Kung wala ng mga ito, ang isa ay pagala-gala sa isang madilim na labirinto. Tinawag ng matematikong si Benjamin Peirce ang matematika na agham na humuhugot ng mga kinakailangang konklusyon. Sinaad naman ni David Hilbert tungkol sa matematika na Hindi tayo nagsasalita rito ng pagiging arbitraryo sa anumang kahulugan. Bagkus, ito ay isang konseptwal na sistemang nag-aangkin ng panloob na pangangailangan na maaaring ganoon lamang at sa walang kahulugan na iba dito. Si Albert Einstein ay nagsaad naman na sa saklaw na ang mga batas ng matematika ay tumutukoy sa realidad, ang mga ito ay hindi tiyak at sa saklaw na ang mga ito ay tiyak, ang mga ito ay hindi tumutukoy sa realidad. Sa mas kamakailan lamang, tinawag ni Marcus du Sautoy ang matematika na ang reyna ng agham...ang pangunahing nagpapatakbong pwersa sa likod ng siyentipikong pagkakatuklas.

Ang matematika ay ginagamit sa buong mundo bilang mahalagang kasangkapan sa maraming mga larangan kabilang ang natural na agham, inhinyerya, medisina at mga panlipunang agham. Ang Nilalapat na matematika na sangay ng matematikang hinggil sa aplikasyon ng kaaalamang matematikal sa ibang mga larangan ay pumupukaw at gumagamit ng mga bagong pagkakatuklas matematikal at minsan ay nagdudulot ng pagkakabuo ng kabuuang bagong mga disiplinang matematikal gaya ng estadistika at teoriya ng laro. Ang mga matematiko ay nakikitungo sa purong matematika o matematika para sa sarili nitong kapakanan na walang aplikasyong iniisip. Walang maliwanag na linyang humihiwalay sa puro at nilalapat na matematika at ang mga praktikal na aplikasyon para sa naging purong matematika ay kalimitang tinutuklas.

Ang salitang mathematics ay nagmula sa Griyegong μάθημα (máthēma) na nangangahulugan sa sinaunang Griyegong na anong natutunan ng isa, anong malalaman ng isa, kaya ito ay isa ring pag-aaral at agham at sa modernong Griyego ay tanging aralin. 

Ang salitang máthēma ay nagmula sa μανθάνω (manthano) sa sinaunang Griyego at mula sa μαθαίνω (mathaino) sa modernong Griyego na parehong nangangahulugang matuto. 

Ang salitang mathematics sa Griyego ay nagkaroon ng mas malawak at mas teknikal na kahulugang matematikal na pag-aaral kahit sa mga panahong Klasiko. Ang pang-uri nito ay μαθηματικός (mathēmatikós) na nangangahulugang may kaugnayan sa pagkatuto o pagiging mapag-aral na gayundin ay karagdagang nangahulugang matematikal. Sa partikular, ang μαθηματικὴ τέχνη (mathēmatikḗ tékhnē), Latin: ars mathematica ay nangahulugang matematikal na sining. Sa Latin at sa Ingles hanggang mga 1700, ang terminong mathematics ay mas karaniwang nangangahulugang astrolohiya(o minsan ay astronomiya) kesa sa mathematics. Ang kahulugan ay unti unting nabago sa kasalukuyang kahulugang nito mula mga 1500 hanggang 1800. Ito ay nagresulta sa ilang mga mistranslasyon (maling pagsasalin). Ang isang partikular na notoryosong kaso nito ang babala ni San Augustino na ang mga Kristiyano ay mag-ingat sa mga mathematici na nangangahulugang mga astrologo na minsang maling pinapakahulugang kondemnasyon ng mga matematiko. 

Ang maliwanag na plural na anyo sa Ingles tulad ng anyong plural na Pranses na les mathématiques (at ang hindi mas karaniwang ginagamit na singular na deribatibong la mathématique) ay bumabalik sa Latin na neuter na plural na mathematica (Cicero) batay sa Griyegong plural naτα μαθηματικά (ta mathēmatiká) na ginamit ni Aristotle (384-322BCE) at tinatantiyang may kahulugang lahat ng mga bagay na matematikal, bagaman maaaring ang Ingles ay humiram lamang ng pang-uring mathematic(al) at bumuo ng bagong pangngalang mathematics bilang paggaya sa paterno ng physics at metaphysics. Sa Ingles, ang pangngalang mathematics ay kumukuha ng singular na mga anyong pandiwa. Ito ay karaniwang pinaiikling maths o sa mga nag-iingles sa Hilagang Amerika na math.

Samantalang ang Filipinong katumbas nito na sipnayan ay nagmula naman sa salitang (i)sip + (ha)nay + -an.

Ang ebolusyon ng matematika ay maaaring makita na palaging lumalagong sunod-sunod na abstraksiyon o sa alternatibo ay isang pagpapalawig ng bagay na pinag-aaralan. Ang unang abstraksiyon na pinagsasaluhan ng maraming mga hayop ay malamang sa mga bilang: ang kabatiran na ang isang kalipunan ng dalawang mansanas at isang kalipunan ng dalawang kahel ay mayroong karaniwan na kantidad ng mga kasapi nito. Sa karagdagan sa pagkilala kung paano bilangin ang mga pisikal na obhekto, ang mga prehistorikong tao ay nakakakilala rin kung paano bumilang ng mga abstraktong kantidad gaya ng panahon - mga araw, yugto ng panahon(seasons) at mga taon. Ang mga elementaryong aritmetika gaya ng adisyon, subtraksiyon, multiplikasyon at dibisyon ay natural na sumunod dito.

Dahil ang pagbibilang ay mas nauna sa pagsusulat, ang mga karagdagang hakbang ay kailangan sa pagtatala ng mga bilang gaya ng mga listahan o mga binuhol na taling tinatawag na quipu na ginamit ng mga Inca upang mag-imbak ng mga numerikal na datos. Ang mga sistemang numeral ay marami at iba iba na ang unang alam na isinulat na mga numeral ang nilikha ng mga Ehipsiyo sa Gitnang Kaharian ng Sinaunang Ehipto gaya ng papirong matematikal na Rhind.

Ang pinakaunang mga paggamit ng matematika ay sa pangangalakal, pagsukat ng lupain, pagpipinta, paghahabi ng mga paterno(pattern) at pagtatala ng panahon. Ang mas komplikadong matematika ay hindi lumitawa hanggang 3000 BC nang ang mga Babylonian at Ehipsiyo ay nagsimulang gumamit ng aritmetika, alhebra at heometriya para sa pagbubuwis at iba pang mga panalaping pagkukwenta, para sa mga pagtatayo ng mga gusali at para sa astronomiya. Ang sistematikong pag-aaral ng matematika sa sarili nito ay nagsimula sa Sinaunang Gresya sa pagitan ng 600 at 300 BCE.

Simula noon, ang matematika ay lubusan ng lumawig at nagkaroon ng mabungang pakipag-ugnayan sa pagitan ng matematika at agham sa kapakinabangan ng parehong ito. Ang mga matematikal na pagkakatuklas ay patuloy na ginagawa ngayon. Ayon kay Mikhail B. Sevryuk sa isyung Enero 2006 na Buletin ng Amerikanong Lipunang Matematikal, ang bilang ng mga papel at aklat na isinama sa database ng Mathematical Reviews(Paggunitang Matematikal) simula 1940 na unang taon ng operasyon ng MR ay sa kasalukuyan higit na sa 1.9 milyon at higit sa 75,000 item ay idinadagdag sa database kada taon. Ang halos karamihan sa mga akda sa karagatang ito ay naglalaman ng bagong mga teoremang matematikal at mga pagpapatunay nito.

Ang matematika sa malawak na usapan ay maaaring hatiin sa pag-aaral ng kantidad(aritmetika), istraktura(alhebra), espasyo(heometriya) at pagbabago(analisis). Sa karagdagan sa mga pangunahing ito, mayroong din mga subdibisyon na inilalaan sa pagtuklas ng mga ugnayan mula sa puso ng matematika sa iba pang mga larangan: lohika, teoriya ng hanay(mga pundasyon), hanggang sa empirikal na matematika ng iba't ibang mga agham(nilalapat na matematika) at sa mas pinakakamakailan lamang sa mahigpit na pag-aaral ng kawalang katiyakan. 

Upang liwanagin ang mga pundasyon ng matematika, ang mga larangan ng matematikal na lohika at teoriya ng hanay ay binuo. Ang matemtikal na lohika ay kinabibilangan ng matematikal na pag-aaral ng lohika at mga aplikasyon ng pormal na lohika sa ibang mga sakop ng matematika. Ang teoriya ng hanay ang sangay ng matematika na nag-aaral ng mga hanay o koleksiyon ng mga obhekto. Ang teoriya ng kategorya na humihinggil sa isang abstraktong paraan sa mga matematikal na istraktura at mga ugnayan sa pagitan ng mga ito ay patuloy pa ring binubuo. Ang pariralang kris ng mga pundasyon ay naglalarawan ng paghahanap ng isang mahigpit na pundasyon para sa matematika na nangyari noong mga 1900 hanggang 1930. Ang ilang sa mga di pagkakasunduan tungkol sa mga pundasyon ng matematika ay nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyang panahon. Ang krisis ng mga pundasyon ay pinukaw ng ilang bilang ng mga kontrobersiya nang panahong ito kabilang ang kontrobersiya sa teoriyang hanay ni Cantor at ang kontrobersiyang Brouwer-Hilbert. Ang matematikal na lohika ay hinggil sa paglalatag ng matematika sa loob ng mahigpit na aksiomatikong balangkas at pag-aaral ng mga implikasyon ng gayong balangkas. Dahil dito, ito ay tahanan sa teoremang pagiging hindi kumpleto ni Kurt Gödel na inpormal na nagpapahiwatig na ang anumang pormal na sistema na naglalaman ng basikong aritmetiko, kung mahusay(sound) na ang ibig sabihin ang lahat ng mga teorema na mapapatunayan ay totoo) ay kinakailangang hindi kompleto na ang ibig sabihin mayroong mga totoong teorema na totoong teorema na hindi mapapatunayan sa sistemang ito. Ano pa mang may hangganang koleksiyon ng mga bilang-teoretikal na mga aksioma na inuunawa bilang pundasyon, ipinakita ni Gödel kung paano lumikha ng pormal na pangungusap na totoo bilang-teoretikal na katotohanan ngunit hindi sumusunod sa mga aksiomang ito. Kaya walang pormal na sistema na kompletong aksiomatisasyon ng buong teoriya ng bilang. Ang modernong lohika ay nahahati sa teoriyang rekursiyon, teoriyang modelo, at teoriyang pagpapatunay at malapit na kaugnay ng teoretikal na agham pangkompyuter gayundin sa teoriya ng kategorya. 

Ang teoretikal na agham pangkompyuter ay kinabibilangan ng teoriya ng komputasyon, komputasyonal na kompleksidad at teoriya ng impormasyon. Ang teoriya ng komputabilidad ay sumisiyasat sa mga limitasyon ng iba't ibang mga modelong teoretikal ng kompyuter kabilang ang pinakakilalang alam na modelo - ang Makinang Turing. Ang teoriya ng kompleksidad ang pag-aaral ng traktabilidad ng kompyuter. Ang ilang mga problema bagaman teoretikal na malulutas sa pamamagitan ng kompyuter ay napakamahal sa termino ng panahon o espasyo na ang paglutas sa mga ito ay malaman mananatiling hindi praktikal na maisasagawa kahit pa sa mabilis ng pagsulong ng hardwer ng kompyuter. Ang isang sikat na problema ang P=NP? na isa sa mga problema ng Gantimpalang Millenium. Ang teoriya ng impormasyon ay hinggit sa halaga ng dat na maaaring iimbak sa isang ibinigay na midyum kaya nakikitungo sa mga konseptong gaya ng kompresyon at entropiya. 

Ang pag-aaral ng kantidad ay nagsisimula sa mga bilang, una ang pamilya na mga natural na bilang at intedyer at mga aritmetikang mga operasyon dito na mailalarawan sa aritmetika. Ang mas malalim na mga katangian ng intedyer ay pinag-aaralan sa teoriya ng bilang na pinagmulan ng mga kilalang resulta gaya ng Huling Teorema ni Fermat. Ang kambal na primong konhektura at konhektura ni Goldbach ang dalawa sa hindi pa nalulutas na problema sa teoriya ng bilang.

Habang ang sistemang bilang ay karagdagang binuo, ang mga intedyer ay kinilala bilang pang-ilalim na hanay ng mga bilang rasyonal(praksiyon). Ang mga ito naman ay nilalaman sa mga real na bilang na ginagamit upang ikatawan ang mga tuloy tuloy na kantidad. Ang mga real na bilang ay nilahat sa mga komplikadong bilang. Ang mga ito ang unang hakban sa hierarka ng mga bilang na patuloy na kinabibilangan ng quarternion at octonion. Ang pagsasaalang-alang ng mga natural na bilang ay tumungo rin sa mga transpinidong bilang na gumagawang pormal sa konsepto ng inpinidad. Ang isa pang sakop ng pag-aaral ang sukat na tumutungo sa mga kardinal na bilang at tapos ay sa iba pang konsepsiyon ng inpinidad: ang bilang aleph na pumapayag sa makahulugang paghahambing ng sukat ng mga walang hangganang malalaking hanay.



#Article 73: Ekolohiya (368 words)


Ang ekolohiya (ecology), palamuhayan, o araling pangkapaligiran ay isang sangay ng agham na nag-aaral sa pagkabaha-bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may buhay, at ang kanilang interaksiyon sa kanilang kapaligiran. Kinabibilangan sa kanilang kapaligiran ang pisikal na habitat o tirahan, na maaaring isalarawan bilang kabuuang lokal na sangkap ng mga bagay na walang buhay katulad ng klima at heolohiya, at iba pang may buhay na nakikibahagi sa kanilang habitat. Ang Alemang biyolohista na si Ernst Haeckel ang nagbansag sa salitang ekolohiya noong 1866. Mula ito sa salitang Griyego na oikos na nangangahulugang sambayanan at logos na nangangahulugang agham ang pag-aaral ng sambayanan ng kalikasan.

Pinag-aaralan ang mga sistemang pang-ekolohiya sa iba't ibang antas mula sa mga tao at populasyon hanggang sa mga ekosistema at biyospero. Isang agham na may napakaraming disiplina ang ekolohiya. Hinahatak nito ang iba pang sangay ng agham.

Sa ekolohiyang ginagamit, isisagawa ang pagsasanay ng mga prinsipyong pang-ekolohiya at pinapaunawa ang paglutas sa mga totoong problema ng mundo. Kinabibilangan sa mga halimbawa ang pagsukat sa ekonomiyang halaga ng mga ekosistema, pagtuos sa mga hangganan ng pangingisda, pagsukat sa ibubunga sa kapaligiran ng pagtatayo ng mga gusali at pagtotroso, paggawa ng kaso sa pagpapanatili ng isang espesye, at pagtukoy sa pinakamabisang paraan para maipagsanggalang ang isang species.

Sa isang malawak ng kaunawaan, maaari din na ang sumusunod ang kahulugan ekolohiya:

Halimbawa, tinitignan ng ekolohiyang pangtao ang tao at kanyang interaksiyon sa kanyang likas na kapaligiran. Kinukuha ng ekolohiyang pampolitika ang parehong alternatibong kahulugan, at mayroong gamit sa kaparaanan ng ekolohiya sa isang bagong konteksto sa pamamagitan ng pagtingin sa interaksiyon ng mga lipunan at estado sa halip na species o populasyon, ngunit maaari din nangunguhulugan na politika na may kaugnayan sa usaping pangkapaligiran.

Hindi dinidikta ng ekolohiya, bilang isang disiplina ng agham, kung ano ang tama o mali. Gayon man pinapanatili ang biodibersidad sa loob ng mga ecosystem at mga kaugnay na layuning pang-ekolohiya (katulad ng pagpigil sa pagkawala ng isang espesye) na naging kaparaanan ng agham na ipahayag ang layunin ng sistemang pangkapaligiran o enbironmentalismo at nagbigay ng scientific methodology, sukat, at terminolohiya sa mga usaping pangkalikasan, ginagawang matatag na magkaugnay ang dalawa. Binibigyang diin din ang pananaw na holistiko sa ekolohiya at enbironmentalismo.




#Article 74: Edukasyon (388 words)


Ang edukasyon o pagtuturo ang proseso ng pagpapadali ng pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang sa mga pamamaraang pang-edukasyon ang pagtuturo, pagsasanay, pagkukuwento, pagtatalakay at nakadirektang pananaliksik. Madalas nagaganap ang edukasyon sa patnubay ng mga edukador, subalit maaaring turuan ng mga mag-aaral ang kanilang sarili. Maaaring maganap ang edukasyon sa mga pormal o inpormal na tagpo at anumang karanasan na nakakapaghubog sa pag-iisip, pakiramdam, o pagkilos ng isang tao ay maituturing bilang edukatibo. Ang metodolohiya ng pagtuturo ay tinatawag na pedagohiya.

Karaniwang nahahati ang pormal na edukasyon sa mga yugto tulad ng preschool o kindergarten, mababang paaralan, mataas na paaralan at pagkatapos, kolehiyo, unibersidad, o pag-aaprentis. 

Kinikilala ang karapatan sa edukasyon ng ilang pamahalaan at ng Mga Nagkakaisang Bansa. Sa karamihan ng mga rehiyon, sapilitan ang edukasyon hanggang sa isang tiyak na edad. Mayroong kilusan para sa reporma sa edukasyon, at lalo na para sa edukasyon batay sa ebidensya na may pandaigdigang pagkukusa na may layunin na matamo ang Layunin ng Likas-kayang Pag-unlad 4, na nagtataguyod ng de-kalidad para sa lahat. 

Nagaganap ang pormal na edukasyon sa isang estrukturadong kapaligiran na may malinaw na layunin na turuan ang mga mag-aaral. Kadalasan, nagaganap ang pormal na edukasyon sa paaralan na may silid-aralan ng maraming mag-aaral na natututo kasama ng isang sinanay at sertipikadong guro ng asignatura. Idinisenyo ang karamihan ng mga sistema ng paaralan sa palibot ng mga simulain o adhikain na namamahala sa lahat ng mga pagpipilian sa sistemang iyon. Kabilang sa mga pagpipilian ang kurikulum, mga modelo ng organisasyon, disenyo ng mga pisikal na espasyo sa pag-aaral (hal. mga silid-aralan), pakikipag-ugnayan ng mga guro at mag-aaral, pamamaraan ng pagsusuri, laki ng klase, gawaing pagtuturo, at higit pa.

Inilikha ang Pandaigdigang Pamantayang Pag-uuri ng Edukasyon ( o ISCED) ng UNESCO bilang batayan sa estadistika upang ikumpara ang mga sistema ng edukasyon. Noong 1997, nagtukoy ito ng 7 antas ng edukasyon at 25 larangan, ngunit pinaghiwalay ang mga larangan sa kalaunan upang magbuo ng ibang proyekto. Ang kasalukuyang bersyon ISCED 2011 ay may 9 sa halip ng 7 antas, na inilikha sa paghahati ng tersiyaryong predoktoradong antas sa tatlong antas. Pinalawig din nito ang pinakamababang antas (ISCED 0) para masaklaw ang isang bagong subkategorya ng mga programa ng edukatibong pagpapaunlad sa maagang pagkabata, na nakatuon sa mga batang wala pang 3 taong gulang.




#Article 75: Komunikasyon (664 words)


Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay ibahagi) ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.

Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ng emoji upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe. 

Ito ang iba't ibang uri ng komunikasyon:

Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o matukoy ang
karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari din na  o interpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na intensiyonal o di intensiyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon; maaari din na 
di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.

Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-way radio noong 25 Hulyo 1940. (Tingnan din: semaphore, telegraphy, telephony, at radioteletype- kilala din bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites, ethernet, at ang internet - isang network ng mga kabit-kabit na computer network.)

Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol; halimbawa, kailangang matuklasan ni Thomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansiya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng mga naunang pagbati katulad ng hail.

Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debate, talk radio, e-mail, personal na sulat) at sa mga malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampubliko, telebisyon, pelikula).

Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na communicare ang pagkakautang natin sa mga Romano sa larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buong imperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito, madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.

Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.

Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan ng mga magkakalayong tao.

Communication apprehension o pangamba sa komunikasyon ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. Maaari din maging sagabal sa komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon at polarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika.




#Article 76: Anyong lupa (115 words)


Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.

Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod: 




#Article 77: Agrikultura (149 words)


Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.  Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary.  Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain.  Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura.  Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya.  Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.

Maaring magkasingkahulugan ang katawagang pagsasaka sa agrikultura ngunit sa mas teknikal na kahulugan, ang pagsasaka ay ang aktibidad samantala ang agrikultura ay ang agham ng pagsasaka at ibang katulad na aktibidad.




#Article 78: Ilocos Norte (198 words)


Ang Ilocos Norte (Filipino: Hilagang Ilocos, Ilokano: Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzón sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.

Kilala ang lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigan panturismo sa hilaga, kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.

Bagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ng Romano Katoliko, ang karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac na si Gregorio Aglipay.

Matatagpuan ang ilang mga tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng Ilocos Norte:

Sa Ilocos Norte matatagpuan ang Dambana ng Aglipay, kung saan inilibing ang kataastaasang pinuno ng simbahan.

Nahahati ang lalawigan ng Ilocos Norte sa 558 mga barangay, 21 bayan, at 2 lungsod.




#Article 79: Mga lalawigan ng Pilipinas (570 words)


Ang lalawigan (Filipino: probinsiya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, may walumpu't-isa (81) na lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa mga lungsod at mga bayan. Ang Pambansang Punong Rehiyon, pati ang mga malayang nakapaloob na lungsod, ay may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan at ng isang halal na gobernador.

Ang mga lalawigan ng Pilipinas ay napapangkat sa mga rehiyon ayon sa katangiang pang heograpiya, kultura, at etnolohiya.  May nakatakdang bilang ang bawat isa sa labing-apat na rehiyon ng bansa kung saan nauugnay ang kanilang kinalalagyan mula hilaga pababa sa katimugan.  Walang itinakdang bilang ang Kalakhang Maynila o Pambansang Punong Rehiyon, ang Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR) at ang Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao (ARMM).

Pinamumunuan ng isang gobernador ang pamahalaan ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Ang mga lungsod sa isang lalawigan ay hindi nasasakop sa kapangyarihan ng gobernador. Sa hangad ng lehislatura, bawat isa sa mga ito ay binubuo ng mga distrito. Mayroong mga halal na kinatawan o kongresista ang bawat distrito sa Kongreso o Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pilipinas. Ang mga distrito ay nagtataglay din ng isang lupon ng mga kagawad (board members) sa Sangguniang Panlalawigan (tingnan ang sumusunod na seksiyon tugkol sa pamahalaang lalawigan).

Noong 30 Oktubre 2006, inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng Maguindanao ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang Shariff Kabunsuan, sa isang plebesito na pinamunuan ng Komisyon ng Halalan. Inaprubahan din noong 2 Disyembre 2006, nabuo din  ang bagong lalawigan ng Dinagat Islands sa Surigao del Norte mula sa naganap na plebesito. Itinatag ng Kongreso ng Pilipinas ang mga batas na ukol sa mga ito.

Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng tagapagpaganap at tagapagbatas ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang panghukuman na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang pangulo sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman.

Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal.  Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.

Pinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad (Filipino: bokal, Ingles: board members) mula sa bawat distrito.  Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang Negros Occidental at Cebu dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.

Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ex-officio tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o Association of Barangay Captains, Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o Philippine Councilors League (PCL), at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.

Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan.  Hinahalal naman ang mga kasaping ex-officio sa loob ng kanilang organisasyon.




#Article 80: Panggagamot (462 words)


Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na kahulugan, ito ang agham sa pagiwas at paggamot sa mga sakit. Gayon man, kadalasang tumutukoy ito sa mga gawain ng mga manggagamot at siruhano.

agham), at isang paglalapat ng kaalaman (propesyong panggagamot) ang panggagamot. Iniugnay sa mga iba't ibang natatanging sangay ng agham ng panggagamot ang mga katumbas na mga natatanging propesyong panggagamot na patungkol sa isang partikular na bahagi ng katawan o sakit. Tumutukoy ang agham ng panggagamot sa bahagi ng kaalaman na tungkol sa mga sistema ng katawan at sakit, samantala tumutukoy ang propesyon ng paggagamot sa kayariang lipunan ng mga grupo ng mga tao na pormal na nagsanay upang ilapat ang kaalamang iyon para gamutin ang mga sakit.

Mayroong mga tradisyunal at paaralan ng panggagamot na kadalasang di tinuturing na bahagi ng Kanlurang medisina sa isang mahigpit na kamalayan. Ang paaralan ng Ayurveda (ng India) at tradisyunal na panggagamot ng mga Intsik ang pinaka-masulong na sistema ng panggagamot sa labas ng Kanluran o Hipokratikong tradisyon.

Magbuhat pa sa mga panahong prehistoriko ang mga simulain ng medisina. Sa loob ng libong mga taon, nakabatay lamang sa superstisyon o pamahiin ang panggagamot. Bagaman walang gaanong nalalaman hinggil sa prehistorikong pagbibigay ng lunas sa mga karamdaman, napag-aralan ng mga tao ang hinggil sa katawan ng tao mula sa pagpapagaling nila ng mga sugat at bali ng mga buto.

Kabilang sa sinauna at prehistorikong mga paraan ng paggagamot ang paggawa ng bilog na butas ng buto mula sa bungo ng may sakit.  Ginagawa ito ng isang maninistis upang palabasin mula sa butas ang masasamang espiritung hinihinalang nasa loob ng ulo ng pasyente.

Kabilang sa pinakamagagaling na unang mga manggagamot ang sinaunang mga Ehipsiyo.  Noong mga 1500 BK, nakapagpaunlad na sila ng isang malawak na bokabularyo ng mga natatanging salitang pangmedisina.  Nagsigawa rin sila ng mga pagsubok o eksperimento sa siruhiya at parmasya.

Noong mga 400 BK, itinatag ng sinaunang Griyegong si Hippocrates  ang Ama ng Panggagamot  ang unang paaralan ng panggagamot sa pulo ng Cos sa Gresya.  Tinuturuan at naniniwala ang mga doktor ng Hipokratikong paaralan ng medisina na dulot ng sira o hindi gumagana ng tamang mga bahagi ng katawan ang mga karamdaman ng tao.  Taliwas ito sa mas naunang paniniwalang sanhi ang sakit ng mga dimonyong sumasanib sa katawan ng tao.  Bagaman may ganito silang paniniwala, wala pang sapat na kaalaman si Hippocrates at ang kanyang mga tagasunod ukol sa kayarian ng katawang pantao.  Naniniwala silang sanhi ang sakit ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa timbang ng mga pluwido sa katawan.  Tinagurian nilang mga humor ang mga pluwidong ito, at may apat na uri: ang dugo, ang likido ng apdo, ang plema, at ang itim na likido ng apdo.




#Article 81: Arkitektura (251 words)


Ang arkitektura ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Ang mga gawaing pang-arkitektura, sa pisikal na kaanyuan ng mga gusali, ay madalas mapapansin bilang mga simbolo ng kultura at bilang sining. Ang mga sibilisasyon sa kasaysayan ay madalas nakikilala sa kanilang mga pambihirang arkitektura na nananatili hanggang sa kasalukuyan.

Ang salitang arkitektura ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.

Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang pagganan o functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon.  Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-tatakda, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.

Ang aralin ng arkitektura ay maaring nangangahulugang:

Ayon kay Vitruvius, ang isang magandang istraktura ay dapat umuugnay sa tatlong prinsipyo na firmitas, utilitas, venustas, na mas kilala sa orihinal na wika – katatagan, kasangkapan, at galak. Katumbas nito sa kasalukuyang wika ay ang:




#Article 82: Politika (275 words)


Ang politika (mula sa Griyegong πολιτικός politikos, nangangahulugang mula, para, o may kinalaman sa mga mamamayan) ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksiyon ng grupong pang-tao kabilang ang pang-kalakal, akademya, at relihiyoso. Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa mga gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan. Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang pagpapalaganap ng mga pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba pang kasapi ng politika, paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali. Naisasabuhay ang politika sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan at tribo ng mga tradisyonal na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.

Ang isang sistemang politika ay isa sa balangkas na nagpapakahulugan sa mga katanggap-tanggap na pamamaraang pampolitika sa isang pamayanan. Ang kasaysayan ng kaisipang pampolitika ay maiuugat noong unang panahon pa, mula sa mga natatanging akda gaya ng Ang Republika ni Platon, Politika ni Aristoteles, at mga akda ni Confucius




#Article 83: Teknolohiya (367 words)


Ang teknolohiya o aghimuan (Griyego τεχνολογια lt; τεχνη kasanayan sa sining + λογος salita, pagtutuusin + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

Kadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalateknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailan ng daan sa mga ilang sentralisadong inspraktura o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na teknolohiya ng mga bansang nakasulong at iyong mga bansang sumusulong pa lamang na hinahanap ang pinakamabisang pamamangalat ng sobrang trabaho, at di kasapatan ng salapi. Sa pangkalahatan, palagiang intermediate ang nakalaang teknolohiya.

Kasalungat naman ang mga palagay na itinataguyod ng transhumanismo, posthumanismo, technological singularity, na sama-samang isinasalarawan bilang Cosmist na pananaw ni Hugo de Garis. Sa idelohiyang ito, isang mabuting moral ang pagsulong ng teknolohiya. Nakikita ang ideolohiyang ito bilang sintomas ng syentisimo at mathematical fetishism ng mga taong gumagamit ng katagang ito. Tinatanggap din ng iba na sintomas ito ng paniniwala sa kapitalismo.

Sa ekonomiya, kadalasang magkakaugnay sa isa o higit pa sa nabanggit na kuro sa itaas ang kahulugan ng progreso o paglago. Naidala sa mga kaisipang di maka-ekonomiyang paglago o pagsukat sa well-being ang paghamon sa namamayaning kuro tungkol sa teknolohiya at kanyang kabuluhan.




#Article 84: Isotope (175 words)


Ang isotope (bigkas /áy·so·tówp/; ) ay dalawa o mahigit pang atomo ng iisang elemento na may parehong atomikong bilang ngunit may magkakaibang bilang ng masa. Magkakatulad ang bilang ng kanilang proton at elektron. Gayumpaman, ang kanilang neutron ay magkakaiba. Halimbawa: ang Carbon-12, Carbon-13 at Carbon-14 ay pare-parehong isotope ng Carbon, pare-parehong may numerong atomikong 6, gayumpaman iba-iba ang kanilang bilang ng masa sapagkat ang kanilang mga neutron ay iba-iba ang bilang. Anim sa Carbon-12, pito sa Carbon-13 samantalang walo naman sa Carbon-14. Nanggaling ang salitang isotope, nangangahulugang sa kaparehong lugar, mula sa katotohanan na matatagpuan ang mga isotope sa kaparehong lugar sa talaang peryodiko. Ang mga katangiang kemikal ng iba't ibang mga isotope ng isang elemento ay magkatulad ngunit ang mga ito ay kadalasang may malaking mga pagkakaiba sa pagiging matatag ng nukleyus. Para sa mga matatag na mga isotope ng mga magaang na elemento, ang bilang ng mga neutron ay halos magkatumbas sa bilang ng mga proton ngunit ang isang lumalaking kahigitan ng neutron ay katangian ng mga matatag na mga mabigat na elemento. 




#Article 85: Batas (926 words)


Ang batas, sa politika at hurisprudensiya, ay ang mga kumpol ng alituntunin sa pag-aasal na naguutos o nagbabawal (o pareho) sa isang natukoy na pakikipagugnayan sa pagitan ng mga tao at kapisanan. Kasama rin dito ang mga kaparusahan sa mga hindi sumusunod sa mga nakatatag na alituntunin sa pag-aasal.

Ang lahat ng mga sistemang batas ay tumutungkol sa parehong mga pangunahing isyu bagaman ang mga hurisdiksiyon ay umuuri at tumutukoy sa mga paksang legal ng mga ito sa iba't ibang paraan. Ang karaniwang distinksiyon ang sa pagitan ng publikong batas(public law) na terminong malapit na kaugnay sa estado kabilang ang konstitusyonal, administratibo at kriminal na batas at ng pribadong batas(private law) na sumasakop sa mga kontrata, tort at pag-aari. Sa mga sistemang sibil na batas, ang kontrata at tort ay nahuhulog sa pangkalahatang batas ng mga obligasyon samantalang ang mga batas tiwala(trust law) ay tinatalakay sa ilalim ng mga statyutoryong rehimen o mga internasyonal na konbensiyon. 

Ang batas internasyonal ay  maaaring tumukoy sa tatlong bagay: publikong internasyonal na batas, pribadong internasyonal na batas o alitan ng mga batas at ang batas ng supranasyonal na mga organisasyon.

Ang batas konstitusyonal at administratibo ay nangangasiwa sa mga isyu ng estado. Ang konstitusyonal na batas ay tumutungkol sa parehong ugnayan sa pagitan ng ehekutibo, lehislatura, at hudikatura at ang mga karapatang pantao o mga sibil na kalayaan ng mga indibidwal laban sa estado.

Ang batas kriminal na kilala rin bilang penal na batas(penal law) ay nauukol sa mga krimen at mga parusa. Ito ay nangangasiwa ng depinisyon at mga parusa para sa mga paglabag na may sapat na mapanganib na epekto sa lipunan ngunit sa sarili nito ay hindi gumagawa ng moral na paghatol sa lumabag o nagpapataw ng mga restriksiyon sa lipunan na pisikal na pumipigil sa mga tao na gumawa ng krimen sa simula pa lamang. Ang pag-iimbestiga, pagdakip, pagkakaso, at paglilitis sa mga sinusupetsahang manlalabag ay pinangagasiwaan ng batas ng kriminal na pamamaraan. Ang modelong kaso ng isang krimen ay nakasalig sa pagpapatunay na lagpas sa makatwirang pagdududa(beyond reasonable doubt) na ang taong ito ay talagang gumawa(guilty) ng dalawang bagay. Una, ang akusado ay dapat gumawa ng aktong itinuturing ng lipunan na kriminal o actus reus(guilty act o aktong nagpapatunay na gumawa ng kasalanan). Ikalawa, ang akusado ay dapat may paunang malisyosong layunin na gumawa ng aktong kriminal o mens rea(guilty mind). Gayunpaman, sa mga striktong liabilidad na mga krimen, ang actus reus ay sasapat. Ang mga sistemang kriminal ng tradisyong batas sibil ay nagbubukod sa pagitan ng intensiyon sa malawak na kahulugan(dolus directus at dolus eventualis) at kapabayaan(negligence). Ang kapabayaan ay hindi nagdadala ng kriminal na responsibilidad malibang ang isang partikular na krimen ay nagbibigay dito ng parusa. Ang halimbawa ng mga krimen ay kinabibilangan ng pagpatay, pag-atake(assault), pandaraya at pagnanakaw. Sa mga eksepsiyonal na sirkunstansiya, ang pagtatanggol(defence) ay maaaring ilapat sa mga spesipikong akto gaya ng pagpatay sa isang pagtatanggol sa sarili(self defence) o pagsasamo ng kabaliwan.

Ang batas kontrata ay tumutungkol sa maipatutupad na mga pangako at sinusuma ng pariralang Latin na pacta sunt servanda (ang mga kasunduan ay dapat tuparin).

Ang mga tort na minsang tinatawag na delict ang mga kamaliang sibil. Upang makagawa ng aktong tort, ang isang tao ay dapat lumabag sa tungkulin ng isa pang tao o lumabag sa isang umiiral na karapatang legal. Ang isang simpleng halimbawa ay aksidental na pagtama sa isang tao ng bola ng kriket. Sa ilalim ng batas ng kapabayaan na pinakaraniwang anyo ng tort, ang nasaktang partido ay maaaring mag-angkin ng kompensasyon sa mga pinsalang nakamit sa responsable partido.

Ang batas ng pag-aari ay nanganasiwa sa mga mahahalagang bagay na tinatawag ng mga taong kanila. Ang pag-aaring real o estadong real(real estate) ay tumutukoy sa pag-aari ng lupa at mga bagay na nakakabit dito. Ang pag-aaring personal ay tumutukoy sa lahat ng iba pang bagay gaya ng mga gumagalaw na bagay tulad ng kompyuter, kotse, alahas, tinapay o hindi mahahawakang karapatan gaya ng stock at mga bahagi.

Sa etika at pilosopiyang moral, kadalasang tinatawag na kodigo legal ng tao ang ganitong uri ng batas upang ibukod ito sa mas fundamental na batas na maaaring ilapat sa lahat ng nilalang (metapisika, ontolohiya). Maaaring makita ang gayong mga batas bilang pinagtibay na legal na kodigong etika o bilang kodigong moral na secular (sa antas na napalitan ng mga pinunong pampolitika ang mga relihiyosong pinuno bilang halimbawang moral).

Sa pananampalatayang katulad ng Hudaismo, Katolisismo at Kristiyanismo  partikular na sa Lumang Tipan ng Bibliya  tinatawag na Batas ang unang limang aklat ng Bibliya, na kilala rin bilang Tora (sa Hudaismo) at Pentateuko.  Naglalaman ang unang limang aklat na mga ito ng lahat ng mga panuntunan o patakarang moral ng Diyos kung paano nararapat sambahin ng Israel ang Diyos, at kung paano rin sila dapat mamuhay bilang mga tao o mamamayan ng Diyos.  Dahil sa pagiging likas na makasalanan ng lahat ng mga tao, hindi maaaring makagawa ng pangangatwiran ang Banal na Batas na ito ng Diyos, subalit naging tama at naaangkop si Hesus sa harapan ng Diyos bilang isang handog para sa mga tao ng Diyos.  Tumutukoy din ang batas sa lahat ng praktikal na mga alituntuning nais ng Diyos na sundin ng tao, mga instruksiyon na tumutulong sa taong maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos, at nagsasabing kung paano sila makapapamuhay ng mapayapa sa piling ng isa't isa.  Bilang dagdag, itinuturo pa rin sa mga pananampalatayang ito na matatagpuan mula sa pagsunod sa perpektong Batas ng Diyos ang tunay na kalayaan ng tao na kinakatawan ng isang bagong utos ng Diyos: ang mahalin ang bawat isa.




#Article 86: Tatlong Kaharian ng Korea (406 words)


Ang Tatlong Kaharian ng Korea ay ang mga kaharian ng Goguryeo, Baekje at Silla, na sumaklaw sa Tangway ng Korea at Manchuria, sa pagitan ng unang siglo BC at ikapitong siglo AD. Mayroon ding maliliit na kaharian at mga estadong tribo bago at kasabay ng panahon ng Tatlong Kaharian, kinabibilangan ng Gaya, Dongye, Okjeo, Buyeo, Usnan, Tamna, at iba pa.

Ayon sa kaugalian, nagsimula ang panahong ito mula 57 BC, nang ang kahariang Saro (naging Silla nang lumaon) sa timog-silangang bahagi ng tangway ay nagkaroon ng awtonomiya sa ilalim ng imperyong Tsino ng dinastiyang Han. Natamo ng Goguryeo sa hilaga at ang timog ng Ilog Yalu (Ilog Amnok sa wikang Korean) ang kalayaan sa ilalim ng mga Tsino noong 37 BC. Noong 18 BC, dalawang prinsipeng Goguryego ang umalis dahil sa labanan kung sino ang magiging tagahalili, at itinatag ang Baeakje sa timog kanlurang bahagi ng tangway (Seoul sa ngayon), at naging kabisera nito ang Ungjin (Gongju o Chongju sa ngayon) at lumaon inilipat sa Sabi (Puyo sa ngayon) sa timog kanluran ng Seoul. Humiwalay ang kahariang Gaya mula sa Beakje noong unang siglo AD.

Nagsimula ang pagsulong ng Tatlong Kaharian sa katapusan ng dinastiyang Han, sa simula ng ikatlong siglo. Mayroong iisang kultura ang tatlong kaharian. Lumaganap ang Confucianism sa mataas na lipunan ng Korea mula unang siglo AD. Lumaon, ganap itong napalitan ng Buddhism.

Mayroong dalawang kabisera na nagsasalitan ang Goguyeo, ang pinakamalaki sa tatlo. Ang Nangnang (Pyongyang ngayon) at Kungae sa Ilog Yalu. Sa simula, matatagpuan ang pamahalaan sa hangganan ng Tsina, unti-unting sinasakop nito ang malalawak na teritoryo ng Manchuria at nataboy sa wakas ang mga Tsino sa Nangnang noong 313. Nanatili ang implewensyang pangkultura ng mga Tsino hanggang pinagtibay ang Buddhism bilang opisyal na relihiyon noong 372.

Noong ikaapat na siglo, umunlad ang Baekje at nangibabaw sa halos kalahati ng tangway, at katimugang bahagi.

Pinangalanang Silla noong 503, sinakop ng kahariang Saro ang buong kaharian ng Kaya (o Gaya) na nasa kanyang hangganan sa unang bahagi ng ikaapat na siglo. Gumsong (Gyeongju o Kyongju sa ngayon) ang kabisera ng Silla. Naging opisyal na relihiyon ang Buddhism noong 528.

Kaanib ng Tsina, dinastiyang Tang, sinakop ng Sila ang Goguryeo noong 668, pakatapos lamang masakop ang Baekje noong 660. Dito nagsimula ang panahon ng Unified Silla at tinapos ang pahahon ng Tatlong Kaharian.

Ginamit ang pangalang Samguk o Tatlong Kaharian sa pamagat na Korean ng mga klasikong kasulatang Samguk Sagi at Samguk Yusa.




#Article 87: Manati (454 words)


Ang mga manati o manatee [Ingles] (pamilya: Trechecidae, sari: Trichechus) ay malalaking mamalyang pantubig na kilala rin sa tawag na bakang-dagat o sea cow sa Ingles.  Naiiba ang Trichechidae sa Dugonguidae sa hugis ng bungo at hugis ng buntot. Hugis sagwan ang buntot ng mga manati, samantalang ang sa hugis tinidor naman o nagsasanga ang sa mga dugong.  Kumakain lamang ng mga halaman ang mga ito, na ginugugol ang kanilang oras sa panginginain ng mga damong-tubig sa mabababaw na tubigan.  Nagmula ang pangalang manati (manatí sa orihinal na baybay) mula sa wikang Taino, isang pre-Kolombiyano (bago dumating si Cristobal Colon, kilala rin bilang Christopher Columbus) sa mga mamamayang Karibyano; nangangahulugan itong suso.. 

Pinaninirahan ng mga manati ang mababaw na tubigan at mga latian sa baybayin ng Hilaga, Gitna, at Timog Amerika, at ng Dagat Karibyano.  Naninirahan ang isang uri ( ang Trichechus senegalensis) sa kanlurang baybayin ng Aprika; naninirahan naman ang isa (ang T. inunguis) sa silangang baybayin ng Timog Amerika, at ang ikatlo (ang T. manatus) sa Mga Kanlurang Indiya sa Dagat Karibyano. Ang manati ng Florida at itinuturing ng ilan bilang hiwalay na uri, subalit itinuturing naman ng Binuong Pamamaraang Kaalamang Pangtaksonomiya (Integrated Taxonomic Information System o ITIS) na sub-uri ito ng ito ng T. manatus, kaya ito ngayon ang kinaugaliang pagturing. Maaring humaba ito hanggang 4.5 metro (15 talampakan), at namumuhay sa tubig-tabang at tubig-alat. Dati, hinuhuli ang mga ito para sa langis at laman ngunit nasa ilalim ito ngayon ng pangangalagang legal.

Isang nanganganib na uri ang manati ng Kanluran Indiya. Bagaman walang likas na predator o tagapagtugis ang mga ito, pinababa ng paglawak at pagdami ng mga tao ang kanilang likas na tirahan sa mga latian ng mga baybayin, at nasasaktan ng mga propeler ng mga bangkang de-motor ang mga ito. Nakakain din ng mga manati ang ilang kagamitang pangingisda (gaya ng mga kawit, pabigat na mga metal, at iba pa). Hindi naman nakapipinsala ang mga ito sa mga manati maliban ang monopilamentong linya o may isahang hiblang tali. Nakakabara ito sa sistemang dihestibo ng hayop na nagiging sanhi ng onti-onting pagkamatay nito.

Karaniwang nagsasama-sama ang mga manati malapit sa mga plantang pang-enerhiya, na nagpapainit ng tubig. Umaasa ngayon ang mga ito sa hindi likas na pinanggagalingan ng init. Hindi na lumilipat ang mga ito sa mga tubigang may likas na kainitan dahil mayroon na silang palagiang pinagkukunan ng tubig na may init.  Sa Estados Unidos at kamailan lamang, nagsasara na ang mga plantang pang-enerhiya, at dahil nga sa kaalamang umaasa ang mga manati sa mga plantang ito, naghahanap ang Palingkuran ng Isda at Likas na Mailap na mga Buhay ng Estados Unidos (U.S. Fish and Wildlife Service) ng paraan kung paano paiinitin ang tubig para sa mga manati.




#Article 88: Patintero (160 words)


Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.

Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.

Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.




#Article 89: Teorya ng natatanging relatibidad (1025 words)


Ang teoriya ng natatanging relatibidad o teoriya ng natatanging kapamanggitan (special relativity o special theory of relativity; dinadaglat bilang SR) ay ang pangalan ng unang panukala o teoriyang pampisika na inithala ni Albert Einstein noong 1905. Pinalitan nito ang nosyong Newtonyano ng espasyo at panahon at isinama ang elektromagetismong inilalarawan ng ekwasyon ni Maxwell. Tinatawag ang teorya na espesyal dahil natatanging kaso ito ng prinsipyo ng relatibidad ni Einstein na kung saan hindi iniintindi ang epekto ng grabedad.

Pagkaraang mapag-aralan pa ng husto ni Einstein ang relatibidad, muli siyang naglathala ng pangalawang teoriya. Pagkaraan ng sampung taon, inilathala ni Einstein ang teorya ng pangkalahatang relatibidad (general relativity) na isinama ang grabitasyon.

Tungkol ang relatibidad sa kalikasan ng oras (panahon), espasyo (patlang), masa, at enerhiya. Humantong ang mga paliwanag at mga pananaw ni Einstein hinggil sa mga ito, na kaiba mula sa mga naunang pananaw, patungo sa maraming iba't ibang bagong mga pagkakatuklas. Isa sa mga ito ang kapangyarihang nukleyar o lakas nukleyar.

Ipinakilala ni Galileo ang prinsipyo ng relatibidad. Itinumba ang makalumang pananaw ni Aristoteles, pinaniniwalaan nito na ang mosyon, o kahit man lamang unipormadong mosyon sa tuwid na linya, ay may kahulugan lamang kung may kaugnayan sa iba, at walang ganap na kayariang pangsanggunian na kung saan lahat ay maaring masukat. Ipinalagay din ni Galileo ang isang set ng mga transpormasyong tinatawag na mga transpormasyong Galilyano, kung saan parang nasa sentido kumon ngayon. Gumawa si Galileo ng limang batas ng mosyon. Tinanggap ni Newton ang prinsipyo ng relatibidad nang gumawa siya ng mas maayos na set, na naglalamn ng tatlong batas ng mosyon.

Habang ang mga ito ay tila naaangkop nang mabuti sa pang-araw-araw na pangyayari kaugnay ng mga bagay na solido, nawawalang-katiyakan naman pagdating sa liwanag. Pinaniniwalaan ni Newton na korpuskular ang liwanag ngunit nalaman ng mga pisiko, nang lumaon, na mas angkop ang modelong along traberso ng liwanag. Tinawag na eterong liminiperoso (luminiferous aether) ang hypotetikong midyum na ito. Tila mayroon itong magkakasalungat na mga katangian, gaya ng pagiging ubod ng tigas upang maisaalang-alang ang mabilis na bilis ng liwanag, kasalungat ang pagiging insubstantial upang hindi mapabagal ang Mundo habang dumadaan ito. Tila ipinakilala muli ng ideya ng etero ang ideya ng absolutong kayarian ng reperensiya, nakapirme ang isa kung isaalang-alang ang etero.

Sa simula ng ika-19 siglo, nagsimulang maunawan ang liwanang, elektrisidad, at magnetismo bilang aspeto ng kalatagang elektromagnetiko (electromagnetic field). Ipinapakita ng mga ekwasyon ni Maxwell na nakakapagdulot ng radyasyong elektromagnetiko ang pagkakaroon ng akselerasyon o pagbilis ng isang kargang kung saan laging kumikilos sa bilis ng liwanag. Ipinapakita ng mga ekwasyonng hindi nagbabago ayon sa bilis ng pinagmumulan ang bilis ng radyasyon. Ito ay magkakatulad at hindi nagbabago sa mga analohiya ng sa mga along mekanikal. Marahil, gayun pa man, magbabago ang bilis ng radyasyon ayon sa bilis ng tagamasid. Sinikap na gamitin ng mga pisiko ang ideyang ito upang masukat ang bilis ng Mundo batay sa etero. Ang eksperimentong Michelson-Morley ang pinakatanyag na pagtatangka. Habang naging kontrobersiyal sa maikling panahon ang mga eksperimento, isang konsensus o pagkakasundo ang lumitaw na hindi nagbabago ang bilis ng liwanag ayon sa bilis ng tagamasid, at dahil — ayon sa mga ekwasyon ni Maxwell — hindi ito nagbabago ayon sa bilis ng pinagmumulan, kinakailangang maging inbaryante sa lahat ng tagamasid ang bilis ng liwanag.

Bago ang espesyal na relatibidad, napuna na nina Hendrik Loretz at iba pa na nagbabago ang mga puwersang elektromagnetiko depende sa posisyon ng tagamasid. Halimbawa, maaring walang makitang kalatagang magnetiko ang isang tagamasid sa isang partikular na rehiyon habang maari naman sa isa na kumikilos kaugnay sa una. Nagmungkahi si Lorentz ng isang teyoriyang pang-etero kung saan ang mga bagay at tagamasid na kumikilos kaugnay sa di-kumikilos na etero ay magbabago sa pisikal na haba (kontraksiyong Lorentz-Fitzgerald) at magbabago sa rasyong temporal (pagbuka ng panahon). Pinapahintulutan nito ang lumitaw sa panahong iyon ng pagkakasundo ng electromagnetiks at pisikang Neyutonyano sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga transpormasyong Galileyano. Kung mas mabagal ang mga belosidad na kasangkot sa bilis ng liwanag, magpapapayak sa mga transpormasyong Galilyano ang lalabas na mga batas. Binatikos, pati na si Lorentz pa mismo, ang teorya, kilala bilang Teoriyang Etero ni Lorentz (Lorentz Ether Theory, o LET), dahil sa ad hoc na kalikasan nito.

Habang minungkahi ni Lorentz ang mga ekwasyon pangtranspormasyon ni Lorentz, ang mga kontribusyon naman ni Einstein ay, kasama ng iba pang bagay, natamo ang mga ekwasyong ito mula sa mas pundamental na teorya, isang teorya na hindi nangangailangan ng pagkakaroon ng isang etero. Gustong malaman ni Einstein kung ano ang inbaryante (pareho) sa lahat ng tagamasid. Sa ilalim ng espesyal na relatibidad, ang tila komplikadong mga transpormasyon nina Lorentz at Fitzgeral ay natamo mula sa payak na heyometriya at ng teyorem na Pitagoryano. Ang orihinal na pamagat ng kanyang teorya ay Teoriya ng mga Inbaryante o Magkakapareho (hango sa Theory of Invariants, Ingles na sinalin mula sa wikang Aleman). Si Max Planck ang nagmungkahi sa katawagang relatibidad (o relativity, pagiging kaugnay) upang idiin ang paniwala ng pagkakaroon ng transpormasyon ng batas ng pisika sa pagitan ng mga tagamasid na kumikilos na may kaugnayan o may relasyon (may relatibidad) sa isa't isa.

Karaniwang inaalala ng espesyal na relatibidad ang galaw ng mga bagay at tagamasid na nanatiling nakatigil o kumikilos sa isang di-nagbabagong belosidad. Sa kasong ito, masasabing nasa inersyal na kayariang ng sanggunian (inertial frame of reference) ang tagamasid. Maaring gawin ang paghahambing sa posisyon at oras ng mga pangyayari na nairekord ng ibang inersiyal na tagamasid sa pamamagitan ng paggamit ng mga ekwasyong pangtranspormasyon ni Lorentz. Ang karaniwang maling pahayag tungkol sa relatibidad ang SR ay hindi maaaring gamitin upang hawakan ang kaso ng mga bagay at tagamasid na nasa ilalim ng akselerasyon (mga hindi inersyal na mga kayariang sanggunian) ngunit hindi ito totoo. Isang halimbawa, tingnan ang problemang kuwitis na relatibistiko (relavistic rocket). Kayang tiyakin nang tama ng SR ang galaw ng mga bumubulis na mga bagay o katawan sa pagkakaroon ng di-nagbabago o kawalan ng mga grabistasyonal na mga kalatagan (zero gravitational field), o iyong mga nasa umiikot na kayaraing sanggunian (rotating reference frame). Wala itong kakayahang ilarawan ng tamang-tama ang kilos sa ilalim ng nagbabagong mga kalatagang grabitasyonal.




#Article 90: Ugnayang pampubliko (239 words)


Ang ugnayang pampubliko (Ingles: public relations, dinadaglat na PR) ay ang kasanayan ng paghahatid ng mga mensahe sa publiko sa pamamagitan ng media sa panig ng isang kliente, kasama ang intensiyon na baguhin ang mga kilos ng publiko sa pamamagitan ng pag-impluwensiya ng kanilang mga kuru-kuro. Madalas na inihahatid ang mensahe ng mga nagsasanay sa PR ang mga partikular lamang na seksiyon ng publiko (taga-pakinig), yayamang kadalasang ibinabahagi ng isang pangkat ng mga tao ang magkakaparehong palagay kaysa ng buong lipunan.

Maraming tao ang pinupuna ang industriya ng PR ukol sa kanyang impluwensiya sa publiko, at ukol sa kanyang minsang di maka-etikang pagkilos sa pagpapatuloy sa piniling mensahe sa ibabaw ng katotohanan. Gayon man, di wastong sabihin ito sa lahat ng nagsasanay sa PR. Di nagtatrabaho ang karamihan sa kanila sa mga malalaki, ahensiyang multinasiyonal, kundi bilang kawani ng mga organisasyon, katulad ng mga kompanya, organisasyong non-profit, at ang mga pambansa at lokal na pamahalaan. Pinupukaw ang interes ng publiko ang karamihan sa kanila para sa kanilang mga kliente o amo sa halip na pag-inog sa isang kontrobersiyal na usapin sa pinatagal na panahon. Ang paglilingkod sa malalaking korporasyon at sa mga kilalang naghihimok ng mga usapin sa halip na mga pangkaraniwang mga tao sa industriya ng PR ang pangkalahatang tinututulang pag-inog ng mga mamumuna sa industriyang ito, bagaman mayroong malakas na impluwensiya sa usapan ng publiko ang halaga ng pag-inog na maaaring bilhin ng puhunang pinansiyal o pampolitika.




#Article 91: Negosyo (367 words)


Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa.

Sa kasaysayan, ang negosyo o kalakal ay tumutukoy sa mga gawain o interes. Sa pinahabang kahulugan (simula noong ika-18 siglo), naging kasingkahulugan ng salitang ito ang pagkakaroon ng pansariling pangasiwaang pangkalakalan (commercial). Sa mas pangkalahatang kahulugan, ito ang pagkadugtong-dugtong ng mga gawaing pangkalakalan (commercial).

Nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan (katulad ng kooperatiba, corporate bodies, di kumikitang kapisanan at institusyon ng pamahalaan), namamalagi ang negosyo upang kumita. Sa ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-ari at tagapagpalakad ng isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng pananalaping pagkabalik ng kanilang oras, sikap at puhunan.

Binubuo ng isang lupon ng magkakaugnay na negosyo ang isang industriya, katulad ng industriya ng mga libangan o industriya ng gatasan. Kawangis ito ng isa sa mga mas pangkalahatang kahulugan ng negosyo, at mukhang pinagpapalit ang mga katagang negosyo at industriya sa kadalasan. Sa ganitong paraan, maaaring sabihin ng isang mangingisda na (mas kolokyal) nasa negosyo siya ng pangingisda o (tila may pagkadakila) nagtratrabaho siya sa isang industriya ng pangingisda. Maaaring magsilbi na katubas ng negosyo at industriya ang salitang pakipagkalakalan (trade).

Sa isang malawakang industriya, maaari ring magkaroon ng mga tinatawag na sub-industries. Sa industriya ng mga pagkain at inumin, may mga sub-industries ito tulad ng industriya ng fastfood, industriya ng pagkaing pang meryenda at ng mga softdrinks.

Maaaring i-uri ang negosyo sa maraming paraan. Sa mga tagapagtuos (accountant), binibigyang diin ang uri nito ayon sa nag-mamay-ari. Sa mga ekonomista, inuuri ito ayon sa laki o dami ng puhunan. Sa mga nagtitinda (marketers), kinikilala ang mga negosyo ayon sa kanilang operasyon o pagpapalakad.

Tinutukoy ng karamihan sa mga legal na hurisdiksiyon ang mga anyo na kailangan kunin ng isang negosyo, at mayroon naisulong sa bawat uri ang isang katawan ng batas pangkalakalan (commercial). Kinabibilangan ng mga negosyong samahan (partnership), korporasyon (kilala din bilang kompanyang may hangganan ang responsibilidad), at negosyong may nag-iisang may-ari (sole proprietorship) ang mga ilang pangkaraniwang uri.

Mga kinakailangan ng karaniwang negosyo:

Ang limang pangunahing bahagi ng isang negosyo




#Article 92: Antropolohiya (1824 words)


Ang agham-tao o _ o antropolohiya (mula sa salitang Griyego na anthropo pagiging tao + logia salita) ay ang pag-aaral sa lahi ng tao.  (Tingnan ang henerong Homo.)  Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan.  Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo—at ating sarili—na nakabatay.

(Ang mga tinandang taon na menos ay ukol sa Common Era o Karaniwang Panahon na bilang.)

Sa tradisyunal na agham-tao, may apat na sub-espesye ang espesye ng taong Homo sapiens, ang Kawkasoyd (puti), Monggoloyd (dilaw o pula), Negroyd (itim), at Awstraloyd (itim din).  Puwede ring ibaybayin ang mga salitang ito ng Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid.

Ang teorya ng ilang antropologo ay ang sub-espesyeng Australoid  ay humiwalay galing sa orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -73 000 hanggang -60 000.  Maiitim ang balat nila (ng mga Australoid).  Kahit na kalimitang itim ang buhok nila, may ilan sa kanila na parang mapula o olandes/malaginnintuan ang buhok.  Kung talagang tutuusin, ang baryante ng Australoid sa Indiya ay medyo magkaiba sa mga naroon sa Australya.  Kung minsan, Proto-Australoid o Veddoid ang tawag sa mga nasa Asya.  At sa kamakailang kasaysayan, nagmestiso sila nang kasama ang mga Caucasoid, na naging mga Aryan.  Mestiso ngayon ang India. Pagkatapos ng taong -4000 nagsimula ang mestisasyon, kasunod ng kung tawagin ay Pagsalakay ng Aryan.

Ang sabi ng ibang mananaliksik, nakolonisahan ng mga Australoid ang Australya nang simula ng taong -70 000 o -50 000.  Dumaan sila sa pamamagitan ng India at Timog-silangang Asya, galing Aprika. Ilang alon ang dumaan.  Kaya, matagal na.  Ang nangyari ay parang naiwanan ang mga Proto-Australoid o Veddoid sa Indiya ng mga naging Australoid sa Australya.  (Ang Proto-Australoid ay Australoid din kung tutuusin.)

Sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko, nakabangka ang mga Australoid.  At nang unang panahon, may mga tulay na lupa na mararaanan nila.

Magkaiba ang Negroid ng Aprika sa Australoid.  Magkaiba ang kalansay o balangkas at iba pa.  Pero nga, pareho silang maitim ang balat.  Humiwalay sa mga Negroid ang orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -108 000.  At humiwalay din ang mga Mongoloid doon nang taong -39 000.  Mga aproksimasyon lamang ang mga bilang at may mga taong kalagitnaan sa porma noong nagkahiwalayang landas.

Ang sub-espesyeng Mongoloid ay may maraming baryante rin.  Ang mga Hilagang Mongoloid ay ang mga Intsik, Koreano, at iba pa.  Ang mga Amerindian o kung tawag ng ilan ay Proto-Mongoloid ay kasama sa sub-espesye na ito.  Nagsimula nang mga taong -38 000  hanggang -10 000 ang kolonisasyon sa hilaga at timog ng mga Amerika.  Galing Asya, tumawid sila sa Tulay na Lupa ng Bering papuntang Amerika.  Tapos, dahan-dahan silang naglakad hanggang sa Timog Amerika.  Ilang libong taon ang lumipas.  Dahil nagkaroon ng Panahon ng Yelo, may Tulay na Lupa ng Bering na ngayon ay ang Dagat Bering.  Iba-iba ang itsura ng mga Amerindian, pero kalimitang hindi sila kasing singkit ng mga Hilagang Mongoloid.  Iba naman ang mga Eskimo na tumawid galing Siberia papunta sa Arktiko ng Amerika noong mga taong -8000.  Mas parang Hilagang Mongoloid ang Eskimo, pero may kahalong parang Amerindian.

May teorya ang ilang antropologo na ang mga Australoid ay nauna sa mga Amerika noong taong -52 000.  Ang tawag ng mga teorista sa mga taong ito ay Pre-Siberian American Aborigines.  Iyon ang teoriya, na naunahan ng mga Australoid ang mga Mongoloid sa Amerika.  Naglakad sila galing sa Timog-Silangang Asya.  Tapos, umakyat sila sa Silangang Asya at tumawid ng Tulay na Lupa ng Bering hanggang sa Amerika.  Ang tawag rito ay Ang Dakilang Migrasyong Pandalampasigan (The Great Coastal Migration) ng Proto-Australoid.

Mayroon pang ibang klaseng Mongoloid, iyong Timog Mongoloid, na talagang mestiso ng halong Mongoloid at Australoid.  Nagsimula nang taong -4000 sa pook ng Taiwan.  Tapos, sinakop nila ang Timog-Siangang Asya na puno ng maiitim na Australoid at naghalo sila.  Tapos, kumalat sila sa Pasipiko at hanggang Madagaskar, Pulong Timog-Silangang Asya o Island South-East Asia (ISEA), Hawaii, Tahiti, Samoa, New Zealand, at iba pa.  Ang mga Polynesian ay Timog Mongoloid.  Sa Madagaskar, isla na katabi ng Silangang Aprika, natagpo nila ang mga Negroid na naroon na at nagsipaghalo sila.  Ang mga Melanesian at Papuan sa Pasipiko ay mga iba-ibang klaseng Australoid.  Nakakapagtaka rin na may mga parang Negroid na kasama sa kanila.  Parang kulang ang pananaliksik dito.

Ang katauhan ng mga Hapones ay kumplikado.  Mito lamang na sila ay iisahing-lahi o iisahing-lahing lipunan.  Ang katotohanan ay mga parang mestisuhin sila ng Hilagang Mongoloid, Amerindian, Katimugang Mongoloid, at Caucasoid.  Dahil rito, iba ang itsura nila sa Intsik.  Sa halo-halo, naging ibang lahi sila.  Ang mga unang katauhan sa Hapon ay kasama ang Ainu, na maiitim ang buhok, mabalahibo, at balbasin.  Ito yata ay isa sa mga tribo na naglibot sa Siberia.  Baka mga mestiso na sila noong unang panahon man.

May naniniwala na ang mga Amerindian at Eskimo, bagamat sila'y karamihang Mongoloid, ay may kaunting lahing Caucasoid o Australoid na bago pa dumating si Christopher Columbus.

Ang kaisipan ng Hapones na si Dr. Akazawa Takeru ay may dalawa lamang bersiyon ng Mongoloid, ang mga Paleo-Mongoloid at ang mga Neo-Mongoloid.  Inililista niyang ang mga Neo-Mongoloid ay mga Intsik, Buryat, Eskimo, Chukchi, at iba pa.  Sa kabila naman, ang mga Paleo-Mongoloid ay mga Burmes, Pilipino, Polinesyano, Jōmon, Amerindiyo, at iba pa.  Ang Austronesian nga ay klasipikadong Paleo-Mongoloid.  Kung minsan, ang tawag sa Austronesian ay Southern Mongoloid.

Kung gagamitin ang ngipin para sa klasipikasyon, ang mga Neo-Mongoloid ay Sinodont Mongoloid kung tawagin, at may mga Paleo-Mongoloid sa Asya at Pasipikong kung tawagin ay Sundadont Mongoloid.  Kung minsan, ang mga Amerindiyo ng mga Amerika ay Super-Sinodont kung tawagin.  Kaya, marahil may talagang tatlong klaseng Mongoloid:  ang Sundadont, ang Sinodont, at ang Super-Sinodont.

Dalawa naman ang klase ng sub-espesyeng Caucasoid, yung Mediterranean at Nordic.  Ang mga Mediterranean ay maiitim ang buhok, malimit ay bughawing itim, kung minsan ay mamulang itim, at kung minsan ay talagang madilim na kayumanggi.  Iba-iba rin ang kulay ng mata nila.  Ang mga Nordic naman ay olandes/malaginintuan, o kayumanggi, o pula ang buhok.  Iba-iba ang kanilang kulay ng buhok. Mas maputla ang kulay ng balat ng mga Nordic kaysa sa mga Mediterranean.  May mutasyong henetiko nang taong -9000, noong pinakahuling Panahon ng Yelo, na nagresulta sa malaginintuang buhok.

Ang dakilang wikang tribong Caucasoid ng Indo-European ay, sabi ng isang teorya, nagsimula sa Katimugang Rusya, malapit sa Dagat Itim o Black Sea, noong taong -4000.  Nakakabayo sila at kumalat sila sa Europa at Indiya.  Sa Indiya, sinakop nila ang mga Proto-Australoid.  Ang wikang PIE o Proto-Indo-European ay magulang na wika ng mga karamihan ng mga wika ngayon sa Europa at Hilaga ng Indiya.  Kasama na ang mga Aleman, Latino, Griyego, Slabiko, Seltiko, at iba pa.  Ibang pamilya ito kaysa sa mga Uraliko ng Finlandes at Hunggaro.  Mga wikang bukod noong pang huling Panahon ng Yelo ang Basque o Euskara sa Espanya, na sinakop ng mga Indo-European.

Lahat ng mga sub-espesyeng tao, yaong Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid, ay nanggaling sa malayong Aprika, nang taong -200 000, sa anumang orihinal na anyong pantao ng Homo sapiens.  May kapatid ang espesye na ito na ang tawag ay Homo neanderthalensis.  May pagitang paglalahi na baka nangyari noong -80 000 hanggang -50 000 sa Gitnang Silangan.  Walang natira sa kanilang puro ngayon.  Mayroon ding Homo denisova.  Ang henero nating Homo ay may maraming espesye at mga 2.3 milyong taon na.  Ang Homo sapiens ay isa lamang sa mga espesye ng henerong Homo.  May ilang tao ngayong may kaunting lahing Homo neanderthalensis o kaya Homo denisova.

Alam na ang Homo neanderthalensis ay may mas malaking utak sa modernong tao.  Ang pangkaraniwang laki ng utak nila ay 1450 cc at ang modernong Homo sapiens naman ay 1330 cc.  Kung talagang mas matalino sila ay di alam.  Marahil bukod sa itim ang buhok, may mapula o madilaw na buhok din ang mga Homo neanderthalensis (o Neanderthal kung tawagin).

Alam ng dalub-agham na ang mga sub-espesyeng pantao na Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid ay magkasama sa isang espesye, iyong Homo sapiens.  Ang isang dahilan ay pareho ang kromosomang bilang nila na 46.

May mga taong hindi naniniwala sa ebolusyon ng tao.  Isip nila'y may ilang espesye ng genus Homo na parang hindi magkarugtong.  Ayon kay Tuesday Lobsang Rampa, tinanim ang tao nang parang hardin.  May mga kung tawagin ay mga Hardinero.  Ang Tiyera'y isa sa kanilang mga hardin.  Kung minsan, nag-aalis din sila ng damo.

Sa pinakabagong agham-tao, hindi na masyadong naniniwala sa mga lahi sa pagsusuri ng katauhan.  Ginagamit ng dalubtao o antropologo ang human genetic clustering (pagkumpol ng henetikong pantao) o principal components analysis (pagsusuri ng pangunahing sangkap) dahil malawak ang mga iba-ibang henetikang katangian ng mga tao.  Alam na di puro ang mga lahi ng tao.

Ang karamihan sa Pilipinas ay may lahi ng mga Awstronesyo.  Paleo-Monggoloyd o Monggoloyd-Timog din kung tawagin sila.  May mga Pilipinong may lahing Neo-Monggoloyd o Monggoloyd-Hilaga (gaya ng Intsik o Hapon) nang kasama.  May mga Pilipinong may lahing Kawkasoyd, katulad ng Kastila.  Dahil ang Meksiko ang nag-alaga sa Pilipinas noong ilang siglong nakalipas, may Pilipino ring may lahing Amerindiyo (Monggoloyd din), katulad ng tribung Nahuatl sa Mehiko.  (Ang mga salitang tatay at nanay ay galing sa Nahuatl na tahtli at nāntli.)  Maraming mestiso sa Pilipinas.  Ang mestisong Intsik ay Tsinito o Tsinoy kung tawagin.

Ang Congoid at Capoid ay mga paghahati ng Negroid.  Sa ibang pananaliksik, iba silang sub-espesye.  Ang Capoid ay singkit ang mata at malaginintuang kayumanggi ang balat at hindi sepya.  Kung ito ay hiwalay na umunlad mula sa mga Silangang Asyano o kung may lahi silang Asyano ay di pa alam.  Kulang ang pananaliksik sa antropolohiya at ang isang rason ay itong paksa ay mapolitika.  (Ang Africanid ay Congoid.)  Dahil may mga Awstronesyo (Mongoloid) sa Madagaskar na nasa tabi ng kontinenteng Aprika, di malayong mangyari na narating ng mga Asyano ang kontinente mismo.  Di malayong mangyari na pabalik-balik ang mga iba-ibang sub-espesye sa ibabaw ng Tiyera.  Sa palagay, marahil may tatlong klaseng itim na tao, ang Congoid, Capoid, at Australoid.

Dahil mas mahusay ang transportasyon ngayon, mas pangkaraniwan ang paghalu-halo ng tao.  Ngunit may mga antigong relasyon na di alam ng tao, katulad na ang marami sa mga Caucasoid sa Rusya ay may kaunting lahing Hun o iba pang Mongoloid.  Sa Hilagang Amerika, ang mga Caucasoid na maraming henerasyon na roon ay may probabilidad na may kaunting lahing Amerindiyo (Mongoloid). Sa Latinong Amerika ay talagang pangkaraniwan ang mestisasyon.  Ang mga Caucasoid sa Gitnang Silangan na Semitiko ay may kaunting lahing itim.  Maraming itim sa Aprika ay may kaunting lahing Arabo (Semitiko na Caucasoid).  Sa Silangang Asya rin ay naghalu-halo ang tao; halimbawa ang mga may lahing Turkong mestisong Uighur sa Xinjiang ng Tsina at mga apo sa talampakan ng mandaragat na Portuges sa baybayin ng Tsina.  Marahil di tunay talaga ang konsepto ng purismo sa mga lahi ng tao.




#Article 93: Agham pampolitika (261 words)


Ang agham pampolitika o dalubbanwahan ay isang disiplina ng agham panlipunan tungkol sa pag-aaral sa politika, sa pag-aaral ng estado, nasyon, pamahalaan, politika at patakaran ng pamahalaan. Binigyan ito ng kahulugan ng Aristoteles bilang ang pag-aaral ng estado. Kasangkot nito ang pag-aaral sa kayarian  at proseso sa pamahalaan - o anumang kaparehong sistema na sinusubukang tiyakin ang katiwasayan, di pagkiling, at ang pagsasara sa kabila ng isang malawak na sakop ng mga panganib at pagpasok sa isang malawak na sakop ng mga karaniwan para sa kanilang mga nasasakupan. Bilang isang resulta, maaaring pag-aralan ng mga siyentipikong pampolitika ang institusyong lipunan katulad ng korporasyon, unyon, simbahan, o ibang mga organisasyon na malapit sa kayarian at proseso ng pamahalaan sa pagkasalimuot at interkoneksiyon. 

Unang binansagan ni Herbert Baxter Adams, isang propesor sa kasaysayan sa Pamantasan ng John Hopkins, noong 1880 ang salitang agham pampolitika.

Ang agham pampolitika ay madalas hinahati-hati sa mga natatanging sub-disiplina na ang lahat ng mga ito ay bumubuo ng disiplina:

Ang teoriyang pampolitika ay lalong nangangasiw sa mga klasikong palaisip gaya nina Aristoteles, Niccolò Machiavelli, Cicero, Platon, at iba pa. Ang politikang paghahambing ay ang agham ng paghahambing at pagtuturo ng iba-ibang uri ng mga saligang batas, kalahok sa politika, lehislatibo at mga katuwang na disiplina, lahat sila mula sa pananaw sa loob ng estado. Isa sa mga pinakapopular na pagaaral ng Agham Pampolitka ay ang Araling Pangmundo. Ito din ay puedeng tawagin na Relasyon Pang-Internasyonal o Pampolitikang Pangmundo. Ito ang pakikipagtalastasan sa mga ugnayan sa pagitan ng mga nasyon-estado pati na rin ang mga samahang intergovernmental at transnasyonal.




#Article 94: Digmaang Pilipino–Amerikano (261 words)


Ang Digmaang Pilipino–Amerikano (, ) ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob sa Tratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan ang Digmaang Espanyol–Amerikano.

Pumutok ang labanan sa pagitan ng puwersa ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na tinaguriang Ikalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, pormal na naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kaniyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo. 

Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000 Pilipinong sibilyan, pagbuwag sa Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng pamahalaan, edukasyon, kalakaran, industriya, at ng mga edukadong pamilya at indibidwal sa mga susunod na dekada. 




#Article 95: Arkeolohiya (210 words)


Ang arkeolohiya ay ang pag-aaral sa mga kailangán ng tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdukumento at pagsusuri ng mga materyal na labi, kabilang ang arkitektura, mga artifact, mga biofact, labi ng mga tao, at mga tanawin. Ang pagbibigay linaw sa kasaysayan, bago pa ang kasaysayan, pag-aasal at ebolusyong kultural ng tao ang layunin ng arkeolohiya. Ito lamang ang disiplina na nagtataglay ng kaparaanan at teoriya para sa pagtipon at pagpapaliwanag ng impormasyon tungkol sa nakaraan ng tao bago pa na may nasusulat na kasaysayan, at maari din gumawa ng isang kritikal na alay sa ating pagkaunawa sa mga nadukumentong lipunan. Napupunan ng ibang larangan sa antropolohiya ang mga natuklasan ng arkeolohiya, lalo na ang antropolohiyang kultural (na pinag-aaralan ang kaugalian, masimblo, at mga materyal na kasukatan ng kultura) at antropolohiyang pisikal (na kabilang ang pag-aaral ng ebolusyon ng tao at osteolohiya). Pinupunan din ng ibang disiplina ang arkeolohiya, katulad ng paleontolohiya (ang pag-aaral ng buhay bago pa ang kasaysayan), kabilang ang paleosoolohiya at paleobotanika, heograpiya, heolohiya, kasaysayan, kasaysayan ng sining, at klasiko.

Isinalarawan ang arkeolohiya bilang isang paglikha (craft) na tinatatala ang agham upang liwanagin ang araling pangtao (humanities).

Nilalapit ng arkeolohiya ang pagkaunawa sa mga nawalang kultura at mga tahimik na aspeto ng kasaysayan ng tao na walang palugit.




#Article 96: Pohjola (355 words)


Ang Pohjola ay isang pook sa mitolohiyang Pinlandes, na tumutukoy sa Pohja (Hilaga), bilang direksiyon ng compass, ang Hilagang Lupain (Northland) -- ang buong rehiyong polar, at ang mundo ng Kalavela, ang lupain ng Sami.

Sa tunay na buhay, sakop ng Pohjala ang bahagi ng Lapland at ang sinaunang Kainuu. Maari ding isipin na ang Pohjola ay isang pook na gawa-gawa lamang, ang pinanggagalingan ng kasamaan—isang lupaing nakakatakot at napakalamig sa pinakahilaga. Maaring galing sa lugar na ito ang mga sakit at pagyeyelo. Ang Pohjala ang kalaban ng Vainola—ang lupain ng Kalevala.

Ayon sa alamat, si Louhi ang Mistress ng Pohjola, isang masamang mangkukulam na may malakas na kapangyarihan. Ginawa ng dakilang panday na si Seppo Ilmarinen ang Sampo ayon sa utos nito at dinala ito sa kanya upang pambayad sa kamay ng kanyang anak sa kasal. Ang Sampo ay isang may mahikang kiskisan ng kasaganaan na gaya ng Cornucopia, na nagbibigay kasaganaan para sa mamamayan ng Pohjoa, ngunit ang takip nito ay isang simbolo ng kaha de yerong selestiyal ng kalangitan, may mga bituing nakabaon, na umiikot sa isang gitnang aksis o haligi ng daigdig. Gusto ring pakasalan ng ibang tahuan ng Kalevala ng mga anak ng Pohjola. Kasama rito ang abenturero na si Lemnikainen at ang dakilang pantas na si Vainamoinen. Humihingi rin ng mga milagro si Louhi nang kagaya ng pagpapanday ng Sampo sa kanila, isa na rito ang pagpana ng Gansa ng Tounela. Kapag natanggap na ang alok na pakasal, ang kasalan at selebrasyon ay gaganapin sa malaking bulwagan ng Pohjola.

Ang pundasyon ng haligi ng daigdig, ang ugat nitong puno ng daigdig, ay matatagpuan, ayon sa mitolohiyang Pinlandes, sa isang dako pagkalagpas ng guhit-tagpuan o abot-tanaw sa hilaga, sa Pohjola. Ang pagpapanday at pagtatago ng Sampo at ng kasaganaan nito ni Louhi sa loob ng malaking bundok sa nakakubling bahagi ng Pohjola; ang pakikibaka at pakikidigma ng mga tao sa timog upang mapalaya ang Sampo at mahuli ito para sa kanilang pangagailangan; at ang pagsira ng Sampo at pagkawala ng pinakamahalang takip (na nagpapahiwatig ng pagkasaria ng puno ng daigdig sa hilagang polo) ang nagsisilbing karamihan ng materyal ng Kalevala.




#Article 97: Richard Stallman (128 words)


Si Richard Matthew Stallman (RMS; ipinanganak noong Marso 16, 1953) ay isang Amerikanong siyentipiko at aktibistang nagtatag ng kilusan para sa malayang software, ang proyektong GNU, ang Free Software Foundation, at ang Liga para sa Kalayaan ng Programming. Siya ang nagimbento ng kaisipang copyleft upang ipagsanggalang ang mga mithiin ng kilusang ito, at panatilihin ang kaisipan nito sa malawakang paggamit ng GNU General Public License (GPL) para sa software.

Bilang isang natatanging programmer, isinulat niya ang maraming software kabilang ang GNU Emacs, GNU C Compiler, at GNU Debugger. Nagsimula siya sa GNU Project noong Enero 5 1984 at itinatag niya ang Free Software Foundation noong Oktubre 1985.

Sumasalungat siya sa di-malayang software, at nagsasalita alang-alang sa malayang software.

Marunung siya ng wikang Ingles, Pranses, Espanyol, at kaunting Indonesian.




#Article 98: Europa (327 words)


Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Kabundukang Ural at Caucasus, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.

Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.




#Article 99: Free Software Foundation (135 words)


Ang Free Software Foundation (FSF) ay isang di-kumikitang samahan na tinatag noong Oktubre 1985 ni Richard Stallman upang suportahan ang kilusang malayang software (libre na nangangahulugang kalayaan), at partikular ang proyektong GNU.

Ang FSF ang pangunahing organisasyon na nag-iisponsor ng Proyektong GNU. Ang FSF ay tumatanggap ng napakaliit na pampondo mula sa mga korporasyon o mga foundation na nagbibigay-gawad. Umaasa sila sa mga suporta ng mga taong na sumusuporta sa misyon ng FSF na mapanatili, maprotektahan at maisulong ang kalayaan na gamitin, pag-aralan, kopyahin, modipikahin at muling maipamahagi ang software ng kompyuter, at maipagtanggol ang mga karapatan ng mga gumagamit ng Malayang Software.

Pangulo at ama nito si Richard Stallman at si Peter Brown ang tagaganap na patnugot.

Sinulat nila ang GNU General Public License, GNU Lesser General Public License, at GNU Free Documentation License.




#Article 100: Wikang Pranses (994 words)


Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, sinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao (tinatawag na francophones) bilang inang wika, at 128 milyon na kinabibilangan ng mga tao na tinatanggap ito bilang pangalawang wika. Ito ang opisyal o pampangasiwaang wika sa iba’t ibang komunidad o samahán (katulad ng Unyong Europeo, International Olympic Committee, Mga Nagkakaisang Bansa, at Universal Postal Union). Ang mga mananalita ng wikang Pranses ay tinatawag ding Francophone sa mga wikang Ingles at Pranses.

 at mga kandidatong bansa

Ang Wikang Pranses ay ang opisyal na wika ng Pransiya, Suwisa, Belgium, Monaco, Andorra, Italya, Luxembourg at isang minoryang wika sa United Kingdom.

Ayon sa Konstityusyon ng Pransiya, ang wikang Pranses ay naging opisyal na wika ng Pransiya mula noong 1992.

Habang ang wikang Pranses kasáma ng wikang Aleman, Italyano at Romansh ay ang mga opisyal na wika ng Suwiso, habang ang wikang Pranses ay ang katutubong wika ng halos 20 bahagdan na mga Suwiso.

Sa Belgium, ang wika ay ang opisyal na wika ng Wallonia (maliban sa Hilagang Cantons kung saan ang wikang Aleman ay ginagamit) at isa sa dalawang opisyal na wika—Kasama ang wikang Olandes—ng Brussels kung saan ito'y binibigkas ng mayoriya ng populasyon. Sa total, 40 bahagdan ng populasyon ng Belgium ay nagsasalita ng Pranses at ang natitiráng 60 bahagdan ay nagsasalita ng Dutch.

Kahit Monegasko ay pambansang wika ng Monako, ang wikang Pranses ay ang opisyal na wika at binubuo ng mga Pranses ang 47 bahagdan
Habang naman sa Andorra, kahit ang Katalan ang opisyal na wika, ang Pranses ay karaniwang ginagamit dahil ito'y malápit sa Pransiya at 7 bahagdan ng populasyon ay binubuo ng mga Pranses.

Sa United Kingdom, ito'y isang minoryang wika at 23 bahagdan ng populasyon ay nakakaintindi ng Pranses.
Sa Italya, ang wikang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang wikang Italyano sa maliit na rehiyon ng Aosta Valley sa Italya.

Sa Canada, ang wikang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang Ingles. Sa Québec, Canada kung saan walumpong bahagdan ng populasyon ay Pranses ang kanilang katutubong wika. Mahigit na 10,170,000 na mga Kanadiano o kaya 30.6 bahagdan ng populasyon ay ginagamit ang Pranses bilang unang o ikalawang wika. Dahil sa mga programang bilingguwal sa mga paaralan ay tumataas ang bahagdan ng mga Kanadiyanong gumagamit ng Pranses.

Ang Pranses ay isang opisyal na wika ng Haiti kahit ito'y ginagamit lámang ng mga táong mayayaman, habang naman ang Haitan Creole (isang wikang base sa Pranses creole) ay mas ginagamit bílang katutubong wika.

Sa mga ibayong dagat na mga teritoryo ng Pransiya; French Guiana, Guadeloupe, Martinique, Saint Barthélemy, Saint Martin at Saint-Pierre at Miquelon, ang Pranses ay ang opisyal na wikang ginagamit.

Ang Pranses ay ikaapat sa mga karamihan na sinasalita pagkatapos ng Espanyol, Tsino at Ingles. at ikalawa sa mga karamihan na sinasalita sa mga estado ng Louisiana, Maine, Vermont at New Hampshire. Ang Louisiana ay tahanan sa maraming diyalekto, kung saan ang pinakamaraming sumasalita ng Pranses Cajun.

Karamihan ng mga nakakasalita ng wikang Pranses ay tumitirá sa Aprika. Ayon sa ulat ng Organisation internationale de la Francophonie noong 2007 tumataya sa 115 na milyon na mga Aprikano sa 31 na mga bansa sa Aprika ay nakakasalita ng Pranses bílang unang o ikalawang wika.

Sa Lebanon ang Pranses ay opisyal na wika kasáma ang Arabic at ito'y tinuturo at ginagamit sa mga paaralan at mga sentro pang-edukasyonal. Katulad sa Lebanon, ang Pranses sa Syria ay naging opisyal hanggang 1943 pero hanggang ngayon ito'y ginagamit ng mga tao na nasa mga mataas na mga ranggo. Sa Timog-silangang Asya ang Pranses ay isang administrabong wika sa Laos at Cambodia kahit ang impluwensiya ng wika ay uminog ng mga nagdaang mga siglo. Noong panahon ng Kolonyang Pranses, ang mga matataas na mga tao ay gumamit ng Pranses at ang mga mangagawang Biyetnamese ay gumamit ng isang wikang Pranses creole na kilala bilang Tây Bồi na ngayon ay extinct na.

Sa Indiya, sa Indiyanong Unyong teritoryo ng Pondicherry ang Pranses ay ginagamit kasama ang mga rehiyonal na mga wika ang Telugu at Tamil habang sa Tamil Nadu, Indiya ang mga mangangaral ay may magdedesisyon kung ang Pranses ay pipiliin bílang ikalawang o ikatlong wika na kadalasang kasama ang Ingles at Tamil. Ang Pranses rin ay tinuturo rin sa estado ng Marahashtra, Indiya sa mga sekondaryong paaralan bílang ikatlong wika para sa preperasyon sa mga exams. Sa mga paaralan na may CBSE at NCR kurikulum ang Pranses ay bahagi nagpagaaral sa ikatlong antas. Sa ikaapat na antas ang mga magaaral ay hinihiling na ialis ang Pranses o kaya ang Hindi (ang kanilang pambansang wika) bílang ikalawang wika nila.

May mga ilang teritoryo ang Pransiya sa Oceania kung saan ang Pranses ay ginagamit katulad ang French Polynesia, Vanuatu, New Caledonia at, Wallis at Futana.

Ang balarila ng wikang Pranses ay hindi nalalayo sa mga balarila ng iba pang mga Wikang Romaniko tulad ng Espanyol, Italiano, Portuges at iba pa.

Di tulad ng sa Wikang Latin, hindi lubhang marami ang kinakailangang pagbabago (inflection) sa mga salita. Kalimitan, ang mga pagbababong ito ay nakikita lamang sa mga Pangngalan at Panghalip (sang-ayon sa Bilang ng mga ito); sa mga Pang-uri, na kailangang tumugon sa bilang at dami ng simuno; sa mga Pandiwa, upang ipakita ang Panauhan, Panahunan at Modo ng mga ito.

Kalimitan, ang mga iba pang mga salik ng Wikang Latin tulad ng pagiging simuno o layon ng pangungusap ay makikita sa pamamagitan ng pagkakasunud-sunod ng mga salita o kaya naman ay sa mga pangatnig. Minsan, kinakailangan rin ng dalawang pandiwa upang ipakita ang iba pang mga salik na nakikita sa wikang Latin.

Tulad ng sa Filipino ang Pandiwa ang pinakamahalagang sangkap ng isang pangungusap na Pranses. Kalimitan ang mga Pandiwa ay nagkakaroon ng pagbabago upang maipakita ang mga sumusunod:

Ito'y mga halimbawang salita.

(Lahat ay sa wikang Ingles)

(Lahat ay sa wikang Ingles)

(Lahat ay sa wikang Ingles)

(Lahat ay sa wikang Ingles)




#Article 101: Ekonomika (11185 words)


Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.

Ang salitang ekonomika ay nagmula sa Sinaunang Griyegong  (, pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon) mula sa  (, bahay) +  (, kustombre o batas) at kaya ay mga batas ng sam (bahay)an.
Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang mga ekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan ng mikroekonomika at makroekonomika. Ang mikroekonomika ay sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito. Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at patakarang piskal at pananalapi. 
Nagsisimula ang ekonomiya sa premisa (premise) o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo—ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo.  Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.

Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa ekonomika ay kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan ng teoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan ng nananaig na ekonomika (mas ortodokso at nakikitungo sa rasyonalidad-indibidwalismo-ekwilibrium nexus) at ekonomikang heterodokso (mas radikal at nakikitungo sa mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus).

Ang analis na ekonomiko ay maaaring ilapat sa buong lipunan gaya ng sa negosyong ekonomika, pinansiyang ekonomika, kalusugang ekonomika at pamahalaan gayundin din sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, politika, relihiyon, mga institusyong panlipunan, digmaan, at agham. Sa pagliko ng ika-21 siglo, ang lumalawig na sakop ng ekonomika sa mga agham panlipunan ay inilarawan bilang imperialismong ekonomiko. 

Ang mikroekonomika (microeconomics) ang pag-aaral ng ekonomika na sumusuri ng mga indibidwal na manlalaro sa isang pamilihan (market) at ang istraktura ng mga pamilihang ito. Ito ay umuukol bilang hindi mapaliliit na saligang kapayakan nito ang mga pribado, publiko at mga domestikong manlalaro. Ang mikroekonomika ay nag-aaral kung paanong nag-uugnayan ang mga manlalarong ito sa pamamagitan ng mga indibidwal na pamilihan (kung ipagpapalagay na may kakulangan ng mga makakalakal na unit at regulasyon ng pamahalaan). Ang isang pamilihan ay maaaring umukol sa isang produkto(gaya ng mga mansanas, aluminum, at mga mobile phone) o sa mga serbisyo ng isang paktor ng produksiyon(paglalagay ng larko, paglilimbag ng aklat, o pagpapake ng pagkain).  Ang teoriya ng mikroekonomika ay nagsasaalang alang ng mga agregato (kabuuan) ng kantidad na hinihingi ng mga mamimili at kantidad na sinusuplay ng mga nagtitinda na nag-aaral ng bawat posibleng presyo kada unit. Pinag-aaralan din nito ang komplikadong interaksiyon sa pagitan ng mga manlalaro ng pamilihan sa pamamagitan ng parehong pagbili at pagbebenta. Ang teoriyang ito ay nagsasaad na ang mga pamilihan ay maaaring umabot sa isang ekwilibrium sa pagitan ng hininging kantidad at sinuplay na kantidad sa paglipas ng panahon. Please stream Love Goes On in Youtube in November 21. Is a new Comeback Album of BTS

Sinusuri rin ng mikroekonomika ang iba't ibang mga istraktura ng pamilihan. Ang perpektong kompetisyon ay naglalarawan sa isang istraktura ng pamilihan sa paraang walang mga kalahok ang sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan sa pamilihan upang magtakda ng presyo sa parehong produkto. Masasabi ring ang isang perpektong kompetetibong pamilihan ay umiiral kapag ang bawat kalahok ay isang tagakuha ng presyo at walang kalahok ang umiimpluwensiya sa presyo ng produktong binibili o tinitinda nito. Ang hindi perpektong kompetisyon ay tumutukoy sa mga istraktura ng pamilihan kung saan ang mga kondisyon ng perpektong kompetisyon ay hindi umiiral. Ang mga anyo ng hindi perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng: monopoloyo kung saan mayroon lamang isang tagatinda ng isang kalakal, duopolyo kung saan mayroon lamang dalawang tagatinda ng isang kalakal, oligopolyo kung saan may ilan lamang mga tagatinda ng isang kalakal, monopolistikong kompetisyon kung saan mayroong maraming mga tagatindang lumilikha ng mataas na diperensiyadong kalakal at monopsonya kung saan mayroon lamang isang tagabili ng isang kalakal at oligopsonya  kung saan may kakaunting mga tagabili ng isang kalakal. Hindi tulad ng perpektong kompetisyon, ang hindi perpektong kompetisyon ay palaging nangangahulugang ang kapangyarihan sa pamilihan (market power) ay hindi pantay na ipinamahagi. Ang mga negosyong nasa ilalim ng hindi perpektong kompetisyon ay may potensiyal na maging mga tagagawa ng presyo na nangangahulugang sa paghawak ng isang mataas na hindi bahagi ng kapangyarihan sa pamilihan, maaari nitong impluwensiyahan ang mga presyo ng kanilang mga produkto. Ang mikroekonomika ay nag-aaral ng mga indibidwal na pamilihan sa pamamagitan ng pagpapasimple ng sistemang ekonomiko sa pagpapalagay na ang gawain sa pamilihan na sinusuri ay hindi umaapekto sa iba pang mga pamilihan. Ang paraan na ito ng analisis ay kilala bilang analisis na parsiyal-ekwilibrium (suplay at pangangailangan). Ang teoriyang pangkalahatang ekwilibrium ay nag-aaral ng iba't ibang mga pamilihan at mga pag-aasal nito. Ito ay nagtitipon (ang suma ng lahat ng mga gawain) sa buong lahat na mga pamilihan. Ang paraang ito ay nag-aaral ng parehong mga pagbabago sa pamilihan at mga interaksiyon nito na tumutungo sa ekwilibrium.   

Sa mikroekonomika, ang produksiyon ang konbersiyon ng mga input tungo sa mga output. Ito ay isang prosesong ekonomiko na gumagamit ng mga input upang lumikha ng isang komoditad para sa pagpapalit o direktang gamit. Ang produksiyon ay isang daloy at kaya ay isang rate ng output kada yugto ng panahon. Ang mga distinksiyon ay kinabibilangan ng gayong mga alternatibong produksiyon gaya ng sa pagkonsumo (pagkain, gupit, etc) vs. pamumuhunang kalakal (bagong mga traktor, gusali, kalye, etc), pampublikong kalakal (pambansang pagtatanggol, mga bakuna etc.) o mga pribadong kalakal (bagong kompyuter, saging etc) at modelong mga baril laban sa mantikilya.

Ang gastos ng pagkakataon ay tumutukoy sa gastos ekonomiko ng produksiyon: ang halaga ng susunod na pinakamahusay na pagkakataon ay nawala. Ang mga pagpipilian ay dapat gawin sa pagitan ng kanais nais ngunit mutwal na eksklusibong mga aksiyon. Ito ay inilarawan bilang paghahayag ng basikong ugnayan sa pagitan ng kakulangan at pagpipilian. 
 Ang gastos ng pagkakataon ng isang gawain ay isang elemento sa pagsisiguro na ang mga kulang na mapagkukunan ay ginagamit ng maigi upang ang gastos ay matitimbang laban sa halaga ng gawaing ito sa pagpapasya sa dami o kaunti nito. Ang mga gastos ng pagkakataon ay hindi nakarestrikto sa mga gastos na pang-salapi o pinansiyal ngunit maaaring sukatain ng real na halaga ng nawalang output, libangan, o anumang nagbibigay ng alternatibong kapakinabangan (utilidad).

Ang mga input na ginagamit sa prosesong produksiyon ay kinaibilangan ng gayong pangunahing mga paktor ng produksiyon bilang mga serbisyong trabaho, kapital (matibay na nilikhang mga kalakal na ginagamit sa produksiyon gaya ng isang umiiral na pabrika) at lupain (kabilang ang mga likas na mapagkukunan). Ang ibang mga input ay maaaring kabilangan ng mga pagitang kalakal na ginagamit sa produksiyon ng huling mga kalakal gaya ng bakal sa isang bagong kotse. Ang kaigihang ekonomiko ay naglalarawan kung gaano kahusay ang isang sistema ay lumilikha ng isang ninais na output sa isang ibinigay na hanay ng mga input at makukuhang teknolohiya. Ang kaigihan ay mapapabuti kung ang mas maraming output ay malilikha nang walang pagbabago sa mga input o sa ibang salita ay ang halaga ng itinapon ay napaliit. Ang isang malawak na tinatanggap na pangkalahatang pamantayan ang kaigihang Pareto na naabot kapag wala nang karagdagang pagbabago ang gagawa sa isa na mas mabuti nang hindi gagawa sa isa pa na mas masahol.

 
Ang production-possibility frontier (PPF) ay isang ekspositoryong pigura sa pagkakatawan ng kakulangan, gastos at kaigihan. Sa pinakasimpleng kaso, ang isang ekonomiya ay maaari lamang lumikha ng dalawang kalakal (sabihing mga baril at mantikilya). Ang PPF ay isang tabla o grapo na nagpapakita ng iba't ibang mga kombinasyon ng kantidad ng dalawang mga kalakal na malilikha sa isang ibinigay na teknolohiya at kabuuang paktor na mga input na naglilimita sa magagawang kabuuang output. Ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng potensiyal na kabuuang output para sa ekonomiya na maksimum na magagawang output ng isang kalakal sa ibinigay na magagawang kantidad na output ng iba pang kalakal. Ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng potensiyal na kabuuang output para sa ekonomiya na ang maksimum na magagawang output ng isang kalakal sa ibinigay na magagawang kantidad ng output ng iba pang kalakal. Ang kakulangan ay kinakatawan sa pigura ng mga tao na handa ngunit walang sa kabuuan na magkonsumo ng lagpas sa PPF(gaya ng sa X) at ng negatibong lihis ng kurba. Kung ang produksiyon ng isang kalakal ay dumadami sa kahabaan ng kurba, ang produksiyon ng iba pang kalakal ay umuunti na isang relasyong inberso. Ito ay dahil ang pagdami ng output ng isang kalakal ay nangangailangan ng paglipat ng mga input dito mula sa produksiyon ng iba pang kalakal na nagpapaunti sa huli. Ang lihis ng kurba sa isang punto dito ay nagbibigay ng trade-off sa pagitan ng dalawang mga kalakal. Ito ay sumusukat sa kung anong karagdagang unit sa isang kalakal ang nagkakahalaga sa mga unit na nawala sa isa pang kalakal na isang halimbawa ng real na pagkakataong gastos. Kaya kung ang isang baril ay nagkakahalaga ng 100 mantikilya, ang gastos ng pagkakataon ng isang baril ay 100 mantikilya. Sa kahabaan ng PPF, ang kakulangan ay nagpapahiwatig na ang pagpipili ng mas marami ng isang kalakal sa agregato ay nag-aatas sa paggawa ng kaunti ng isa pang kalakal. Sa karagdagan, sa isang ekonomiyang pamilihan, ang pagkilos sa kahabaan ng kurba ay maaaring magpakita na ang pagpipilian ng dumaming output ay inaasahang nagkakahalaga sa gastos ng mga ahente. Sa konstruksiyon, ang bawat punto sa kurba ay nagpapakita ng kaigihang produktibo sa pagmamaksima ng ouput sa ibinigay na kabuuang mga input. Ang isang punto sa loob ng kurba (gaya ng sa A) ay magagawa ngunit kumakatawan sa kawalang kaigihan sa produksiyon(maaksayang paggamit ng mga input) sa paraang ang output ng isa o parehong mga kalakal ay maaaring dumami sa pamamagitan ng paglipat sa isang hilagang-silaganganing direksiyon sa isang punto sa kurba. Ang mga halimbawang binanggit ng gayong kawalang kaigihan ay kinabibilangan ng mataas na kawalang trabaho sa isang siklo ng negosyong resesyon o organisasyong ekonomiko ng isang bansa na nagpipigil sa buong paggamit ng mga mapagkukunan. Sa pagiging nasa kurba ay maaari pa ring hindi buong sumapat sa kaigihang paglalaan na tinatawag ring kaigihang Pareto kung ito ay hindi lumilikha ng isang halo ng mga kalakal na pinapaboran ng mga konsumer sa iba pang mga punto.

Ang karamihan ng nilalapat na ekonomika sa patakarang pampubliko ay nauukol sa pagtukoy kung paanong ang kaigihan ng isang ekonomiya ay mapapabuti. Ang pagkilala ng realidad ng kakulangan at pagkatapos ay pagtukoy kung paanong pangasiwaan ang lipunan para sa pinaka maiging paggamit ng mga mapagkukunan ay inilarawan bilang esensiya ng ekonomika kung saan ang paksang to ay gumagawa ng walang katulad nitong kontribusyon.

 
Ang espesyalisasyon ay itinuturing na susi sa kaigihang ekonomiko batay sa mga pagsasaalang-alang na teoretikal at empirikal. Ang iba't ibang mga indibidwal o bansa ay may iba't ibang mga real na gastos ng pagkakaton ng produksiyon, sabihing mula sa mga pagkakaiba sa mga stock ng kapital na tao kada manggagawa o kapital/trabahong mga rasyo. Ayon sa teoriya, ito ay maaaring magbigay ng isang komparatibong pakinabang sa produksiyon ng mga kalakal na gumagamit ng mas intensibong ng relatibong mas sagana at kaya ay relatibong mas murang input. Kahit ang isang rehiyon ay may isang absolutong pakinabang gaya ng sa rasyo ng mga output nito sa mga input sa bawat uri ng output, ito ay maaari pa ring mag-espesyalisa sa output kung ito ay may komparatibong pakinabang at kaya ay nakikinaban mula sa pakikipagkalakalan sa isang rehiyon na kulang sa anumang absolutong pakinabang ngunit may isang komparatibong pakinabang sa paglikha ng iba pa. Napagmasan na ang mataas na bolyum ng kalakalan ay nangyayari sa mga rehiyon kahit sa may pagpalapit sa isang katulad na teknolohiya at halao ng mga input na paktor kabilang ang mga mataas-na-sahod na mga bansa. Ito ay tumungo sa imbestigasyon ng mga ekonomiya ng iskala at aglomerasyon upang ipaliwanag ang espesyalisasyo sa pareho ngunit diperensiyadong mga linyang produkto sa kabuuang pakinabang ng mga respektibong nangangalakal na partido o mga rehiyon.     Ang pangkalahatang teoriya ng espesyalisasyon ay lumalapat sa kalakalan sa mga indibidwal, mga kabukiran, mga tagayari, mga tagabigay ng serbisyo at mga ekonomiya. Sa bawat ng mga sistemang produksiyong ito, maaaring may tumutugong paghahati ng trabaho na iba't ibang mga pangkat ng trabaho na nag-eespesyalisa o tumutugong iba't ibang mga uri ng kapital na kasangkapan at diperensiyadong mga paggamit ng lupain.   Ang isang halimbawa na nagsasama ng mga katangian sa itaas ang isang bansa na nag-eespesyalisa sa produksiyon ng mga high-tech na kaalamang mga produkto gaya ng ginagawa ng mga maunlad na bansa at nakikipagkalakalan sa mga umuunlad na bansa para sa mga kalakal na nilikha sa mga pabrika kung saan ang trabaho ay relatibong mura at sagana na nagreresulta sa iba ibang gastos ng pagkakataon sa produksiyon. Kaya ang maraming kabuuang output at utilidad ay nagreresulta mula sa pag-eespesyalisa sa produksiyon at pakikipagkalakalan kesa sa kung ang bawt bansa ay lumikha ng sarili nitong mga produktong high-tech at low-tech. Ang teoriya at obserbasyon ay nagtakda ng mga kondisyon gaya ng mga presyong pamilihan ng mga output at ang mga produktibong input ay pumipili ng paglalaan ng mga input na paktor sa pamamagitan ng komparatibong pakinabang upang ang mababang gastos na mga input ay napupunta sa paglikha ng mga mababang gastos na output. Sa proseo, ang agregatong output ay maaaring tumaas bilang nagresultang produkto o ng disenyo. Ang gayong espesyalisasyon ng produksiyon ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga pakinabang mula sa kalakalan kung saan ang mga may ari ng mapagkukunan ay nakikinabang mula sa kalakalan sa pagbebenta ng isang uri ng output para sa isa pang mas mataas na halagang mga kalakal. Ang isang sukat ng mga pakinabang ang tumaas na mga lebel ng sahod na maaaring tulungan ng kalakalan. 

Ang Mga presyo at kantidad ay inilarawan bilang pinadirektang mapagmamasdang mga katangian ng mga kalakal na nilikha at ipinalit sa ekonomiyang pamilihan. Ang teoriya ng suplay at pangangailangan (supply and demand) ay isang nangangasiwang prinsipyo upang ipaliwanag kung paanong ang mga presyo ay nakikipagtulungan sa mga halagang nalilikha at nakokonsumo. Sa mikroekonomika, ito ay lumalapat sa pagtukoy ng presyo at output para sa isang pamilihan na may perpektong kompetisyon na kinabibilangan ng kondisyon na walang mga mamimili o tagantinda ay sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan sa pagtatakda ng presyo. Sa isang ibinigay na pamilihan ng isang komoditad, ang pangangailangan ang ugnayan ng kantidad na handang bilhin ng lahat ng mga mamimili sa bawat unit presyo ng kalakal. Ang pangangailangan ay kadalasang kinakatawan ng isang tabla o grapo na nagpapakita ng presyo at kantidad na kinakailangan (gaya ng sa pigura). Ang teoriya ng pangangailangan ay naglalarawan sa mga indbidiwal na konsumer bilang mga makatwirang pumipili ng pinaka-ninanais na kantidad ng bawat kalakal, ibinigay na sahod, mga presyo, panlasa, etc. Ang termino para dito ay 'tinatakdaang maksimisasyon ng utilidad' (kasama ng sahod at kayamanan bilang mga pagtatakda sa pangangailangan). Dito, ang utilidad ay tumutukoy isang isang hinipotesis na relasyon ng bawat inbidwal na konsumer sa pagraranggo ng iba't ibang kumpol ng komoditad bilang mas o hindi mas nais. Ang batas ng pangangailangan ay nagsasaad na sa pangkalahatan, ang presyo at kantidad na kinakailangan sa isang ibinigay na pamilihan ay magkaugnay ng magkabaligtaran. Ang ibig sabihin nito, kung mas mataas ang presyo ng isang produkto, ang kaunti ng mga tao ay mas handang bumili nito (ang ibang mga bagay ay hindi nagbago). Habang ang presyo ng komoditad ay bumabagsak, ang mga konsumer ay lumilipat tungo dito mula sa relatibong mas mahal na mga kalakal (ang epektong paghalili). Sa karagdagan, ang kapangyarihan ng pagbili mula sa pagbagsak ng presyo ay nagpapataas ng kakayahan na bumili (ang epektong sahod). Ang ibang mga paktor ay maaaring magpabago ng pangangailangan. Halimbawa, ang pagtaas ng sahod ay maglilipat sa kurba ng pangangailangan para sa isang normal na kalakal papalabas relatibo sa pinagmulan gaya ng sa pigura. Ang lahat ng mga tagatukoy ay nananaig na kinukuha bilang mga konstanteng paktor ng suplay at pangangailangan. Ang suplay ang ugnayan sa pagitan ng presyo ng isang kalakal at sa kantitad na makukuha para sa pagbebenta sa presyong ito. Ito ay maaaring ikatawan bilang isang tabla o grapo na nag-uugnay sa presyo at kantitad na sinuplay. Ang mga prodyuser halimbawa ang mga negosyo ay hinipotesis na nagmamaksima ng tubo na nangangahulugan ang mga ito ay nagtatangka na lumikha at magsuplay ng halaga ng mga kalakal na magdadala sa kanila ng pinakamataas na tubo. Ang suplay ay karaniwang kinakatawan bilang isang direktang proporsiyonal na relasyon sa pagitan ng presyo at kantitad na sinuplay (ang ibang mga bagay ay hindi nagbago). Ang ibig sabihin nito, sa mas mataas na presyo na ang isang kalakal ay maibebenta, ang mas marami nito ang isusuplay ng mga prodyuser nito gaya ng nasa pigura. Ang mas mataas na presyo ay gumagawa ritong tumubo upang tumaas ang produksiyon. Gaya ng sa panig ng pangangailangan, ang posisyon ng suplay ay maaaring lumipat sabihing mula sa isang pagbabago sa presyo ng isang produktibong input o isang teknikal na pagpapabuti. Ang batas ng suplay ay nagsasad sa pangakalahatan na ang pagtaas sa presyo ay tumutungo sa paglawig ng suplay at ang isang pagbagsak sa presyo ay tumutungo sa pagliit sa suplay. Dito rin, ang mga tagatukoy ng suplay gaya ng presyo ng mga paghalili, gastos ng produksiyon, tekonolohiyang nilapat at iba iba pang mga paktor na input ng produksiyon ay lahat kinukuha na konstante para sa isang spesipikong yugto ng panahon ng ebalwasyon ng suplay. Ang ekwilibrium ng pamilihan ay nangyayari kapag ang kantidad na sinuplay ay katumbas ng kantidad na kinailangan na interseksiyon ng mga kurbang suplay at pangangailangan sa pigura sa itaas. Sa isang presyo sa ilalim ng ekwilibrium, may isang kakulangan ng kantitad na sinuplay kumpara sa kantitad na kinailangan. Ito ay ipinagpalagay na nagpapataas ng presyo. Sa isang presyo sa itaas ng ekwilibrium, mayroon isang surplus ng kantitad na sinuplay kumpara sa kantitad na kinailangan. Ito ay nagtutulak sa presyong pababa. Ang modelo ng suplay at pangangailangan ay humuhula na sa ibinigay na mga kurbang suplay at pangangailangan, ang presyo at kantitad ay papatag sa presyo na gumagawa sa kantitad na sinuplay na katumbas ng kantidad na kinailangan. Gayundin, ang teoriyang suplay at pangangailangan ay humuhula ng isang bagong kombinasyong presyo-kantitad mula sa isang paglipat sa pangangailangan (gaya ng sa pigura) o sa suplay. Sa isang ibinigay na kantidad ng isang kalakal ng konsumer, ang punto sa kurbang pangangailangan ay nagpapakita ng halaga o marhinal na utilidad sa mga konsumer para sa unit na ito. Ito ay sumusukat kung ano ang handang ibayad ng konsumer para sa unit na ito. Ang tumutugong punto sa kurbang suplay ay sumusukat sa marhinal na gastos na pagtaas sa kabuuang gastos sa suplayer para sa tumutugong unit ng kalakal. Ang presyo sa ekwilibrium ay tinutukoy ng suplay at pangangailangan. Sa isang perpektong kompetetibong pamilihan, ang suplay at pangangailangan ay nagtutumbas ng marhinal na gastos at marhinal na utilidad sa ekwilibrium. Sa panig ng suplay sa pamilihan, ang ilang mga paktor ng produksiyon ay inilalarawan na nagbabago sa maikling pagtakbo na umaapekto ng gastos ng pagbabago ng mga lebel ng output. Ang mga rate ng paggamit ng mga ito ay madaling mababago gaya ng kuryente, mga input ng hilaw na materyal at trabahong over-time at temporaryo. Ang ibang mga input ay relatibong nakapirme gaya ng planta, kasangkapan at mga mahahalagang tauhan. Sa mahabang pagtakbo, ang lahat ng mga input ay maaaring ayusin ng pangasiwaan. Ang mga distinksiyong ito ay nagsasalin ng mga pagkakaiba sa elastisidad (pagiging matugon) ng kurbang suplay sa mga pagtakbong maikli at mahaba at ang mga tumutugong pagkakaiba sa pagbabagong presyo-kantitad mula sa isang paglipat sa  panig ng suplay o pangangailan ng pamilihan. Ang teoriyang marhinalista gaya ng sa itaas ay naglalarawan ng mga konsumer bilang nagtatangka na umabot sa pinaka-ninanais na mga posisyon na sumasailalim sa mga pagtatakdang sahod at kayamanan samantalang ang mga prodyuser ay nagtatangkang magmaksima ng kanilang mga tubo na sumasailalim sa kanilang mga pagtatakda kabilang ang pangangailangan para sa mga kalakal na nilikha, teknolohiya at presyo ng mga input. Para sa konsumer, ang puntong ito ay dumarating kapag ang marhinal na utilidad ng isang kalakal, net ng presyo, ay umaabot sa sero na hindi nag-iiwan ng net na pakinabang mula sa karagdagang pagtaas ng konsumpsiyon. Sa parehong paraan, ang prodyuser ay nagkukumpara ng marhinal na kita (tulad ng presyo sa isang perpektong kompetitor) laban sa marhinal na gastos ng isang kalakal kasama ng marhinal na tubo na diperensiya. Sa punto kung saan ang marhinal na tubo ay umaabot sa sero, ang karagdagang mga pagtaas sa produksiyon ng isang kalakal ay humihinto. Para sa pagkilos sa ekwilibrium ng pamilihan at para sa mga pagbabago sa ekwilibrium, ang presyo at kantitad ay nagbabago rin sa marhin: higit o kaunti ng isang bagay kesa sa kinakailangang lahat o wala. Ang ibang mga aplikasyon ng suplay at pangangailangan ay kinabibilangan ng distribusyon ng sahod sa mga paktor ng produksiyon kabilang ang trabaho at kapita sa pamamagitan ng mga pamilihang paktor. Sa isang kompetetibong pamilihan ng trabaho halimbawa, ang kantitad ng trabaho at ang presyo ng trabho (rate ng sahod) ay nakasalalay sa pangangailangan para sa trabaho (mula sa mga amo para sa produksiyon) at suplay ng trabaho (mula sa mga potensiyal na trabahador). Ang ekonomika ng trabaho ay sumusuri sa interaksiyon ng mga trabahador at amo sa pamamagitan ng mga gayong pamilihan upang ipaliwanag ang mga paterno at pagbabago sa mga sahod at iba pang sahod ng trabaho, mobilidad ng trabaho at pagkakaroon o kawalan ng trabaho, Ang analisis ng suplay at pangangailangan ay ginagamit upang ipaliwanag ang pag-aasal ng isang perpektong kompetetibong mga pamilihan ngunit bilang isang pamantayan ng paghahambing, ito ay maaaring palawigin sa anumang uri ng pamilihan. Ito ay maaari ring lahatin upang ipaliwanag ang mga bariabulo sa buong ekonomiya halimbawa, ang kabuuang ouput (tinantiya bilang real na GDP) at ang pangkalahatang lebel ng presyo gaya ng pinag-aaralan sa makroekonomika. Ang pagbabakas ng mga kwalitatibo at kwantitatibong mga epekto ng mga bariabulong nagbabago ng suplay at pangangailangan kahit pa sa pagtakbong maikli o mahaba ay isang pamantayang pagsasanay sa nilalapat na ekonomika. Ang teoriyang ekonomika ay maaaring ring tumukoy upang ang mga kondisyon gaya ng suplay at pangangailangan sa pamamagitan ng pamilihan ay isang maiging mekanismo sa paglalaan ng mga mapagkukunan.

Ang mga tao ay kalimitang hindi nakikipagkalakalan ng direkta sa mga pamilihan. Bagkus, sa panig ng suplay, maaaring ang mga ito ay magtrabaho at magprodyus sa pamamagitan ng mga negosyo. Ang pinakahalatang mga uri ng mga negosyo ang mga korporasyon, sosyohan, at mga tiwala (trusts). Ayon kay Ronald Coase, ang tao ay nagsisimulang mag-organisa ng kanilang produksiyon sa mga negosyo kapag ang halaga ng pagnenegosyo ay naging mas mababa kesa sa paggawa nito sa pamilihan. Ang mga negosyoay nagsasama ng trabaho (labor) at kapital at maaaring magtamo ng mas malaking mga ekonomiya ng iskala (kapag ang aberaheng presyo kada unit ay bumababa habang maraming mga unit ay pinoprodyus) kesa sa indibidwal na pamilihang pangangalakal.

Sa perpektong kompetetibong mga pamilihan na pinag-aralan sa teoriya ng suplay at pangangailangan, mayroong maraming mga prodyuser na wala sa mga ito ang malaking nakakaimpluwensiya sa presyo. Ang industriyal na organisasyon ay lumalahat mula sa espesyal na kaso upang pag-aral ang stratehikong pag-aasal ng mga firm na mayroon malaking kontrol sa presyo. Ito ay nagsaalang-alang ng istraktura ng gayong mga pamilihan at ang mga interaksiyon nito. Ang karaniwang mga istraktura ng pamilihang pinag-aralan bukod sa perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng monopolistikong kompetisyon, mga iba't ibang anyo ng oligopolyo at monopolyo.

Ang manedyerial na ekonomika ay naglalapat ng mikroekonomikong analisis sa spesipikong mga pagpapasya sa mga negosyo o ibang mga pinangangasiwaang unit. Ito ay mabigat na humahango mula sa kwantitatibong mga paraan gaya ng pagsasalik ng mga operasyon at pagpoprograma at mga paraang estadistikal gaya ng regresyong analisis sa kawalan ng katiyakan at perpektong kaalaman. Ang nagpapaisang tema ang pagtatangka upang i-optimisa ang mga pagpapasyang negosyo, kabilang ang minimisasyon ng unit-gastos at maksimisasyon ng tubo sa ibinigay na mga layunin ng negosyo at mga pagtatakda (constrainsts) na itinakda ng teknolohiya at mga kondisyon ng pamilihan.

Ang kawalang katiyakan sa ekonomika ang hindi alam na pagkakataon ng pakinabang o pagkalugi kahit pa ito ay mabibilang na panganib o hindi. Kung wala nito, ang pag-aasal ng sambahayan ay hindi maaapektuhan ng kawalang katiyakan sa pagkakaroon ng trabaho at mga pagkakataon ng kita, pananalapi at mga kapital na pamilihan ay liliit sa pagpapalit ng isang instrumento sa bawat yugto ng pamilihan at walang magiging industriyang pangkomunikasyon. Sa ibinigay na iba't ibang mga anyo nito, may iba't ibang mga paraan upang ikatawan ang kawalang katiyakan at imodelo ang mga tugon ng mga ahenteng ekonomiko dito. Sa ibinigay na mga iba't ibang anyo nito, mayroon iba't ibang mga paraan ng pagkakatawan ng kawalang katiyakan at pagmomodelo ng mga tugon dito ng mga ahenteng ekonomiko. Ang teoriya ng laro ang sangay ng nilalapat na matematika na nagsasaalang-alang ng mga stratehikong interaksiyon sa pagitan ng mga ahente na isang uri ng kawalang katiyakan. Ito ay nagbibigay ng pundasyong matematikal ng industriyal na organisasyon upang imodelo ang iba't ibang uri ng pag-aasal ng mga kompnaya, halimbawa sa isang oligopolistikong industriya (mga ilang tagatinda) ngunit pantay ring mailalapat sa negosiasyon ng sahod, baratilyo, disenyo ng kontrata, at anumang sitwasyon kung saan ang mga indibidwal na ahente ay sapat na kaunti upang magkaroon ng madadamang mga epekto sa bawat isa. Bilang paraan na mabigat na gumagamit ng ekonomikang pag-aasal, ito ay nagpo-postula na ang mga ahente ay pumipili ng mga stratehiya upang palakihin ang kanilang kabayaran (pay-offs) kung ibinigay ang mga stratehiya ng ibang mga ahente na kahit papaano ay sa isang bahagi mayroon magkakatunggaling mga interes.  Dito, ito ay naglalahat ng mga pakikitungong maksimisasyon na binubuo upang siyasatin ang mga aktor ng pamilihan gaya ng modelong suplay at pangangailangang at pumapayag sa hindi kompletong impormasyon ng mga aktor. Ang larangang ito ay nagmumula sa 1944 na Klasikong Teoriya ng mga laro ni John von Neumann at Oskar Morgenstern. Ito ay may malaking mga aplikasyon na tila sa labas ng ekonomika sa mga iba't ibang paksa gaya ng pormulasyon ng mga stratehiyang nukleyar, etika, agham politika at ebolusyonaryong biolohiya.

Ang pag-ayaw sa panganib (risk aversion) ay maaaring pumukaw ng gawain na sa maiging gumaganang mga pamilihan ay nagpapakinis ng panganib at nagbabatid ng impormasyon tungkol sa panganib gaya ng mga pamilihan para sa kasiguruhan, mga kontrata ng hinaharap ng komoditad, at mga instrumentong pananalapi. Ito ay nagsisiyasat rin ng pagpepresyo ng mga instrumentong pananalapi, mga pinansiyal na istraktura ng mga kompanya, kaigihan at karupukan ng mga pamilihang pananalapi, mga krisis pinansiya at kaugnay na patakaran ng pamahalaan o regulasyon.  
Ang ilang mga organisasyong pamilihan ay maaaring magsanhi ng kawalang kaigihan na kaugnay ng kawalang katiyakan. Batay sa artikulong Market for Lemons ni George Akerlof, ang paradaym na halimbawa ang isang hindi maaasahang pamilihan ng mga ginamit na kotse. Ang mga kustomer na walang kaalaman kung ang isang kotse ay isang lemon ay nagpapababa ng presyo nito ng mababa sa kung anong ang may kalidad na ginamit na kotse ay magiging. Ang asymetria ng impormasyon ay lumilitaw dito kung ang tagatinda ay nag-aangkin ng mas mahalagang impormasyon kesa sa namimilia ngunit walang pabuya sa paglalantad nito. Ang mga kaugnay na problema sa kaseguruhan ang adbersong seleksiyon gaya ng sa pinaka-nanganganib ay pinakamalamang na magpaseguro (insure) gaya ng mga walang habas na motorista at ang moral na panganib gaya ng mga resulta ng kaseguruhan sa mas mapanganib na pag-aasal gaya ng walang habas na pagmamaneho ng sasakya. Ang parehong mga problema ay maaaring magtaas ng presyo ng kaseguruhan (insurance) at magbawas ng kaigihan sa pagtataboy sa mga kundi ay nagnanais na mga transaktor mula sa pamilihan (hindi kompletong pamilihan). Sa karagdagan, ang pagtatangka na bawasan ang isang problema na sabihing adbersong pagpili sa pamamagitan ng pagmamandato ng kaseguruhan (insurance) ay maaaring magdagdag ng isang pa na sabihing moral na panganib. Ang impormasyong ekonomika na nag-aaral ng mga gayong problema ay may kaugnayan sa mga paksang gaya ng kaseruhan, batas ng kontrata, disenyo ng mekanisko, pamperang ekonomika at pangangalaga ng kalusugan. Ang mga nilalapat na paksa ay kinabibilangan ng pamilihan at mga legal na remedyo gaya ng mga garantiya (warranties), minandato ng pamahalaang parsiyal na kaseguruhan, muling pag-iistraktura o batas ng bangkarota, inspeksiyon at regulasyon para sa kalidad at paghahayag ng impormasyon.  

Ang terminong pagkabigo ng pamilihan ay sumasakop sa ilang mga problema na nagpapahina ng pamantayang mga pagpapalagay ekonomiko. Bagaman inuuri ng mga ekonomista ang mga pagkabigo ng pamilihan ng magkakaiba, ang mga sumusunod na mga kategorya ay lumilitaw sa mga pangunahing aklat.

Ang mga asimetria ng impormasyon at mga pamilihang hindi kompleto ay maaaring magresulta sa ekonomikang kawalang kaigihan ngunit isa ring posibilidad ng pagpapabuti ng kaigihan sa pamamagitan ng pamilihan, legal at mga regulatoryong remedya.

Ang natural na monopolyo o ang pagsasanib ng mga konsepto ng praktikal at teknikal na monopolyo ay isang sukdulang kaso ng pagkabigo ng kompetisyon bilang isang pagpipigil sa mga prodyuser. Ang problema ay inilalarawan bilang isa kung saan na ang marami ng isang produkto ay ginawa, mas mababa ang unit na gastos. Ang ibig sabihin nito ay may ekonomikong saysay lamang na magkaroon ng isang prodyuser.

Ang mga publikong kalakalal ang kalakal na kulang sa suplay sa isang tipikal na pamilihan. Ang mga naglalarawang katangian ay ang mga tao ay maaaring kumonsumo ng mga publikong kalakal na hindi nagbabayad para sa mga ito at ang mas higit sa isang tao ay maaaring kumonsumo ng kalakal sa parehong panahon.

Ang mga eksternalidad ay nangyayari kung saan mayroon malaking panlipunang gastos o pakinabang mula sa produksiyon o konsumpsiyon na hindi nakikita sa mga presyo ng pamilihan. Halimbawa, ang polusyon ng hangin ay maaaring lumikha ng negatibong eksternalidad at ang edukasyon ay maaaring lumikha ng positibong eksternalidad (kaunting krimen etc). Ang mga pamahalaan ay kadalasan nagtatakda ng buwis at kundi ay naghihigpit ng pagtitinda ng mga kalakal na may mga negatibong eksternalidad sa pagsisikap na itama ang mga pagbaluktot ng presyo na sanhi ng mga eksternalidad na ito. Ang elementaryong teoriya ng pangangailangan-at-suplay ay humuhula ng ekwilibrium ngunit hindi ang bilis ng pagsasayos para sa mga pagbabago ng ekwilibrium sabhi ng paglipat sa pangangailangan o suplay.

Sa maraming mga area, ang ilang anyo ng pagiging madikit ng presyo ay pinostula upang isaalang alang ang mga kantidad kesa sa mga presyo na umayos sa maikling panahon sa mga pagbabago sa panig ng pangangailangan o sa panig ng suplay. Ito ay kinabibilangan ng pamantayang analisis ng siklo ng negosyo sa makroekonomika. Ang analisis ay kadalasang umiikot sa mga dahilan ng gayong pagdikit ng presyo at ang mga implikasyon nito sa pag-aabot ng ini-hipotesis na pangmatagalang takbong ekwilibrium. Ang mga halimbawa ng gayong pagiging madikit ng mga presyo sa mga partikular na pamilihan ay kinabibilangan ng rate ng sahod sa mga pamilihan ng trabaho at ipinaskil na mga presyo sa mga pamilihang lumihis sa perpektong kompetisyon.

Ang makronekonomikang instabilidad (hindi matatag) ay isang pangunahing pinagmumulan ng kabiguan ng pamilihan na ang pangkalahatang kawalan ng konpidensiya sa negosyo o panlabas na sindak (shock) ay maaaring magpahinto ng produksiyon at distribusyon na nagpapahina ng mga ordinaryong pamilihan na kundi nito ay ligtas.

Ang mga ilang espesyalisadong larangan ng ekonomika ay umuukol sa kabiguan ng pamilihan ng higit sa iba. Ang ekonomika ng publikong sektor ay isang halimbawa dahil kapag ang mga pamilihan ay nabigo, ang ilang uri ng mga regulatoryo o programa ng pamahalaan ang lunas. Ang karamihan sa pangkapaligirang ekonomika ay umuukol sa mga eksternalidad o mga masama sa publiko.

Ang mga opsiyong patakaran ay kinabibilangan ng mga regulasyon na nagpapakita ng analisis na gastos-benepsiyo o mga solusyon ng pamilihan na nagbabago ng mga pabuya gaya ng mga kabayaran ng emisyon o muling paglalarawan ng mga karapatan ng pag-aari. 

Ang publikong pananalapi ang larangan ng ekonomika na umuukol sa pagbabadyet ng mga kita (revenues) at gastos ng entidad na publikong sektor na karaniwan ay pamahalaan. Ang paksang ito ay tumutugon sa mga bagay gaya ng insidensiya ng buwis (sino talaga ang nagbabayad ng partikular na buwis), analisis na gastos-benepisyo ng mga programa ng pamahalaan, mga epekto sa ekonomikong kaigihan at pamamahagi ng sahod ng iba't ibang mga paggasta at buwis at mga politikang piskal. Ang huli na aspeto ng teoriya ng publikong pagpili ay nagmomodelo ng publikoong sektor na pag-aasal na analogoso sa mikroekonomika na sumasangkot sa mga interaksiyon ng may sariling interes na mga botante, mga politiko at mga burokrata. Ang karamihan sa ekonomika ay positibo na naghahangad na maglarawan at humula ng ekonomikong penomena. Ang normatibong ekonomika ay naghahangad na tumukoy kung anong ang mga ekonomiya ay dapat maging tulad. Ang ekonomikang kapakanan (welfare economics) ang normatibong sangay ng ekonomika na gumagamit ng mga pamamaraang mikroekonomika upang sabay na matukoy ang kaigihang paglalaan sa loob ng ekonomiya at pamamahagi ng sahod na kaugnay nito. Ito ay nagtatangkang sumukat ng panlipunang kapakanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ekonomikong gawain ng mga indibidwal na bumubuo sa lipunan.

Ang makroekonomika ay sumusuri ng ekonomiya sa kabuuan upang ipaliwanag ang malawak na mga agregato at mga interaksiyon gamit ang isang pinasimpleng anyo ng teoriya ng pangkalahatang ekwilibrium. Ang gayong mga agregato ay kinabibilangan ng pambansang kita at ouput, bilang ng kawalang trabaho, inplasyon ng presyo at mga subagregato gaya ng kabuuang pagkonsumo at paggasta ng pamumuhunan at mga bahagi nito. Ito ay nag-aaral rin ng mga epekto ng patakarang pang-salapi at patakarang piskal. Simula mga 1960, ang makroekonomika ay inilarawan ng karagdagang integrasyon sa batay-sa-mikrong mga pagmomodelo ng mga sektor kabilang ang pagiging makatwiran ng mga manlalaro, maiging paggamit ng impormasyon ng pamiliha at hindi perpektong kompetisyon. Ito ay sumagot sa isang matagal na pagkabahala sa hindi konsistenteng mga pag-unlad sa parehong paksa. Ang analisis na makroekonomiko ay tumuturing rin sa mga paktor na umaapekto sa pangmatagalang lebel at paglago ng pambansang sahod. Ang gayong mga paktor ay kinabibilangan ng akumulasyon ng kapital, pagbabagong teknolohikal at paglago ng pwersang trabaho. 

Ang ekonomika ng paglago ay nag-aaral ng mga paktor na nagpapaliwanag ng paglagong ekonomiko na pagtaas ng output kada capita sa loob ng mahabang yugto ng panahon. Ang parehong mga paktor ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa lebel ng output kada capita sa pagitan ng mga bansa, sa partikular ay kung bakit ang ilang mga bansa ay lumalago ng mas mabilis kesa sa iba at kung ang mga bansa ay nagtatagpo sa parehong mga rate ng pagbabago. Ang pinaka pinag-aaralang mga paktor ay kinabibilangan ng rate ng pamumuhunan, paglago ng populasyon at pagbabagong teknolohikal. Ang mga ito ay kinatawan sa mga anyong teoretikal at empirikal gaya ng sa neoklasiko at endohenyosong mga modelo ng paglago at sa pagkukwenta ng paglago. 

Ang ekonomika ng dakilang depresyon ang nag udyok sa pagkakalikha ng makroekonomika bilang hiwalay na disiplana ng larangan ng pag-aaral. Sa panahon ng dakilang depresyon sa Estados Unidos noong mga 1930, si John Maynard Keynes ay sumulat ng aklat na pinamagatang Pangkalahatang Teoriya ng Trabaho, Interes at Salapi na bumabalangkas sa mga mahalagang teoriya ng ekonomikang Keynesian. Ikinatwiran ni Keynes na ang agregatong pangangailangan para sa mga kalakal ay maaaring maging hindi sapat habang nangayari ang mga pagbagsak ng ekonomiya na tumutungo sa hindi kinakailangang mataas na kawalang trabaho at kawalan ng mga potensiyal na output. Dahil dito, kanyang itinaguyod ang isang aktibong mga tugong patakaran ng publikong sektor (pamahalaan) kabilang ang mga aksiyon ng patakarang pang-salapi ng bangko sentral at mga aksiyon ng patakarang piskal ng pamahalaan upang patatagin ang output sa siklo ng negosyo. Kaya ang isang sentral na konklusyon ng ekonomikong Keynesian ay sa ilang mga sitwasyon, walang malakas na automatikong mekanismo na nagpapagalaw ng ouput at pagkakaroon ng trabaho patungo sa buong lebel ng pagkakaroon ng trabaho. Ang modelong IS/LM ni John Hicks ang naging pinakaimpluwensiyang interpretasyon ng Pangkalatahang Teoriya. Sa loob ng mga taon, ang pagkaunawa ng siklo ng negosyo ay sumangay sa iba't ibang mga eskwela na kaugnay o sumasalungat sa Keynasianismo. Ang sintesis na neoklasiko ay tumutukoy sa rekonsiliasyon ng ekonomikang Keynesian sa ekonomikang neoklasiko na nagsasaad na ang Keynesianismo ay tama sa maikling pagtakbo at ang ekonomiya ay sumusunod sa teoriyang neoklasiko sa mahabang pagktakbo. Ang eskwelang bagong klasiko ay bumabatikos sa sa pananaw na Keynesian ng siklo ng negosyo. Ito ay kinabibilangan ng permanenteng sahod na pananaw ni Milton Friedman sa konsumpsiyon, ang himagsikang makatwirang mga ekspektasyon na pinangunahan ni Robert Lucas at ang teoriyang tunay na siklo ng negosyo. Salungat dito, ang eskwelang bagong Keynesian ay nagpapanatili ng asumpsiyong makatwirang mga ekspektasyon. Gayunpaman ito ay nagpapalagay ng isang pagkakaiba ng mga kabiguan ng pamilihan. Sa partikular, ang Bagong mga Keynesian ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay madikit na nangangahulugan ang mga ito ay hindi nagsasaayos nang mabilis sa mga pagbabago sa kondisyong ekonomiko. Kaya ang mga bagong klasiko ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay automatikong nagsasaayos upang makamit ang buong pagkakaroon ng trabaho samantalang nakikita ng mga bagong Keynesian ang buong pagkakaroon ng trabaho bilang automatikong nakakamit lamang sa mahabang pagtakbo at kaya ang mga patakarang ng bangko sentral at pamahalaan ay kinakailangan dahil ang mahabang pagtakbo ay maaaring labis na mahaba.

Ang inplasyon ang sitwasyong ekonomiko na nararanasang kapag ang suplay ng salapi tungo sa ekonomiya ay tumataas at kalaunan ay nagreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng mga mahalaga at mga kinokonsumong kalakal at mga serbisyo. Ang inplasyon ay pangkalahatang nangyayari sa ilalim ng dalawang mga sirkunstansiya-paghila ng pangangailangan (demand pull) at pagtulak ng gastos (cost push). Ang inplasyong paghila ng pangangailangan ay sinasabing lumilitaw kapag ang agregatong pangangailangan sa isang ekonomiya ay humihigit sa agregatong suplay. Ito ay kinabibilangan ng inplasyon na lumilitaw bilang real na kabuuang produktong domestiko at at ang kawalang trabaho ay bumabagsak habang ang ekonomiya ay gumagalaw sa kahabaan ng kurbang Phillips. Ang inplasyong pagtulak ng gastos ay isang uri ng inplasyon na sanhi ng malaking pagtaas sa halaga ng mga mahalagang kalakal o serbisyo kung saan walang angkop na alternatibo ay makukuha. Ang isang sitwasyong kadalasang binabanggit nito ang krisis ng langis noong 1973 na nakikita ng ilang mga ekonomista na isang pangunahing sanhi ng inplasyong naranasan sa mga bansang Kanluranin sa dekadang iyon. Ikinatwirang ang inplasyong ito ay nagresulta mula sa pagtataas ng halaga ng langis (petroleum) na itinakda ng OPEC. Dahil ang langis ay labis na mahalaga sa mga industriyalisadong ekonomiya, ang isang malaking pagtaas sa mga presyo nito ay maaaring magpataas ng presyo ng karamihan ng mga produkto na nagpapataas ng rate ng inplasyon. Ito ay maaaring magpataas ng normal o likas na rate ng inplasyon na rumiriplekta sa mga pag-aangkop na ekspektasyon at ang pag-ikid ng presyo/sahod upang ang pagkabigla ng suplay ay may patuloy na mga epekto. Ang mga pangunahing reporma at resolba ay inilalapat sa patakarang pang-salapi (monetary) at patakarang piskal ng isang bansa. Ang mga patakarang pang-salapi (monetary) ay karaniwang nilalapat ng mga bangko sentral samantalang ang mga patakarang piskal ay ginagamit at pinapatupad ng katawang pampamahalaan sa pakikipagtulangan ng Bangkong Apex.

Ang salapi  ang paraan ng huling pagbabayad ng mga kalakaal sa karamihan ng mga ekonomiyang sistema ng presyo at ang unit ng akawnt kung saan ang mga presyo ay karaniwang isinasaad. Ang isang labis na angkop na pangungusap ni Propesor Walker na isang kilalang ekonomista ay: Ang pera ay kung ano ang ginagawa ng pera.... Ang pera ay may pangkalahatang pagtanggap, isang relatibong konsistensiya sa halaga, dibisibilidad, pagiging matibay, portabilidad (pagiging madadala), ellastiko sa suplay at nakaliligtas sa konpidensiya ng publikong masa. Ito ay kinabibilangan ng kurensiyang hinahawakan ng mga publikong hindi bangko at mga matsetsekeng mga deposito. Ito ay inilarawan bilang isang panlipunang konbensiyon, tulad ng wika na magagamit para sa isa na sa malaking dahilan ay dahil sa ito ay magagamit para sa iba.

Bilang midyum ng pagpapalitan, ang salapi ay nagpapadali ng kalakalan. Ito ay pangunahing isang sukat ng halaga at sa mas mahalagang paglalarawan ay imbak (store) ng halaga na basehan ng paglikha ng kredito. Ang ekonomikong tungkulin nito ay maaring isalungat sa barter (hindi pamperang pagpapalitan). Dahil sa malawak na uri ng mga nililikhang kalakal at mga espesyalisadong mga prodyuser, ang barter ay maaaring magtakakda ng mahirap na mahanap na dobleng koinsidensiya ng mga kagustuhan sa kung ano ang ipinapalit, halimbawa sa mga mansanas at isang aklat. Ang pera ay maaaring magbawas ng gastos ng pagpapalitan ng transaksiyon dahil sa handa nitong pagiging matatanggap. Sa gayon, hindi magastos para sa tagatinda na tumanggap ng pera bilang kapalit kesa sa kung ano nililikha ng tagabili.

Sa lebel ng ekonomiya, ang teoriya at ebidensiya ay konsistente sa positibong ugnayang tumatakbo mula sa kabuuang suplay ng salapi tungkol sa nominal na halaga ng kabuuang output tungo sa pangkalahatang lebel ng presyo. Sa dahilang ito, ang pangangasiwa ng suplay ng salapi ay isang mahalagang aspeto ng patakarang pang-salapi (monetary). 

Ang pambansang akawnting ay isang paraan sa pagbubuuod ng agregatong gawaing ekonomiko ng isang bansa. Ang mga pambansang akawnt ay isang mga sistemang dobleng entradang akawnting na nagbibigay ng detalyadeng pinagsasaligang mga sukat ng gayong impormasyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Mga akawnt ng pambansang sahod at produkto (national income and product accounts o NIPA) ay nagbibigay ng mga pagtatantiya para sa halaga ng salapi ng output at sahod kada taon o kwarter. Ang NIPA ay pumapayag sa pagsubaybay ng pagganap ng ekonomiya at mga bahagi nito sa pamamagitan ng siklo ng negosyo o sa loob ng mas mahabang mga panahon. Ang datos ng presyo ay maaaring pumayag sa pagtatangi ng nominal mula sa mga real na halaga na pagtutuwid ng mga kabuuang salapi para sa mga pagbabago ng presyo sa loob ng panahon.   Ang mga pambansang akawnt ay kinabibilangan rin ng sukat ng kapital na stock, kayamanan ng isang bansa at internasyonal na mga daloy kapital.

Ang kalakalang internasyonal ay nag-aaral ng mga tagatukoy ng mga daloy ng kalakal-at-serbisyo sa buong mga hangganang internasyona. Ito ay nauukol rin sa sukat at distribusyon ng pakinabang mula sa kalakalan. Ang mga aplikasyon g patakaran ay kinabibilangan ng pagtatantiya ng mga epekto ng pagbabago ng mga rate ng taripa  at quota ng kalakalan. Ang pinansiyang internasyonal ay isang larangang makroekonomiko na sumusuri  sa daloy ng kapital sa buong mga hangganang internasyonal at sa mga epekto ng galaw na ito sa mga rate ng palitan. Ang tumaaas na kalakalan sa mga kalakal, serbisyon at kapital sa pagitan ng mga bansa ay isang pangunahing epekto ng kontemporaryong globalisasyon.  

Ang natatanging larangan ng ekonomikang pag-unlad ay sumusuri sa mga aspetong ekonomiko ng proseso ng pag-unlad sa relatibong mababang sahod na mga bansa na pumopokus sa pagbabagong istraktural, kahirapan, at paglagong ekonomiko. Ang mga pakikitungo sa ekonomikang pag-unlad ay kadalasang nagsasama ng mga paktor na panlipunan at pampolitika. 

Ang mga sistemang ekonomiko ang  ng ekonomika na nag-aaral ng mga paraan at institusyon kung saan ang mga lipunan ay tumutukoy sa pag-aari, direksiyon at paglalaan ng mga mapagkukunang ekonomiko. Ang isang sistemang ekonomiko ng isang lipunan ang unit ng analisis. Sa mga sistemang kontemporaryo sa iba't iabng mga dulo ng spektrum na organisasyonal ang mga sistemang sosyalista at sistemang kapitalista na ang karamihan ng produksiyon ay nangyayari sa respektibong negosyong pinapatakbo ng estado at mga pribado. Sa pagita nito ang mga magkahalong ekonomiya. Ang isang karaniwang elemento ang interaksiyon ng mga impluwensiyang ekonomiko at pampolitika na malawak na inilalarawan bilang ekonomiyang pampolitika. Ang mga sistemang komparatibong ekonomiko ay nag-aaral ng relatibong pagganap at pag-aasal ng iba't ibang mga sistema o ekonomiya.  

Ang kontemporaryong ekonomika ay gumagamit ng matematika. Ang mga ekonomista ay humahango sa mga kasangkapan ng kalkulo, linear algebra, estadistika, teoriya ng laro at agham pang-kompyuter. Ang mga ekonomistang propesyonal ay inaasahang maging pamilyar sa mga kasangkapang ito samantalang ang kaunti ay naeespesyalisa sa ekonometrika at mga pamamaraang matematikal. 

Ang nananaig na teoriyang ekonomiko ay umaasa sa a priori na kwantitatibong mga modelong ekonomiko na gumagamit ng iba't ibang mga konsepto. Ang teoriya ay karaniwang tumutuloy sa asumpsiyon ng  ceteris paribus na nangangahulugang humahawak ng mga nagpapaliwanag na bariabulo kesa sa isa na nasa ilalim ng pagsasaalang alang. Kapag lumiliha ng mga teoriya, ang layunin ay humanap ng mga kahit papaano ay simple sa mga pangangailangang impormasyon, mas tiyak sa mga prediksiyon at mas mabunga sa paglikha ng karagdagang pagsasaliksik kesa sa mga naunang teoriya.

Sa mikroekonomika, ang prinsipal na mga konsepto ay kinabibilangan ng suplay at pangangailangan, marhinalismo, teoriyang makatwirang pagpili, gastos ng oportunidad, mga limitasyon ng badyet, utilidad, at ang teoriya ng negosyo. Ang mga sinaunang modelong makroekonomiko ay pumokus sa mga relasyon sa pagitan ng mga agregatong bariabulo ngunit habang ang mga relasyon ay lumilitaw na nagbabago sa loob ng panahon, ang mga makroekonomista ay napilitang bumatay ng kanilang mga modelo sa mga mikropundasyon. Ang mga nabanggit na konspetong mikroekonomiko ay gumagampan ng isang malaking papel sa mga modelong makroekonomiko, halimbawa sa teoriyang pang-salapi, ang teoriyang kantidad ng salapi ay humuhula na ang pagtaas sa suplay ng salapi ay nagpapataas ng inplasyon at ang inplasyon ay pinagpapalagay na naiimpluwensiyahan ng mga ekspektasyong makatwiran. Sa ekonomikang pag-unlad, ang mas mabagal na paglago sa mga maunlad na bansa ay minsang hinuhulaan dahil sa pagbagsak ng mga pagbabalik na marhinal ng pamumuhunan at kapital at ito ay napagmasdan sa Mga apat na tigreng Asyano. Minsan, ang hipotesis na ekonomiko ay tanging kwalitatibo at hindi kwantitatibo.

Ang mga pagpapaliwanag ng mga pangangatwirang ekonomiko ay kadalasang gumagamit ng dalawang dimensiyonal na mga grapo upang ipakita ang mga relasyong teoretikal. Sa mas mataas na lebel ng paglalahat, ang treatise ni Paul Samuelson na Foundations of Economic Analysis (1947) ay gumamit ng mga pamamaraang matematikal upang ikatawan ang teoriya partikular na ang pagmamaksima ng mga relasyong pag-aasal ng mga ahente na umaabot sa ekwilibrium. Ang aklat ay nakapokus sa pagsusuri ng klase ng mga pahayag na tinatawag na mga teoremang operasyonal na makahulugan sa ekonomika na mga teorema na maiisip na mapapamalian ng empirikal na datos.

Ang mga teoriyang ekonomiko ay kadalasang sinusubukan (tested) ng empirikal ng malaki sa pamamagitan ng paggamit ng ekonometrika gamit ang datos na ekonomika. Ang mga kontroladong eksperimentong karaniwang sa agham pisika ay mahirap at hindi karaniwang sa ekonomika  at bagkus ay ang malawak na datos ay obserbasyonal na pinag-aaralan. Ang uring ito ng pagsusubok ay karaniwang itinuturing na hindi mas mahigpit kesa sa kontroladong eksperimentasyon at ang mga konklusyon ay karaniwang mas tentatibo. Gayunpaman, ang larangan ng ekonomikang eksperimental ay lumalago at ang tumataas na pggamit ay ginagawa sa mga natural na eksperimento.

Ang mga pamamaraang estadistika gaya ng regresyong analisis ay karaniwan. Ang tagasanay nito ay gumagamit ng mga gayong paraan upang tantiyahin ang sukat, kahalagahang ekonomiko at kahalagang estadistikal (lakas ng hudyat) ng mga hinipotesis na relasyon at upang isaayos para sa ingay mula sa ibang mga bariabulo. Sa pamamagitan ng gayong mga paraan, ang isang hipotesis ay maaaring magkamit ng pagtanggap bagaman sa isang probabilistiko kesa sa tiyak na kahulugan. Ang pagtanggap ay nakasalalay sa hipotesis na nagpapatuloy na mga pasubok na pagiging mapapamali. Ang paggamit ng karaniwang tinatanggap na mga pamamaraan ay hindi kinakailangang lumikha ng isang huling konklusyon o kahit isang kasunduan sa isang partikular na tanong sa ibinigay na iba't ibang mga pagsubok, hanay ng datos at mga naunang paniniwala.

Ang mga batikos batay sa mga pamantayang propesyonal at hindi replikabilidad (pagiging mauulit) ng mga resulta ay nagsisilbi bilang karagdagang pagtingin sa mga pagkiling (bias), mga kamalian at labis na paglalahat, 
, bagaman ang labis na pagsasaliksik na ekonomiko ay inakusahan ng pagiging hindi replikable (mauulit) at ang mga prestihiyosong hornal ay naakusahan ng hindi pagpapadali ng replikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kodigo at datos. Tulad ng mga teoriya, ang mga paggamit ng mga pagsubok estadistika ay sa sarili nito bukas sa kritikal na analisis,  

Sa nilalapat na ekonomika, ang mga modelong input-output na gumagamit ng mga pamamaraang pagpoprogramang linyar ay medyo karaniwan. Ang malaking mga halaga ng datos ay pinapatakbo sa pamamagitan ng mga programa ng komputer upang siyasatin ang epekto sa ilang mga patakaran. Ang IMPLAN ay isang mahusay na kilalang halimbawa. Ang ekonomikang eksperimental ay nagtaguyod ng paggamit ng kinontrol na siyentipikong mga eksperimento.  Ito ay nagpaliit ng matagal nang napapansing distinksiyon sa ekonomika mula sa mga pinayagan ng natural na agham na mga pagsubok ng nakaraang kinukuhang mga aksiyoma.  Sa ilang mga kaso, natagpuan ng mga ito na ang mga aksiyoma ay hindi buong tama. Halimbawa, ang larong ultimatum ay naghayag na ang mga tao ay tumatakwil na hindi magkatumbas na mga alok. Sa ekonomikang pag-aasal, sikolohistang si Daniel Kahneman ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika noong 2002 para sa empirikal na pagkakatuklas niya at ni Amos Tversky' ng ilang mga pangkiling na kognitibo (cognitve biases) at mga heuristika. Ang parehong pagsubok empirikal ay nangyayari sa neuroekonomika. Ang isa pang halimbawa ang asumpsiyon ng masikip na madamot na mga preperensiya laban sa isang mdoel na sumusubok para sa madamot, altruistiko at matulunging mga preperensiya.  

Ang mga kasulatang ekonomiko ay may petsang nagmula sa sinaunang kabihasnang Mesopotamiang, Gresya, Roma, India, Tsina, Persia, at Arabo. Ang mga kilalang mga manunulat mula sa sinaunang panahon hanggang sa ika-14 siglo ay kinabibilangan nina Aristotle, Xenophon, Chanakya (na kilala rin bilang Kautilya), Qin Shi Huang, Thomas Aquinas, at Ibn Khaldun. Ang mga akda ni Aristotle ay may malalim na impluwensiya kay Aquina na nakaimpluwensiya naman sa mga huling skolastika ng ika-14 hanggang ika-17 siglo. Joseph Schumpeter described  the latter as coming nearer than any other group to being the 'founders' of scientific economics as to monetary, interest, and value theory within a natural-law perspective. Ang dalawang mga pangkat na kalaunang tinawag na mga 'merkantilista' at 'pisiokrata' ay mas direktang nakaimpluwensiya sa kalaunang pag-unlad ng paksang ito. Ang parehong mga pangkat na ito ay nauugnay sa pagtaas na nasyonalismong ekonomiko at modernong kapitalismo sa Europa. Ang merkantilismo ay isang doktrinang ekonomiko na yumabong mula ika-16 hanggang ika-18 siglo sa isang mabungang pampletong panitikan kahit ng mga mangangalakal o tauhan ng estado. Ito ay nagsasaad na ang kayamanan ng isang bansa ay nakasalalay sa pagtitipon nito ng ginto at pilak. Ang mga bansang walang pagkuha sa mga mina ay maaari lamang magkamit ng ginto at pilak mula sa pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kalakal sa ibang bansa at paglilimita ng mga inaangkat kesa sa ginto at pilak. Ang doktrinang ito ay tumatawag sa pag-aangkat ng murang mga hilaw na materyal upang gamitin sa pamamanupaktura ng mga kalakal na maaaring iluwas at para sa regulasyon ng estado na magtakda ng mga protektibong taripa sa mga nilikhang kalakal na dayuhan at pagbabawal ng pagmamanupaktura sa mga kolonya.  Ang mga pisiokrata na isang pangkat ng ika-18 siglong mga palaisip at manunulat na Pranses ay nagpaunlad ng ideya ng ekonomiya bilang isang sirkular na daloy ng sahod at output. Ang mga pisiokrata ay naniniwalang ang tanging produksiyong agrikultural ang lumikha ng isang maliwanag na surplus sa gastos kaya ang agrikulta ang batayan ng lahat ng kayamanan. Kaya, kanilang tinutulan ang mga patakarang merkantilista ng pagtataguyod ng pagmamanupaktura at pangangalakal sa kapinsalaan ng agrikultura kabilang ang mga taripa ng pag-aangkat. Ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng pagpapalit na administratibo ng magastos na koleksiyon ng buwis ng isang buwis sa sahod ng mga may ari ng lupa. Bilang reaksiyon laban sa saganang regulasyong pangkalakal na merkantilista, ang mga pisiokrata ay nagtaguyod ng isang patakaran ng laissez-faire na tumatawag sa isang maliit na panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya.   Ang modernong analisis na ekonomiko ay sinasabing nagmula kay Adam Smith (1723–1790). Si Smith ay kritikal sa mga merkantilista ngunit inilarawan ang sistemang pisiokratiko sa lahat ng mga imperpeksiyon nito bilang marahil ang pinaka dalisay na aproksimasyon ng katotohanan na hindi pa naililimbag sa paksa.

Ang paglilimbag ng The Wealth of Nations(Ang Kayamanan ng mga Bansa) ni Adam Smith noong 1776 ay inilarawan bilang ang epektibong kapanganakan ng ekonomika bilang isang hiwalay na disiplina. Tinukoy ng aklat na ito ang lupain, trabaho, at kapital bilang tatlong mga paktor ng produksiyon at ang pangunahing mga taga-ambag sa kayamanan ng isang bansa bilang natatangi mula sa ideyang pisiokratiko na ang tanging agrikultura ang produktibo. Tinalakay ni Smith ang potensiyal na mga benepisyo ng espesyalisasyo ng dibisyon ng trabaho kabilang ang tumaas na produktibidad ng trabaho at tubo mula sa kalakalan kahit pa sa pagitan ng bayan at bansa o sa buong mga bansa. Ang kanyang teorema na ang dibisyon ng trabaho ay limitado ng sakop ng pamilihan ay inilirawan bilang kaibuturan ng teoriya ng negosyo at industriya at isang pundamental na prinsipyo ng ekonomikong organisasyon. Ito ay iniliarawan rin bilang ang pinakamahalagang substantibong proposisyon ng lahat ng mga ekonomika at pundasyon ng teoriya ng alokasyon ng mga mapagkukunan na sa ilalim ng kompetisyon, ang mga may ari ng mapagkukunan (ng trabaho, lupain at kapital) ay naghahangad sa kanilang pinaka matubong paggamit na nagreresulta sa pantay na rate ng balik para sa lahat ng paggamit sa ekwilibrium (na isinayos para sa maliwanag na mga pagkakaibang lumilitaw mula sa mga gayong paktor gaya ng pagsasanay at kawalang trabaho). Sa isang argumento na kinabibilangan ng isa sa pinaka sikat na mga talata sa lahat ng mga ekonomika, kinatawan ni Smith ang bawat indibidwal bilang sumusubok na gumamit ng anumang kapital na kanilang maaaring gamitin para sa kanilang sariling kapakinabangan, hindi ng lipunan, at para sa kapakananan ng tubo na kinakailangan sa isang lebel sa paggamit ng kapital sa industriyang domestiko at positibong kaugnay sa halaga ng nilikha. Iniugnay ng mga ekonomista ang hindi makikitang kamay na konsepto ni Smith sa kanyang pagkabahala para sa karaniwang lalake at babae sa pamamagitan ng paglagong ekonomiko at pag-unlad na pumapayag sa mas mataas na mga lebel ng konsumpsiyon na inilarawan ni Smith bilang ang tanging wakas at layunin ng lahat produksiyon. 
Kayang isinama ang hindi makikitang kamay sa isang balangkas na kinabibilangan ng paglilimita ng mga restriksiyon sa kompetisyon at kalakalang pandayuhan ng pamahalaan sa parehong kabanatang and elsewhere regulation of banking and the interest rate, probisyon ng isang natural na sistema ng kalayaan - pambansang pagtatanggol, isang hustisyang egalitarian at sistemang legal at ilang mga institusyon at trabahong publiko na may pangkalahatang benepisyo sa buong lipunan na maaaring kundi dito ay hindi mapapakinabangan na lihkahin gaya ng edukasyon  at mga kalye, kanal at tulad nito.   Ang isang maimpluwensiya (influential) na introduktoryong aklat pampaaralan ay kinabibilangan ng katulad na talakayan at pagtataya: Higit sa lahat, ang pangitain ni Adam Smith ng isang nagreregula sa sariling hindi makikitang kamay ang kanyang tumagal na kontribusyon sa modernong ekonomika. Ginamit ni Thomas Robert Malthus (1798) ang ideya ng papaliit na mga pagbabalik upang ipaliwanag ang mababang pamantayan ng pamumuhay. Kanyang ikinatwiran na ang populasyon ng tao ay may kagawiang tumaas na heometriko na humihigit sa produksiyon ng pagkain na na tumaas ng aritmetiko. Ang pwersa ng isang mabilis na lumalagong populasyon laban sa isang limitadong halaga ng lupain ay nangangahulugang papaliit na mga pagbabalik ng trabaho. Kanyang inangkin na ang resulta ay patuloy na mababang mga sahod na pumipigil sa pamantayan ng pamumuhay para sa karamihan ng populasyon mula sa pag-ahon sa itaas ng lebel ng susbsistensiya. Kinuwestiyon rin ni Malthus ang automatikong kagawian ng ekonomiya ng pamilihan na lumikha ng buong trabaho. Kanyang sinisi ang kawalang trabaho sa kagawian ng ekonomiya na limitahan ang paggastos nito sa pamamagitan ng labis na pagtitipid na isang temang nakalimutan hanggang sa muling buhayin ni John Maynard Keynes noong mga 1930. Bagaman binigyang diin ni Adam Smith ang produksiyon ng sahod, si David Ricardo (1817) ay pumokus sa distribusyon ng sahod sa mga may ari ng lupa, trabahador at kapitalista. Nakita ni Ricardo ang likas alitan sa pagitan ng mga may ari ng lupa sa isang panig at trabaho at kapital sa kabilang panig. focused on the distribution of income among landowners, workers, and capitalists. Kanyang isinaad na ang paglago ng populasyon at kapital, na tumutulak laban sa isang nakapirmeng suplay ng lupain ay nagpapataas ng mga upa at naglilimita sa mga sahot at tubo. Si Ricardo ang una na magsaad at magpatunay ng prinsipyo ng komparatibong pakinabang ayon sa kung aling bawat bansa ang dapat mag espesyalisa sa paglikha at pagluwas ng mga kalakal dahil ito ay may mas mababang gastos ng produksiyon kesa sa pag-asa lamang sa sarili nitong produksiyon. It has been termed a fundamental analytical explanation for gains from trade.  Sa huli ng tradisyong klasiko, si John Stuart Mill (1848) ay lumisan sa mas naunang mga klasikong ekonomista sa pagiging hindi maiiwasan ng distribusyon ng sahod na nilikha sa sistema ng pamilihan. Nagturo si Mill sa isang natatanging pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga papel ng pamilihan: ang paglalaan ng mga mapagkukunan at distribusyon ng sahod. Kanyang isinulat na ang pamilihan ay maaaring maigi sa paglalaan ng mga mapagkukunan ngunit hindi sa pamamahagi ng sahod na gumagawa ritong kailangan para sa lipunan na manghimasok. Ang teoriya ng halaga ay mahalaga sa teoriyang klasiko. Isinulat ni Smith na ang tunay na presyo ng bawat bagay... ang pagpapagod at hirap ng pagkakamit nito gaya ng pagkaimpluwensiya nito sa kakulangan nito. Isinaad ni Smith na sa upa at tubo, ang ibang mga gastos maliban sa mga sahod ay pumapasok rin sa presyo ng isang komoditad. Ang ibang mga klasikong ekonomista ay nagtanghal ng mga bariasyon kay Smith na tinerminuhang trabahong teoriya ng halaga. Ang klasikong ekonomika ay pumokus sa kagawian ng mga pamilihan na lumipat sa mahabang takbong ekwilibrium.

Ang ekonomikang Marxista (kalaunang Marxian) ay nagmula sa klasikong ekonomika. Ito ay hango mula sa akda ni Karl Marx. Ang unang bolyum ng pangunahing akda ni Marx na  Das Kapital ay inilimbag sa wikang Aleman noong 1867. Dito, si Marx ay pumokus sa trabahong teoriya ng halaga at kanyang itinuring na pagsasamantala ng trabaho ng kapital.   Ang trabahong teoriya ng halaga ay nagsaad na ang halaga ng ipinalit na komoditad ay tinutukoy ng trabaho na napunto sa produksiyon nito.

Ang isang katawan ng teoriyang kalaunang tinawag na ekonomikang neoklasiko o marhinalismo ay nabuo mula mga 1870 hanggang 1910. Ang terminong ekonomika ay pinasikat ng gayong mga ekonomistang neoklasiko gaya ni Alfred Marshall bilang isang maikling sinonimo para sa agham ekonomiko at isang paghalili sa mas naunang ekonomiyang pampolitika.       Ito ay tumutugon sa impluwensiya sa paksa ng mga pamamaraang matematikal sa natural na agham. Isinistema ng ekonomikang neoklasiko ang suplay at pangangailangan bilang magkasanib na mga tagatukoy ng presyo at kantidad sa ekwilbrium ng pamilihan na umaapekto sa parehong paglalaan ng output at pamamahagi ng sahod. Ito ay namahagi ng trabahong teorya ng halaga na minana mula sa klasikong ekonomika ng pabor sa isang teoriya ng marhinal na utilidad sa panig ng pangangailangan at isang mas pangkalahatang teoriya ng mga gastos sa panig ng suplay. Noong ika-20 siglo, ang mga teoristang neoklasiko ay lumipat papalayo sa mas naunang nosyon na nagmumungkahing ang kabuuang utilidad para sa lipunan ay dapat sukatin, ng pabor sa ordinal na utilidad na naghihipotesis lamang ng batay sa pag-aasal na mga ugnayan sa mga tao. Sa mikroekonomika, ang ekonomikang neoklasiko ay kumakatawan sa mga pabuya at gastos bilang gumagampan ng isang lumalaganap na papel sa paghuhugis ng paggawa ng desisyon. Ang isang halimbawa nito ang teoriya ng konsumer ng indibidwal na pangangailangan na naghihiwalay kung paanong ang mga presyo (bilang mga gastos) ay rumiriplekta sa sinauna at tumatagal na sintesis na neoklasiko kasama ng makroekonomikang Keynesian. Ang ekonomikang neoklasiko ay minsang tinatawag na ekonomikang ortodokso kahit ng mga kritiko o sumisimpatiya dito. Ang modernong nananaig na ekonomika ay nakabatay sa ekonomikang neoklasiko ngunit maraming mga pagpipino na nagdadagdag o naglalahat ng mas naunang analisis gaya ng ekonometrika, teoriya ng laro, analisis ng pagkabigo ng pamilihan at hindi perpektong kompetsiyon at ang modelong neoklasiko para sa pagsusuri ng mahabang takbong mga bariabulo na umaapekto sa pambansang sahod.

Ang ekonomikang Keynesian ay hango mula kay John Maynard Keynes partikular sa kanyang aklat na The General Theory of Employment, Interest and Money (1936), na naglunsad ng kontemporaryong makroekonomika bilang isang natatanging larangan.Ang aklat na ito ay pumopokus sa mga tagatukoy ng pambansang sahod sa maikling pagtakbo kapag ang presyo ay relatibong hindi mababago. Tinangka ni Keynes na ipaliwanag ang malawak na detalyeng teoretikal kung bakit ang mataas na kawalang trabaho sa pamilihan ng trabaho ay maaaring hindi nagtutuwid sa sarili nito sanhi ng mababang pangangailangang epektibo at kung bakit ang pleksibilidad ng presyo at patakarang pang-salapi ay maaaring walang kwenta. Ang gayong mga termino gaya ng rebolusyonaryo ay nilapat sa aklat na ito sa epekto nito sa analisis na ekonomiko. Ang ekonomikang Keynesian ay may dalawang mga kahalili. Ang Ekonomikang Post-Keynesian ay tumutuon rin sa katigasang makroekonomiko at mga proseso ng pagsaayos. Ang pagsasalik sa mga pundasyong mikro para sa kanilang mga modelo ay kinakatawan batay sa tunay na buhay na mga pagsasanay kesa sa simpleng mga modelong nag-ooptimisa. Ito ay pangkalahatang nauugnay sa University of Cambridge at sa akda ni Joan Robinson. Ang Ekonomikang Bagong-Keynesian ay nauugnay rin sa mga pag-unlad sa anyong Keynsian. Sa loob ng pangkat na ito, ang mga mananaliksik ay may kagawiang magsalo sa ibang mga ekonomista ng pagbibigay diin sa mga modelo na gumagamit ng mga pundasyong mikro at pag-aasal na nag-ooptimisa ngunit may isang mas makitid na pokus sa pamantayang mga temang Keynesian gaya ng katigasang presyo at sahod. Ang mga ito ay karaniwang ginagawang panloob na mga katangian ng mga model kesa sa simpleng pagpapalagay gaya ng mas matandang mga istilong Keynesian.

Ang Eskwelang Chicago ng ekonomika ay mahusay na kilala sa pagtataguyod nito ng malayang pamilihan at mga ideyang monetarista. Ayon kay Milton Friedman at mga monetarista, ang mga ekonomiya ng pamilihan ay likas na matatag kung ang suplay ng pera ay hindi lapis na lumalawig o lumiliit. Si Ben Bernanke na kasalukuyang chairman ng Reserbang Pederal ng Estados Unidos ang isa sa mga ekonomista ngayon na pangkalahatang tumatanggap sa analisis ni Friedman ng mga sanhi ng Dakilang Depresyon. Epektibong kinuha ni Friedman ang marami sa mga basikong prinsipyong inilatag ni Adam Smith at mga ekonomistang klasiko at minodernisa niya ang mga ito. Ang isang halimbawa nito ang kanyang artikulo sa isyu noong Setyembre 1970 ng The New York Times Magazine kung saan kanyang inangkin na ang panlipunang responsibilidad ng negosyo ay dapat gamitin ang mapagkukunan nito at sumali sa mga gawaing ginawa na magpataas ng tubo.. (sa pamamagitan) ng malaya at bukas na kompetisyon nang walang panloloko o daya. 

Ang iba pang mahusay na kilalang mga eskwela ng pag-iisip na tumutukoy sa isang partikular na istilo ng ekonomikang sinanay at pinakalat mula sa mahusay na inilarawang mga pangkat ng akademiko na nakilala sa buong mundo ay kinabibilangan ng Eskwelang Austrian, Eskwelang Feiburg, Eskwela ng Lausanne, ekonomikang post-Keynesian at Eskwelang Stockholm. Ang kontemporaryong nananaig na ekonomika ay minsang hiniwalay sa pakikitungong Saltwater ng mga unibersidad sa kahabaaan ng Silanganing baybayin ng Estados Unidos at kanlurang US at ang Freshwater o ang pakikitungong eskwelang Chicago. Sa loob ng makroekonomika, mayroong  pangkalahatang kaayusan ng kanilang paglitaw sa panitikan: klasikong ekonomika, ekonomikang Keynesian, sintesis na neoklasiko, ekonomikang post-Keynesian, monetarismo, bagong klasikong ekonomika, panig ng suplay na ekonomika, ekonomikang konstitusyonal, ekonomikang institusyonal, ekonomikang ebolusyonaryo, teoriyang dependensiya, ekonomikang istrakturalista, teoriyang mga sistema ng daigdig, ekonopisika, ekonomikang peminista at ekonomikang biopisikal.




#Article 102: Sikolohiya (107 words)


Ang sikolohiya ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Binibigyan ng malaking pansin nito ang mga tao, bagaman pinag-aaralan din ang asal at diwa ng mga hayop; bilang isang paksa na pangsarili, tingnan ang proseso ng kaalaman ng hayop, o sa mas kontrobersiyal na paksa ay bilang isang paraan ng pagbibigay ng linaw sa sikolohiya ng tao sa pamamagitan ng paghahambing. (tingnan ang sikolohiyang hinahambing). Tinatawag na sikologo ang mga dalubhasa sa sikolohiya, na nagiging sikologa kung babae.  Tinatawag din ang mga sikologo at sikologa bilang sikolohista. Mayroong sariling sikolohiya ang mga Pilipino na tinatawag na Sikolohiyang Filipino. Ito ay ginawa ni Virgilio Enriquez noong 1975.




#Article 103: Sosyolohiya (103 words)


Ang sosyolohiya o dalubulnungan ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon.

Tinatawag ito, sa isang kahulugan sa isang tipikal na aklat, bilang ang pag-aaral sa mga buhay na panlipunan ng mga tao, grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-uugali bilang mga nilalang na marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa pagitan ng hindi magkakilalang indibiduwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang lipunan.




#Article 104: Mitolohiya (109 words)


Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.  Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.  Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan.  May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. 

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.




#Article 105: Telekomunikasyon (348 words)


Ang telekomunikasyon ay ang ekstensiyon o dugtong na pangkomunikasyon sa ibabaw ng malayong distansiya. Sa pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa proseso; dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng anyo ng distansiya at/o pagbabago ng orihinal na mga komunikasyon, kabilang ang radyo, telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong pangdatos at pagnenetwork ng kompyuter.

Ang elemento ng isang sistema ng telekomunikasyon ay ang tagapagdala, tagapagpadala, o transmiter, isang tagapamagitan o midyum (linya) at marahil isang kanal na nakapataw sa tagapamagitan (tingnan ang baseband at broadband, gayon din ang pagmumultipleks), at tagatanggap o receiver. Isang kagamitan ang tagapadala na pinapalitan ang anyo o ini-encode ang isang mensahe sa isang pangyayaring pisikal; ang signal. Pinapalitan o pinapababa ng tagapamagitan, sa pamamagitan ng kaniyang pisikal na kalikasan, ang signal sa kanyang dinadaanan mula sa taga-padala hanggang sa taga-tanggap. May mekanismong pang-decode ang taga-tanggap na may kakayahang makuhang muli ang mensahe sa loob ng mga tiyak na hangganan sa pagbaba ng signal. Sa ibang mga kaso, ang mata o tenga ng tao ang huling tagatanggap (o sa ibang di pangkaraniwang kaso ang ibang pandamang bahagi ng katawan) at ginawa ng utak ang pagkuha muli ng mensahe (tingnan ang sikoakustiko.)

Maaari na ang telekomunikasyon ay point-to-point (mula sa isang tuldok papunta sa isa pang tuldok), point-to-multipoint (mula sa isang tuldok papunta sa maraming mga tuldok), o pamamahayag, na isang partikular na anyo ng point-to-multipoint na pumupunta lamang mula sa mga tagapadala hanggang sa mga tagatanggap.

Isa sa mga ginagampanan ng inhinyero sa telekomunikasyon ang pagsusuri ng pisikal na katangian ng mga linya o midyum ng transmisyon, at ang estadistikang katangian ng mga mensahe upang idibuho ang pinaka-epektibong mekanismo sa pag-encode at pag-decode.

Kapag ang mga sistema ay dinibuho upang makipagkomunikasyon sa pamamagitan ng mga pandamang bahagi ng katawan ng tao (kadalasan ang paningin o pandinig, kailangan bigyan pansin ang pisyolohikal at sikolohikal na mga katangian ng persepsiyon ng tao. Mayroon mahalagang implikasyon ito sa ekonomiya at sinasaliksik ng mga inhinyero kung ano ang sira na maaaring ipahintulot sa signal na sa kabila noon hindi naaapektuhan ng masama ang pagkita at pagdinig nito.




#Article 106: Kasaysayan (800 words)


Ang kasaysayan o historya (mula sa Griyegong ἱστορία, historia, nangangahulugang inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon) ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng heolohikang kasaysayan ng daigdig. Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas na kasaysayan), at arkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas, koleksiyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. Ang mga iskolar na nagsusulat ng kasaysayan ay tinatawag na historyador. Ang mga pangyayaring naganap bago ang mga nakasulat na talâ ay tinuturing na prehistoriko.

Ang mga kuwento na karaniwan lámang sa iisang kultura, ngunit hindi suportado ng mga batayang panlabas (tulad ng mga salaysay tungkol kay Haring Arturo) ay kadalasang inuuri lámang bílang cultural heritage o alamat, dahil hindi ito nagpapakita ng walang pag-iimbot na pagsisiyasat (Ingles: disinterested investigation) na kailangan ng disiplinang kasaysayan. Si Herodotus, isang ika-5 dantaong BC na Griyegong historyador, ay itinuturing sa tradisyong Kanluranin bílang Ama ng Kasaysayan, kasáma ang kontemporaryong nitong si Thucydides, ang pangunahing tumulong upang mabuo ang salig ng makabagong pag-aaral ng kasaysayan ng tao. Ang mga gawa nila ay patuloy na binabása hanggang ngayon, at ang puwang sa pagitan ng nakapokus sa kulturang si Herodotus at sa nakapokus sa militar na si Thucydides ay nananatiling point of contention o approach sa makabagong pangkasaysayang pagsusulat. 

Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan (tignan historiograpiya). Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago
Kadalasang sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at makakasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:

Ang historical method ay binubuo ng mga pamamaraan at patnubay kung paano ang mga historyador ay gumagamit ng mga primary source at iba pang katunayan para magsaliksil at magsulat ng kasaysayan.

Si  ng  (484 BC – ca.425 BC)] ay malawakang itinuturing na Ama ng Kasaysayan. Gayon pa man, ang kaniyang kontemporaryo na si  (ca. 460 BC – ca. 400 BC) ay credited sa pagkakaroon ng kauna-unahang mahusay na historical method sa kaniyang akdang . Hindi tulad ni Herodotus, tinuring ni Thucydides ang kasaysayan bílang produkto ng mga pagpili at ginawa ng mga tao, at tiningnan din niya ito bílang , sa halip na resulta ng divine intervention.]Sa kaniyang historical method, binigyang-diin ni Thucydides ang kronolohiya, ang neutral point of view, at na ang mundo ng mga tao ay bunga ng mga ginawa ng mga tao. Tinuturing din ng mga Griyegong historyador ang kasaysayan bílang , at ang mga pangyayari ay umuulit lámang nang umuulit.]

Ang salitang historya ay mula sa salitang Griyego na historia, na ang ibigsabihin ay inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon o hukom. Sa Tagalog, ang kasaysayan ay nagmula sa salitang-ugat na saysay na kasingkahulugan ng kuwenta o halaga, dahil ito ang pag-aaral sa kuwenta o halaga ng mga pangyayari sa nakaraan. 

Ang kasaysayan ng mundo ay ang alaala at mga homo sapiens sapiens sa buong daigdig, dahil ang mga karanasang ito ay naipreserba at naitalâ ng mga historyador at mga karnaiwang tao. Sa kabiláng banda, ang mga prehistoriko na mga pangayayari ay ang nagmula sa pagbawi ng mga kaalaman ng nakaraan kung saan walang mga kasulatan at naitalâ, o kung saan ang pagsulat ng isang kultura ay hindi ma-decipher. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pinta, guhit, nililok, at iba pang mga artepakto, may mga impormasyon na narerekober sa kabila ng kawalan ng mga nakasulat na talâ. Buhat noong ikadalawampung siglo, ang pag-aaral ng prehistori ay itunuturing na mahalaga upang maiwasan ang hindi sinasadyang eksklusyon ng ilang mga kabihasnan.

Sa karamihan ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay ginagamit ng instreumento upang buhayin ang nasyonalismo at patriotismo. 

Sa karamihan din ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay iniisponsor ng pambansang pamahalaan at isinusulat nang nakasensor at kadalasa'y ipinakikita lámang ang mga kabutihang inambag ng bansa nito sa kasaysayan. Halimbawa, sa bansang Hapón, hindi binabanggit ang  sa mga teksbuk at ang buong Ikalawang Digmaang Pandaigdigis ay pahapyaw lang na itinuturo. Naging polisiya rin sa mga bansang komunista na ipresenta lámang ang rigid na Marxist historiography.
Sa ika-21 siglong Alemanya, ang kurikulum ng kasaysayan ay kinokontrol ng labing-anim na estado, at mailalarawang almost pacifistic and deliberately unpatriotic undertone at sumasalamin sa principles formulated by international organizations such as UNESCO or the Council of Europe, thus oriented towards human rights, democracy and peace. at hindi ng superpatriotism. Ang resulta ay 




#Article 107: Kasaysayan ng agham at teknolohiya (119 words)


Ang kasaysayan ng agham at teknolohiya ay isang larangan ng kasaysayan na sinusuri kung papaano inuunawa ng buong sangkatauhan ang pagbabago ng agham at teknolohiya sa loob ng dantaon, at kung papaano napahintulot ng pagkaunawang ito na gumawa ng mga bagong teknolohiya.  Pinagaaralan din ng larangang ito ng kasaysayan ang ginagampanan ng kultura, ekonomiya, at politika sa pagbabago ng agham.

Kinuha ang anyo ng makabagong matematikang agham at pisikal na inhenyeriya, ayon sa pagkaunawa ngayon, mula sa rebolusyong agham, ngunit tinayo mula sa gawa ng mga kabihasnang Griyego at Islamik, na natutunan naman nila sa kabihasnang Ehipto, Mesopotamya, at Bumbay.  Sa teknolohiya, karamihan sa panahon ng kasaysayan hanggang sa oras na iyon, ang Tsina ang pinaka-masulong bahagi ng mundo.




#Article 108: Katipunan (7393 words)


Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.

Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.

Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan. Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.

Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.

Ang opisyal na pangalan ng samahang ito ay Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Kilala rin ang samahang ito sa mga bansag na Katipunan o KKK. Wala itong kinalaman sa isang samahang rasista na kilala bilang Ku Klux Klan na kilala din sa daglat na KKK.

Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan. Ang mga nais sumapi sa samahan ay pinadadaan sa seremonya ng pagbunsod upang maging ganap na kasapi. Noong una, ang mga kalalakihang Pilipino lamang ang tinatanggap, ngunit noong lumaon ay nagpapasapi na rin sila ng mga kababaihan. May sariling pahayagan ang Katipunan, na tinatawag na Kalayaan na nagkaroon ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.

Sa pagpaplano sa rebolusyon, nakipagtalastasan si Bonifacio kay Rizal para sa kaniyang lubos na pagsuporta sa Katipunan kapalit ng pangako ng pagsagip kay Rizal mula sa pagkapiit. Noong Mayo 1896, isang delegasyon ang pinadala sa Emperador ng Hapon para makalikom ng pondo at mga sandata. Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.

Ang Katipunan at ang Cuerpo de Compromisarios ay ang humaliling organisasyon sa samahang La Liga Filipina, na tinatag mismo ni Jose Rizal, na nagkaroon ng inspirasyon mula sa pagkamartir ng mga paring si Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na kilala bilang Gomburza. Ang samahang ito ay bahagi ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas noong huling bahagi ng ika-19 siglo. Naging kasapi ng La Liga ang mga pundador ng Katipunan na sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata at naimpluwensiyahan sila ng mga kaisipang makabayan ng Kilusang Propaganda sa Espanya.

Nagbigay din ng inspirasyon sa pagbuo ng Katipunan si Marcelo H. del Pilar, na isa rin sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda sa Espanya. Naniniwala ang mga kasalukuyang historyador na mayroon siyang direktang koneksyon sa organisasyon dahil sa kaniyang ginampanan sa Kilusang Propaganda at sa kaniyang tanyag na posisyon sa Masonerya ng Pilipinas, at karamihan sa mga pundador ng Katipunan ay mga mason. Ang mga seremonya ng pagbunsod ng Katipunan ay hinalaw mula sa mga seremonya ng mga mason. Mayroon din itong pagkakahanay ng mga ranggo na katulad sa masonerya. Nakita ng Espanyol na mananalambuhay ni Rizal na si Wenceslao Retana at ng Pilipinong mananalambuhay na si Juan Raymundo Lumawag ang pagkakatatag ng Katipunan bilang tagumpay ni Del Pilar kay Rizal.

Naibunyag sa mga otoridad na Kastila ng mga nahuling kasapi ng Katipunan, na tinatawag na Katipunero, na sila ding kasapi ng La Liga, na mayroong pagkakaiba-iba ng opinyon sa mga kasapi ng La Liga. Iginiit ng isang grupo na ang layunin ng La Liga ay isang mapayapang repormasyon samantala ang iba ay nagnanasa ng armadong rebolusyon.

Noong gabi ng 7 Hulyo 1892, matapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan sa 
Mindanao, itinatag ni Andres Bonifacio, na kasapi ng La Liga Filipina, ang Katipunan sa isang tahanan sa Tondo, Maynila. Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan noong kinukutuban na ng mga Pilipinong kontra-Kastila na susupilin ng mga mananakop ang mga samahang tulad ng La Liga Filipina. Sinamahan siya ng dalawa niyang kaibigan na sina Teodoro Plata (bayaw) at Ladislao Diwa, at kasama din sina Valentin Diaz at Deodato Arellano.  Itinatag ang Katipunan sa may Kalye Azcarraga (kasalukuyang Abenida Claro M. Recto) malapit sa Kalye Elcano sa Tondo.  Sa kabila ng kanilang reserbasyon ukol sa mapayapang rebolusyon na ninanasa ni Rizal, pinangalan nila si Rizal bilang pandangal na pangulo ng hindi niya nalalaman. Itinatag ang Katipunan bilang isang lihim na samahang kapatiran, sa ilalim ng pangalang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan.

May apat na layunin ang Katipunan:

Ang paglago ng Katipunan ay naging hudyat ng pagtatapos ng krusada para sa reporma mula sa Kastila sa pamamagitan ng mapayapang pamamaran. Nabigong makamit ng Kilusang Propaganda na pinamumunuan nina Rizal, del Pilar, Jaena at iba pa ang kanilang layunin, kaya sinimulan ni Bonifacio ang isang militanteng kilusan para sa kasarinlan.

Pinamumunuan ang Katipunan ng Kataastaasang Sanggunian.  Ang unang Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan ay binuo noong Agosto 1892, isang buwan matapos ang pagkakatatag ng samahan. Ang Kataastaasang Sanggunian ay pinamumunuan ng isang halal na Pangulo, na sinundan ng mga Kalihim, ng Tagaingat-yaman at ng Tagausig.  Ang Kataastaasang Sanggunian ay mayroon ding mga Kasangguni, na ang bilang ay iba-iba sa iba't ibang mga pagkapangulo. Upang maitangi mula sa mga pangulo ng mga mas nakakababang sanggunian, ang pangulo ng Kataastaasang Sanggunian ay tinatawag na Kataastaasang Pangulo, o Presidente Supremo sa Wikang Kastila.  

Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng 1896, inayos muli ang Sanggunian sa pagiging 'gabinete' kung saan pinalagay ang Katipunan bilang isang tunay na pamahalaang rebolusyonaryo, de facto at de jure.

Sa bawat probinsya na mayroong kasapi ng Katipunan ay itinatag ang isang sangguniang probinsya na tinatawag na Sangguniang Bayan, at sa bawat bayan ay may itinatag na sangguniang pangbayan na tinatawag na Sangguniang Balangay. Ang bawat Bayan at Balangay ay mayroong sariling mga halal na opisyal: ang Pangulo, Kalihim, Tagausig, Tagaingat-yaman, Pangalawang Pangulo, Pangalawang Kalihim, mga Kasanguni, Mabalasig, Taliba, Maniningil, Tagapamahala ng Basahan ng Bayan, Tagapangasiwa, Manunulat, Tagatulong sa PAgsulat, Tagalaan, at Tagalibot. Binigyan ng pagkakataon ang bawat Balangay upang palawigin ang kanilang impluwensya sa pamamagitan ng sistemang triyanggulo upang maitaas ang kanilang mga katayuan sa pagiging Sangguniang Bayan Ang mga bawat Balangay na hindi nakamit ang katayuang Sangguniang Bayan ay binubuwag at sinasanib sa ibang mas malaking sangguniang probinsya o pangbayan.

Ang mga bayan at lungsod na sumusuporta sa layunin ng Katipunan ay binibigyan ng makahulugang pangalan, tulad ng Magdiwang para sa Noveleta, Cavite; Magdalo para sa Kawit; Magwagi para sa Naic; Magtagumpay para sa Maragondon; Walangtinag para sa Indang; at Haligue para sa Imus -lahat ng ito ay nasa probinsya ng Cavite.

Sa loob din ng samahan ay mayroong isang lihim na kamara, na tinatawag na Camara Reina, na pinamumunuan ni Bonifacio, Jacinto, at Pio Valenzuela. Ang kamarang ito ay naglilitis sa sinumang nagtaksil sa kanilang mga sinumpaan at sa mga inaakusahan ng ilang mga paglabag sa mga alituntunin ng Katipunan. Ang bawat katipunero ay mayroong pagkahangang pagkatakot sa kamarang ito. Ayon kay Jose P. Santos, sa buong panahon ng pag-iral ng kamarang ito, mayroong limang mga Katipunero ang nahatulan at nasintensyahan ng kamatayan. Ang sintensyang kamatayan ay ibinababa sa pamamagitan ng isang tasa na may serpyente na nakapalibot dito.

Noong 1892, matapos na maitatag ang Katipunan, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Arellano bilang pangulo, Bonifacio bilang tagasiyasat, Diwa bilang taga-usig, Plata bilag kalihim at Diaz bilang tagaingat-yaman.

Noong 1893, ang mga bumubuo ng Kataastaasang Sanggunian ay sina Ramon Basa bilang pangulo, Bonifacio bilang tagausig, Jose Turiano Santiago bilang kalihim, VIcente Molina bilang tagaingat-yaman at sina Restituto Javier, Briccio Pantas, at Teodoro Gonzales. Sina Gonzales, Plata at Diwa ay mga kasangguni. Sa ilalim ng pamumuno ni Basa nagkaroon ng Katipunan ng isang pangkat para sa mga kababaihan. Ang mga naging unang kasapi nito ay sina Gregoria de Jesus, na siyang kakakasal lang kay Bonifacio, at Marina Dizon, anak ni Jose Dizon. Noong 1893 ay naitatag nina Basa at Diwa ang sangguniang probinsya ng Cavite, na siyang magiging pinakamatagumpay na sanggunian ng Katipunan.

Naiulat ng iskolar na Pilipino na si Maximo Kalaw na isinuko ni Basa ang pagkapangulo kay Bonifacio noong 1984 dahil sa alitan ukol sa pagiging pakinabang ng mga ritwal pangbunsod at sa pamamalakad ni Bonifacio sa samahan. Tinutulan pa ni Basa ang gawain ni Bonifacio na pautangin ang mga nangangailangang mga kasapi gamit ang pondo ng samahan, na ginagamitan pa ng liham pangako. Ang isa pa nito, hindi rin pinasali ni Basa ang kaniyang anak sa samahan.

Sa taon din ng 1894 sumapi sa Katipunan si Emilio Jacinto, pamangkin ni Dizon na nag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Siya ang bumuo sa mga prinsipyo ng samahan at isinulat niya ito sa isang aklat na tinatawag na Kartilla. Isinulat ito sa wikang Tagalog at kinakailangan ang mga gustong sumapi na manumpa dito ng buong puso bago pa man sila isalang sa ritwal pambunsod. Dahil dito kinilala si Jacinto bilang Utak ng Katipunan.

Sa panahon ding iyon, naging patnugot si Jacinto ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ngunit isang isyu lang nailathala, dahil noong inihahanda ang pangalawang isyu ay natuklasan ang Katipunan. Inilimbag ang Kalayaan gamit ang palimbagan ng Diario de Manila na isang pahayagang Kastila. Ang palimbagang ito at ang mga manggagawa dito ay magkakaroon ng malaking papel sa pagsiklab ng rebolusyon.

Noong 1895 ay pinatalsik sa samahan si Jose Turiano Santiago, na isang malapit na kaibigan ni Bonifacio, dahil nahulog ang isang kinodigong mensahe ng Katipunan sa kamay ng isang Kastilang pari na nagtuturo sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil kaibigan ng pari ang kapatid ni Santiago, inakusahan siya at maging ang kaniyang kapatid sa labas na si Restituto Javier ng pagtataksil. Sa kabila nito mananatiling tapat ang dalawa sa Katipunan, at kinalaunan ay sasapi rin si Santiago sa hukbong rebolusyonaryong Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Jacinto ang pumalit kay Santiago bilang kalihim.

Noong mga unang araw ng 1895, nagpatawag ng pagpupulong si Bonifacio. Ihinalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.

Noong 31 Disyembre 1895, isang halalan ang muling ginanap, at nahalal sina Bonifacio bilang pangulo, Jacinto bilang tagausig, Santiago bilang kalihim, Molina bilang kalihim, Pio Valenzuela at Pantaleon Torres bilang manggagamot, at Aguedo del Rosario at Doroteo Trinidad bilang kasangguni.

Ang mga naging kasapi ng Kataastaasang Sanggunian noong 1895 ay sina Bonifacio bilang pangulo, Valenzuela bilang tagausig at manggagamot, Jacinto bilang kalihim, at Molina bilang tagaingat-yaman. Sina Enrico Pacheo, Pantaleon Torres, Balbino Florentino, Francisco Carreon at Hermenegildo Reyes ang naging mga kasangguni.

Matapos ang walong buwan, noong Agosto 1896, nagkaroon ng halalan para sa ikalima at kahulihulihang Kataastaasang Sanggunian sa mga posisyong binago ang pangalan. Ihinalal sina Bonifacio bilang Supremo, Jacinto bilang Kalihim ng Estado, Plata bilang Kalihim ng Digmaan, Brico Pantas bilang Kalihim ng Hukuman, Aguedo del Rosario bilang Kalihim ng Panloob at Enrice Pacheco bilang Kalihim ng Pananalapi.

Patuloy na nag-aakay ng mga bagong kasapi ang Katipunan sa mga sumunod na apat na taon. Noong panahon na natuklasan ang Katipunan, itinaya ng manunulat ng Amerikano na si James Le Roy na ang dami ng mga Katipunero ay umaabot sa 100,000 hanggang 400,000 mga kasapi. Itinaya ng historyador na si Teodoro Agoncillo na ang mga kasapi ay lumago hanggang 30,000 noong 1896. Itinaya ng manunulat na Ilokano na si Isabelo de los Reyes na ang mga naging kasapi ay nasa 15,000 hanggang 50,000.

Maliban sa Maynila, nagkaroon din ang Katipunan ng mga malagong sangay sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Mayroon ding mga mas maliit na sangay sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasian at sa Kabikulan. Iginugol ng mga tagapagtatag ng Katipunan ang kanilang libreng oras sa pag-aakay ng mga kasapi. Halimbawa, si Diwa na isang kawani ng isang korteng hukuman, ay itinalaga sa isang hukuman pangkapayapaan sa Pampanga. Nag-akay siya ng mga kasapi sa probinsyang iyon at maging sa karatig-probinsya ng Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Karamihan sa mga Katipunero ay mga karaniwang tao ngunit mayroon ding mga mayayamang mga makabayan na sumapi sa Katipunan at kinilala ang pamumuno ni Bonifacio.

Kasama na sa orihinal na balak ni Bonifacio ang pagpapalawak ng kasapian ng Katipunan sa pamamagitan ng sistemang patatsulok. Nabuo niya ang kauna-unahang tatsulok kasama ang kaniyang dalawang mga kasamang sina Teodoro Plata at Ladislaw Diwa. Tinuro ng bawat isa ang kaisipang Katipunan sa dalawa pang mga bagong kasapi. Alam ng nagbuo ng tatsulok ang dalawang mga bagong kasapi, ngunit hindi alam ng huli ang isa't isa. Ngunit binuwag ang sistemang ito noong Disyembre 1892 dahil sa pagiging kumplikado ng prosesong ito, at pinalitan ito ng bagong sistema ng pagsasapi na hango sa Masonerya.

Noong umabot na sa higit sandaang kasapi ang Katipunan, hinati ni Bonifacio ang mga kasapi sa tatlong antas: ang Katipon na pinakamababang antas; ang Kawal, at ang Bayani. Sa pagpupulong ng samahan, nagsusuot ang mga Katipion ng itim na talukbong na may tatsulok ng puting laso na may mga titik na Z. Ll. B, na kumakatawan sa romanong A. N. B. na nangangahulugang Anak ng Bayan. Nakasuot naman ang mga Kawal ng lunting talukbong na may medalya na may mga titik ka sa sulat na Baybayin sa itaas ng imahe ng naka-krus na mga espada at watawat. Ang kontrasenyas ay Gom-Bur-Za, na hinango sa tatlong martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Nakasuot naman ang mga Bayani ng pulang maskara na may sintas, na may lunting gilid, na sumisimbolo sa katapangan at pag-asa. Ang harapan ng maskara ay may puting linya na bumubuo sa tatsulok na may tatlong titik K na nakahanay sa bawat panloob na sulok ng tatsulok, at may mga titik na Z. Ll. B. sa ibaba. Ang kontrasenyas ay Rizal. Ginagamit ang mga kontrasenyas para makilala nila ang iba nilang kasapi sa lansangan. Kapag nagkikita ang isang kasapi sa isa pang kasapi, nilalagay niya ang kaniyang kanang palad sa dibdib, at habang padaan siya sa kasaping iyon ay isinasara niya ang kaniyang mga kamay upang maidikit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo sa kanang kamay. 

Mga nakatalagang kulay:

Maaaring maging Kawal ang Katipon kapag nakapagdala siya ng mga bagong kasapi sa kilusan. Maaaring maging Bayani ang Kawal kapag nahalal siya bilang isang opisyal ng samahan.

Anumang tao na nais sumapi sa Katipunan ay dumadaan sa mga ritwal na halintulad sa mga ritwal ng Masonerya upang subukin ang kaniyang katapangan, pagka-makabansa at katapatan. Tatlong bagong kasapi ang dumadaan sa mga panimulang ritwal kada pagkakataon, upang sa ganoon ay walang kasapi ang makaalam sa higit na dalawang iba pang mga kasapi sa samahan. Tinatakluban ang mata ng baguhan at dinadala siya sa isang madilim na silid na pinapailawan ng iisang kandila at may itim na kurtina, at inaalis ang kaniyang taklob sa mata niya. Dalawang mga paalala ang nakapaskil papasok ng silid:

Sa loob ng silid ay idadala sila sa isang hapag na mayroong bungo at bolo. Doon ay isusumpa nila ang mga pang-aabuso ng pamahalaang Kastila at mamamanatang lalabanin ang panggigipit ng mga dayuhan:

Noong panahon ni Bonifacio, lahat ng mga Pilipino ay tinatawag ng Katipunan bilang mga Tagalog, at ang Pilipinas bilang Katagalugan.

Ang sumunod na hakbang sa panimulang ritwal ay ang pagtuturo na pinamumunuan ng tagapamahala ng seremonya na tinatawag na Mabalasig/Mabalasik, na siyang nagpapayo sa baguhan na umatras kung wala siyang tapang dahil wala siyang kalulugaran sa lipunang makabayan. Kung nais magpatuloy ng baguhan, ay pinapakilala siya sa asamblea ng mga magkakapatid, kung saan sinasabak siya sa iba't ibang mga pagsubok tulad ng pagtataklob sa kanyang mga mata at ipapabaril sa kaniya kunwari ang isang tao gamit ang rebolber, o ipapatalon siya sa kunwaring mainit na apoy. Pagkatapos ng mga pagsusubok ay ang huling ritwal: ang pacto de sangre o ang pagsasandugo, kung saan nilalagdaan ng baguhan ang isang sumpa gamit ang dugo na galing sa kaniyang braso. Pagkatapos ay tatanggapin siya bilang isang ganap na kasapi, na may simbolikong pangalan kung saan siya makikilala sa loob ng Katipunan. Ang simbolikong pangalan ni Bonifacio ay Maypagasa, si Jacinto bilang Pingkian at si Artemio Ricarte bilang Vibora.

Noong una ay mga kalalakihan lamang ang tinatanggap sa Katipunan. Dahil sa pag-aalala sa mga pag-uusisa sa mga kababaihan ukol sa mga gabi-gabing pagkawala ng kanilang mga asawa, sa pagbawas ng kanilang kita at mahabang oras ng paggawa, pinasya ni Bonifacio na dalhin sila sa loob ng KKK. Isang pangkat ng mga kababaihan sa Katipunan ang binuo: at upang makasapi ay kailangan niyang maging asawa, anak o kapatid ng lalaking katipunero. Tinatayang mga 20 hanggang 50 kababaihan ang naging kasapi ng lipunan.

Ang unang kababaihan na naging kasapi ng Katipunan ay si Gregoria de Jesus, maybahay ni Bonifacio. Tinawag siyang Lakambini ng Katipunan. Noong una ay mga 29 kababaihan ang pinasapi sa Katipunan: sina Gregoria de Jesus, Maria Dizon, pangulo ng pangkat ng mga kababaihan; sina Josefa at Trinidad Rizal, mga kapatid ni Dr. Jose Rizal; Angelica Lopez at Delfina Herbosa Natividad, malapit na kamag-anak ni Dr. RIzal; Carmen Rodriguez; Marina Hizon; Benita Rodriguez; Semiona de Remigio; Gregoria Montoya; Agueda Kabahagan, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, na tinatawag na Ina ng Biak-na-Bato; Nazaria Lagos; Patronica Gamboa; Marcela Agoncillo; Melchora Aquino, ang Dakilang Matandang Babae ng Balintawak; Marta Saldaña at Macaria Pangilinan.

Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa Katipunan. Iningatan nila ang mga lihim na papeles at dokumento ng lipunan. Kapag may nagaganap na pagpupulong ang Katipunan sa isang bahay, masasaya silang nag-aawitan at nagsasayawan kasama ang ilang mga kalalakihan sa sala upang walang makitaan ang mga guwardya sibil liban sa isang inosenteng piging sosyal.

Bagaman sinasabing mga kasapi ng Katipunan ang mga kababaihan, iilan lang ang mga nakalap na impormasyon ukol sa pangkat ng mga kababaihan, at ang ilan pa sa kanila ay magkakasalungat. Halimbawa, inalis ni Teodora Agoncillo si Marina Dizon at sinabing si Josefa Rizal lamang ang naging Pangulo ng nasabing pangkat. Ngunit binanggit ni Gregorio Zaide ang tungkol sa pagkapangulo ni Dizon sa kaniyang aklat na History of the Katipunan (Kasaysayan ng Katipunan) noong 1939, ngunit binago niya ito noong inangkin niya ang kuro-kuro ni Dr. Pio Valenzuela na hindi naghahalal ng mga opisyal ang mga babaeng kasapi, kaya walang maaaring puwesto para sa pangulo.

Sa buong panahon ng Katipunan ay umusbong ang panitikan sa pamamagitan ng mga prominenteng manunulat tulad ni Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Dr. Pio Valenzuela.  Ang bawat mga katha nila ay ukol sa makabayang damdamin at naglalayon na palawigin ang kaisipang rebolusyonaryo at saloobin ng lipunan.

Kalayaan ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Una itong inilimbag noong Marso 1896 (bagaman nakapetsa ito sa Enero 1896). Hindi na nasundan ang isyu na ito.

Noong 1895, nakabili ang Katipunan ng isang lumang manu-manong imprentahan gamit ang salaping pinagkaloob ng dalawang makabayang Bisaya, sina Francisco del Castillo at Candido Iban, na bumalik sa bansa matapos magtrabaho sa Australia bilang tagasisid ng perlas at kabibi, at nakakuha ng salapi mula sa panalo sa loterya.  Kasama sa biniling imprentahan ang kaunting piraso ng mga typeface mula sa Bazar el Cisne ni Antonio Salazar sa Kalye Carriedo, at dinala ni Del Castillio ang mga ito sa bahay ni Andres Bonifacio sa Santa Cruz, Maynila. Noong 1 Enero, 1896, tinanggap ni Valenzuela ang posisyon bilang piskal ng Katipunan kapalit ang pahintulot ni Bonifacio na ilagay ang imprentahan sa kaniyang bahay sa Kalye de Lavezares, San Nicolas, Maynila, upang masubaybay at mapatnugot ang buwan-buwang paglilimbag ng magiging pangunahing pahayagan ng Katipunan. Pumayag si Bonifacio, at sa kalagitnaan ng Enero ay idinala ang imprentahan sa San Nicolas.

Si Dr. Valenzuela ang nagmungkahi ng pangalang Kalayaan, na siya namang sinang-ayunan ni Bonifacio at ni Jacinto. Bagaman napili si Valenzuela bilang patnugot ng pahayagan, pinagpasya nilang lahat na gamitin ang pangalan ni Marcelo H. del Pilar bilang patnugot. Para malito ang rehimeng Kastila, ipinahayag ng Kalayaan na nililimbag ito sa Yokohama, Hapon.

Sa buwan ding iyon nagsimula ang paglilimbag ng Kalayaan. Inasahan ni Valenzuela na matatapos ito sa katapusan ng buwan, kaya pinetsa nila ito sa Enero. Pinanatili nilang lihim ang pagkakaroon ng palimbagan. Sa pangangasiwa ni Valenzuela, dalawang taga-imprenta, sina Faustino Duque, mag-aaral ng Colegio de San Juan de Letran, at si Ulpiano Fernandez, na nagtatrabaho din sa El Comercio bilang taga-imprenta, ang nag-imprenta ng mga panitikang rebolusyonaryo ng lipunan at ng Kalayaan.

Noong tinalaga si Valenzuela bilang pangkalahatang manggagamot ng Katipunan, ipinasa niya ang responsibilidad sa paglilimbag kay Emilio Jacinto. Tinanggap ni Jacinto ang trabaho, at pinapatnugot niya ang mga artikulo matapos ang kaniyang klase sa Pamantasan ng Santo Tomas. Dahil nasa lumang ortograpiya ang palimbagan at hindi sa kung tawagin ng mga Kastila ay mga alpabetong sina-Aleman, wala itong mga titik sa Tagalog gaya ng k, w, h at y. Upang matugunan ang suliraning ito, pinakiusapan ni Jacinto ang kaniyang inang si Josefa Dizon na bumili ng mga typeface na katulad ng mga nabanggit na titik. Binili ang mga type na ito mula sa tagalimbag na si Isabelo de los Reyes, ngunit marami ang lihim na kinupit mula sa palimbagan ng Diario de Manila ng mga Pilipinong manggagawa na kasapi ng Katipunan.

Ayon kay Valenzuela, sadyang matrabaho ang proseso ng pag-imprenta, kaya ang pagbuo sa walong pahina ng typeset ay inaabot ng dalawang buwan. Nagsalit-salitan sina Jacinto, Duque at Fernandez (at minsan, si Valenzuela) sa pagbuo sa mga pahina ng Kalayaan, na tinatayang  may sukat na siyam na pulgada ang lapad at labindalawang pulgada ang taas. Noong Marso 1896, inilabas ang unang mga kopya (nakapetsa bilang Enero 1896) at mga 2,000 kopya ang lihim na pinalaganap, ayon kay Valenzuela. Ayon kay Epifanio de los Santos, 1,000 kopya lamang ang nailimbag: 700 ang pinalaganap ni Bonifacio, 300 ni Aguinaldo, at 100 ni Valenzuela.

Ang mga katuruan ng Katipunan ay isinulat sa isang dokumento na nagngangalang Kartilya ng Katipunan, isang aklat na inimprenta sa wikang Tagalog. Ipinamahagi ang mga sipi nito sa mga kasapi ng lipunan.

Isinulat ang Kartilya ni Emilio Jacinto, at kinalauna'y bahagyang binago ni Emilio Aguinaldo. Ang binagong bersyon ay naglalaman ng labintatlong mga katuruan (ngunit ayon sa ilang mga sanggunian, tulad ng isang ibinigay ng Komisyong Sentenaryo ng Pilipinas, ay naglista lamang ng labindalawa ). Ang salitang kartilya ay hango sa salitang Kastila na cartilla', na tumutukoy sa mga panimulang aklat na ginagamit ng mga mag-aaral bago sila magsimulang pumasok sa paaralan sa mga panahong iyon.

Ayon sa Pilipinong manunulat at historyador na si Hermenegildo Flores, ang opisyal na wika ng Katipunan ay Tagalog, at gumagamit ng alpabeto na halos katulad sa Alpabetong Kastila ngunit may ibang kahulugan at ang paraan ng pagbasa dito ay binago. Dinagdagan ang mga kudlit upang idiin ang pagkakaroon ng ng at mga sa ortograpiyang Tagalog. Ayon sa Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Bonifacio at sa KKK ni Flores:

Ang mga sumusunod ay ang alpabeto ng Katipunan, na inihambing sa alpabetong Kastila:

Noong gabing ipinatapon ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol y Dusay si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ang Katipunan.

Sa isang lihim na pagpupulong ng Katipunan sa may maliit na estero kung tawagin ay Bitukang Manok malapit sa Pasig noong 4 Mayo 1896, pinagpasyahan ni Bonifacio at kaniyang mga tagasangguni na konsultahin si Rizal ukol sa pagpapasya sa himagsikan. Ipinadala ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela bilang emisaryo ng Katipunan sa Dapitan. Ito ay upang ipaalam kay Rizal ukol sa plano ng Katipunan na maglunsad ng himagsikan, at kung maaari, ng digmaan laban sa Espanya. Noong katapusan ng Mayo 1896, bumisita si Dr. Valenzuela si Rizal sa Dapitan at kaniya itong kinapanayam. Bilang pagtatakip, sinamahan si Dr. Valenzuela ng isang lalaking bulag na nagngangalang Raymundo Mata, dahil sa mga panahong iyon kilala si Rizal bilang isang espesyalista sa mata.

Dumating si Valenzuela sa Dapitan noong 21 Hunyo, kung saan sinalubong siya ni Rizal. Pagkatapos ng hapunan, binanggit ni Valenzuela ang kaniyang tunay na pakay kung bakit siya pumunta sa Dapitan at sa pangangailangan ng pagkuha ng suporta ni Rizal. Ayon kay Valenzuela, sumagot lamang si Rizal ng, Huwag, huwag! Iya'y makakasama sa bayang Pilipino!

Tumutol si Rizal sa balak ni Bonifacio na ihatid ang bansa tungo sa madugong himagsikan. Naniniwala siya na wala pa sa panahon dahil sa dalawang mga kadahilanan:

Dahil sa pahayag nito, nagbigay muli ng isa pang mungkahi si Valenzuela kay Rizal: ang sagipin siya. Hindi rin pumayag si Rizal sa balak na ito, dahil nakapagbigay siya ng pangako sa pamahalaang Kastila, at hindi niya nais itong sirain.  Sa halip, pinanukala ni Rizal si Valenzuela na hikayatin ang mga mayayamang mga Pilipino upang makalikom sila ng mga pondo, at inimungkahi din niya ang isang opisyal ng sandatahan na nagngangalang Antonio Luna upang maging kalihim ng digmaan ng Katipunan, kung bakasakaling pumutok ang himagsikan. Ayon sa pahayag ni Valenzuela sa pamahalaang Kastila, halos magsagutan sila dahil sa mga bagay na ito at lumisan si Valenzuela kinabukasan sa halip na manatili ng isang buwan gaya ng naunang napagpasyahan.

Noong makabalik si Valenzuela sa Maynila at ipinaalam sa Katipunan ang kaniyang kabiguan na makuha ang suporta ni Rizal ay nagalit si Bonifacio, at binalaan si Valenzuela na huwag ipaalam kaninoman ang hindi pagsang-ayon ni Rizal sa pagsuporta sa napipintong himagsikan. Ngunit nabanggit na ni Valenzuela ang tungkol dito sa marami, kaya karamihan sa mga pag-alok para sa pondo ng lipunan ay nakansela. Sa kabila ng pagtutol ni Rizal, sinusubukan nang masolusyonan ng Katipunan ang kakulangan  sa sandata at gumagawa na ng paraan para makapagpuslit ng mga sandata mula sa ibang bansa.

Noong siya ay inililitis, tinanggi ni Rizal na kilala niya si Valenzuela, at sinabi na sa una pa lang na pagkakataon nagkita sila sa Dapitan at itinuturing niyang mabuti siyang kaibigan dahil sa mga pinakita ni Valenzuela sa kaniya at sa kaniyang pagpapahalaga sa gamit panggamot na ibinigay ni Valenzuela sa kaniya. Idinagdag pa niya na ito rin ang huling pagkakataon na nagkita sila.

Sa kabila ng pagtutol ni Rizal sa marahas na himagsikan, itinuloy pa rin ni Bonifacio ang balak sa marahas na pakikipagdigma sa Kastila. Binalak ng Katipunan na humingi ng tulong sa Hapon, na sa noong panahong iyon ay tinitingala bilang kampeon ng paglaya ng Asya laban sa panggigipit ng Kanluran. Noong Mayo 1896, matapos ang pagbisita ni Valenzuela kay Rizal, lumapit ang isang delegasyon ng Katipunan, na pinamumunuan nina Jacinto ang Bonifacio, sa isang opisyal ng hukbong dagat at kapitan ng barkong Hapon na nagngangalang Kongo, na siyang bumibisita sa bansa, at sa isang konsul ng Hapon sa isang tiyanggeng Hapon sa Maynila. Ang nagsilbing tagasalin ng grupo ay isang kaibigan ni Valenzuela na nagngangalang Jose Moritaro Tagawa, na kasal sa isang Filipina mula sa Bocaue, Bulacan.

Matapos makipagpalitan ng kortesiya, ipinadala ni Jacinto ang memorial ng Katipunan para sa Emperador ng Hapon kung saan nagdasal ang mga Pilipino para sa tulong ng mga Hapon sa kanilang nalalapit na himagsikan, upang ang liwanag ng kalayaan na sumisinag sa Hapon ay siya ding suminag sa Pilipinas.

Isa ding magandang dahilan kung bakit humingi ang Katipunan ng tulong at alyansa ng Hapon. Naging mabuti ang Hapon sa mga Pilipino simula ng kolonisasyon ng Kastila. Maraming mga Pilipino na tumakas mula sa panggigipit ng mga Kastila ang binati at binigyan ng lubos na pagtatanggol ng mga batas ng Hapon. Tinangka ni Bonifacio na bumili ng sandata at mga munisyon mula sa Hapon, ngunit nabigo dahil sa kakulangan ng pondo at sa pagkakatuklas ng Katipunan. Si Jose Dizon ay bahagi ng komite na binuo ng Katipunan upang makakuha ng sandata mula sa Hapon sa pamamagitan ng sabwatan sa kapitan ng barkong Hapon. Tatlong buwan ang lumipas, natuklasan ang Katipunan at isa si Dizon sa mga daan-daang dinakip dahil sa rebelyon.

Habang abala ang Katipunan sa paghahanda sa himagsikan, may iilang mga ulat patungkol sa lihim na samahang ito ang nakarating sa pamunuan ng mga Kastila. Noong 5 Hulyo, 1896, inulat ni Manuel Sityar, isang Kastilang tinyente ng gwardya sibil na nakahimpil sa Pasig, kay Gobernador-Heneral Ramon Blanco y Erenas ang tungkol sa mahiwagang mga galaw ng iilang mga Pilipino na nag-iipon diumano ng mga sandata at tauhan sa hindi pa malamang layunin. Noong 13 Agosto 1896, sumulat si Padre Agustin Fernandez, isang kura ng Agustino sa San Pedro, Makati, kay Don Maneul Luengo, Gobernador Sibil ng Maynila, ang kanyang pagtuligsa sa mga pagpupulong laban sa Kastila na nagaganap sa kaniyang parokya.

Natuklasan din ng mga Kastila ang Katipunan anim na araw matapos maipadala ang sulat ni Fernandez kay Luengo. Sa mga unang araw ng Agosto 1896, dalawang mga Katipunero, sina Teodoro Patiño at Apolonio de la Cruz, na nagtatrabaho sa imprentahan ng Diario de Manila (pangunahing pahayagan ng mga araw na iyon) ang nagkaroon ng alitan ukol sa sahod. Ang pinagtatalunan ni de la Cruz, na siyang katiwala sa imprentahan, at ni Patiño na isang typesetter, ay ukol sa karagdagang sahod na dalawang piso. Sinisi ni de la Cruz si Patiño ukol sa mga nawawalang mga kagamitan sa imprentahan na ginamit sa Kalayaan. Bilang ganti kay de la Cruz, binunyag ni Patiño ang lihim ng lipunan sa kaniyang kapatid na babae, si Honoria Patiño, na nagmamadre sa Ampunan ng Mandaluyong. Noong hapong iyon ng 19 Agosto 1896, nabigla si Honoria at nabalisa sa himagsikan. Nakita ng madre superiora ng Ampunan, si Sor Teresa de Jesus, si Honoria na umiiyak kaya niya ito kinausap. Ikinwento ni Honoria ang lahat ng mga binunyag ng kaniyang kapatid. Noong 6:15 ng gabi ding iyon, tinawag ni Sor Teresa si Teodoro Patiño at minungkahi na sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman ukol sa Katipunan sa pamamagitan ng pagkumpisal kay Padre Mariano Gil.

Dahil sa kanyang takot sa Impyerno, nilapitan ni Teodoro si Padre Gil, isang Agustinong kura paroko ng kumbento ng Tondo. Bagaman nais niyang ibunyag ang lahat tungkol sa Katipunan, kinumpisal ni Teodoro kay Padre Gil tungkol sa isang batong litograpo na nakatago sa silid-imprentahan ng Diario de Manila na ginagamit ng samahan sa pag-imprenta ng mga resibo sa pag-imprenta. Sinabi din niya na maliban sa mga bato, mayroon ding mga dokumento ng pagsasapi (na ginagamitan ng dugo ng kasapi sa paglagda) na nakatago, kasama dito ang larawan ni Dr. Jose Rizal at ilang mga punyal na ginawa para sa mga trabahador ng pahayagan na kasapi din ng Katipunan.

Dahil sa kaniyang pag-alarma sa katotohanan ng isang lihim na samahan, pumunta si Padre Gil kasama ang mga lokal na otoridad na Kastila ang imprentahan ng Diario de Manila at nila itong hinalughog, at natagpuan nila ang mga ebidensya. Nakita din nila si Apolonio de la Cruz na may dalang punyal na ginagamit sa ritong panimula ng Katipunan at ilang mga listahan ng mga bagong kasapi. Matapos ang pagdakip, dagliang sumugod si Padre Gil kay Gobernador-Heneral Blanco upang tuligsain ang balak na himagsikan ng Katipunan. Agad na kumilos ang mga Kastila, at pinadakip ang iilang mga katao, kabilang na ang hindi mabilang na mga inosente na sapilitang pinapunta sa Fort Santiago.

Ang pagtaksil diumano ni Patiño ay naging karaniwang bersyon kung paano sumabog ang himagsikan noong 1986. Ngunit noong dekada 1920, pinatawag ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang isang pangkat ng dating mga Katipunero upang kumpirmahin ang katotohanang ito. Tinanggi ni Jose Turiano Santiago, malapit na kaibigan ni Bonifacio at pinatalsik noong 1895, ang kuwentong ito. Giniit niya na si Bonifacio mismo ang nag-utos kay Patiño na ibunyag ang lipunan upang padaliin ang Himagsikang Pilipino at sa ganon ay hindi makatanggi ang mga kasapi.

Ibang bersyon naman ng mga kaganapan ang binigay ng historyador na si Teodoro Agoncillo. Ayon sa kaniya, binunyag ni Patiño ang tungkol sa lihim na samahan sa kaniayng kapatid na si Honoria, matapos ang alitan kay Apolonio de la Cruz, na isa pang kasapi ng lipunan na kasama niyang nagtatrabaho sa Diario de Manila na siyang pinapatakbo ng mga Kastila. Nagulat si Honoria, na nakatira sa kumbento, tungkol sa balitang nito at binunyag kay Sor Teresa, na madre portrera ng ampunan, na siyang nagmungkahi kay Patiño na ibunyag ag lahat kay Padre Mariano Gil. Noong 19 Agosto, binunyag ni Patiño kay Padre Mariano ang kaniyang mga nalalaman ukol sa lihim na lipunan. Pinuntahan at hinalughog ni Padre Mariano at ang may-ari ng Diario de Manila ang imprentahan, at natagpuan nila ang mga batong litograpo na ginamit sa pag-imprenta ng mga resibo ng Katipunan. Matapos ang pagkakatuklas na ito, sapilitang pinabukas ang laker ni Policarpio Turla, na may-ari ng lagda na natagpuan sa mga resibo, at nakita nila ang punyal, mga alituntunin ng samahan, at iba pang mga dokumento. Binigay nila ito sa mga pulis, at dahil dito humigit kumulang 500 katao ang pinadakip at kinasuhan ng ilegal na pagsapi at pagtataksil.

Sa isa pang bersyon, ang pag-iral ng Katipunan ay natuklasan ng mga namamahala sa pamamagitan ni Teodoro Patiño, na siyang nagbunyag nito sa isang Kastila na nagngangalang La Font, pangkalahatang tagapamahala ng imprentahan ng Diario de Manila. Nasangkot si Patiño sa isang alitan ukol sa sahod kasama angisa pang katrabaho at Katipunero din na si Apolonio de la Cruz, at binunyag niya ang Katipunan bilang ganti. Pinapunta ni La Font ang isang Kastilang tinyente ng kapulisan sa imprentahan at sa pupitre ni Apolonio, kung saan nila natagpuan ang mga kagamitan ng Katipunan tulad ng pantatak, maliit na aklat, ledger, panunumpa ng mga kasapi na nilagdaan ng dugo, at ang talaan ng mga kasapi ng sangay ng Maghiganti ng Katipunan.

Mula noong 24 Agosto 1896, naging bukas na pamahalaang rebolusyonaryo ang Katipunan, at idineklara nila ito bilang isang lehitimong pamahalaan. Bagaman wala pang matibay na istraktura, sariling mga batas at sentralisadong pamamahala ang samahan, natagpuan nila itong gumagana kung kailan pa lamang nagsimula ang himagsikan.

Noong nalaman ng pamunuan ng Katipunan ang mga pagdakip, pinatawag ni Bonifacio ang lahat ng mga probinsyang sanggunian upang pagpasiyahan ang armadong himagsikan. Ang pagpupulong ay ginanap sa bahay ni Apolonio Samson sa isang baryo na tinatawag na Kangkong sa Balintawak. Humigit-kumulang 1,000 mga Katipunero ang dumalo sa pagpupulong ngunit bigo silang pagpasyahan ang suliranin.

Nagpulong muli sila sa isa pang baryo sa Balintawak kinabukasan. Sa ngayon ay nagdedebate pa rin ang mga historyador kung naganap ba ang pagpupulong na ito sa bakuran ni Melchora Aquino o sa bahay ng kaniyang anak na si Juan Ramos. Naganap ang pagpupulong noong Agosto 23 o 23.  Sinasabi na sa pangalawang pagpupulong na ito napagpasyahan ng mga dumalong Katipunero ang armadong himagsikan at pinunit nila ang kanilang mga sedula bilang tanda ng kanilang kapasiyahan sa himagsikan. Nagkasundo din ang mga Katipunero na lusubin ang Maynila sa Agosto 29.

Ngunit nalaman din ng mga Kastilang guwardya sibil ang pagpupulong at naganap ang unang bakbakan sa Labanan sa Pasong Tamo. Noong una ay nakakalamang ang Katipunan, ngunit kinalaunan ay nagapi sila ng mga Kastila. Umatras si Bonifacio at kaniyang mga tauhan patungong Marikina sa pamamagitan ng pagdaan sa Balara na ngayon ay bahagi ng Lungsod Quezon. Pagkatapos ay tumungo sila sa San Mateo (bahagi ng Rizal sa kasalukuyan) at kinubkob ang bayan. Ngunit matapos ng tatlong araw ay nabawi ng mga Kastila ang bayan. Matapos makapagtipon muli, napagpasyahan ng Katipunan na huwag direktang lusubin ang Maynila ngunit napagkasunduan nila na kubkubin ang armeriya at garison sa San Juan.

Noong Agosto 30, nilusob ng Katipunan ang 100 sundalong Kastila na nagtatanggol sa armeriya sa Labanan ng San Juan del Monte o Labanan sa Pinaglabanan. Humigit-kumulang 153 mga Katipunero ang nasawi sa labanan, ngunit kailangang umatras ang Katipunan noong parating ang mga karagdagang mga kawal na Kastila. Humigit sa 200 ang nabihag. Samantala, nagsimulang mag-alsa ang mga Katipunero sa iba pang mga bayan sa Maynila, tulad ng sa Kalookan, San Pedro de Tunasan (ngayo'y Makti), Pateros at Taguig. Kinahapunan, dineklara ni Gobernador Heneral Camilo de Polavieja ang batas militar sa Maynila at sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija. Ganap nang nagsimula ang himagsikang Pilipino.

Sa Bulacan, inatake ang Kilusang Rebolusyonaryo ng Bulacan ng hukbong artileriya na sa panahong iyon ay pinakamalaking naitipon, sa kabiserang bayan ng Bulacan. Tumungo din ito sa Labanan ng San Rafael, kung saan pinaligiran at nilusob ni Heneral Anacleto Enriquez at kaniyang mga kawal ang Simbahan ng San Rafael.

Sa kasagsagan ng Himagsikang Pilipino, naging mahalaga ang papel na ginampanan ng bayan ng Pandi sa pakikipaglaban sa kalayaan ng Pilipinas. Kilala ang Pandi dahil sa Dambana ng Real de Kakarong de Sili, kung saan naganap ang pinakamadugong himagsikan sa Bulacan, kung saan mahigit 3,000 mga Katipunero ang nasawi. Dito din sumilang ang Republika ng Real de Kakarong de Sili noong 1896, isa sa unang mga rebolusyonaryong republikang Pilipino na naitatag. Sa Kakarong de Sili tinipon ang mahigit 6,000 mga Katipunero mula sa mga kalapit bayan ng Bulacan ni Brigadyer Heneral Eusebio Roque, na kilala bilang Maestrong Serbio o Dimabungo, at binuo ang Republika ng Kakarong ilang araw matapos ang Sigaw sa Pugadlawin.

Ayon sa mga tagasaliksik at sa mga tala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan, ang Republika ng Kakarong ang kauna-unahan at lubos na organisadong pamahalaang rebolusyonaryo na naitatag sa bansa upang mapatalsik ang mga Kastila, bago pa man nabuo ang iba pang mas kilala pang mga republika tulad ng Republika ng Malolos at Republika ng Biak-na-Bato. Bilang pagkilala, ang mga tatlong Republikang ito na tinatag sa Bulacan ay inilagay sa selyo ng probinsya ng Bulacan.

Ayon sa mga umiiral na tala kasama ang talambuhay ni Heneral Gregorio del Pilar na pinamagatang Life and Death of a Boy General (Buhay at Kamatayan ng isang Batang Heneral) ni Teodoro Kalaw, dating tagapamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, isang moog ang tinayo sa 'Kakarong de Sili' tulad ng isang maliit na lungsod. Mayroon itong kalsada, sariling hukbong kapulisan, isang musikong banda, pagawaan ng palkone, bolo at pagawaan ng mga riple. Ang Republika ng Kakatong ay mayroong kumpletong hanay ng opisyal kung saan si Canuto Villanueva ang Kataas-taasang Pinuno at si Eusebio Roque o 'Maestrong Sebio' ang Brigadyer Heneral ng Hukbo. Nilusob at tuluyang nawasak ang moog noong 1 Enero 1897 ng malawak na hukbong Kastila na pinamumunuan ni Komandante Olaguer-Feliu. Si Heneral Gregorio del Pilar ay isa pa lamang tinyente noong mga panahong iyon at ang 'Labanan sa Kakarong de Sili' ang nagsilbi sa kaniya bilang binyag sa apoy. Dito siya unang nasugatan at tumakas patungo sa kalapit na barangay na 'Manatal'.

Itinayo ng Lohiya blg. 168 ng Kakarong ng 'Legionarios del Trabajo' ang Dambana ng Inang Filipina noong 1924 sa baryo ng Kakarong ng Pandi, Bulacan, bilang paggunita sa 1,200 mga Katipunerong nasawi sa labaann. Ang aktwal na pook ng 'Labanan ng Kakarong de Sili' ay bahagi na ngayon ng barangay 'Real de Kakarong'. Binisita ng isa sa mga pinakadakilang heneral sa kasaysayan ng Pilipinas, si Heneral Emilio Aguinaldo, na siyang naging unang Pangulo ng Pilipinas, ang sagradong pook noong dekada singkuwenta.

Bago pa man natukasan ang Katipunan, naghain ng aplikasyon si Rizal para maging manggagamot ng Hukbong Kastila sa Cuba upang maipakita sa mga Kastila ang kaniyang katapatan sa Espanya. Tinanggap ang kaniyang aplikasyon at dumating siya sa Maynila upang sumakay sa isang barko patungong Espanya noong Agosto 1896, ilang araw bago natuklasan ang lihim na samahan. Ngunit noong patungo na si Rizal sa Espanya, natuklasan ang Katipunan, at pinadala ang telegrama sa barko noong ito ay sa Port Said, at pinabalik siya sa Pilipinas upang humarap sa kaso sa pagiging utak ng himagsikan. Kinalaunan ay binitay siya sa pamamagitan ng pagbaril noong 30 Disyembre 1896 sa Bagumbayan, kasalukuyang Luneta.

Noong nililitis si Rizal sa isang militareng korte dahil sa pagtataksil, ang mga bilanggo na hinuli sa Labanan sa Pinaglabanan, sina Sancho Valenzuela, Ramon Peralta, Modesto Sarmiento, at Eugenio Silvestre, 
ay binaril noong 6 Setyembre 1896 sa Bagumbayan.

Anim na araw ang lumipas, binaril ang Labintatlong mga Martir ng Cavite sa Fort San Felipe sa Cavite.

Sinakdal din ng pamahalaang Kastila ang mga nahuli sa pagsalakay sa imprentahan ng Diario de Manila, kung saan nila natagpuan ang mga ebidensya na sumasangkot hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan, kundi maging ang mga mayayamang mga Pilipinong pinuno ng samahan.

Ang mga martir sa Bicol ay binaril sa Bagumbayan noong 4 Enero 1897. Sila ay sina Manuel Abella, Domingo Abella, priests Inocencio Herrera, Gabriel Prieto and Severino Díaz, Camio Jacob, Tomas Prieto, Florencio Lerma, Macario Valentin, Cornelio Mercado at Mariano Melgarejo.

Ngunit sa halip na takot, ang mga pagbitay na ito, lalu na ang kay Rizal, ang nagbigay pa ng mas matinding alab sa himagsikan. Sumisigaw ang mga Katipunero ng mga katagang tulad ng Mabuhay ang Katagalugan! (ang Katagalugan ay ang tawag ng Katipunan sa buong Pilipinas) at Mabuhay si Dr. Jose Rizal!. Para sa mga Katipunero, si Jose Rizal ang nagsisilbing Pandangal na Pangulo ng Katipunan.

Sa kasagsagan ng himagsikan laban sa Espanya, nagkaroon ng dalawang paksyon ang Katipunan, ang Magdiwang na pinamumunuan ni Hen. Mariano Alvarez at ang Magdalo na pinamumunuan ni Hen. Baldomero Aguinaldo, pinsan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Nakabase sila pareho sa Cavite.

Sa isang pagpupulong na ginanap sa Tejeros, Cavite, nagtipon ang mga rebolusyonaryo upang bumuo ng rebolusyonaryong pamahalaan. Doon natalo sa pagkapangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Bonifacio kay Emilio Aguinaldo at sa halip ay nahalal siya bilang Kalihim ng Interyor. Ngunit tinutulan ito ng mga kasapi ng paksyong Magdalo dahil umano'y hindi siya nakapag-aral kaya hindi nababagay sa kaniya ang posisyong ito. Nagalit si Bonifacio, at sa pamamagitan ng kaniyang pagiging Supremo ng Katiunan, ipinawalang bisa niya ang naging resulta ng pagpupulong. Sa kabila nito, kinabukasan din ay nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo sa Santa Cruz de Malabon (kasalukuyang Tanza) sa Cavite, kasama ang iba pang mga opisyales, maliban kay Bonifacio. Ipinadakip si Andres Bonifacio at maging ang kaniyang kapatid na si Procopio sa utos ni Aguinaldo at pinatay noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite. Inilibing sila sa libingan ng walang tanda. Dito nagtapos ang orihinal na Katipunan. Sa kabila nito ay hinalili ng paksyong Magdiwang ang pamumuno ng Katipunan, at ayon sa mga historyador, ang Magidwang ang naging karugtong ng Katipunan na siya nitong hinalilihan. 

Ang isa sa mga nagawa ng Katipunan-Magdiwang ay ang pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas. Mas kilala bilang Republika ng Malolos, ito ay isang rebolusyonaryong pamahalaan. Pormal itong itinatag sa pamamagitan ng proklamasyon ng Konstitusyon ng Malolos noong 23 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan at nanatili hanggang sa pagkaadakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga puwersang Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela, na siyang nagbuwag sa Unang Republika.

Marami ang namangha sa Kartilya ng Katipunan, kabilang dito ang mga banyaga na hindi katutubong mga Pilipino ngunit sumapi sa Katipunan upang suportahan ang pambansang kalayaan. Kabilang sa mga banyagang Katipunero ay sina Heneral Juan Cailles, isang mestisong Indyano at Pranses, Heneral Jose Ignacio Paua na isang Tsino, at si David Fogen na tenyenteng Aprikano-Amerikano na siyang kumalas sa mga Amerikano upang sumali sa mga Pilipino dahil sa kaniyang pagkamuhi sa rasismo at imperyalismo.

Dahil sa pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, nilipol ng mga Amerikano ang mga natitirang bakas ng Katipunan.




#Article 109: Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas (201 words)


Ang Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik o Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas ay itinatag noong 22 Marso 1897 sa Cavite. Si Heneral Artemio Ricarte ang unang naging Kapitan-Heneral. Pinangugunahan ng Katipunan ang hukbo.

Gumamit ang mga rebolusyonaryo hukbo ang 1896 edisyon ng Ordenanza del Ejercito ang Espanyol regular na hukbo o upang ayusin ang mga pwersa nito at makapagtatag ng character nito bilang isang modernong hukbo. Patakaran at regulasyon ay inilatag down para sa pagbabagong-tatag ng Army, ang mga bagong pamamaraan fighting ampon, regulasyon ng mga ranggo, pag-ampon ng bagong ranggo insignias at isang karaniwang unipormeng kilala bilang rayadillo. . Pilipino artist Juan Luna ay may-kredito ang desenyo Ang kanyang kapatid na lalaki ni General Antonio Luna kinomisyon sa kanyang mga gawain Juan Luna dinisenyo din ang tubong mga tanda para sa mga uniporme, tangi sa pagitan ng mga serbisyo;. Hukbong-lakad, kawalerya , artilerya, Sappers at Medics. hindi bababa sa isang tagapagpananaliksik ay postulated na Juan Luna ay maaaring patterned ang tunika pagkatapos ng Ingles malawak na amerikana, dahil ang bersyon na Filipino ay hindi isang kopya ng anumang unipormeng Espanyol ang pattern.

The evolution of Philippine revolutionary insignia can be divided into three basic periods; early Katipunan, late Katipunan and republican army.




#Article 110: Kabite (794 words)


Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Nagmula ang pangalang Cavite sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila. Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.

Populasyon. Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 base sa 2010 senso.

Wika. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles

Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.

Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite.  Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, SM City Trece Martires, SM Center Imus, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas, Robinsons Place Tagaytay at  Robinson's Place General Trias.

Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng teknolohiya sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito. Gayon pa man, ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape, paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan, kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang dumadaan sa Lungsod ng Tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng Batangas.

Ang lalawigan ng Cavite ay isa sa may pinaka mayaman na tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawAt lalawigan ng Cavite ang isat barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora dela Provincia de Cavite.Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong  Birheng may libong Milagro. And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa  kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay ibinase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga.Noong 17 Nobyembre 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahen. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdididwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahen ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque, Lungsod ng Cavite.

Nahahati ang lalawigan ng Kabite sa 16 mga bayan at 7 lungsod:

Lupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.

Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.

Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.

Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tag-tuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo.

 
   




#Article 111: Sarangani (113 words)


Ang Sarangani ay isang lalawigan ng Pilipinas na kabilang sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN sa pulo ng Mindanao. Alabel ang punong bayan nito at napapaligiran ng Timog Cotabato sa hilaga at Davao del Sur sa silangan. Nasa timog naman ang Dagat Celebes.  Nahahati ang lalawigan sa dalwang bahagi, pinaghihiwalay ng Look ng Sarangani, at dating kabilang ito sa Timog Cotobato hanggang naging malayang lalawigan noong 1992.

Ang Sarangani ay binubuo ng 7 munisipyo na hinahati ng Look ng Sarangani sa dalawang grupo. Nasa  bandang kanluran ang  Kiamba, Maasim, at Maitum, habang nasa bandang silangan naman ang Alabel, Glan, Malapatan, at Malungon.

Binuo ng Repulic Act Numero 7228 noong 16 Marso 1992.
AT thank you.




#Article 112: Kawit (125 words)


Ang Bayan ng Kawit (dating tinatawag na Cavite el Viejo) ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ayon sa , ito ay may populasyon na  sa may  na kabahayan. Ito ang pinakalumang bayan na naitatag ng mga Kastila sa lalawigan ng Cavite na naitatag noong 1587.

Sa bayang ito ipinanganak si Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas. Ito rin ang pook ng kanyang tahanan, ang Dambanang Aguinaldo, kung saan inihayang ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng Espanya noong Ika 12 ng Hunyo 1898.

Hango ang pangalang Kawit sa salitang Tagalog na kawit, dahil sa hugis ng baybayin nito sa Look ng Maynila hanggang sa dulo ng Lungsod ng Cavite.

Ang bayan ng Kawit ay nahahati sa 23 mga barangay.




#Article 113: Luzon (807 words)


Ang Luzon, Kalusunan o Hilagang Pilipinas, ay tumutukoy sa isang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas, tinugrian itong North Philippines (Northern) at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).

Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 na lalawigan.

Ang kabuuang sukat ng Luzon ay ,, ang ika-17 pinakamalaking pulo sa buong daigdig. Matatagpuan sa Luzon ang punong lungsod ng Pilipinas, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Quezon. Mabundok ang pulo na kung saan matatagpuan ng Bundok Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, at ang mga Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, ay ilan sa mga tanyag na mga bulkan sa Luzon. Matatagpuan sa kanluran ng Luzon ang Dagat Kanlurang Pilipinas, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.

Halos parihaba ang sukat ng pulo ng Luzon at may mahabang tangway sa timog silangan na tinatawag na Tangway ng Bikol. Ang hilagang bahagi ng pulo ay kinapalolooban ng malalaking bulubundukin, ang Cordillera Central.

Sa silangan ng Cordillera Central ay ang malaking Lambak ng Cagayan, na nagsisilbing tagasalo, ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Sa silangan ng lambay ay matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.

Sa timog silangan ng Look ng Maynila matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa bansa, at ang pinakamalaking lawa sa loob ng kalupaan sa Timog Silangang Asya, ang Lawa ng Bay.

Ang Hilagang Luzon o Northern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan, dito matatagpuan ang Sierra Madre (Pilipinas), pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang Ilog Cagayan, Bulubunduking Caraballo, Banaue Rice Terraces at ang lungsod ng Baguio. Dito matatagpuan ang unang hangganan ng Pilipinas ang lalawigang isla ng Batanes na kilalang dayuhan ng mga turista ang White Parola at ang Windmill sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte, Ang Hilagang Luzon ay ang bumabakod sa tinatawag na Luzon Straight at pumapagitan sa mga bansang Tsina at Taiwan sa Timog Dagat Tsina. Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Hilaga (North).

Ang Gitnang Luzon o Central Luzon Region 3 ay ang Gitnang Rehiyon sa isla ng Luzon ito ay pumapagitan sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Timog Luzon at Kalakhang Maynila, ito ang mga lalawigan ng: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, Ang probinsya ng Aurora sa pagitan ng taong 2002 ay nakapaloob sa Rehiyong Timog Katagalugan o Southern Tagalog. Ang rehiyong sentro ng Gitnang Luzon ay ang San Fernando, Pampanga.

Ang Kalakhang Maynila o Metro Manila ay ang sentrong panglungsod o kauuluhan sa Pilipinas, Ito ay binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan, Ang rehiyong sentro nito ay ang Maynila ang kapitolyo ng Pilipinas, dating lalawigan o probinsya ang Metro Manila na sumasaklaw sa pangalang Tondo, Noong taong 1898, kabilang rito ang mga distrito at barangay ng bawat saklaw ng lungsod maging ang ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ang Timog Luzon o Southern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Calabarzon (IV-A), Mimaropa (IV-B) at Bicol Region, kabilang ang Metro Manila na nasa ikalawang dibisyon, dito matatagpuan ang hangganan ng Sierra Madre sa pagitan ng Laguna at Quezon, at iilan pang mga tanawin ng Lawa ng Laguna, Bulkang Taal, Talon ng Pagsanjan, Tagaytay, Hinulugang Taktak, Bundok Banahaw, El Nido, Puerto Galera at Bulkang Mayon, Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Timog (South). Ang mainland Tagalog ay ang kasalukuyang rehiyon ng Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, Ang Minparo o Mimaropa ay ang Rehiyon IV-B na nasa outland at ang Bicolandia ay ang rehiyon 5 ang ikahuling rehiyon sa isla ng Luzon.

Ang Kalakhan sa Luzon o Metro sa Luzon ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Luzon ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan pababa sa lunsod. 

Ang pulo ng Luzon ay kinapalolooban ng 8 sa 17 rehiyon ng Pilipinas.  Ang mga rehiyong ito ay hindi mga pampolitika na entidad, subalit nagsisilbing pagkakahating administratibong pangkat ng mga lalawigan.




#Article 114: Espanya (7682 words)


Ang Kaharian ng Espanya (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Vizcaya; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

Kasama rin sa nasasakupan ng Espanya ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.

Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka () at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.

Ang pinagmulan ng pangalang Hispania, kung saan hango ang kasalukuyang pangalang España sa wikang Kastila, ay hindi tiyak at maaaring hindi alam dahil sa kakulangan ng mga sapat na katibayan. Sa loob ng maraming dantaon maraming mga haka-haka ang nabuo:

Ang iskolar sa panahon ng Renasimiyento na si Antonio de Nebrija ay nagmungkahi na ang salitang Hispania ay nagbago mula sa salitang Iberia na Hispalis, na nangangahulugang lungsod ng kanluraning daigdig.

Ikinakatuwiran naman ni Jesús Luis Cunchillos na ang pinag-ugatan ng salitang span ay ang salitang Penisyo (Phoenician) na spy, na nangangahulugang maghinang ng mga metal. Samakatuwid, ang i-spn-ya ay nangangahulugang ang lupaing pinaghihinangan ng mga metal. Maaari rin hango ito sa salitang Puniko na I-Shpania (אי שפניא), na nangangahulugang pulo ng mga kuneho, lupain ng mga kuneho, isang pagtukoy sa pook ng Espanya sa dulo ng Mediteraneo; ang mga baryang Romanong natagpuan sa rehiyon mula sa paghahari ni Hadrian ay kakikitaan ng babaeng dibuho na may kuneho sa kanyang paa, at tinawag ito ni Strabona lupain ng mga kuneho.

Ang Hispania ay maaaring hango sa paduláng paggamit (poetic use) ng salitang Hesperia, na ipinakikita sa pagtingin ng mga sinaunang Griyego sa Italya bilang Lupang kanluran o lupang nilulubugan ng araw (Ang Hesperia, o Ἑσπερία sa Griyego) pati sa Espanya, na bahagi ng dulong kanluran, bilang Hesperia ultima.

May mga nagsasabi din na ang Hispania ay hango sa salitang Basko na Ezpanna na may kahulugang dulo o hangganan, na tumutukoy sa pook ng tangway ng Iberia sa timog kanluran ng kontinenteng Europeo.

Dalawang Kastilang Hudyong iskolar noong ika-15 dantaon, sina Don Isaac Abrabanel at Solomon ibn Verga, ay nagbigay ng paliwanag na ngayon ay kinikilala nang isang kuwentong-bayan. Parehong isinulat ng mga iskolar sa dalawang magkaibang lathalain na ang mga unang Hudyo na nakarating sa Espanya ay dinala ng barko ni Phiros na isang sugo ng hari ng Babilonia nang pinangunahan niya ang pagkubkob sa Herusalem. Ang táong ito ay isang Greko nung ipinanganak, ngunit nabigyan ng isang kaharian sa Espanya. Naging magkamag-anak sila ni Espan sa kasal, ang pamangkin ni haring Heracles, na siya ring namuno sa kaharian sa Espanya. Kinalauna'y nagbitiw sa trono si Heracles pabor sa kanyang tinubuang-bayan na Gresya, at iniwan ang kanyang kaharian kay Espan, kung saan kinuha ng bansang España (Espanya) ang pangalan nito. Batay sa kanilang mga testimonya, ang pangalang ito ay ginagamit na ng Espanya mga bandang 350 BCE.

Ang Espanya ay may malawak at kumplikadong kasaysayan. Nasulat ang Iberia bilang isang lupaing pinaninirahan ng mga Iberyo, Basko at Seltiko. Matapos ang isang di-madaling pananakop, ang tangway ay napasailalim ng Imperyong Romano. Ang Hispania, ang kabuuan ng Tangway ng Iberia, ay umunlad at naging isa sa mga pinakaimportanteng rehiyon ng Imperyo. Noong unang bahagi ng Gitnang Panahon, ito ay napasakamay ng mga tribong Alemaniko. Sa kalaunan, halos ang buong tangway ay napasailalim ng mga Moro o mananakop na mga Muslim mula sa Hilagang Aprika. Sa isang mahabang prosesong inabot ng ilang dantaon, unti-unting nagawang mapatalsik ng mga kahariang Kristiyano sa hilaga ang mga Muslim. Bumagsak ang huling kahariang Moro sa taong kung kailan narating ni Columbus ang mga lupaing Amerika. Ang Espanya ay naging pinakamakapayangyarihang kaharian sa Europa, ang nangunguna sa daigdig sa loob ng isa't kalahating dantaon, at ang pinakamalaking imperyo sa ibayong-dagat sa loob ng tatlong dantaon.

Ang patuloy na mga digmaan at iba pang mga problema ang nagdulot ng pagbagsak ng katayuan nito. Ang mga pagsakop ni Napoleon sa Espanya ay nagbunga ng kaguluhan, na siyang naging mitsa ng mga pagkilos tungo sa kasarinlan na siyang pumunit sa malaking bahagi ng imperyo at iniwang hindi matatag ang bansa. Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaranas ang Espanya ng matinding digmaang panloob at napasailalim sa diktadurya, kung saan ito ay nakaranas ng maraming taon ng pananamlay, subalit nang lumaon, ay nagtapos sa isang malakas na pag-angat ng ekonomiya. Di naglaon at mapayapang naibalik ang demokrasya sa pormang monarkiyang parlamentong konstitusyonal. Sumapi ang Espanya sa Unyong Europeo at nakaranas ng muling pagsilang sa kultura (cultural renaissance) at tuluy-tuloy na pag-angat ng ekonomiya.

Ipinahihiwatig ng mga pananaliksik sa arkeolohiya sa  na ang Tangway ng Iberia ay pinanahan ng mga hominid 1.2 milyong taon na ang nakalipas. Sa  ay may mga natagpuan labí ng mga sinaunang kinikilalang hominin sa Europa, ang Homo antecessor. Ang mga makabagong nilalang ay unang dumating sa Iberia, mula sa hilaga nang naglalakad, mga 35,000 taon na ang nakalipas. Ang pinakakilalang mga relikya ng pananahan ng mga sinaunang tao ay ang mga sikat na mga kuwadro sa kuweba ng Altamira ng Cantabria sa hilagang Iberia, na nalikha mula taong 35,600 hanggang 13,500 BK ng mga Cro-Magnon. Ipinahihiwatig din ng mga arkeolohikal at henetikal na patunay na ang Tangway ng Iberia ay nagsilbing isa sa mga malalaking kanlungan kung saan ang hilagang Europa ay muling pinanahan ng mga tao nang matapos ang huling Panahon ng Yelo.

Ang mga pinakamalaking pangkat sa Tangway ng Iberia bago ang pananakop ng mga Romano ay ang mga Iberia at mga Seltiko. Pinanahan ng mga Iberia ang bahaging Mediteraneo ng tangway, mula hilagang-silangan hanggang timog-silangan. Pinanahan naman ng mga Seltiko ang malaking bahagi ng loob at Atlantiko ng tangway, mula hilagang-kanluran hanggang timog-kanluran. Inokupa naman ng mga Basko ang kanlurang bahagi ng bulubunduking Pirineo at mga katabing lugar, ang mga Tartessiano ay nasa timog-kanluran at ang mga Lusitano at mga Vetton naman ang umokupa sa mga lugar sa gitnang kanluran.

Noong Ikalawang Digmaang Puniko, sinakop ng lumalawak na mga Romano ang ilang kolonyang pangkalakalan ng Cartagena sa tabing-baybayin ng Mediteraneo mula 210 hanggang 205 BK. Inabot ang mga Romano ng halos dalawang dantaon upang matapos ang pananakop sa Tangway ng Iberia, bagaman at nakontrol nila ito sa loob ng mahigit anim na siglo. Pinagbigkis ang paghahari ng mga Romano ng batas, wika, at ng mga daang Romano.

Ang mga kultura ng populasyong Seltiko at Iberia ay unti-unting nagiging maka-Romano (maka-Latin) sa iba't-ibang antas sa iba't-ibang bahagi ng Hispania. Ang mga lokal na pinuno ay pinayagang maging uring aristokratang Romano. Nagsilbi ang Hispania bilang isang kamalig ng pamilihang Romano, at ang mga daungan nito ay nagluwas ng ginto, lana, langis ng oliba, at alak. Ang produksiyong pang-agrikultura ay lumaki dahil sa mga proyektong irigasyon. Ang mga emperador na sina Trajan at Theodosius I, at ang pilosopong si Seneca ay ipinanganak sa Hispania. Ang Kristiyanismo ay ipinakilala sa Hispania noong unang dantaon PK, at nakilala ito sa mga lungsod noong ikalawang dantaon PK. Karamihan sa kasalukuyang mga lengguwahe at relihiyon ng Espanya, at ang batayan ng mga batas nito, ay nahango sa kapanahunang ito.

Ang paghina ng nasasakupan ng Imperyo ng Kanlurang Romano sa Hispania ay nag-umpisa noong 409, nang binagtas ng mga Alemanikong Suebi at Vandal, kasama  ang mga Sarmatianong Alan ang Rhine at sinira ang Gaul hanggang pinalayas sila ng mga Visigoth patungong Iberia noong taon ding iyon. Itinatag ng Suebi ang isang kahariang ngayon ay ang makabagong Galicia at hilagang Portugal. Sa pagbaklas ng kanlurang imperyo, ang batayang panlipunan at pang-ekonomiya ay naging napakapayak: subalit kahit sa binagong porma, pinanatili ng mga sumunod na rehimen ang marami sa mga institusyon at batas ng dating imperyo, kasama na ang Kristiyanismo.

Ang mga kakampi ng mga Alan, ang mga Hasdingi Vandal, ay nagtatag din ng kaharian sa Gallaecia, na sumasakop nang malaki sa parehong rehiyon pero lumalampas pa patimog sa ilog Duero. Inokupahan naman ng mga Silingi Vandal ang rehiyon na bakas pa rin ang kanilang pangalan - Vandalusia, makabagong Andalusia, sa Espanya. Nagtatag ang mga Bizantino ng isang enclave, ang Spania, sa katimugan, na may layuning buhaying muli ang imperyong Romano sa buong Iberia. Kinalaunan, gayunpaman, ang Hispania ay muling napasailalim ng pamumuno ng mga Visigoth.

Si Isidro ng Sevilla, ang arsobispo ng Sevilla, ay isang maimpluwensiyang pilosopo at tunay na pinag-aaralan noong Gitnang Panahon sa Europa. Ang kanya ring mga teorya ay mahalaga sa pagpaplit ng Kahariang Visigoth tungo sa pagiging isang Katoliko, sa mga Konseho ng Toledo. Ang Gotikong Kaharian ay ang unang kahariang namumuno sa Tangway ng Iberia, at noong Reconquista ito ay naging isang pagtukoy sa magkakaibang mga kahariang lumalaban sa pamumuno ng mga Muslim.

Noong ika-8 dantaon, halos ang buong Tangway ng Iberia ay nasakop (711–718) ng karamihan ay mga kawal na Morong Muslim mula sa Hilagang Aprika. Ang mga pagsakop na ito ay bahagi ng pagpapalawak ng Kalipatong Umayyad. Tanging isang maliit na lugar lamang sa mabundok na hilagang-kanluran ng tangway ang nakaiwas mula sa panimulang pananakop.

Sa ilalim ng batas ng Islam, binigyan ang mga Kristiyano at mga Hudyo ng katayuang timawa na dhimmi. Ang antas na ito’y nagpapahintulot sa mga Kristiyano at Hudyo na sumamba sa kanilang relihiyon ayon sa Mga Tao ng Aklat () subalit sila ay sapilitang magbabayad ng espesyal na buwis at may mas mababang legal at panlipunang karapatan kaysa mga Muslim.

Ang pagpapalit patungong Islam ay mabilisang nagpatuloy.  Pinaniniwalaang ang mga muladi (mga Muslim na katutubo ng Iberia) ang bumubuo sa mayorya ng populasyon ng Al-Andalus sa katapusan ng ika-10 dantaon.

Ang pamayanang Muslim sa Tangway ng Iberia ay halu-halo at nababalot ng sigalot. Ang mga taong Berber ng Hilagang Aprika, na siyang naglaan ng bulto ng mga mananakop na kawal, ay nakipagtagisan sa mga pinunong Arabe mula sa Gitnang Silangan. Sa pagdaan ng panahon, naging matatag ang malaking populasyong Moro, lalo na sa lambak ng Ilog Guadalquivir, ang kapatagang baybayin ng Valencia, ang lambak ng Ilog Ebro at (sa pagtatpos ng panahong ito) ang bulubunduking rehiyon ng Granada.

Ang Córdoba, ang kabisera ng kalipato mula noong pamumuno ni Abd-ar-Rahman III, ay ang pinakamalaki, pinakamayaman, at pinakasopistikadong lungsod sa kanlurang Europa. Ang kalakalang Mediteraneo at palitan ng kultura ay yumabong. Nag-angkat ang mga Muslim ng mayamang kaugaliang pangkaisipan mula sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Ginampanan ng mga iskolar na Muslim at Hudyo ang malaking papel sa muling pagbuhay at pagpapalapad ng klasikong kaalamang Griyego sa Kanlurang Europa. Ilan sa mga mahahalagang pilosopo sa panahong iyon ay sina Averroes, Ibn Arabi at Maimonides. Nagbahaginan ng kulturang Muslim at Hudyo ang maka-Romanong kultura ng Tangway ng Iberia sa masalimuot na pamamaraan, na nagbigay sa rehiyon ng kakaibang kultura. Sa labas ng mga lungsod, kung saan ang mayorya ay naninirahan, ang sistema ng pagmamay-ari ng lupa mula noong panahon ng mga Romano ay nanatiling di-nagalaw sapagkat bihirang mapunta sa mga pinunong Muslim ang lupa, at ang pagpapakilala sa mga bagong pananim at mga pamamaraan ay nagbunsod sa paglawak ng agrikultura.

Noong ika-11 dantaon, nawasak ang mga sakop ng mga Muslim at naging magkakalabang mga kahariang Taifa, na siyang nagbigay ng pagkakataon sa maliliit na mga Kristiyanong estado na mapalaki ang kanilang mga teritoryo. Ang pagdating mula sa Hilagang Aprika ng mga naghaharing sektang Islamiko ng mga Almoravid at Almohad ang siyang nagbalik ng pagkakaisa sa mga sakop ng mga Muslim, taglay ang mas mahigpit ngunit hindi mapilit na pagpapalit patungong Islam, na nagbunga ng pagbawi sa mga yamang Muslim. Ang muling nagkaisang estadong Islamikong ito ay nakaranas ng mga tagumpay sa loob ng higit isang dantaon na siyang bumawas sa mga yamang Kristiyano.

Ang Reconquista (muling pananakop) ay panahong dantaon ang haba kung saan ang pamumunong Kristiyano ay muling naitatag sa Tangway ng Iberia. Ang Reconquista ay tiningnan bilang panimula sa Labanan ng Covadonga na napagwagian ni Don Pelayo noong 722 at kaalinsabay ng panahon ng pananaig ng mga Muslim sa Tangway ng Iberia. Ang pagtatagumpay ng mga kawal-Kristiyano sa mga puwersang Muslim ay nagbunsod sa paglikha ng Kristiyanong Kaharian ng Asturias sa ibayong hilagang-kanluran ng mga baybaying bundok. Di-nagtagal, noong 739, napalayas ang mga puwersang Muslim sa Galicia, na kinalaunan ay siyang naging punong-abala ng isa sa mga pinakabanal na lugar noong gitnang panahon, ang Santiago de Compostela, at isinama sa bagong kahariang Kristiyano. Ang Kaharian ng León ang pinakamalakas na kahariang Kristiyano sa loob ng maraming dantaon. Noong 1188 ang unang makabagong panahong parlamentayo sa Europa ay isinagawa sa León (Cortes ng Leon|Cortes ng León). Ang Kaharian ng Castilla, isinilang mula sa teritoryong Leones, ay siyang sumunod na pinakamalakas na kaharian. Ang mga hari at mga maharlika’y lumaban para sa kapangyarihan at impluwensiya sa panahong ito. Ang halimbawa ng mga Romanong emperador ay ang pulitikal na layunin para sa Korona, samantalang ang mga maharlika nama’y nakinabang sa piyudalismo.

Ang mga kawal-Muslim ay lumikas pahilaga ng Pirineos subalit nagapi sila ng mga puwersang Pransiko sa , . Kinalaunan, nakapagtatag ang mga puwersang Pransiko ng mga maliliit na  sa katimugang bahagi ng Pirineos. Ang mga lugar na ito’y lumaki at naging mga kaharian ng Navarre, Aragon at Katalunya. Sa loob ng maraming dantaon, ang nawawala’t bumabalik na harang sa pagitan ng mga sakop na lugar ng mga Muslim at Kristiyano sa Iberia ay sa ibayong lambak ng Ebro at Duero.

Ang pagkawasak ng Al-Andalus  sa pagiging magkakalabang kahariang taifa ang tumulong sa mga nagagaping kahariang Kristiyano sa Iberia na muling lumusob. Ang pagkubkob sa estratehikong gitnang lungsod na Toledo noong 1085 ang nagtala ng malaking paglilipat ng kapangyarihan pabor sa mga kahariang Kristiyano. Kasunod ng muling pag-angat ng mga Muslim noong ika-12 dantaon, ang mga malalakas na sakop ng mga Moro sa timog ay bumagsak sa kamay ng Kristiyanong Espanya noong ika-13 dantaon – ang Córdoba noong 1236 at Sevilla noong 1248 – na nag-iwan lamang sa enclave na Muslim na Granada bilang isang tributaryong estado sa timog.

Sa panahong ito’y nagsimula muling yumabong ang panitikan at pilosopiya sa mga peninsular na kahariang Kristiyano, batay sa mga kaugaliang Romano at Gotiko. Isang mahalagang pilosopo sa panahong ito si Ramon Llull. Si Abraham Cresques ay isang prominenteng kartograpong Hudyo. Ang batas Romano at mga institusyon nito ay naging huwaran ng mga tagapagbatas. Itinuon ni haring Alfonso X ng Castilla ang pansin nito sa pagpapalakas sa mga nakaraang Romano at Gotiko nito, at maging ang pag-uugnay ng mga kahariang Kristiyano ng Iberia sa ibang mga Kristiyanong Europeo ng gitnang panahon. Sinikap niyang maging kinatawang emperador ng Banal na Imperyong Romano at naglathala ng kodigong Siete Partidas. Ang Paaralan ng mga Tagapagsalin ng Toledo () ay isang pangalang pangkaraniwang naglalarawan sa pangkat ng mga iskolar na sama-samang gumagawa sa lungsod ng Toledo noong ika-12 at ika-13 dantaon, upang isalin ang marami sa mga likhang pilosopikal at siyentipiko mula sa klasikal na Arabe, klasikal na Griyego, at matandang Hebreo. Ang Islamikong transmisyon ng mga klasiko ay ang pangunahing Islamikong ambag sa Europa ng Gitnang Panahon. Ang wikang Kastila ay nabuo mula sa Latin, maging ang ibang wikang Romanse, at ang unang balarila ay nailathala (Cantar de Mio Cid at Antonio de Nebrija).

Noong ika-13 at ika-14 na dantaon, ang sektang Marinid na Muslim na mula sa Hilagang Aprika ay nanakop at nagtatag ng ilang mga enclave sa katimugang baybayin subalit nabigo sa kanilang tangkang itatag muli ang pamunuang Muslim sa Iberia at di nagtagal ay napalayas din. Nasaksihan din ng ika-13 dantaon ang Korona ng Aragon, na nakasentro sa hilagang-silangan ng Espanya, at pinalawak ang naaabot nito sa mga pulo sa Mediteraneo, hanggang Sicilia, at maging sa Athens. Bandang mga panahong ito, naitatag ang mga pamantasan ng Palencia (1212/1263) at Salamanca (1218/1254). Winasak ang Espanya ng Itim na Kamatayan (Black Death) noong 1348 at 1349.

Noong 1469, ang mga korona ng mga kahariang Kristiyano ng Castilla at Aragon ay pinagsanib nang  sina Isabela I ng Castilla at Fernando II ng Aragon. Nag-umpisa noong 1478 ang katapusan ng pananakop sa Pulo ng Canarias at noong 1492, ang pinagsanib na puwersa ng Castilla at Aragon ang sumakop sa Emirata ng Granada, na siyang nagtapos ng huling bakas ng 781-taong pananatili ng pamunuang Islamiko sa Iberia. Sa taon ding iyon, inutusan ang mga Hudyo sa Espanya na magpalit patungong Katolisismo o harapin ang pagpapatalsik mula sa mga teritoryo ng Espanya noong panahon ng Inkisisyon ng Espanya. Ang Kasunduan sa Granada ay nagtiyak ng kalayaan sa relihiyon ng mga Muslim, at bagama’t hindi buo ang kalayaang iyon, matapos ang Pag-aaklas ng mga Alpujarras noong simula ng ika-17 dantaon, ay tuluyan na ngang napalayas ang mga Muslim.

Ang taong 1492 ay panahon ng pagdating sa Bagong Daigdig ni Christopher Columbus, noong panahon ng paglalakbay na pinondohan ni Isabela. Binagtas ng unang paglalakbay ni Columbus ang Atlantiko at narrating ang mga Pulo ng Karibeo, na nagpasimula ng eksplorasyong Europeo at pagsakop sa lupain ng Amerika, bagama’t nanatili siyang kumbinsido na narrating niya ang Silangan.

Bilang mga bagong monarka ng Renasimiyento, ginawang sentralisado nina Isabela at Fernando ang kapangyarihan ng kaharian gamit ang lokal na karangalan, at ang salitang España na ang pinagmulan ay ang sinaunang pangalang Hispania, ay sinimulang gamitin sa pang-araw-araw upang tukuyin ang kabuuan ng dalawang kaharian. Taglay ang kanilang napakalawak na pulitikal, legal, relihiyoso, at makamilitar na mga reporma, lumitaw ang Espanya bilang unang makapangyarihan sa mundo.

Ang pagsasanib ng mga korona ng Aragon at Castilla sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib ng nilang mga soberanya ay naging pundasyon ng makabagong Espanya at ng Imperyong Kastila, bagama’t bawat kaharian ng Espanya ay nanatiling hiwalay na bansa, sa aspektong sosyal, pulitikal, batas, salapi, at wika.

Ang Espanya ang pangunahing makapangyarihan sa Europa sa kabuuan ng ika-16 na dantaon at sa malaking bahagi ng ika-17 dantaon, isang posisyong pinalakas pa ng kalakalan at ng yaman mula sa mga pagmamay-ari ng mga kolonya at naging pangunahing makapangyarihan sa daigdig sa larangan ng lakbay-dagat o maritima. Narating nito ang kasukdulan noong panahon ng paghahari ng unang dalawang  – sina Carlos I (1516–1556) at Felipe II (1556–1598). Nakita ng panahong ito ang mga Digmaang Italyano, ang Pag-aalsa ng mga Komunero, ang Pag-aalsang Olandes, ang , mga pakikipagtagisan sa mga Ottoman, ang Digmaang Ingles-Kastila at mga digmaan sa .

Sa pamamagitan ng paglalakbay at pagsakop o mga alyansa ng pagpapakasal ng mga maharlika at mga mana, lumawak ang Imperyong Kastila upang isama ang malalaking bahagi ng lupain ng Amerika, mga pulo sa bahaging Asya-Pasipiko, mga lugar sa Italy, mga lungsod sa Hilagang Aprika, maging ang mga bahagi ng ngayon ay Pransiya, Alemanya, Belhika, Luxembourg, at ng Olandiya. Ang  sa daigdig ay naganap noong 1519-1521. Ito ang unang imperyo kung saan sinasabing . Ito ang panahon ng pagtuklas, na may matapang na paglalakbay sa dagat at sa lupa, ang pagbubukas ng mga bagong daungang pangkalakalan sa ibayong karagatan, mga pagsakop at pagsisimula ng kolonyalismong Europeo. Kasabay ng pagdating ng mga mamahaling hiyas, pampalasa, luho, at mga bagong halamang pananim, dala-dala ng mga Kastilang manlalakbay ang kaalaman mula sa Bagong Daigdig, at ginampanan ang pangunahing papel sa pagbabago ng pag-unawa ng Europa hinggil sa daigdig. Ang nasaksihang pagyabong ng kultura ay kinikilala na ngayon bilang Ginintuang Panahon ng Espanya. Ang paglawak ng imperyo ay nagbunsod ng malawak at kagyat na pagbabago sa Amerika na nagbunga ng pagbagsak ng mga lipunan at imperyo at mga bagong sakit mula sa Europa na kumitil sa populasyon ng Amerika. Ang paglakas ng humanismo, ang Kontra-Repormasyon, at mga bagong tuklas sa heograpiya at mga pananakop ay nagdala ng mga suliranin na sinagot ng kilusang pangkaisipan na ngayon ay tinatawag na Paaralan ng Salamanca, na bumuo ng mga unang makabagong teorya sa ngayon ay tinatawag na batas pandaigdig at karapatang pantao.

Sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon at unang kalahati ng ika-17 dantaon, humarap ang Espanya sa mga di-mapigilang pagsubok sa lahat ng dako. Ang mga barbarong pirata, sa ilalim ng pagtatanggol ng mabilis lumaking Imperyong Ottoman, ay sumira sa buhay ng mga nasa baybayin sa pamamagitan ng kanilang mga pagsalakay para kumuha ng mga alipin at muling binuhay ang banta sa isang pagsakop ng mga naniniwala sa Islam. Ito rin ang panahong ang Espanya ay madalas na nasa digmaan laban sa Pransiya.

Ang mga kilusan upang labanan ang Repormasyong Protestante mula sa Simbahang Katoliko ay humila pa pababa sa kaharian upang pamunuan ang mga digmaang pangrelihiyon. Ang resulta ay isang bansang napilitang palawakin ang mga gawaing pangmilitar sa buong Europa at sa Mediteraneo.

Sa mga kalagitnaang dekada ng digmaan at salot ng ika-17 dantaon sa Europa, dinala sa gulo ng mga Kastilang Habsburgo ang bansa sa mga malawakang hidwaang relihiyon at pulitikal. Ang mga sigalot na ito’y sumaid sa kanilang yaman at nagpabagsak sa ekonomiya sa kabuuan. Nagawa ng Espanya na mahawakan ang mga naghiwa-hiwalay na imperyong Habsburgo, at tinulungan ang mga puwersang imperyo ng Banal na Imperyong Romano na bumawi mula sa malaking bahagi ng mga pag-atakeng isinagawa ng mga puwersang Protestante, subalit sa bandang huli’y napilitang kilalanin ang paghiwalay ng Portugal (kung saan ito’y nakipagkaisa sa isang personal na pagsasanib ng mga korona mula 1580 hanggang 1640) at ng Olanda, at kinalauna’y nagtamo ng mga matitinding pagsalakay-militar sa Pransiya sa mga huling bahagi ng mapanira at sakop ang buong Europa na Tatlumpung Taong Digmaan.

Sa huling kalahati ng ika-17 dantaon, unti-unting humina ang lakas ng Espanya, kung saan isinuko nito ang marami nitong maliliit na teritoryo sa Pransiya at sa Olandiya; gayunpaman, napanatili at napalaki nito ang imperyo sa ibayong-dagat, na hindi nagalaw hanggang noong simula ng ika-19 na dantaon.

Ang paghinang ito’y nagbunsod sa kontorbersiya sa paghalili sa trono na naganap noong mga unang taon ng ika-18 dantaon. Ang Digmaan ng Paghalili sa Espanya ay isang malawakang hidwaang pang-ibayong dagat na sinamahan pa ng digmaang panloob, at kumuha sa mga pagmamay-ari sa Europa at posisyon ng kaharian bilang isa sa mga pangunahing makapangyarihan sa Kontinente. Sa panahon ng digmaang iyon, isang bagong dinastiyang nagmula sa Pransiya, ang mga Bourbon, ang nailuklok. Pinagkakaisa lang ng Korona, isang tunay na estadong Kastila ang naitatag nang pinagkaisa ng unang haring Bourbon, si Felipe V, ang mga korona ng Castilla at Aragon at gawing iisang estado lang, na siyang nag-alis sa marami at mga lumang pribilehiyo at batas sa mga rehiyon.

Ang ika-18 dantaon ay nakitaan ng unti-unting pagbangon at pag-angat ng kabuhayan sa malaking bahagi ng imperyo. Itinulad ng bagong monarkiyang Bourbon sa sistemang Pranses ang pagsasamoderno ng pamunuan at ng ekonomiya. Ang mga kaisipan hinggil sa Kaliwanagan ay nagsimulang lumitaw sa ilan sa mga elitista at monarkiya ng kaharian. Ang tulong militar para sa mga nagrebeldeng kolonya ng Britanya noong Digmaang Amerikano para sa Kasarinlan ay tumulong sa katayuang pang-ibayong dagat ng kaharian.

Noong 1793, sumabak sa digmaan ang Espanya laban sa mapaghimagsik na bagong Republikang Pranses bilang kasapi ng Koalisyon. Hinati sa mga paksiyon ang bansa bilang tugon laban sa mga elitistang . Sa pagkatalo sa laban, isang kasunduan sa kapayapaan ang ginawa kasama ng Pransiya noong 1795. Taong 1807, isang lihim na kasunduan sa pagitan ng mga tropa ni Napoleon at ng kinasusuklamang punong ministro ang nagdala sa pagpapahayag ng digmaan laban sa Britanya at Portugal. Pinasok ng mga tropa ni Napoleon ang bansa upang sakupin ang Portugal subalit sa halip ay kinubkob ang mga pangunahing tanggulan ng Espanya. Ang nalinlang na hari ng Espanya ay nagbitiw sa tungkulin pabor sa kapatid ni Napoleon, si Joseph Bonaparte.

Si Joseph Bonaparte ay itinuring na isang tau-tauhan ng monarka (puppet monarch) at kinukutya ng mga Kastila. Ang himagsikan ng 2 Mayo 1808 ay isa lamang sa maraming makabansang pag-aalsa laban sa rehimeng Bonaparte. Ang mga pag-aaklas na ito ang nagpasimula ng mapangwasak na digmaan para sa kalayaan laban sa rehimeng Napoleon. Napilitan si Napoleon na mamagitan nang personal, na nagpagapi sa maraming kawal-Kastila at sapilitang nagpasuko sa puwersa ng Britanya. Subalit, dahil sa patuloy na kilos-militar ng puwersang Kastila, mga gerilya at mga puwersang Britaniko-Portuges ni Wellington, na sinamahan pa ng bigong pananakop ni Napoleon sa Rusya, napalayas ang puwersang imperyong Pranses mula sa Espanya noong 1814, at napabalik si Haring Fernando VII.

Noong digmaan ng 1810, isang pangkat-rebolusyonaryo, ang , ay binuo upang pagsamahin ang lakas laban sa rehimeng Bonaparte at upang maghanda ng isang saligang-batas. Nagsama-sama ito bilang isang pangkat, at kinakatawan ng mga kasapi nito ang buong imperyong Kastila. Noong 1812 isang saligang-batas para sa pandaigdigang representasyon sa ilalim ng isang monarkiyang konstitusyonal ang ipinahayag, subalit matapos ang pagbagsak ng rehimeng Bonaparte, pinawalang-bisa ni Fernando VII ang Cortes Generales at natukoy na mamumuno ito bilang isang monarkiyang absoluto. Naging mitsa ang mga pangyayaring ito ng hidwaan sa pagitan ng mga konserbatibo at mga liberal noong ika-19 at sa unang bahagi ng ika-20 dantaon.

Ang mga puwersang kontra-liberal na kilala bilang mga Carlista ay lumaban sa mga liberal noong mga Digmaang Carlista. Nagwagi ang puwersang liberal, ngunit ang hidwaan sa pagitan ng mga progresibo at konserbatibong liberal ay nagtapos sa isang mahina at maagang panahong konstitusyonal. Matapos ang Maluwalhating Himagsikan () at ng maikling panahon ng Unang Republikang Kastila, isang mas matatag na panahong monarka ang nanaig kaalinsabay ng pagsasanib ng mga progresibo at mga konserbatibong liberal.

Iniwan ng Digmaang Napoleon ang Espanya na bagsak ang ekonomiya, hati-hati at di-matatag ang sitwasyong pampulitika. Sa gitna pa ng mga kaguluhang ito, nagpahayag ng kasarinlan ang mga kolonya ng Espanya sa Amerika, na nagdala ng mga digmaan para sa kalayaan na tumapos sa pagkontrol ng Espanya sa mga pangunahing lupang kolonya nito sa Amerika. Itinuring ang Saligang Batas ng 1812 na masyadong liberal ng mga konserbatibo sa mga kolonya at siyang nagtulak sa marami na sumama sa pakikibaka tungo sa kasarinlan. Ang pagtatangka ni Haring Fernando VII na muling magpakita ng lakas ay balewala dahil hinarap niya ang mga pambabatikos hindi lamang sa mga kolonya nito kundi maging sa Espanya mismo, at sinundan ito ng mga pag-aalsa, na pinamunuan ng mga opisyal na liberal. Sa pagtatapos ng 1826, ang tanging mga kolonyang hawak ng Espanya sa Amerika ay ang Cuba at Puerto Rico.

Sa kahinaan at krisis pang-ekonomiya na tumama sa Espanya noong ika-19 na dantaon, sumibol ang mga kilusang makabansa sa Pilipinas at Cuba. Mga digmaan para sa kasarinlan ang naging bunga nito sa mga kolonyang nabanggit at kinalauna’y nakisali ang Estados Unidos. Ang digmaang pumutok sa tagsibol ng 1898 ay hindi nagtagal. Ang El Desastre (Ang Kasawiang-Palad), mas kilalang tawag sa digmaang iyon sa Espanya, ay nakadagdag pa sa  na noong panahong iyo’y nagsasagawa ng pagsusuri hinggil sa bansa.

Bagama’t nagiging masaganang muli ang bansa noong sumunod na dantaon, hindi ganap na kapayapaan ang hatid ng ika-20 siglo; maliit ang papel na ginampanan ng Espanya sa pagsakop sa Aprika, sa pagkakasakop nito sa Kanlurang Sahara, , at Equatorial Guinea. Nanatiling walang pinanigan ang bansa noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang malalaking pagkaluging tinamo nito noong Digmaang Rif ng 1920 ay nagdala ng kawalang-tiwala sa pamahalaan at nagpahina sa monarkiya.

Ang diktaturyang rehimen sa ilalim ni Heneral Miguel Primo de Rivera (1923–1931) ay nagtapos nang maitatag ang Ikalawang Republikang Kastila. Inalok ng Republika ang awtonomiyang pulitikal sa Basko, Katalunya, at Galisya at nagbigay ng kaparatan sa mga kababaihan na bumoto at unti-unting pinangungunahan ng mga maka-kaliwang radikal. Sa lumalalang kalagayang pang-ekonomiya noong Dakilang Depresyon, nagging higit na radikal at bayolente ang pulitika sa Espanya.

Ang Digmaang Panloob ng Espanya ay nag-umpisa noong 1936. Sa loob ng tatlong taon, nilabanan ng puwersang Nasyonalista na pinamumunuan ni Heneral Francisco Franco at tinangkilik ng Alemanyang Nazi at Italyang Pasista ang mga maka-, na sinuportahan naman ng Unyong Sobyet, Mexico at mga  subalit hindi ito tinangkilik ng Lakas Kanluranin dahil sa pinangunahang patakaran ng Britanya ng . Noong 1939, nanaig si Heneral Franco at naging isang diktador.

Napagtagumpayang labanan ang digmaang panloob at maraming pamamaslang ang isinagawa ng magkabilang paksiyon. Kinuha ng digmaan ang buhay ng mahigit 500,000 tao at naging dahilan ng paglisan ng aabot sa kalahating milyong mga mamamayan mula sa bansa.

Ang estado nang itatag ni Francisco Franco ay maituturing na walang pinapanigan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bagama't ang simpatya nito ay nasa Axis. Ang tanging ligal na partido sa ilalim ni Franco matapos ang digmaang sibil ay ang Falange Española Tradicionalista y de las JONS, na nabuo noong 1937; binigyang-diin ng partido ang mga kaisipang laban sa Komunismo, Katolisismo, at nasyonalismo. Dahil sa oposisyon ni Franco sa mga magkakalabang partido pulitikal, pinalitan ang pangalan ng partido bilang Kilusang Pambansa () noong 1949.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakahiwalay sa aspektong pampulitika at pang-ekonomiya ang Espanya, at hindi kabilang sa mga Nagkakaisang Bansa. Nagbago ito noong 1955, noong panahon ng Digmaang Malamig (Cold War), nang maging mahalaga ang bansa sa aspekto ng estratehiya para sa Estados Unidos na makapagtatag ng presensiyang pang-militar nito sa Tangway ng Iberia bilang sagot sa anumang posibleng pagkilos ng Unyong Sobyet sa mga katubigang Mediteraneo. Noong dekada ng 1960, nakapagtala ang Espanya ng hindi pa nagaganap na mabilis na pag-angat ng ekonomiya na nakilala sa tawag ng himala ng Espanya (Spanish miracle), na siyang nagtuloy ng naputol na pagtungo nito sa makabagong ekonomiya.

Noong 1962, nakipagpulong si Salvador de Madariaga, tagapagtatag ng Liberal Internasyonal () at ng Kolehiyo ng Europa (), sa kongreso ng Kilusang Europeo () sa Munich kasama ang mga oposisyong kontra sa rehimeng Franco, na naganap sa loob ng bansa at sa pinagtapunang bansa. May 118 mga pulitiko mula sa lahat ng paksiyon ang naroon. Sa katapusan ng mga pagpupulong, isang resolusyong pabor sa demokrasya ang isinagawa.

Sa pagkamatay ni Franco noong Nobyembre 1975, si Juan Carlos ang umupo sa puwesto bilang Hari ng Espanya at pinuno ng estado sang-ayon na rin sa batas. Sa pagtanggap ng bagong Saligang Batas ng Espanya ng 1978 at sa pagbabalik ng demokrasya, nagkaloob ng maraming kapangyarihan ang Estado sa mga rehiyon at lumikha ng panloob na organisasyon batay sa mga nagsasariling pamayanan.

Sa Basko, ang pag-angat ng nasyonalismong Basko ay sinabayan ng kilusang makabansang radikal na pinangungunahan ng armadong samahan na . Nabuo ang pangkat noong 1959 sa panahon ng paghahari ni Franco subalit nagpatuloy sa mga marahas na kampanya kahit sa panahon ng pagbabalik ng demokrasya at pagkakaloob muli ng maraming kapangyarihan sa mga nagsasariling pamayanan.

Noong 23 Pebrero 1981, kinubkob ng mga rebeldeng kasapi ng mga puwersang panseguridad ang Cortes sa pagtatangka nitong gawing kontrolado ng militar ang pamahalaan. Personal na pinakilos ni Haring Juan Carlos ang militar at matagumpay na inutusan ang mga nagsagawa ng kudeta, sa pamamagitan ng pambansang telebisyon, na sumuko.

Noong dekada ng 1980, naging posible ang isang lumalaking bukas na lipunan dahil sa pagbabalik ng demokrasya. Lumitaw ang mga bagong pagkilos pang-kultura batay sa kalayaan, gaya ng . Noong 30 Mayo 1982, sumali ang Espanya sa NATO, matapos ang isang plebisito. Noong taon ding iyon, naging makapangyarihan ang Partido Sosyalista ng mga Manggagawa ng Espanya ( o PSOE), ang unang maka-kaliwang pamahalaan matapos ang 43 taon. Noong 1986, sumali ang Espanya sa Pamayanang Europeo, na kinalauna'y naging Unyong Europeo. Pinalitan ang PSOE sa pamahalaan ng  (PP) matapos magwagi ang huli sa Pangkalahatang Halalan ng 1996; sa puntong iyon nakapagsilbi ang PSOE ng halos 14 na tuluy-tuloy na taon sa serbisyo.

Noong 1 Enero 2002, itinigil na ng Espanya ang paggamit ng peseta bilang salapi at pinalitan ito ng euro, na siyang ginagamit din ng 16 na ibang mga bansa sa loob ng Eurozone.

Kinakitaan din ang Espanya ng malakas na pagsulong ng ekonomiya, higit na mataas kaysa sa karaniwan sa EU; gayunpaman, sa gitna ng pag-imbulog ng ekonomiya ay ipinag-alala ng maraming ekonomista na ang sobrang taas na presyo ng mga ari-arian at ang mataas na foreign trade deficit o mas malaking pag-angkat kaysa pagluwas ng bansa, ay maaaring magdala patungo sa pagbagsak ng ekonomiya, na siya ngang nakumpirma sa pagbulusok ng ekonomiyang tumama sa bansa noong 2008-09.

Isang serye ng mga pambobomba sa mga pampublikong tren sa Madrid, Espanya ang naganap noong 11 Marso 2004. Matapos ang limang taong paglilitis noong 2007 napatunayang ang pambobomba'y pinamunuan ng isang lokal na militanteng grupong Islamista na hango ang paniniwala sa al-Qaeda. Kumitil ng 191 tao ang mga pambobomba at nag-iwan ng mahigit 1,800 sugatan, at maaaring ang layunin ng mga nagpasimuno nito'y impluwensiyahan ang kalalabasan ng pangkalahatang halalan ng Espanya ng 2004, na isinagawa tatlong araw makalipas nito.

Bagaman at nakatuon sa pangkat Basko na ETA ang mga paunang hinala, hindi nagtagal at lumabas ang mga ebidensiyang nagtuturo sa posibleng kilusang Islamista. Dahil naganap ito nang malapit na ang halalan, ang isyu kung sino ang responsable ay mabilis na naging isang kontrobersiyang pampulitika, kung saan ang mga partidong PP at PSOE ay nagpapalitan ng mga akusasyon sa kung sino ang dapat managot sa nangyari. Sa eleksiyon noong 14 Marso, ang PSOE, na pinangunahan ni José Luis Rodríguez Zapatero, ay nakakuha ng pluralidad o mayoryang boto, sapat upang bumuo ng bagong gabinete, na kung saan si Rodríguez Zapatero ang bagong Presidente del Gobierno o Punong Ministro ng Espanya, na ang ibig sabihi'y pinalitan nito ang dating administrasyong PP.

Sa panahong iyon, ang Espanya ay naging isa sa mga pinakasekular na lipunan sa Europa, na naging isa sa mga nauna sa mundo na nagpahintulot sa pagpapakasal sa kaparehong kasarian ().

Ang pagputok ng tinatawag na bulá ng mga ari-arian ng Espanya () noong 2008 ang nagpasimula ng krisis sa pananalapi ng Espanya mula 2008-2013.

Noong 19 Hunyo 2014, iniwan ni Juan Carlos ang kanyang trono at napunta sa kanyang anak, na naging si Felipe VI.

Sa lawak na , ang Espanya ay ang ika-52 pinakamalaking bansa. Maliit ito ng  kaysa Pransiya at malaki ito ng  kaysa estado ng Estados Unidos na California. Ang bundok ng Teide (Tenerife) ang pinakamataas na bundok sa Espanya at ikatlong pinakamataas na bulkan sa daigdig mula sa paanan nito.

Ang lokasyon ng Espanya ay naglalaro sa pagitan ng 26° at 44° N latitud, at 19° W longhitud.

Sa kanluran, nasa hangganan ng Espanya ang Portugal; sa timog naman, hinahangganan nito ang Gibraltar (isang teritoryo ng Britanya sa ibayong-dagat) at Maruekos, sa pamamagitan ng mga exclave nito sa Hilagang Aprika (Ceuta, Melilla, at Peñón de Vélez de la Gomera). Sa hilagang-silangan, kahilera ng bulubunduking Pirineos, hinahangganan nito ang Pransiya at ang munting Prinsipado ng Andorra. Kahilera ng Pirineos sa Girona, ang isang maliit na bayang exclave na tinatawag na Llívia ay pinaliligiran ng Pransiya.

Kabilang sa Espanya ang mga Pulo ng Baleariko sa Dagat Mediteraneo, ang mga Pulo ng Canarias sa Karagatang Atlantiko at ang marami pang hindi-pinaninirahang mga pulo sa tabi ng Mediteraneo sa Kipot ng Gibraltar, na tinatawag na  (mga teritoryo sa ilalim ng soberanya ng Espanya), gaya ng mga Pulo ng Chafarinas, Alhucemas, at ang maliit na Pulo ng Perejil. Ang Pulo ng Alborán, na matatagpuan sa Mediteraneo sa pagitan ng Espanya at Hilagang Aprika, ay pinamamahalaaan din ng Espanya, partikular na ng munisipalidad ng Almería, Andalusia. Ang maliit na  sa Ilog Bidasoa ay isang kondominyum ng Espanya-Pransiya.

Ang pangunahing kalupaan ng Espanya ay isang mabulubunduking lugar, na pinangingibabawan ng mga matataas na talampas at mga bulubundukin. Maliban sa Pirineos, ang mga pangunahing bulubundukin ay ang ordillera Cantábrica, Sistema Ibérico, Sistema Central, Montes de Toledo, Sierra Morena at ang Sistema Penibético kung saan ang pinakamataas na ituktok, ang may taas na 3,478 m na Mulhacén, na matatagpuan sa Sierra Nevada, ay ang pinakamataas na timbaw (elevation) sa buong Tangway ng Iberia. Ang pinakamataas na ituktok sa Espanya ay ang Teide, isang aktibong bulkan sa Pulo ng Canarias na may taas na 3,718 metro (12,198 talampakan). Ang Meseta Central ay isang malawak na talampas sa pusod ng kalupaang Espanya.

May ilang mga pangunahing ilog sa Espanya gaya ng Tagus, Ebro, Guadiana, Douro, Guadalquivir, Júcar, Segura, Turia at Minho. Matatagpuan naman ang mga kapatagang alubyal (alluvial plains) o mga kapatagang nabuo mula sa mga naanod na lupa ng ilog ay matatagpuan sa mga baybayin, ang pinakamalaki sa kanila ay ang nasa Guadalquivir sa Andalusia.

Ang Saligang Batas ng Espanya ng 1978 ay isang kulminasyon ng pagtungo ng Espanya sa demokrasya.

Ang Espanya ay isang monarkiyang konstitusyonal, kung saan may monarkang nagmamana at isang parlamentong bikameral, ang Cortes Generales o Pangkalahatang Hukuman. Ang sangay tagapagpaganap o ehekutibo ay binubuo ng Konseho ng mga Ministro na pinangunguluhan ng Punong Ministro, na iminungkahi ng monarka at pinagtibay ng Kapulungan ng mga Kinatawan matapos ang halalang lehislatibo. Batay sa nakaugaliang pampulitikang binuo ni Haring Juan Carlos mula noong pinagtibay ang Saligang Batas ng 1978, ang lahat ng mga nominasyon ng hari ay mula sa mga partidong may pinanghahawakang pluralidad ng puwesto (plurality of seats) sa Kapulungan.

Ang sangay tagapagbatas o lehislatibo ay binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (Congreso de los Diputados) na may 350 mga miyembro, na pinili batay sa popular na botong may angkop na representasyon upang maglingkod ng apat na taong termino, at ng Senado na may 259 puwesto, kung saan 208 rito ay tuwirang hinalal at 51 ang pinili ng rehiyunal na lehislatura sa tungkuling nagtatagal ng apat na taon.

Pagkatapos ang pagbalik ng demokrasya kasunod ng pagkamatay ni Franco noong 1975, ang naging pangunahing layunin ng patakarang panlabas ng Espanya ay ang kumawala sa diplomatikong pag-iisa (diplomatic isolation) at palawakin ang diplomatikong ugnayan, pumasok sa Pamayanang Europeo at itakda ang ugnayang pangseguridad nito sa Kanluran.

Ang Espanya ay kilalang may maraming wika, at itinatadhana ng saligang-batas na pangangalagaan ng bansa “ang lahat ng mga Kastila at mga mamamayan ng Espanya sa paggamit nito ng mga karapatang pantao, ng kanilang mga kultura at tradisyon, mga wika at mga institusyon.”

Ang wikang Kastila (español)—opisyal na kinikilala ng saligang-batas bilang castellano—ay ang opisyal na wika ng buong bansa, at karapatan at tungkulin ng bawat Kastila na matutuhan ang wika. Itinataguyod din ng saligang-batas na ang “ibang mga wika sa Espanya” ay magiging opisyal din sa kani-kanilang mga nagsasariling pamayanan ayon na rin sa kanilang mga batas na tinatawag nilang , mga organikong rehiyunal na tagapagbatas, at yaong “kayamanan ng natatanging lingguwistikang modalidad ng Espanya ay kumakatawan sa isang pamanang magiging simbolo ng natatanging paggalang at pagtatanggol.”

Ang iba pang mga opisyal na wika sa Espanya, kasamang kinikilala ng Kastila, ay:

Batay sa bahagdan ng pangkalahatang populasyon, ang Wikang Basko ay sinasalita ng 2% nito, Katalan (o Valenciano) ng 17%, at Wikang Galisya ng 7% ng lahat ng mga Kastila.

Sa Katalunya, ang Wikang Aranes (aranés), isang lokal na diyalekto ng wikang Oksitano, ay ipinahayag na kasamang wikang opisyal ng Katalan at Kastila simula noong 2006. Ito ay sinasalita lamang sa comarca ng Val d'Aran ng halos 6,700 tao. Ang iba pang minoryang wikang Romanse, bagama’t hindi opisyal, ay may natatanging pagkilala, gaya ng pangkat Astur-Leones (Asturiano, asturianu; tinatawag ding bable, sa Asturias at Leones, llionés, sa Castilla at León) at Aragones (aragonés) sa Aragon.

Sa nagsasariling lungsod ng Espanya sa Hilagang Aprika na Melilla, ang Riff Berber ay sinasalita ng may katamtamang bahagi ng populasyon. Sa mga lugar panturista ng baybaying Mediteraneo at sa mga pulo nito, ang Ingles at Aleman ay malawak na sinasalita ng mga turista, mga naninirahang banyaga, at mga manggagawa sa turismo.

Ang pang-estadong edukasyon ng Espanya ay libre at sapilitan mula sa edad na 6 hanggang 16. Ang kasalukuyang sistemang pang-edukasyon ay itinatag ng batas pang-edukasyon ng 2006, ang LOE (), o Batayang Batas ng Edukasyon.

Ang Katolisismong Romano ay naging pangunahing relihiyon ng Espanya sa mahabang panahon, at bagama’t wala na itong opisyal na posisyon sa batas, sa lahat ng pampublikong paaralan sa Espanya, ang mga mag-aaral ay kinakailangang pumili ng klase sa relihiyon o sa etika, at ang Katolisismo lamang ang tanging relihiyong opisyal na itinuturo. Ayon sa isang pag-aaral noong Abril 2014 ng Sentrong Kastila para sa Pananaliksik sa Pakikipagkapwa-Tao (Spanish Centre for Sociological Research), halos 69% ng mga Kastila ang nagsabing sila’y Katoliko, 2% ang ibang pananampalataya, at halos 26% na ang nagsabing wala silang relihiyon (9.4% ng kabuuan ay mga ateista). Karamihan sa mga Kastila’y hindi regular na sumasama sa mga gawaing panrelihiyon. Sinabi rin ng parehong pag-aaral na mula sa mga Kastilang nagsabing may relihiyon sila, 59% nito ay bibihira o hindi pumupunta sa simbahan, 15% nama’y pumupunta sa simbahan paminsan-minsan sa isang taon, 8% paminsan-minsan sa isang buwan, at 14% tuwing Linggo o maraming beses kada linggo.

Lahat-lahat, halos 22% ng buong populasyong Kastila ay dumadalo sa mga gawaing panrelihiyon kahit isang beses sa isang buwan. Bagama’t ang lipunang Kastila ay maituturing na naging mas sekular nitong mga huling dekada, ang pagdating ng mga migranteng Latino Amerikano, na isa sa mga aktibong mananampalatayang Katoliko, ay nakatulong sa Simbahang Katoliko na makabangon.

Nagkaroon na rin ng apat na Kastilang Santo Papa, sina Damasus I, Calixtus III, Alexander VI at Benedict XIII. Naging mahalagang labang pangkaisipan ang mistisimong Kastila kontra sa Protestantismo sa pangunguna ni Teresa ng Ávila, isang repormistang madre. Ang Lipunan ni Hesus (Society of Jesus) ay itinatag ni Ignacio ng Loyola.

May 1,200,000 kasapi ang mga simbahang Protestante. Mayroon namang halos 105,000 Saksi ni Jehova. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tinatayang may 46,000 tagasunod sa 133 kongregasyon nito sa lahat ng rehiyon sa bansa at may templo sa Distrito Moratalaz ng Madrid.

Isang pag-aaral na isinagawa ng Unión de Comunidades Islámicas de España ang nagpapakita na may halos 1,700,000 mananampalatayang Muslim ang nananahan sa Espanya nitong 2012, na kumakatawan sa 3-4% ng buong populasyon ng Espanya. Ang malaking bahagdan nito ay binubuo ng mga migrante at mga angkang orihinal na nagmula sa Maruekos at sa ibang mga bansang Aprikano. Higit sa 514,000 (30%) nito ang may pagkamamamayang Kastila.

Ang mga migrasyon nitong huli ay nagbunsod din sa paglaki ng bilang ng mga Hindu, Budista, Sikh, at mga Muslim. Matapos ang Reconquista noong 1492, hindi pinahintulutan ang mga Muslim na manirahan sa Espanya sa loob ng maraming dantaon. Ang kolonyal na pagpapalawak noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa hilagang-kanluraning Aprika ay nagbigay sa ilang mga residente ng Kastilang Maruekos at Kanlurang Sahara ng ganap na pagkamamamayan. Napagtibay ang kanilang mga katayuan sa pamamagitan ng mga migrasyon nitong huli, partikular na mula sa Maruekos at Algeria.

Ang Judaismo ay maituturing na hindi umiiral sa Espanya mula noong pagpapatalsik noong 1492 hanggang noong ika-19 na dantaon, kung kalian muling pinayagan ang mga Hudyo na pumasok sa bansa. Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 62,000 Hudyo sa Espanya, o 0.14% ng kabuuang populasyon. Karamihan ay mga nagmula sa nakaraang dantaon, habang ang iba ay mga inanak ng naunang mga Hudyong Kastila. Halos 80,000 Hudyo ang maituturing na nanahan sa Espanya bago ang Inkisisyong Kastila.

Bagama't marami nang uri ng futbol ang nalaro sa Espanya mula pa noong panahon ng mga Romano, ang palakasan o isport sa Espanya ay matagal nang dominado ng estilong Ingles na futbol o association football mula pa noong unang bahagi ng ika-20 dantaon. Ang Real Madrid C.F. at FC Barcelona ay dalawa sa mga pinakamatatagumpay na mga koponang futbol sa buong mundo. Ang pambansang koponang futbol ng bansa'y nagwagi sa Kampeonatong Futbol Europeo ng UEFA () noong 1964, 2008 at 2012, at sa Kopang Pandaigdig ng FIFA () noong 2010, at siyang unang koponang nagwagi ng tatlong sunud-sunod na torneong internasyonal.

Ang mga larong basketbol, tenis, cycling, handball, futsal, motorcycling, at nitong huli, Formula One, ay mahahalaga rin dahil sa pagkakaroon ng mga kampeong Kastila sa lahat ng mga disiplinang ito. Ngayon, ang Espanya ay isang pangunahing powerhouse sa palakasan sa daigdig, lalo na mula noong Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992 (1992 Summer Olympics) na ginanap sa Barcelona, na nagpataas ng interes sa palakasan sa bansa. Ang industriya ng turismo ay nagbunsod sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura sa palakasan, lalo na sa mga palakasan sa tubig, golf at skiing.

Si Rafael Nadal ay ang nangungunang Kastila manlalaro ng tenis at nagwagi na ng maraming titulong Grand Slam kasama na ang isahang laro sa mga lalaki (men's singles) ng Wimbledon 2010. Sa hilagang Espanya, ang laro ng pelota ay napakapopular. Si Alberto Contador ay ang nangungunang siklistang Kastila at nagwagi na ng maraming titulong Grand Tour kabilang ang dalawang titulong Tour de France.

Ang mga pista opisyal (public holidays) sa Espanya ay kinabibilangan ng halong pang-relihiyon (Katoliko Romano), pambansa, at pang-rehiyong paggunita. Bawat munisipalidad ay pinahihintulutang magpahayag ng hindi hihigit sa 14 na pista opisyal bawat taon; hanggang siyam sa mga ito'y pinili ng pamahalaan at hindi naman bababa sa dalawa ang pinili ng bayan. Ang Pambansang Araw ng Espanya () ay sa 12 Oktubre, ang anibersaryo ng Pagkakatuklas sa Amerika at pag-alaala sa pista ng Ina ng Haligi (), ang patron ng Aragon at ng kabuuan ng Espanya.

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.




#Article 115: Klasikos (147 words)


Ang Klasikos o Klasiks, partikular sa loob ng tradisyon ng Pamantasan ng Gawing Kanluran, kapag ginagamit bilang katangi-tanging pangngalan, ay ang pag-aaral sa wika, panitikan, kasaysayan, sining at ibang mga aspeto ng kulturang Griyego at Romano noong panahon na tinatawag na klasikong lumang panahon.  Bilang isang maramihang pangngalang nabibilang mga klasiko, maaari na tumukoy ito sa mga teksto na sinulat sa lumang mundo ng Mediteranyo. Isang pangunahing paksa sa humanidades ang pag-aaral ng mga klasiko, at kadalasang tinatawag na humanista ang mga taong nababasa ng mga klasiko.

Sa isang balanseng pananaw, sa mundong tsino, tinitukoy ng karakter na Intsik na #32147; (jing sa pinyin) ang isang kumpol ng mga tekstong sinulat noong lumang panahon ng Tsina at maaari na isalarawan bilang pag-aaral ng mga klasiko ang pag-aaral ng wika, panitikan, kasaysayan at pilosopiya ng panahon na iyon, karamihan sa pamamagitan ng lahat ng klasikong kasulatan ng Tsino.




#Article 116: Sining (534 words)


Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining

Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining.

Bagaman pabago-bago ang kahulugaan at kung ano ang sining, mayroong nanatiling pangkalahatang ideya parin ang nasasabi kasama nito. Ang pagiging malikhain o ang kahusayan na ipinapamalas ng tao. Ang kalikasan ng sining at ang mga ideyang kaugnay dito, pagka-malikhain at interpretasyon ay sinisihayat sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika.

Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao.  Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili.  Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay.  Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining.  Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain.  Kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at teatro.

Ang sining ay nahahati sa mga plastikong sining, kung saan ang isang bagay ay ginagawa, at sa isinasagawang sining (nilapat na sining), kung saan ang isang bagay ay ginagawa ng mga tao sa pamamagitan ng pagkilos.  Ang isa pang paghahati ay sa pagitan ng dalisay na sining, na ginawa para sa kanilang mga sarili, at ang praktikal na sining, na ginawa para sa isang praktikal na layunin, subalit mayroong masining na nilalaman. 

Ang Makasining na salita ay alternatibong kapalit sa salitang alagad ng sining ayon sa may akda at may akda ng Buhay na Obra,Sining: Ang pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan at Tatlong Kabahagian ng Kalikasan na kilalang pintor at manunulat na si Elito Circa, dagdag pa nila ang ilang katangian bilang makasining: May pagmamahal sa Diyos, May pagmamahal sa kalikasan, May pagmamahal sa bansa at sa bayan, May pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa, May bait at disiplina, May pilosopiya at paninindigan.

Nalathala ang salitang Makasining sa mga akda at sulatin ng kilalalang pintor kasama na rito ang pagpapangalan sa lupon ng mga alagad ng sining tulad ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc. na nakarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) at kinilala ng National Commission for Culture and the Arts noong toang 1997.




#Article 117: Sayaw (268 words)


Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay sa kaniyang koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw. 

Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging magkahiwalay; ang mga ito ay may espesyal na gamit, maski sosyal,seremonyal, pampaligsahan,sekswal,pang-militar at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa paggalaw ng tao ay paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang martial arts,gymnastics, figure skating, synchronized swimming at marami pang ibang uri ng pampalakasan.

Noong kaagahan ng dekada ng 1920, ang araling pangsayaw (pagsasagawa ng sayaw, teoriyang kritikal, analisis ng musika, at kasaysayan) ay sinimulang ituring bilang isang disiplinang pang-akademiya. Sa kasalukuyan, ang mga araling ito ay kasamang bahagi na ng mga programang pangsining at araling pantao ng maraming mga pamantasan. Sa pagsapit ng kahulihan ng ika-20 daantaon, ang pagkilala sa praktikal na kaalaman bilang kapantay ng kaalamang pang-akademiya ay humantong sa paglitaw ng pananaliksik na pangpagsasagawa. Isang malaking nasasakupan ng mga krusong pangsayaw ang makukuha, kabilang na ang mga sumusunod:

Ang mga degring pang-akademiyang makukuha ay magmula BA (Hons) hanggang PhD at iba pang mga fellowship na postdoktoral, na may ilang mga dalubhasa o iskolar na pangsayaw na kinukuha ang kanilang mga pag-aaral bilang mga estudyanteng may maturidad pagkaraan ng isang prupesyunal na karerang pangsayaw.




#Article 118: Panlililok (245 words)


Ang lilok o eskultura ay kahit anong tatlong-dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o artistikong pamamahayag ng saloobin.  Tinatawag na paglililok o pag-eskultura ang sining sa pagbubuo o paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit sa anong nanaangkop na materyal.  Manlililok o eskultor naman ang tawag sa mga taong gumagawa o lumililok ng mga istatuwa o rebulto.

Ang iskultura ay isa sa mga sangay ng Sining Biswal na naisasagawa sa tatlong dimension. Ang proseso ng panlililok upang ito ay maging matibay, ay karaniwang ginagamit ang pag-uukit (ang pagtanggal ng materyal) at paghuhulma (ang pagdagdag ng materyal tulad ng luad), bato, metal, seramiko, at kahoy at iba pang materyales pero, sa panahon ng modernisasyon, ang proseso ng paglililok ay nagresulta o napunta sa kalayaan sa kahit anong materyales at proseso na maaaring gamitin. Sa malawak na pagkakaiba-iba ng materyal maaaring gamitin ang paguukit at paghuhulma. Ang isang iskultura na gawa sa bato ay mas matagal mabuhay kaysa gawa sa ibang madaling masirang materyales. Madalas nirerepresenta ang karamihan sa mga nanatiling iskultura (maliban sa paggawa ng palayok) galing sa sinaunang kultura, ngunit ang tradisyon ng paglililok sa kahoy ay maaaring mawala na ng tuluyan. Karamihan sa mga sinaunang eskultura ay pinintahan ng maliliwanag na kulay at ito ay nawala na. Ang iskultura ay naging sentro ng relihiyosong debosyon sa maraming kultura. Ang malalaking eskultura na masyadong mahal para sa mga pribadong indibidwal para ilikha ay kadalasang simbolo ng relihiyon at pulitika.




#Article 119: Pinta (133 words)


Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang produkto na pagpipinta ay tinatawag na pinta. Ang gamit pangguhit ay kadalasang inilalagay sa base gamit ang isang brush, ngunit ang iba pang kagamitan tulad ng mga kutsilyo, spongha at airbrushes, ay maaari ding gamitin.

Sa sining, ang mga pinta ay maaring magkaroon ng suportang pang-ibabaw na katulad ng mga ding-ding, papel, kambas, kahoy, salamin, laka, luad, dahon, tanso, o kaya nama'y kongkreto, at maari ring gumamit ng marami pang ibang gamit pangguhit kasama na rito ang buhangin, luad, papel, plaster, gold leaf at pati na rin ang iba pang mga kagamitan. 

Ang salitang pagpinta ay ginagamit rin sa hindi saklaw ng sining bilang pangkaraniwang gawain sa pagitan ng mga artisano at manggagawa.




#Article 120: Pagbabasa (gawain) (183 words)


Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya.  Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille).  Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram.  Sa paghahambing, sa   pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.

Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan nga mga tao upang makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong nakalipas na 150 na taon o mahigit pa, na may unting eksepsiyon, tulad ng mga kolonya ng Amerika, na may maliit na bilang ng populasyon sa ibang bansa na muwang na bago pa ang rebolusyong industriyal.

Mayroong apat na uri ng pagbabasa.  Ginagawa ng tao ang pagbabasa ng mga babasahin dahil sa mga sumusunod na mga dahilan: ang pagbabasa upang malibang, ang pagbabasa para sa kabatiran, ang pagbabasa para sa pakikipagsapalaran, at ang pagbabasa para sa pagkamulat at pagbasang vmunozjr.




#Article 121: Pelikula (365 words)


Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng totoong tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. 

Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy ang kanyang tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang buhay sa paraang makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.

Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan ay pwede magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan at sakanyang buhay noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.

Ang panunuring pampelikula ay ang ebalwasyon ng isang pelikula.

Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. Karaniwang mga propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon, o personal na panonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-download mula sa internet. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya ng torrent.

Ang animasyon ay isang mabilisang paglabas ng mga sunod-sunod na larawan ng gawang 2D o 3D o posisyong modelo para makagawa ng ilusyon ng paggalaw. Ang epekto ay isang ilusyong optikal ng mosyon dahil sa penomenon ng persistensiya ng bisyon, at maaaring makagawa at maipakita sa maraming paraan. Ang larawang mosyon ang pinakakilalang metodo ng pagpapakita ng animasyon o programang bidyo, kahit na meong ibang metodo.




#Article 122: Pag-aaliw (257 words)


Ang pag-aaliw o paglilibang ay ang paggamit ng oras sa paraang di kumikita, sa maraming paraan, ito rin ang paggiging maginhawa ng katawan at isip ng isang tao.

Binubukod ito sa mga sandaling malaya (leisure). Kung saan o dapat na puno ng pahinga ang leisure, nagpapaginhawa at nakakalibang naman ang rekreasyon.
Habang nagiging di makilos ang moda ng buhay natin, lumago ang pangangailangan sa rekreasyon. Hinahalimbawa nito ang pagakyat ng tinatawag nilang aktibong bakasyon.

Hindi lamang sa tao ang rekreasyon, paglalaro o kasayahan; nagbibigay ng kagalakan ang halos lahat ng nilalang dito sa isang antas. Mahalaga ang paglalaro sa pagsulong ng mga kasanayan, pinaka-pangunahin ang mga motor na kasanayan sa mga batang nilalang.

Ang katupusan ng linggo ay tipikong oras para sa rekreasyon (sa mga kulturang Hudeo-Kristiyano at Muslim) dahil nasa katupsan ng linggo ang araw ng pangilin at araw ng pangangahinga ang araw na ito. Karaniwan din ang mga pista bilang oras para sa rekreasyon.

Sa tradisyon, ang musika at sayaw ang kinukunsidera na rekreasyon sa maraming kultura, gayon din ang palakasan, mga hobby, mga laro at turismo. Isang pangkaraniwan na anyo ng rekreasyon, kaysa leisure ang panonood ng telebisyon at pakikininig ng mga awitin.

Karamihan sa mga gawain ng maaaring rekreasyonal:

Maraming mga tao nagagalak sa mga anyo ng rekreasyon na kinukunsidera na imoral ng iba, halimawa paggamit ng droga, pagsusugal, paghuhubad at ibang pang anyo ng seks. Karagdagan pa, may mga ilang tao na may pagbabawal sa oras sa ilang anyo ng rekreasyon, halimbawa hindi sa Linggo, araw ng pangilin o habang may Ramadan.




#Article 123: Turismo (224 words)


Ang turismo isang lugar upang makita ang isang lugar. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan, ito ang kahulugan ng World Tourism Organization (isang katawan ng Mga Nagkakaisang Bansa).

Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa salaping ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo.

Ang industriyang serbisyo ay kinabibilangan ng mga ilang nahahawakan at di-nahahawakang sangkap. Kabilang sa mga elementong nahahawakan ang mga sistema ng transportasyon - himpapawid, riles, kalye, pantubig at ngayon kalawakan; serbisyong maasikaso - akomodasyon, pagkain at inumin, palilibot, mga subenir; at iba pang kaugnay na serbisyo katulad ng pagbabangko, seguro at kaligtasan  kapatanagan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento ang pamamahinga, kultura, pagtakas, adbentura, bago at lumang karanasan.

Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ang mga pamahalaan ng bansa ay gumagastos ng malalaking halaga sa advertisement sa ibang bansa upang itaguyod ang kanilang bansa upang dayuhin ng mga turista. Isinasaalang alang ng mga turista ang mga magagandang atraksiyon, seguridad ng bansa mula sa mga krimen at mga masasamang elemento gaya ng mga scam, kung ang bansa ay mura, kung ito ay malinis at madaling paglakbayan gayundin mula sa mga komento o karanasan ng mga nakaraang turista sa isang bansa.




#Article 124: Panulaan (263 words)


Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito:

Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:

Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang dula:

Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:




#Article 125: Sining ng mga gawaing-kamay (101 words)


 
Ang sining ng mga gawaing-kamay (handicraft, craftwork o craft sa wikang Ingles) ay isang uri ng gawain na ginagamit ang mga mapapakinabangan at madekorasyon na kagamitan sa pamamagitan ng mga kamay o sa paggamit ng mga payak na kagamitan.  Kadalasang ginagamit din ang katagang ito sa mga tradisyunal na paggawa ng mga produkto. May mga namamayaning pamantayan sa paggawa ng kanya-kanyang produkto, may relihiyoso o kultural na kabuluhan ang mga produktong ito. Hindi mga handicraft ang mga produktong ginawa ng maramihan o ng mga makina.
 
Ang mga gawaing kamay na tulad nito ay maaring makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng pilipinas




#Article 126: Paghahalaman (156 words)


Ang paghahardin o paghahalaman ay isang gawainmdash;ang sining ng pagpapalago ng halamanmdash;na kadalasang ginagawa sa labas o loob ng bahay, sa puwang na tinatawag na hardin.  Kung malapit ang hardin, sa bahay ng mga tao, harding pantahanan ang tawag dito. Bagaman madalas na makikita ang mga hardin sa lupa na nasa loob, palibot o katabi sa isang bahay, maaari din matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa bubong, biranda, sa mga lalagayang kahon ng mga halaman, atrium at patio.

Maaari din na makita ang pagtatanim ng halaman sa ibang lugar na hindi pantahanan katulad ng mga liwasan o parke, publiko at kalahating-publiko na hardin (harding botanikal o harding soolohikal), aliwan at mga liwasang may paksa (parkeng may tema, o mga theme park), kasama ang mga pasilyo ng transportasyon, mga panghalina ng turismo at bahay tuluyan. Sa mga ibang katayuan, pinapanatili ng mga hardinero ang mga hardin.

Kalimitang ginagamit na gabay sa paghahalaman ang isang talaarawang panghalamanan.




#Article 127: Lungsod ng Klaipėda (456 words)


Ang Klaipėda (Aleman: Memel o Memelburg; Polish: Kłajpeda) ay ang tanging daungang pandagat ng Lithuania sa Dagat Baltic. Mayroong 194,400 ang nakatira dito (2002), pababa mula 202,900 noong 1989. Sa ngayon, ang Kaipeda any isang pangunahing daungang pang-ferry na may kaugnayan sa Sweden, Denmark at Alemanya. Matatagpuan ito sa bukana ng Ilog Niemen.

Mayroon ding mga kaakit-akit na framework-architecture dito na kagaya ng mga natatagpan sa Alemanya, Inglatera at Denmark. Matatagpuan naman ang mga tanyag na seaside resorts ng Lithunia sa Neringa at Palanga malapit sa Klaipedia.

Itinatag ng mga tribong Baltic ang Kaipedia noong ika-12 siglo. Sa matagal na panahon, ito ay napapaloob sa East Prussia, sa panahong iyon Memel ang tawag dito.

Itinatag ng mga Teutonic Knights ang lungsod-dauangang ito sa Dagat Baltic noong 1252 at naitala bilang Castrum Memele (Aleman Memelburg o Mimmelburg). Noong 1254, ipinagkaloob sa Kaipeda ang Lübeck City Right. Napasampalataya ang pook sa Kristiyanismo ng mga Teutonic Knights. Ininakda ng kapayapaan sa Dagal Melno noong 1422 ang hangganan ng Lalawigan ng Prussia at Lithunia. Isinama ang Memel sa Prussia at hindi nagbago ang hangganan hanggang 1919. Ito ang hangganang pinakamatagal na hindi nagbago sa Europa.

Nagsimula noong 1474 ang pamamahala ng Memel sa ilalim ng Batas Culm ng mga lungsod ng Prussian Land. Noong 1525, sinunod ng Ducal Memel, sa ilalim ni Albert ng Prussia, ang Lutherianism. Ito ang simula ng matagal na kasaganaan para sa lungsod at daungan, nang naging fief ng Poland ang Ducal Prussia at naglaon ay naging bahagi ng Polish-Lithuanian Commonwealth. Ang lungsod na ito ang nagsilbing daungan para sa Lithuania, na nakikinabang sa kanyang lokasyon malapit sa bukana ng Ilog Neman. Nagtapos ang panahon ng kasaganaan nang ito ay nilusob, pininsala, at sinakop ng Sweden sa pagitan ng 1629 at 1635. Itinayong muli nang maraming pagkakataon ang lungsod at pagkalipas ng 75 taon malaking bilang ng populasyon ng Memel ang namatay sa salot. Nang mabuo ang nagkaisang estado ng Aleman noong 1871, naging pinaka-hilagang-kanlurang lungsod ng ito ng Aleman.

Noong 1919 ipinasailalim ang Kaipedia sa proctectorate ng Estente States. Pagkatapos ang Kasunduan ng Versailles, inihiwalay sa Aleman ang teritoryo sa paligid ng Memel at naging autonomous sa ilalalim ng pananakop ng Pransiya. Gayon pa man, lumusob ang tropang Lithuanian, sa ilalim ng kapangyarihan ni Colonel Burdys, noong 1923 at umalis ang tropang Pranses. Isinanib ang Memel sa German Reich noong 22 Marso 1939, pagkaraanng maisabib ang Austria, Sudetenland, at Czechoslovakia.

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa simula ng pagtatapos ng 1944 papuntang 1945, umalis ang mga naninirahan sa kasagsagan ng pakikipaglaban. Napasailalim ang lungsod ng Pulang Hukbo o Red Army noong, Enero 1945 at ibinigay pabalik sa Lithuanian Soviet Republic.

Marami sa natirang naninirahan ay pinapuntang Siberia at ang iba ay pinaalis patungong Aleman.




#Article 128: EDSA (2510 words)


Ang EDSA (Epifanio de los Santos Avenue; ) na dating Highway 54, ay isang mahaba at pakurbang daan na nasasakupan ang anim (6) na lungsod at pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay isang mahalagang daluyang pantransportasyon sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng kalungsuran. 

Ang EDSA ay nakadugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may Palitan ng Balintawak at South Luzon Expressway (SLEX) sa may Palitan ng Magallanes. Inuugnay rin nito ang mga pangunahing distrito pampinansiyal ng Makati Central Business District, Lundayang Ortigas, at Lundayang Araneta. Ang Ikatlong Linya ng MRT ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, mula sa kanto ng Abenida Taft sa Pasay hanggang sa SM North EDSA sa kanto ng North Avenue sa Lungsod Quezon. Ito ang pinakamahaba at pinakamatrapik na daan sa kalakhang Maynila na may haba ng 23.8 kilometro (14.8 milya).

Ang buong lansangan ay bahagi ng Daang Palibot Blg. 4 (C-4), isang sistema ng mga daan at tulay na nagsisilbing ika-apat na daang palibot (beltway) para sa Lungsod ng Maynila. Isa rin itong bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 1 (N1) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, at Asian Highway 26 (AH26) ng sistema ng lansangang bayan sa Asya. Ang mga lokasyon sa paligid ng abenida ay kinakikitaan ng malaking pag-unlad sa ekonomiya at industriya, at ito'y napapatunayan sa dalawa sa mga sentrong industriya sa kalakhan (ang Makati CBD at Ortigas) na derektang mapupuntahan sa pamamagitan ng lansangang ito. Ang pag-unlad ng ekonomiya sa mga lugar sa paligid ng abenida ay nagbibigay ng malaking bolyum ng trapiko sa abenida, at sa mga pagtataya na isinagawa kamakailan lamang,  karaniwang umaabot sa 2.34 milyon na sasakyan ang dumaraan sa EDSA araw-araw.

Ang EDSA ay isang hating daanan (divided carriageway), na kadalasang may 12 linya (anim kada direksyon) at may nakaangat na Ikatlong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila bilang panggitnang harangan (median) nito. Hindi isang mabilisang daanan ang EDSA, subalit mahigpit na isinasagawa ang mga batas-trapiko at nakatakdang tulin sa mga sasakyang dumadaan dito. Pinapatakbo ito ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA), at pinapanatili at madalas na kinukumpuni ito ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).

Simula nang ginawa ang EDSA noong 1930's una itong tinawag bilang  North-South Circumferential Road, na ginawa sa loob ng panungkulan ni Pangulo Manuel L. Quezon, na pinangunahan ng mga inhinyerong sina Florencio Moreno at Osmundo Monsod.

Ang daan ay natapos noong taong 1940, bago pa nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kasunod na pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagsisimula ito noon sa North Diversion Road (North Luzon Expressway ngayon) at nagtatapos ito sa magiging Palitan ng Magallanes ng South Luzon Expressway. Pagkatapos ng kalayaan ng bansa noong 1946, ang daan ay pinalitan ng pangalan bilang Avenida 19 de Junio (Avenida ika-19 ng Hunyo), mula sa kapanganakan ng pambansang bayaning si José Rizal.

Noong dekada-1950, ang daan ay pinangalang Highway 54 sa kaalaman ng marami na ang daan ay may limampu't apat na kilometro. Ang mga Rizalista ay gustong panatiliing 19 de Junio ang pangalan ng daan. Habang si Pangulo Ramon Magsaysay naman ay gustong ipangalan ito kay Rizal. Ang mga nakatira sa Lalawigan ng Rizal ay gustong ipangalan ang daan sa isang Rizaleño, historyador, hukom at iskolar na si Epifanio de los Santos y Cristóbal. Ang  Philippine Historical Committee (ngayon ay tinatawag bilang National Historical Commission of the Philippines), ang Philippine Historical Association, ang Philippine Library Association, Association of University and College Professors, ang Philippine China Cultural Association, at ang Philippine National Historical Society, na pinangungunahan ng mga Rizaleño na sina Eulogio Rodriguez Sr. at Juan Sumulong, na sinuportahan ang pagbabago ng pangalang Highway 54 sa Avenida Epifanio de los Santos.

Noong Abril 7, 1959, kaarawan ni de los Santos, ipinagtibay ang Batas Republika Blg. 2140, na nagbabago ng pangalan ng abenida sa kanyang karangalan. Ang mabilis na pagusbong ng mga pook-urbano noong dekada-1960 at 1970, lalo na noong idinagdag ang ilang bayan ng Rizal sa bagong buong Pambansang Punong Rehiyon, ay nagtanda sa pagunlad ng mga sentro-industriyal sa kahabaan ng abenida at sa ilang daan na naka-ugnay sa abenida, tulad ng Abenida Ayala at Daang McKinley sa Makati.

Noong panunungkulan ni Pangulo Ferdinand Marcos, nagsimula nang magkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa abenida. Itinayo ang ilang mga palitan upang maibsan ito, kabilang na ang mga Palitan ng Balintawak at Magallanes sa magkabilang dulo ng abenida. Noong isinakatuparan ang Sistemang Arteryal ng mga Daan sa Kamaynilaan noong 1965, upang makompleto ang sistemang C-4, pinahaba ang EDSA sa Abenida Taft mula South Luzon Expressway (ang karugtong ito ay tinawag na F. Rein Avenue), at sa Bulebar Roxas (ang karugtong ito ay tinawag na P. Lovina Avenue). Pinahaba rin ang EDSA mula sa dating dulo nito sa Balintawak papuntang Daang Apolonio Samson sa kinalalagyan ng kasalukuyang Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Mula dekada-1960 hanggang kalagitnaan ng dekada-1980 ang karamihan ng abenida ay nakatanaw sa mga malawak na lupaing damo at bukas na linang.

Noong 1986, nag-alsa ang mga kalaban ni Pangulo Marcos sa politika laban sa kanyang 20-taong pamahalaang diktaturiyal. Kinubkob nila ang mga base militar ng Kampo Rafael Crame at Kampo Aguinaldo, kapwa matatagpuan sa EDSA sa sangandaan nito sa Abenida Bonny Serrano. Noong Pebrero 25, 1986, nakuha ng pandaigdigang batid ang Abenida Epifanio de los Santos bilang lugar ng mapayapang demonstrasyon na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, sa pamumuno ni Corazon Aquino. Karamihan sa mga demonstrasyon ay naganap sa mahabang kahabaan ng abenida, at nabibilang ng higit dalawang milyong sibilyang Pilipino kasama na ang ilang mga kilalang grupo ng politika, militar, at relihiyon na pinangunahan ni Kardinal Jaime Sin, Arsobispo ng Maynila.

Ang lugar ng pagbabago ng kasaysayan ay tinanda ng mga monumento na matatagpuan sa kinaroroonan ng mga naganap na pangyayari. Ang mga pook-palatandaan sa kasaysayan ay nagsisimula sa pasukan ng Mandaluyong na may mataas na istatwa ni Maria (ina ni Hesukristo) na pinahiran ng kulay gintong pintura na hinaluan ng mga batong bronse. Sa kanto naman ng EDSA at Abenida White Plains malapit sa pasukan ng Corinthian Gardens makikita ang isang monumento ng higanteng bakal na metal na binuo ng maraming taong nakatayo sa isang bilugang mala-podyum na piramide at may madre sa gitna nito na nag-aabot sa kalangitan. Ang pangunahing daos ng rebolusyon ay ang dapat sanang pagwasak ang mga kampo, ang tanging naganap ay ang pagpinta ng pinakamahabang mural sa Pilipinas na may haba na 2.4 kilometro sa mga pader ng mga kampo na may walong talampakang taas. Ipinapakita ng mga ito ang tanda ng mataimtim na pangako, kapayapaan, at pagkakaisa.

Pagkatapos ng Rebolusyong People Power, kilala na sa mas-nakararami bilang EDSA ang abenida, at isinama na ang F. Rein at P. Lovina sa abenida. Noong 1997, sinimulang itayo ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila sa ibabaw ng EDSA mula Abenida North hanggang Abenida Taft, noong pagkapangulo ni Joseph Estrada.

Ang Ikalawang Rebolusyon sa EDSA ay nagbunga sa mapayapang pagpapatalsik ni Joseph Estrada, ang ika-labintatlong Pangulo ng Pilipinas. Pinalitan siya ng kanyang pangalawang pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo, na nanumpa sa opisina sa pamamagitan ni noo'y Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. sa mga tanghali ng Enero 20, 2001, ilang oras bago umalis ng Palasyo ng Malakanyang si Estrada.

Noong 2006, pinahaba ang abenida mula Bulebar Roxas patungong SM Mall of Asia, kung saan kasalukuyang nagtatapos ito sa Globo at rotonda ng Mall of Asia. Noong Setyembre 2006 nasira ang malaking bahagi ng abenida, noong nanalasa ang Bagyong Milenyo sa Maynila.

Noong 2010 pinahaba ang Unang Linya ng LRT (LRT-1) ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila mula Estasyong Monumento hanggang Estasyong Roosevelt, sa huli ay dadaan ng EDSA hanggang sa matapos ito sa kinalalagyan ng Estasyong North Avenue ng MRT.

Noong Agosto 2012, bago ang pagdinig ng Kongreso sa pinagtatalunang panukalang-batas ukol sa kalusugan sa pag-aanak o RH Bill, nagsagawa ng isang pangmadlang rally (mass rally) ng Simbahang Katolika sa EDSA upang maipakita ang kanilang pagtutol sa panukala.

Noong Pebrero 25, 2015, naganap sa EDSA ang isang kilos protesta na nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulo Benigno Aquino III. Binubuo ito ng libu-libong katao mula sa iba't-ibang grupong lipunang-sibil, politikal at relihiyon. Nanatili lamang ang kilos protesta sa paligid ng EDSA-Santolan dahil sa mga harang ng kapulisan na naghadlang sa mga raliyista na makalapit sa Bantayog ng Lakas ng Bayan.

Noong Agosto 27-31, 2015, nagsagawa ng demostrasyon ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo sa EDSA upang manawagan kay dating Kalihim ng DOJ Leila de Lima na magtuon ng pansin sa mga mahahalagang usapin tulad ng kaso sa SAF 44 at hindi sa kaso na inihain ng dating ministro ng INC laban sa mga kasapi ng Sanggunian. Tinututulan nila ang sinasabing paglabag sa paghihiwalay ng simbahan at estado.

Noong Setyembre 9, 2015, inilabas ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ang Highway Patrol Group sa EDSA upang makontrol ang mabigat na paninikip sa trapiko kasama na ang mga tagatupad ng batas-trapiko ng MMDA sa mga masisikip na bahagi ng EDSA.

Noong Nobyembre 30, 2016, isinagawa ang pinakamalaking protesta kontra-Marcos sa ika-21 dantaon sa Bantayog ng Lakas ng Bayan, samu't-saring mga lungsod at lalawigan sa bansa kasunod ng pinagtatalunang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Noong Nobyembre 5, 2017, libu-libong mga kritiko ni Pangulong Duterte ang pumunta sa isang misang idinaos sa Dambana ng EDSA, na tinaguriang Lord, Heal Our Land, na pinamunuan ni Arsobispo Socrates Villegas ng Lingayen–Dagupan. Sumama rin sa misa ang ilang kilalang mga tao sa likod ng Tindig Pilipinas, ang noo'y-Senador Antonio Trillanes IV, at ang noo'y Kinatawan Gary Alejano.

Noong Pebrero 22, 2018, nagtipun-tipon ang mga pangkat sa Bantayog ng Lakas ng Bayan upang idaos ang isang panalangin sa gabi, at upang ipakita ang pagtutol sa ipinapanukalang pagbabago ng Saligang-batas o charter change.

Noong Pebrero 22, 2020, nagtipon ang mga raliyista sa Bantayog ng Lakas ng Bayan upang iprotesta ang pagpapahintulot sa pagsuway ng Tsina sa soberanya ng Pilipinas, at upang ipanawagan ang pagbababa sa puwesto ni Rodrigo Duterte.

Nagsisimula ang EDSA sa Rotonda ng Bantayog ni Bonifacio (Monumento) sa Gracepark, Caloocan, kalapit ng Daang Samson, ang kanlurang bahagi ng C-4. Ang rotonda ay isa ring palatandaan ng Himagsikan ng 1896 ni Andrés Bonifacio. Ang 1.7 kilometrong bahagi ng abenida ay nasa Caloocan. Papasok ito sa Lungsod Quezon sa distrito ng Balintawak, pagkaraan ng sangandaan nito sa North Luzon Expressway sa may Palitan ng Balintawak.

Dadaan naman ang EDSA sa mga distrito ng Project 6 at Muñoz. Biglang liliko ito patimog pagtawid nito ng sangandaan ng Abenida North-Abenida West sa Triangle Business Park. Sa hilagang gilid ng EDSA ay ang SM City North EDSA. Sa harap nito ay ang TriNoma at ang Eton Centris o Centris Walk. Madaling makikita ang ABS-CBN Broadcasting Center at ang transmiter mula EDSA at tutuloy ito patimog paglampas ng sangandaan nito sa Abenida Quezon. Bahagyang liliko ito nang pakanluran hanggang sa makaalis ito ng Triangle Park paglampas ng sangandaang Abenida East-Abenida Timog, kung saan matatagpuan ang GMA Network Center. Tutuloy ito sa distrito ng Cubao, papasukin nito ang Araneta Center pagkatawid nito sa Bulebar Aurora Tunel. Sa Cubao matatagpuan ang ilang pook-pamilihan, impraestruktura, at opisina, pinakatanyag sa mga ito ang Smart Araneta Coliseum na pinakamalaking koliseo sa Timog-Silangang Asya. Liliko ang abenida patimog at papasok sa mga distrito ng Santolan at Socorro, kung saan matatagpuan ang mga base militar na Kampo Rafael Crame at Kampo Aguinaldo. Sa di-kalayuan matatagpuan din ang Greenhills Shopping Center at Eastwood City. Tutuloy naman ang EDSA sa ruta nito at magsisilbi itong hangganan ng mga lungsod ng San Juan at Lungsod Quezon. Matatagpuan ang Bantayog ng Lakas ng Bayan sa hilagang gilid ng EDSA sa sangandaan nito sa Abenida White Plains. Pagkaraan ng 11 kilometrong bahagi ng EDSA sa Lungsod Quezon, aalis sa lungsod ang abenida at papasok sa Mandaluyong. Papasok sa Mandaluyong ang EDSA pagtawid nito sa hangganan ng Lundayang Ortigas. Ilan sa mga kilalang gusali at pook-palatandaan sa Lundayang Ortigas ay ang gusali ng Philippine Overseas Employment Administration, Robinsons Galleria, SM Megamall, Forum Robinsons (Robinsons Pioneer), at ang bronseng Dambana ng EDSA, isang simbahang pang-alaala sa Rebolusyong 1986. Liliko naman ito nang bahagya pakanluran paglampas ng sangandaan nito sa Kalye Pioneer, at tatawirin nito ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng Tulay ng Guadalupe pag-alis nito ng Mandaluyong.

Papasok ito sa lungsod ng Makati paglampas ng Ilog Pasig, at dadaan ito sa mga distrito ng Guadalupe, Comembo, at Magallanes. Sa Guadalupe, nabibigay-daan ang EDSA sa Rockwell Center, isang pangunahing mixed-use business park sa Makati. Nagbibigay rin ito ng daan papuntang Taguig at Bonifacio Global City (BGC) di-kalayuan. Paglampas ng Abenida Gil Puyat, papasok ang EDSA sa Ayala Center, isang mahalagang distritong industriyal sa Pilipinas, kung saan matatagpuan ang mga pook-pamilihan ng Greenbelt at Glorietta. Liliko naman ang abenida pakanluran at tutuloy sa deretsong ruta papuntang Pasay.

Papasok sa Pasay ang EDSA pagkaraan ng sangandaan nito sa South Luzon Expressway sa Makati. Sa Pasay, nagbibigay-daan ang lansangan sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng isang flyover. Papasok ang EDSA sa paligid ng Baclaran Shopping Center at tutuloy pakanluran hanggang sa papasukin nito ang Bay City reclamation area, kung saan matatagpuan ang SM Mall of Asia. Ang katimugang dulo ng EDSA ay sa rotonda sa harap ng Globo ng SM Mall of Asia.

Ang pangunahing ahensiya na nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA), isang ahensiya sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at pinapayuhan ng Liga ng mga Alkalde ng Kalakhang Maynila. Isa sa mga pamamaraan ng MMDA sa pangangasiwa ng trapiko na umiiral sa EDSA ay ang Uniform Vehicular Volume Reduction Program (na mas-kilala ng madla bilang number coding o color coding), na umiiral din sa ibang mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.

Marami ang nakapuna na ang sanhi ng karamihan sa mga pagsisikip ng trapiko sa EDSA ay mga bus at dyipni na lumalabag sa batas-trapiko. Kasunod nito, naging target ang mga bus sa mga ibang programang pangangasiwa sa trapiko ng MMDA, tulad ng Organized Bus Route Program. Mahigpit na ipinapatupad ng MMDA ang paglilinya ng mga motorsiklo at bus sa EDSA, at dahil diyan ito ang ikalawang lansangan sa Pilipinas na may ipinatupad na ganitong batas-trapiko, pagkatapos ng Abenida Commonwealth. Ang karaniwang bilis ng mga sasakyan EDSA ay 15 kilometro kada oras (9.3 milya kada oras).

Mula Enero 18, 2016, sinimulang ipatupad nang mahigpit ang mga linya ng bus sa bahaging Shaw-Guadalupe, kung saan inilagay ang mga plastik na harangan at ipinagbawal ang pagpasok ng mga pampribadong sasakyan at taksi sa mga nasabing linya maliban na lamang pag-liliko sa mga kalapit na lansangan. Sa kabila ng mga plastik na harangang ito, pumapasok pa rin ang maraming pampribadong sasakyan sa mga linyang ito.

Ang mga kilometro, na nakabatay sa mga bilang na makikita sa mga kulay-dilaw na kilometrong bato sa kahabaan ng lansangan, ay nakabilang nang pa-clockwise mula Kilometro 9, malapit sa Monumento ni Bonifacio. Ang Kilometrong Sero ay nasa Liwasang Rizal. Ang bahagi ng lansangan sa kanluran ng Bulebar Roxas patungong SM Mall of Asia ay hindi kasama sa opisyal na pagbibilang, sapagkat hindi silang orihinal na mga bahagi ng EDSA.




#Article 129: Internet (1293 words)


Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.  Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP).  Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magkakaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web

Noong 1969, nagsimula bilang ARPANET ang mga sentral na network na binubuo ng Internet.  Binuo ito ng United States Department of Defense Advanced Research Projects Agency (ARPA).  Kabilang sa mga naunang pagsasaliksik na inambag sa ARPANET ang gawa sa mga di-sentralisadong network, teoriya ng pagpila, at packet switching.  Noong 1 Enero 1983, pinalitan ang sentral na networking protocol ng ARPANET mula sa NCP patungong TCP/IP, na siyang naging simula ng Internet sa pagkilala natin sa ngayon.

Noong 1986, isa sa naging mahalagang hakbang sa pagsulong nito ang paggawa ng National Science Foundation (NSF) ng isang pamantasang backbone, ang NSFNet.  Kabilang ang Usenet at Bitnet sa mga mahahalagang magkakaibang network na matagumpay na nabigyan ng lugar sa loob ng Internet.

Sa loob ng dekada 1990, matagumpay na nabigyan ng lugar ng Internet  ang karamihan sa mga nakaraang umiiral na computer network (nanatiling hiwalay ang ilan sa mga network katulad ng Fidonent).  Kadalasang iniuugnay ang paglagong ito sa kakulangan ng sentral na pangangasiwa, na pinahintulot ang pundamental na paglago ng network, gayun din ang paggiging di-proprietary ng mga Internet protocol, na pinapalakas ang loob ng mga nagtitinda (vendor) sa paggamit ng ibang sistema at iniiwasan ang isang kompanya na gamitan ang kapangyarihan na kontrolin.

Bukod sa hindi mapaniwalaan at masalimuot na pisikal na koneksiyon na binubuo ng imprastraktura nito, binibigkis ang Internet ng mga bilateral o multilateral na kontratang pangkalakalan (commercial) (halimbawa peering agreement) at mga teknikal na detalye o protocol na sinasalarawan kung paaano magpalitan ng mga datos sa ibabaw ng network.

Hindi tulad ng mga lumang sistema ng komunikasyon, sinadyang binalangkas ang Internet protocol suite para maging agnostiko na may pagkakilala sa suportang pisikal na tagapamagitan. Maaaring magdala ng trapiko sa Internet ang kahit anong pangkomunikasyon na network, nakakawad man o hindi, na maaaring magdala ng digital na datos sa dalawang direksiyon. Sa gayon, dumadaloy ang mga Internet packet sa mga nakakawad na network katulad ng tansong kawad, magkasuyong kable (coaxial cable), at fiber optic; at sa mga walang kawad na network katulad ng Wi-Fi. Ito ang binubuo ng Internet kapag sama-sama ang lahat ng mga network na ito na binabahagi ang parehong mataas na antas na mga protocol.

Nagmula ang mga Internet protocol mula sa mga usapin sa loob ng Internet Engineering Task Force (IETF) at kanilang mga gumagawang pangkat, na bukas sa paglahok ng publiko at repaso. Nililikha ng mga kumiteng ito ang mga dokumento na kilala bilang mga dokumento ng Request for Comments (RFCs). Naiakyat ang katayuan ng ibang RFCs bilang Pamantayang Internet ng Internet Architecture Board (IAB).

Ilan sa mga higit na ginagamit na mga protocol sa Internet protocol suite ang IP, TCP, UDP, DNS, PPP, SLIP, ICMP, POP3, IMAP, SMTP, HTTP, HTTPS, SSH, Telnet, FTP, LDAP, at SSL.

Ilan sa mga tanyag na serbisyo sa Internet na binubuo ng mga protocol na ito ang e-mail, Usenet newsgroups, pagbabahagi ng mga file, the World Wide Web, Gopher, session access, WAIS, finger, IRC, MUD, at MUSH.  Sa mga nabanggit na ito, malinaw na ang e-mail at ang World Wide Web ang higit na ginagamit, at marami na ibang mga serbisyo ang ginawa sa ibabaw nito, katulad ng mga mailing list at weblog.  Ginawang posible ng Internet ang magbigay ng serbisyong real-time katulad ng radyong web at mga webcast na maaaring pasukin saan man sa daigdig.

Hindi nilikha sa ganitong paraan ang ilan sa mga ibang tanyag na serbisyo sa Internet, ngunit nakasalig sa sistemang proprietary sa simula. Kabilang dito ang IRC, ICQ, AIM, at Gnutella.

Maraming naganap na mga pagsusuri sa Internet at sa kanyang kayarian.  Halimbawa, natukoy na mga halimbawa ng scale-free network ang kayarian ng Internet IP routing at mga hypertext link ng World Wide Web.

Katulad ng kung papaano kumakabit ang mga pangkalakalan (commercial) na mga tagapagbigay ng Internet sa pamamagitan ng mga Internet exchange point, kumakabit patungo sa mga malalaking subnetwork ang mga pangsaliksik na network katulad ng:

Binuo naman ito sa palibot ng halos tila mas maliit na mga network. Tignan din ang listahan ng mga pang-akademyang organisasayon ng kompyuter network.

Mayroong malalalim na makabuluhang epekto ang Internet sa kaalaman at mga pananaw ng mundo. Sa pamamagitan ng paggamit ng keyword sa pananaliksik sa Internet, gamit ang mga search engine, katulad ng Google, milyon-milyon sa buong mundo ang may madali, sandaling pagpasok sa isang malawak na halaga at magkakaibang mga online na impormasyon. Kompara sa mga ensiklopedya at tradisyunal na mga aklatan, kinakatawan ng Internet ang isang biglaan at sukdulang desentralisasyon ng impormasyon at datos.

Ingles ang higit na ginagamit na wika para sa pakikipagusap sa Internet, dahil sa pinagmulan ng Internet, sa paglago ng ginagampanan ng Ingles bilang internasyonal na wika, at ang mahinang kakayahan ng sinaunang mga kompyuter na tanggapin ang mga karakter liban sa kanlurang alpabeto.

Lumago nang sapat ang Internet sa mga nakaraang taon, na makukuha sa karamihan sa mga sumulong na bansa ang sapat na nilalamang katutubong-wika para sa isang kapaki-pakinabang na karanasan.

Sa Internet, maaaring makipag-usap ang mga tao na may pambihirang kawilihan o kundisyon at makipagtulungan sa pamamagitan ng hindi mabilang na mga pamamaraan, nang walang sagabal sa layo.

Maraming mga negatibong publisidad ang Internet, kasama ang kapakinabangan nito, mula sa tunay na mga pag-alala hanggang sa ma-tabloid na pagkakalat ng takot.

Kabilang ang dial-up, landline broadband (sa ibabaw ng magkasuyong kable, fiber optic o tansong kawad) at satellite sa karaniwang pamamaraan sa pagpasok sa Internet sa loob ng bahay o opisina.

Sa mga pampublikong lugar, kabilang ang mga aklatan at kapihang Internet sa mga lugar na ginagamit upang pumasok sa Internet, kung saan may mga kompyuter na may koneksiyon sa Internet. Maaari din pasukin ang Internet sa mga ibang pampublikong lugar katulad sa bulwagan ng paliparan, minsan ang paggamit nito ng sandali habang nakatayô. Maraming mga kataga ang ginagamit katulad ng public Internet kiosk, public access terminal, Web payphone.

Binibigay naman ng Wi-Fi ang walang kawad na pagpasok sa Internet. Kabilang sa mga hotspot na nagbibigay ng ganoong pagpasok ang mga kapihang Wi-Fi, kung saan kailangan magdala ng isang gumagamit ng sarili niyang kagamitan na walang kawad katulad ng laptop o PDA.  Maaari na walang bayad ang mga serbisyong ito, libre sa mga mamimili lamang, o may bayad. Hindi limitado ang isang hotspot sa isang lokasyon lamang. Maaari na nasa buong kampus o parke ito, kahit na sa mga kasuluk-sulukan ng lungsod.

Bukod sa Wi-Fi, mayroon mga pagsubok ang naganap sa proprietary na mga walang kawad na mobile network, at nakatakdang walang kawad na serbisyo. Hindi masyadong malaganap ang serbisyong ito dahil sa mataas na halaga ng pangangalap nito, na pinapasa bilang kabayaran sa mataas na paggamit ng mga gumagamit.

Kabilang ang Timog Korea, Sweden, Finland, Canada at ang Estados Unidos sa mga bansa kung saan isang produkto ang pagpasok sa Internet na ginagamit ng nakakarami sa populasyon. Lumalago nang mabilis ang paggamit ng Internet sa buong daigdig ng nakaraang dekada, bagaman tila bumagal ang paglago noong pagkatapos ng 2000.  Natatapos na ang bahagi ng mabilis na paglago ng mga industriyalisadong bansa, habang nagiging malaganap ang paggamit doon, ngunit patuloy ang paglaganap sa Aprika, Latinoamerika, ang Carribean at sa Gitnang Silangan.

Isang paraan upang maging tulay sa tinatawag nilang digital divide ang pagpapalawak ng pagpasok sa Internet.




#Article 130: Tugtugin (328 words)


  

Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay hango sa salitang Griyego μουσική (mousike; sining ng mga Musa). Sa kanyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng musika.

Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa pangsariling interpretasyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari din i-record.

Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan. Gayunman, ang ika-dalawampung siglo na kompositor na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”




#Article 131: Paglalakbay (137 words)


Ang paglalakbay ay ang paglipat ng mga tao. Kabilang sa mga dahilan ng paglalakbay:

Ilan sa mga karaniwan na makasaysayang dahilan ng paglalakbay: mangibang-pook, paglalakbay ng peregrino, at eksplorasyon or ekspedisyon. Naging sanhi ang kalikasan ng tatlong ito ang pansarili at kultural na pagpapakasakit, tulad sa mga kaso ng mga Aboriginal, mga peregrino sa Mecca at si Kapitan James Cook. Sa isang banda, kadalasang pinahihintulot ng pakipagkalakalan ang pagpapalitan at paghalo ng mga kultura at dinala ang pagbabago sa mga tao.

Nito lamang nakaraang ilang dantaon na simula nating naisip na kasingkahulugan ng paglalakbay ang kaisipan ng mga pista o bakasyon; sa ibang salita, ang pagtakas sa ating araw-araw na pagpupunyagi at paggawa. Sa pagdami ng bilang ng mga taong naglalakbay upang magbakasyon, dumami na rin ang mga travel agencies, travel insurance, at opsyon ng travel money.




#Article 132: Rafael del Riego (541 words)


Si Rafael del Riego y Flórez (9 Abril 1784 – 7 Nobyembre 1823) ay isang heneral at liberal na politikong Espanyol.

Ipinanganak si del Riego noong 9 Abril 1784 sa Santa Maria de Tuñas sa Asturias. Nang nakapagtapos siya sa University of Oviedo noong 1807, lumipat siya sa Madrid, kung saan sumapi siya sa hukbo. Noong 1808, sa panahon ng Spanish War of Independence, nahuli siya ng mga Pranses at ikunulong sa Escoria, kung saan siya nakatakas.

Noong Nobyembre 10, nagkaroon siya ng bahagi sa Battle of Espinosa de los Monteros, kung saan siya muling dinakip. Pagkaraan ng tatlong araw, pinapunta siya sa Pransiya at pinalaya sa huli. Nilakbay niya ang Inglatera at ang mga Estado ng Alemanya, at noong 1814, bumalik sa Espanya at sumapi muli sa hukbo na may ranggong lieutenant colonel.

Sa panahon ng anim na taon ng absolutism, sumapi siya sa freemasons at liberals sa pakikisabwat laban kay Haring Ferdinand VII. Noong 1819, bumuo ang hari ng 10 batalyon upang kalabanin ang South American resistance movements. Pinamunuan ni Riego ang batalyong Asturian. Gayun pa man, pagkarating sa Cadiz, kamasa ng ipa bang opisyal, sinumulan niya ang pag-aalsa noong 1 Enero 1820, at hiningi ang pagbabalik ng saligang-batas ng 1812. Tinatawag ang labanang ito na Spanish Civil War, 1820-1823. Nagmartsa ang tropa ni Riego sa mga lungsod ng Andalusia na naghahangad na makapagsimula ng pag-aalsa laban sa kaharian, ngunit ang karamihan sa mamamayan ay ipinagwalang bahala ito. Gayun pa man, nagsimula sa Galicia ang pag-aalsa, at mabilis na kumalat sa buong Espanya. Noong 7 Marso 1820, pinalibutan ng mga sundalo sa ilalim ni heneral Ballesteros ang royal place sa Madrid, at noong Marso 10, sumang-ayon ang hari na ibalik ang saligang-batas.

Itinaas ang ranggo ni Riego mula field marshall patungong captain-general ng Galicia ng bagong tatag na pamahalaang progressist. Noong 8 Enero 1821, siya ang namahala sa Aragon at lumipat sa Saragossa. Noong Hunyo 18 ng taong iyon, pinakasalan niya ang kanyang pinsan na si Maria Teresa del Riego y Bustillos. Noong 4 Setyembre 1891, dahil sa di nagtagumpay na republican revolt, siya ay maling inakusaghan ng republicanism at ipinakulong. Gayun pa man, ang kanyang kasikatan ay lumaki at nagkaroon ng demonstrasyon upang siya ay palayain. Noong Marso 1822, inihalal siya sa Cortes Generales, at pinalaya sa huli.

Noong Disyembre 1822, sa Congress of Verona, nagdesisyon ang mga bansa ng Holy Alliance na magiging banta sa katiyakan ng Europa ang republican na Espanya, at napili upang ibalik ang absolute monarchy sa Espanya ang Pransiya. Noong 7 Abril 1823, tinawid ng hukbong Pranses ang hangganan. Pinamahalaan ni Regio ang 3rd Army, ang nilabanan ang mga mananakop pati na rin ang mga grupong loyalista. Ngunit noong Setyembre 15, siya ay nilinlang, at ipinakulong sa isang nayon ng Anquillas (Jaen). Dinala siya sa Madrid. Kahit na ipinahayag na ang absolute amnesty, hinatulan pa rin siya ng royal court sa salang pagtataksil dahil isa siya sa miyembro ng parlamento na bumoto upang kunin ang kapangyarihan mula sa hari. Noong 7 Nobyembre 1823, binitay si Rafael del Riego sa la Cebada Square sa Madrid.

Ang Himno de riego, isang awiting isinulat sa dangal ni Riego, ay ang awit ng Second Spanish Republic (1931-1939). Ang kanyang larawan ay nakadisplay sa gusali ng Cortes Generales.




#Article 133: Kalusugan (548 words)


Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga enerhiya at materya (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang kalusugan bilang isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan.

Ang kalusugang pangkapaligiran, nutrisyon, pag-iwas sa sakit, at kalusugan ng publiko ang pinakamatibay na aspeto ng pagiging magaling na matibay na naangkop sa larangan ng medisina. Maaaring siyasatin at tulungan ng mga aspetong ito ang pagsukat sa pagiging masaya at magaling.

Sa ibang lipunan, sangkot sa kalusugan ang pangangalaga ng kalagayan ng katawan pagkatapos makamit ang mas pangunahing mga pangangailangan ng pagkain, tirahan at pangununahing alagang medikal. Nilalapat ang karamihan sa mga kasanayang ito upang mapagpatuloy ang kagalingan, sa katotohanan, nilalayon ang pagpigil sa mga naibubunga ng pagiging may kaya, katulad ng pagiging mataba at ang kakulangan ng ehersisyo.

Lumago bilang isang tanyag na kaisipan ang kagalingan sa mga kanlurang bansa simula noong ika-19 na siglo, habang nagsimulang lumitaw ang mga gitnang uri sa mga industriyalisado mundo, at sa panahon kung saan mayroon oras at mga yaman ang bagong masaganang publiko upang ipagpatuloy ang kagalingan at ibang anyo ng sariling-kabutihan. Marami sa mga produktong pangkonsumo, mula sa mga maliit na bahagi ng mais hanggang sa pang-mumog, na pinakinabangan o hinango mula sa mga lumilitaw na pagkagusto sa kagalingan.

Ang kagalingan ay maaaring kinabibilangan ng paggamit ng maka-agham na mga pagsubok at pagsasanay upang mapanatili ang kalusugan, katulad ng pagtingin sa kolesterol, presyon ng dugo, glukosa, at iba pang mga pangitain ng katawan. O maaari na kinabibilangan ng mga kontrobersiyal na pagsasanay, katulad ng pagiwas sa mga ilang pagkain o paginom ng ilang bitimina o alternatibong medisina.

Maaari na isalarawan ang pansariling kalikasan ng kagalingan sa pamamagitan ng isang palagay na halimbawa ng isang tao na iniiwasan ang mga dinagdag na sangkap sa pagkain at mapili sa pagpili ng pagkain upang mapahaba ang kalusugan, ngunit walang iniisip sa pagsakay sa isang kotse at pagmaneho ng daan-daang milya. Sa estadistika, mas malaki ang panganib sa pagamit ng mga sasakyan kaysa sa pagiwas sa mga dinagdag na sangkap sa pagkain, ngunit naramramdaman ang pagiging malusog sa paiwas sa mga pagkain o mga dinagdag na sangkap sa pagkain, samantala nararamdamang di kasiya-siya ang paiwas ng paggamit ng sasakyan.

Kahit na ang mga kaparaanang ginamit ay hindi napatunayan ng agham, ang pagpapatuloy ng kagalingan ay maaaring makapabuti ang kalusugan sa pamamagitan ng epekto ng plasebo. Maaari na magpababa ng ligalig at mapabuti ang kanilang pakiramdam ng pagiging masaya o magaling ang sinumang nakakaramdan ng galing, kinakamtan ang isang pinabuting sikolohikal na kalagayan na may napatunayang epektong pakipakinabang sa iba't ibang sistema ng katawan, kabilang ang presyon ng dugo, gumaganang sistemang panunaw, at sistemang panlaban. Tinuklas ng larangan ng sikoneuroimunolohiya ang mga pagsama-sama nito sa isang siyentipikong paraan, at bahagi din ng medisina.




#Article 134: Tahanan (604 words)


Ang bahay o tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng tao o mangangaso, at isang tirahan na napapalibutan ng mga dindingat may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang nilalang laban sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot.

Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan para sa mga bisiro, tinatawag na tahanan ang isang bahay (bagaman kadalasang tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o hindi katulad ng mga dagang naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan ang mga tao, sa halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.[1]

Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng isang pinto o isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala man. Tahan ang salitang-ugat ng tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-iyak ng isang sanggol) o pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan. Sa isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan, sapagkat ang salitang bahay ay tumutukoy sa pangkalahatang kayarian, samantalang tumutukoy naman ang tahanan sa pakikipagugnayan sa pamilya sa loob ng isang bahay.[1]

Kabilang sa mga kanlungan na mas payak kaysa sa isang masasabing tunay na bahay ang lungaw, tolda (tignan din kampo), mga tent, kubo, bubong na walang dinding, o isang kayarian na may bubong ngunit may bahaging dingding (katulad ng hintuan ng bus), at mga gazebo.

Pangkaraniwan na ang mga bahay ay may iba't ibang uri ng silid na ginagamit para sa maraming dahilan. Kabilang dito ang hapag-kainan, silid na pambisita, silid-tulugan, labahan at plantsahan, paliguan, kusina, paradahan ng sasakyan, at iba pa.

Mga piling bahagi ng bahay:

Kabilang sa mga tanyag na makabagong pamamaraan sa paggawa ng bahay ang magaang na balangkas (light-frame construction) sa mga lugar na may sapat na kahoy at adobe; o kadalasan ang mga yari sa pinatibay na mga lupa (rammed-earth construction) sa mga tigang na rehiyong may kakulangan sa kahoy na pantabla. Kailan lamang nakuha (o nakuhang muli) na maging tanyag ang mga alternatibong paggawa ng mga kayarian sa mga nakaraang taon. Halimbawa na ng mga ito ang cordwood construction, straw table construction, at mga geodesic dome.

Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao, mga materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwang nararanasan sa lugar na iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahay kung gagamitin ang materyales na madaling makuha ayon sa pook.

Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa kung malapit sa kailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari sa yelo kung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at mayroon ding mga bahay na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sa bansang Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habang naglalakbay sa ilang.

Sa kadalasan, gumagawa ang mga tao ng mga bahay para sa mga maamo o mabangis na hayop. Ang bahay pang-hayop ay isang mukhang maliit na bersyon ng tirahan ng tao. Ang mga naninirahan sa kabukiran, ang bahay pang-hayop ay tinatawag namang kwadra, katulad ng para sa mga kabayo, baka, baboy, at kalabaw.

Gayon man, hindi tumitigil sa mga alagang hayop lamang ang interes ng tao na gumawa ng mga bahay para sa mga hayop. Maaari ding gumawa ng mga bahay para sa mga ibon o paniki, mga pugad para sa mga mailap na pato, at iba pa.




#Article 135: Karera (278 words)


Ang isang karera ay isang kurso ng sunod-sunod na katayuan na binubuo ng ilang gawain. Maaari na magkaroon ang isang tao ng karera sa palakasan o karera sa musika, ngunit pinakamalimit na tumutukoy ang karera sa ika-21 siglo bilang isang hanapbuhay: ang sunod-sunod na trabaho o posisyon na kung saan kumikita ang isang tao.

Sa halos tilang di nagbabagong lipunan bago ang modernismo, maraming mga manggagawa ang nagmamana o kumukuha ng isang pang-habangbuhay na posisyon (isang puwesto o papel), at may maliit o walang kahulugan ang kaisipan na nilaladlad ng karera. Kasama ang pagpalaganap noong panahon ng Kamulatan ng kaisipan ng progreso at ang mga paguugali ng indibiduwalismo na sariling-pagsulong, naging posible ang karera, kundi man inasahan.

Tinataya ng mga tagapayo sa karera ang mga interes, personalidad, pinahahalagahan at kakayahan upang tulungan ang isang tao na tuklasin ang mga mapipiling karera at saliksikin ang mga graduwado at propesyonal na mga paaralan.

Ang pagpapayo sa karera ay ang isa-isa o grupo na tulong propesyonal sa pagtuklas at paggawa ng mga pasya na may kaugnayan sa pagpili ng isang trabaho, mga pagpapalit sa loob ng mundo ng trabaho o mapagpatuloy pa ang mga propesyonal na pagsasanay. Napakalawak ng larangan at kinabibilangan ng Pagkakaroon ng Karera, Pagpaplano ng Karera, Mapag-aralan ang mga Stratehiya, Pagsulong ng Mag-aaral.

Sa huling bahagi ng ika-20 siglo, pinahintulot ng kalabisan ng mga pagpipilian (lalo na ang mga potensiyal na propesyon) at mas malawak na edukasyon na maging maka-moda ang balakin (o balangkasin) ang isang karera: sa ganitong paraan lumago ang karera ng mga tagapayo ng karera.

Para sa kayarian na karera bago ang modernismo, ikumpara ang cursus honorum.

Tignan din: pagsulong ng karera, pangangasiwa ng karera




#Article 136: Mga tao (198 words)


Ang mga tao, taong-bayan, o lahi sa pangkalahatan, ay tumutukoy sa isang partikular na pangkat na mga tao o katauhan sa isang maramihang kamalayan.

Maaari na isang pangkat ang mga tao na may angkin na karaniwang katangian, halimbawa nasyonalidad, kulay ng balat, o karaniwan na mga kultura. Sa kaso ng nasyonalidad, maaari na isang bansa ang pangkat.

Tinutukoy ng banal na kasulutan ng mga Kristiyano ang mga tao ni Moises na isang bansa, isang relihiyon at isang kultura sa kasaysayan. Pinapalagay na magkakapareho ang mga pinapahalagahan at paniniwala ng mga indibiduwal at may kamalayan sa katotohanan na kaparte sila sa pangkat. Kapag nilapat na, kadalasang mahirap bigyan ng tumpak na kahulugan ang mga ganoong grupo, dahil sa kanilang di nagbabago, makasaysayang kalikasan, ngunit dahil sa kalakasan ng mabilis at handang katalasan ng kaisipang ito, kadalasang ginamit at patuloy na ginagamit ito bilang batayan sa para sa iba't ibang argumento ng sumusubok na itaguyod ang isang usapin. Sa Kanluran, isang kilalang halimbawa ang propaganda ng Partidong Nazi sa Alemanya laban sa mga Hudyo noong dekada ng 1930 at 1940. Ngayon, maaari na gamitin ng ibang pangkat ang ganitong argumento.

Tignan din: Listahan ng mga tao, grupo ng mga angkan




#Article 137: Oradea (558 words)


Ang Oradea (Unggaro: Nagyvárad, Aleman: Großwardein) ay isang lungsod na matatagpuan sa Rumanya, sa kondado ng Bihor, sa Transylvania. May populasyon na 206,527 (ayon sa sensus ng 2002) ang poblasyon, ngunit hindi kasama dito ang mga lugar sa labas ng bayan; maaaring mga 220,000 ang populasyon ng buong kalakhan. Isa sa mauunlad na lungsod sa Rumanya ang Oradea.

Matatagpuan malapit sa hangganan ng Unggarya ang Oradea, sa Ilog Crisul Repede.

Unang nabanggit ang Oradea, sa pangalang Latin na Veradinum noong 1113. Unang nabanggit noong 1241 ang Citadel of Oradea, makakata pa rin ang mga guho nito ngayon, dahil sa simula ng mabilisang pagkumpuni at pagtitibay na kailangan upang mahadlangan ang mga pagsalakay ng mga Mongol-Tatar sa lungsod. Gayun pa man, nagsimulang magkaroon ng pook na urban ang lungsod noong ika-16 na siglo lamang. Sa taong 1700s, plinano ng inhinyerong Viennese na sa Franz Anton Hillebrandt ang lunsod ayon sa istilong Baroque at, simula noong 1752, maraming palatandaan ang ginawa gaya ng Roman-Catholic Cathedral, ang Bishop's Palace, at ang Muzeul Ţării Crişurilor (Ang Museo ng mga Lupain ng Criş).

Matagal nang naging isa sa mga mauunlad na lungsod ang Oradea, dahil higit sa lahat sa kanyang lokasyon sa hangganan ng Hungary, na nagsisilbing gateway papuntang Kanlurang Europa. Kagkatapos ng 1989, hinarap ng Orodea ang maraming pagbabagong pang-ekonomiya, hindi dahil sa industriya ngunit sa sektor pangserbisyo, dahil mahalagang base ng consumers nito.

Mayroong unemployement rate na 6.0% ang Oradea, mas mababa ng bahagya sa Romanian average ngunit mas mataas sa Bihor county na may average na mga 2%. Nagtutustos ang Oradea sa kasalukuyan ang mga 63% sa produksiyong industriyal ng Bihor county na bumubuo lamang ng mga 34.5% ng populasyon ng county. Kasangkapan, tela at mga damit, kasuotang pampaa at pagkain ang kanyang pangunahing industriya.

Noong 2003, nagbukas ng Lotus Market commercial center sa Oradea, ito ang unang malaking shopping center na nagbukas sa lungsod.

Sa buong populasyon, ayon sa sensus ng 2002, ang sumusunod ang pagahahatihati ayon sa lahi:

Binubuo ang lungsod ng mga sumusunod na distrito na tinatawag na cartiere sa wikang Romanian.

Pinapatakbo ng Oradea Transport Local o OTL ang network ng transportasyong pampubliko. Binubuo ito ng tatlong tram lines (1R, 1N, 2, 3R, 3N) at ilang bus lines. Mayroong tatlong estasyon ng tren ang lungsod, central, Vest, at Est. Ang Vest Station ay matatagpuan sa distrito ng Iosia, at ang central station (mas kilala na Oradea) ay matatagpuan sa gitna ng lungsod, malapit sa distrito ng Vie.

Ang arkitektura ng Oradea ay paghahalo ng konstruksiyon ng panahong Communist, karamihan sa mga distritong panlabas, at ng magagandang makasaysayang gusali, karamihan sa istilong Baroque, mga labi ng panahon na ang lungsod ay bahagi ng panahong Austro-Hungarian.

Sa panahon ng Communism at ng mga unang taon ng pagbabago pagkatapos ng panahon ng Communism ng Romania, marami sa mga makasaysayang lungsod na ito ay napabayaan o di na kaaya-aya ang anyo. Pagkatapos ng 2002, nang ang Romania ay pumasok sa panahon ng paglakas ng ekonomiya, maraming makasaysayang gusali ng lungsod ay napanumbalik sa kanilang dating kalagayan at sa kasalukuyan, ang lungsod ay nagtataglay ng makasaysayan at maayos na dating.

Ang magandang sentro ng lungsod ay karapat-dapat na mabisita, pati na rin ang mga Baile Felix health spa na maaring marating sa pamamagitan ng tren na matatagpuan sa labas ng lungsod.

Ang mga lugar na karapat-dapat mabisita ay ang mga sumusunod:




#Article 138: Panaginip (901 words)


Ang PANAGINIP ay ang pansariling karanasan ng mga guni-guning imahen, tunog/tinig, pag-iisip o pakiramdam habang tulog, kadalasang di kusa. May kaugnayan ang panaginip sa mabilisang paggalaw ng mata (rapid eye movement (REM) sa Ingles) habang natutulog, isang magaang anyo ng pagtulog na nangyayari sa bandang huling bahagi ng pagtulog, na kinikilala sa mabilisang pahigang paggalaw ng mata, pagpukaw ng pons, pagtaas ng bilis ng paghinga at pagtibok ng puso, at pansamantalang pagka-baldado ng katawan. Maaari din na mangyari ito sa ibang bahagi ng pagtulog, bagaman hindi ito masyadong pangkaraniwan. Inaakalang may kaugnayan sa panaginip ang hypnogogia, na nangyayari ng kusa habang papalapit sa malalim na pagtulog.

Isang wika ng guni-guning larawan ang panaginip. Mula sa karaniwan hanggang sa walang kabuluhan ang guni-guning larawang ito; sa katotohanan, kadalasang nag-uudyok ang mga panaginip na ito ng artisiko at ibang mga anyo ng inspirasyon. Kabilang sa mga anyo ng panaginip ang mga nakakatakot o nakakabalisa na bangungot at mga erotikong panaginip kasama ang mga sekswal na larawan at panggabing paglalabas.

Naniniwala ang karamihan sa mga siyentipiko na nangyayari ang mga panaginip sa lahat ng tao na may katumbas na kalimitan bawat halaga ng tulog.  Kung gayon, kung nararamdaman ng mga indibiduwal na di sila nanaginip o mayroon silang isang panaginip sa isang gabi, dahil ito sa pagkupas ng kanilang alaala sa panaginip. Matatagpuan ang pagbubura ng alaala na ito sa aspeto ng kalagayan ng panaginip kapag nagising ang isang tao sa pamamagitan ng maayos na pagpalit mula sa REM na pagtulog hanggang sa delta na pagtulog hanggang sa paggising.  Kung nagising ang isang tao mula sa REM na pagtulog (halimbawa sa isang orasan na panggising), malamang na matadaan nila ang panaginip mula sa panahon ng REM na iyon (bagaman malamang di matandaan lahat ng panaginip dahil nangyayari ito sa mga panahon ng REM, na naabala sa mga panahon ng delta na pagtulog na nagiging dahilan ng pagkupas ng alaala ng nakaraang mga panaginip.)

Positibong natiyak na nangyayari ang totoong panaginip sa mga Homo sapiens, ngunit marami ang naniniwala na nanaginip din ang ibang uri ng mga hayop.  Tiyak na dumadaan sa REM na pagtulog ang mga hayop, ngunit mahirap na tukuyin ang kanilang pansariling karanasan.  Ang armadilyo ang may pinakamahabang panahon ng REM na pagtulog.  Tila ang mga mamalya lamang, o pinakamadalas, na nanaginip nang likas, na marahil na may kaugnay sa kanilang mga katangian sa pagtulog.

Madalas nangyayari ang mga panaginip sa REM (rapid-eye movement) na baitang ng pagtulog, kung kailan tila parang gising lang din ang utak. Makikita ang REM sa tuluy-tuloy na galaw ng mata tuwing tulog ang tao. Maaari din namang sa ibang lebel ng pagtulog mangyari ang panaginip, ngunit ang mga panaginip na ito ay madalas hindi gaanong naaalala ng tao.

Ang haba ng isang panaginip ay nag-iiba mula sa ilang segundo lamang hanggang sa 20-30 minuto. Mas naaalala ng tao ang kanyang panaginip kung nagising siya sa REM na baitang ng kanyang pagtulog. Madalas nagkakaroon ng tatlo hanggang limang panaginip ang tao gabi-gabi, at mayroong umaabot ng hanggang pito, ngunit marami sa mga panaginip ay mabilis malimutan. Ang mga panaginip ay humahaba kasabay ng paglalim ng gabi. Sa kabuuang walong oras ng pagtulog, marami sa mga panaginip ay nangyayari sa dalawang oras na itinatagal ng REM.

Sa makabagong panahon, ang mga panaginip ay nakikita bilang koneksyon sa kubling-malay (unconscious).  Saklaw nito mula sa mga normal at ordinaryo hanggang sa mga pinakakakaiba at kakatuwa. Ang mga panaginip ay may iba-ibang katangian gaya ng nakakatakot, nakakasabik, mahiwaga, nakakalungkot, animoso, o sekswal. Ang mga pangyayari sa panaginip ay karaniwang wala sa kontrol ng nananaginip, maliban na lamang sa malilinaw na panaginip (lucid dreaming) kung saan may kamalayan sa sarili ang nananaginip. Paminsan-minsan ay nakakapagbigay ng malikhaing ideya o  inspirasyon ang mga panaginip. 

Ang mga opinyon tungkol sa kahulugan ng mga panaginip ay nag-iiba-iba at nagbabagu-bago sa panahon at kultura. Karamihan sa mga tao ngayon tila ay sinusuportahan ang teoryang Freudian – na ang mga panaginip ay nagsisiwalat ng pag-unawa sa mga natatagong pagnanais at emosyon. Kabilang sa iba pang mga tanyag na teorya ay iyong nagsasabing ang mga panaginip ay nakakatulong sa pagbuo ng alaala, paglutas sa problema, o simpleng produkto lamang ito ng pasumalang aktibidad ng utak. Ang pinakaunang naitalang panaginip ay natagpuan sa Mesopotamia, nakatala sa mga luwad na tabletang tinatayang mahigit 5000 taon na ang tanda. Sa mga kapanahunan ng mga Griyego at Romano, naniwala ang mga tao na ang mga panaginip ay mga direktang mensahe mula sa isa or maraming Diyos, o sa mga nangamatay, at ipinapahiwatig ng mga ito ang hinaharap. Ang ibang mga kultura ay nagsagawa ng dream incubation, isang paraan ng pagpapahinog ng panaginip. Ito ay naglalayong luminang ng mga panaginip na may pangitain.

Si Sigmund Freud, ang bumuo ng disiplina na psychoanalysis, ay marubdob na nagsulat tungkol sa mga teorya ng panaginip at kanilang interpretasyon noong unang bahagi ng 1900. Ipinaliwanag niya na ang mga panaginip ay mga paghahayag ng ating matinding pagnanais at pag-aalala, kadalasang naiuugnay sa mga kinalimutang alaala ng kabataan o mga pagkahumaling. Bukod pa rito, naniwala rin siya na halos lahat ng paksa ng panaginip, kahit ano pa man ang nilalaman, ay kumakatawan sa pagpakawala ng tensyong sekswal. Sa The Interpretation of Dreams (1899), binuo ni Freud ang isang sikolohikal na paraan para maipaliwanag ang mga panaginip, at nagbalangkas rin siya ng serye ng mga gabay upang maintindihan ang mga simbolo at paksa na lumilitaw sa ating mga panaginip.




#Article 139: Software (299 words)


Kompyuter software, o kahit software lamang ay pangkat ng mga utos na nababasa ng makinang nangangasiwa sa processor ng kompyuter para gumawa ng mga tiyak na operasyon. Magkaiba ang software ng kompyuter sa pisikal na bahagi nito, ang hardware. Kailangan ng software at hardware ang isa't-isa at hindi mo talaga sila magagamit kung wala ang isa. Gamit ang musikal na analohiya, ang hardware ay parang instrumentong pangmusika at ang software ay parang sheet music.

Kasama sa kompyuter software ang mga programa, mga library at ang kanilang mga kaugnay na dokumentasyon. Ang salitang software ay ginagamit din minsan sa mas mababaw na kahulugan, na ang ibig sabihin ay application software lamang.

Sa pinakamababang lebel, ang executable code ay binubuo ng utos ng machine language na tiyak sa isang indibidwal na processor - kadalasan ang central processing unit. Ang machine language ay binubuo ng grupo ng mga 0 at 1 na pinapahiwatig ang utos ng processor kung saan binabago nito ang estado ng kompyuter mula sa nakaraan nitong estado. Halimbawa, maaaring baguhin ng isang utos ang halaga na nakatago sa isang partikular na lugar sa loob ng kompyuter - isang epekto na hindi direktang nakikita ng gumagamit. Pwede rin ang isang utos ang maging dahilan para may lumabas na isang bagay sa display ng kompyuter - isang pagbabagong makikita ng gumagamit. Isinasagawa ng processor ang mga utos sa ayos na ibinigay sa kanila, maliban na lamang kung inutusan itong tumalon sa ibang utos, o natigil.

Unang ginamit ang katagang ito sa ganitong kaisipan ni John W. Tukey noong 1958..

Ilan sa kabilang rito ay:

Ginagamit din minsan ang katagang software sa malawakang pagtukoy sa anumang bagay na ginagamit ng hardware ngunit hindi nananatili rito gaya ng mga pilm, tape at mga record.software..(n.d.). Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Retrieved 2007-04-13, from Dictionary.com website: 




#Article 140: Malayang nilalaman (231 words)


Ang mga gawa ng malayang-nilalaman ay iyong mga liban sa software na libre ang lisensiya sa kaparehong kaisipan na ang libre din ang lisensiya ng malayang software.  Sa ibang salita, binibigyan na pahintulot ang mga tagapagtanggap, o kalayaan, na gamitin ang nilalaman para sa kung anong layunin, kopyahin ito, baguhin ito, at upang ipamahagi muli ang mga binagong bersyon.

Katulad ng mga lisensiya ng malayang software, maaari na maging copyleft ang mga lisensiya ng malayang-nilalaman, kung saan pinapahintulot ang pamamahagi ng mga binagong gawa sa ilalim ng orihinal na Libreng lisensiya, o di-copyleft.  Walang kasalukuyang lisensiya ang isang gawa na sakop ng publiko (public domain) (halimbawa, maaari na nasa sakop ng publiko ang isang gawa dahil natapos na ang copyright nito), ngunit kabilang sa maraming mga kahulugan ang ilang gawa na sakop ng publiko bilang malayang nilalaman.

Kabilang sa halimbawa ng mga lisensiyang copyleft para sa malayang nilalaman ang Design Science License (DSL) at GNU Free Documentation License GFDL.  Ginagamit ng Wikipedia ang lisensiya ng GFDL para mga teksto nito.

Kabilang ang ilang ipinalimbag ng Mapanlikhang mga Karaniwan (Creative Commons) sa mga iba pang halimbawa ng mga lisensiya ng malayang-nilalaman, kapag di limitado ang pangkalakalan (commercial) na paggamit at mga hinangong gawa.  Tandaan, kahit ganoon, na binibigyan kahulugan ng Mapanlikhang mga Karaniwan ang isang kumpol ng mga lisensiya, at di malayang-nilalaman, katulad ng kahulugan dito, ang lahat ng mga lisensiyang iyon.




#Article 141: Araw (astronomiya) (198 words)


Ang araw ay ang tala na nasa gitna ng sangkaarawan. Sa ating sangkaarawan, ang araw ay nag-iisang tala na nasa gitna ng walong buntalang nagsisilibot dito, kasama na sa mga lumilibot ay ang Daigdig. Kasama sa walong buntalang nagsisilibot sa araw ay ang iba pang mga bagay, tulad ng mga makabuntala, kometa, at alikabok.

Hidroheno, helyo, at mga bakas ng iilang mga bagay tulad ng bakal, nikel, oksiheno, silikon, asupre, magnesiyo, neon, kalsiyo, at kromyo. Ang araw ay mayroong init na 5780K, na nagbibigay rito ng puting kulay, na kadalasang nakikitang dilaw mula sa Daigdig dahil sa paghihiwalay sa himpapawid, na siyang nagbabawas mula sa mga maiigsing liboyhaba ng ilaw, tulad ng bughaw at lila, na nag-iiwan ng mga frequency na nakikita ng mata bilang dilaw. Itong paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa kalawakan ng bughaw nitong kulay. Kapag ang araw ay mababa sa kalawakan,tulad na lang tuwing bukangliwayway at takipsilim, mas marami pang ilaw ang napaghihiwalay, kaya ang kalawaka'y nagmumukhang pula o kulay kahel

Ang enerhiyang mula sa araw sa anyong ilaw at init ang siyang nagpapatakbo ng photosynthesis na siyang nagpatatakbo ng buhay sa Daigdig, at siyang nagpapatakbo ng panahon at mga klima sa naturang buntala.




#Article 142: Virgilio Almario (136 words)


Si Virgilio Senadren Almario ay kilalang awtoridad sa larangan ng wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Gamit ang sagisag na Rio Alma, si G. Almario ay nakapagsulat at nakapaglathala na ng mga tula at kuwento na kinilala na rin ng maraming mga institusyon tulad ng Carlos Palanca Foundation, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines, o CCP) at Komisyon sa Wikang Filipino. Kilalang mananaliksik din si G. Almario at pangunahing tuon ng kanyang mga pananaliksik. Isa rin siya sa mga hinirang na Outstanding Writers and Artists of the Century ng CCP.......

Dating direktor ng Surian ng Malikhaing Pagsulat ng Unibersidad ng Pilipinas, si G. Almario ay nagtapos ng kanyang AB sa Political Science at MA sa Filipino sa naturang unibersidad.




#Article 143: Banna, Ilocos Norte (286 words)


Ang Bayan ng Banna (Tagalog: Bana) ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte, Pilipinas. Ayon sa , ito ay may populasyon na  sa may  na kabahayan. 

May mga 20,000 hektarya ng lupa na maaaring mapagtatamnan at maaaring pakinabangan ng agrikultura. Mayroon mga matabang lupang kapatagan at damuhan, sa ibayo ng ilog ng Malammin, at mayaman sa mga likas na yaman ang Banna.  Mayroon din mga burol at mga bundok sa silangang bahagi nito.

Katulad ng pangkalahatang klima sa Pilipinas, may dalawang panahon ang bayang ito, ang basang panahon na mula Mayo hanggang Oktubre at ang tuyong panahon na mula Nobyembre hanggang Abril.  Nasa 100.58 pulgada ang karaniwang taunang presipitasyon.

Mayroon mga bagyong dumadating sa bayang ito ngunit kadalasang sinasanggalang ng mga bundok ng Cordillera.

Dumadaloy ang ilog ng Malamin, ang nag-iisang ilog na nasa ibayo ng silangang bahagi ng bayan, mula sa Nueva Era at bumabagtas sa mga silangang barangay ng Espiritu.  Nakatanim sa mga pampang nito ang mga halamang-ugat katulad ng gabi at mani, at mga gulay katulad ng kalabasa at mais.

Binubuo ng apat ng barangay ang poblasyon, ang Valenciano, Hilario, Lorenzo, at Marcos.  Nahahati ang mga barangay sa iba't ibang hanay ng mga malawak na sementadong daan.

Natatagpuan ang pamilihang bayan sa timog na bahagi ng poblasyon, at nakatayo ang munisipyo, isang moderno at marmolisadong gusali na tinatayang isa sa pinakakontemporario sa sa buong lalawigan ng Ilocos Norte, sa hilaga nito.  Nasa timog-silangan ng munisipyo ang awditoryum nito na kung saan tinatanghal ang mga programa, paligsahan at mga kulturang palabas.

Makukuha ng buong populasyon ang mga maiinom na tubig sa mga poso artisyano at sa Pusuak Water Works System.

Ang bayan ng Banna ay nahahati sa 20 mga barangay.




#Article 144: Joseph Estrada (1610 words)


Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na EDSA II. Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.

Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo.  Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada ay nagpakasal kay Dra.Loi Estrada|Luísa Loi Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001) at Senador (2004–), Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary Estrada.

Noong 1968, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Siya ay natalo kay Dr. Braulio Sto. Domingo. Gayunpaman, si Estrada ay pinroklamang nagwagi matapos niyang magsampa ng protestang elektoral. Si Estrada ay nagsilbing alkalde ng 16 na taon.

Noong 1977, pinarangalan siya bilang Outstanding Mayor and Foremost Nationalist ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang Most Outstanding Metro Manila Mayor ng Philippines Princetone Poll.

Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang mapatalsik si Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong 25 Pebrero 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa senado, si Estrada ang ika-16 kandidatong may pinakamataas na boto.

Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”.

Bilang senador, bumoto siyang tapusin na ang Kasunduang baseng militar ng Estados Unidos at Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga Amerikanong servicemen sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.

Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Pangalawang Panguluhan noong 1992. Siya ay nagwaging pangalawang pangulo ngunit ang kanyang running mate na si Danding Cojuangco ay natalo sa pagkapangulo kay Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang  Erap Para sa Mahirap. Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998, isinaad ni Estrada:

Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Estrada na ipagpatuloy ang reporma ng nakaraang Pangulong si Fidel Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada mula 1998 hanggang 2000, ang aberaheng paglago ng GDP ay 2.9 porsiyento. Inangkin rin ng Wellex Group Inc. (TWGI) na pag-aari ni William Gatchalian na si Estrada ang tunay na may-ari ng Jose Velarde account. Inangkin ni Estrada na kanyang nilagdaan ang mga dokumento ng bangko bilang guarantor para sa isang 500 milyong utang na kinukuha ni William Gatchalian mula kay Jaime DiChaves. Nagpatotoo sina Ocampo at Curato na naglagda si Estrada bilang Jose Velarde sa ilalim ng mga nakaprintang salitang the principal(s) by sa Investment Management Agreement (IMA) ng bangko. Hindi sinalungat ni Jaime diChaves ang desisyon ng korte na si Estrada ang may-ari ng Jose Velarde account.

Si Estrada ay dinakip noong 25 Abril 2001 sa kanyang bahay sa San Juan sa kaso ng pandarambong na inihain sa kanya ng Sandiganbayan. Sa pagkaalaam ng mga tagasuporta ni Estrada ng pagdakip na ito, sila ay tumungo sa EDSA na humihiling sa kanyang pagpapalaya at pagbabalik sa pagkapangulo. Noong 1 Mayo 2001, ang mga nagpoprotestang pro-Estrada ay pumunta sa Malacanang na sumisigaw ng EDSA III. Ang karahasan ay sumiklab sa pagitan ng kapulisan at mga nagpoprotestang pro-Estrada na nagtulak sa pamahalaan na magdeklara ng isang State of Rebellion. Nagawang sugpuin ng militar ang paghihimagsik. Ang marami sa mga tagasuporta ni Estrada ay dinakip kabilang ang mga politikong sinasabing humikayat ng kaguluhan. Si Estrada ay gumugol ng 6 na taon sa pagkakabilanggo, una sa Veterans Memorial Medical Center, pagkatapos ay sa Camp Capinpin sa Tanay at sa huli ay sa kanyang Tanay rest house.

Ang paglilitis ni Estrada ay naantala dahil ang kanyang mga abogado ay naghain ng petisyon na kanselahin ang paglilitis. Noong 10 Hulyo 2001, mga ilang oras bago ang panibagong skedyul ng kanyang pagsasakdal sa Sandiganbayan, ang kanyang mga abogado ay nagharin ng mosyon sa Korte Suprema upang ideklara na ang paglilitis sa Sandiganbayan ay hindi konstitusyonal. Dahil hindi nakapagpasa ang Korte Supre ng hatol sa mosyon sa panahon ng pagdinig sa Sandiganbayan, si Estrada ay sinakdal sa mga kaso ng pandarambong at perjury sa kabila ng kanyang pagtanggi na pumasok sa isang plea dahil hindi niya kinilala ang autoridad ng korte. Ang kanyang kapwa-inakusahang sina Jinggoy Estrada at abogadong si Eduardo Serapio ay tumanggi ring pumasok sa isang plea at kaya ang Korte ay nagpasok ng isang plea na hindi guilty sa lahat ng akusado. Noong 19 Nobyembre 2001, ang Korte Suprema ay nagpasa ng hatol na ang R.A. 7080 o Plunder Law na inamiyendahan ng R.A. 7659 ay konstitusyonal at kaya ay nagbabasura sa kawalan ng merito ng petisyon ni Estrada na ang batas ay hindi konstitusyonal.

Noong 7 Setyembre 2007, ang korteng anti-korupsiyon ng Sandiganbayan na pinangunahan ni Teresita De Castro ay naghayag na ang korte ay magpopromulga ng isang hatol sa Setyembre 12 Setyembre 2007 para sa 6 na taong paglilitis sa mga kasong pandarambong kay Estrada. Ang mga hatol ay ibababa rin sa kanyang dalawang kapwa akusado. Noong 12 Setyembre 2007, pinawalang kaso ng Sandiganbayan si Estrada sa mga kaso ng perjury para sa hindi niya pagdedeklara ng kanyang katayuang pinansiyal sa kanyang SALN. Gayunpaman, siya ay hinatulang nagkasala ng lagpas sa makatwirang pagdududa para sa kaso ng pandarambong na gumagawa sa kanyang unang pangulo ng Pilipinas na nahatulan ng gayong krimen. Si Estrada ay hinatulan ng reclusion perpetua at walang katapusang diskwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan ng opisinang pampubliko. Isinaalang-alang ng korte ang 6 na taong pagkabilanggo ni Estrada bilang panahong pinagsilbihan ngunit hindi maliwanag kung siya ay karapat dapat sa parole. Nagpasya rin ang korteng anti-graft ang pagsuko ng kanyang mga bank account sa gobyerno na nagkakahalagang 542 milyon piso kabilang ang mga interes, ang kanyang mga Jose Velarde account na nagkakahalagang 189 milyong pisa kabilang ang mga interest, ang Boracay mansion sa New Manila, Quezon City. Si Estrada ay napawalang sala sa kaso ng perjury para sa hindi totoong pagdedeklara ng kanyang SALN habang siya ay pangulo. Sina Jinggoy at Serapio ay napawalang sala. Ang isa pang akusadong si Charlie Atong Ang ay nahatulan ng hanggang 6 na taon sa bilanggo at nasa probasyon mula Marso 2007, Ang ibang mga kapwa akusadong sina Yolanda Ricaforte, Jaime Dichaves, Alma Alfaro, Eleuterio Tan, at Delia Rajas ay nakakalaya pa rin at hindi nasakdal.

Noong 2010, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-Pangulo at nagkamit ng ikalawang pinakamataas na boto na 9,487,837 o 26.25% ng kabuuang boto. Bago ng halalan, naghain ng magkakahiwalay na mga petisyon ang mga abogadong sina Ely Pamatong, Evelio Formento at Mary Lou Estrada na naghahangad na idiskwalipika si Estrada sa halalan ngunit ibinasura ng COMELEC dahil sa kawalan ng merito. Ayon sa mga petisyon, si Estrada ay pinagbabawalan tumakbo sa halalan ng pagkapangulo dahil sa pagbabawal ng Saligang Batas ng Pilipinas sa mga dating pangulo na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo.

Si Estrada ay tumakbo at nagwagi sa halalang pagka-alkalde o mayor ng Maynila laban sa nakaupong Alkaldeng si Alfredo Lim noong 13 Mayo 2013. Siya ay nagkamit ng 343,993 boto laban sa 308,544 boto ni Lim. Bago ng halalan, naghain ang abogado ni Lim na si Alicia Risos-Vidal ng petisyon na naghahangad idiskwalipika si Estrada sa pagtakbo sa halalan dahil sa kanyang kombiksiyon sa kaso ng pandarambong at parusang habang buhay na pagkabilanggo at dahil ang pagpapatawad ni Gloria Macapagal-Arroyo kay Estrada ay hindi nagbabalik ng kanyang mga karapatan sa muling pagtakbo sa pampublikong opisina. Ang petisyon ay ibinasura ng COMELEC.




#Article 145: Unibersidad ng Pilipinas (225 words)


Ang Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: University of the Philippines System, dinadaglat bilang UP), minsan ring Pamantasan ng Pilipinas, ay ang pambansang sistema ng pamantasan ng Pilipinas. Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang University Act mula sa autoridad ng Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa batas, medisina, inhinyeriya, agham pampolitika at ibang mga agham panlipunan hanggang sa narsing, kalusugang pampubliko, mga likas na agham, pagsasaka at mga araling pantao.  

Kinikilala ang Unibersidad bilang pangunahing institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Pilipinas, at napag-aral sa ilang mga pinakakilalang mga pinunong panlipunan at pampolitika, ekonomista, siyentipiko, manananggol, doktor medikal, inhinyero, malikhaing artista, guro at mangangalakal. Pitong mga pangulo ng Pilipinas ay nag-aral sa Unibersidad bilang mga mag-aaral na 'di pa nagtapos o nagtapos na ng kolehiyo, habang 12 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 36 sa 57 Pambansang Alagad ng Sining at 30 sa 31 Pambansang Alagad ng Agham ay may kaugnayan sa Unibersidad.

Ang Oblasyon ang sagisag ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay naging sagisag at sentro ng aktibismo sa pamantasan.  Si Rafael Palma ang nagkomisyon kay Guillermo Tolentino upang gawin ang obra maestrang ito.  Ito ay may taas na 3.5 metro na nagsisilbing simbolo ng 350 na taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas




#Article 146: Wikang pamprograma (1422 words)


Ang wikang pamprograma (Ingles: programming language) ay isang pormal na wikang naglalaman ng mga tagubilin (instructions) na kayang magpalabas ng samu't saring output. Ginagamit ang mga wikang pamprograma sa pagpoprograma sa kompyuter para magsagawa ng mga algoritmo.

Naglalaman ang karamihan sa mga wikang pamprograma ng mga tagubilin para sa mga kompyuter. May mga makinang napoprograma na gumagamit ng mga tiyak na tagubilin imbes na wikang pamprogramang panlahatan (general-purpose programming languages). Mas nauna sa mga kompyuter ang mga sinaunang halimbawa nito, kung saan ang maaaring pinakauna sa mga ito ay ang awtomatikong tagatugtog ng plawta na inilarawan sa ika-9 ng siglo ng magkapatid na Musa sa Baghdad, sa kasagsagan ng Ginintuang Panahon ng Islam. Simula noong unang bahagi ng dantaong 1800s, ginamit ang mga programa para manduhan ang ugali ng mga makinang tulad ng makina ni Jacquard, kahong tumutugtog (music box), at mga tumutugtog na piyano. Di gumagawa ang mga programang ginamit sa mga naturang makina ng iba pang ugali, bilang tugon sa mga iba't ibang pinapasok (input) at nilalabas (output), bukod sa nakasaad na tagubilin.

Libo-libo na ang nagawang mga wikang pamprograma, at patuloy itong nadadagdagan kada taon. Isinusulat ang maraming wika sa anyong pautos (mga tagubiling kailangang gawin), habang ang ilan naman ay isinulat sa anyong paturol (binigay ang kailangang maging resulta, hindi kung paano ito dapat gawin),

Madalas hinahati sa dalawa ang paglalarawan para sa mga wikang pamprograma: ang sintaksis (anyo) at ang semantika (kahulugan) nito. May mga dokumentong nagpapaliwanag sa ilang mga wika (madalas tinatawag sa Ingles bilang specification document), tulad ng C na pinapaliwanag ng pamantayang ISO, habang ginagamit naman ng ilan, tulad ng Perl, ang ginagamit madalas ng karamihan at tinatanggap bilang sanggunian nito. May mga ilan ding gumagamit ng parehong paraan - may isang dokumentong naglalarawan sa wika, at galing naman sa napagkasunduan ng nakakarami ang mga karugtong (extensions) nito.

Isang notasyon ang mga wikang pamprograma para makapagsulat ng mga programa sa kompyuter. May mga ilang naghihigpit sa terminong wikang pamprograma sa mga wikang kayang gawin ang lahat ng mga posibleng algoritmo. Importante ang katangian ng mga ito para masabi kung ano wikang pamprograma sa mga wikang hindi, tulad ng:

Gamit (Function) at Layon (Target)

Kabasalan (Abstraction)

Lakas na Magpahayag (Expressive power)

Hindi madalas inuuri ang mga wikang pammarka (markup languages), tulad ng XML, HTML, at troff, bilang mga wikang pamprograma. Gayunpaman, maaaring magkaroon ang mga wikang pamprograma ng kaparehong sintaksis (anyo) tulad ng mga wikang pammarka basta may semantikang pangkalkula na binigay. Halimbawa nito ang wikang XSLT, isang kumpletong Turing na wika na may sintaksis kapareho sa XML. Isa pang halimbawa ang LaTeX, isang wikang madalas gamiting panggawa ng istraktura ng mga dokumento at may subset na kumpletong Turing.

Madalas ring ginagamit ang terminong wikang pangkompyuter bilang kasingkahulugan ng wikang pamprograma, subalit iba-iba ang paraan ng paggamit ng mga nasa larangan sa dalawang termino, pati na sa kung anong sakop ng bawat isa. Inilalarawan ng isang paggamit ang mga wikang pamprograma bilang isa lamang pangkat ng wikang pangkompyuter. Madalas ring inlalarawan bilang mga wikang pangkompyuter ang mga wikang ginagamit sa larangan ng pagkokompyut na may ibang layunin kaysa sa gumawa ng isang programa sa kompyuter. Halimbawa, itinuturing mga wikang pangkompyuter ang mga wikang pammarka para maidiin na hindi sila ginagamit sa larangan ng pagpoprograma.

Samantala, may isa ring paggamit na naglalarawan sa mga wikang pangkompyuter bilang isang pangkat lamang ng mga wikang pamprograma, kung isasama ang teoretikal na pagbubuo para maiprograma ang mga basal (abstract) na makina, sa kadahilanang tumatakbo lamang ang mga wikang pangkompyuter sa mga kompyuter, isang makinang may limitadong pinagkukunan ng lakas ng hardware. Idiniin ni John C. Reynolds na katulad din ng mga wikang pamprograma ang mga wikang may pormal na pagdedetalye (formal specification languages) sa kadahilanang pareho silang mga wikang ginagamit para magsagawa (execute) ng isang bagay. Katwiran niya, mga wikang pamprograma din ang mga pinapasok na teksto at maging mga grapiko na nakakaapekto sa ugali ng kompyuter, kahit na karaniwang mga hindi kumpletong Turing ang mga ito. Pinuna rin niya na ang pagbabalewala sa mga konsepto ng wikang pamprograma ay ang dahilan kung bakit maraming lamat at butas ang mga pormat ng pag-input.

Pinoprograma nang walang tulong mula sa mga nakalagay na programa (stored program) ang pinakaunang mga kompyuter, tulad ng Collosus, sa pamamagitan ng pagbago sa sirkito o di kaya'y magtakda gamit ng mga pisikal na kontrol.

Lumipas ang ilang taon, maisusulat na ang mga programa gamit ng mga wikang pangmakina, kung saan maaaring magsulat ang isang tagaprograma ng mga tagubuling nakanumero at direkta itong isasagawa ng makina. Halimbawa, maaaring magkaroon ng tatlong numero ang tagubilin para ipagdagdag ang dalawang halagang nasa magkaibang lokasyon sa memorya: isang opcode (pinaiksing operation code o kodigo ng operasyon) na pumipili sa operasyon ng pagdagdag kasama ng dalawang lokasyon sa memorya. Binabasa ang mga programang ito, mapa-sampuan (decimal) man o dalawahan (binary), gamit ng mga punched card, paper tape, magnetic tape, o di kaya'y binubukas-sara gamit ng mga switch na nasa harapang panel ng nasabing kompyuter. Kalaunan, tinawag ang mga wikang pangmakina bilang mga wikang pamprograma ng unang henerasyon (1GL, first generation language).

Sumunod na ginawa ang mga wkang pamprograma ng ikalawang henerasyon (2GL, second generation language), mas kilalang mga wikang assembly. Malapit pa rin ang mga wikang nasa henerasyong ito sa arkitektura ng mga tagubilin ng isang kompyuter. Ginawa ito na may intensyong maging mas madaling mabasa ng tao at nang mabawasan ang mga pagkakamaling posibleng magawa ng tagaprograma sa kakakompyut ng mga adres.

Una namang isinulat ang mataas na wikang pamprograma o mga wikang pamprograma ng ikatlong henerasyon (3GL, third generation language) noong dekada 1950s. Ang Plankalkül, ginawa para sa Alemang kompyuter na Z3 ni Konrad Zuse noong 1943 hanggang 1945, ay isang halimbawa ng sinaunang mataas na wikang dinisenyo para sa mga kompyuter, pero hindi ito nasubukan hanggang noong 1998 at 2000.

Isa sa mga itinuturing na unang halimbawa ng mataas na wikang ginawa para sa elektronikong kompyuter ang Short Code, isang mungkahi noong 1949 ni John Mauchly. Di tulad ng kodigong pangmakina, nakasulat gamit ng mga ekpresyong matematikal sa anyong mauunawaan ng nagbabasa ng kodigo ang bawat pahayag ng wika. Kaso lamang, kinakailangan nitong isalin sa kodigong pangmakina sa kada pagtakbo ng mga programang nakasulat sa wikang ito, na lalo pang nagpabagal imbes na magpabilis sa proseso.

Ginawa naman ni Alick Glennie ang Autocode noong unang bahagi ng dekada 1950s sa Pamantasan ng Machester. Bilang isang wikang pamprograma, gumagamit ito ng isang kompayler para agad na masalin ang wika sa kodigong pangmakina. Ang unang kadigo at kompayler na ginawa ay ginawa noong 1952 para sa kompyuter na Mark 1 sa naturang pamantasan. Ito ang itinuturing na kauna-unahang nakokompayl na mataas na wikang pamprograma.

Noong 1954, ginawa ni R.A. Brooker ang ikalawang autocode para sa Mark 1 at tinawag na Mark 1 Autocode. Gumawa rin si Brooker ng autocode para naman sa kompyuter na Ferrari Mercury noon ding dekadang iyon sa tulong ng Pamantasan ng Machester. Ginawa naman ni D.F. Hartley ng Laboratoryong Pangmatematika ng Pamantasan ng Cambridge noong 1961 ang bersiyon nito para sa makinang EDSAC 2. Kilala bilang EDSAC 2 Autocode, direktang ginawa ito mula sa autocode ng Mercury na may ilang pagbabago para umakma sa lokal na paggamit. Kilala ito dahil sa pag-ooptimisa sa kodigong nakabagay (object code) at pagsusuri sa pinagmulang wika (source language diagnostics), mga bagay na kinokonsiderang nakaabante noong panahong iyon. Kasabayan (ngunit hiwalay) nito ang Atlas Autocode na ginawa para naman sa makinang Atlas 1 ng Pamantasan ng Manchester.

Noon ding taong 1954, inimbento ni John Backus sa IBM ang wikang FORTRAN. Ito ang kauna-unahang pangkalahatang wikang pamprogramang marami ang gumamit na ginawa para gamitin, imbes na panukala lamang o pagpatunay mula sa isang papel. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang naturang wika para sa mga malalakas at matitinding pagkokompyut at mga programang sumusukat sa bilis ng mga superkompyuter.

Smantala, sa Estados Unidos, ginawa ni Grace Hopper ang wikang FLOW-MATIC. Ginawa ito para sa kompyuter na UNIVAC sa Remington Rand mula noong 1955 hanggang 1959. Napansin ni Hopper at ang kagrupo niya na hindi komportable ang mga customer ng paproseso ng mga datos sa negosyo sa mga notasyong pangmatematika, kaya naman ginawa nila ang wikang nakasulat sa wikang Ingles at sumubok ng isang prototype. Inilabas sa publiko noong 1958 ang kompayler ng nasabing wika, at maituturing na kumpleto na ito noong 1959. Malaki ang impluwensiya ng FLOW-MATIC sa disenyo ng wikang COBOL, dahil tanging ito at ang direktang apo nitong AIMACO lamang ang aktwal na ginagamit noong panahong iyon.

Ang ilan sa mga halimbawa ng mga wikang pamprograma ay ang mga sumusunod:




#Article 147: Hilagang Samar (136 words)


Ang Hilagang Samar (opisyal na pangalan: Northern Samar) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas.  Catarman ang kabesera nito at matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Samar.  Silangang Samar at Samar ang hangganan nito sa timog. Sorsogon naman sa hilagang-kanluran sa ibayo ng San Bernardino Strait; Dagat ng Pilipinas naman sa silangan at Dagat ng Samar sa kanluran.

Ayon sa 2000 senso, 500,639 ang populasyon ng lalawigang ito.  Ito ang ika-30 pinakamaliit na probinsiya sa Pilipinas.  May densidad na 143 bawat km² (ika-25 pinakamaliit).

Kabilang sa mga wika na sinasalita dito ang Waray, Cebuano, Tagalog at Ingles

Nahahati ang Hilagang Samar sa 24 na bayan, may dalawang distritong kongresyunal at may 569 na mga barangay.

Ang probinsiyang ito ang ika-37 pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas na may 3,498 km² na sukat.




#Article 148: Kompyuter (3155 words)


Ang isang kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod sunod na mga operasyon ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa isang uri ng problema. Sa konbensiyon, ang isang kompyuter ay binubuo ng hindi bababa sa isang elementong nagpoproseso na tipikal ay isang CPU at isang anyo ng memorya. Ang CPU ay naglalaman ng dalawang tipikal na mga bahagi na arithmetic logic unit (ALU) na nagsasagawa ng mga operasyong aritmetiko at lohikal at control unit (CU) na kumukha ng mga instruksiyon sa memorya at nagsasalin at nagsasagawa ng mga ito na tumatawag sa ALU kung kinakailangan. Ang unang elektronikong dihital na mga kompyuter ay pinaunlad sa pagitan ng 1940 at 1945 sa United Kingdom at Estados Unidos. Ang mga sukat nito ay orihinal na kasinglaki ng isang malaking kwarto at kumokonsumo ng labis na elektrisidad gaya ng ilang mga daan daang modernong personal na kompyuter(mga PC).  Sa panahong ito, ang mga mekanikal na analogong kompyuter ay ginagamit para sa mga aplikasyong pang-militar.  

Ang mga modernong kompyuter na nakabatay sa mga integrated circuit ay milyon hanggang bilyong mas may kakayahan sa mga sinaunang kompyuter at umookupa ng isang praksiyon ng espasyong kailangan ng mga ito. Ang mga simpleng kompyuter ay sapat na maliit upang magkasya sa mga mobile device at ang mga mobile computer ay maaaring paandarin ng isang maliit na baterya. Ang mga personal na kompyuter sa iba't ibang mga anyo nito ay mga ikono ng Panahon ng Impormasyon at ang ito ang mga naiisip ng mga tao na tinatawag na kompyuter. Gayunpaman, ang mga embedded computer na matatagpuan sa maraming mga kasangkapan mula sa mga mp3 player hanggang sa mga sasakyang panghimpapawid na pandigma at mula sa mga laruan hanggang sa mga industrial na robot ang pinakamarami. Karaniwang nagagamit na rin ang mga modernong kompyuter sa pagnenegosyo, pagpapaganda ng larawan, paglikha ng musiko, at pakikipag-ugnayan. Ang agham pangkompyuter ang disiplina na nag-aaral ng teoriya, disenyo, at paglalapat ng mga kompyuter. 

Ang unang paggamit ng salitang computer ay naitala noong 1613 sa aklat na tinatawag na The yong mans gleanings. Ito ay tumutukoy dito na isang tao na nagsasagawa ng mga kalkulasyon o pagkukwenta. Ang salitang ito ay nagpatuloy sa parehong kahulugan nito hanggang sa gitna ng ika-20 siglo. Mula ika-19 siglo, ang salitang computer ay nagsimulang mangahulugang isang makina na nagsasagawa ng mga pagkukwenta. Ang kasaysayan ng modernong kompyuter ay nagsimula sa dalawang magkahiwalay na mga teknolohiya, automadong kalkulasyon at pagiging mapoprograma ngunit walang isang kasangkapan na matutukoy na pinakamaagang kompyuter dahil sa hindi konsistenteng paglalapat ng terminong ito. Ang ilang mga kasangkapan tulad ng ilang mga pantulong na mekanikal sa pagkukwenta ay kinabibilangan ng Abacus na Sumerio na dinisenyo noong 2500 BCE, mga slide rule na inimbento noong mga 1620 at mekanismong antikythera na isang sinaunang astronomikal na analogong kompyuter na inimbento ng mga Sinaunang Griyego noong mga unang siglo BCE. Ang Griyegong matematikong si Hero ng Alehandriya (c. 10 CE-70 CE) ay nagtayo ng isang teatrong mekanikal na gumanap ng isang dula na tumagal ng 10 minuto at pinatakbo ng isang masalimuot na sistema ng mga lubid at drum na maituturing na paraan ng pagpapasya ng mga bahagi ng mekanismo na magsasagawa ng aling aksiyong at kailan. Ito ang esensiya ng pagpoprograma. Noong wakas ng ika-10 siglo, ang mongheng Pranses na si Gerbert d'Aurillac ay nagdala pabalik sa Espanya ng isang makinang inimbento ng mga moro na sumasagot ng Oo o Hindi sa mga tanong na itinanong dito. Noong ika-13 siglo CE, ang mga mongheng sina Albertus Magnus at Roger Bacon ay nagtayo ng mga nagsasalitang android nang walang karagdagang pag-unlad. Dumaing si Magnus na kanyang inaksaya ang 40 taon ng kanyang buhay nang si Tomas Aquino ay natakot ay winasak ito. Noong 1642, ang Renasimiyento ay nakasaksi ng imbensiyon ng kalkulador na mekanikal na isang kasangkapan na makapagsasagawa ng lahat ng apat na mga operasyon ng aritmetika nang hindi umaasa sa katalinuhan ng tao. Ang kalkulador na mekanikal ang ugat ng pagpapaunlad ng mga kompyuter sa dalawang magkahiwalay na mga paraan. Sa simula, sa pagtatangka ng pagpapaunlad ng mas makapangyarihan at mas mababagong mga kalkulador na ang kompyuter ay unang tineorya ni Charles Babbage at pagkatapos ay binuo. Ikalawa, ang pagpapaunlad ng mababang gastos na elektronikong kalkulador na kahalili ng mekanikal na kalkulador ay humantong sa pagpapaunld ng Intel ng unang pangkalakalan (commercial) na magagamit na microprosessor integrated circuit. 
 
Noong 1801, gumawa ng pagpapabuti si Joseph Marie Jacquard sa textile loom sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang sunod sunod na mga binutasang papel na kard bilang template na pumapayag sa loom na maghabi ng mga intrikadong pattern ng automatiko. Ang nagresultang Jacquard loom ang isang mahalagang hakbang sa pagkakabuo ng mga kompyuter ang paggamit ng mga binutasang kard upang maglarawan ng mga hinabing pattern ay makikita bilang unang, bagaman limitadong, anyo ng pagpoprograma. Ang pagsasanib ng automatikong kalkulasyon at pagpoprograma ang lumikha ng unang makikilalang mga kompyuter. Noong 1837, si Charles Babbage ang unang nagkonsepto ng isang buong mapoprogramang mekanikal na kompyuter, ang kanyang analitikal na enhin. Ang kakulangan ng mga pondo at walang kakayahan sa pagpipigil sa pagkalikot sa disenyo ay nangahulugang ang kasangkapan ay hindi kailanman nakumpleto. Gayunpaman, ang kanyang anak na si Henry Babbage ay kumumpleto ng isang pinasimpleng bersiyon ng computing unit ng analitikal na enhin noong 1888. Siya ay nagbigay ng isang matagumpay na demonstrasyon ng paggamit nito sa pagkukwento ng mga tabla noong 1906. Ang makinang ito ay ibinigay sa Science museum sa South Kensington noong 1910. Sa huli ng 1880, inimbento ni Herman Hollerith ang pagtatala ng datos sa isang mababasa ng makinang medium. Ang mas maagang paggamit ng mediang ito ay para sa kontrol at hindi para s adatos. Pagkatapos ng ilang simulang pagsubok ng papel na tape, siya ay gumamit ng mga binutasang kard. Ang tatlong mga imbensiyong ito ang pundasyon ng modernong industriya ng pagpoproseso ng impormasyon. Ang pangmalakihang automadong pagpoproseso ng mga datos ng mga binutasang kard ay isinagawa para sa censo ng Estados Unidos noong 1890 ng kompanya ni Hollerith na kalaunang naging core ng IBM. Sa huli ng ika-19 siglo ang isang bilang ng mga ideya at teknolohiya na kalaunang napatunayang magagamit sa pagsasakatuparan ng mga praktikal na kompyuter ay nagsimulang lumitaw: ang boolean algebra, ang vacuum tube (thermionic valve), mga binutasang kard at tape at teleprinter. Sa unang kahalahati ng ika-20 siglo, maraming mga pangangailangan ng pagkukwenta sa agham ay nakakita ng papalaking mga sopistikadong analong kompyuter na gumamit ng isang direktang mekanikal o elektrikal na modelo ng problema bilang basehan ng pagkukwenta. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi mapoprograma at pangkalahatang nagkukulang ng bersatilidad at akurasiya ng mga modernong dihital na kompyuter. Si Alan Turing ang malawak na itinuturing na ama ng modernong agham pangkompyuter. Noong 1936, si Turing ay nagbigay ng isang impluwensiyang pormalisasyon ng konsepto ng algoritmo at pagkukwenta sa Turing machine na nagbibigay ng blueprint para sa elektronikong dihital na kompyuter.  Sa kanyang papel sa pagkakalikha ng modernong kompyuter, ang Time magazine ay nagpangalan sa kanya na isa sa 100 pinaka-impluwensiyal na tao ng ika-20 siglo: Ang katotohanan ay nananatili na ang bawat isang pumipindot ng keyboard, nagbubukas ng isang spreadsheet o isang programang word processing ay gumagawa sa inkarnasyon ng isang Turing machine. Ang Atanasoff–Berry Computer (ABC) ang unang elektronikong dihital na kompyuter sa buong mundo bagaman hindi mapoprograma. Ito ay binuo noong 1937 sa Iowa State College nina John Atanasoff sa tulong ng kanyang estudyanteng si Clifford Berry. Ang makinang ito ay hindi mapoprograma dahil ito dinesenyo lamang para sa paglutas ng mga sistema ng linyar na ekwasyon. Ang kompyuter na ito ay gumamit ng parallel na komputasyon. Natagpuan ng isang desisyon ng koret noong 1973 sa isang alitan sa patent na ang patent para sa 1946 ENIAC computer ay hinango mula sa Atanasoff–Berry Computer.

 
 
Ang unang nakokontrol ng programang kompyuter ay inimbento ng Aleman na si Konrad Zuse na gumawa ng Z3 na isang elektromekanikal na kumkwentang makina noong 1941. Ang unang mapoprogramang elektronikong kompyuter ang Colossus na ginawa noong 1943 ni Tommy Flowers. Si George Stibitz ay internasyonal na kinikilala bilang ama ng modernong dihital na kompyuter. Habang nagtatrabaho sa Bell Labs noong 1937, inimbento ni Stibitz ang isang nakabatay sa relay na kalkulador na tinaguriang Model K (para sa kitchen table kung saan niya ito binuo) na ang unang gumamit ng mga binaryong sirkito upang magsagawa ng aritmetikong operasyon. Ang mga kalaunang modelo ay nagdagdag ng mas malaking sopistikasyon kabilang ang masalimuot na aritmetika at pagpoprograma. Ang ilang mga debeloper ng ENIAC sa pagkilala ng mga depekto nito ay nakaisip ng mas mababago at eleganteng disneyo na nakilalang inimbak na programang arkitektura o arkitekturang von Neumann. Ang disenyong ito ay unang pormal na inilarawan ni John von Neumann sa unang drapto ng isang ula tng EDVAC na ipinamahagi noong 1945. Ang isang bilang ng mga proyekto na bumuo ng mga kompyuter batay sa nakaimbak na programang arkitektura ay nagsimula sa mga panahong ito. Ang una ay nakumpleto noong 1948 sa University of Manchester sa England na Manchester Small-Scale Experimental Machine (SSEM or Baby). Ang Electronic Delay Storage Automatic Calculator (EDSAC) na nakumpleto pagkatapos ng isang tao pagkatapos ng SSEM sa Cambridge University ang unang praktikal, hindi eksperimental na implementasyon ng nakaimbak na programang disenyo at agad na ginamit para sa pagsasaliksik sa unibersidad. Sa sandaling pagkatapos nito, ang makinang orihinal na inilarawan ng papel ni von Neumann-EDVAC ay nakumpleto ngunit hindi nakakita ng buong paggamit para sa karagdagang dalawang taon. Ang halos ng lahat ng mga modernong komputer ay nag-iimplemente ng isang anyo ng nakaimbak na programang arkitektura na gumagawa ritong isang katangian na naglalarawan sa kompyuter. Bagaman ang mga teknolohiyang ginagamit sa mga kompyuter ngayon ay dramatikong nagbago simula nang unang elektronikong pangkalahatang paggamit ng mga kompyuter noong mga 1940, ang karamihan ay gumagamit pa rin ng arkitekturang von Neumann. Simula mga 1950, ang mga siyentipikong Soviet na sina Sergei Sobolev at Nikolay Brusentsov ay nagsagawa ng pagsasaliksik tungkol sa mga ternaryong kompyuter na pinapatakbo sa baseng tatlong sistema ng bilang na −1, 0, at 1 sa halip na sa konbensiyal na binaryong sistema ng bilang na ang karamihan ng mga kompyuter ay nakabatay. Kanilang dinisenyo ang Setun na isang gumaganang ternaryong kompyuter sa Moscow State University. Ang kasangkapan ay inilagay sa isang limitadong produktsiyon sa Unyong Sobyet ngunit napalitan ng mas karaniwang binaryong arkitektura. Ang mga kompyuter na gumagamit ng mga vacuum tube sa mga sangkapt nito ay ginamit sa buong mga 1950 ngunit noong mga 1960 ay malaking pinalitan ng nakabase sa transistor na mga kompyuter na mas maliit, mas mabilis, mas mura at nangangailangan ng kaunting elektrisidad at mas maasahan. Ang unang may transistor na kompyuter ay ipinakita sa University of Manchester noong 1953. Noong mga 1970, ang integrated circuit at kalaunang pagkakalikha ng mga mikroprosesor gaya ng Intel 4040 ay karagdagan nagpaliit ng sukat at gastos at karagdagang nagpabilis at pagiging maasahan ng mga kompyuter. Noong mga huli nang 1970, maraming produkto gaya ng mga video recorder ay naglalaman ng mga dedikadong mga kompyuter na tinatawag na mga microcontroller. Ang mga ito ay nagsimulang pumalit sa mga mekanikal na kontrol sa mga domestikong appliance gaya ng mga washing machine. Ang 1980s ay nakasaksi ng mga kompyuter na pambahay at ngayon ay personal na kompyuter.

Ang naglalarawang katangian ng mga modernong kompyuter na nagtatangi ng mga ito mula sa ibang mga makina ay ang kakayahan nitong maprograma o mabigyan ng mga instruksiyon o kautusan(programa ng kompyuter) na mapoproseso nito. Ang mga modernong kompyuter na nakabatay sa arkitekturang von Neumann ay kadalasang may machine code sa anyo ng imperatibong wikang pamprograma. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga instruksiyon sa kompyuter ay simple. Halimbawa ay ang pagdaragdag ng isang bilang sa isa pang bilang, paglipat ng ilang datos mula sa isang lokasyon ng memorya sa iba pang lokasyon, magpadala ng mensahe sa ilang panlabas na kasangkapan at iba pa. Ang mga ito ay binabasa ng CPU sa memorya ng kompyuter at isinasagawa sa pagkakasunod na ibinigay ng programa. May mga espesyalisadong instruksiyong upang utusan ang kompyuter na tumalon ng pasulong o paurong sa isang lugar ng programa at isagawa ang programa mula doon. Ang mga ito ang mga instruksiyong pagtalon na maaaring isagawa ng batay sa isang kondisyon batay sa resulta ng nakarang kalkulasyon o panlabas na pangyayari. Maraming mga kompyuter ang direktang sumusuporta sa mga subrutina o punsiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang uri ng pagtalon na makakaalala ng lokasyong pinaglugdagan nito at isa pang instruksiyon upang bumalik sa instruksiyong kasunod ng instruksiyong pagtalon. Sa pagkukumpara, ang isang taong gumagamit ng isang kalkulador na pangbulsa ay maaaring magsagawa ng isang aritmetikong operasyon gaya ng pagdaragdag ng dalawang mga bilang gamit ang ilang mga pagpindot ng mga butones ng kalkulador. Gayunpaman, ang pagdaragdag ng lahat ng mga bilang mula sa 1 hanggang 1,000 ay mangangailangan ng libong pagpindot ng butones at maraming panahon upang isagawa ito na may katiyakan na makagawa ng pagkakamali sa pagpindot. Sa kabilang dako, ang isang kompyuter ay maaaring iprograma upang isagawa ang parehong tungkulin gamit ang ilan lamang mga simpleng instruksiyon. Halimbawa nito ang: 

       mov No. 0, sum     ; itakda ang suma sa 0
       mov No. 1, num     ; itakda ang num sa 1
 loop: add num, sum    ; idagdag ang num to sum 
       add No. 1, num     ; magdagdag ng 1 sa num
       cmp num, #1000  ; ihambing ang num hanggang 1000
       ble loop        ; kung ang num lt;= 1000, bumalik sa 'loop' 
       halt            ; wakas ng programa. tumigil sa pagtakbo.

Ang isang pangkalahatang paggamit na kompyuter ay may apat na pangunahing mga bahagi: ang arithmetic logic unit (ALU), control unit, memorya ng kompyuter at mga kasangkapang pang-input at pang-output(I/O). Ang mga bahaging ito ay pinag-uugnay ng mga bus ng kompyuter na kadalasan ay gawa sa mga pangkat ng mga kawad. Sa loob ng bawat mga bahaging ito ay mga libo libo hanggang trilyong maliliit na mga sirkitong elektrikal na maaaring isara o buksan sa pamamagitan ng isang elektronikong switch. Ang bawat sirkito ay kumakatawan sa isang bit ng impormasyon upang kapag ang sirkito ay nakabukas, ito ay kumakatawan sa 1 at kapag nakasara ay kumakatawan sa 0. Ang mga sirkito ay nakaayos sa mga bakod na lohika upang ang isa o higit pang mga sirkito ay makakontrol sa estado ng isa o higit pang ibang mga sirktio. Ang control unit, ALU, mga register, at basic I/O (at kadalasan ay iba pang mga hardwer na malapit na kaugnay n gmga ito) ay magkakasamang tinatawag na central processing unit (CPU). Ang mga maagang CPU ay binubuo ng maraming mga magkakahiwalay na bahagi ngunit simula gitna ng 1970, ang mga CPU ay tipikal na binubuo sa isang integradong sirkito na tinatawag na microprocessor. Ang mahalagang bahagi na karaniwan sa lahat ng mga CPU ang counter ng programa na isang espesyal na selula ng memorya (isang register) na sumusubaybay sa aling lokasyon sa memorya na ang susunod na instruksiyon ay babasahin. Ang ALU ay may kakayahan na magsagawa ng dalawang mga klase ng operasyon: ang aritmetika na maaaring kabilangan ng adisyon, subtraksiyon, multiplikasyon, dibisyon, punsiyong trigonometriko; at ang mga operasyong pang-lohika na kinasasangkutan ng lohikang boolean gaya ng AND, OR, XOR, at NOT. Ang mga superskalar na kompyuter ay maaaring maglaman ng maraming mga ALU na pumapayag sa mga ito na magproseso ng ilang mga instruksiyon ng sabay-sabay. Ang mga grapikong prosesor at kompyuter na may mga katangiang SIMD at MIMD ay kadalasang naglalaman ng mga ALU na maaaring magsagawa ng aritmetika sa mga bektor at matriks. Ang memorya ng kompyuter ay maaaring makita bilang isang talaan ng mga selula na may mga bilang na maaaring paglagyan o basahin. Ang bawat selula ay may bilang na adress at maaaring mag-imbak ng isang bilang. Ang kompyuter ay maaaring utusan na maglagay ng bilang na 123 sa selulang may bilang 1357 o idagdag ang bilang na nasa selulang 1357 sa bilang na nasa selulang 2468 at ilagay ang sagot sa selulang 1595. Sa halos lahat ng mga modernong kompyuter, ang bawat selulang memorya ay itinakdang mag-imbak ng mga binaryong bilang sa mga pangkat ng 8 bit na tinatawag na byte. Ang bawat byte ay may kakayahang kumakatawan ng 256 iba't ibang mga bilang (2^8 = 256) na mula 0 hanggang 255 o −128 hanggang +127. Upang mag-imbak ng malalaking mga bilang, ang ilang magkakasunod na mga byte ay maaaring gamitin na tipikal na 2, 4 o 8. Kapag ang mga negatibong bilang ay kailangan, ang mga ito ay karaniwang iniimbak sa dalawahang komplementeng notasyon. Ang CPU ay naglalaman ng isang espesyal na hanay ng mga selulang memorya na tinatawag na mga register na maaaring basahin at sulatan ng higit na mas mabilis kesa sa pangunahing areang memorya. Mayroong tipikal na sa pagitan ng dalawa at isang daang mga register depende sa uri ng CPU. Ang mga register ay ginagamit para sa mas kadalasang kinakailangan na mga item ng datos upang maiwasan ang paglapit sa pangunahing memorya sa bawat panahong kailangan. Habang ang datos ay patuloy na pinagtatrabahuhan o pinoproseso, ang pagbabawas ng pangangailangan sa paglapit sa pangunahing memorya na kadalasan ay mabagal kumpara sa ALU at mga control unit ay malaking nagpapataas ng bilis ng kompyuter. Napapabilis din ng graphics processing unit (GPU) ang kompyuter partikular sa gamit nito sa larong tatlong dimensiyunal (3D). Nagagamit din ang GPU sa iba pang gawain na nangangailangan ng mabilis na pagproseso. Ang pangunahing memorya ng kompyuter ay nasa dalawang mga uri: random-access memory o RAM at read-only memory o ROM. Ang RAM ay mababasa at masusulatan sa anumang panahon na inuutos ng CPU ngunit ang ROM ay paunang nilagyan ng datos at sopwer na hindi kailanman nagbabago kaya ito ay mababasa lamang ng CPU. Ang ROM ay tipikal na ginagamit upang imbakan o lagyan ng mga simulang pagsisimula ng mga instruksiyon. Sa pangkalahatang, ang mga nilalaman ng RAM ay nabubura kapag ang kompyuter ay pinatayan ng elektrisidad ngunit ang ROM ay nagpapanatili ay nagpapanatili ng datos nito nang matagal na panahon. Sa isang PC, ang ROM ay naglalaman ng isang espesyalisadong programang tinatawag na BIOS na kumokontrol sa paglalagay ng operating system ng kompyuter mula sa hard disk drive tungo sa RAM kapag ang kompyuter ay binuksan o nireset. Ang I/O ang paraan ng pakikipagpalitan ng kompyuter ng impormasyon sa panlabas na daigdig nito. Ang mga kasangkapan na nagbibigay ng input o output ay tinatawag na mga peripheral na kinabibilangan ng keyboard, mouse at headset, at mga kasangkapang output gaya ng display at printer. Ang mga hard disk drive, floppy disk drive at optical disc ay nagsisilbi bilang parehong mga kasangkapang input at output. Ang networking ng kompyuter ay isa pang anyo ng I/O.

Ang mga uri ng arkitektura ng kompyuter ay: Quantum computer vs Chemical computer, Scalar processor vs Vector processor, Non-Uniform Memory Access (NUMA) computers, Register machine vs Stack machine, Harvard architecture vs von Neumann architecture at Cellular architecture.




#Article 149: Meycauayan (599 words)


Ang Meycauayan ay isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay matatagpuan labingsyam na kilometro sa hilaga ng Maynila at dalawampu't dalawang kilometro mula sa siyudad ng Malolos. Ang Lungsod ng Meycauayan ay napaliligiran ng Marilao sa hilaga, Lungsod ng Valenzuela sa timog, Lungsod ng Caloocan sa silangan, at ng Obando sa kanluran. Ayon sa , ito ay may populasyon na  sa may  na kabahayan.

Kilala ang lungsod ng Meycauayan bilang sentro ng industriya ng pag-aalahas sa Pilipinas.

Ang Lungsod ng Meycauayan ay nahahati sa 27 na mga baranggay.

Ang taguring Meycauayan ay mula sa wikang Tagalog na may kawayan. Ito ay dahil sa ang lugar noon ay katatagpuan ng maraming kawayanan. Ayon sa alamat, mayroong dalawang magkalabang tribo, ang tribo ni Raha Yantok at Raha Sugod. Nais ni Raha Yantok na sakupin ang pangkat ni Raha Sugod kaya ito ay natakda ng labanan. Sa paglawig ng kanilang labanan natuklasan nila ang isang lugar na puno ng kawayan na siya nilang tinawag na pook na may kawayan.

Noong 1578, ilang taon matapos maitatag ang Siyudad ng Maynila, naitatag ang bayan ng Meycauayan sa ilalim ng mga Fraileng Pransiskano na sina Juan de Placencia at Diego Oropeza. Sila ay nagtayo ng isang kapilyang gawa sa pawid sa isang nayon na nasa gawing silangan ng bayan at ito ay isinailalim sa pamamatnubay ni San Fransisco ng Assisi bilang kanilang patron. Ito ay kanilang tinawag na Sitio Torril. Ang maliit na pamayanang ito ay tumagal ng humigit kumulang sampung taon hanggang ito ay masira dahil sa isang malakas na bagyo. Taong 1588, inilipat ang pamayanan sa isang lugar na tinatawag na Lagolo (ngayon ay sakop ng Banga at Caingin) sa pamumuno ng fraileng si Padre Fransisco Pusiquit. Dahil sa pagsalakay ng mga Ita, inilipat ang kabayanan sa kasalukuyan nitong kinalalagyan sa Baranggay Poblacion. Dito matatagpuuan ang lumang Munisipyo at ang Simbahan ng Parokya ni San Fransisco ng Assisi.

Ang Meycauayan ay kilala noong Panahon ng Kastila bilang lugar na mayaman sa adobe. Ang mga batong ito ay ginamit hindi lang sa pagpapatayo ng mga gusali sa bayan kundi gayundin ang mga pangunahing gusali sa Maynila tulad ng moog ng Intramuros at ang Katedral ng Maynila.

Ang Bayan ng Meycauayan ay kinilala noon bilang isa sa pinakamalaking bayan sa Bulacan. Ang mga bayan ng San Jose Del Monte, Bocaue, Marilao, Valenzuela, Obando, Santa Maria at Pandi ay nasa ilalim noon ng pamahalaan ng Meycauayan.

Noong panahon ng Himagsikan, nakapag-ambag ang Meycauayan ng mga Dakilang Anak nito upang tumulong sa pagpapalaya sa ating bansa. Ilan dito ay sina Andres Pacheco, Ciriaco Contreras, Guillermo Contreras, Guillermo Bonque, at Liberato Exaltacion. Lahat ng mga nabangit na ito ay pinarangalan sa pamamagitan ng pagpapangalan ng mga pagunahing kalye sa Meycauayan sa kanilang karangalan.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling naging matatag ang kabuhayan at ekonomiya sa Meycauayan. Subalit ito ay naunsyami noong 1949, nang masunog ang sentro ng kabayanan kasama na ang munisipyo nito at ang lumang simbahan.

Ang pagpasok ng Dekada 60 at 70 ay nagbigay ng bagong pag-asa sa pagsulong ng bayan. Nagkaroon ng rehabilitasyon at pagtatayo ng mga imprastraktura upang tugunan ang paglago ng ibat-ibang industriya sa bayan.

Noong taong 2000, sinubukan ng Pamahalaan ng Meycauayan na iakyat ang estado nito sa pagiging siyudad ngunit ito at natalo sa isang plebisito.

Noong taong 2005, inilipat ang munisipyo nito sa mas malaking lupa sa Baranggay Camalig. Ang lumang Munisipyo ay pinananahanan ngayon ng Mariano Quinto Alarilla Polytechnic College.

Noong ika-10 ng Disyembre, 2006 sa bisa ng isang plebisito ay naging isang ganap na lungsod ang meycauayan mula sa pagiging isang bayan ng Meycauayan.




#Article 150: Pilipinong Amerikano (474 words)


Ang katawagang Pilipinong Amerikano o Filipino American o Fil-Am sa Ingles ay maaring tumukoy sa mga sumusunod:

Ang komunidad ng mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaking grupo sa pangkat-etnikong Hispano  Asyano-Amerikano. Ang mga Filipino American ay mga tao na ang lahi ay nagmula o nanggaling sa Pilipinas. Sila ay mga Pilipino na naging mga permanenteng residente o mamamayan ng Estados Unidos. Mahigit 2.4 milyon ang mga naitalang tao na Pilipino sa taong 2000, ngunit ito'y binabatikos ng iba at maaari na ang bilang ng mga Pilipino ay nasa 4 milyon.

Karamihan sa mga Filipino American ay nakatira sa California, Lungsod ng New York, at Hawaii. Ang mga Filipino American ang pinakamalaking group na pangkat-etnikong Asyano-Amerikano sa California. Kabilang din dito ay ang mga estado ng Alaska, Maine, Montana, Nevada, North Dakota, Oregon, South Dakota. Ang mga Filipino American ay ang ikalawang pinakamalaki sa Arizona, Florida, Hawaii, Idaho, Indiana, Illinois, Maine, Mississippi, New Jersey, New Mexico, South Carolina, Texas, Virginia at West Virginia. Sila naman ay ikatlong pinakamalaki sa Connecticut, Maryland, Georgia, Minnesota, at Lungsod ng New York.

Sa Northern Marianas, ang mga Filipino American ay ang pinakamalaking pangkat-etniko na kahit anong uri. Ang kanilang populasyon at dalawampu't porsyento (29%) ng buong territoryo. Sa Guam, sila'y ikalawang pinakamalaking pangkat-etniko ng kahit anong uri. Sa American Samoa, nalagpasan na nila ang mga Samoan at Tongan at itinanghal na pinakamalaking pangkat-etniko.

Ipinagkaloob ng Kongreso ng Amerika ang dalawang buwan na pagdiriwang na pang kulturang Filipino American. Ang Buwan ng Asyano Pasipiko Amerikano ay itinakda sa buwan ng Mayo. Sa pagiging pinakamalaking grupo ng pangkat-etnikong Asyano-Amerikano, ibinigay ang buwan ng Oktubre at ipangalangang Buwan ng Makasaysayang Pilipino Amerikano, isang pagpupugay sa mga isinaunang Pilipino na naglayag patungong California noong ika-18 ng Oktubre, taong 1587.

Sa mga baguhang Pilipino, maaaring may mga kahirapan sa pakikipag-ugnayan na madaraanan. Maraming pagkakaiba sa wika sa mga dati at ngayong henerasyong mga Pilipino, na palaging nagreresulta sa hindi pagkakaunawaan ng maayos at matiwasay.

Sa Pilipinas, isang opisyal na wika ang Filipino.  Ngunit maraming mga Pilipino Amerikano ay marunong makaintindi at makapagsalita ng Wikang Ingles, karamihan sa mga ito ay nagsasalita ng Tagalog, mga wikang Bisaya, Pangasinan, Kapampangan at Ilokano sa kanilang mga tirahan. Ang Tagalog din ang ika-anim na pinakagamit na wika sa buong Estados Unidos. Ito rin ang opisyal at pambansang wika ng Pilipinas. Katulad din ng ibang pangkat-etniko sa Amerika, ang pagkatatas sa Tagalog ay maaaring nawawala sa kaalaman ng mga Filipino American habang sila ay nakikibagay at nakikihalubilo sa kulturang Amerikano. Ayon sa mga sibikong pangkat na pang Pilipino, layunin ng mga magulang ang panatiliin ang kaalaman sa Tagalog, pati na sa kanilang mga anak, dahilan sa pagka-usbong ng bilingguwalismo o ang kakayahan ng pagsasalita ng dalawang wika sa maraming Amerikano.

Ang Tagalog ay mayroong 2.1 milyong tagapagsalita, pumapangalawa lamang sa Intsik na may 2.6 milyon sa mga Asyano-Amerikano.




#Article 151: Lohika (902 words)


Ang lohika o matwiran ay ang pangangatwiran na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng mga palagay ang lohika—ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayan nang mga pahayag. Isang masalimuot na talakayan sa pagitan ng mga pilosopo ang pagbibigay ng eksaktong kahulugan sa “lohika.” Ngunit anuman ang batayang napili para sa pag-aaral ng lohika, ang mithiin ng mga tagapagtaguyod nito ay ang pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na mapaghiwalay ang mga tumpak sa di-tumpak na pangangatwiran bilang gabay sa wastong pag-iisip. Ang salitang lohika ay mula sa lumang Griyego na λόγος (logos), na literal nitong kahulugan ay “ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o “katwiran”. 

Sa likas nitong anyo, ang kayarian ng mga palagay ang nagkakaroon ng partikular na pansin—ang pormal na ugnayan sa pagitan ng bagong gawang mga pahayag at mga napatunayan nang pahayag, kung saan nangangahulugan ang pormal na malaya ang ugnayan mula sa pahayag nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa pagkakaroon ng batayan sa hakahaka, kasama ang mga iba't ibang posibleng kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at praktikal na kondisyon sa kanyang kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita na may mahalagang ginagampanan ang lohika sa epistemolohiya na nagbibigay ng mekanismo para sa pagpapalawig (ekstensiyon) ng kaalaman.

Bilang pangalawang resulta, nagbibigay-hatol sa pangangatwiran ang lohika; sa madaling salita, kung papaano dapat mangatwiran ang mga tao—gayon din ang iba pang mga matatalinong nilalang, makina, at sistema. Gayunman, di-mahalaga sa lohika ang ganoong mga kahatulan. Mas mahalaga para dito ang mga paglalapat. Kadalasang pinag-aaralan sa ibang larangan kung papaano mangatwiran ang mga tao, kasama na dito ang kognitibong sikolohiya.

Sa tradisyon, pinag-aaralan ang lohika bilang isang sangay ng pilosopiya. Simula noong kalagitnaan ng dekada ng 1800 karaniwang pinag-aaralan ang lohika sa matematika, at, mas kamakailan lamang, sa agham pangkompyuter. Bilang isang agham, sinisiyasat at inuuri ng lohika ang mga kayarian ng mga pangungusap at pagpapalitan ng mga palagay at gumagawa ng balangkas (schemata) na kung saan ginagawang kodigo ito. Kung gayon, maaaring malawak ang sakop ng lohika, kasama ang espesyal na pag-aaral ng pangangatwiran tungkol sa maaaring totoo, probabilidad, at kasanhian (causality). Pinag-aaralan din sa lohika ang mga kayarian ng mga di-makatotohanang argumento at mga paradoha..

Dahil sa mahalagang gampanin nito sa pilosopiya, matindi ang pagtatalo tungkol sa kalikasan ng lohika, at mahirap maglagay ng mga tiyak na tanda sa nasasakupan ng lohika na magiging katanggap-tanggap sa pananaw ng mga magkakatunggali. Gayunpaman, may matibay na sandigan at malinaw na direksiyon ang pag-aaral ng lohika sa kabila ng mga pagtatalo. Maaari nating ilarawan ang lohika sa limang paraan. Una, tatalakayin natin ang mga pangunahing kaisipan tungkol sa anyo nito, Ikalawa, ihahanay natin sa isang balangkas ang iba-ibang samahan ng palaisip sa lohika. Pangatlo, iuulat natin ang pinaigsing kasaysayan nito. Pang-apat, ipapakita natin ang kaugnayan nito sa iba pang mga agham. Pang-lima at pang-huli, ipapaliwanag natin ang mga mahahalagang kaisipan sa lohika.

Pangunahing kaisipan ang anyo sa pagtalakay sa kalikasan ng lohika, at ito ang nagpapahirap sa pagpapaliwanag ng pormal sa lohikang pormal na madalas na hindi malinaw sa mga pag-uusap. Narito ang kahulugang ginagamit sa mga susunod pang bahagi ng sulating ito:

Nagiging malabo ang usapan kapag ginagamit ang lohikang impormal na singkahulugan ng lohikang simboliko ayon sa ibinigay na kahulugan sa itaas, na kung saan ang lohikang impormal ay itinuturing na hindi gumagamit ng mga walang-pinatutungkulang sagisag. Ito ang kahulugan ng 'pormal' na matatagpuan sa pormal na wika o pormal na teoriya.

Sa nabanggit na analisis sa itaas, maituturing  na matagal nang pag-aaral ang lohikang pormal, makababalik tayo sa nakaraang 2,000 taon, habang tila bago pa lamang na pag-aaral ang lohikang simboliko, at bunga ito ng paglalapat ng mga natuklasan sa matematika upang sagutin ang mga tanong sa lohika. Ang pag-usad mula sa lohikang impormal tungo sa lohikang pormal at sa pagpapatuloy sa lohikang simboliko ay masasabing pag-unlad sa antas ng pag-iisip: na kinakailangan, dahil mauunawaan lamang natin ang lohikang simboliko kung naisaloob na natin ang iba-ibang kasunduan na tanggap ng nakararami para sa pag-aanalisa ng mga sagisag sa lohika. Sa pangkalahatan, nakukuha ng pormal na sistema ang lohika, na binubuo ng pormal na wika, na ilarawan ang mga hanay ng mga pormula at hanay ng mga alituntunin ng paghahango (derivation). Madalas na ginagamit ang mga pormula upang katawanin ang mga pag-angkin natin sa mga bagay na gusto natin, at gayundin kinakatawan ng mga alituntunin ng paghango ang mga imperensya; may kinikilingang interpretasyon ang ganoong mga sistema.

Sa loob ng pormal na sistemang ito, inilalahad ng mga alituntunin ng paghahango at mga posibleng aksyoma ang hanay ng mga teorema, na mga pormula na maaaring hanguin mula sa paggamit ng mga alituntunin ng paghahango. Ang pinakamahalagang katangian ng lohikal na sistemang pormal ay ang kainaman nito, na isang katangian na batay sa paliwanag, ay nangangahulugan na ang lahat ng mga alituntunin ng paghahango ay mga tumpak na imperensya (pagdudugtong-dugtong ng mga palagay). Ang mga teorema ng mainam na sistemang pormal ay ang mga katotohanan. Isang pasubali na kailangang taglay ng isang mainam na sistema ay ang pagkakabuklod, na nangangahulugan na walang salungatan sa isa't isa ang mga teorema. Mahalaga rin ang pagkabuo, na walang pagkukulang, na lahat ng totoo ay maaari ding patunayan. Ngunit kung narating na ng wika ng lohika ang isang antas ng kakayahang-magsabi (expressiveness), (tulad ng pangalawang-bahagdan ng lohika), ang pagkabuo ay mahirap abutin.




#Article 152: Talaan ng mga disiplinang pang-akademiya (125 words)


Ito ang listahan ng mga disiplinang akademiko (at mga larangang pang-akademiya).  Isang sangay ng kaalaman ang pang-akademiyang disiplina na pormal na itinuturo sa pamantasan o sa mga ibang katulad na pamamaraan.  Sa pagkaganap, kadalasang binibigyan ng kahulugan at kinikilala ang mga disiplina sa pamamagitan ng mga diyaryong akademiko na kung saan ipinalimbag ang saliksik, at ang mga natutong lipunan na kung saan kasali ang kanilang mga nagsasanay.

Kadalasang may mga ilang mga disiplina na nasa ilalim ng bawat disiplina at kadalasang parehong depende sa maingat na hatol at pagiging malabo ang pagtutukoy.

Ipinapakita ng isang * ang isang larangan na pinagtataluhan pa ang pang-akademiyang katayuan.

tingnan din Panitikan

tignan sa ilalim ng mga Agham Pampolitika

Panitikan ng mga Wika o Kultura

Mga pamamaraan at paksa




#Article 153: Sandara Park (485 words)


Si Sandara Park (ipanganak, 박산다라, 12 Nobyembre 1984 sa Busan, Timog Korea)  ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas dahil sa pagsali sa Star Circle Quest, isang reality-based na palabas sa telebisyon ng ABS-CBN na layon na maghanap ng mga bagong talento.

Sa kasalukuyan, miembro siya ng isang bandang kababaihan na 2NE1 na dala ang palayaw bilang Dara.

Ipinanganak si Park sa korea lumaki sa pilipinas, ang kanyang isang kapatid ay si Reymart Langamin na nandoon sa Cagayan De Oro.marunong magsalita ng Ingles at  Tagalog sila.  Isang negosyante ang tatay ni Park, ngunit noong 8 taong gulang na siya, nalugi ang kompanya ng kanyang tatay. Permanenteng nanirahan sila sa Pilipinas noong 1995.  Natuto siyang mag-Ingles at Tagalog sa Pilipinas.  Bilang pinakamatanda sa magkakapatid, siya ang nag-aalaga sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid.  At dahil dito, sumali siya sa Star Circle Quest.  Sumikat siya nang husto sa kanyang tanyag na Sandara Wave na may kasamang Mahal ko kayo.  Mahilig siyang tawaging Krung Krung ng kanyang mga tagahanga at kaibigan.

Pagkatapos niyang manalo sa Star Circle Quest, binigyan siya ng ABS-CBN ng isang palabas na pinamagatang Sandara's Romance.  Naging ka-love team niya si Hero Angeles na dating kalahok din sa Star Circle Quest. Ilan sa mga nagawang proyekto ni Park na kasama si Angeles ang teleseryeng Krystala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos,  at mga pelikulang  at  na labis na kumita sa takilya.

Nakabenta ng higit sa 60,000 kopya ang kanyang unang album na pinamagatan ng kanyang pangalan.  Nakamit nito ang double platinum na estado.  Ang mga single na In or Out at Walang Sabit ang mga pinakasikat sa awitin sa kanyang unang album.

Pagkatapos ng kanyang pelikulang , pansamantalagang tumira muna si Sandara sa Timog Korea para magsanay lalo ng kanyang talento. Umabot ito ng limang buwan bago siya nakabalik uli sa Pilipinas.

Noong nakabalik na siya sa Pilipinas at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga taga-hanga, may bago na siyang ka-love team na si Joseph Bitangcol na kalahok din dati sa Star Circle Quest.  Isa sa mga proyekto niya sa kanyang pagbalik ang ASAP Fanatic sa telebisyon at ang pelikulang D' Lucky Ones na kasama si Joseph Bitangcol, Pokwang, at Eugene Domingo.

Nawala sa telebisyon si Sandara ng matagal-tagal din na panahon noong bumalik siya sa Korea. Nang biglang ginulat na lamang niya ang mga pilipino sa umuusbong na pala niyang karera sa Korea bilang isang YG baby. Sumailalim siya sa mahigpit na training ng YG at pinaghusay pa niya ang kanyang talento sa pagsayaw at pagkanta, ngunit ngayon bilang K-Pop performer. Halos dalawang taon din siyang nag-ensayo kasama ang kanyang mga kamiyembro na sila Gong Min Ji Minzy, Park Bom Bom na parehong apat na taon nagtraining, at ang lider ng grupo, Chae Rin Lee CL na nagtraining naman ng tatlong taon. Kasama ang tatlong nabanggit pang talents ay binuo sila bilang 2NE1 na hit na hit ngayon sa Korea at sa buong Asya.




#Article 154: Gloria Macapagal Arroyo (1533 words)


Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril 1947) ay ang ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko  Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang. Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.

Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton. Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.

Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa. Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio Jose María (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985. Mula 1977 hanggang 1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng Dalubhasaang Asuncion.

Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling bahagi ng dekada 80.

Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto ang magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.

Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador, kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export Development Act.

Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga kumpanyan ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.

Naisipan ni Arroyo na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo noong 1998 ngunit nahikayat siya ni dating Pangulong Fidel Ramos at iba pang mga pinuno ng partidong Lakas-CMD na tumakbo na lamang bilang ikalawang pangulo o bise presidente bilang running mate ni Jose de Venecia, Jr.. Si de Venecia ay natalo kay Joseph Estrada bilang pangulo ngunit si Arroyo ay nagwaging pangalawang pangulo na may higit sa dalawang ulit na nakuhang boto ng running mate ni Estrada na si Senador Edgardo Angara.

Nagsimula ang kanyang termino bilang Ikalawang Pangulo noong 30 Hunyo 1998. Siya ang kauna-unahang babaeng Ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinilaga siya ni Estrada sa gabinete bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong  Oktubre 2000, umang lumayo kay Pangulong Estrada, na inakusahan ng korupsiyon ng dati nitong kaalyadong si Chavit Singson, ang Gobernador ng lalawigan ng Ilocos Sur. Inisyal siyang tumanggi sa mga kaalyado na magsalita laban kay Estrada, subalit lumaon ay sumama sa panawagang magbitiw si Estrada.

Noong 20 Enero 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pampolitika at  mga malawakang pagpoprotestang tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng pagkapangulo.  Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide , Jr.

Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.. Noong 2 Marso 2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.

Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo. 

 (K-4)

 (Aquino wing)

Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang kanyang pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang 2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%. Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas sa epekto ng pandaigdigang krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa mga karatig bansa nito dahil sa sa mababang pagtuon sa mga kalakal na iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW na mula sa apat hanggang limang milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO. Ang paghawak ni Arroyo sa ekonomiya ng Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng Estados Unidos Bill Clinton, na sinabing ang mga mahihirap na desisyon ang nagpabalik sigla sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabila ng paglago, nanatili ang kahirapan dahil sa mataas na antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantay-pantay na pagbabahagi ng kita sa mamamayan. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino. Si Arroyo ay iniulat na nag-order ng mga mamahaling wine, steak at lobster.

Si Arroyo ay inakusahan ng paglipat ng mga pondo ng pambansang lotto na nagkakahalagang 366 milyon para sa pansariling paggamit.

Si Arroyo ay tumakbo at nahalal ng tatlong beses (2010, 2013 at 2016) bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Si Arroyo ay dinakip sa St. Luke's Medical Center sa Taguig  noong 18 Nobyembre 2011 pagkatapos sampahan ng kaso para sa pagsabotahe ng halalan noong 2007 ng COMELEC.

Si Arroyo ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong 9 Disyembre 2011. Si Arroyo ay pinalaya pagpagkatapos magpiyansa noong 25 Hulyo 2012. Si Arroyo ay muling dinakip pagkatapos sampahan ng kasong pandarambong ng 366 milyong pisong pondo ng pambansang lotto upang pondohan ang kanyang pangangampanya.




#Article 155: Komunikasyong gamit ang kompyuter (270 words)


Ang Komunikasyong gamit ang kompyuter o Computer-Mediated Communication (CMC) sa Ingles ay anumang anyo ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng dalawa o higit pa na mga indibiduwal na mga tao na nakikipagusap at/o nagbibigay ng impluwensiya sa bawat isa sa pamamagitan ng magkahiwalay na mga kompyuter. Hindi kabilang dito ang mga pamamaraan na kung saan nag-uusap ang dalawang kompyuter, sa halip kung papaano makipagtalastasan ang mga tao na gamit ang kompyuter.

Mas karaniwang tumutukoy ang CMC sa mga koleksiyon ng e-mail, video, audio o text na pagpupulong, mga bulletin board, mga list server, instant messaging, at mga multi-player video game.

Kabilang sa maibubunga ng pagpalit ng komunikasyon na mas ginagamit ang kompyuter na anyo ang binagong: pagbubuo ng impresyon, paglinlang at pagsisinungaling na pag-uugali, daynamikong grupo, di pagpipigil at lalo na ang pagbubuo ng ugnayan.

Sinusuri ang CMC gamit ang tatlong pangunahing aspeto ng kahit anumang anyo ng pakikipagtalastasan, na binabago sa pamamagitan ng medium na ginamit; pagsasabay (synchronicity), pananatili (persistence), at pagtatago ng pagkakakilanlan (anonymity) ang mga aspetong ito. Nagbabago ng malawak ang bawat aspeto para sa iba't ibang anyo ng komunikasyon. Maaari na mataas na mangyari ng sabay ang instant messaging, samantalang di nanatili. Mababa naman na maging sabay ang mga message board, ngunit mataas ang pananatili. Mas nakadepende ang pagiging di kilala sa konteksto at partikular na programa/pahinang web na ginagamit. Mahalagang tandaan ang mga sikolohikal at panlipunang implikasyon ng mga sangkap na ito, sa halip na pagpokus lamang sa mga teknikal na limitasyon.

Sa kasalukuyan, isa sa mga pangunahing paliwanag para sa maraming epekto sa CMS ay ang Hyper-Personal Model na binuo ni  ng Unibersidad ng Cornell.




#Article 156: Pagpapalaglag (133 words)


Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, na nagsasanhi ng kamatayan nito.Isa itong direktang pagtanggal ng kanilang karapatang mabuhay sa mundo. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang pagpapalaglag o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.

Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo.

      




#Article 157: Karagatang Pasipiko (1861 words)


Ang Karagatang Pasípiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portuges sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).

Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: Mga Isla ng Pasipiko.) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng ekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang Dagat Selebes, Dagat Korales, Dagat Timog Tsina, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Luzon, Dagat Sulu, Dagat Tasman at Dagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang Karagatang Indiyan sa kanluran at ang Kipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Atlantiko sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Artiko.

Ang manunuklas na Portuges na si Ferdinand Magellan ang nagpangalan sa karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang kalmado ang tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula Kipot ni Magallanes hanggang Pilipinas. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming bagyo at hurakan ang tumatama sa mga isla nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga bulkan at kadalasang niyayanig ng lindol. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang tsunami na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.

Ang tsunami (daluyong), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.

Ang temperatura ng tubig sa Pasipiko ay iba-iba mula sa napakalamig sa mga polong (polar) lugar hanggang 29 °C (84 °F) malapit sa ekwador. Iba-iba rin ang kaalatan (salinity) nito. Ang tubig malapit sa ekwador ay may mababang kaalatan kumpara sa gitnang latitud dahil sa madalas na pag-ulan buong taon dito. Mula sa timpladong (temperate) latitud patungo sa mga polo, mababa rin ang kaalatan dahil sa mabagal na pagsingaw (evaporation) ng tubig alat sa napakalamig na lugar na ito. Kilala ang Dagat Pasipiko na mas mainit sa Dagat Atlantico.

Sa pangkalahatan, ang ikot ng tubig sa rabaw ng Pasipiko ay kamukha ng ikot ng relo sa Hilagang Hemispero (ang Gire ng Hilagang Pasipiko) at kamukha ng pakontrang ikot ng relo sa Timog Hemispero. Ang Hilagang Agos Ekwatoryal, na itinutulak pakanluran sa 15°N latitud ng viento alisios (trade winds) ay lumiliko ng pahilaga malapit sa Pilipinas upang maging mainit na Agos Kuroshio o Hapon. Pasilangan sa 45°N, nagsasanga ang Kuroshio kung saan ang iba ay patungo pahilaga bilang Agos Aleutian at kung saan ang karamihan ay patimog upang sumama sa Hilagang Agos Ekwatoryal. Ang Agos Aleutian ay nagsasanga pagdating nito sa Hilagang Amerika at bumubuo bilang simunong agos na pakontrang-ikot ng relo sa Laot Bering. Ang timoging galamay nito ay naging malamig at mabagal ng dumadaloy pahilaga bilang Agos California.

Ang Timog Agos Ekwatoryal, na dumadaloy ng kanluran sa ekwador ay umiikot patimog silangan ng New Guinea, at lumiko pasilangan sa halos 50°S, at sumasama sa kalakhang pakanlurang sirkulasyon ng Timoging Pasipiko na kasama ang umiikot na Sirkumpolong Agos Antartika. Kapag malapit na ito sa pasigan ng Chile, nahahati ang Timog Agos Ekwatoryal; ang isa ay dumadaloy malapit sa Cape Horn at ang isa ay pahilaga upang bumuo ng Agos Humboldt o Peru.

Ang Linya ng Andesite ang pinakakilalang pagkakaibang rehiyonal sa Pasipiko. Naghihiwalay ito sa malalim at basikong batong igneo (igneous) ng Kalukungan ng Gitnang Pasipiko (Central Pacific Basin) sa bahagyang lubog na lupalop na lugar na may maasim na batong igneo sa mga baybayin nito. Sumusunod ang Linya ng Andesite sa kanlurang gilid ng mga pulo malapit sa California at bumabagtas sa timog ng arko ng Aleutian, sa silangang gilid ng Tangway ng Kamchatka (Kamchatka Peninsula), ng Kapuluang Kuril sa Hapon, ng Kapuluang Mariana, ng Kapuluang Solomon, at ng New Zealand. Patuloy ang pagkakaiba pahilagang silangan sa kanlurang gilid ng Cordillera ng Albatross sa Timog Amerika hanggang Mexico at bumabalik sa mga pulo malapit sa California. Ang Indonesia, Pilipinas, Hapon, New Guinea, at New Zealand – na lahat ay pasilangang karugtong ng blokeng lupalop (continental block) ng Australia at Asya – ay nasa labas ng Linya ng Andesite.

Sa loob ng Linya ng Andesite ang pinakamalalim na trintsera (trench), mga lubog na bulkang bundok, at mga pulong mula sa bulkang dagat na bumubuo sa Kalukungan ng Gitnang Pasipiko. Sa ilalim nito, banayad na bumulwak sa mga bitak ang basaltong lava upang bumuo ng malaking mala-simboryong bulkang bundok kung saan naagnas naman ito upang bumuo ng mga arko, kadena at kalipunan ng mga pulo. Sa labas ng Linya ng Andesite, sumasabog ang bulkanismo. Ang Bilog na Apoy ng Pasipiko (Pacific Ring of Fire) ay pinakabantog sa daigdig dahil nakapaligid rito ang nakakakilabot na bulkanismo nito.

 

Ang pinakamalaking katihan sa loob ng Dagat Pasipiko ay ang pulo ng New Guinea – na pangalawa sa mundo. Halos lahat ng maliliit ng mga pulo ng Pasipiko ay nasa pagitan ng 30°N at 30°S, na mula Timog-silangang Asya hanggang sa Pulo ng Paskuwa (Easter Island); halos lahat ng mga pulo sa Kalukungang Pasipiko ay nakalubog.

Ang bantog na tatsulok (triangle) ng Polynesia na nagdudugtong sa Hawaii, Pulo ng Paskuwa at New Zealand ay napalolooban at lumalagom sa kulumpon ng mga maliliit na pulo ng Cook, Marquesas, Samoa, Society, Tokelau, Tonga, Tuamotu, Tuvalu, at Wallis at Futuna.

Mula sa hilaga ng ekwador at kanluran ng International Date Line, maraming maliliit na pulo ng Micronesia ang kasama rito: ang mga pulo ng Caroline, Marshall, at Mariana.

Sa timog kanluran sulok ng Pasipiko, narito ang mga pulo ng Melanesia na pinangungunahan ng New Guinea. Ang iba pang mahahalagang kapuluan ng Melanesia ay ang mga kapuluan ng Bismarck, Fiji, New Caledonia, Solomon, at Vanuatu.

May apat na uri ang mga pulo sa Dagat Pasipiko: pulong lupalop (continental island), pulong mataas (high island), pulong korales (corral island), at itinaas na plataporma ng korales (raised corral platform). Ang mga pulong lupalop ay nasa labas ng Linya ng Andesite at kasama rito ang New Guinea, ang mga pulo ng New Zealand at ang Pilipinas. Ang mga pulong ito ay mga karugtong ng kalapit na lupalop. Ang mga pulong mataas ay galing sa bulkan at marami ay aktibo pa.. Kilala rito ang Buganbilya, Hawaii at Solomon.

Ang ika-tatlo at ika-apat na uri ng pulo ay mula sa resulta ng paglaki ng mga korales. Ang mga gubat korales (coral reefs) ay mababang estruktura ng nabuo sa ibabaw ng basaltikong agos ng lava sa ilalim ng rabaw ng karagatan. Isa sa pinakamalaki ay ang Great Barrier Reef sa hilagang silangan ng Australia. Ang ikalawang uri ng pulo ay mula sa itinaas na plataporma ng korales na karaniwan ay malaki ng kaunti sa mga mababang pulo mula sa korales. Halimbawa rito ay ang Banaba (dating Ocean Island) at Makatea sa grupo ng Tuamotu ng Frances na Polynesia.

Maraming mahahalagang pandarayuhan ang nangyari sa Pasipiko noong pa mang panahong pre-historiko bantog rito ang mga lumad Polynesian na nagmula sa gilid ng Asya (nanggaling sa isang rehiyong na may mga pulo at may mga lumad na nagsalita ang mga wika na bilang pamiliyang-wikang Austronesian, na sakop ang mga bansang Taiwan, Pilipinas, Indonesia at Malaysia) na dumayo sa Tonga at Samoa, at nagpatuloy sa Hawaii, Tahiti at New Zealand.

Unang nasilayan ng mga Europeo ang Pasipiko noong ika-16 na siglo. Una rito si Vasco Núñez de Balboa (1513) at sinundan ni Fernando Magallanes na tumawid ng Pasipiko sa kanyang paglilibot-mundo (1519-1522). Noong 1564, ang mga conquistadores ay tumawid ng dagat mula Mexico na pinamumunuan ni Miguel López de Legazpi na naglayag sa Pilipinas at kapuluan ng Marianas. Nangingibabaw ang impluwensiya ng Espanya noong natitirang siglo 16 sa Pasipiko sa mga barkong naglalayag mula Espanya patungong Pilipinas, New Guinea at kapuluan ng Solomon. Ang Galeon de Manila ang naging tulay sa pagitan ng Maynila at Acapulco.

Noong ika-17 siglo, ang mga Holandes na naglayag mula sa timog Aprika ay nangibabaw sa pagtuklas at kalakal; natuklasan ni Abel Janszoon Tasman ang Tasmania at New Zealand (1642). Noong siglo 18 nagsimula ang eksplorasyon ng mga Ruso sa Alaska at kapuluan ng Aleutian, ang mga Pranses sa Polynesia, at ang mga Britanyo sa tatlong paglalayag ni James Cook (sa Timog Pasipiko at Australia, Hawaii, at Hilagang Kanlurang Pasipiko sa Hilagang Amerika).

Ang pagsibol ng imperyalismo noong siglo 19 ay nagbunga ng pagsakop ng halos buong Oceania ng Gran Britanya at Pransiya, sinundan ito ng Estados Unidos. Malaking abuloy sa kaalamang pangkaragatan ang ginawa sa mga paglalayag ng HMS Beagle noong mga taong 1830 na sinakyan ni Charles Darwin; ng HMS Challenger noong 1870s; ng USS Tuscarora (1873-76); at ng Alemang Gazelle (1874-1876). Kahit nasakop ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1989, sakop ng Hapon ang kanlurang Pasipiko noong 1914 at sinakop pa nito ang marami pang pulo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang digmaan, ang U.S. Pacific Fleet (Boke Pasipiko ng E.U.) ang naging panginoon ng karagatan ng Pasipiko.

Labing pitong bansa ang nasa Pasipiko: Australia, Fiji, Hapon, Kiribati, Mga Pulo ng Marshall, Micronesia, Nauru, New Zealand, Palau, Papua New Guinea, Pilipinas, Samoa, Mga Pulo ng Solomon, Republika ng Tsina (Taiwan), Tonga, Tuvalu, at Vanuatu. Labing isa rito ay naging bansa mula pa noong 1960. Ang kapuluan ng Hilagang Marianas (Northern Marianas) ay may pamahalaan ngunit ang mga panglabas na ugnayan nito ay hawak ng Estados Unidos, ang mga pulo ng Cook at Niue ay may kaparehong relasyon sa New Zealand. Sa loob ng Pasipiko ay ang estado ng E.U. ng Hawaii at marami pang teritoryo at pag-aaring mga pulo ng Australia, Chile, Ecuador, France, Hapon, New Zealand, United Kingdom, at Estados Unidos.

Ang paglilinang sa yamang mineral ng Pasipiko ay nahahadlangan dahil sa lubhang kalaliman ng karagatan nito. Sa mga mababaw na tubigan sa gilid ng lupalop at pasigan ng Australia at New Zealand, minimina ang petrolyo at natural gas, ang mga mutya (perlas) ay inaani sa pasigan ng Australia, Hapon, Papua New Guinea, Nicaragua, Panama, at Pilipinas. Ang pinakamalaking yaman ng Pasipiko ay ang kanyang isda. Ang mga tubig sa baybayin ng mga lupalop at mga templadong pulo ay nagbibigay ng mga isda tulad tunsoy, salmon, sardinas, gruper (kulapu), espada at tuna gayun din ng mga may talukap na hayop-dagat (shellfish) tulad ng hipon, sugpo, alimango at ulang.

Noong 1986, ang mga kasaping bansa ng South Pacific Forum ay nagdeklara na sonang libre sa nukleyar ang Pasipiko upang matigil ang mga pagsusubok ng bomba nukleyar at mapigilan ang pagtatapon ng basurang nukleyar doon.

Lahat sa Wikang Ingles:

Lahat sa Wikang Ingles:

 




#Article 158: Wikang Kastila (644 words)


Ang Kastilà o Espanyól ay isang wikang Romanse na nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Latino. Sa Espanya at ilang bahagi ng Latinoamerika, ito ay kilala din sa tawag na “Castellano” o Kastelyano na tumutukoy sa rehiyon (o lumang kaharian) ng Castilla (Kastilya) sa Espanya, kung saan ito nagmula upang linawin mula ibang mga wika ng Espanya (tulad ng Galisyano, Basco, at Katalan) at ng Latinoamerika (tulad ng Quechua at Guarani). Sa mga bansang gumagamit nito, Espanyol ang tawag ng ilang bansa ngunit sa iba naman mas madalas ang paggamit ng castellano. Castellano ang tawag rito sa Arhentina, Tsile, Peru at Urugway. Ilang pilologo ang tumatawag sa Kastilyano kapag bumabanggit sa wika sa Kastilya noong Gitnang Panahon at Kastila sa makabagong porma nito. Ang Kastelyano ay maaari ding subdiyalekto ng Kastila na sinasalita sa Kastilya sa panahong ito. Ito ay may serye ng pagkakaiba sa pagbigkas na naiibang Kastila halimbawa rito ang Andulusia o Aragon na kung saan sila'y nagsasalita ng ibang sub-diyalekto. Sa madaling salita, Castellano sa pambansang pananaw; Espanyol sa pandaigdigang pananaw.

Ang wikang Kastila ay myembro ng sangay na pamilya ng Romanse ng pamilya ng mga wikang Indo-Europeo at isa sa mga wikang nag-ugat sa Latin.

Madaling maiaangkop ang ponolohiya ng Tagalog sa Kastila. Gayumpaman, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakamahalagang pagkakaiba:

(base sa Wastong Pambalitang Kastila ng Mehiko)

Hindi likás sa wikang Kastila ang mga titik k at w.

Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng United Nations, Unyong Europeo at Unyong Aprikano.

Ang Mehiko ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bílang na 100 milyon. Ang sumunod ay ang mga bansang Kolombiya (44 milyon), Espanya (41 milyon), Arhentina (39 milyon) at Estados Unidos (30 milyon).

Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 21 mga bansa: Arhentina, Bulibiya (koopisyal sa Aymara), Tsile, Kolombiya, Kosta Rika, Kuba, Ekwador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa Katalan, Galisyano, at Basko), Guwatemala, Gineang Ekwatoriyal, Honduras, Mehiko, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Kanluraning Sahara, Peru (koopisyal sa Quechua at Aymara), Puerto Rico, Republikang Dominikano, Urugway, at Beneswela.

Ito ay mahalaga at ginagamit, ngunit walang opisyal na status, sa Andorra at Belize.

Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Hibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.

Sa Estados Unidos—na walang kinikilalang tanging opisyal na wika—ang Kastila ay ginagamit ng ¾ ng populasyon nitong Latino. Ito rin ay pinag-aaralan at ginagamit ng maliit ngunit mabilis na lumalaking bahagi ng populasyong di-Latino nito bunga ng pag-usbong ng negosyo, komersyo, at politikang Latino.

Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Netherlands Antilles, Aruba, Canada, Israel (kapwa Kastila at Ladino o Hudeokastila), Kanluraning Sahara, hilagang Morocco, Trinidad at Tobago, Turkiya (Ladino), at US Virgin Islands.

Sa Brasil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng karatig bansa ng Brasil ay Kastila ang gamit.

Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada, tinanggalan ng opisyal na status ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong salita at Inggles ang mga wika sa Pilipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng Pilipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-Asyatiko, ang Wikang Zamboangueno o Chavacano ng Zamboanga at Wikang Caviteno o Chavacano ng Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.




#Article 159: Tsina (1816 words)


Ang Tsina, opisyal na Republikang Bayan ng Tsina, ay isang bansa sa Silangang Asya na siyang pinakamatáong bansa sa buong mundo sa populasyon nitong higit sa 1.38 bilyon. Sa lawak nitong umaabot sa humigit-kumulang 9.6 milyong kilometrong parisukat, ito ang ikalawang pinakamalaking bansa batay sa kalupaan, at ikatlo o ikaapat naman sa kabuoang lawak. Ang Tsina ay pinamamahalaan ng Partidong Komunista ng Tsina, na may sakop sa 22 lalawigan, limáng awtonomong rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan (Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing), at ang mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau, at inaangkin din nito ang soberanya ng Taiwan.

Ang kahalagan ng Tsina sa daigdig ngayon ay mapapansin dahil sa kanilang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominal (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o PPP) at isang permanenteng kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa at kasapi rin sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, APEC, , at Shanghai Cooperation Organization.

Ang mga pinakamahahalagang lungsod ayon sa populasyon ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong at Inner Mongolia. Ang Beijing ang kasalukuyang kabisera ng bansa.

Ayon sa mga arkeologo, sa isang lugar malapit sa Peking, Tsina natagpuan ang Unang taong nakatindig o (Homo Erectus), ang isang uri na ayon sa teorya ng ebolusyon, ay pinanggalingan ng unang tao. Tinawag nila na Taong Peking ang mga labi ng Unang taong nakatindig na kanilang nakita doon.

Ang Tsina ay pinamumunuhan ng mga dinastiya bago dumating ang mga Europeong kanluranin, pagtatag ng Republika ng Tsina at ang pagsiklab nang Krusada para sa Kommunismo.

Noong kapanahunan ng Dinastiyang Qing (16-18 siglo) nagtatag ng pakikitungo sa mga may kapangyarihang Intsik ang mga Europeo.

Noong 1635, dumating ang mga Ingles sa Canton at noong 1698 naman dumating ang mga Pranses sa Canton. Marami pa ang dumating sa Canton: 1731 - mga Danes, 1732 - mga Swedes, 1753 - mga Ruso, 1784 mga Amerikano. Noong 1644, itinatag ang Dinastiyang Qing.

Noong 1840 hanggang 1842 nangyari ang digmaang Opyo o Unang Digmaang Opyo. Isinuko ng Tsina ang Hong Kong sa mga Inggles, nagbukas ng higit pang mga daungan, nagbayad ng indemnisasyon ng $ 121 M. 1850 na wasakin ni Hung Hsiu Chuan ang mga templo sa Kwansi. Dahil sa patuloy na pagiging di-epektibo ng Dinastiyang Qing, isang malawakang rebolusyon ang naganap sa Tsina mula 1850 hanggang 1864, sa pangunguna ni Hong Xiuquan. Itinatag niya ang Taiping Heavenly Kingdom (traditional Chinese: 太平天囯 (tandaan na ang 囯 ay ginagamit, kaysa 國 o 国); pinyin: Tàipíng Tiān Guó), pinangalang Heavenly Kingdom of Great Peace o Sumasalangit na Kaharian ng Dakilang Kapayapaan.

Noong 1860, binigay ang Silanganing Siberia at nagyo'y lungsod ng Vladivotok sa Rusya. Noong 19 Hulyo 1864 bumagsak ang Nanking, ang kabisera ng Taiping na itinatag ni Hung Hsiu Chuan. 1866 nang ipinanganak si Sun Yat Sen.

Sa simula ng ika-20 siglo, ang Rebelyong Boxer ay naging isang pangamba sa Hilagang Tsina. Si Reyna Dowager (Empress Dowager), na gustong maging sigurado na hindi mawawala ang kapangyarihan niya, ay nakipag-sundo sa mga Boxer nang sumugod sila sa Beijing. Nagsimula naging tanyag si Sun Yat Sen.

Nagkaroon ng isang rebolusyon, ang Rebolusyong Wuchang, na nagsimula noong 10 Oktubre 1911 sa Wuhan (武漢，武汉). Dito tuluyang bumagsak ang huling dinastiya sa Tsina, ang Dinastiyang Qing.

Ang pansamantalang pamahalaan ng Republika ng Tsina (中華民國，中华民国) ay binuo sa Nanjing noong 12 Marso 1912 kasama si Sun Yat Sen bilang unang pangulo, pero napilitan siya ibigay ang puwesto kay Yuan Shikai (袁世凱), na ang lider ng militar at Pinunong Minisro ng dating Qing. Ito ay kasama sa kasunduan upang ang huling emperador ay bumaba sa pwesto.

Ang kommunismo sa Tsina ay nagsimula pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nakuha ng partidong kommunismo ang Kalupaang Tsina noong 1 Oktubre 1949 pagkatapos ng Digamaang Sibil ng Tsina. Si Mao Zedong ang nag-proklama ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC) sa Tiananmen. Ang mga pinunong maka-republika ay tumakas sa Taywan at doon nila itinatag ang Republika ng Tsina.

Si Pangulong Jiang Zemin at si Premiero Zhu Rongji, mga dating mayor ng Shanghai ang namuno sa bagong-Tiananmen PRC noong 1990s. Sa samupung taon ng pamamahala ni Jiang Zemin's, ang ekonomiya ng PRC ay nakahila ng 150 milyon na mahihirap sa bingit ng kahirapan at nakasusta ng taunang katamtamang rate ng paglaki ng GDP na 11.2%. Opisyal na sumali ang bansa sa World Trade Organization noong 2001.

Ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Asya kasunod ng Rusya kasama na ang lawak ng tubig na sakop. Ang pag-aalinlangan sa laki ng Tsina ay dahil sa (a): pag-aangkin ng Tsina sa mga territoryo katulad ng sa Aksai Chin at sa Trans-Karakoram Tract (na ina-angkin din ng Indiya), at (b) kung paano kinakalkula ang laki ng Estados Unidos: ayon sa World Factbook, ang sukat ng Estados Unidos ay 9,826,630 km², habang ang bigay na sukat ng Encyclopedia Britannica ay 9,522,055 km². Ito rin ay dahil sa bagong sistema ng kompyutasyon ng Estados Unidos kung paano sinusukat ang kabuuang sakop ng kanilang lupain

Ang Tsina ay may hangganan sa mga bansang: Vietnam, Laos, Burma, India, Bhutan, Nepal, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Russia, Mongolia and North Korea. Ang hangganan ng Tsina sa Pakistan ay nasa probinsiyang Kashmir, na ina-angkin din ng India.

Ang territoryo ng Tsina ay may malawak na lupainng-scape (landscape). Sa silangan matatagpuan ang Dagat Dilaw at ang Dagat Silangang Tsina, maraming matataong lugar na matatagpuan sa , habang may mga damuhan sa Inner Mongolia. Ang Timog Tsina ay mabundok. Sa gitnang-silangan naman ng Tsina matatagpuan ang mga pangunahing ilog ng bansa, ang Ilog Dilaw at Ilog Yangtze (Chang Jiang) na malapit sa Beijing.

Ang pamahalaan ng Tsina ay tinuturing na komunismo at sosyalismo na tinuturing din , dahil sa mahigpit na mga batas at censorship, lalo na sa internet, balita, rali, kalayaang magka-anak, at kalayaan sa pananampalataya. Ngunit, mas maluwag na ang mga batas sa PRC kumpara noong dekada '70 pero ang sistema ng kalayaan sa isang republika ay mas higit pa sa kanilang sistema. Ang kasalukuyang pangulo ng bansa ay si Xi Jinping, habang ang Punong Ministro naman ay si Li Keqiang. Ang bansa ay pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina; sila din ang nagpapatupad ng Saligang Batas sa bansa.

Ang Republikang Bayan ng Tsina ay may kapangyarihang pampangasiwaan sa lahat ng dalawampu't dalawang mga lalawigan (省) at kinokonsidera ang Taiwan bilang ang kanyang ika-dalawampu't tatlong lalawigan. Maliban sa mga lalawigan, may limang mga nagsasariling mga rehiyon ng Tsina (自治区), na ang bawat isa ay may nakatalagang mga pangkat na minoridad; apat na bayan (直辖市); at dalawang Espesyal na rehiyong administratibo (特别行政区). ang dalawampu't dalawang lalawigan, limang mga nagsasariling mga rehiyon at apat na bayan ay maaaring sabihin bilang Punong Kapuluan ng Tsina, isang kataga na kadalasang hindi kasama ang Hong Kong At Macau. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng pagkakahating pampangasiwaan ng lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Republikang Bayan ng Tsina.

Bukod sa Taiwan, ilan sa mga teritoryong inaangkin ng Tsina ay ang kabuuan ng Silangan at Timog Dagat Tsina at ang mga kapuluan nito (Paracel at Spratlys sa Timog at Senkaku sa Silangan) at ang estado ng Arunachal Pradesh sa Republika ng India.

Ang Tsina ay may tatlong kasalukuyang diplomatikang ugnayan sa maraming mahinang bansa. Ang bansang Sweden ang unang kanluraning bansa na-nakipagugnayan sa bansa noong 9 Mayo 1950. Noong 1971, pinalitan ng Republikang Bayan ng Tsina ang Republika ng Tsina bilang kinatawan sa Nagkakaisang Bansa bilang isa sa limang permanenteng kasapi ng Tanggulang Konseho ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinapasaisip na ang Republikang Bayan ay isa sa mga pangunahing kasapi ng Nagkakaisang Bansa, kahit man hindi pa kontrolado ng PRC ang Tsina noong panahong iyon, at bagkus sila ang itinuring na lehitimong namamahala sa kabuuhan ng Tsina.

Mula ng itatag ang PRC noong 1949 hanggang sa mga huling buwan ng 1978, ang Republikang Bayan ng Tsina ay may ekonomiya na katulad ng Unyong Sobyet. Ang mga negosyong pribado at capitalismo ay pinigilan. Para umunlad at maging industrializado ang ekonomiya, sinimulan ni Mao Zedong ang Great Leap Forward na ngayon ay naging kilala sa bansa nila at sa mundo bilang isang malaking pagkakamali at isang makataong sakuna. Sa pagkamatay niya, si Deng Xiaoping at ang bagong Tsinong pinunoan (leadership) at pinatigil ang Rebolusyong Kultural at gawin na maging market-oriented ang ekonomiya sa pamumuno ng isang partido lamang. Ginawang pribado ang taniman upang dumami ang aanihin; maramihang maliliit na negosyo ay pinayagan dumami habang ang pamahalaan ay binawasan ang sapilitang presyohan; at nagtawag sila ng mga ibang bansa upang mag-invest. Ang pakikipag-kalakalan sa ibang bansa ay ang pokus upang maging pamamaraan sa paglago ng ekonomiya, kaya ginawa nila ang Special Economic Zones (SEZs) na matatagpuan sa Shenzhen (malapit sa Hong Kong) at sa iba pang lungsod. Ang mga negosyo na pag-aari ng pamahalaan ay binago sa pamamagitan ng pag-gamit ng pamamaraan ng mga kanluranin habang ang mga malapit na maluging negosyo ay pinasara na, kaya nagkaroon ng pagkawala ng trabaho.

Gumaganda ang ekonomiya ng PRC, at ang kanilang pamilihang pagtingi (retail market) ay may halagang RMB8921 bilyon (US$1302 bilyon)noong 2007 at lumalaki sa porsyentong 16.8% kada taon.

Noong Hulyo 2006, mayroon nang 1,313,973,713 katao sa PRC. Halos 20.8% (lalaki 145,461,833; babae 128,445,739) ay mga bata na ang edad ay 14 pababa , 71.4% (lalaki 482,439,115; babae 455,960,489) ay nasa edad 15 hanggang 64 taon, at 7.7% (lalaki 48,562,635; babae 53,103,902) ay ang edad ay mahigit pa sa 65 taong gulang. Ang porsiyento ng pagtaas ng populasyon noong 2006 ay 0.59%.

Mayroong 56 na mga pangkat-etniko sa PRC, na ang pinakamarami ay ang Tsinong Han, na bumubuo ng 91.9% ng populasyon. Ang ibang minoridad na pangkat-etniko ay binubo ng Zhuang (16 milyon), Manchu (10 milyon), Hui (9 milyon),  (8 milyon),  (7 milyon),  (7 milyon),  (5.75 milyon), Mongols (5 milyon), s (5 milyon),  (3 milyon), at Koreano (2 milyon).

Sa kasalukuyan, ang PRC ay may mga dosenang mga malalaking lungsod na may halos 1 milyon na residenteng matagal nang tumitira doon, yun ang Beijing, Hong Kong, at Shanghai.
Ang mga malalaking lungsod sa Tsina ay may mahalagang gampaning sa nasyunal at rehiyonal na pagkakakilanlan, kultura at ekonomiya.

Noong 11 Marso 2008, ipinahayag ng Republikang Bayan ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang isang-anak lamang para sa bawat mag-asawa sa loob ng isa pang dekada.  Dahil ito sa pagpakabalisa ng Komisyon ng Populasyong Pang-estado at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sapagkat ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan at sa ekonomiya ng bansa.

Ang 59% ng populasyon ng Tsina, o tinatayang nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay walang relihiyon. Subalit, ang mga ritwal at relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang kaugalian ng Confucianismo at Taoismo - ay may malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan. Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay sumusunod sa magkahalong paniniwala na kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na Tradisyunal na Paniniwala o bilang Iba.




#Article 160: Wikang Filipino (629 words)


Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto (sa katotohanan) na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure (sa prinsipyo) itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit. May mga lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog sa Davao at Cebu, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.

Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pampolitika na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.  Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng hulíng makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang barko patungong Europa.  

Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang ano mang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon ng 13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Púnong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.
Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa 

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog. Ngunit may pinagkaiba pa din ang Filipino sa Tagalog. Filipino ang kabuuang tawag sa wika ng Pilipinas.




#Article 161: Batanes (1585 words)


Ang lalawigan ng Batanes (Batánes) ay isang kapuluan at ang pinakahilagang lalawigan ng Pilipinas. Kabilang ito sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan. Sa laking 219.01  at kabuuang populasyon na 17,246 noong 2015, ito rin ang pinakamaliit na lalawigan pagdating sa kabuuang laki ng sakop at populasyon. Ang bayan ng Basco, matatagpuan sa isla ng Batan, ay ang kabisera nito.

Matatagpuan ang kapuluan sa layong 162 kilometro hilaga ng isla ng Luzon at halos 190 kilometro timog naman ng isla ng Taiwan. Napapagitnaan ito ng dalawang bambang na naghihiwalay sa kapuluan mula sa karatig nitong anyong-lupa, ang Bambang ng Bashi sa hilaga, at Bambang ng Balintang sa timog.

Galing sa salitang Ivatan na Batan ang Batanes. Ang salitang ito ay ang lokal na tawag ng mga Ivatan sa kanilang pangkat-etniko.

Ang mga tao rito ay mabait. Ang kultura ng mga taga-Batanes o mga Ivatan, ang tawag nila sa kanilang mga sarili, ay isa sa mga pinakamatanda sa buong Pilipinas. Sinasabing ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling sa timog Taiwan 3,500 taon na ang nakakaraan at ginawang tulay ang Batanes upang makarating na sa mga malalayong lugar tulad ng Indonesia at Micronesia. Ang kultura nila ay pareho rin sa kultura ng mga tribo sa Lan Yu (timog Taiwan), dahil sa ang kanilang wika, ang Yami, ay medyo hawig sa Ivatan. Isa pang tribo na ikinukumpara ang mga Ivatan ay sa mga isla ng Riyuku na matatagpuan sa timog Hapon. Sa pakikipagkapwa, talagang masaya sila kung may malalaman silang mga kababayan. Talagang mahal nila ang kanilang kapwa, tinatawag na pachilipulipus.

Ngayon, ang kanilang kultura ay may halong banyaga na dahil sa pag-kolonisa sa kanila ng mga Kastila, na naghatid ng malaking impluwensiya sa kanilang wika, relihiyon, at mga tradisyon. Nahaluan na rin ng modernong mga kostumbre ang mga Ivatan dahil sa impluwensiya ng Maynila (na may mga direct flight na patungo roon) at ng Amerika, sa kadahilanang maraming Ivatan na ang maaaring magtungo roon.

Ang kanilang wika, ang Ivatan, ay katangi-tangi rin dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas nito hindi katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas. May mga similaridad naman ang Ivatan sa ibang mga wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag. Ang Ivatan ay may malaking pagkakatulad sa isang wika sa timog Taiwan, ang Yami, na salita ng mga katutubong Lanyu roon. Sinasabi ng mga lingguwistiko na iisa ang pinanggalingan ng dalawang salita. Sinasabi rin daw na may ilang tribo pa sa timog Taiwan malapit sa lugar ng Banking na ginagamit ang Ivatan bilang wika.

Dahil sa binubuo ang Batanes ng maraming isla, hindi masyadong nagkakaintindihan ang mga tao roon. Sa mismong isla pa lang ng Batan, may dalawang diyalekto na ng Ivatan ang natagpuan, ang Ivasayen na ginagamit sa kapitolyo (Basco). Ang ikalawa ay ang Isamurungen, na ginagamit sa mga munisipalidad ng Mahatao, Ivana, Uyugan, at Sabtang. Hindi masyadong magkaiba ang dalawa ngunit ang nakikitang pagkakaiba nila ay may kinalaman sa pagbigkas. May isa pang diyalekto ang Ivatan, ang Itbayaten. Ito ay ginagamit sa isla ng Itbayat. Ang isang taga-Batan o Sabtang na makapunta sa Itbayat sa unang pagkakataon ay hindi kaagad makakaunawa ng diyalekto nila roon. Sinasabi nga na ibang lengguwahe na ang Itbayaten dahil hindi na halos maintindihan ang kanilang salita. Ang huling diyalekto ng Ivatan ay ang Ibatan, ang wika sa Babuyan Islands na parte na ng Cagayan. Mas magkatulad pa sila ng Itbayaten kaysa sa Ivasayen at Isamurungen.

Nahahati sa anim na bayan ang Batanes, lahat ay kinakatawan ng iisang distritong pangkongreso.

Ang Batanes ay grupo ng mga isla na tinatawag na Mga Isla ng Batanes(Batanes Islands) at ang mga ito ay nasa dulong hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang mga ito ay nasa pagitan ng Mga Isla ng Babuyan (nasasakop ng Probinsiya ng Cagayan) at Taiwan. Ang mga islang ito ay may kaunting naninirahan at madalas na daanan ng mga bagyo.

Ang tatlong malalaking isla ay ang Itbayat, Batan, at Sabtang. Ang nasa pinakadulong hilaga naman ay ang Isla ng Mavudis.

Halos kalahating bahagi ng Batanes ay burol at bundok. Ang Isla ng Batan, ay may kabuuang lawak na 35 km², ay halos bulubundukin ang hilaga at timog-silangang bahagi nito. Animo'y hugis palaggana ang gitna nito. Ang Isla ng Itbayat, na may kabuuang lawak na 95 km², ay padalisdis kadalasan pakanluran, dahil sa bulubundukin at maburol ang hilaga at  silangang baybayin nito. Ang Sabtang naman ay nasasakop ng bundok ang gitnang bahagi, ang islang ito ay may kabuuang lawak na 41 km², na siyang dahilan upang ang lupa ay dumalisdis palabas ng baybayin nito.

Ang mga isla ay napapalibutan ng malawak na katubigan ng Bashi Channel at Balintang Channel, kung saan ang Karagatang Pasipiko at Dagat Tsina ay nagtatagpo. Ang lugar ay syang pangunahing daanang pantubig ng  Pilipinas at Japan, Tsina, Hongkong at Taiwan. Mayaman ito sa yamag-dagat, kabilang na ang pinaka bihirang corals sa mundo.

Ang probinsiya ay maburol at mabundok, na may halos 1,631.50 ektarya o 7.10% na bahagi nito ay  taas-baba at 78.20% o 17,994.40 ektarya ay nahahati sa pataas-baba hanggang sa padalisdis, hanggang sa sobrang dalisdis. Apatnapu't dalawang bahagi (42%) o 9,734.40 ektarya ang padalisdis hanggang sa mabangin na lugar.

Dahil sa natatanging katangian ng lugar, maganda ang daloy ng tubig dito at halos di nagtatagal ang pagbaha. Ang pangunahing isla ng Batan ang may pinakamalaking bahagi ng patag at halos patag ang lupa, kasunod ang Itbayat at Sabtang. Ang Itbayat ay may padalisdis hanggang sa halos patag na lupa sa mala talampas ng paligid nito patuloy hanggang sa matataas na bangin na umaabot sa halos 20-70 metro ang taas sa ibabaw ng dagat, at halos walang dalampasigan. Ang Sabtang naman ay may maliit na patag na lupa na manaka-nakang nakapaligid sa baybayin nito, habang ang gitna naman ay halos nasasakop ng matarik na bundok at malalalim na lambak. Ang isla ng Batan at Sabtang ay may paputol putol na maiikling baybayin na may buhangin at mga batuhan.

Ang kalupaan ng probinsiya na kahangahanga at kaakit akit ang halos bawat sulok, ay may limitadong katangian sa pagpapalawak ng agrikultura para sa sadyang napakaiit na probinsiya.

Ang klima dito ay halos pareho ng sa Taiwan. Kadalasan ang lugar ay nakakaranas ng mababa sa normal na temperatura na 55 degri Fahrenheit (13 °C).

Ang probinsiya ay kadalasang winawalis ng malakas na hangin at ulan na syang nagbibigay ng maling paniniwalang ang Batanes ay palaging ginugupo ng mga bagyo.Kung bakit ang Batanes ay laging naiiugnay sa sama ng panahon, ito ay dahil sa ang kabisera nitong basco ay ang huling himpilan ng panahon sa hilaga. Ito rin ang lugar na pinagbabatayan ng lahat ng bagyo na pumapasok sa nasasakupan ng Pilipinas. Wala itong ipinahayag na tuyo at basang panahon. Umuulan dito ng halos pinakamababa ang walong araw hanggang sa pinakamataas na 21 araw sa loob ng isang buwan. Nakakaranas dito ng praktikal na apat na pahahon, ang pinakamainam ay ang tag araw (Abril-Hunyo) at taglamig (Disyembre-Pebrero), kung saan ang temperatura ay kadalasang bumababa sa  pitong digri Celsius.

Ang mainam na panahon ng pagpunta dito ay tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo. Ang Indian summer kadalasang nag uumpisa ng Setyembre. Minsan, ang panahon ay nag uumpisang maging maganda pinakamaaga na ang Pebrero hanggang sa pinakahuli ang Hulyo. Hanging galing hilaga o timog ang nagdadala ng malamig na hangin. Nagdadala rin ang mga ito ng sama ng panahon at namumuong mga ulap na nagiging dahilan ng pagkakansela ng pagdating o pag alis ng eroplano. Ang tag-lamig, ay ang malamig na panahon na nararanasan ng Ivatan kaya tinatawag nila itong tag-lamig (winter) ay nararanasan tuwing Disyembre hanggang Pebrero. Kung mag pupunta ng Batanes, lagi lang tandaan na sa mga islang ito ayvmadaling magbago ang panahon. Kung kaya't dapat maging handa sa anumang panahon ang mararanasan mo.

Ang Batanes ay 680 km ang layo sa Maynila at 280 sa bayan ng Aparri. Sa hilaga nito, naroon ang kanal ng Bashi, sa timog naman ay ang kanal ng Balintang. Sa kanluran ay ang Dagat Timog Tsina, at sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko. Binubuo ang lalawigan ng sampung isla. Ito ang Batan, Itbayat, Sabtang at Vuhos na pinakamalaki, ang iba pa ay Siayan, Mavudis, Misanga, Ditarem, Dinem at Dequey na walang nakatirang tao.

Ang flora at fauna sa Batanes ay talagang katangi-tangi at doon lang matatagpuan. Maraming species ng mga hayop at halaman ang doon lang matatagpuan. Pati ang mga tanawin doon ay kakaiba, tulad ng mga bundok at mga dalampasigan.

Mga bundok at dalampasigan:

Mga tradisyonal na bahay sa:

Mga arkitekturang may impluwensiyang Kastila:

Mga Ijangs (mga fortress o kuta sa mga bundok):

Mga tirahan ng mga sinaunang Ivatan:

Mga libingang pa-barko ang hitsura:

Mga puno:

Mga damo:

Mga hayop:

Halos 75% ng mga Ivatan ay magsasaka at mangingisda. Ang ibang bahagi naman ay nagtatrabaho sa pamahalaan at pribadong kompanya. Bawang at bakahan ang pangunahing pinagkakakitaan dito. Ang mga Ivatan ay nagtatanim din ng kamote baging, kamoteng kahoy, gabi, at ang biharang uri ng puting uvi. Ang tubo ay itinatanim upang makagawa ng palek, isang uri ng katutubong alak, at suka.

Sa kasalukuyan, ang mga isdang nahuhuli dito ay unti unting nababawasan dahil sa kakulangan ng tamang kaalaman. Kakaunti lang ang mga pwedeng pasukang trabaho dito. Kadalasan ang mga nakapag-aral ng ga Ivatan ay lumuluwas sa siyudad o nag pupunta sa labas ng bansa.

Ang wind diesel generating plant ay binuksan noong 2004.

Layo at masamang panahon ang syang humahadlang sa pag angat ng ekonomiya dito. Ang ibang pangngailangan gayam ng bigas, softdrinks, at gasolina ay kadalasang may dagdag na 75% hanggang 100% kumpara sa presyo nito sa Maynila.




#Article 162: True Audio (167 words)


True Audio o TTA ay isang libre at simpleng real-time lossless audio encoder/decoder, base sa adaptive prognostic filters na nagpakita ng halos parehas o mas higit na magandang resulta kumpara sa ibang modernong analog.

Ginagampanan ng TTA ang lossless na compression sa multichannel 8, 16 at 24 bit na data ng mga Wav audio file. Nangangahulugan ang pagiging lossless na walang nawawala na datos o kalidad sa pag-compress - kapag di compressed, magiging kahintulad sa orihinal ang datos. Depende ang mga ratio ng compression ng TTA sa uri ng file na musika na pinapaliit, ngunit sa pangkalahatan nasa pagitan 30% - 70% ang laki ng compression sa orihinal. Sinusuporta ng TTA format ang parehong ID3v1 at ID3v2 na mga information tag.

Gamit ang True Audio codec, maaaring makapag-store ng 20 audio CD mula sa iyong koleksiyon ng musika sa isang DVD-R para mapakinggang muli nang nandoon pa rin ang lahat ng impormasyon patungkol sa kanta sa popular na ID3 na tag.

Ang proyektong TTA ay nagbibigay ng:




#Article 163: Vevey (124 words)


Vevey, isang maliit na lungsod sa Switserland, sa kanton ng Vaud, sa hilagang pampang ng Lawa ng Genève, ’di malayo sa Lausanne.

May populasyon itong 15 473 (2002).

Nandito sa lungsod ang pandaigdigang punong-tanggapan (pero ’di ang fiscal HQ ng higanteng kompanyang Nestlé, itinatag dito noong 1867. Inoorganisa rin ng lungsod apat hanggang limang beses bawat dantaon ang sikat na Fête des Vignerons (Winegrowers’ Festival sa Inggles) para ipagdiwang ang kasaysayan at kulturang binikultor nito. Isang malaking stadium na nakakaupo ng 16 000 manonood ang ipinapatayo sa Grande Place, ang palengke ng Vevey at ang pangalawang pinakamalaking palengke sa Ewropa, sunod ng sa Lisboa, Portugal. Nagsimula ang mga festival noong dantaon 18 at ipinagdiwang ang limang pinakahuli noong 1889, 1905, 1927, 1955, at 1999.




#Article 164: Bekennende Kirche (147 words)


Ang Bekennende Kirche (Confessing Church sa Inggles) ay isang kilusang resistance ng mga Kristyano sa Alemanyang Nazi. Noong 1933 sapiliting ipinag-isa ng Gleichschaltung ang mga simbahang Protestante sa Simbahang Protestante ng Reich at ipinagsuporta ng ideolohiyang Nazi. Napilitang magkita nang patago ang oposisyon. Noong 1934, nireafirma ng isang grupo ng mga pastor at konggregasyon sa Deklarasyon ng Barmen ang fokus ng simbahan kay Kristo at ang kanilang oposisyon sa ideolohiyang Nazi.

Marami sa mga pinuno ng Bekennende Kirche, tulad nina Martin Niemöller at Dietrich Bonhoeffer, ang ipinadala sa concentration camps, at namatay doon ang ilan. Dahil dito, naiwanang walang pamumuno ang mga Kristyano na hindi sumasang-ayon sa Nazis, at napilitan ang mga ito na magsamba nang tulad noong mga unang panahon ng Imperyong Romano—nang patago. Nakibahagi ang Bekennende Kirche sa iba’t ibang anyo ng resistance, dakila na rito ang pagtatago ng mga Hudiyo mula sa rehimenng Nazi.




#Article 165: Estados Unidos (1647 words)


Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (EUA) ( o USA) na may limampung (50) estado at isang distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na Amerikano ang mga mamamayan nito.

Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehong sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.

Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Kasunduan sa Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.

Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan-kongresyonal.

Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos, kasama ang mga katutubong taga-Alaska, ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya, simula noong 12,000 hanggang 40,000 nakaraang taon. Ilan, tulad ng bago-Columbyanong kulturang Misisipyo, ay bumuo ng nangungunang agrikultura, magarbong arkitektura, at mga hanay-estadong lipunan. Pagkatapos magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika, madaming milyon na katutubong Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.

Noong 1492, ang taga-Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus, sa ilalim ng isang kontrata ng koronang Espanyol, ay nakarating sa ilan-ilang pulong Caribbean, unang nakagawa ng pakikipag-ugnay sa mga katutubo. Noong 2 Abril 1513, ang kongkistadoreng Espanyol na si Juan Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang La Florida—ang unang naulat na pagdating ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos. Ang mga paninirahang Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo'y timog-kanlurang Estados Unidos na naghikayat sa libu-libo patungong Mehiko. Ang mga mangangalakal na mabalahibong Pranses ay nagtatag ng mga tigilan ng New France sa paligid ng Great Lakes; kinalaunan, inangkin ng Pransiya ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika; patimog hanggang sa Golpo ng Mehiko. Ang unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonyang Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang Pilgrimong Kolonyang  Plymouth noong 1620. Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat; noong 1634, ang New England ay tinirhan na ng 10,000 Puritan. Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano, mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya. Simula 1614, ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson, kasama ang New Amsterdam sa pulo ng Manhattan.

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest) sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa, ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.

Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig. Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos:

Ang mga wika na may pinakamataas na bilang ng nagsasalita sa Estados Unidos:

Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado. Sa pangkalahatan, ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani-kanilang mga pamahalaang estado. Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon; mga regulasyong may kinalaman sa pag-aari, industrya, negosyo, at kagamitang pampubliko; ang kodigong kriminal ng estado; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado. Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksiyon ng Kongreso ng Estados Unidos, at may limitadong alituntuning lokal.

Ang saligang batas ng iba't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal, kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno. Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo, mga bangko, kagamitang pampubliko at mga kawang-gawang institusyon, ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal. Sa mga nakalipas na taon, umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay-bagay gaya ng kalusugan, edukasyon, kapakanan, transportasyon, pabahay, at pagsulong urban.

Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal: ang ehekutibo (pinamumunuan ng Pangulo), ang lehislatura (ang Kongreso), at ang hudikatura (pinamumunuan ng Korte Suprema). Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College, na nahihirang sa botong popular sa limampung estado. Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado. Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino. Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan. May iba't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.

Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang-estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika, ang mga Republikano (Republicans) at ang mga Demokrata (Democrats). Mayroong ding ibang maliliit na partido; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta. Sa kabuuan, nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba't ibang usapin. Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito. Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos, mailalarawan ang Partido Republikano bilang center-right at ang Partido Demokrata naman ay center-left. Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal, at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang, ngunit sa sistema ng politika ng bansa, nananaig ang mga hakot partido sa mga koalisyon. Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido, pati na rin sa plataporma ng oposisyon.

Ang Estados Unidos ay isang unyong pederal na may limampung estado. Ang orihinal na labintaltong estado ay ang unang labintatlong kolonya na nag-aklas mula sa pamumuno ng mga Ingles. Noong unang bahagi ng kasaysayan ng bansa, tatlong bagong mga estado ang binuo mula sa mga teritoryo galing na sa umiiral na mga estado: ang Kentucky mula sa Virginia; Tennessee mula sa North Carolina; at Maine mula sa Massachusetts. Karamihan sa ibang mga estado ay nanggaling sa mga teritoryong nakuha mula sa mga digmaan o sa mga nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos. Taliwas dito ang nangyari sa Vermont, Texas at Hawaii: ang bawat isang ito ay dating malalayang republika bago sumali sa unyon. Noong Digmaang Sibil ng Amerika humiwalay ang Kanlurang Virginia sa Virginia. Ang pinakabagong estado-ang Hawaii- a natamasa ang pagiging isang ganap na estado noong Agosoto 21, 1959.

Bumuo ang labintatlong kolonya, sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos, ng kani-kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon. Sa mga sumunod na taon, dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran, sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa, at sa paghahati ng ilang estado, nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu. Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo, kabilang ang mga kondado o county, mga lungsod at mga pamayanan o township.

May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo, distrito at pag-aari, nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa, ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Portoriko, Samoa Amerikana, Guam, Kapuluang Hilagang Mariyana, at Kapuluang Birhen ng Amerika. Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kuba mula 1898.

Walang pag-aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.

Ang paghaharing militar, ekonomiko, at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas (o foreign policy) nito, bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.

Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism, imperyalismo at paghahalo ng mga ito, sa buong kasaysayan ng bansa.

Nagresulta ang malakas na impluwensiya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito, at pagpuri naman at paghanga para sa ilan. Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos The Great Satan (Ang Dakilang Satanas).




#Article 166: Katolisismo (1162 words)


Ang salitang Katolisismo o Katolisidad ay may dalawang eklestiyastikal na kahulugan ayon sa talatinigang Webster , una ay ang buong Ortodoks ng Kristiyanong Simbahan o ang pagsunod dito, at pangalawa, ang mga doktrina na paniniwalaan ng Simbahang Romano Katoliko o ang pagsunod dito.

Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyegong καθολικός -ή -όν (katholikos), nangangahulugan ng pangkalahatan o unibersal. Sa Griyego, ang salita para sa simbahan ay gumagamit ng pambabaeng porma ng pang-uri ἡ Καθολικὴ Ἐκκλησία.

Ang sulat para sa mga Kristiyano noong 107 AD, ng isang obispo ng Antioch na si San Ignacio ay ang pinakamaagang paggamit ng salitang Simbahang Katolika (Smyrnaeans, 8). Sa paggamit ng nasabing salita, itinakda ni San Ignacio ang kabuluhan nito sa unibersal na aspeto. Gayumpaman, hindi kasama sa nasabing kabuluhan ang mga erehe tulad ng mga hindi nagsisipaniwala na sa Banal na Pakikinabang ay naroon ang laman ng Tagapagligtas na si Hesukristo, na syang nagpakasakit para sa kasalanan ng mga tao, sya rin na binuhay na magmuli ng kaniyang Ama (Smyrnaeans, 7). Tinawag niya ang mga nasabing tao bilang mababangis na hayup sa wangis ng tao na hindi dapat tanggapin ni kilalanin (o pakisalamuhaan) (Smyrnaeans, 4).

Samantalang, may mayroong mas direktang paggamit ng salitang Simbahang Katolika, na naghihiwalay sa Simbahan ito sa iba pang mga ereheng simbahan. Ito ay ang paggamit ni San Cirilo ng Herusalem (315-386 siglo). Sa Araling Katekismo, XVIII, 26 (Ingles:Catechetical Lectures, XVIII, 26), ibinilin ni San Cirilo na kung paroroon ka sa mga siyudad, huwag mong basta hahanapin o ipagtatanong ang Tahanan ng Panginoon, (pagkat ang ibang sekta ng mga di karapat dapat (o kagalang kagalang) ay sumusubok ding tawagin ang kanilang kural bilang tahanan ng Panginoon), bagkus ay inyong hanapin ang Simbahang Katolika, pagkat ang hindi nakasanayang pangalang ito, ang tunay na Banal na Simbahan, ang ina nating lahat, ang esposo ng ating Panginoong Hesukristo; ang nagiisang bugtong na Anak ng Diyos.

Ang salitang Katoliko ay ginagamit noon pa bilang pantukoy sa tunay at nag-iisang orihinal na Simbahan na itinatag ni Kristo at ng kaniyang mga Apostol. Ito rin ay napapaloob sa ibat ibang kredo (ng ibat ibang pakahulugan sa paniniwala). Ilan sa mga ito ay ang Sumasampalataya Ako (Ingles: Apostles' Creed) at Nicene Creed. Maging ang ibang denominasyon ng Kristiyanismo ay naniniwala na sila ang katoliko. Nahahati sila sa dalawang grupo:

Ang mga Kristiyano mula sa ibat-ibang denominasyon, kabilang na ang karamihan sa mga protestante ay nananalig sa Isang Banal na Katoliko at Apostolikong Simbahan. Para sa mga protestante, ang karamihan sa kanila ay naniniwala na ang kanilang pananalig ay ang may pinakaisa sa lahat ng simbahang nasa ilalim ng pamumuno ng Panginoon at ng iisang Tagapagligtas, imbes na sa pinag-isang institusyonal na simbahan. Sa kanilang gamit ng salitang katoliko, ginagamit nila ang maliit na titik k (katoliko, hindi Katoliko). Ang Kredong Apostoles (Apostles Creed) ay may linyang Sumasampalataya ako sa ... banal na simbahang katolika ... (na may pagkakataon na ginagamitan ng malaking titik). Ginagamit ito sa mga pagsamba ng ibang mga protestante, ngunit hindi ng mga Alemang Luterano. Ang Kredong Niceno (Nicene Creed) naman ay kagaya rin ng Kredong Apostoles (Apostles Creed) na nagtataglay ng mga katagang isang banal na katoliko at apostolikong Simbahan

Ang Simbahang Katolika ay orihinal na nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong patriarka. Ito ay ang patriarka ng Roma, Alexandria at ng Antiquia. Nang kalaunan ay naidagdag ang patriarka ng Constantinople at ng Jerusalem. Ang obispo ng Roma ang siyang pinakakilala noong mga panahong iyon. May kakataon na ang pagtatalo sa doktrina at pamamalakad ay isinasangguni sa Roma. Noong mailipat ang kabisera sa Constantinople, napadalas ang panghahamon (batikos at kwestiyon) sa mga impluwensiya ng Roma. Bagamat, inaangkin ng Roma ang natatanging kapangyarihan at pagiging angkan ni San Pedro at San Pablo, na pinaniniwalaan ng lahat ng patriarka bilang isang martir at nailibing sa Roma, ang Constantinople naman ang siyang residensiya ng Emperador, at ang simbahan naman ng Antioch at ng Alexandria ay matanda pa sa Roma. Itinuturing din na unang namahala o tatag ng Sede si San Pedro sa Antioch bago ito pumaroon sa Roma.

Noong taong 431, ang Konseho ng Efeso ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal, ay siyang nagbigay pansin sa Nestorianismo. Ang Nestorianismo ay isang ereheng paniniwala ng paghihiwalay ng katauhan at kabanalan ni Jesus. Ito rin ang paniniwalang nagsasabing ang Birheng Maria ay nagluwal lamang, hindi sa Diyos, kundi sa katauhan (o katawang tao) lamang ni Hesukristo. Tahasang itinakwil ng Konsehong ito ang paniniwalang ito, at kinatigan nila ang paniniwalang si Birheng Maria ay Theotokos, o Ina ng Diyos. Isa ito sa pinakamalaking kaguluhan sa kasaysayan ng Simbahan. Yaong mga hindi tumanggap ng desisyon ng Konseho ng Efeso ay karamihang Persa (Persian) at nagsipagtatag o kinakatawan ng mga Simbahang Assyrian ng Silangan at ng mga kaugnay na simbahan.

Isa pa pangyayari ang lumikha ng alingusngos sa Simbahang Katolika. Ito ay ang matapos na ilabas ng Konseho ng Kalsedonya ang pananaw nila sa Eutychian Monophysitism. Ayon sa doktrinang ito, nakikiisa ang kabanalan sa katauhan ni Kristo. Dagdag pa ng konseho na ang iisang personang ito ay may dalawang kalikasan walang pagkakalito, walang pagbabago, walang paghahati at walang paghihiwalay o hindi dapat ipagkalito, hindi maipagbabago, hindi mahahati at hindi mapaghihiwalay, at kukng magkagayon ay parehong buong Diyos at buong tao. Ang mga simbahang Alexandrino ay hindi sumang-ayon dito. Ang mga ito ay ang mga Sinaunang Simbahang Oriental o ang Kumunyong Ortodoxong Oriental.

Nagsanga naman noong ikalabing daang taon (siglo 11) ng isa pang usapin ang Simbahang Katolika. Laman ng pangyayaring ito ang mga pagtatalo sa doktrina, di pagkakasundo sa pamamahala ng simbahan, ang ebolusyon ng paghihiwalay ng mga rito at mga kasanayan o tradisyon. Noong 1054 rin ay naganap ang isa pang paghahati ng Simbahan. Ang paghahati sa pagitan ng Silangan at ng Kanluran. Kabilang sa silangang grupo ay ang Grecia, Rusya, lupaing Eslabiko (Slavic lands), Anatolia at mga Simbahan ng Sirya, Ehipto. Sila ang mga simbahang tumanggap sa Konseho ng Kalsedonya. Samantala ang Inglatera, Pransiya, Banal na Emperyo ng Roma,Escandinabya at ang kalakhang Kanlurang Europa ang sya namang nasa kanlurang grupo. Ang pagkakawatak watak nito ay tinawag na Malaking Hidwaan Great Schism.

Ang pinahuling pagkakahati ay naganap noong ika labing anim na daang taon (siglo 16), noong panahon ng Repormasyon. Ang mga kanluraning simbahan ay tahakang nagtakwil sa mga turo ng Simbahang Romano Katolika at napangalanang Protestante

Gayumpaman, ang ilang sa mga protestanteng ito, ay nanalig pa rin na sila ang tunay, buo at kumpletong Katoliko. Ang ilan sa kanila ay naniniwala na sila ay BAHAGI ng Simbahang Katolika, samantalang ang iba ay naniniwala na sila LAMANG ang Simbahang Katolika.

Ang Simbahang Katoliko, ay hindi isang abstract at invisible entity, bagkus ay isang nakikita at konkretong bahagi ng sanka-Kristiyanuhan; kadalasang tinatawag ding Simbahang Romano Katoliko.

Para sa mas detalyadong artikulo tungkol sa seksiyon na ito, tignan ang Sakramento ng mga Katoliko.

Ang katolisismo ay isang relihiyon at pinag-aaralan sa konteksto kabilang sa teholohiya at pilosopiya

Pinanatili ang Ingles na titulo, pagkat walang katiyakan kung ito man ay naisalin sa Tagalog o Filipino.




#Article 167: Wikang Kastila sa Pilipinas (1011 words)


Ang Wikang Kastila ay ang opisyal na wika ng Pilipinas noong simula ng pamumuno ng mga Kastila noong mga huling bahagi ng ika-16 na siglo, hanggang sa pagtatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898. Nanatili ito, kasama ng Ingles, bilang de facto at opisyal na wika hanggang sa inalis ito noong 1973 sa pamamagitan ng pagbabago sa saligang-batas. Matapos ang ilang buwan, muli itong itinalaga bilang opisyal na wika sa pamamagitan ng isang atas ng pangulo at nanatiling opisyal hanggang 1987, nang inalis ng kasalukuyang saligang-batas ang opisyal nitong katayuan, at itinalaga na lamang ito bilang isang opsiyonal o hindi sapilitang wika.

Ang wikang Kastila ay naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, at nagsilbi pa bilang lingua franca hanggang sa unang gitnang bahagi ng ika-20 siglo. Ang wikang Kastila ang opisyal na wika ng Republikang Malolos, sa ngayon, ayon sa Saligang Batas ng Malolos ng 1899. Sa isang literal na salin sa Ingles (orihinal na inilimbag bilang eksibit IV, tomo I, Ulat ng Komisyong Pilipino sa Pangulo, 31 Enero 1900, Kasulatang Senado blg. 188. Ika-56 na Kongreso unang sesyon.) mababasa ang ganito: ART.93 
Noong 1972, naglathala ang Pamahalaan ng Pilipinas (s/p Pambansang Suriang Pangkasaysayan o National Historical Institute [NHI]) ng , na naglaman ng hindi gaanong katulad na salin sa Ingles ng Artikulo 93:Article 93. ;
May mga umiiral ding ibang salin (hal.);
Hanggang noong 2008, tila higit na nananaig ang salin ng NHI sa mga lathalain, na inilalarawan ng ilang mga batis bilang opisyal o pinagtibay:; ; ; ; (others). Ang wikang Kastila rin ang opisyal na wika ng Republikang Kantonal ng Negros ng 1898 at ng Republika ng Zamboanga ng 1899.

Noong unang bahagi ng pangangasiwa ng Estados Unidos sa mga Kapuluan ng Pilipinas, ang wikang Kastila ay malawak na sinasalita at matamáng napanatili sa buong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Gayunpaman, ang wikang Kastila ang ginamit ng mga kilalang tao sa Pilipinas mula kina Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera y Gorricho hanggang sa Pangulo na si Sergio Osmeña at ang kanyang kahalili na si Pangulong Manuel Roxas. Bilang senador, si Manuel L. Quezon (kinalauna'y naging pangulo) ay nagbigay ng kanyang talumpati noong dekada ng 1920 na pinamagatang Mensahe sa Aking mga Mamamayan (Message to My People) sa wikang Ingles at Kastila.

Nanatiling opisyal na wika ang Kastila hanggang sa ipinatupad ang isang bagong saligang-batas noong 17 Enero 1973, na nagtatakda sa Ingles at Pilipino, na binaybay sa kopya ng konstitusyon sa letrang P sa halip na ang mas modernong F, bilang mga opisyal na wika. Hindi nagtagal makalipas noon, sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Bilang 155 na may petsang 15 Marso 1973, iniutos na ipagpatuloy na kilalanin ang wikang Kastila bilang opisyal na wika, hangga't ang mga kasulatan ng pamahalaan sa wikang iyon ay nananatiling hindi naisasalin. Isang bagong saligang-batas na pinagtibay noong 1987 ang nagtakda sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika. Bukod pa rito, sa ilalim ng Saligang-Batas na ito, itinatalaga ang wikang Kastila, kasama ang wikang Arabe, bilang kusa at opsiyonal na wika.

May ilang libong mga hiram na salita mula sa Kastila ang nasa 170 mga katutubong wika sa Pilipinas, at naimpluwensiyahan ng alpabetong Kastila ang paraan ng pagbaybay na ginagamit sa pagsusulat ng karamihan sa mga wikang ito. Ayon sa senso ng Pilipinas noong 1990, may 2,660 mga katutubong mananalita ng wikang Kastila sa Pilipinas. Noong 2013, mayroon ding 3,325 mga naninirahang Kastila. Gayunpaman, may 439,000 mananalita ng wikang Kastila na may katutubong kaalaman, na 0.5% lamang ng kabuuang populasyon (92,337,852 noong senso ng 2010). Noong 1998, may 1.8 milyong nagsasalita ng wikang Kastila kasama ang mga nagsasalita nito bilang kanilang pangalawang wika.

Dagdag dito, tinatayang nasa 1,200,000 tao ang nagsasalita ng Chavacano, isang creole na batay sa wikang Kastila. Noong 2010, tinaya ng Instituto Cervantes de Manila na ang bilang mga nagsasalita ng wikang Kastila sa Pilipinas ay nasa tatlong milyon, na sumasakop maging sa mga katutubo at di-katutubong nagsasalita ng Chavacano at Kastila, dahil may mga Pilipinong nakapagsasalita ng wikang Kastila at Chavacano bilang kanilang pangalawa, pangatlo, o pang-apat na wika.

Nagsimulang maging isa sa mga wika ng kapuluan ang Kastila noong 1565, nang itatag ng manlalakbay na si Miguel López de Legazpi ang unang paninirahan sa Cebú.

Noong una, opsiyonal at hindi sapilitan ang pagtuturo ng wikang Kastila. Tulad sa kontinente ng Amerikas, nagsermon ang mga pari sa mga katutubo sa mga wikang lokal.

Noong 1593, itinatag sa kapuluan ang kauna-unahang palimbagan. Malaking bahagi ng kasaysayang kolonyal ng kapuluan ay nakasulat sa wikang Kastila. Marami pa ring mga titulo ng lupa, kontrata, diyaryo, at panitikan ang nakasulat sa wikang Kastila.

Binuksan noon 1611 ang Universidad de Santo Tomás, ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon. Noong 1863, ipinagutos ni Reyna Isabel II ng Espanya ang pagtatag ng isang sistemang paaralang pampubliko sa kapuluan.

May higit-kumulang na 4000 salitang Kastila sa Tagalog, at mga 6000 sa Bisaya at iba pang mga wika. Marami pa rin ang gumagamit hanggang sa ngayon ng sistemang bilangan, kalendaryo, oras, atbp. ng Kastila. Nakapreserba sa Tagalog at iba pang mga lokal na wika ang maraming makalumang salita o anyo ng mga salitang Kastila tulad ng sabon (jabón, kung saan binibigkas ang j nang parang /sh/, tulad ng sa medyebal na Espanya), relos (reloj, ganon ulit, gamit ang medyebal na Kastila na j), kwarta (cuarta), atbp. Kadalasan ang talasalitaan ay nasa pangmaramihan na bilang (plural form), tulad ng butones (boton), sibuyas (cebolla), uhales (ojal), manggas (manga) atbp.

Sa Cavite, at lalo na sa Zamboanga, sinasalita ang Chavacano, isang creole ng Kastila.




#Article 168: Tropiko (219 words)


Ang tropiko o mga bansa na tropiko ay ang heograpikong rehiyon sa Lupa o earth na naka-sentro sa ekwador o equator. Nililimitahan ito sa latitud ng dalawang tropiko: ang Tropiko ng Cancer sa hilaga at ang Tropiko ng Capricorn sa timog na hemisperyo. Ito ay nagmula sa salitang griyego na tropos, na ang ibig sabihin ay bwelta o pag-ikot.

Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at 23.5° T latitud, at kasama dito ang lahat ng parte ng Lupa na direktang tinatamaan ng araw(o kung saan naka-anggulong 90° altitud ang araw mula sa lupa) nang maski isang beses lang sa isang taong solar (hindi nagagawa ito ng araw lampas hilaga ng Tropiko ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn). Sa panukalang klasipikasyon ng klima ni Köppen, ang klimang tropikal ay nilalarawan bilang isang klimang hindi-arid, na ang lahat sa labindalawang buwan ng taon ay may promedyong temperaturang hindi bababa sa 18 °C.

Ang mga tropikal na halaman at hayop ay yung mga katutubong espesye (species) sa rehiyon. Ang salitang ito ay ginagamit din bilang pagtukoy sa isang lugar na mainit at mahalumigmig buong taon, na may saganang kahalamanan. Subalit may mga ilang lugar sa tropiko na hindi talaga tropikal at mga alpine tundra at niyebeng tuktok, tulad ng sa bundok ng Mauna Kea.




#Article 169: Watawat ng Pilipinas (1572 words)


Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga  lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay.  Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.

Ang haba ng watawat ay palaging katumbas ng dobleng lapad nito, na nagbibigay ng proporsyon nitong 1:2. Ang haba naman ng mga giliran ng puting tatsulok ay katumbas ng lapad ng watawat. Ang bawat tala ay nakaikwas sa paraang ang bawat dulo nito ay nakatapat sa taluktok kung saan ito matatagpuan. Ang araw naman, na hindi eksaktong nasa gitna kundi nakagilid pakanan ng kaunti, ay mayroong walong bigkis ng mga sinag na mayroong sinag-mayor na doble ng kapal ng sinag-menor. Ang mga pagitan ng walong sinag ay kasinlaki ng isang bigkis ng mga sinag,

Ang pagkakabughaw sa watawat ay nagkaiba na sa paglipas ng panahon. Lazuli Rosco ang sinasabing orihinal na kulay ng bughaw sa watawat, ngunit ang pinagmulan ng mismong kulay na ito ay hindi natitiyak, ngunit maaaring nagmula daw ito sa pagkakabughaw ng watawat ng Kuba, na sinasabing naging batayan ng dibuho ng watawat. 

Samantalang 1955 naman nang italaga ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (National Historical Institute) na kaparis ng mga kulay ng watawat ng Estados Unidos ang mga kulay sa watawat ng Pilipinas. 

Taong 1985 nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na ibalik sa orihinal na kulay bughaw na mapusyaw at pula gaya ng sa nabanggit na watawat ng Kuba ang watawat ng Pilipinas, na binawi nang mapatalsik si Marcos ng 1986 Himagsikang Lakas-Sambayanan.

Kaalinsabay ng sentenaryo ng pagkakatatag ng Republika noong 1998, ipinagtibay ng Kodang Pangwatawat at Heraldiko ng Pilipinas (o BA 8491) na nagtakda sa maharlikang bughaw (o royal blue) bilang opisyal na kulay ng bughaw.

Ang mga kulay ng watawat na tiniyak sa Batas Republika Blg. 8491 ay nakatala sa talahanayan sa ibaba, gamit ang mga cable number sa sistemang nilikha ng Color Association of the United States.

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay mayroong parihabang disenyo na binubuo ng isang puting pantay na tatsulok, na kumakatawan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakatipan; ang pahalang na estripang bughaw ay para sa kapayapaan, katotohanan at katarungan at ang pulang katumbas nito ay para namaan sa pagkamakabayan at kagitingan. Sa gitna ng puting tatsulok ay mayroong gintong araw na kumakatawan naman sa pagkakaisa, kalayaan, demokrasyang panlahat at sa soberanya ng bansa. Napalilibutan ito ng walong sinag, na kung saan ang bawat isa ay kumakatawan sa mga lalawigang may mahalagang pagkakalahok sa 1896 Himagsikang Pilipino laban sa España; ang mga lalawigang ito ay ang Maynila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Bataan, Laguna, Batangas at Nueva Ecija (bagamat mayroong ibang mga sors na nagsasabing mayroon pang naiiba). Gayunpaman, ayon sa Pagpapahayag ng Pagsasarili (1898) at sa pag-aaral ng propesor ng UP na si Ambeth Ocampo, ang mga sinag ng araw ay kumakatawan 'di umano sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na pinasailaliman ng Batas Militar noon sa nabanggit ng himagsikan. Tatlong talang may limang sulok naman ang matatagpuan sa bawat isang dulo ng tatsulok, na kumakatawan sa tatlong kapuluan kung saan nagsimula ang himagsikan: sa Kalusunan, Kabisayaan, at Kamindanawan.

Ang orihinal na simbolismo ng watawat ay nakatala sa teksto ng pahayag ng pagsasarili, na tumutukoy sa isang nakalakip na guhit, ngunit walang tala ng nasabing guhit ang nakita. Ipinaliliwanag sa nasabing proklamasyon na: Sa wakas ay napagpasyahan nang walang pagtutol na ang bansang ito, ngayong malaya na magmula ngayon ay gagamitin ang parehong watawat na ginamit nito, kung saan ang mga hugis at kulay nito ay inilalarawan sa kalakip na guhit na makatotohanang nagpapakita ng tatlong nabanggit na lakas na kumakatawan sa puting tatsulok bilang kakila-kilalang simbolo ng pamosong Samahan ng Katipunan, na sa pamamagitan ng pagsasanduguan ay nag-udyok sa sambayanan na bumangon at mag-alsa; ang tatlong bituin na kumakatawan sa tatlong punong pulo ng kapuluan - ang Luzon, Mindanao at Panay (Visayas) kung saan nagmula ang paghihimagsik; ang araw ay kumakatawan sa malalaking hakbang na isinagawa ng mga anak ng bansang ito sa pagtahak nito sa kaunlaran at kabihasnan; ang walong sinag nito ay kumakatawan sa walong lalawigan ng Pilpinas, at ang mga kulay na bughaw, pula at puti ay umaalala sa watawat ng Estados Unidos ng (Hilagang) Amerika bilang pagpapakita ng lubos napsasalamat sa dakilang bansang ito sa kanyang walang pag-iimbot na pagtatanggol na ipinagkaloob nito, at patuloy na ipinagkakaloob nito sa atin. At, tangan ang watawat na ito, iwinawagayway ito sa harap ng mga ginoong nagkatipon dito —[talaan ng mga pangalan ng delegado]— at buong katapatang nanunumpa na kikilalanin at ipagtatanggol ito magpasahanggang huling patak ng aming mga dugo. Ang simbolismong ibinigay sa 1898 Proklamasyon ng Pagsasarili ng Pilipinas ay naiiba sa kasalukuya't kinikilalang paliwanag. Sabi sa dokumento, ang puting tatsulok ay sumisimbolo sa sagisag ng Katipunan, ang lihim na samahang lumaban sa pamumuno ng España. Nasabi rin na ang mga kulay sa watawat ay kumakatawan sa mga kulay ng watawat ng Estados Unidos bilang pagpapakita ng pasasalamat sa pagtulong nila sa mga naghihimagsik na Pilipino laban sa España. Sinasabi rin na ang isa sa mga bituin ay kumakatawan sa pulo ng Panay, sa halip na sa buong Kabisayaan.. Ang Panay daw ay, ayon sa mga pagkakaunawa, ay kumakatawan sa buong rehiyon ng Kabisayaan. Ang araw naman ay kumakatawan sa malalaking hakbang na isinagawa ng mga anak ng bayan tungo sa kaunlaran at sibilisasyon, at sa halip na Tarlac, Bataan ang inilista bilang isa sa walong lalawigang kinakatawan ng mga sinag sa nasabing watawat.

Ang watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang watawat sa Hong Kong.

Ayon sa Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ng 12 Hunyo 1898, ang puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao, bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay, imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsiyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.

Bagaman tinuturing na isang lungsod ang Maynila, ang pagkakadagdag nito sa lupon ay wasto sapagka't noong 1898, ang Maynila at ang kanyang mga suburbyo ay pinangasiwaan bilang isang hiwalay at nagsasariling probinsiya. Ang lalawigang ito ay kilala ngayon bilang Pambansang Kabiserang Rehiyon.

Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod:
Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan. Sinasabing hinalintulad ang watawat sa watawat ng Cuba na, tulad ng Pilipinas, ay nakikibaka para sa kalayaan mula sa Espanya noong panahong din yon.

Ang lilim na bughaw na ginamit sa  Pambansang watawat ay naging paksa ng kontrobersiya ng halos siyamnapung taon na ang tagal. Mula 1920 hanggang 1985, ang lilim ay navy blue hanggang sa inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na baguhin ito sa lilim na sky blue, mula sa abiso ng mga sirkulong kasaysayan, sa mismong lilim na ginamit sa watawat ng Cuba, na ka-alyado ng bansa noon laban sa Espanya. Dahil sa kakulangan sa materyal at istandardisasyon noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang mga taga-suporta ng lilim navy blue at sky blue ay nagpasa ng kanikanilang katibayan na kapwang sumasalungat sa bawat argumento. Silipin Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino

Habang klarong nilalahad ng mga opisyal na dokumentong rebolusyonaryo na ang orihinal na lilim ng asul na ginamit sa unang watawat ay azul oscura, na kung isasalin sa Filipino ay malabong bughaw o madilim, at kung ano ang eksaktong lilim na tinutukoy nito ang siya pa ring magiging paksa ng debate sa mga susunod na taon. Sumasang-ayon ngayon ang mga historiador na ang azul oscura na tinutukoy ay isang mas malalim na lilim kaysa sa sky blue, ngunit mas marahan naman sa navy blue.

Para pagpahingahin na ang kontrobersiya, ang kasalukuyang inuutos na lilim ay royal blue, ayon sa Aktong Pangrepublika Blg. 8491. Sa kasamaang palad, ang kilos na ito ay naglikha ng panibagong kontrobersiya sa pagitan ng mga historiador at politiko ukol sa kung maaaring gawin ito ng gobyerno na baguhin ang mga sagisag ng kasaysayan at orihinal na kahulugan ng mga ito para lang sa kaginhawaan ng lahat.

Ang watawat ng Pilipinas ay walang katulad , sapagka't maaari nitong ipakita ang isang kalagayan ng digmaan. Kapag ang watawat ay naka-baligtad at nasa ibabaw ang pula (o nasa kaliwa kung ito ay nakatanghal na patayo), ang ibig sabihin nito ay ang Pilipinas ay nasa nakasabak sa digmaan. Ito ay unang itinaas noong 4 Pebrero 1899, sa simula ng labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa mga taong 1899-1913.

Mga panlabas na link




#Article 170: Sagisag ng Republika ng Pilipinas (308 words)


Ang Sagisag ng Republika ng Pilipinas ay nagtataglay ng araw na mayroong walong sinag na sa bawat sinag ay isang lalawigan ang katumbas (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac) na pinasailalim sa  batas militar ng Gobernador-Heneral Ramon Blanco habang nagaganap ang Himagsikang Pilipino. Ang tatlong bituin na mayroong limang dulo ay sumisimbolo sa tatlong heograpikal na rehiyon ng Pilipinas (Luzon, Kabisayaan at Mindanao).

Nasa kanan ang bald eagle ng Amerika na napaliligiran ng kulay bughaw, sa kabilang dako naman ay napaliligiran ng pula ang leon ng Castile at Leon.

Ang paglalarawang ginagamit sa Sagisag na ito ay mula sa website ng Pamahalaan ng Pilipinas: 

Dalawang tutop ng kutamayang patindig na may kulay bughaw at pula; pinilakan ng tatlong bituing pariagwat at sa gitnang bahagi ay may habilog na pinilakan ng isang araw na may walong malalaki at maliliit na sinag. Sa ilalim ay may balumbong na nakasulat ang REPUBLIKA NG PILIPINAS.[1] 

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang mas pinapayak na salin ng kalasag ng Kaharian ng Espanya ang ginamit. Ang sagisag ng Maynila ay isinabatas din ni Haring Felipe II noong 1596. Makikitang ang mga Haligi ni Hercules o ang Orden ng Gintong Lana ay hindi laging ipinakikita o minsanan lang kung gamitin. 

Matapos  lagdaan ang 1898 Kasunduan ng Paris na tumapos sa Digmaang Amerikano-Espanyol, isinuko ng Espanya ang soberanya ng Pilipinas at ng iba pang mga kolonya sa Nagkakaisang Estado ng Amerika. Ang mga armas na susunod ay ginamit matapos ang sesyon, sa kapanahunan ng Komonwelt at sa pagdaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 

Ang mga sumusunod ay ginamit matapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Ang mga kalasag ay binanghay ni Kap. Galo B. Ocampo at ang dibuho ay halos walang ipinagbago mula pa noon. Ang mga pagbabago ay maliliit lang at karamihan ay dahil sa pulitikal at kalinangang pagsasaalang-alang.




#Article 171: Opisyal na wika (314 words)


Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.
 
Ang mga kinikilalang wikang minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal. Halimbawa, ang Wikang Ladino at Sardo (Sardinian) sa Italya at ang Wikang Mirandessa Portugal ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryo lamang, hindi mga wikang opisyal.

Kalahati ng mga bansa sa mundo ay may mga wikang opisyal. Ang ilan ay may iisang wikang opisyal lamang, tulad sa Albanya, France, o Lithuania, kahit na lahat ng mga bansang ito ay may mga katutubong wika ring ginagamit. Ang ilan ay may higit sa isang wikang opisyal, tulad sa Afghanistan, Belurus, Belgium, Bolivia, Canada, Eritrea, Finland, India, Paraguay, South Africa, at Switzerland.

Sa ilang mga bansa, tulad ng Iraq, Italya, Rusya at Espanya, mayroong isang wikang opisyal para sa buong bansa, subalit may mga ko-opisyal na wika rin sa mga importanteng rehiyon. Ang ilang mga bansa, tulad ng Australia, Alemanya, Luxembourg, Sweden, Tuvalu, at Estados Unidos ay wala ni isang wikang opisyal.

Ang mga wikang opisyal ng ilang mga dating kolonya, lalo na French o Ingles, ay hindi mga pambansang wika o ang wikang may pinakamaraming gumagamit sa mga dating kolonyang iyon.

Samantala, sanhi ng nasyonalismo, ang Gaeilge ang “pambansang wika” ng Republika ng Ireland at ito ang unang wikang opisyal, maski na ito ay ginagamit lamang ng maliit na bahagi ng populasyon. Ang Ingles, na ginagamit ng mayoriya, ay ang pangalawang wikang opisyal (Saligang Batas ng Ireland, Artikulo 8).




#Article 172: Mindanao (704 words)


Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog Pilipinas) ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.

Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng Maguindanao  Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.

Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika-17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.

Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na pamayanan. Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga Tausug, Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa mga mailap na Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag-ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.

Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-14 na dantaon sa bayan ng Simunul. Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika-15 at ika-16 na dantaon. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-17 dantaon, naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila. Sa panahong ito, maayos nang nakatatag ang Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa malalaking kapuluan ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol, gayundin sa dulong hilagang bahagi, tulad ng Maynila sa Kalusunan.

Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, labis silang nabagabag nang matagpuan nilang matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao, bilang katatapos lang mapaalis ang mga Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista. Sa katunayan, ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa Moors, na ibinigay sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanao. Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng Mindanao nang maabot niya ang dalampasigan nito. Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na Emperyong Romano (at I ng Espanya).

Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na malaki ang pulo ng Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang ang Netherlands, Austria, Portugal, Czech Republic, Hungary,  at Ireland. Ang pulo ay bulubundukin, at kung saan matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na dagat ang Mindanao: ang Dagat Sulu sa kanluran, Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas, Mindanao ang may pinakamalawig ang pagkakaiba-iba ng pisyograpikong katangian.

Ang pangkat ng pulo ng Mindanao ay sinasaklaw ang pulo ng Mindanao kasama ang Kapuluan ng Sulu sa timog kanluran. Ang pangkat ng mga pulo ay nahahati sa anim na rehiyon, na hinati pa sa 26 na lalawigan.

Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo. Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan, kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at mga Isla ng Sarangani.

Silipin din Mga Rehiyon ng Pilipinas, Mga Lalawigan ng Pilipinas, Luzon, at Visayas.




#Article 173: Kabisayaan (508 words)


Ang Visayas o Kabisayaan (sa Bisaya: Kabisay-an), tinagurian ding Gitnang Pilipinas, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.

Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar. Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga Bisaya.

Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at mga salaysay tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang tao sa rehiyon ay mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay maituturing na animista. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya, Majapahit at Brunei, na pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito. Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na Arabe at ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.

Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 17 mga probinsiya.

Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:

Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo ng Cebu,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros Oriental. Ang mga lalawigan nito ay:

Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo ng Leyte, Biliran, at Samar. Ang mga lalawigan nito ay:

Ang Kalakhan sa Bisayas o Metro sa Visayas ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Bisayas ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan pababa sa lunsod. 

Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong palatandaan at kalakalan.

May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung hepe (datu) na tumakas mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga totohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907.




#Article 174: Alemanya (434 words)


Ang Alemánya (: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasáma sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Dinamarka at ng Dagat Baltiko sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabago-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamataong kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.

Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.

Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany) na nakilala bílang Kanlurang Alemanya (Ingles: West Germany) at Demokratikong Republika ng Alemanya (internasyonal: German Democratic Republic) na nakilala naman bilang Silangang Alemanya (internasyunal: East Germany). Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.

Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.

Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát na kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Dinamarka at Austria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.

Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.

Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.

Labing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:




#Total Article count: 173
#Total Word count: 199991